You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
DIVISION OF BATANGAS
PADRE GARCIA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Padre Garcia, Batangas
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang kasagutan at itiman ang sagutan papel.

1. Makaranas ng mapayapa at maayos na buhay sa pamayanan.


A. Karapatan B. Moral C. Obligasyon D. Tungkulin

2. Magkaroon ng maayos na pamilya.


A. Karapatan B. Moral C. Obligasyon D. Tungkulin

3. Makapagtapos ng pag-aaral.
A. Karapatan B. Moral C. Obligasyon D. Tungkulin

4. Magpakita ng pagsunod sa batas ng bansa.


A. Karapatan B. Moral C. Obligasyon D. Tungkulin

5. Si Aiza ay galing sa tribo ng mga katutubong Mangyan. Lumipat sa Batangas ang kanilang pamilya sapagkat may magandang
trabaho na inialok sa kanyang ama dito. Pagpasok sa paaralan ay kaagad siyang pinagtawanan at kinutya ng kanyang mga bagong
kamag-aaral dahil sa kanyang pinaggalingan. Anong karapatan ni Aiza ang nalabag.
A. Anti- Discrimination Act
B. Karapatan sa pananampalataya.
C. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari
D. Right to freedom of thought and conscience.

6. Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng
Islamic State. Alin sa mga karapatan na nakatala sa ibaba ang naibigay ni Joshue para sa kanyang pamilya?
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa patas na proteksyon ng batas.
C. Kalayaan sa malayang paglipat ng ibang lugar upang manirahan.
D. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
Pamumuhay

7. Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninulbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya ng simple
gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon sa Social Security System,
naglalakad siya ng higit isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing). Alin sa mga
karapatan ni Aling Crystal ang hindi naibigay sa kanya?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang maghanap-buhay
C. Karapatan sa pribadong ari-arian.
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar.

8. Paano naging karapatan at tungkulin ang maagap na pagbabayad ng buwis?


A.Ang buwis ay perang panggugol ng pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa
kapakanan ng mga mamamayan.
B. Dahil ito ay ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may hanapbuhay at ari-arian sa bansa.
C.Wala sa nabanggit.
D. A at B.

9 . Alin ang nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?


A. Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
B. Sumasali si danilo sa mga sport na mapanganib tulad ng car racing.
C. Nagsimula ng Soup Kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.
D. Paborito ni Ana ang inihaw na laamng loob ng manok kaya laging ito ang kanyng miryenda.

10. Ano ang buod ng talata?


Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan
o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili
kung hindi ginagawa ng mga institustyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng batas.

A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.


B. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang kanyang sarili.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng kanyang tungkulin.
D. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kanyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin niya sa tao.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga na nagawa o naobserbahan na paglabag sa
karapatang pantao.
A. Kung ito ay nangyari sa anak, maaaring sumangguni sa guro sa paaralan dahil sila ay maaaring tumulong sa
pagpapaabot ng nasabing kaso sa mga kinauukulan

B. Maaaring dumulog sa Class adviser dahil siya naman ang magpapaalam nito Punungguro at sa Guidance Counselor
ng paaralan.

C. Kausapin at himukin ang nakaranas ng pang-aabuso at maaaring ipagbigay alam sa BSWD ng barangay

D. Ipagbigay alam sa MSWD ng bayan.


11. Paaralan

12. Barangay/ Pamayanan

13. Pamily

14. Lipunan/ Bansa

15. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa mga sumusunod ang
hindi nagpapakita ng tunay na diwa nito?
A. Protektahan ang mga mayayaman at may kapangyarihan.
B. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
C. Ingatan ang interes ng madami.
D. Itaguyod ang karapatang pantao.

16. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi umaayon sa pagsunod sa likas na batas moral.
A. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar.
B. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.
C. Paghikayat sa mga tao na magsimba tuwing araw ng linggo.
D. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pag-aalaga sa sarili.

17. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang tumutukoy sa likas na batas moral?
A. Isang ama na nagnakaw upang maibili ng pagkain ng pamilya.
B. Isang mag-aaral an pumapasok sa paaralan kahit na walang baon.
C. Magtitinda sa palengke na nandaraya ng timbang upang kumita ng malaki.
D. Pagbibigay ng gamot ng doktor sa isang pasyente kahit na hindi pa niya alam ang sakit nito.

