You are on page 1of 24

9

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Romel B. Allawan
Tagasuri: Aimee D. Chua at Jed I. Bete
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Jinky B. Ferman
ASDS Marilyn V. Deduyo
CID Chief Alma C. Cifra, Ed.D.
LRMS EPS Aries Juanillo, Ph.D.
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue., Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970

E-mail Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph


Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay inihanda para mapalawak


ng kalaaman o pagkatuto. Layunin nitong magabayan
mga mag-aaral ng kanilang aralin. Ang mga
kaalamang napapaloob dito ay maaaring magamit mo
sa paghubog upang pagiging mapanuri, may kritikal
na kaisipan, at pagkakaroon ng kamalayang
panlipunang na mamamayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan naming kayong mga mag-


aaral ng paunang kaalaman kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangang paglaanan ninyo ng oras o panahon na may lubusang
pagsusumikap na basahin sagutin, unawain, at higit sa lahat isapuso ang
mga mahahalagang konsepto ng aralin upang sa gayon ay maging
kapakinabangan ito sa iyong pag-araw-araw na buhay.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda at isinalang-alang ang iyong kapakanan


upang matuto. Saklaw nito ang pag-aaral tungkol sa ugnayan ng pamilihan
at pamahalaan. Dito mo matutunan ang mahalagang papel o tungkulin ng
ating pamahalaan sa pagpapatupad ng batas at regulasyon ukol sa pagsulong
at pagtataguyod sa kapakanan sa pagitan ng mga konsyumer at produsyer
bilang mga mahahalagang aktor sa pamilihan.

Ayon sa ating Saligang Batas alinsunod sa Artikulo II Seksyon 4 ng


1987, pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay ang paglikuran at
pangalagaan ang bawat mamamayan. Sa puntong ito, ang pamahalaan ay
maaaring manghimasok sa galaw ng ating ekonomiya upang mapanatili ang
kaayusan ng pamilihan.

Kaya upang lubos mong maintindihan ang mahalagang konsepto ng


aralin, nararapat lamang na maglaan ka ng sapat na oras na basahin ito!

Ang araling nakapaloob dito ay nakabatay sa Most Essential Learning


Competency para sa Baitang 9 na: Napapahalagahan ang bahaging
ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing
pangkabuhayan.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang:

• Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Mga inaasahang dapat mong maisagawa bilang mag-aaral:


1. napapangatwiranan ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng
pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan; at
2. naipaliliwanag ang price ceiling at price floor.

1
Subukin

PAGPIPILI. Piliin ang tamang titik na inyong sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
(15 puntos)

1. Ito ay tumutukoy sa pinakaataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang


prodyuser ang kanyang produkto.
A. Price act
B. Price floor
C. Price ceiling
D. Equilibrium price

2. Alin sa sumusunod ang naglalahad sa konsepto ng price ceiling o price control?


A. Nagtatakda ang pamahalaan ng pinakamataas na presyo ng produkto
upang matulungan ang mga mamimili sa pagtugon ng kanilang
pangangailangan.
B. Nagsasagawa nang malawakang diskwento ang pamahalaan sa buwis
upang matulungan ang mamamayan.
C. Binatayan ng pamahalaan ang presyo sa merkado upang maseguro na
walang mang-aabuso na mga negosyante.
D. Ang pamahalaan ay nagatataguyod na magkaroon ng balanse at patas na
presyo ng mga bilihin sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.

3. Alin sa sumusunod na ahensya ng ating pamahalaan ay may kapangyarihan na


masiguro ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan na
naayon sa batas?
A. Securities and Exchange Commission
B. Department of Trade and Indusrty
C. Bureau of Internal Revenue
D. Department of Finance

4. Alin sa sumusunod na ahensya ang may pangunahing tungkulin na tugunan


ang kapakanan ng mga mamimili laban sa mapagsamantalang negosyante mula
sa peke o huwad na mga produkto?
A. Department of Health
B. Food and Drugs Administration
C. Department of Trade and Indusrty
D. Department of Labor and Employment

5. Alin ang nararapat gawin ng pamahalaan upang matulungan ang ating mga
magsasaka sa kanilang kabuhayan?
A. Bilhin ng pamahalaan ang kanilang ani sa mataas na presyo.
B. Magkaroon ng pagpupulong ukol sa kanilang mga hinaing.
C. Magbigay donasyon lamang sa mga naaapektuhan kabuhayan nito.
D. Maglaan ng subsidiya o tulong-pinasyal para sa kanilang sakahan
upang makabili ng semilya, makinarya, at pestisidyo.

