You are on page 1of 15

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Unang Markahan – Modyul 3: Pagsulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Elizabeth R. Pascual
Editor: Mario N. Pardinez
Tagasuri: Maria Tesana A. Fabros
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elizabeth R. Pascual
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 5

Unang Markahan
Modyul 3 para Sariling Pagkatuto
Pagsulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino-Ikalimang Baitang) ng
Modyul para sa araling Pagsulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Sa paggamit ng modyul na ito, laging tandaan ang mga sumusunod:
• Basahing mabuti ang bawat pahina.
• Huwag sulatan ang modyul na ito.
• Sagutin ang mga tanong nang tapat sa kalooban at ayon
sa pagkakaunawa.
• Isulat ang mag sagot sa sagutang papel.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Filipino-Ikalimang Baitang) Modyul ukol sa


(Pagsulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Magandang buhay!

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang matutunan mong


lubos kung paano ka makasusulat ng isang talatang nagsasalaysay.

Inaaasahan ko rin na sa katapusan ng aralin ay magagamit mo nang


wasto ang mga natutuhan mo tungkol sa paraan ng mahusay na pagsulat.

PAUNANG PAGSUBOK

Handa ka na ba sa ating aralin? Halika! Umpisahan mo na ang pag-


aaral sa araw na ito. Basahin mo at unawain ang nilalaman ng talata.

Ang Pagsunod Sa Magulang

Likas na katangian ng mga Pilipino ang pagiging masunurin sa mga


magulang at nakatatanda. Kinagisnan na ng isang bata ang ganitong
kaugalian, kaya lumalaki siyang magalang at masunurin sa mga magulang.
Tinuturuan din siyang maging magalang sa mga nakatatandang kaanak sa
pamilya.

Sa isang mag-anak na Pilipino ay karaniwang kasama sa bahay ang


kanilang lolo at lola. Inaasahang mamahalin at igagalang din sila ng mga
bata sa pamilya. Sinusunod ng mga bata ang iniuutos ng mga ito at
binibigyan sila ng kaukulang paggalang. Nananatili ang magagandang
pagtitinginan ng matatanda at mga nakababatang kasapi ng pamilya.

Ipinagpapatuloy ng salinlahi sa kasalukuyan ang magagandang


kaugaliang ito ng mga Pilipino. Higit kailanman ay ngayon dapat hubugin sa
magandang asal ang ating mga kabataan sapagkat marami na rin sa kanila
ang nakalilimot na ang “pagsunod sa magulang ay tanda ng anak na
magalang “
Isulat kung tama o mali ang mga sumusunod na tanong

______1. Ang pagiging masunurin ba sa mga magulang at nakatatanda


ay likas na katangian ng mga Pilipino?

______2. Ang pagsunod sa magulang ay tanda ng anak na walang


paggalang?

_______3. Tama ba ang pagkakasulat ng pamagat?

_______4. Ang nabasa mo bang talata ay isang talatang


nagsasalaysay?

_______5. Naaayon ba ang nilalaman ng talata sa pamagat nito?

BALIK-ARAL

Alamin naman natin kung ano ang natutunan mo sa nakaraang


aralin tungkol sa uri ng pangngalan. Handa ka na ba?

Panuto: Piliin ang mga pangngalang ginamit sa bawat pangungusap.


Sabihin kung Pangngalang Pantangi o Pangngalang Pambalana.

1. Si Pangulong Duterte ay mahusay mamuno.


2. Maraming tao na ang apektado ng lumalaganap na sakit.
3. Ang COVID 19 ay nagdulot ng takot sa madla.
4. Maghugas ng kamay araw-araw.
5. Hinangaan ang mga Pilipino dahil sa pagiging matulungin.
ARALIN

Bago ka mag-umpisa sa ating aralin ngayon, nais ko munang sagutin mo ang


mga sumusunod na mga tanong.

Sino ang itinuturing na mga bagong bayani sa ating panahon ngayon?


Tama ba na tawagin silang mga bagong bayani?

Ang Mga Bagong Bayani


Sa panulat ni: Elizabeth R. Pascual

“Frontliners “ang tawag sa mga bagong bayaning itinuturing sa


panahon ngayon. Sila ang mga doktor, narses, mga sundalo, mga pulis, mga
health workers at iba pang tao na matatapang na humaharap sa kalabang
hindi nakikita ninuman. Nakatatakot man ang kanilang ginagawa dahil sa
pandemyang COVID-19, sige lang sila na mapaglingkuran ang ating bansa at
ang mga tao, lalong lalo na makita nilang ligtas ang kani-kaniyang pamilya.

