You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 2: Pag-usbong ng Uring Mestiso


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Julimy B.Depalobos
Editor:
Tagasuri: Ferdinand Apostle/Virginia C. Patag
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
AralingPanlipunan
Araling
Panlipunan 6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pag-usbong ng Uring Mestiso
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan -VI) ng
Modyul para sa araling Pag-usbong ng Uring Mestiso !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan-VI) Modyul ukol sa


(Pag-usbong Ng Uring Mestiso) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang mga bagay na narito ay sarilinang pag-aaral sa Araling Panlipunan


6. Ang lahat ng mga pagsasanay at gawain nakalakip dito ay makatutulong
sa iyo upang ikaw ay umunlad at matuto ng tungkol sa: Pag-usbong ng Uring
Mestiso.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ang bawat isang tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Saang bansa matatagpuan ang Suez Canal?


a. Amerika
b. Egypt
c. Pilipinas
d. Singapore
2. Dahil sa pagbukas ng Suez Canal napabilis o napadali ang biyahe mula
Pilipinas patungong Espanya.Naging ilang araw nalang ang biyahe na
dati ay dalawang buwan?
a. 30 araw
b. 15 araw
c. 35 araw
d. 40 araw
3. Ang mga sumusunod ay ang mga magagandang dulot ng pagbukas ng
Suez Canal MALIBAN sa isa?
a. Napabilis ang transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng
Pilipinas at Espanya.
b. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mayayamang Filipino
na makapag-aral sa ibang bansa
c. Lalong naghirap ang mga lokal na negosyante dahil hindi
gaanong nabibigyang pansin ang mga local na produkto
d. Napaunlad ang mga produktong agrikultural na iniluluwas
ng Pilipinas.
4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging dahilan ng pagkamulat
ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
a. Pagdating ng mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.
b. Karamihan sa mga Pilipino ay nakapangasawa ng mga banyaga
c. Pagkaroon ng mga Pilipino ng pagkakataong makapagtrabaho sa
mga banyagang bansa
d. Pagpasok ng mga aklat na naglalaman ng kaisipang liberal
at rebolusyonaryo
5. Sinong dayuhan ang nagdala ng kaisiping liberal sa Pilipinas?
a. Carlos Maria Agassi
b. Carlos Concio Villalobos
c. Carlos Maria dela Torre
d. Carlos Jose dela Torre

BALIK-ARAL

Natalakay na natin ang pagbukas ng Pilipinas sa pambansang kalakalan.Napag-


aralan natin ang mga mabuti at di-mabuting dulot ng pagbukas ng Suez Canal.

ARALIN

Kilalanin ang mga nasa larawan.

https://en.wikipedia.org/wiki/Catriona_Grayhttps://en.wikipedia.org/wiki/Marian_Rivera
https://www.facebook.com/PiaWurtzbachPage/

Ang mga nasa larawan ay mga Pilipinang mayroong mga magulang na


taga-ibang bansa.Si Catriona Gray ay anak ng isang Pilipina at Australyano,
si Marian Rivera ay anak ng isang Espanyol at Pilipina,at ang ama naman ni
Pia Wurtzbach ay isang German at ang ina ay Pilipina.
Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga artista at mga beauty
queens sa ating kapanahunan ngayon.Ang tawag sa kanila ay Mestisa
Pansinin natin ang mga antas sa lipunan noong panahon nga
Espanyol.
https://www.slideshare.net/MariaLuisaMaycong/pagusbong-ng-liberal-na-ideya

Peninsulares - mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit ipinanganak


sa Espanya.
Insulares – ipinanganak sa Pilipinas na may dugong purong Kastila ang
mga magulang at sa Pilipinas nakatira
Mestiso – hindi purong Pilipino
Principalia – mga Pilipinong nabibilang sa mataas na antas ng lipunan
noong panahon ng mga Espanyol
-- sila tinatawag din mga Ilustrado o mga nakapag-aral sa ibang
bansa
Indio – mga Pilipinong mangmang,walang alam at walang pinag-aralan

Ngunit ang ating bibigyang pansin ay kung paano umusbong ang uring
Mestiso.
Paano umusbong ang uring Mestiso?

Basahin at unawain.

Nang mabuksan ang Suez Canal at naging bukas ang Pilipinas sa


pandaigdigang kalakalan,maraming mga banyaga mula sa iba’t-
ibang panig ng mundo ang dumayo sa Pilipinas upang makipagkalakalan.
Karamihan sa mga dayuhang iyon ay nakapag-asawa ng Pilipino at ang
kanilang naging anak ay tinatawag na mestizo.
Upang lubos nating maintindihan kung ano ang mestizo,tingnan
ang sumusunod na dayagram.