18. Nakita mo ang isang mag-aaral sa inyong paaralan na pinagtatawanan at kinukutya ng ilan sa iyong mga kaklase.
Ano ang marapat mong gawin?
A. Pupuntahan ko sila at makikitawa kasama nila.
B. Hindi ko sila papansinin, hindi ko naman kilala ang batang kinukutya nila.
C. Lalapitan ko sila upang sawayin at ipaliwanag na mali ang kanilang ginagawa.
D. Tatawagin ko ang aming guro upang isumbong sila at pagsabihan sila sa mali nilang ginagawa.

19. May pagsusulit kayo ngunit hindi kayo nakapag-aral. Habang naghihintay sa inyong guro ay napagkaisahan ng ilan
sa iyong mga kaklase na magkodigo na lamang upang makapasa. Ano ang iyong gagawin sa ganitong sitwasyon.
A. Hahayaan ko na lamang sila at hindi makikisali sa kanila.
B. Kakausapin ko sila at sasabihin sa kanila na mali ang gagawin nila.
C. Makikisali ako sa kanilang gagawin dahil gusto ko ding maipasa ang aking pagsususlit.
D. Palihim kong kakausapin ang aming guro at sasabihin sa kanya ang plano nilang gawin.

20. Nakita mo ang ilang kamag-aaral mong lalaki na naninigarilyo sa loob ng palikuran habang oras ng recess.
Binantaan ka nila na huwag magsusumbong kung hindi ay aabangan ka nila sa labas pagkatapos ng klase. Ano ang
mainam mong gawin?
A. Babalewalain ang aking nakita dahil ayaw kong mapahamak.
B. Ikukwento ko sa aking iba pang kaklase ang aking nakita sa CR.
C. Kakaibiganin ko sila at pag-aaralan ko din ang ginagawa nila para maging cool
D. Pupunta ako sa aming gurong tagapayo at sasabihin sa kanya ang aking nakita at ang pagbabanta nila sa
akin.

Panuto: Buhat sa mga batas na nakatala sa ibaba, tukuyin kung ikaw ay sumasang-ayon o tumututol dito. Piliin ang
titik ng iyong kasagutan at itiman ito sa sagutan papel.

21. Dahil sa dumadami na bilang ng mga bata na naaabuso, ipinasa sa senado ang Violence Against Women and
Children Act of 2004 (RA 9262). Sa batas na ito ay nagpapataw ng ilang taong pagkakakulong sa sinumang may sala.
A. Sang-ayon B. Tumututol

22. Noong taong 1986 ay idineklara ng pangulo ng Pilipinas ang Martial Law sa buong bansa. Sa batas na ito ay
binibigyang kapangyarihan ang pangulo upang maging sentro ng pagkontrol sa mga galaw ng bawat tao sa bansa,
A. Sang-ayon B. Tumututol

23. Bilang pagtugon sa karapatan ng bawat tao, ayon sa Artikulo 23 ng Universal Declaration of Human Rights , Ang
bawat tao ay may karapatan na maghanapbuhay sa makatarungan at kanais-nais na kalagayan.
A. Sang-ayon B. Tumututol

24. Ang tao ay gumagawa ng paraan upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kanyang
pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
A. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
B. Hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C. Likas sa tao na unahing tugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan.
D. Masmahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
25. Saan nakikita ang kahalagahan ng tunay na paggawa?
A. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
B. Sa proseso ng pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
C. Sa katotohanan na ang gumagawa o lumilikha ng produkto ay tao.
D. Sa haba ng panahon na ginugol upang mailka ang isang produkto.

26. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kanyang
kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugan na:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
B. Kailangang kasama sa layuninng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapwa.
C. Kailangan ng tao na makahanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kanyang kapwa.
D. Kinakailangang isaalang- alang ng tao ang kanyang kapwa sa kanyang paggawa, kung ito ba ay makakatulong sa
pag-unlad ng isa’t- isa.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang sitwasyon na nagpapakita ng paggawa sa pamilya, paaralan at pamayanan.

