You are on page 1of 18

ESP 6

PAKSA:
MAPANURING PAG-IISIP
(CRITICALTHINKING)
Tungkol saan ang TV
Commercial?
Ano ang habilin ni Gng. Susan
Roces?
Ano-ano ang gamit ng impormasyon
mula sa iba’t ibang source o
pinanggagalingan nito?
Bakit mahalagang isaalang-alang ang
pagsuri sa isang impormasyong
nabasa, narinig, o napanood?
Bilang isang mag-aaral, sang-
ayon ka ba sa sinabi ni Gng.
Susan Roces? Bakit?
Dapat na bang gawing legal ang marijuana bilang gamot?
Published October 18, 2014 6:22pm

Patuloy ang debate sa Kongreso tungkol sa


panukalang batas para gawing legal ang paggamit sa
marijuana bilang gamot sa ilang sakit at disorder
tulad ng epilepsy. Pero pangamba ng ilan, baka
maabuso ito at lalo pang makadagdag sa problema
ng kriminalidad.
Sa isang ulat ni Kara David sa GMA News,
ipinakita niya ang dalawang-taong-gulang
na si Julia Cunanan.
Palangiti umano si Julia pero sa isang iglap
ay naglalaho ang sigla nito sa mukha at
titirik ang mga mata, maninigas ang buong
katawan.
Ipinanganak kasi si Julia na taglay ang
karamdaman na partial seizure disorder.
Sa isang araw, inaabot umano ng 50
ang pag-atake ng epileptic seizures ng
bata.  At sa bawat seizure, may brain
cells sa kaniya ang namamatay.
Pag-amin ni Dra. Donnabel
Cunanan, ina ni Julia, napapaiyak
na lang siya kapag sinusumpong
ang anak, at lagi siyang
kinakabahan.
Ilang gamot na raw ang sinubukan ng
mga duktor kay Julia pero walang
umubra kahit isa.  Kaya naman nang
mapanood daw ni Donnabel sa internet
ang kuwento ng isang bata sa Amerika
na gumaling sa parehong sakit,
nabuhayan siya ng pag-asa.
Ngunit ang problema, ang gamot na
ginamit sa bata, marijuana extract o
katas ng marijuana.
Legal sa Amerika ang paggamit ng
marijuana bilang gamot sa iba't ibang
sakit kasama na ang epilepsy at seizure
disorders.
Pero sa Pilipinas, nanatili itong iligal.
Dahil dito, ipinanukala ni Isabela
Rep. Rodolfo Albano III, ang House
Bill No. 4477, na naglalayong gawing
legal ang paggamit ng marijuana
bilang gamot sa ilang sakit na wala
pang lunas.
Tungkol saan ang artikulo?
Ano ang suliranin ng magulang ni Julia?

Batay sa nabasa sa internet, papaano


gumaling ang isang bata sa Amerika
na may katulad na karamdamang
gaya ng kay Julia?
Kung ikaw ay doktor ni Julia, ipapayo
mo ba sa mga magulang ni Julia ang
marijuana? Bakit?
Balikan ang artikulo, naniniwala ka ba
sa isinasaad sa internet? Bakit?

Papaano ka mahihikayat o mahihimok


gumamit ng isang produkto?
Ano-ano ang dapat isaalang-alang bago
gumamit ng isang produkto? Bakit?

Paggawa ng isang anunsiyo o patalastas


tungkol sa isang sabong pampaputi
Bakit mahalagang suriin ang
impormasyong narinig,
nabasa, o napakinggan?

You might also like