You are on page 1of 16

Subject : ARALING PANLIPUNAN

Grade : 9
Quarter : 1st 2nd 3rd 4th
Type of Exam Summative Assessment Test
Quarterly Assessment Test
Subject Teacher/s : MS. LALAINE N. PREDICALA
MR. ROBERT S. CABAGUE
Date : Agosto 15-17, 2019

GUIDELINES
1) Masusing basahin ang mga panuto.
2) Huwag bubuksan ang booklet sa pagusulit hanggang di
sinasabi ng guro o tagapangasiwa ng pagsusulit.
3) Gumamit lamang ng Mongol® Pencil No. 2.
4) Ang booklet na ito at ang kasamang sagutang papel ay
kinakailangan ipasa ng magkahiwalay ayon sa
tagubilin ng guro pagkatapos ng pagsusulit.
Ang mga Katanungang 1 – 40 ay maramihang piliang pagsubok na ginawa
upang makita ang inyong kakayahang masusing mag-isip sa mga napag-
aralan sa asignatura. Basahing mabuti ang bawat tanong bago basahin
ang mga pagpipilian. Maging mapanuri na may tanong na aakalaing may
higit sa isa ang kasagutan ngunit tanging isa lamang ang tamang
sagot. Kapag nabatid na ang binibigyang turing ng tanong, hanapin
ang sagot sa mga pagpipilian at markahan ito sa sagutang papel.

ANG PAGSUSULIT AY MAGSISIMULA DITO.


1. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang
yaman tulad ng yamang likas, yamang tao at yamang kapital. Bakit
nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunang yaman ng bansa.
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala
sa mga pinagkukunang yaman.
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibinebenta sa pamilihan.
D. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang
katapusan
2. Ang ekonomiks ay isang agham ng pag-aaral na sumasaklaw sa ating
pang-araw-araw na buhay. Alin ang higit na naglalarawan sa agham ng
ekonomiks?
A. Limitadong pangangailangan at limitadong yaman.
B. Limitadong pangangailangan at masaganag yaman.
C. Walang katapusang pangangailangan at limitadong yaman.
D. Walang katapusang pangangailangan at masaganang yaman.
3. Ano ang dahilan ng walang pakundangan na paggamit ng mga
pinagkukunang yaman?
A. Pansariling interes ang umiiral sa mga tao.
B. Lahat ay nagnanais na mag-angkin ng maraming yaman ng bansa.
C. Dumarami ang mga pangangailangan ng tao na dapat matugunan.
D. Pakikipagkompetensiya sa kapwa tao na makagamit ng mga
pinagkukunang yaman
4. Sino ang responsible sa pagpapasya kung anong produkto at serbisyo
ang dapat na likhain sa ilalim ng command economy?
A. konsyumer C. pamilihan
B. pamahalaan D. prodyuser
5. Anong sistemang pang-ekonomiya na ang pagmamay-ari ng yaman at
produksiyon ng bansa ay nasa kamay ng pribadong sektor?
A. Kapitalismo C. Merkantilismo
B. Komunismo D. Sosyalismo
6. Ano ang tawag sa uri ng pagkonsumo na kung saan ginagamit ang isang
produkto upang makagawa ng iba pang produkto?
A. maaksaya C. produktibo
B. mapanganib D. tuwiran
7. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-
pansin ng pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa ____________________.
A. paglinang ng likas na yaman
B. paggamit ng mga produkto at serbisyo
C. paglikha ng mga produkto at serbisyo
D. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman
8. Paborito ni Charlita ang pritong manok. Habang dumarami ang kanyang
nakokonsumong produkto, ang kasiyahang kaniyang nakukuha ay
bumababa. Ito ay batay sa ________________________.
A. Law of diminishing marginal utility C. Law of harmony
B. Law of imitation D. Law of variety
9. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat
kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyonal na ekonomiya?
A. Wala, sapagkat ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula
sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang
hindi pinapakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong tulong sa pagsasagawa ang mga gawain at sa pakikinabang
sa mga pinagkukunang-yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol
pa rin sa ilang mga gawain.
10. Bakit sinasabing ang kakulangan ay pansamantalang kondisyon
lamang?
A. Dahil ito ay gawa ng tao lamang.
B. Dahil nagaganap ito tuwing may okasyon.
C. Dahil ito ay ginagamit lamang sa pag-aaral ng mga ekonomista.
D. Dahil marami namang tumutulong sa ating bansa upang
masolusyonan ito.
11. Aling salik ang nakaaapekto sa pangangailangan ang ipinakikita ng
pagkahilig ng mga mamamayan at makabagong tinedyer sa
sophisticated gadgets at personal na kagamitan?
A. Antas ng kita C. Paniniwala sa buhay
B. Antas ng edukasyon D. Panlasa ng tao ayon sa
gulang
12. Sa paanong paraan nakakatulong ang alokasyon sa ekonomiya?
A. Nasasagot ang mga problemang pang-ekonomiya.
B. Nabibigyan ng oportunidad ang mga mahihirap ng trabaho.
C. Naipapamahagi ang likas na yaman sa ibat-ibang pamamaraan.
D. Napaghahandaan ang mga suliranin na dumadating sa
mamamayan.
13. Ang pag-eendorso ng paggamit ng produktong Biogesic ng sikat na
artistang gaya ni John Llyod Cruz ay halimbawa ng __________________.
A. bandwagon C. fear
B. brand name D. testimonial
14. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan ng pagsusuri ng mamimili sa
kalakal na bibilhin?
A. kalidad ng kalakal C. kondisyon ng kalakal
B. kita ng mamimili D. presyo ng kalakal
15. Alin sa sumusunod na dahilan ang dapat isaalang-alang upang
makaiwas sa pagbili ng secondhand na gamit?
A. Wala itong garantiya.
B. Makatitipid ang mamimili.
C. Mas higit na mura ang halaga.