A. Palaging tumutulong si Ian sa paglilinis ng kapaligiran sa kanilang paaralan lalo na kapag may Clean Up Drive.
B. Inuna ni Yujin ang pagsunod sa iniuutos ng kanyang nanay bago ang paglalaro ng online games.
C. Kahit hindi malaki ang kinikita ni Mang Kanor bilang janitor sa ay ibinibigay pa din niya ng buong sigla ang lahat ng
makakaya niya para sa paggampan sa kanyang trabaho.
D. Bagamat pagod na sa trabaho si Leila bilang nurse ng isang ospital ay sinisikap pa rin niya na maalagaan ang
kaniyang mga pasyente sa abot ng kaniyang makakaya.

27. Pamilya
28. Paaralan
29. Pamayanan
30. Pamayanan

31. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa,


A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
C. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
D. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawana may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa.

32. Si Mang Joel ay isang karpintero, nakilala na siya sa kanilang lugar dahil sa kanyang polidong trabaho. Hindi
lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi kung paano
masmapapatibay at mapapaganda ang paggawa ng isang bahay. Alin ang nagpapatunay na si Mang Joel ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa paggawa?
A. Nakilala siya sa kanilang lugar na polidong magtrabaho.
B. Umaasa at gumagaya siya sa desinyo ng mga popersyonal.
C. Tumatanggap siya ng mga kontrata kahit alam niya na hindi na niya ito magagawa.
D. Nagbibigay siya ng mungkahi kung paano masmapapatibay at mapapaganda ang mga disenyong bahay.

33. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay kanyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong
mahapon na pagtatapos ng kanyang obra. Gumagawa siya ng mga orihinal na obra maestra at hindi umaasa sa gawa
ng mga sikat na pintor. Alin ang nagpapatunay na si Henry ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa paggawa?
A. Ang kanyang panahon ay inilalaan niya sa pagpipinta.
B. Nagkukulong siya sa kanyang silid upang matapos ang kanyang obra.
C. Nagpipinta siya ng mga orihinal na obra at hindi umaasa sa gawa ng mga sikat na pintor.
D. Ginagaya niya ang obra maestra ng mga hindi sikat na pintor at inaangkin na kanya itong sariling gawa.

34. Si Renato ay isang kabataan na namulat na sa kahirapan. Siya ay nangongolekta ng mga basura upang may
maibili ng kanyang kailangan sa pag-aaral. Umaasa lamang siya sa mga barya na ibinibigay ng kanyang mga
kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos. Alin ang nagpapatunay na si Renato
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa paggawa?
A. Si Renato ay isang kabataan na namulat na sa kahirapan.
B. Siya ay nangongolekta ng mga basura upang may maibili ng kanyang kailangan sa pag-aaral.
C. Umaasa lamang siya sa mga barya na ibinibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa
paaralan dahil gusto niyang makatapos.
D. Lahat ng nabanggit mula sa A hanggang C ay nagpapatunay na si Renato ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa paggawa.

35. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng
kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil may naiwan silang malaking utang na hindi na nabayaran. Bilang kapalit,
si Anthony ay kailangang magtrabaho rito. Ang sitwasyon ba ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa paggawa upang
maiangat ang antas ng kultural at moral ng lipunan?
A. Hindi, dahil hindi naman ginusto ni Anthony na magtrabaho pabrika.
B. Oo, dahil sa murang edad ay matututunan na niya ang magtrabaho at magagamit niya ito sa hinaharap.
C. OO, sapagkat kailangan niyang magtrabaho upang mabayaran ang utang ng kanyang mga magulang sa lugar
na iyon.
D. Hindi, sapagkat kaya lamang naroon si Anthony para magtrabaho ay upang mabayaran ang utang ng kanyang mga
magulang.
36. Si Romeo ay nag-e-export ng mga produkto subalit ito ay galing mula sa ibang bansa. Masmaliit kasi ang puhunan
niya dito ngunit malaki ang kanyang kinikita. Alin sa mga pahayag ang nagpatunay na si Romeo ay hindi nagpapakita
ng pagpapahalaga sa paggawa upang maiangat ang antas ng kultural at moral ng lipunan?
A. Maspinipili niyang bumili ng mga produkto na gawa sa sariling bansa.
B. Si Romeo ay nag-e-export ng mga produkto subalit ito ay galing mula sa ibang bansa.
C. Masmaliit kasi ang puhunan ni Romeo sa mga produktong galing sa ibang bansa ngunit malaki ang kanyang
kinikita.
D. Upang malaki ang kitain ni Romeo sa kanyang negosyo ay tinutulungan niya ang mga manggagawang lokal at dito
siya bumibili.

