You are on page 1of 32

9

Ikalawang Markahan – Modyul 2:


Tungkulin Bilang
Obligasyong Moral
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Tungkulin Bilang Obligasyong Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Zara Jean T. Tanglao


Editor : Carmelita De Guzman
Tagasuri : Joyce Villavicencio
Tagaguhit : Zara Jean T. Tanglao
Tagalapat : Melissa M. Santiago
Mga Tagapamahala :

Norma P. Esteban, EdD,CESO IV


Leonardo C. Canlas, EdD, CESE
Fatima M. Punongbayan
Arnelia R. Trajano, PhD
Salvador B. Lozano
Nora C. Lising, PhD

Inilimbag sa Department of Education, Schools Division of City Of Malolos


Office Address: Mc Arthur Highway, Bulihan, City of Malolos, Bulacan
Telefax:
Email Address: (044) 812-2006 and (044) 812-2007
9

Ikalawang Markahan – Modyul 2:


Tungkulin Bilang
Obligasyong Moral
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao
9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Tungkulin
Bilang Obligasyong Moral

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol Tungkulin Bilang Obligasyong Moral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon a dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksiyon
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksiyong to, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan


o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang gawain na


magpapaunlad ng iyong kaalaman tungkol sa paksang “Tungkulin Bilang
Obligasyong Moral”. Ito rin ay makatutulong sa iyo upang higit na mapaunlad
ang kakayahan ng tao na kung saan ito ay may kaakibat ng karapatan ay
may tungkulin na dapat gamitin upang mapalago, mapagyaman at
mapaganda ang sarili, kapwa, kababayang Pilipino, kapaligiran at ang buong
mundo.
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa ayon sa Most Essential
Learning Competencies.

1. Nabibigyan ng malalim na pagkakahulugan ang salitang tungkulin bilang


isang obligasyong moral.
2. Natutukoy ang mga tungkulin na kaakibat ng mga karapatan bilang isang
pananagutan o gampanin ng isang tao.
3. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan
kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain,
gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay – pantay ng dignidad ng
lahat ng tao (EsP9TT-IIb-5.3)

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang


pangungusap ay nagpapahayag karapatan o tungkulin. Isulat ang KR kung
Karapatan at TK kung Tungkulin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Itala
ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

_______1. Pagsunod sa mga alintuntunin sa komunidad o pamayanang ating


kinabibilangan.

_______2. Pagsamba at malayang pagpapahayag ng pananampalataya

_______3. Pagpapayabong o pagpapaunlad ng mga kakayahan at talentong


bigay sa atin ng Diyos.

_______4. Pag – aaruga at pagmamahal ng mga magulang sa mga anak.

_______5. Patas na proteksyon ng batas laban sa mga paglabag sa pagkatao


ng isang indibidwal.

_______6. Malayang pagpapahayag ng opinyon o kuro – kuro at impormasyon

_______7. Pagpasok sa paaralan upang matuto

_______8. Pagsasaalang – alang sa pribadong espasyo ng kapwa

_______9. Pag – aari ng mga pribadong ari – arian

_______10. Pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto

2
Aralin Tungkulin Bilang
1 Obligasyong Moral
Sa modyul na ito, iyong mauunawaan na ang kakayahan ng tao ay
biyaya ng Diyos at ito ay karapat dapat lamang gamitin at palaguin ang
kaniyang pagkatao – ang kakayahang ito ay nagpapatunay na siya ang may
angking dignidad at kaakibat na tungkulin upang mapalago, mapagyaman,
maiayos ang sarili, kapwa, ang bansa at ang buong mundo.
Sa modyul na ito, mauunawaang higit na ang bawat karapatan ay may
kaakibat na tungkulin na isang obligasyong moral. At masasagot ang mga
katanungang:

1. Bakit moral na gawain ang pagganap ng tungkulin?


2. Paano maisasagawa ang pagganap ng tungkulin?
3. Paano nagkakaroon ng tunay na kabuluhan ang paggawa at
pagganap sa tungkulin?