2
6. Alin sa sumusunod ang malaking epekto sa ating mga kababayang magsasaka
ang pag-aangkat ng pamahalaan ng bigas mula sa ibang bansa?
A. Magdudulot nang kawalang lakas na loob na magprodyus ng
produkto sa pamilihan.
B. Bunsod ng pag-aangkat ng bigas, mas nagkaroon ng dekalidad na
produkto sa pamilihan.
C. Magkaroon ng malakawang hamon upang tumuklas ng
makabagong kaalaman at pamamaraan sa pagsasaka.
D. Magiging dehado ang mga magsasaka sa kanilang pamumuhay
sapagkat may kakompetensya sila sa kanilang produkto na naging sanhi
sa pagbili ng kanilang ani sa napakababang presyo.

7. Bakit kailangan ng pamahalaan na magtakda ng price floor o price support sa


pamilihan?
A. upang magkaroon ng proteksyon ang mga mamimili laban sa
mapang-abusong negosyante.
B. para sa kapakanan ng mga magsasaka at prodyuser na makabawi sa
mga gastusin sa produksyon
C. para malakas ang transaksyon sa galaw o takbo ng ekonomiya ng
bansa.
D. upang panatilihing masigla ang daloy sa ekonomiya

8. Bilang isang konsyumer, kailangan nating bantayan ang presyo sa


pamilihan dahil _____
A. ito ang aking karapatan bilang mamamayan.
B. Kailangang maging mulat ako sa kaganapan sa loob at labas ng bansa.
C. may pagkakataon na ang iilang mga negosyante natin ay
mapagsamantala sa pagtatakda sa presyo ng kanilang produkto at
serbisyo.
D. nais kong maisakatuparan sa aking sarili na ako ay may
kamalayang panlipunan.

9. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang pamilihan at pamahalaan?


A. Sa tuwing may matinding kalamidad at banta ng digmaan.
B. Sa pamamagitan ng pagpoprodyus ng mga produkto upang matugunan
ang pangunahing pangangailangan.
C. Ang pagkilos ng pamahalaan sa pagtatakda ng mga patakaran tuwing
may kabiguan sa pamilihan o market failure.
D. Lahat sa mga nabanggit na sagot

10. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay nakaranas nang sunud-sunod na


kalamidad ng bagyo at pandemiya. Dapat ba ang ating pamahalaan ay
magpatupad ng batas upang kontrolin ang presyo ng mga bilihin?
A. Oo, dahil tungkulin nilang bantayan ang kapakanan ng mamamayan.
B. Oo, dahil may mga ilang negosyante na mapang-abuso at
mapagsamantala sa sitwasyon.
C. Hindi, dahil responsibilidad ng bawat mamamayan na gumawa ng sariling
diskarte at hindi dapat iasa sa pamahalaan.
D. Hindi, dahil ang ating pamahalaan ay abalang-abala na sa pag-aasikaso
sa mga nasalanta at naapektuhan na mamamayan.

3
11. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagpapatupad ng price ceiling sa
isang pamilihan sa tuwing may kalamidad?
A. Oo, dahil kailangang mapigilan ang pagtaas ng presyo.
B. Oo, upang maproteksiyon ang kapakanan ng mamimili.
C. Hindi, dahil hangad lamang ng mga bahay-kalakal na lumaki ang
kanilang kita.
D. Hindi, dahil pinipigilan ng pamahalaan na lumago ang mga negosyo
dito sa bansa.

12. Nararapat bang magpatupad ang pamahalaan ng price freeze sa


panahon ng kalamidad?
A. Oo, upang maproteksiyon ang kapakanan ng mamimili laban sa mapang-
abusong negosyante.
B. Oo, sapagkat nabibigyan nito ng pagkakataon na patatagin ang presyo ng
mga pangunahing bilihin.
C. Hindi, dahil ito ay nagreresulta ng pagkalugi ng mga negosyo.
D. Hindi, sapagkat maaari itong kabawasan sa koleksiyon ng buwis.

