You are on page 1of 16

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Pagtupad sa mga Batas

NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Pagtupad sa mga Batas
Ikalawang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Christia Mae P. Iso at Mercedita C. Solibio
Editor: Teresita Z. Olasiman
Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Tagaguhit:
Tagalapat: Christia Mae P. Iso at Mercedita C. Solibio
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagtupad sa mga Pagtupad sa mga
Batas

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Paggalang sa Ideya o Suhestyon ng Kapwa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

ii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iii
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutunan sa nasabing baitang. Nakapaloob dito kung
paano maipapakita ang paggalang sa ideya o suhestyon ng kapwa.
MELC: Pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa daan;
pangkalusugan;pangkapaligiran;pagabuso sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. EsP6PPP-III-i-40

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Mga Layunin:

Kaalaman: Natutukoy ang mga batas na pangkalsada, pangkalusugan,


pangkapaligiran at pang-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal
na gamot.
Saykomotor: Naipapaliwanag kung bakit kailangang ipatupad ng mabuti at
hindi pabago-bago ang mga batas
Apektiv: Natutukoy ang mga paraan ng pagpapaunlad ng paggalang sa
mga batas at awtoridad.

1 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
Subukin
I. Bumuo ng salita mula sa pinaghalong titik na matatagpuan sa kahon.

DAPUTGAP AS SATAB

Anong salita ang iyong nabuo? ______________________________________


II. Basahin ang dayalogo ng magkakaibigan at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

Joseph: “Tatawid na tayo rito Victor”.

Karen: “Huwag muna Joseph hindi ito ang tamang tawiran, doon tayo sa
pedestrian lane”.

Karlo: “Bakit ba kailangan sa pedestrian tayo tatawid pwede naman kahit


saan sa kalsada”.

Karen: “Ayon sa batas pangkalsada, ang mga tao ay dapat sa pedestrian


lane tatwid upang matiyak na ligtas ang kanilang pagtawid”.

Karlo: “Ganoon ba? Tayo na sa pedestrian lane tatawid na tayo!”

1. Ano ang pinag-uusapan ng dalawang mag-aaral sa dayalogo?


a. Ang kanilang guro
b. Ang kanilang mga kaklase
c. Ang tamang tawiran sa daan
d. Ang kanilang takdang aralin

2. Sino ang nagmamadaling tumawid sa kalsada?


a. Victor c. Victor at Joseph
b. Joseph d. Juan

3. Saan ang tamang tawiran ng mga tao sa kalsada?


a. Kahit saan c. Crossing
b. Pedestrian lane d. Hindi na tatawid

4. Kung ikaw si Joseph, gagayahin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?


________________________________________________________
________________________________________________________

5. Kung ikaw ang pagpipiliin, sino sa dalawang tauhan ang tutularan mo?
Bakit? ___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
Gawain
Panuto: Pag-aralan ang nilalaman ng sumusunod na batas

: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pahina 115

Panuto: Sagutin ang mga sususunod na katanungan:


a. Tungkol saan ang iyong nabasa na talata?
b. Ito ba ay nakatutulong sa ating pangaraw-araw na pamumuhay?
c. Paano maisasabuhay ang pagsunod sa mga batas na nakasaad? Magbigay
ng halimbawa.

3 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
Tuklasin
Basahin
Batas
Isinulat ni: Mercedita C. Solibio

Martes ng hapon masayang-masaya si Victor ng dumating sa kanilang bahay.


Nakita ito ng kanyang tatay Jose at nagtanong, “Bakit ka masaya Victor?”, “Tatay
masaya po ako dahil sa mga bagong natutunan ko kay Ginang Alba” sagot niya.
“Tungkol saan ba ang inyong tinalakay anak?” “Mga batas po sa ating bansa”
tugon niya. “Napakarami palang batas ang ating bayan na kailangan nating tuparin.
Ang mga sumusunod na batas ang tinalakay namin tatay Jose:
1. R.A. 8750 SEAT BELT Use Act of 1999.
2. R.A. 8749 Philippine Clean Air Act of 1999
3. R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Ang lahat na batas ay ginawa para sa ating kapakanan. Medyo nakakalungkot nga
lang po na marami sa ating mga kababayan at hindi sumusunod sa batas. Mas pinili
nilang sumuway kaysa sumunod nito. Kadalasan ito ang nagiging dahilan ng
kapahamakan at kaguluhan sa paligid natin.
Ginagawa ng pamahalaan ang mga batas hindi upang parusahan ang mga
mamamayan kundi para sa kaligtasan nating lahat. Kaya’t batas ay alamin at sundin.

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Anu-ano ang mga batas na pangkalsada, pangkapaligiran at pangkalusugan


na nabanggit sa kwento?

3. Ano ang kabutihang dulot sa mga batas na ito?

4. Sang-ayon ka ba na may pananagutan ang mga taong tulad mo sa


pagpapatupad ng batas?

5. Ano ang ipinagbabawal ng Batas Pambansa Blg. 9165?

4 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
PAGYAMANIN
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Kapag tama ang pahayag, lagyan ng tsek (/) at
ekis (X) kung mali. Ilagay ang sagot sa patlang.

_____1. Tignan lamang ang kapitbahay na nagtatapon ng basura sa kanal malapit


sa inyong bahay.

_____2. Isusumbong ko sa kinauukulan ang mga basurerong kumukuha lamang ng


basura kapag binigyan ng lagay o pera.

_____3. Susunod ako sa mga lumalabag sa batas trapiko upang mapadali sa biyahe

_____4. Sasama at makikilahok sa mga Clean Up Drives sa paaralan o pamayanan.

_____5. Kailangang paalalahanan ang mga kaibigan o sino mang tao na dapat
tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane.