Balikan

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Ang karapatan ay isang


kapangyarihang moral na kung saan
kaakibat nito ang obligasyon sa kaniyang
kapwa na igalang ito. Ito ay hindi
maaaring puwersahin ng tao ang
kaniyang kapwa na ibigay sa kanya nang
sapilitan dahil ito ay pangangailangan sa
buhay ng isa’t isa. Ito ay isang
kapangyarihang moral na kung saan may
iba’t ibang uri ng karapatan tayong pinapahalagahan upang maiayos natin
ang pakikipag – ugnayan sa isa’t isa.
Ilan sa mga karapatang ito ay tinatawag na karapatang di maaalis o
inalienable rights. Ito ay karapatang mabuhay, magkaroon ng mga ari – arian,
mag – asawa, maging malaya, sumamba at maghanapbuhay na naaayon kay
Santo Tomas de Aquino (1989).

3
Ang mga karapatang ito ay kinikilala at tinatangi bilang pagkilala sa
dignidad ng tao at ito ay patas at hindi maiaalis sa bawat kasapi ng
sangkatauhan.

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at tukuyin kung anong paglabag
sa karapatang pantao ang nilabag ng bawat pahayag. Piliin sa loob ng kahon
ang sagot sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang pumunta sa ibang lugar
c. Karapatan sa pribadong ari – arian
d. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
e. Karapatang magpakasal
f. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay

____1. Noong panahon ng pandemya, tumaas ang porsyento ng mga


kabataang naabuso sa loob ng kanilang mga tahanan.
____2. Pinagbabawalan ang mga OFWs at mga mamamayan sa programa ng
Balik Probinsya Program na bumalik sa kanilang mga tinitirhang
probinsya dahil sa takot na mahawaan sila nito kahit sapat na ang
kinakailangan test at quarantine measures na naganap.
____3. Pagbibigay ng mahihirap o mabibigat na trabaho sa mga bata.
____4. Pagpapatigil pasada sa mga jeepney drivers.
____5. Pagsunog ng mga lugar sambahan dahil sa terorismo.
____6. Extrajudicial killings
____7. Pag – iwas sa pagbibigay ng karampatang benepisyo sa matagal at
matatandang manggagawa.
____8. Pagtanggi sa pagtanggap sa mga mamamayang nakaranas ng
matinding sigalot o sakuna tulad ng giyera o bagyo.
____9. Pagpapatigil sa mga nurses magtrabaho abroad matapos nitong
magsilbi sa bansa ng ilang taon.
____10. Pagtanggi o pagbabawal sa pag – iisang dibdib ng mga
mag – asawang may ibang lahi or race.

4
Mga Tala para sa Guro

1. Ang modyul na ito ay makatutulong upang mapalalim ang


kaalaman sa tungkulin ng bawat mamamayan sa kaniyang sarili,
lipunan, sa bansa at sa mundo.
2. Hayaan ang mga mag-aaral na matutunan at maunawaan ang
mga aralin sa modyul na ito sa pamamagitan ng maliwanag at
wastong impormasyon na kanilang matutunan at kanilang
magagamit sa pang- araw-araw na pamumuhay.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang seleksyon at alamin ang aral na ipinahihiwatig nito


bilang isang mapanagutang mamamayan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Viral Frontliner

Hindi nagdalawang – isip ang nurse na si


Lorraine Pingol na tulungan ang isang inang
nanganganak sa kalsada sa Brgy. Bangkal, Makati
City. Bagamat late na sa kanyang trabaho ay agad
itong humangos sa pagtulong upang ligtas na
maipanganak ng ina ang kanyang munting anghel,
gayon na rin ang kaligtasan nito.

Isa itong malaking pagsubok sa kanya dahil


siyam na taon na ang nakakalipas mula noong siya
ay tumulong sa pagpapaanak ng mga sanggol
ngunit ang kaniyang nakaraang eksperensiya ang nagdulot sa kanya upang
matulungan ng buong husay at masagip ang buhay ng mag – ina. Lubos ang
pasasalamat ng barangay sa kanya maging na rin ng mag – ina sa kabutihang
idinulot nito sa kanilang buhay.

5
Pamprosesong Tanong

1. Karapatan ni Nurse Lorraine na tumanggi sa tawag ng barangay sa kanya


ngunit ano kayang damdamin ang namayani sa kanya sa sitwasyong ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa tingin mo, bilang isang millennial na humanga sa viral story na ito, ano
ang damdamin ang naramdaman ni Nurse Lorraine, ng mag – ina at mga
rescuers ng barangay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin
Tungkulin Bilang Obligasyong Moral

Paano ba natin maisasagawa ang pagganap ng ating mga tungkulin?


