You are on page 1of 11

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 12: Nasusuri ang naging epekto ng partisipasyon ng


mga kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Cristy J. Estebe
Editor: Ferdinand P. Apostol
Teknikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
ARALING
PANLIPUNAN
6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pagsuri sa Naging Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong
Plipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan) ng Modyul
para sa araling Nasusuri ang naging epekto partisipasyon ng mga kababaihan sa
Rebolusyong Pilipino !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 6) Modyul ukol sa


(Nasusuri ang naging epekto ng partisipasyon ng mga kababaihan sa Rebolusyong
Pilipino) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang araling ito at tatalakay sa naging epekto ng partisipasyon ng mga


kababaihan sa Rebolusyong Pilipino. Pagkatapos mong makumpleto modyul na ito,
inaasahang iyong:

 Nasuri ang naging epekto ng partisipasyon ng mga kababaihan


sa Rebolusyong Pilipino.
 Napahalagahan ang ang naging partisipasyon ng mga
kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Naging tagapamahala siya ng mga armas at iba pang kagamitan ng


katipunan at pinangasiwaan din niya ang mga mahahalagang
dokumento na nauukol sa kilusan.
A. Gregoria de Jesus C. Gabriela Silang
B. Trinidad Tecson D. Mechora Aquino

2. Taga Sta. Cruz Laguna na nakilala bilang natatanging babaeng


heneral ng himagsikan.
A. Josefa Rizal C. Trinidad Tecson
B. Agueda Kahabagan Esteban D. Josefa Llanes Escoda

3. Siya ang kumupkop sa mga sugatang katipuneros.


A. Teresa Magbanua C. Melchora Aquino
B. Gregoria Montoya D. Josefa Rizal

4. Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa mga Kastila ng namatay


ang kangyang asawang si Diego Silang.
A. Teresa Magbanua C. Marina Dizon Santiago
B. Josefa Llanes Escoda D. Gabriela Silang

5. Siya ang nanguna sa mga pagtatanghal sa pag-awit at pagsayaw sa


mga kunwa-kunwariang pagdiriwang upang ilihis ang atensyon ng
mga Espanyol sa tuwing may gaganaping lihim na pagpupulong ang
kalalakihang miyembro ng katipunan.
A. Marina Dizon Santiago C. Melchora Aquino
B. Marcela Agoncillo D. Lorenza Agoncillo
BALIK-ARAL

Mga bata, pagmasdan ninyo ang mga nasa larawan kilala nyo ba
sila?
Ano ang tawag sa kanila?

(Source: https://images.apps.goo.gl/kNhG6ieMTVufU47h6 )

Sila ang mga kasalukuyang bayani sa panahon natin ngayon., ang


tawag sa kanila ay mga FRONTLINERS. May malaki silang obligasyong
ginagampanan sa sitwasyong kinakaharap ng ating bansa ngayon. Tulad ng
mga kababaihan na nagkaroon ng malaking partisipasyon sa Rebolusyong
Pilipino.

ARALIN

Ngayon, ay susuriin natin ang naging epekto ng partisipasyon ng mga


kababaihan sa Rebolusyong Pilipino. Malaki ang naging epekto ng
partisipasyon ng mga katipunera sa Rebolusyong Pilipino. Sila ang naging
daan upang higit na dumami ang miyembro ng kilusan upang patuloy na
ipaglaban ang minimithing kasarinlan o kalayaan ng ating bansa. Nabigyan
ng pagkakataon ang mga kababaihan na makiisa at maging bahagi ng
pakikipaglaban sa kabila ng kanilang kasarian tungo sa ikatatagumpay ng
kilusan na makamtam ang iisang mithiin Ang Kalayaan ng Pilipinas.

Epekto ng partisipasyon ng mga kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.


Tulad ng mga kababaihan noon at ngayon malaki ang bahagi na
kanilang ginagampanan para sa bawat mamamayang Pilipino, sa lipunan at
higit sa ating sariling bansa.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na makiisa at


maibahagi ang kanilang kakayahan sa abot ng kanilang makakaya.