37. Si Antonio ay gumagawa ng mga produkto na yari sa rattan at buli at nilalapatan niya ito ng modernong desenyo. Nagpupunta
siya sa mga kababayan na nasa bundok ubang bilhin ang rattan na ginagamit niya sa kanyang mga produkto. Binibigyan niya ng
sapat at pagkaminsan ay labis pa sa halaga ang mga nabibili niya mula sa mga ito upang makatulong din sa kanyang kapwa. Aling
pahayag ang nagpapatunay na si Antonio ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa paggawaupang maiangat ang antas ng kultural at
moral ng lipunan?
A. Si Antonio ay gumagawa ng mga produkto na yari sa rattan at buli at nilalapatan niya ito ng modernong desenyo.
B. Nagpupunta siya sa mga kababayan na nasa bundok ubang bilhin ang rattan na ginagamit niya sa kanyang mga produkto.
C. Binibigyan niya ng sapat at pagkaminsan ay labis pa sa halaga ang mga nabibili niya mula sa mga ito upang makatulong din
sa kanyang kapwa.
D. Lahat nang nabanggit na sitwasyon mula sa A hanggang C ay nagpapatunay na si Antonio ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
paggawaupang maiangat ang antas ng kultural at moral ng lipunan.

38. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong upang matiyak ang katagumpayan ng planong makapaglingkod.
A. Huwag pumayag na malamangan ka ng iba pagdating sa kakayahang maglingkod.
B. Huwag hayaang lumaki pa ang mg suliraning panlipunan bago pa ito matugunan.
C. Huwag mag-alinlangan na tanungin ang pangangailangan ng pamayanan na paglilingkuran.
D. Huwag nang pansinin ang mga tao na nagbibigay ng negatibong komento sa nais mong gawin para sa kapakanan
ng pamayanan.

39. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabutihan ang naidudulot ng paglilingkod o bolunterismo sa isang indibidwal?
A. Pagkakaroon ng kasiyahan
B. Pagkakataon para sa personal na paglago
C. Pagiging tanyag at makapangyarihan sa lugar
D. Pakikibahagi at pamumuno sa pagpapaunlad ng lipunan.

40. Ang bolunterismo ay gawaing hindi nangangailangan ng komplikadong kakayahan. Alin sa mga sumusunod na
katangian ang piankahuling kailangan?
A. Pusong may pagmamahal sa kapwa.
B. Pagiging malikhain, matalino at mapanuri
C. Kagustuhang makapaglingkod sa pamayanan
D. Pagtugon sa lubhang pangangailangan ng mga mamamayan

41. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?


A. Upang maipakita ng diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
B. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
C. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
D. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

42. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?


A. Mashigit na kinikilala ang sariling gawa
B. Nagkakaroon ang taong nakikibahagi ng personal na pag-unlad.
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa ibang tao.

43. Alin sa mga sumusunod ang benepisyo ng bolunterismo?


A. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
B. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
C. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa ibang tao.
D. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.

44. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang
gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
A. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang hinihintay na kapalit.
B. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
C. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
D. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibong kasapi nito at ginagawaniya ito bilang pampalipas oras.

45. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang baranggay dahil kailangan niyang alagaan ang kanyang bunsong kapatid na
may sakit, ngunit nagbigay nman siya ng mga gamit panlinis. Ang ginawa ni Rico ay maituturing pa din na uri ng pakikilahok at
bolunterismo para sa kabutihang panlahat at bilang obligasyong likas.
A. Oo, dahil nagpadala naman siya ng mga gamit na kinakailangan para sa paglilinis.
B. Oo, sapagkat kaya hindi siya nakapaglinis ay kailangan niyang alagaan ang kanyang kapatid na may sakit.
C. Hindi, dahil hindi siya pumunta ng personal sa lugar na paglilinisan kahit pa nagpadala siya ng mga gamit panlinis.
D. Ang sagot na A at B ay nagpapatunay na ipinakita pa din ni Rico ang kanyang kagustuhan na makatulong sa paglilinis.