13. Isa sa mga polisiya ng ating bansa ay ang pag-oobliga sa mga negosyante
na kumuha ng business permit upang masigurong ligal ang operasyon
ng isang negosyo. Makatwiran ba ang pagpapatupad nito?
A. Oo, dahil dagdag kita ito ng pamahalaan.
B. Oo, dahil ito ay sang-ayon sa saligang batas.
C. Hindi, dahil dagdag gastos ito sa mga negosyante.
D. Hindi, dahil ito ay maaaring magresulta sa korapsyon.

14. Sa iyong palagay, makatwiran ba kung papatawan ng malaking buwis


ng pamahalaan ang mga manggagawa at negosyante?
A. Oo, dahil malaking tulong ito sa pagpapatupad o pagsasakatuparan ng
mga proyektong panlipunan ng bansa.
B. Oo, dahil ito ang maituturing na pinakamalaking pinagkukunan ng
pondo
C. Hindi, dahil magdudulot ito ng matinding implasyon sa presyo ng
mga produkto at serbisyo.
D. Hindi, dahil mas lalong maghihirap ang mga manggagawa at
negosyante na matugunan ang pangunahing pangangailangan sa araw-
araw.

15. May mahalaga bang papel ang ating pamahalaan sa patatakda ng presyo
tuwing may kabiguan sa pamilihan?
A. Oo, meron dahil sila lamang ang may kapangyarihan na makialam sa
ugnayan ng mga negosyante at mamimili sa pagtatakda ng presyo sa
produkto at serbisyo.
B. Oo, meron dahil ang pamahalaan ang siyang matibay na institusyon ng
ating lipunan.
C. Wala, sapagkat ang tungkulin ng pamahalaan ay matugunan ang
kaayusan, kalusugan, edukasyon, at serbisyong panlipunan.
D. Wala, sapagkat ang dapat lamang pagtuunan nang pansin ng
pamahalaan ay kung paano mapaangat ang kabuhayan ng mamamayan.

4
Aralin
Ang Ugnayan ng Pamilihan
5 at Pamahalaan

Balikan

Mula sa nakaraang aralin ay iyong pinag-aralan ang interaksyon ng Demand


at Suplay. Tinalakay sa aralin kung kailan nagaganap ang kakulangan at
kalabisan. Isinasaad sa aralin ang naging implikasyon at ugnayan nito sa bawat
pagkilos o paggalaw sa isang pamilihan. Bukod dito, inilalarawan din ang
kaganapang ekwilibriyo ng pamilihan o state of equilibrium kung saan
magkasundo ang dalawang aktor sa pagtatakda ng dami ng demand at presyo sa
produkto at serbisyo. Sa puntong ito, ang ugnayan sa pagitan ng mamimili at
nagtitinda ay nagpamalas ng epektibong kasunduan sa kanilang transaksyon.

Gayun pa man, sa modyul na ito ay binibigyang- diin ang ugnayan ng


pamilihan at pamahalaan. Mas mauunawaan mo ang mga mahalagang tungkulin
ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamilihan at sa buong
ekonomiya ng ating bansa.
Upang mapalawak ang iyong kaalaman, aking inimumungkahi sa iyo na
maaari kang gumamit ng iba’t ibang reperensya tulad ng mga batayang aklat mula
sa pribado o pampubliko, o kaya’y magsaliksik sa internet tungkol ugnayan ng
pamilihan at pamahalaan, nang sa gayon ay madagdagan iyong pag-unawa at
pananaw hinggil sa aralin.

5
Tuklasin

Gawain 1: Hanapin Mo Ako!


A. Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na sagot para sa mga
sumusunod na pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong tamang sagot
sa bawat bilang. (10 puntos)

price ceiling price floor


DTI R.A 7581
subsidiya R.A 7394
buwis pamahalaan
FDA DTI
pamilihan price freeze
presyo
donasyon mula sa ibang bansa

___________ 1. Itinuturing na “lifeblood” ng pamahalaan.


___________ 2. Ahensya ng pamahalaan na may kaukulang tungkulin hinggil
sa paglabag sa patakaran ng kalakalan at mapanlinlang na
gawain ng mga mangangalakal.
___________ 3. Nagsisilbing tagapag-ugnay upang maging ganap ang palitan
sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.
___________ 4. Ito ang ipinagkaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng
pagtatakda ng pinakamababang presyo na maaaring bilhin
ang isang produkto.
____________5. Batas na kilala sa tawag na Price Act, layunin nitong
maisasagawa ng pamahalaan na i-monitor at bantayan ang
presyo ng mga bilihin.
____________6. Isang mekanismo kung saan nagkakaroon ng transaksyon
sa pagitan konsyumer at prodyuser upang magbentahan.
____________7. Ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang
prodyuser at suplayer ang kanyang produkto.
____________8. Layunin nitong hindi baguhin o taasan ang presyo sa
kasagsagan o pagkatapos ng kalamidad upang masiguro na di
mananamantala ang mga negosyante.
____________9. Ang tulong-pinasyal na ipagkaloob sa mga magsasaka at
manggagawa upang makatulong sa pamumuhay.
___________10. Isang institusyon na may lubusang kapangyarihan na
maaaring manghimasok sa pamilihan.

6
Suriin

Ang Pamahalaan at Pamilihan

Ang pamahalaan ay isa sa mga haligi at napakahalagang institusyon sa ating


lipunan. May taglay itong tungkulin at pananagutan na magsilbi sa lahat ng
mamamayan. Ito ay pinagtibay ayon sa isinasaad ng ating Saligang Batas 1987,
Artikulo II, Sekyon 4. Nangangahulugan na nararapat lamang na tiyakin nito ang
bawat kapakanan ng sambayanan na kanyang nasasakupan. Bata man o matanda,
babae man o lalaki at sa kahit anong estado sa buhay.

Sa pagtugon at pagtataguyod sa kapakanan ng mamamayan, may mga


pagkakataon o sitwasyon na maaaring makialam ang ating pamahalaan sa
pamilihan, lalung-lalo na kung ang interes ng mamamayan ay nalalagay sa dehado.
Maaari itong manghimasok upang ipanatili ang kaayusan at kapayapaan. Tungkulin
din nito ang pagpatupad ng mga polisiya at patakaran upang masiguro at
maproteksiyonan ang pangkalahatang kapakanan. Sinisiguro din nito na mailalagay
ang bawat isa sa komportable at masaganang kalagayan.
May mga sitwasyon na ang pamahalaan ay manghimasok sa gawain ng
pamilihan lalo na kung ang ekonomiya ay nakararanas ng kabiguan o tinawag nating
market failure. Halimbawa, polusyon sa kapaligiran bunsod ng mga pabrika at
industriya na hindi sumusunod sa wastong pangangalaga ng kalikasan,
pagkakaroon ng monopolyo sa mga produkto at serbisyo na nagdudulot ng
pagkawala ng kompetisyon, labis na pagpapataw sa presyo (overpricing) ng mga
produkto na nagpabigat sa mga iilang konsyumer na matugunan ang kanilang
essential needs at ang mga mapang-abuso at mapagsamantalang negosyante na
nagpalugmok sa sitwasyon ng mga ordinaryong manggagawa at mamamayan. Ilan
lamang ito sa mga sitwasyon na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa
pamahalaan.

Sinasang-ayunan ito ni John Maynard Keynes isang Amerikanong ekonomista


na nagsabing kinakailangan ng aktibong partisipasyon mula pamahalaan upang
maisaayos ang pamilihan. May mga pagkakataon na kinakailangan ang
panghihimasok nito sa pamilihan upang ang lahat ng kasapi ng lipunan ay
matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.
Maliban sa pagbubuwis, nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo sa mga
produkto at serbisyo. Kabilang sa mga responsibilidad nito ay ang pagpapanatiling
panatag ang presyo sa pamilihan at maiwasan ang inflation. Ipinatupad nito ang
Price stabilization program tulad ng pagsagawa ng National Price Coordinating
Council alinsunod sa Republic Act 7581 na kilala sa Price Act. Layunin nitong
bantayan at i-monitor ang presyo ng mga produkto sa loob ng pamilihan. Samantala,
ang pamahalaan ay nagpapatupad din ng price freeze tuwing may kalamidad o
sitwaston kung saan maaaring dehado ang mga konsyumer. Layunin nitong hindi
baguhin o taasan ang presyo sa kasagsagan o pagkatapos ng kalamidad upang
masiguro na di mananamantala ang mga negosyante.