Ang naging partisipasyon ng mga kakabaihan sa Rebolusyong Pilipino


ay nagbigay ng magandang epekto sa kasaysayan ng ating bansa sapagkat
naipakita ng mga kababaihan ang kanilang paninindigan na makatulong sa
pagkakaisa ng mga makabayang – Pilipino para sa mamamayan at sa bansa.

MGA PAGSASANAY

Panuto: Isulat ang W kung nagsasaad ng wastong pangyayari sa


Rebolusyong Pilipino at DW kung hindi.

_______1. Nagpakita ng kahusayan at katapangan sa pakikidigma ang mga


kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.

_______2. Pagmamahal sa bansa ang namayani sa mga kababaihan.

_______3. Hindi nakatulong ang mga kababaihan sa ikatatagumpay ng


Katipunan.

_______4. Kawalan ng pag-asa ang nagtulak sa mga kababaihan upang hndi


makiisa sa layunin ng Katipunan.

_______5. Pawang magigiting at matatag ang loob ng mga kababaihan sa


Rebolusyong Pilipino.

PAGLALAHAT

Panuto: Lagyan ng tsek  ang kahon kung nagpapakita ng epekto


partisipasyon at ekis  kung mali.
1. Ang mga kababaihan ang naging daan upang dumami ang miyembro
ng kilusan.

2. Hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na lumahok at


makiisa sa kilusan.

3. Naipakita ng mga kababaihan ang kanilang paninindigan sa pagiging


miyembro ng kilusan.

4. Naging daan ang pagkakaisa ng miyembro ng kilusan tungo sa iisang


layunin na makalaya ang bansa.

5. Hindi nagpakita ng pagmamalasakit sa kapwa – Pilipino ang mga


katipunera.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa
ng pangungusap.

Ang (1)__________________ sa bansa ang nagtulak sa mga kababaihan


na maging miyembro ng (2)_________________. Buong tapang na nakibaka
ang mga kababaihan sa (3)_____________________________ upang makamtan
ang ninanais na (4) __________________ng bansa.

Tulad ng pandemya natin sa kasalukuyan ang COVID – 19.


Nahaharap sa matinding pagsubok ang bansa. Ang mga kasalukuyang
namumuno sa pamahalaan ay may malaking (5) ___________________ na
dapat gampanan tungo sa ikabubuti ng Sambayanang – Pilipino.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa isinasaad ng pangungusap.

1. Naipamalas ng mga kababaihan ang pagmamahal sa bansa sa


panahon ng Rebolusyong Pilipino.

A. Oo B. Hindi C. Marahil D. wala sa nabanggit


2. Nagpakita ng kahinaan ng loob ang mga kababaihan sa Rebolusyong
Pilipino.

A. Oo B. Hindi C. Marahil D. wala sa nabanggit

3. Naipakita ng mga kababaihan ang kanilang paninindigan sa


pakikipaglaban o pakikidigma.

A. Oo B. Hindi C. Marahil D. wala sa nabanggit

4. Naging daan ang mga kababaihan sa Rebolusyong Pilipino upang higit


na dumami ang kasapi ng kilusan.

A. Oo B. Hindi C. Marahil D. wala sa nabanggit

5. Hindi nagtagumpay ang kilusan sapagkat walang pagkakaisa sa mga


miyembro nito.

A. Oo B. Hindi C. Marahil D. wala sa nabanggit


SUSI SA PAGWAWASTO

5.A 5. W 5.A
4.B 4.DW 4.D
3.A 3.DW 3.C
2.B 2.W 2.B
1.A 1.W 1.A

Panapos na Gawain Pagsasanay Paunang Pagsubok

Sanggunian
Antonio, Eleanor, Banlaygas, Emilia and Dallo, Evangeline. Kayamanan 6. New
Edition. 856 Nicanor Reyes, Sr. St. 1977 C.M. Recto Ave. Manila, Philippines. REX
Book Store Inc. 2015
Ramos, Genoveva and Andal, Erlinda. Pilipinong Makabayan 6 Batayang Aklat sa
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika. 2/F Bookman Bldg. 373 Quezon Avenue 1114
Quezon City. BOOKMAN INC. 2007

https://images.apps.goo.gl/kNhG6ieMTVufU47h6 (Larawan ng Frontliners)

You might also like