46. Tuwing sabado at linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakakapag-aral sa kanilang lugar upang
matutong bumasa at sumulat. Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay na si Karen ay nagpapakita ng pagpapahalaga
sa bolunterismo.
A. Tinuturuan ni Karen ang mga bata na bumasa at sumulat nang walang hinihinging kabayaran.
B. Tuwing sabado at linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakakapag-aral sa kanilang lugar.
C. Sumisingil siya ng kabayaran buhat sa pagtuturo na ginagawa niya tuwing sabado at linggo bilang pandagdag
gastusin niya.
D. Ang sagot sa A at B ay ang mga pahayag na nagpapakita na si Karen ay may pagpapahalaga sa bolunterismo.

47. Si Jerick ay pumupunta sa bahay- ampunan ng mga bata upang tumulong sa pag-aalaga dito tuwing bakasyon.
Nagkokolekta din siya ng mga lumang damit at laruan buhat sa mga kaibigan niya upang maibigay sa mga bata sa
ampunan. Tinuturuan din niya ang mga bata dito upang matutung magbasa at magsulat. Alin sa mga pahayag ang
nagpapatunay na nagpapakita si Jerick ng pagpapahalaga sa pakikilahok at bolunterismo?
A. Tinuturuan din niya ang mga bata dito upang matutung magbasa at magsulat.
B. Si Jerick ay pumupunta sa bahay- ampunan ng mga bata upang tumulong sa pag-aalaga dito tuwing bakasyon.
C. Nagkokolekta din siya ng mga lumang damit at laruan buhat sa mga kaibigan niya upang maibigay sa mga bata sa
ampunan.
D. Lahat nang nabanggit sa pagpipilian ay tama.

48. Tuwing eleksyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti na karapatdapat na mamuno. Hindi siya
pumapayag na bilhin ang boto niya. Sinisiguro niya na hindi masasayang ang kanyang boto sa pamamagitan ng
maagang pagpunta sa lugar ng botohan. Alin sa mga pahayag ang maituturing na uri ng pakikilahok at bolunterismo
para sa kabutihang panlahat at bilang obligasyong likas?
A. Hindi siya pumapayag na bilhin ang boto niya.
B. Tuwing eleksyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti na karapatdapat na mamuno.
C. Sinisiguro niya na hindi masasayang ang kanyang boto sa pamamagitan ng maagang pagpunta sa lugar ng
botohan.
D. Lahat nang nabanggit na sitwasyon sa itaas ay tama.

49. Sumasali si Darlyn sa paglilinis ng paligid ng kanilang baranggay dahil nais niyang makiisa sa layunin nito na
mapanatili ang kalinisan at kalusugan sa kanilang komunidad. Tinuturuan niya ang kanyang mga nakababatang
kapatid at mga pinsan na magtapon ng basura sa tamang tapunan. Alin sa mga pahayag ang maituturing na uri ng
pakikilahok at bolunterismo para sa kabutihang panlahat at bilang obligasyong likas?
A. Sumasali si Darlyn sa paglilinis ng paligid ng kanilang baranggay.
B. Nais niyang makiisa sa layunin nito na mapanatili ang kalinisan at kalusugan sa kanilang komunidad.
C. Tinuturuan niya ang kanyang mga nakababatang kapatid at mga pinsan na magtapon ng basura sa tamang
tapunan.
D. Lahat nang nabanggit ay tama.

50. Si Marilyn ay isang responsableng mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang nakikitang ginagawa niya?
A. Siya ay nagbabahagi ng kanyang mga kasanayan.
B. Siya ay nagkukusang makilahok sa mga proyekto ng baranggay.
C. Siya ay mapanuri sa mga isyu at ipinagpapaliban ang kanyang pasyang kumilos.
D. Siya ay nagsasabing tutugon sa panganagilangan ng lipunan kahit hindi pa siya handa.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

SUZETTE M. PALENCIA MENA O. DIMACULANGAN


Guro- EsP 9 Ulongguro I

Address: Poblacion, Padre Garcia, Batangas


Landline: (043) 741-3860
E-mail Address: 301129@deped.gov.ph

You might also like