7
Price Ceiling at Price Floor

Malaki ang epekto ng surplus at shortage sa pamilihan. Ito ang panahon na


kailangan ng makialam ang pamahalaan sa pagtatakda ng presyo ng mga kalakal at
paglilingkod. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ay nahahati sa dalawa: ang
price ceiling at price floor. Price Ceiling ang tawag sa pinakamataas na presyong
itinakda ng pamahalaan na maaaring ipagbili ang produkto. Karaniwang mga basic
commodities ang napapasailalim sa price ceiling. Ito ay isinasagawa kapag may
kalamidad at krisis. May layunin itong mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili
sa mga mapagsamantalang negosyante. Ang price floor naman ay ang
pinakamababang presyo na itinakda ng pamahalaan na maaring bilhin ang isang
produkto. Nabibigyan ng proteksyon nito ang mga magsasaka na maipagbili ang
produkto nila sa tamang presyo.
Kung iyong sasariwain na sa panahong mababa ang presyo, mataas ang
demand ng mga mamimili sa mga produkto at serbisyo, habang mababa naman ang
suplay nito ng mga prodyuser. Sapagkat, ang motibasyon ng mga nagtitinda ay ang
malaking kita. Maaaring sa panahon ng mababang presyo ay mawalan na ng gana
na magprodyus bunga ng kakarampot na kikikitain o di kaya mapilitan itong
maghanap ng ibang produkto na mas malaki ang kita. Sa sitwasyong ito nararapat
na papasok ang pamahalaan upang mapanatili ang mga gumagawa ng produkto at
hindi magkaroon ng suliranin sa pamilihan. Nararapat na magtakda ito ng price floor
upang matulungan ang mga negosyante na maibenta ang kanilang produkto sa
tamang halaga.

Sa usaping produksyon ng bigas naman, marami ang nagsasabing maliit lang


ang kikitain ng mga magsasaka mula dito ngunit nagpapatuloy pa rin na magsaka
dahil sa mga subsidiya (subsidy) o tulong pinansyal mula sa pamahalaan. Ang
subsidiya ay tulong pang-agapay sa mga nagproprodyus upang ipagpatuloy pa ito.
Halimbawa ay fertilizer subsidy at libreng bayad sa patubig ng mga magsasaka. Ang
malaking diskwento sa kurodo ng mga tsuper ng pampublikong transportasyon ay
ilan lang sa pakikialam ng pamahalaan upang maisasaayos ang pamilihan.

Sa pangkalahatan, ang pamahalaan ay may malawak na ugnayan sa


pamilihan. Pinupunan ng pamahalaan ang mga kakulangan sa sistema ng
pamilihan upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran.

8
Pagyamanin

Gawain 2: Pagnilayan at Pangatwiranan


Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay naglalarawan ng tungkulin ng pamahalan
at (x) naman kung hindi. Sagutin din ang mga katanungan sa ibaba.
Pahayag Oo Hindi
1. Nagtatakda ng presyo ng mga produkto sa mga bahay-
kalakal.
2. Pinapalawak ang kompetisyon sa pamilihan.
3. Nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
4. Nagdedeklara ng pagsara ng mga bahay-kalakal
5. Nangogngolekta ng buwis sa mga mamamayaman
lamang na negosyante.
6. Nagpapatupad ng kaukulang batas o polisiya sa
mamamayan.
7. Nagpapatayo ng mga bahay-kalakal sa mga may
kakayahang magnegosyo.
8. Gumagawa ng mga hakbangin upang masinop ang
paggamit ng ating pinagkukunang-yaman.
9. Naglalaan ng pondo sa mga programang pangkabuhayan
ng pamahalaan.
10. Inaangat ang employment ng bansa

A. Pamprosesong Tanong

Ipaliwanag ang sagot sa mga sumusunod na mga katanungan:

