You are on page 1of 12

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 10: Dula (Kahulugan at Kahalagahan)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jay L. Penillos
Tagasuri: Adela S. Cruz at Josefina T. Salangsang
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 7
Ikalawang Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
Dula (Kahulugan at Kahalagahan)
Manunulat: Jay L. Penillos
Tagasuri: Adela S. Cruz at Josefina T. Salangsang/Editor: Leda Tolentino at Cindy Macaso
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 10 para sa
araling Dula (Kahulugan at Kahalagahan)!

Ang modyul na ito ay matulungan kang mapalawak ang kaalaman, nilinang


at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng
Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 10 ukol sa Dula: Kahulugan


at Kahalagahan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Isinulat at idinisenyo ang modyul na ito para sa iyo upang
matulungan kang mapalawak ang kaalaman sa asignaturang Filipino 7.

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod na layuning pampagkatuto:

A. Nabibigyang kahulugan at kahalagahan ng Dulang Pilipino.


B. Nakakikilala ng iba’t ibang damdamin na nakapaloob sa mga
pahayag/diyalogo.
C. Nakapagbibigay ng sariling interpretasyong makikita sa mga larawan.

PAUNANG PAGSUBOK
Sa bahaging ito ng modyul, susukatin muna natin ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Alamin natin ang iyong
kakayahan sa pagsagot ng paunang pagsubok. Huwag kang mag-alala kung
iniisip mong mali ang iyong sagot sa bahaging ito sapagkat sinusukat
lamang nito ang dati mo nang alam.

Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang ipinapahayag ng pangungusap o


diyalogo sa loob ng kahon. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

www.vectorstock.com/royalty-free-vectors/smiley-faceblack-and-white-vectors

A. galit B.pagtataka C. takot D. masaya E. pagod

_______1. “Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba kahit paulit-ulit nalang
siyang niloloko?”
______2. “Natutuwa ako sa pagdating ng binatang nagsalba sa aking buhay.”
______3. Galit ang aking naramdaman nang makita kong inaapi ang mahihirap na
tao.
______4. Nanindig ang balahibo ni Jose nang dalhin siya ng kanyang ama sa
sementeryo.
______5. “Nakita ko na lamang siyang nakahiga sa lapag at pagod na pagod dahil
sa maghapong pagtatrabaho sa bukid.”
BALIK-ARAL

Sa bahaging ito ay muli nating babalikan ang huling aralin na atin


nang natalakay upang masukat ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga inihandang katanungan.

Panuto: Suriin ang pang-uring ginamit na nakaitalisado sa bawat pangungusap


at tukuyin ang kaantasan nito. Isulat sa patlang ang L kung ito’y lantay, PT
kung pahambing na patulad, PL kung pahambing na palamang at P kung
pasukdol.

_____1. Ang dalisay na pagmamahal ng magulang ay kailangan ng mga anak.


_____2. Mas makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina kaysa
palakihin sila sa layaw.
_____3. Magsinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
_____4. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling pagpapahalaga sa mga
kabataan.
_____5. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang telebisyon
dahil lagi itong nakikita at sa isang pindot lang sa remote ay bubukas na ito.

ARALIN

Sa araling ito, malalaman mo ang kahulugan ng dula at mga uri nito.


Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
ating aralin.

Dula
- Ito ay hango ay salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o
ikilos.
- Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang mapamalas sa
tanghalan.

Kahulugan ng Dula ayon kina:


Aristotle
-Ito ay isang limitasyon o panggagagad ng buhay.
Rubel
-Ito ay isa sa maraming paraan ng pagkukuwento.
Sauco
-Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang
mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, diyalogo at iba
pang aspekto nito.
Kahalagahan ng Dula
- Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango
sa totoong buhay.
- Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at
mga suliranin.
- Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular
na bahagi ng kasaysayan ng bayan.

Mga Uri ng Dula sa iba’t ibang panahon

Panahon ng Katutubo Kastila Amerikano


-Wayang Orang ng mga -Senakulo -Sarwela
Katutubo Purwa -Panunuluyan -Dula sa Makabagong
-Salubong Panahon
-Bulong -Tibag -Dulang Pantanghalan
-Santa Cruzan na may iba’t ibang
-Dalit tema.
-Dulang Musikal

www.scribd.com/presentation/10461455/Ano-Ang-Dula
www.slideshare.net/mobile/cherryosteria/maikling-kasaysayan-ng-dula

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1.
Panuto: Tukuyin ang damdaming nakapaloob sa bawat diyalogo na
nakaitalisado/hilig mula sa dula. Piliin ang letra ng tamang sagot.