ISAISIP
Mga Batas na Pangkalsada, Pangkalusugan, at Pangkapaligiran

Seat Belt Law (R.A.8750 o Seat Belt Use Act of 1999)

Sa ilalim ng nabanggit na batas, papatawan ng kaparusahan ang mga tsuper,


operator, may-ari ng sasakyan na hindi tumatalima sa paglalagay at paggamit ng seat
belt.
Seksyon 4: ang nagmamaneho at ang pasahero sa unahan ng pampubliko o pribado
mang sasakyan ay obligadong gumamit ng kanilang seat belt habang umaandar ang
sasakyan
Seksyon 5: ipinagbabawal ang pagpapaupo sa unahan ng sasakyan ng mga batang
anim na taong gulang pababa

Philippine Clean Air Act (R.A. 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999)
Ito ay naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa pamamagitan ng pagbuo
ng mga pambansang programa at pagpigil sa polusyon sa hangin. Ang DENR ay
inaatasan ng batas na magsagawa ng mga polisiya at programa upang epektibong
makontrol at mapigilan ang polusyon sa hangin sa bansa. Katuwang ng DENR ang
ilang ahensiya ng gobyerno gaya ng National Statistical Coordination Board, mga local
na pamahalaan at non-government organizations.

5 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
Ang nasabing ahensiya ay inaatasan ding bumuo ng emission standards para
sa mga industriya at mga katulad na estabisyamento na naglalabas nga mga pollutant
sa hangin. Ang mga nasabing pamantayan ay nagsasaad ng maximum limit ng
pollutant na maaring ibuga ng mga industriya. Bukod dito, ipinagbabawal din ng batas
ang paninigarilyo sa mga pampublikong gusali, mga pampublikong sasakyan at iba
pang lugar na hindi itinalaga para sa paninigarilyo at ang pagsusunog ng mga
biochemical waste na maaring magsanhi ng mga mapanganib na pollutant.

Comprehensive Dangerous ACT of 2002

Ang Republic Act 9165 ang tinaguriang Comprehensive Dangerous Act of


2002. Layunin ng R.A. 9165 na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, lalung-
lalo na ang mga kabataan, laban sa pinsalang dulot ng droga. Mapaparusahan sa
ilalim ng batas R.A. 9165 ang mga taong: nagbebenta;at gumagamit ng ipinagbabawal
o illegal na droga at mga kauri nito.

ISAGAWA

Panuto: Tama o Mali

_____1. Bumili si Carl ng pagkain sa mga nagtitinda sa bangketa kaysa sa kantina ng


paaralan.

_____2. Madalas sumakay si Carmela sa mga colorum na sasakyan.

_____3. Kailangang isumbong sa Land Transportation Office (LTO) ang mga


sasakyan na walang plaka at nagbubuga ng maitim na usok.

_____4. Dapat na hindi pansinin ang mga barangay tanod na nagpapatupad ng batas.

_____5. Sundin natin ang mga babala sa DOH ukol sa COVID-19.

6 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
TAYAHIN
A. Buuin ang mga pahayag batas sa napag-aralan. Piliin sa mga salita na nasa
loob ng kahon ang naaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong
kwaderno.

Kapayapaan kabutihan payapa at masaya


Kaayusan pagkabilanggo tumutupad sa batas
Pagpapatupad impormasyon nagsilbing aral batas

1. Ang mga batas ay isinasagawa at ipinatutupad upang magkaroon ng


___________ at kaayusan.

2. Inaasahan ang mga mamamayan ay susunod na batas upang magkaroon ng


___________________.

3. Ang mga batas pangkalusugan ay makatutulong sa mga mag-aaral sa


pamamagitan ng pagbibigay ng tamang ________________.

4. Pinarurusahan ng batas ang mga sumussuway upang ito ay _____________.

5. Kapag may kaayusan sa pamayanan, ang mga mamamayan ay __________


at ______________.

6. Ang pagbebenta ng illegal na droga ay may katapat na 12 hanggang 20 taong


________________.

7. Ang Kalayaan ay matatamasa ng mga tao kapag sila ay sumusunod sa mga


_________.

8. Dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang ___________ng mga


batas.

9. Mas magiging maunlad ang ating bansa at ang mundo kung lahat ay
_______________________.

10. Ang mga batas at patakarang ginagawa ng mga tao ay para rin sa
__________ng tao.

7 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
KARAGDAGANG GAWAIN

PANUTO: Isulat sa iyong journal ang mga pamamaraan na maaring magawa ng


mga tao upang mapaunlad ang paggalang sa mga batas. Ilahad ang iyong pangako
upang pagsasabuhay ng mga ito.

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

PAGNINILAY

Ang natutuhan ko ay _____________________________________

Napag-isipan ko_____________________________________

Gagamitin ko ____________________________________________

8 NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2
NegOr_Q3_EsP6_Modyul7_v2 9
Group Inc.
et.al,Ylarde, Z. R. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6. Quezon City, Philippines: Vibal
SANGGUNIAN
Pagyamanin
1. X
2. /
3. X
4. /
5. /
Isagawa
A. 1. Mali
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
Tayahin
A. 1. kapayapaan 6. pagkabilanggo
2. kaayusan 7. batas
3. impormasyon 8. pagpapatupad
4. magsilbing aral 9. Tumutupad sa batas
5. payapa at masaya 10. Kabutihan
Subukin
I. Pagtupad sa Batas
II. 1. C 4. (Answer may vary)
2. B 5. (Answer may vary)
3. C
Suriin
(Answer may vary)
SUSI SA PAGWAWASTO
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like