Paano at kailan nagkakaroon ng tunay na kabuluhan ang paggawa at
pagganap ng tungkulin?
At bakit natin nasasabi na moral na gawain ang pagganap ng
tungkulin?
Kaalinsabay ng karapatang ating tinataglay ay ang mga tungkulin na
dapat natin tupdin. Ang pagganap ng mga ito sa abot ng ating makakaya ay
magpapaganap sa atin bilang isang indibidwal na mapanagutan.

Sinasabing ang karapatan ay


isang kapangyarihang moral, kung
saan hindi maaaring puwersahin ng
tao ang kaniyang kapwa na ibigay ito
sa kanya ng sapilitan o puwersahin
ang mga bagay na kailangan ng tao
sa buhay. Sa kabilang dako, ang
tungkulin ay isang obligasyong
moral dahil ito ay kaakibat sa
malayang kilos – loob ng tao na
tanging ang isang indibidwal lamang
ang nagiging tagapagpaganap nito.
Ito rin ang mga bagay na inaasahang
magagawa o naisasagawa ng isang

6
indibidwal. Ang pagkakaroon ng maaayos o kasiya – siyang pagganap ng
tungkulin sa kapwa ay nagdudulot ng kaligayahan at kaganapan ng isang
indibidwal kung sino at ano siya bilang tao sa mundo. Ngunit ang hindi
pagtupad o pagtalikod sa tawag ng tungkulin ay pagsalungat sa obligasyong
moral na siyang may malaking epekto sa sarili at sa ugnayan.
Ang karapatan at tungkulin ay mga natatanging kapangyarihan at
obligasyong moral na sadyang likas sa tao upang maabot ang kaniyang
kaganapan na itinakda ng kanyang kalikasan bilang isang tao. Nararapat din
tandaan na ang karapatan lalo at higit sa pagganap ng tungkulin ay hindi
lamang nag – uugat sa dignidad ng bawat isa kundi ito dapat ay natural o
likas na pagbibigay ng halaga sa dignidad ng bawat indibiwal na parte ng
pamayanan, lipunan, bansa at ng buong mundo. Ito ay higit na magiging
makabuluhan kung may pagganap sa mga ito at gayon na rin sa pag – unawa
sa mga karapatang ating tinataglay. At katulad sa nagdaang aralin, anumang
paglabag sa karapatan ay tungkulin din nga bigyan ng pansin ito at
mapaglaban.
Sa kabilang banda, isang malaking aspeto rin sa pagtupad o pagganap
ng tungkulin ay ang paglinang at paghubog ng sarili upang magkaroon ng
katuparan ang pagganap nito sa pamahalaan, pamayanan o sa lipunan
kinabibilangan ng tao. Subalit, isa pang pagsubok ang paghubog ng
tungkulin kung ang mismong institusyon o lipunang kanyang kinabibilangan
ay may kakulangan sa pagganap at pagtupad ng mga tungkulin na siya
namang nakapaloob sa batas ng lipunan. Halimbawa, noong panahon ng
pandemya ay nagtalaga ang pamahalaan
ng isang task force na mangunguna sa
pagpapatupad ng mga alituntunin na
dapat sundin ng tao upang masugpo ang
Covid 19 sa bansa. Isa sa mga alituntuning
ito ay ang pagsusuot ng face mask at ang
hindi paglabas ng bahay sa walang
malalim na dahilan. Sa ganitong
sitwasyon, ang pagganap ng tungkulin ay
ang pagsunod at pakikipagtulungan ng
Figure 1. https://www.ippc.int/en/covid-19/ mamamayan sa pamayanan upang
makamit ang tunguhin na gusto bawat isa sa pamayanan.

7
Mga Tungkulin
Noong nakaraang aralin, ating natutunan ang anim na uri ng
karapatang hindi maaalis (inalienable) na ayon kay Santo Tomas de Aquino
(Quito,1989) ay higit na mataas sa kultura at batas ng gobyerno. At kaakibat
ng bawat karapatan na ito ay ang mga tungkulin.

1. Karapatan sa Buhay.
Tungkulin natin bilang isang tao na pangalagaan ang pangangatawan
at ang kalusugan. Anumang gawain o bagay nagbibigay panganib sa
pangangatawan at kaluluwa ay dapat nating iwasan o iwaksi sa sistema.
Bukod dito, nararapat din na ating paunlarin ang ating kakayahan, talento
at ang moral na aspeto ng ating pagkatao.

2. Karapatan sa pribadong ari – arian


Tungkulin natin na palaguin at pangalagaan ang anumang gamit o pag
– aari na mayroon tayo. Kaakibat ng pagpapalago nito ay ang gamitin ito sa
pagtulong sa ating kapwa at upang mapaunlad ang pamayanang ating
kinabibilangan.