D. Matagal nang subok ang gamit.
16. Ang produksiyon ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alin
sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag nito?
A. Ang produksiyon ay proseso na nagbibigay-daan sa paglikha ng
hanapbuhay.
B. Sa produksiyon nagmumula ang mga produktong kailangang
ikonsumo sa pang-araw araw.
C. Ang kinita ng bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng mga
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
D. Ang pagkonsumo ang nagbibigay daan sa produksiyon ng produkto
at serbisyo, kaya masasabing mas mahalaga ang
produksyon kaysa sa pagkonsumo.
17. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang produkto
o serbisyo?
A. Kapag hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.
B. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan
nito
C. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawahan sa
buhay ng tao.
D. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang
mahirap na gawain.
18. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng katangian ng
pagiging matalinong mamimili?
A. SiSusan ay gumagamit ng “credit card” sa pagbili ng produkto.
B. Si Rommel na bumili ng sapatos na “imported” dahil naniniwalang
mas matibay ito.
C. Si Giro na sinusuri ang sangkap, kalidad, expiration date, at presyo
ng produktong bibilhin.
D. Si Nina na namili ng maraming produkto dahil nabalitaan niyang
tataas ang presyo nito sa mga susunod na araw.
19. Ang mga likas na yaman ng bansa ay pinagkukuhanan ng mga hilaw na
materyal na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon. Alin sa mga ito
ang hindi kabilang?
A. Malawak na kagubatan
B. Matabang lupang sakahan
C. Mamahaling mga mineral
D. May kasanayan na manggagawa
20. Nakasanayan na ni Mang Gusting na itapon na lamang kung saan-saan
ang pinagbalutan ng kanyang mga biniling produkto. Anong
responsibilidad ng mamimili ang kanyang hindi ginagampanan?
A. Pagkakaisa
B. Pagkilos at pagbabantay
C. Pangangalaga sa kapaligiran
D. Pagtangkilik sa sariling produkto
21. Basta na lamang bumili si Peter ng produkto nang walang pagsusuri,
pagkukumpara ng presyo o pamimili. Anong responsibilidad niya
bilang mamimili ang hindi niya ginawa?
A. Pagkakaisa
B. Pagkilos at pagbabantay
C. Pangangalaga sa kapaligiran
D. Pagtangkilik sa sariling produkto
22. Namalengke si Tintin. Nang bibili na siya ng kamatis, tinanong siya ng
ng tindera kung ilan ang bibilhin niya at sinabing bawal daw suriin ang
kamatis na bibilhin. Ano ang karapatan ni Tintin na nalabag sa
pagkakataong ito?
A. Karapatan sa pagpili
B. Karapatan sa tamang impormasyon
C. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran
D. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan
23. Ang kakapusan ay nangyayari kapag ang suplay na pinagkukunang
yaman ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng
ekonomiya. Alin sa sumusunod ang pangunahing palatandaan ng
kakapusan?
A. Pagtaas ng antas ng kahirapan
B. Pagtaas ng antas ng kriminalidad
C. Pagtaas ng bilang ng mga Overseas Filipino Worker
D. Pagtaas ng halaga ng utang panlabas ng pamahalaan
24. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks
kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga
suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na
nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang
mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng
kakapusan.
25. Maraming mga huwad na produkto ang nagkalat sa pamilihan. Paano
maiiwasan ang pagbili nito?
A. Bumili lang ng mga ineendorso ng mga artista.
B. Maging mapanuri, matalino, at alerting mamimili.
C. Maging tagapagtangkilik ng mga imported na produkto.
D. Bumili ng mga produktong ibinebenta sa kilalang department
store.
26. Ang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman. Nakilala ang ating bansa
na nagproprodyus ng mga produktong agrikultural lalo na sa bigas. Kung
gayon, bakit tayo nakararanas ng krisis sa bigas?
A. Dahil ibinibenta sa ibang bansa.
B. Dahil unti-unti nang nauubos ang tanim nito.
C. Dahil tamad nang magtanim ang mga magsasaka.
D. Dahil itinatago ng mga mapagsamantalang negosyante.
27. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, alin sa