Dasal sa Maykapal ang tanging sandata nila upang mapaglabanan nila


ang takot sa labang ito.

Marami na ang nagbuwis ng buhay mailigtas lamang tayong lahat. Sa


ating panonood o pakikinig ng mga balita, nalalaman natin ang nagaganap
sa ating bansa maging sa buong mundo. Mayaman man o mahirap ay naging
pantay- pantay ang katayuan ng mga tao sa panahong ito. Sa tulong ng mga
itinuturing na mga bagong bayani, unti-unti nating napagwawagian ang
labang ito. Ang pagsunod natin sa ipinag-uutos ng pamahalaan na
napakasimpleng “stay at home “ay napakalaking tulong sa mga itinuturing
nating mga bagong bayani. Sila ang mga bida na nagsasakripisyo na
nararapat lamang na bigyan ng mataas na pagpupuri at pagkilala.

Ang kabayanihan ng mga frontliners ng bansa mula sa COVID-19 ang


patunay na hindi kinakailangan ng digmaan upang maging bayani ng bayan
sapagkat ang bawat isa ay maaaring maging bayani sa ating pang araw-araw
na buhay.
Naunawaan mo ba ang talata? Sagutin mo ang inihanda kong gawain upang
malaman kung gaano mo naunawaan ang mga kaalamang aking inilahad.

1. Ano ang tawag sa mga bagong bayani?


___________________________________________________________________
2. Ano ang tanging sandata nila upang mailigtas ang mga tao?
_________________________________________________________________________

3. Bakit dapat nating sundin ang napakasimpleng ipinag-uutos ng


pamahalaan?
___________________________________________________________________
4. Paano sila nagsasakripisyo para sa ating bansa?
___________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa ating mga bagong
bayani?
___________________________________________________________________
Suriin Mo
Ngayon, ating suriin ang talatang inyong binasa.

Ano-ano ang mga masasabi mo sa ating talata? Ito ba ay nagsasalaysay?

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap


na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.

Ano ang ibig sabihin ng isang talatang nagsasalaysay?

Ang talatang nagsasalaysay ay nagpapahayag ng mga magkakaugnay na


pangyayaring maaaring totoo o kathang-isip lamang. Ito`y naglalayong
magkwento ng naranasan, nabasa, nasaksihan, narinig o napanood.

Ano-ano ang mga bahagi ng isang talatang nagsasalaysay?

Mga Bahagi ng Talatang Nagsasalaysay

➢ Panimulang pangungusap o introduksyon – ito ang pambungad na


pangungusap. Ang layunin nito ay upang mabisang ipakilala ang
mabisang paksa sa mga mambabasa.

➢ Gitnang pangungusap o katawan nito – binubuo ito ng mga


pangungusap ayon sa nasabi sa panimulang pangungusap at marami
pang ibang salitang naglalarawan sa kabuuan ng paksa.
➢ Pangwakas na pangungusap o konklusyon – ang layunin naman nito
ay upang ibigay ang huling detalye, mga aral at opinyon ng manunulat
o ng paksa mismo. Binubuod din nito ang lahat ng nabanggit sa buong
paksa o ang ilang mahahalagang bahagi nito. Karaniwang maikli lang
ang isinusulat dito at nagiging epektibo kung naiiwan sa isipan ng
mambabasa ang mga aral ng paksang sinulat.

Paano binubuo ang isang talatang nagsasalaysay?

Ang isang talatang nagsasalaysay ay dapat na:

• Sinimulang makatawag-pansin
• May isang paksang pangungusap sa bawat talata
• Bawat pangungusap sa talata ay tumutulong sa pagpapaliwanag sa
paksang pangungusap

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod upang mabuo ang isang maikling
talatang nagsasalaysay. Lagyan ng bilang 1-5 sa bawat patlang.

______ Pinatuloy siya ni Katrina at tinawag ang kanyang nanay.

______ Bagong dating si Gng. Valencia sa bahay nina Katrina.

______ Dinalhan niya ng maiinom na softdrinks si Gng. Valencia

______ Nag-usap ang ginang at ang kanyang ina.

______ Nagpaalam si Katrina na maglalaro muna sa labas kasama ang


kaibigan niya.