_____1. Berting: “Magandang gabi sa inyong lahat mga nariritong kanayon ni


Neneng at sa iyo mutya’y muling nagpupugay. Ipinangangakong
nahulog mong singsing aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay tanda ng pag-ibig
na walang hangganan. Dahilan sa ako’y siyang nakabunot ng palitong
itong nagpapahintulot ako ay sumisid sa dagat ng nais at ang iyong
singsing ay aking makamit ay katunayan nang Diyos ang pumili na ako
ngang ito’y siya mong itangi.”
a. nagagalit b. nagmamadali c. nagyayabang d. umiibig

_____2. Kikuichi: Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake.


Koto: Umalis na tayo agad. Halika na!
Kikuichi: Nakahanda na ako.”
a. nagmamadali b. naguguluhan c. naiinis d. umiibig

_____3. Anak 4: “Ako rin po.”


Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay mga anak.”
Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”
a. nagbabanta b. naguguluhan c. nag-uutos d. nagpapaalala

_____4. Pulubi: pag nagtrabaho po ako… Mapapagod po ako e.


Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba namang trabahong hindi
nakapapagod?
a. pagkabagot b. pagkadismaya c. pagkagulat d. pagkayamot

_____5. Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy!


Anna: YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA NG KAHOY!
Yoh: Ha? Ah oo nga sabi ko nga ehehehe. (sabay alis)
a. galit na galit b. malungkot c. masaya d. nabigla

Pagsasanay 2
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga damdaming ipinakikita/isinasaad ng
mga larawan na nasa Hanay A. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B

______1. A. nag-alala

B. naguguluhan

https://churanika.wordpress.com/2014/12/
C. nagulat

______2.

D. kalmado

www.success.com/john-addion-
how-great-leaders-stay-calm/
E. nahihiya

______3.

https://barboose.com/are-you-worn
-out-over-someone-elses-worries/
______4.

www.wattpad.com/97796857-the-
undefinition-life-ang-naguguluhan

______5.

m.facebook.com/202055657357023/photo
/iba’t-ibang-uri-ng-nagulat-/215996309296291

Pagsasanay 3.
Panuto: Tukuyin ang damdamin ng tauhan batay sa kanyang kilos o pahayag.
Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon. Letra lamang ang
isusulat sa sagutang papel.

a. pag-aalala b. pagmamalasakit c. pagkahiya

d. pagsisisi e. pagrereklamo

_____1. Ayaw kumanta ni Marlon sa harap kaya siya napayuko nang tawagin
ng guro.
_____2. “Dapat nag-aral ako ng maaga para hindi ako nagmamadali ngayong
gabi.” Wika ni Mark.
_____3. Hindi mapakali si Tatay. “Ang lakas ng ulan at wala pa ang kanyang
mga anak.”
_____4. Nagdala ng pagkain at tubig sina Bea para sa mga nasalanta ng
bagyo.
_____5. “Bakit mo sinulatan ang dingding? Hindi madaling matanggal ang
sulat diyan. Magpipintura tuloy ako!
PAGLALAHAT

Panuto: Buoin ang pahayag sa ibaba batay sa iyong naunawaan sa tinalakay na


aralin.

Natutuhan ko na sa pamamagitan ng dula at mga uri nito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Dugtungan ang mga salita upang makabuo ng pahayag.

Naunawaan ko ___________________________________________________.
Napatunayan ko____________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang damdamin sa bawat bilang batay sa kilos o pahayag.


Piliin ang letra ng tamang sagot. Letra lamang ang isasagot sa inyong
sagutang papel.

1. Lahat ng tao ay bilib kay Efren sa pagkakapanalo niya sa kompetisyon sa


Bilyar.
a. naiinggit b. nang-aasar c. humahanga
2. “Buong araw nakabukas ang aircon kahit walang tao! Sayang sa
koryente!”
a. nagugulat b. nagagalit c. nanghihinayang
3. Walang magawa ang mga estudyante ngayon kaya buong araw lamang
silang nag-internet at nanood ng telebisyon.
a. pagkainip b. pagtatampo c. pag-aalala
4. Yehey! Nakuha ko na ang regalong pinadala ng aking ninong sa wakas!
a. pagrereklamo b. pagkatuwa c. panghihinayang
5. “Hindi na lang ako sasama. Hindi ninyo naman talaga ako gustong
makasama.”
a. pag-aalala b.pagkagalit c.pagtatampo
SUSI SA PAGWAWASTO

1.C 2.D 3.A 4.B 5.E P 5.


PAGSASANAY 3 L 4.
PT 3.
PL 2.
1.E 2.D 3.A 4.B 5.C L 1.

PAGSASANAY 2 Balik-Aral
C 5.
B 4.
A 3. 5. E
C 2. 1.D 2.A 3.D 4.B 5.A
4. C
C 1. PAGSASANAY 1 3. A
2. D
Panapos na Pagsubok 1. B
Mga Pagsasanay
Paunang Pagsusulit

Sanggunian

Aklat:
Julian, Ailene Baisa, Lontoc,Nestor S.,Jose,Carmela Esguerra, Dayag,Alma M.
Ikalawang Edisyon PINAGYAMANG PLUMA, QuezonCity.Phoenix Publishing
House,Inc.2017

Mula sa Internet:
https://iamcarlitorobin.wordpress.com/2011/10/05/ang-makulay-na-mundo-ng-
dula/

You might also like