3. Karapatang Magpakasal
Tungkulin ng bawat miyembro na pangalagaan at patatagin ang
relasyon ng pamilya upang makamit ang layunin nito, higit na
kapakipakinabang kung ang bawat isa ay nakasuporta sa pagganap nito.

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar


Tungkulin natin sa pagganap nito ang kilalanin at igalang ang
limitasyon o ang pribadong boundary at ang kalayaan ng ating kapwa.

5. Karapatang Sumama o ipahayag ang pananampalataya


Kahit magkakaiba ang bawat relihiyon, tungkulin natin igalang ito,
gayon na rin ang mga pamamaraan at ang kanilang paniniwala. Kabilang na
rin dito ang pag – iwas sa stereotyping na nagdudulot ng gusot o gulo sa bawat
mananampalataya.

8
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
Tungkulin ng bawat empleyado na maging matapat sa hanapbuhay
gayon na rin ang patuloy na pagsusumikap na magpunyagi at magpakita ng
kagalingan sa pagganap ng gawain.

Samaktuwid, nangangailangan ng kalayaan, katarungan at


kapayapaan upang higit ang pagkilala sa karapatan at tungkulin upang ang
bawat tao sa pamayanan at lipunang kinabibilangan nito ay magkaroon ng
pantay – pantay na pagtingin. Ang bawat tao rin ay nararapat na magbigay
ng patas na pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin upang makamit
ng bawat tao ang kanyang kaganapan, gayon na rin ang pagkakapantay –
pantay ng dignidad ng lahat ng tao. Ang pagtupad ng mga ito ang siyang
nagpapanatili ng pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakabuo ng batayang
moral ng bawat indibidwal.

Anu – anong mga tungkulin ang iyong nagawa upang makamit mo ang
pagkakapantay – pantay ng bawat tao? Nakaramdam ka ba ng pagiging
patas sa pagkamit ng pagkakapantay – pantay ng dignidad ng tao?

Kabalikat ng pag – angat ng bawat pamayanan o ng lipunan na ating


kinabibilangan ay ang malaking hamon sa pagganap, pagtupad at pagkilala
sa ating mga tungkulin at karapatan na ating tinataglay. Kaya kaalinsabay
ng paglago at pag – angat ay ang siya namang pagpapatibay ng mga
tungkulin. Ito ang dahilan ng papakabuo ng Universal Declaration of Human
Responsibilities noong 1997 kasabay ng ika – 50 anibersaryo ng pagkatatag
ng Universal Declaration of Human Rights ng United Nations noong 1948 – ang
dalawang pahayag na ito ay umaakma upang mapagtibay at matamo ang
kaganapan at pagkakapantay – pantay ang dignidad ng lahat ng tao sa
mundo.

Ang Universal Declaration of Human Responsibilities (1997) ay may


labing-siyam (19) na prinsipyo, narito ang unang apat na prinsipyo na
nakaloob sa Fundamental Principles for Humanity.

9
Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan

Artikulo 1
Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon
sa mga isyung political, edad, wika, nasyonalidad o relihiyon ay may
tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.

Artikulo 2
Walang dapat taong sumusuporta sa anumang uri ng hindi makataong
asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan
ang dignidad at tiwala sa sarili ng kapwa.

Artikulo 3
Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, hukbong sandatahan o
pulisya ang dapat mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat sundin
ang pamantayang moral. Bawat isa ay tungkuling itaguyod ang mabuti at
iwasan ang masama sa lahat ng bagay.

Artikulo 4
Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensya, ay dapat tanggapin
ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi,
bayan at relihiyon nang may pagkakaisa: Huwag mong gawin sa iba ang ayaw
mong gawin sa iyo.

Dahil ang bawat karapatan ay may di naiaalis na tungkulin bilang


obligasyong moral, magkakaroon lamang ito ng kaganapan kung ang lahat
ng indibidwal ay may respeto sa obligasyong ito. Anumang ang isang
partikular na pagpapahalaga ng isang lipunan at ugnayan ng tao sa buong
mundo ay palaging umiiral ang parehong karapatan at tungkulin. Palaging
tandaan, na matutugunan lamang ang kaganapan ng tungkulin kung
bibigyang halaga ang bawat isa at magiging mapanagutan sa pagganap sa
mga obligasyong ito. Hindi man madali ang pagganap ng mga tungkulin at
masalimuot ang pagtamo nito lalo na sa lipunan na ating kinabibilangan, ang
mahalaga ay patuloy natin pinauunlad ang mga kaloob ng Diyos sa atin sa
pamamagitan ng kakayahang maging mapanagutan upang makamit natin
ang pagkakapantay – pantay ng dignidad ng bawat isa.