sumusunod ang hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang
ito?
A. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang-yaman.
B. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano.
C. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang
pakikialam ng pamahalaan.
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang
pamahalaan sa ilang gawain.
28. Sinasabi ng maraming tao na ang mayaman ay lalong yumayaman at
ang mahirap ay lalong naghihirap sa ilalim ng sistemang kapitalismo.
Bakit maraming bansa at tao ang patuloy na tumatangkilik sa
kapitalismo?
A. Sapagkat mas maraming mayaman na tao.
B. Sapagkat nais nila ang kalayaan na tinatamasa.
C. Sapagkat may pagkakataon na magnegosyo ang tao.
D. Sapagkat hindi totoo ang pagtuligsa sa kapitalismo.
29. Dumaan ang isang malakas na bagyo na sumira sa mga pananim, ano
ang iisipin ng mga mamimili?
A. Iisipin nila na aayusin ang kanilang tirahan.
B. Iisipin nila na bababa ang presyo ng mga bilihin.
C. Iisipin nila na tataas ang presyo ng mga bilihin.
D. Iisipin nila na magtanim na lang ng sarili nilang gulay at palay.
30. Bakit nakakatulong ang pag-aanunsyo sa pagkonsumo ng isang
produkto?
A. Sapagkat ang produkto ay kailangan ng mga tao.
B. Sapagkat itoy nakakatulong sa paglago ng ekonomiya dahil sa kita
ng endorsement sa pag-aanunsyo.
C. Sapagkat nahihikayat nito ang mga tao na tangkilikin ang produkto
dahil sa mga impormasyon nito.
D. Sapagkat nakakatulong ito upang mapabatid sa lahat na mayroon
silang ganung produktong ibenebenta.
31. Lahat tayo ay mamimili sapagkat bawat isa ay bumibili ng mga
produkto at serbisyo na makatugon sa ating pangangailangan. Bakit
may umaabuso pa rin sa karapatan ng mga mamimili?
A. Dahil hindi lahat ay matalinong mamimili.
B. Dahil pinapayagan ng mga mamimili na gawin ito sa kanila.
C. Dahil kulang ang suporta ng mga samahan ng mga mamimili.
D. Dahil hindi naparurusahan ang mga nang-aabuso sa mamimili.
32. Ang mga mamimili ay kailangang maging mulat at alerto upang
____________________________.
A. makapamili ng maayos
B. malaman ang kanilang karapatan
C. masulit ang salaping ipambayad sa binili
D. maiwasang madaya at maloko ng mga tindera
33. Lahat ng tao, mahirap man o mayaman, bata man o matanda ay
itinuturing na konsyumer sapagkat?
A. Lahat ay may pera.
B. Lahat ay may pangangailangan.
C. Lahat ay kukukunsuno ng mga produkto at serbisyo.
D. Lahat ay may karapatan at pananagutan sa pamilihan.
34. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng
produksyon. Alin sa sumusunod ang salik ng produksiyon?
A. Entreprenyur, kapital, lupa, paggawa
B. Kita, presyo, upa, interes
C. Kapital, paggawa, upa, kita
D. Materyales, makinarya, produkto, lupa
35. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting epekto sa pag-
aanunsiyo ng isang produkto?
A. Bumili ng produkto sa murang halaga at may kalidad.
B. Bumili ng produkto dahil sa maganda ang patalastas.
C. Bumili ng produkto dahil ineendorso ng mga sikat na artista.
D. Bumili ng produkto dahil gusting gayahin ang nakita sa telebisyon.
36. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kakapusan sa ating bansa,
MALIBAN sa isa, alin ito?
A. Kahirapan
B. Bumaba ang bilang ng nahuhuling isda
C. Maaksayang paggamit ng likas na yaman
D. Limitado ang suplay ng langis sa merkado
37. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng pagkakaiba ng pangangailangan
sa kagustuhan?
A. Ito ay bunga ng layaw ng tao.
B. Nagbibigay ng kaluguran sa tao.
C. Ang mga tao ay patuloy na nabubuhay kahit wala ito.
D. Kapag ipinagkait, itoy magdudulot ng sakit o kamatayan.
38. Ang sumusunod ay maaaring maganap kung uunahin ang
pangangailangan kaysa kagustuhan, MALIBAN sa ________________.
A. magiging maayos ang pagbubudget ng pamilya
B. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at
pagkonsumo
C. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang yaman
sa lahat ng tao
D. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa
mga pinagkukunang yaman
39. Sinusupurtahan ng pamahalaan ang pagtatag ng mga kooperatiba
upang ____________________________.
A. makontrol ang negosyo ng mga miyembro
B. maiangat ang pamumuhay ng mga miyembro