1. Nararapat ba na makialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng


mga bahay-kalakal? Pangatwiranan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Nakabubuti ba para sa mga mamimili kung magpapatupad ang


pamahalaan ng “price freeze” tuwing may kalamidad? Oo o hindi?
Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9
Isaisip

Narito ang mga mahahalagang konsepto at impormasyong dapat mong


tandaan sa araling ito:

• Ang pamahalaan ay isa sa mga haligi at napakahalagang


institusyon sa ating lipunan. May taglay itong pangunahing
tungkulin at pananagutan na magsilbi sa lahat ng mamamayan.
• Malaki ang ugnayan ng pamilihan at pamahalaan lalo na kung
nakararanas ng kabiguan ang pamilihan o tinawag nating market
failure.
• Ipinatutupad ang “Price Freeze” tuwing may kalamidad o
sitwaston kung saan maaaring dehado ang mga konsyumer.
Layunin nitong hindi baguhin o taasan ang presyo sa kasagsagan
o pagkatapos ng kalamidad upang masiguro na di
mananamantala ang mga negosyante.
• Nagtalaga ang pamahalaan ng Republic Act 7581 na kilala sa
Price Act. Layunin nitong bantayan at i-monitor ang presyo ng
mga produkto sa loob ng pamilihan.
• Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ay nahahati sa:
➢ Price Floor o Price Support- ang pinakamababang presyo
na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
Patakarang ginagamit ng pamahalaan upang matugunan
ang kakulangan sa pamilihan.
➢ Price Ceiling o Price Control -ang pinakamataas na
presyo na maaaring ipataw ng isang prodyuser (seller) sa
isang produkto. Patakarang ginawa ng pamahalaan upang
mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili mula sa
mapagsamantala na mga negosyante.

• Subsidiya (subsidy) – tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

10
Isagawa

Gawain 3: Suhestiyon Ko, Isakatuparan N’yo!


Gamit ang sariling karanasan at obserbasyon sa iyong komunidad, alamin
ang ilang problema sa pamilihan at isulat ang sanhi at bunga nito. Pagkatapos,
magbigay ng makabuluhang polisiya, patakaran o regulasyon na maaaring maging
iyong epektibong suhestiyon o rekomendasyon sa ating pamahalaan upang
mapanatili ang kaayusan sa pamilihan.

Sitwasyon Sanhi Bunga Suhestiyon/Rekomendasyon

Hal. Pananamantala Kabawasan Magkaroon ng maigting na


Overpricing at mapang- sa badyet surprise monitoring ang DTI sa
ng gamot abusong ng presyo ng gamot kung ito ba ay
negosyante konsyumer naayon sa itinakdang presyo ng
pamahalaan

1.

2.

3.

4.

5.

11
Tayahin

PAGPIPILI. Piliin ang tamang titik na inyong sagot at isulat sa inyong


sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na ahensya ang may pangunahing tungkulin na
tugunan ang kapakanan ng mga mamimili laban sa mapagsamantalang
negosyante mula sa peke o huwad na mga produkto?
A. Department of Health
B. Food and Drugs Administration
C. Department of Trade and Indusrty
D. Department of Labor and Employment

2. Alin ang nararapat gawin ng pamahalaan upang matulungan ang ating


mga magsasaka sa kanilang kabuhayan?
A. Bilhin ng pamahalaan ang kanilang ani sa mataas na presyo.
B. Magkaroon ng pagpupulong ukol sa kanilang mga hinaing.
C. Magbigay donasyon lamang sa mga naaapektuhan kabuhayan nito.
D. Maglaan ng subsidiya o tulong-pinasyal para sa kanilang sakahan
upang makabili ng semilya, makinarya, at pestisidyo.

3. Alin sa sumusunod ang malaking epekto sa ating mga kababayang


magsasaka ang pag-aangkat ng pamahalaan ng bigas mula sa ibang
bansa?
A. Magdudulot nang kawalang lakas na loob na magprodyus ng
produkto sa pamilihan.
B. Bunsod ng pag-aangkat ng bigas, mas nagkaroon ng dekalidad na
produkto sa pamilihan.
C. Magkaroon ng malakawang hamon upang tumuklas ng
makabagong kaalaman at pamamaraan sa pagsasaka.
D. Magiging dehado ang mga magsasaka sa kanilang pamumuhay
sapagkat may kakompetensya sila sa kanilang produkto na naging
sanhi sa pagbili ng kanilang ani sa napakababang presyo.