10
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Itiman ang
hugis kung tama at lagyan ng ekis ang hugis x kung mali. Itala ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Obligasyon ng bawat tao ang gawin ang mga tungkulin na may


pagkukusa.
2. Ang pagganap ng tungkulin ay may malaking epekto sa lipunang
kinagagalawan ng bawat tao.

3. Ang mga mamamayan lamang ay may pangunahing gawain upang


isagawa ang mga tungkulin.

4. Si Mike ay isang pulis, patuloy na namamayani sa kanyang isipan


ang pagtataguyod ng kabutihan at proteksyon sa kanyang
nasasakupan kahit laganap ang mga hindi magagandang katiwalian
sa kanyang hanay.

5. Madali ang pagkamit ng kaganapan sa pagganap ng ating obligasyon


– karapatan at tungkulin.

6. Ang pagtalikod sa pagganap ng tungkulin ay nagdudulot ng sigalot


sa lipunang kinabibilangan ng isang indibidwal.

7. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. – isa sa mga
pilosopiyang pinaniniwalaan sa Batayang Prinsipyo ng
Sangkatauhan.

8. Higit dapat na magpakita ang pinuno ng bansa sa pagganap ng


kanilang tungkulin upang makamit ang kaganapan ng tao.

9. Si Mira ay isang guro, ginaganapan niya ang kaniyang tungkulin


kahit na walang nagsasabi sa kanya na gawain ang mga ito.
Nagtataglay siya ng pagkukusa na gawin ang mga gawain.

10. Tunay na mabuti at medaling makamit ang kaganapan ng tao kung


nanaisin niyang gawin ang mga hindi makataong asal.

11
Gawain 2

Panuto: Natutunan natin na ang bawat karapatan ay may kaakibat na


tungkulin bilang isang obligasyong moral. Hanapin sa ating Word Search sa
ibaba ang tungkulin na tutugon sa angkop na karapatan. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

P A T N U B A Y A T G A B A Y Z
A B X U O T D F G K L M U B C X
U T O T O O N G L M N K M U O P
N U L D Q B U I G A L A N G P J
L G A S E G G M U L A L P J P K
A L Y P W T L P Q S Y U A K A O
R A P L R H A O C Y Z S H O H U
I Y C I T I Y R Y U C U I U I A
N P S Y U U P M N U T G T A T B
I C V U F S C A L A G A A N U N
C S I T X Y S S V P H N N B L I
E V N T F L V Y Z R A P G T G G
P I L S T D B O U N D A R I E S
O N K J L O P N T R A B A H O Q
M A G P U N Y A G I S A Z S Y P

Halimbawa:
Totoong Impormasyon 1. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng
opinyon at impormasyon

______________________1. Karapatan sa buhay


______________________2. Karapatan sa pribadong ari –arian
______________________3. Karapatang magpakasal
______________________4. Karapatang pumunta sa ibang lugar
______________________5. Karapatang sumamba o ipahayag ang
pananampalataya
______________________6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay

12
Gawain 3

Panuto: Gamit ang mga importanteng konseptong iyong natutunan sa aralin,


paghambingin ang mga pangunahing konsepto ng karapatan at tungkulin.
Isulat ang kasagutan sa kahon ng particular na konsepto at sagutin ang
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Tungkulin

Pananagutan

Karapatan

Pamprosesong tanong:

1. Maiaalis ba natin ang tungkulin sa bawat karapatan na ating


tinatamasa? Bakit? Bakit hindi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit moral na gawain ang pagganap ng tungkulin?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

13
Gawain 4

Panuto: Ibigay ang karapat dapat na tungkulin na hinihingi ng bawat


sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang iyong ama at ina ay


patuloy sa pagkayod o
paghahanapbuhay upang
matugunan ang mga
pangangailangan sa
tahanan.

2. Pagpapataguyod ng
“Clean and Green” sa
inyong barangay.

3. Pagdalo sa virtual Flag


Raising ceremony.

4. Dahil sa new normal sa


kasalukuyang pag – aaral,
naging isang malaking
pagsubok ang pagpapatuloy
nito.