C. magkamit ng malaking tubo ang mga miyembro
D. madiktahan sa pamamahala ang mga miyembro
40. Iayos ang herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow mula sa
pinakamababa hanggang sa pinamataas na antas nito.
a. Self-esteem
b. Self-actualization
c. Love/belonging
d. Safety needs
e. Physiological needs
A. e, d, c, a, b C. b, a, c, e, d
B. c, e, b, a, d D. b, a, d, e, c
41. Alin ang higit na tulong ng tamang pag-aanunsiyo at impormasyon sa
mga mamimili?
A. Nakababawas sa pagtitiwala ng mga konsyumer sa nasabing
produkto.
B. Nagugustuhan ng mabilis ng mga konsyumer ang produkto kahit
hindi pa nila nagagamit.
C. Nagkakaroon ng ideya ang mga mamimili tungkol sa kalidad, bias,
at husay ng binibiling produkto.
D. Nakakabisado ng mga mamimili ang jingle at mga iskrip sa
komersyal dahil sa paulit-ulit na pag-aanunsiyo.
42. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang matalinong mamimili?
A. Bumibili ng produkto na ginagamit ng mga kilalang tao.
B. Nagpapanic buying kapag nabalitaang tataas ang presyo ng bilihin.
C. Humahanap ng alternatibong produkto na makatutugon sa
pangangailangan.
D. Isinasantabi ang presyo ng produkto mabili lamang ito kahit
kapos sa budget.
43. Ang paggamit ng droga ay isang halimbawa ng mapanganib na
pagkonsumo. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng tuwirang
pagkonsumo?
A. Pag-inom ng alak
B. Pagkain ng tsokolate
C. Paggamit ng sigarilyo
D. Paggamit ng sinulid at tela sa paggawa ng damit.
44. Kapag ikaw ay may sapat na salapi para mamuhunan sa negosyo at
inalok ka ng kaibigan mo na magnegosyo, ano ang magiging desisyon
mo?
A. Hindi ako papaya kasi gusto kong ipunin ang salapi ko.
B. Papayag ako dahil nais kong maging isang entreprenyur.
C. Hindi ako papayag dahil ipambibili ko ng gamit ang salapi ko.
D. Papayag akong magnegosyo upang makatulong na magbigay ng
trabaho sa mga manggagawa.
45. Sa pagnenegosyo ay kinukuwenta ang mga gastusin sa paglikha ng
produkto. Kung ikaw ay isang negosyante, dapat ka bang tumanggap
ng sahod sa sarili mong negosyo?
A. Hindi, dahil ako na ang may-ari ng negosyo.
B. Oo, upang madagdagan ang gastos ng negosyo ko.
C. Hindi upang hindi na ako makadagdag sa gastusin ng aking
negosyo.
D. Oo, upang malaman ko kung kumikita ang aking negosyo matapos
makuwenta ang mga gastusin.
46. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Law of Imitation
na isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
A. Bumili si Tina ng lip tint dahil nakita niya si Joy na gumagamit nito.
B. Magluluto ng kare kare ang nanay ni Tina kaya bumili siya nang
bagoong.
C. Mas inunang bilhin ni Tina ang gamit sa paaralan kaysa manood ng
sine.
D. Bumili si Tina ng bagong pabango dahil sawa na siya sa amoy ng
pabango na kanyang ginagamit.
47. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga pangunahing katanungan
sa ekonomiks?
A. Gaano karami ang ipoprodyus?
B. Ano ang mga produktong ipoprodyus?
C. Bakit maraming ina ang namamalengke?
D. Kanino mapupunta ang mga produkto at serbisyo sa isang
ekonomiya?
48. Isang kahig, isang tuka: bare living standard:: secure and worry free:
__________________
A. Comfort standard C. Poverty standard
B. Decency standard D. Luxury standard
49. Ang sumusunod ay maituturing na aplikasyon ng ekonomiks,
MALIBAN sa:
A. Pagbabadyet ng isang ina sa tahanan.
B. Pagbabadyet ng isang estudyante sa kanyang oras.
C. Pagbabadyet ng isang estudyante sa kanyang baon.
D. Pagbabadyet ng isang manggagawa sa kanyang sahod.
50. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks MALIBAN
sa:
A. Nauunawaan ng isang indibidwal na ang bawat desisyon ay
nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa.
B. Natututunan ng bawat indibidwal ang mga pananaw at konsepto
kung bakit patuloy ang paghahanap ng trabaho at ng ikabubuhay.
C. Napapahalagahan ang pagganap ng isang indibidwal sa kanyang
tungkulin bilang mamamayan.
D. Nakapag- iisip ang isang indibidwal ng mga masusing paraan
upang mabilis nyang makonsumo ang mga yamang likas.

ANG PAGSUSULIT AY MAGTATAPOS DITO.


Checked by:

MR. ELMER N. MILAN


Coordinator of Studies
La Consolacion College of Daet, Inc.
Froilan Pimentel Avenue Daet, Camarines Norte

You might also like