You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 3: Dekretong Edukasyon


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Julimy B.Depalobos
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/Virginia C. Patag
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P.ngTagulao
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran EdD– (Mathematics/ABM)
Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Dekretong Edukasyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan -VI) ng
Modyul para sa araling Dekretong Edukasyon !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan-VI) Modyul ukol sa


(Dekretong Edukasyon) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang mga bagay na narito ay sarilinang pag-aaral sa Araling Panlipunan


6. Ang lahat ng mga pagsasanay at gawain nakalakip dito ay makatutulong
sa iyo upang ikaw ay umunlad at matuto ng tungkol sa: Dekretong
Edukasyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay antas sa lipunan noong panahon ng Espanyol na tumutukoy sa
mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya ngunit nakatira sa Pilipinas.
a. Insulares
b. Peninsulares
c. Indio
d. Ilustrado
2. Tumutukoy sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas na purong
Espanyol ang mga magulang.
a. Indio
b. Ilustrado
c. Insulares
d. Peninsulares
3. Dahil sa pagbukas ng Suez Canal,maraming mga Pilipino ang nakapag-
aral sa ibang bansa .Ano ang tawag sa kanila?
a. Mestizo
b. Insulares
c. Indio
d. Ilustrado
4. Tumutukoy sa mga Pilipinong ang magulang ay Pilipino at isang dayu-
han.
a. Principalia
b. Mestizo
c. Indio
d. Ilustrado
5. Paano nakatulong ang mga lahing mestizo sa bansa?
a. Sila ay nakapagpundar ng negosyo at nakatulong sa mga kababa
yang hikahos sa buhay.
b. Pumunta sila sa ibang bansa at doon nagpapayaman
c. Ang kanilang mga anak ay nagsilipatan sa ibang bansa.
d. Ang mga lahing mestizo ay nakipagsabwatan sa mga Espanyol.
BALIK-ARAL

Napag-aralan natin ang tungkol sa pagsilang ng uring mestizo sa


bansa.Nagkaroon ng uring ito dahil sa mga Pilipinong nakapangasawa ng
mga dayuhan halimbawa Espanyol o Tsino.Mayroong limang antas ng
lipunan noong panahon ng mga Espanyol:
Principalia,Insulares,Mestiso,Principalia at Indio.

ARALIN

Ayusin ang mga titik na ito upang mabuo ang salita.


OSANEDYUK
Ang ating mabubuong salita ay Edukasyon.
Ano sa inyong palagay ang ibig sabihin ng Dekretong Edukasyon?
Iyan ang pag-aaralan natin ngayon ang PAGPAPATIBAY NG DEKRETONG
EDUKASYON NG 1863 .

Basahin at unawain.
Una ay bigyan muna nating kahulugan ang salitang dekreto.
Ang dekreto, o sa salitang Ingles 'decree' ay nangangahulugan sa isang
opisyal na kautusan na ipinatutupad ng isang sanghay na may awtoridad.
Ang isang dikreto ay naiuugnay at naihahalintulad sa isang batas.

Ang dekreto ay ginagamit upang ipaalam na mayroong isang bagay o


kaganapan na kailangang mangyari o sundin ng mga mamamayan na
nasasakupan ng awtoridad na nagbigay ng dekreto.

Ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ay ang pagpapatibay ng


isang batas o kautusan na may kaugnayan sa edukasyon ng 1863.
Layunin nito ang pagbuo ng isang sitema ng pampublikong edukasyon sa
Pilipinas.Ang batas na ito ay tungkol sa pagbubukas ng mga paaralang
pampubliko para sa kababaihan at kalalakihan.

Taong 1863 nang nagpalabas ng kautusan ang pamahalaang


Espanyol ukol sa edukasyon.Nagtakda sa pagtatayo ng paaralang primarya
sa bawat bayan.Nagtatag sila ng mga paaralan upang mapalaganap ang
doktrina ng
Kristiyanismo at makapagsanay sa mga alagad ng Diyos.
Sinasanay nila ang mga katutubo ng mga dasal at sabay-sabay na
magdasal ang mga mag-anak.Hiwalay ang paaralan ng mga lalaki at babae
sa panahon ng mga Espanyol.

Mga itinuro sa mga kalalakihan:


Kasaysayan ng Espanya, Heograpiya,Pagsasaka, Pagsusulat
Aritmetika, Doktrina Kristiyana, Pag-awit at Kagandahang- Asal.

Mga itinuro sa mga Kababaihan:


Doktrina Kristiyana, Latin, Kastila, Kasaysayan ng Espanya, Musika,
Matematika, Kagandahang-Asal, at mga Sining Pantahanan.
Ang wikang Espanyol ay sapilitang ipinaturo.Ngunit hindi sumunod
ang mga Espanyol sa kautusan na ituro ang wikang Espanyol sa katutubo.
Isang katangian ng edukasyon sa panahon ng Espanyol ang pagsasaulo
ng mga dasal,pagdidisiplina sa pamamagitan ng pananakot at
pananakit sa mga mag-aaral kapag hindi nakatupad sa itinuturo
ng gurong prayle.
Ang mga dalagita ay iniiwan lamang sa bahay oo kaya sa paaralan.
Ang mga paaralan na tinatawag na kolehiyo ay pinangasiwaan ng mga
madre. Hindi sila nakapag-aral sa mga pamantasan upang mag-aral ng
propesyong gaya ng abogasya, medisina at inhenyeriya. Tinuruan lamang
sila na maging mabuting asawa at ina sa hinaharap. Marami ring pumasok
sa kumbento upang maging madre