PAGSASANAY 2
A. Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod
1. Ang talatang nagsasalaysay ay nagpapahayag ng mga magkakaugnay na
pangyayaring maaaring totoo o kathang-isip lamang.
2. Ang gitnang pangungusap ang pambungad na pangungusap. Ang layunin
nito ay upang mabisang ipakilala ang mabisang paksa sa mga mambabasa.

3. Pangwakas na pangungusap o konklusyon – ang layunin naman nito ay


upang ibigay ang huling detalye, mga aral at opinyon ng manunulat o ng
paksa mismo.

4. Ang introduksyon ang pambungad na pangungusap. Ang layunin nito ay


upang mabisang ipakilala ang mabisang paksa sa mga mambabasa.
5. Ang bawat pangungusap sa talata ay tumutulong sa pagpapaliwanag sa
paksang pangungusap.

PAGSASANAY 3
Pumili ng isa sa mga larawan at sumulat ng isang maikling talatang
nagsasalaysay tungkol dito.

Pasig Museum Pasig Cityhall

Simbahan ng Pasig Ilog Pasig


Estancia Mall

PAGLALAHAT
Marami kang natutunan sa ating pag-aaral sa araw na ito. Sa
kaganapan nito, kumpletuhin mo ang isinasaad ng talata.

Ang ________ ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga


pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro,
palagay o paksang diwa. Ang talatang ____________ ay nagpapahayag ng
mga magkakaugnay na pangyayaring totoo o kathang-isip lamang. Ito`y
naglalayong magkwento ng naranasan, nabasa, nasaksihan, narinig o
napanood.
Ang mga bahagi ng talatang nagsasalaysay ay panimulang
pangungusap o _______, gitnang pangungusap o ______________ at
pangwakas o __________.

PAGPAPAHALAGA

May natutunan ka bang mabuting aral sa araw na ito? Ano-anong mga


magagandang aral ang natutunan mo?

Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang pangungusap.

1. Ang mga frontliners ay tinawag na mga _________________.


2. Dasal ang tanging _______________ nila upang labanan ang pandemyang
Covid19.
3. Dapat silang bigyan ng __________ at ______________ sa panahong ito.
4. Ang ___________ ng mga frontliners ng bansa mula sa COVID-19 ang
patunay na hindi kinakailangan ng digmaan upang maging bayani ng
bayan.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Pumili ng isa sa mga pamagat at sumulat ng isang talata na


nagsasalaysay. Sundin mo ang mga wastong paraan ng
pagasasagawa nito.

1. Ang “New Normal Education “


2. Pamilyang Pilipino
3. Ang Ilog Pasig
4. Magulang Ko, Mahal Ko
5. Ang Bansang Pilipinas

Rubrik sa Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay

Pamantayan Magaling Tama Lang Kailangan pa ng


( 5 puntos) ( 3 puntos ) Pagsasanay
( 1 puntos )
Nailahad nang
maayos ang
paksa. May
iisang paksa ang
sanaysay
May kaugnayan
ang lahat ng
pangungusap sa
paksa
Naipasok ang
unang
pangungusap ng
talata.
Nakagamit ng
angkop na
bantas.
Paunang Pagsubok Paglalahat
1. Tama 1. talata
2. Mali 2. nagsasalaysay
3. Tama 3. introduksyon
4. Tama 4. katawan
5. Tama 5. konklusyon
Balik-aral Pagpapahalaga
1. Pantangi 1. Bagong bayani
2. Pambalana 2. sandata
3. Pantangi 3. Pagkilala at
papuri
4. Pambalana 4. Kabayanihan
5. Pantangi
Mga Pagsasanay
Pagsasanay 1
1. 2
2. 1
3. 4
4. 3
5. 5
Pagsasanay 2
1. tama
2. mali
3. tama
4. tama
5. tama
Pagsasanay 3(Gawain ng bata)
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
A. Aklat
Condez, Logue, Capili, Ferrer / Editor: Bagabaldo, Anita

A. Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 6. 2014 Sta. Cruz

Manila, Philippines, Saint Mary`s Publishing Corporation.

B. Pampamahalaang Publikasyon
Department of Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurilum:
Mayo 2016 (F5PU-If-2.1)
Dep Ed Most Essential Learning Competencies (F5PU-If-2.1)

C. Online o Elektronikang Pinagmulan


https://www.slideshare.net>module
https://www.google.com.ph
https://www.freepik.com/premium-vector/teacher-front-chalkboard-
withcopy-space-your-text-3010739 htm
tl-ph.facebook.com

You might also like