Banyagang Magulang Pilipinong Magulang Mestiso

https://www.netclipart.com
https://www.fotosearch https://www.gograph.com/clipart/li /isee/JoJx_cartoon-baby-
.com/CSP854/k639071 ttle-filipina-girl-wearing-national-
40/ costume-kimona-gg65286015.html
Ano ang Pagbabagong Dulot Pag-usbong ng Uring Mestiso sa Pamumu-
hay ng mga Pilipino?

1. Karamihan sa kanila ay nakapagpundar ng mga negosyo na siya ring


nakatulong sa mga kapwa Pilipinong naghihirap sa buhay.
2. Ang kanilang mga anak ay nakapag-aral sa ibang bansa na siyang naging
daan upang mamulat ang mga kababayang Pilipino sa mga pang-aaping
ginawa ng mga Espanyol.
3. Marami sa mga Pilipinong mahihirap ang nabigyan ng pagkakataong ma-
kapagtrabaho at maiahon ang buhay sa kahirapan.

MGA PAGSASANAY

Mga Pagsasanay Blg.1


Isulat ang M kung ang tinutukoy ay Mestiso at HM kung Hindi Mestiso.
______1.Si Denever ay anak ni Aling Ana na isang Pilipina at Mang Kanor na
isang Pilipino.
______2.Ang aming kapitbahay ay may Amerikanong tatay at Tsinang nanay.
______3.Dumating kahapon ang aking pinsan galing Singapore Pilipina ang
nanay niya at Espanyol ang tatay niya.
______4.Nagwagi bilang pinakamahusay na mang-aawit ang kaklase naming
kapwa mga Koreano ang mga magulang.
______5.Madalas kami pumunta sa mansion ng aming kaibigan sa probinsya
na may tatay na taga-India at nanay na Lebanese .

Mga Pagsasanay Blg.2


Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung hindi.
1. Nang mabuksan ang Suez Canal dumami ang mga taga-ibang bansa
ang dumayo sa Pilipinas at nakapag-asawa ng Pilipino.
2.Lalong naghirap ang mga Pilipino simula nang umusbong ang uring
Mestiso.
3. Karamihan sa mga uring mestizo ay nakapag-aral sa ibang bansa.
4.Malaki ang naging ambag ng mga uring mestizo upang mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa.
5.Ang mga uring mestizo ay may mga magulang na kapwa Pilipino .
PAGLALAHAT

Mestiso ang tawag sa Pilipino kung _______________________________.

PAGPAPAHALAGA

Malaki ang naging ambag ng uring mestiso sa ating bansa.Paano


nakatulong ang mga uring mestizo sa pagbabago ng paraan ng pamumuhay
ng mga Pilipino?Nakatulong ba sila sa pagkamit ng ating kalayaan? Paano?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga Pilipinong hindi puro o may magulang na ban-


yaga at Pilipino.
A. Principalia
B. Indio
C. Ilustrado
D. Mestiso

2. Ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya na may magulang na may


dugong puro Espanyol ay tinatawag na __________.
A. Principalia
B. Indio
C. Ilustrado
D. Mestiso
3. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong naganap nang umusbong ang
uring mestiso maliban sa isa.
A. Nakapag-aral sa ibang bansa ang ilan sa mga Pilipinong nakaluluwag
B. Natulungan ang mga mahihirap na Pilipino na magkaroon ng trabaho
C. Unti-unting nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino
D. Naghirap nang lubos ang mga Pilipino.

4. Ano ang tawag sa mga Pilipinong di kailanman nakapag-aral,mangmang


at walang alam?
A. Principalia
B. Indio
C. Ilustrado
D. Mestiso

5. Sila ang mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas na may mga magu-


lang na may dugong puro Espanyol.
A. Insulares
B. Indio
C. Ilustrado
D. Mestiso
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Catriona Gray
From Wikipedia
https://en.wikipedia.org/wiki/Catriona_Gray
Marian Rivera
From wikipedia
https://en.wikipedia.org/wiki/Marian_Rivera
Pia Wurtzbach Official
https://www.facebook.com/PiaWurtzbachPage/
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
https://www.slideshare.net/MariaLuisaMaycong/pagusbong-ng-liberal-na- ideya
Cartoon Chinese boy Wearing Traditional Costume
https://www.fotosearch.com/CSP854/k63907140/
Illustration of Cute Little Filipina Girl wearing Traditional Costume Kimona
https://www.shutterstock.com/image-vector/illustration-cute-little-filipina-girl-
wearing-140754697
Cartoon Baby Clipart - Cute Babies Clip Art
https://www.netclipart.com/isee/JoJx_cartoon-baby-clipart-cute-babies-clip-art/

You might also like