5. Naglabasan ang iba’t


ibang hamon o challenges
sa social media at bilang
teenager at isang millennial,
natutuwa kang mapabilang
sa paggawa nito.

14
Isaisip

Makabubuti na pagbulay – bulayan moa ng iyong mga natutunan sa


modyul na ito. Upang mas mapalawak at mapalalim ito, sagutan mo ang
gawain sa bahaging ito.

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang batay sa iyong pagkaunawa o


pagkatamo malapit sa mga salitang naglalarawan sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Para sa akin, ang natapos na aralin ay


______ kapaki – pakinabang ______ di kapaki – pakinabang
sapagkat________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ang aralin ay
______ kasiya – siya ______ di kasiya – siya
sapagkat________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ang pagganap sa tungkulin ay


______ madaling gawin ______ mahirap gawin
sapagkat_______________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ang mga Batayang Prinsipyo sa Sangkatauhan ay


______ nakakatulong sa pagganap ng tungkulin
______ hindi nakakatulong sa pagganap ng tungkulin
sapagkat_______________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Ang aralin sa modyul na ito ay aking


______ isasabuhay ______ hindi isasabuhay
sapagkat_______________________________________________________________
________________________________________________________________________

15
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang Tiktok Video bilang isang Advocacy Campaign


Video na nagpapakita ng iyong natutunan sa modyul na ito. Basahin ang mga
karagdagang alituntunin sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Napatunayan natin na ang pagganap sa mga tungkulin ay ang siyang


nagbibigay kabuluhan sa mga karapatan na ating tinagtaglay at pagtamo ng
ating kaganapan bilang tao. At bilang pagpapakita ng pagganap ng tungkulin
ay gagawa tayo ng isang Tiktok video na naglalaman ng mga mahalagang
tungkulin na iyong isinasagawa bilang isang mag – aaral, kapatid, anak o
bilang miyembro ng lipunang ating ginagalawan. Ito ay magsisilbing
adbokasiya na sa paggawa o pagganap ng mga tungkulin ay nagpapakita ng
malaking epekto na makakatulong sa pagkamit ng pagkakapantay – pantay
ng dignidad ng bawat tao.

Pamantayan sa Paggawa ng Tiktok Video


Batayan Napakahusay Mahusay (10) Di gaanong
(15) mahusay (5)
1. Nilalaman at Malinaw at Naipapahayag Hindi
oganisasyon ng mahusay na ang mga naipahayag sa
kaisipan naipahayag ang nilalaman o mga manonood
mga nilalaman kaisipan sa mga ang mga
sa manonood manonood. nilalaman o ang
kaisipan nito.
2. Kabatiran ng Mahusay na Naipakita ang Hindi naipakita o
pagganap sa naipakita ang kahalagahan o may kakulangan
tungkulin kahalagahan o kabuluhan sa ang kahalagahan
kabuluhan sa pagganap ng o kabuluhan sa
pagganap ng tungkulin. pagganap ng
tungkulin. tungkulin.
3. Orihinalidad Ginawa ng may Mahusay dahil Nagpakita ng
naaayon sa mga nagpakita ng mga karaniwang
makabago at mga masyadong paksa o
napapanahong pangkaraniwang pangangailangan
paksa o paksa o ng bansa
pangangailangan pangangailangan
ng bansa ng bansa

16
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong at bilugan ang letra ng


tamang sagot. Itala ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ang obligasyong moral na gawin o hindi gawin ang isang bagay o
gawain.
a. tungkulin
b. gawain
c. karapatan
d. obligasyon

2. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan ng pagganap ng


tungkulin. Alin sa mga sumusunod ang nagpakita ng pagiging
mapanagutan ng isang indibidwal?
a. Pagsisimula ng paggamit ng videoke ng ala – una ng hapon upang
maagang makayari sa selebrasyon.
b. Pagsasawalang bahala sa mga direktiba ng guro sa pagsasagot ng
module.
c. Paggawa ng mga iniatang gawain ng magulang at ng guro.
d. Pagtatapon ng basura sa mga bakanteng lugar sa kalye.