Doctrina Cristiana (Banal na


Kasulatan)
alaman ng mga panalangin at
panuntunan sa pananampalatayang
Kristiyanismo

http://korea.prkorea.com/wordpress/?p=266

Mga Paaralang Naitatag noong panahon ng mga Espanyol

1. Nuestra Señora del Rosario (Unibersidad ng Santo Tomas)


2. Colegio De Letran
3. Kolehiyo ng San Ildefeonso (San Carlos University-Cebu)
4. Colegio De Santa Isabel
5. Colegio De Santa Rosa
6. Colegio De Santa Rita
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay # 1
Iguhit ang kung ito ay itinuro sa mga kababaihan noon,
kung sa mga kalalakihan at kung itinuro sa mga kalalakihan at
mga kababaihan.

_______1. Pananahi at pagbuburda


_______2. Pagtatanim at pagsasaka
_______3. Doctrina Cristiana
_______4. Kasaysayan ng Espanya
_______5.Pagsusulat

Pagsasanay # 2
Isulat ang salitang KATOTOHANAN kung may katotohanan ang
isinasaad ng bawat pahayag at WALANG KATOTOHANAN naman kung
kabaligtaran.
________1. Ang mga Pilipino noon ay sapilitang pinapapasok sa paaralan.
________2. Ang pagtuturo ng Kristiyanismo ang binigyang-diin ng edukas-
yong hatid ng mga Espanyol.
________3. Ang mga katutubo ay hindi nila sinasanay sa pagsasaulo ng
mga dasal.
________4. Nagkaroon ng pormal na edukasyon ang mga Pilipino sa panahon
ng mga Espanyol.
________5. Ang mga mag-aaral noon ay hindi tinatakot at hindi sinasaktan
ng mga gurong prayle
PAGLALAHAT

Ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ay ang


________________________.
Layunin nito ang pagbuo ng isang sitema ng______________________________.
Ang mga itinuro sa mga kalalakihan noon ay ang ____________,_____________,
_________,_____________,_____________,___________,____________, at __________.
Ang mga itinuro naman sa mga kababaihan ay ang __________,____________,
____________,_____________,____________ at_____________.

PAGPAPAHALAGA

Natutunan kong dahil sa Dekretong Edukasyon ay


_______________________.
Kung kaya ang edukasyong aking nakamtan ngayon ay dapat kong
__________________________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat isang pangungusap. Piliin ang titik ng


tamang sagot.

1.Ito ay aklat naglalaman ng mga panalangin at panuntunan sa


pananampalatayang Kristiyanismo
A. Aklat de Heswita
B. Doctrina Dela Pasion
C. Doctrina Cristiana
D. Cristiana El Independente
2. Ang mga sumusunod ay layunin ng pagpapatibay ng dekretong
edukasyon ng1863 MALIBAN sa isa.
A. Pagbuo ng isang sistema ng pampublikong edukasyon sa
Pilipinas
B. Pagpapatayo ng mga paaralan sa mga bayan
C. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
D. Pamamahagi ng kaalaman tungkol sa Islam

3. Ano ang higit na binigyang pansin ng edukasyong hatid ng mga


Espanyol?
A. Pagsasaka at pagtatanim
B. Kasanayang Pantahanan
C. Pag-aaral ng Doctrina Cristiana
D. Pagsusulat at pagbabasa

4. Sapilitang ipinaturo ang wikang Espanyol sa mga paaralan ngunit


tumanggi ang mga gurong prayle na gawin ito,sa anong
kadahilanan?
A. Dahil sa takot na matuto ang mga Pilipino ng kanilang wika at
malalaman ang kanilang tunay na mottibo
B. Dahil mahirap makaintindi ang mga Pilipino sa kanilang wika
C. Dahil nagagalit ang mga Pilipino kapag tinuturuan ng wikang
Espanyol
D. Dahil nagugustuhan na nila ang wikang Pilipino

5. Ano ang ibig sabihin ng dekretong edukasyon?


A. Ito ay kautusan na hindi kailanman pipilitin ang mga mama-
mayan na makapag-aral
B. Ito ay kautusan na nagsasaad na ang mga kababaihan ay hin-
di maaaring makapag-aral
C. Ito ay kautusang ikukulong ang mga magulang sa sandaling
hindi pinapapasok sa paaralan ang mga anak.
D. Ito ay kautusan na may kaugnayan sa sistema ng edukasyon .
SUSI SA PAGWAWASTO

5. D 5. Walang Katotohanan 5. 5. A
4. A 4. Katotohanan 4. 4. B
3. C 3. Walang Katotohanan 3. 3. D
2. D 2. Katotohanan 2. 2. C

1. C 1. Katotohanan 1. 1. B

Pagsusulit
Panapos na Pagsasanay #2 Pagsasanay #1 Paunang Pagsusulit

Sanggunian
Ang lahat ng impormasyon na nakalap ay galing sa:
Doctrina Christiana En Lengwa Espanyola Y Tagala de Philippines
- http://korea.prkorea.com/wordpress/?p=266
Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
https://www.youtube.com/watch?v=kz9bvucHzsA
Ano ang Kahalagahan ng Dekreto
https://brainly.ph/question/2120890
Dekretong Edukasyon ng 1863
https://www.youtube.com/watch?v=mbLhUYmr8Qg

You might also like