4. Alin sa sumusunod na ahensya ng ating pamahalaan ay may


kapangyarihan na masiguro ang galaw ng presyo ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan na naayon sa batas?
A. Securities and Exchange Commission
B. Department of Trade and Indusrty
C. Bureau of Internal Revenue
D. Department of Finance

12
5. Bilang isang konsyumer, kailangan nating bantayan ang presyo sa
pamilihan dahil _____
A. ito ang aking karapatan bilang mamamayan.
B. Kailangang maging mulat ako sa kaganapan sa loob at labas ng
bansa.
C. may pagkakataon na ang iilang mga negosyante natin ay
mapagsamantala sa pagtatakda sa presyo ng kanilang produkto
at serbisyo.
D. nais kong maisakatuparan sa aking sarili na ako ay may
kamalayang panlipunan.

6. Ito ay tumutukoy sa pinakaataas na presyo na maaaring ipagbili ng


isang prodyuser ang kanyang produkto.
A. Price Act
B. Price floor
C. Price ceiling
D. Equilibrium price

7. Alin sa sumusunod ang naglalahad sa konsepto ng price ceiling o price


control?
A. Nagtatakda ang pamahalaan ng pinakamataas na presyo ng
produkto upang matulungan ang mga mamimili sa pagtugon
ng kanilang pangangailangan.
B. Nagsasagawa nang malawakang diskwento ang pamahalaan sa
buwis upang matulungan ang mamamayan.
C. Binatayan ng pamahalaan ang presyo sa merkado upang
maseguro na walang mang-aabuso na mga negosyante.
D. Ang pamahalaan ay nagatataguyod na magkaroon ng balanse
at patas na presyo ng mga bilihin sa pagitan ng konsyumer at
prodyuser.

8. May mahalaga bang papel ang ating pamahalaan sa patatakda ng presyo


tuwing may kabiguan sa pamilihan?
A. Oo, meron dahil sila lamang ang may kapangyarihan na
makialam sa ugnayan ng mga negosyante at mamimili sa
pagtatakda ng presyo sa produkto at serbisyo.
B. Oo, meron dahil ang pamahalaan ang siyang matibay na
institusyon ng ating lipunan.
C. Wala, sapagkat ang tungkulin ng pamahalaan ay matugunan
ang kaayusan, kalusugan, edukasyon, at serbisyong
panlipunan.
D. Wala, sapagkat ang dapat lamang pagtuunan nang pansin ng
pamahalaan ay kung paano mapaangat ang kabuhayan ng
mamamayan.

13
9. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang pamilihan at pamahalaan?
A. Sa tuwing may matinding kalamidad at banta ng digmaan.
B. Sa pamamagitan ng pagpoprodyus ng mga produkto upang
matugunan ang pangunahing pangangailangan.
C. Ang pagkilos ng pamahalaan sa pagtatakda ng mga patakaran
tuwing may kabiguan sa pamilihan o market failure.
D. Lahat sa mga nabanggit na sagot

10. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay nakaranas nang sunud-sunod na


kalamidad ng bagyo at pandemiya. Dapat ba ang ating pamahalaan ay
magpatupad ng batas upang kontrolin ang presyo ng mga bilihin?
A. Oo, dahil tungkulin nilang bantayan ang kapakanan ng
mamamayan.
B. Oo, dahil may mga ilang negosyante na mapang-abuso at
mapagsamantala sa sitwasyon.
C. Hindi, dahil responsibilidad ng bawat mamamayan na gumawa
ng sariling diskarte at hindi dapat iasa sa pamahalaan.
D. Hindi, dahil ang ating pamahalaan ay abalang-abala na sa pag-
aasikaso sa mga nasalanta at naapektuhan na mamamayan.

11. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagpapatupad ng price ceiling sa


isang pamilihan sa tuwing may kalamidad?
A. Oo, dahil kailangang mapigilan ang pagtaas ng presyo.
B. Oo, upang maproteksiyon ang kapakanan ng mamimili.
C. Hindi, dahil hangad lamang ng mga bahay-kalakal na lumaki
ang kanilang kita.
D. Hindi, dahil pinipigilan ng pamahalaan na lumago ang mga
negosyo dito sa bansa.

12. Bakit kailangan ng pamahalaan na magtakda ng price floor o price


support sa pamilihan?
a. upang magkaroon ng proteksyon ang mga mamimili laban sa
mapang-abusong negosyante.
b. para sa kapakanan ng mga magsasaka at prodyuser na
makabawi sa mga gastusin sa produksyon
c. para malakas ang transaksyon sa galaw o takbo ng ekonomiya
ng bansa.
d. upang panatilihing masigla ang daloy sa ekonomiya

13. Nararapat bang magpatupad ang pamahalaan ng price freeze sa


panahon ng kalamidad?
A. Oo, upang maproteksiyon ang kapakanan ng mamimili laban
sa mapang-abusong negosyante.
B. Oo, sapagkat nabibigyan nito ng pagkakataon na patatagin ang
presyo ng mga pangunahing bilihin.
C. Hindi, dahil ito ay nagreresulta ng pagkalugi ng mga negosyo.
D. Hindi, sapagkat maaari itong kabawasan sa koleksiyon ng
buwis.

14
14. Isa sa mga polisiya ng ating bansa ay ang pag-oobliga sa mga negosyante
na kumuha ng business permit upang masigurong ligal ang operasyon
ng isang negosyo. Makatwiran ba ang pagpapatupad nito?
A. Oo, dahil dagdag kita ito ng pamahalaan.
B. Oo, dahil ito ay sang-ayon sa saligang batas.
C. Hindi, dahil dagdag gastos ito sa mga negosyante.
D. Hindi, dahil ito ay maaaring magresulta sa korapsyon.

15. Sa iyong palagay, makatwiran ba kung papatawan ng malaking buwis


ng pamahalaan ang mga manggagawa at negosyante?
A. Oo, dahil malaking tulong ito sa pagpapatupad o pagsasakatuparan
ng mga proyektong panlipunan ng bansa.
B. Oo, dahil ito ang maituturing na pinakamalaking pinagkukunan ng
pondo
C. Hindi, dahil magdudulot ito ng matinding implasyon sa presyo ng
mga produkto at serbisyo.
D. Hindi, dahil mas lalong maghihirap ang mga manggagawa at
negosyante na matugunan ang pangunahing pangangailangan sa
araw-araw.

Karagdagang Gawain

Gawain 4: Venn Diagram!


Ipaliwanag ang dalawang paraan ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo
gamit ang venn diagram at isulat sa gitna ang pagkakatulad nito.

Price Floor
Price Ceiling

Pagkakatulad

15
16
Pagyamanin Subukin Tayahin
1. Hindi 1.C 1.C
2. Oo
3. Oo 2.C 2.D
4. Hindi 3.D
3.B
5. Hindi
6. Oo 4.C 4.B
7. Hindi
8. Oo 5.D 5.C
9. Oo
10. Oo 6.D 6.C
7.A 7.C
8.C 8.A
Tuklasin 9.D 9.D
1.buwis 10.A 10.A
2.DTI
3.presyo 11. B 11. B
4.price floor
12. A 12. A
5.RA 7581
6.pamilihan 13.B 13.A
7.price ceiling
8.price freeze 14.D 14.B
9.subsidiya
10.pamahalaan 15.A 15.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Balitao, B.R, Buising, M.D, Garcia, E.D.J, De Guzman, A.D, Lumibao, Jr.,
J.L, Mateo, A.P, Mondejar, I.J.2015.Ekonomiks: AralingPanlipunan-
Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon.5th Floor, Mabini Bldg.
Deped Complex, Meralco Ave., Pasig City

Balitao, B.R, Ong, J.A, Cervantes, M.dR, Ponsaran, J.N, Nolasco L.I, Rillo, J.
D, 2012. Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Bagong Edisyon.
1253 G. Araneta Ave., Quezon City. Vibal Publishing House

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


18

You might also like