3. Ang karapatan ay tinatawag na kapangyarihang moral, ano naman ang


tungkulin?
a. pananagutan
b. moral na gawain
c. responsibilidad
d. obligasyong moral

4. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita sa pagganap ng


tungkulin. Alin sa mga ito ang hindi gumaganap ng sa obligasyong
nakaatang sa kanya?
a. Si Omar ay isang pulis at patuloy niyang isinasagawa ang motto ng mga
kapulisan – “To Serve and Protect”.
b. Sa kabila ng pandemyang ating nararanasan, ang mga guro ay patuloy
na naglilingkod at nag – iingat upang patuloy ang pag - aaral ng mga
kabataan.
c. Labis na natutuwa si Eman sa paglalaro ng Mobile Legends kaya mas
binibigyan niya ito ng pansin kaysa sa pagsasagot ng kaniyang
natitirang mga modyul.
d. Lubos na pinagbubuti ni Sarah ang kaniyang pagkanta kaya upang lalo
ito mapaunlad ay pumapasok pa siya sa mga karagdagang trainings
upang higit na mapaunlad ito.

17
5. Itinatag ito upang umaakma sa mga karapatan na ating tinataglay at
mapagtibay at matamo ang kaganapan at pagkakapantay – pantay ang
dignidad ng lahat ng tao sa mundo.
a. Universal Declaration of Human Rights
b. Human Rights Law
c. Fundamental Principles for Humanity
d. Universal Declaration of Human Responsibilities

6. Ang pagganap sa tungkulin ay:


a. nagbibigay kabuluhan sa karapatan at kaganapan ng tao
b. tunguhin ng tao
c. obligasyon ng tao
d. isinasagawa ng indibidwal

7. Ang tungkulin ay isang obligasyong moral. Alin sa mga sumusunod na


gawain ang nagpapatunay na ang tungkulin ay isang obligasyong moral?
a. Patuloy ang pag – inom ng alak at pagkain ng mga matatabang pagkain
si Jerry kahit ito ay dumadanas ng malubhang sakit.
b. Likas na masayahin at magandang makisama si Emma ngunit hindi
niya maiwasan ang pag – usapan ang buhay ng ibang tao sa kanyang
paligid.
c. Ginawa ni Nurse Lorraine ang kanyang trabaho bilang isang nurse sa
pamamagitan ng pagsagip sa buhay ng mag – ina sa isang bangketa sa
Makati City.
d. Matapos ang pagsisimba ay nakakita ng mga Muslim si Ana sa daan at
madali siyang umiwas sa mga ito.

8. Isa sa mga karapatang di maiaalis sa atin ay ang karapatan sa buhay, alin


sa mga sumusunod na pahayag ang hindi gumaganap sa tungkulin sa
karapatan sa buhay?
a. Madalas na umuuwing lasing si Gary matapos ang kanyang trabaho, di
na niya inaalintana ang mahabang biyahe at makukuha pa rin niyang
magmaneho habang siya ay nakainom ng alak.
b. Si Cindy ay patuloy sa pag – eehersisyo para mapangalagaan niya ang
kanyang kalusugan.
c. Lubos na naliligayahan si Mike sa pagsali sa mga illegal motorcycle drag
racing dahil sa adrenalin rush na kanyang nararamdaman.
d. Tuwing darating ang kapaskuhan, dumadalas ang mga selebrasyon at
labis na pag – inom ng alak ng mga tao.

9. Noong panahon ng pandemya, maraming mga indibidwal at institusyon


ang kumilos upang tulungan at magbahagi ng kanilang mga biyaya sa
mga kahos sa buhay at higit na nangangailangan. Ang tungkulin na ito ay
pagganap sa karapatang:
a. karapatang magpakasal
b. karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
c. karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
d. karapatan sa pribadong ari – arian

18
10. Lumalawak ang kaisipan at pagkakaunawa ng mga mamamayang Pilipino
sa ating mga kapatid na LGBTQ+ kaya may mga ilang mambabatas at
lokal na pamahalaan ang nagpapasa at gumagawa ng batas laban sa
talamak na diskriminasyon sa kanila. Anong kaisipan sa Batayang
Prinsipyo ng Sangkatauhan ang sumasakop sa pahayag na ito?
a. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan,
opinyon sa mga isyung political, edad, wika, nasyonalidad o relihiyon
ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang
makatao.
b. Walang dapat taong sumusuporta sa anumang uri ng hindi
makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling
pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng
kapwa.
c. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, hukbong sandatahan o
pulisya ang dapat mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat
sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay tungkuling itaguyod
ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
d. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensya, ay dapat
tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at
pamayanan, lahi, bayan at relihiyon nang may pagkakaisa: Huwag
mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

19
Karagdagang Gawain

Ito na ang pagkakataon upang bigyang halaga ang iyong mga


natutuhan sa modyul na ito. Sa bahaging ito, inaasahan na ikaw ay
makagagawa ng isang slogan na nagpapakita ng mga kahalagahan sa
pagganap ng tungkulin. Ang iyong slogan ay maaaring maglaman ng
pagkakapantay – pantay ng tao at pagtamo ng kaganapan sa pamamagitan
ng pagganap ng tungkulin. Gamitin ang kahon sa ibaba upang ilarawan ang
iyong slogan.
Halimbawa:
“ Alamin ang karapatan, ipaglaban ito.
Gampanan ang tungkulin ng buong puso.”

Paliwanag
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Paggawa ng Slogan


Batayan Napakahusay Mahusay Di gaanong
(10) (7) mahusay (4)
1. Presentasyon Lubhang Malinaw ang Hindi malinaw
napakahusay pagpapakita ng ang
sa pagpapakita paksa pagpapakita ng
ng paksa paksa
2. Kaangkupan sa Tugma at Angkop ang Hindi gaanong
paksa angkop ang mga salita at angkop ang
mga salita at larawan sa mga salita at
larawan sa paksa larawan sa
paksa. paksa
3. Organisasyon May kabuuan Nakitaan ng Hindi ganap
ng kaisipan kaisahan at ang kaisahan,
konsistent, sapat na kulang sa
kumpleto ang detalye at detalye at hindi
detalye at malinaw. gaanong
malinaw. malinaw.

20
21
Pagyamanin
Gawain 2
1. Alagaan ang kalusugan
2. Paunlarin
3. Patnubay at gabay
4. Boundaries
5. Igalang
6. Magpunyagi sa trabaho
Gawain 3
Graphic Organizer
(Depende sa sagot ng bata na naaayon sa pagkakahulugan sa konsepto ng
Karapatan at Tungkulin)
Pamprosesong Tanong
(Depende sa sagot ng bata)
Pagyamanin Subukin
Balikan
Gawain 1 1. A
2. B 1. TK
1. 2. KR
3. A
2. 4. F 3. TK
5. D 4. TK
3.
x
6. A 5. KR
4.
x 7. C 6. KR
5. 7. TK
8. B
6. 8. TK
9. F
7. 10. E 9. KR
x 10. KR
8.
9.
x Suriin
10.
Pamprosesong Tanong
(Depende sa sagot ng
bata na naaayon sa
seleksyon na binasa)
Susi sa Pagwawasto
22
Isagawa
Karagdagang Gawain Isagawa Pagyamanin
Pagtugon sa gawain sa Gawain 4
Paggawa ng slogan na pamamagitan ng
(Depende sa tugon ng
naaayon sa naiatas ng naiatas ng rubric sa
bata na naaayon sa
rubric sa gawain. gawain.
tungkulin sa nabanggit
na pahayag.)
Tayahin
Isaisip
1. A (Depende sa tugon ng
2. C bata na naaayon sa
3. D kanyang pagkatuto sa
4. C aralin)
5. D
6. A
7. C
8. B
9. D
10. A
23
Karagdagang Gawain
Sanggunian

dela Cruz, Imelda P., Annabelle D. Resurreccion, Sofia Aurora, and Nenita I.
de Vega. 2018. Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 9. Ikalawang
Edisyon ed. Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc.

Guidelines on the Use of Most Essential Learning Competencies (MELCs) of


DepEd Order No. 12, s. 2020. https://drive.google.coc/file/d/
1bAL4tP8WybfUtAQFmllD0r8FxkBKdXL/view

Gayola, Sheryll T. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao. Unang Edisyon ed.


Valenzuela City, Philippines: Bloombooks, Inc.

“Nurse, who helped homeless woman give birth, is a leukemia survivor.”


2020. GMA News Online.
https://www.gmanetwork.com/news/hashtag/content/752097/nurs
e-who-helped-homeless-woman-give-birth-is-a-leukemia-
survivor/story/.

“A Universal Declaration of Human Responsibilities.” 1997. Interaction


Council. Hinango noong October 27, 2020
https://www.interactioncouncil.org/publications/universal-
declaration-human-responsibilities

“The Universal Declaration of Human Rights.” n.d. United Nations. Hinango


noong October 27, 2020. https://www.un.org/en/universal-
declaration-human-rights/.

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of City of Malolos

Office Address: MacArthur Highway, Bulihan, City of Malolos, Bulacan

Telephone Number: (044) 812-2006 and (044) 812-2007

You might also like