You are on page 1of 14

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Thelma A. Abella at Cynthia B. Datiles
Tagasuri: Richard Abrenilla at Nida Leaño
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 8 para sa Sariling Pagkatuto
Hele ng Ina sa Kanyang Panganay
Manunulat: Thelma A. Abella at Cynthia B. Datiles
Tagasuri: Richard Abrenilla at Nida Leaño/Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 10 ng Modyul
para sa araling Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 10 Modyul ukol sa Hele ng Ina


sa Kanyang Panganay !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at


matatalinghagang pahayag sa tula

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Natutukoy ang pagkakaiba ng matatalinghagang pahayag o pananalita at


simbolismo
B. Naibibigay ang pakahulugan ng mga matatalinghagang pahayag at
simbolismo mula sa binasang tula
C. Napahahalagahan ang aral na nais iparating ng may-akda sa
mambabasa

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_____1. Bansa sa Africa kung saan nagmula ang tulang Hele ng Ina sa Kanyang
Panganay.

A. Ghana C. Mali
B. Kenya D. Uganda
_____2. Ang nagsalin sa Filipino ng tulang Hele ng Ina sa Kanyang Panganay.
A. Alejandro Abadilla C. Mary Grace Tabora
B. Mary Ann Tapioca D. Roderic Urgelles
_____3. Mga salita o pahayag na may malalalim o hindi lantad na kahulugan.
A. kariktan C. persona
B. matatalinghagang pahayag D. simbolismo
_____4. Ito ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at
mga bagay na mahiwaga.

A. kariktan C. simbolismo
B. persona D. talinghaga
_____5. Ang persona sa tulang Hele ng Ina sa Kanyang Panganay ay____________.
A. ama C. bunsong anak
B. anak na panganay D. ina

6
BALIK-ARAL

PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa anekdotang tinalakay.


Lagyan ng letrang A-E sa patlang bago ang bilang.

Mula sa akdang Mullah Nassreddin

______1. Siya ay muling inimbitahan at muling itinanong ang parehong


katanungan at ang ang mga tao ay sumagot ng “Oo”.

______2. Si Mullah ay ang pinakamahusay sa pagkukukwento ng katatawanan sa


kanilang bansa.
_____3. Kanyang sinabi na ang kalahati nalang na nakaaalam sa kanyang
sasabihin ang mga nagsabi sa mga hindi pa nakaaalam at siya ay
lumisan.
_____4. Si Mullah ay naimbitahang magtalumpati sa harap ng maraming tao.

_____5. Sumagot ang mga tao ng “Hindi” kaya’t sinabi na niya na wala siyang
panahon magsalita sa mga taong hindi alam ang kanyang sasabihin.

ARALIN
Alam mo ba na…
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang
paggamit ng mga salita. Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na
nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay,
nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita.
Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi
lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anumang wika.
Halimbawa:
1. butas ang bulsa – walang pera
2. ilaw ng tahanan – ina
3. kalog na ang baba – gutom
4. alimuon – tsismis
5. bahag ang buntot – duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

7
Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat
ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang
ikalawa’y tumutukoy sa mahirap.

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa


pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay
ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.

Halimbawa:
1. silid-aklatan – karunugan o kaalaman
1. gabi – kawalan ng pag-asa
2. pusang itim – malas
3. tanikalang bakal – kawalan ng kalayaan
4. bulaklak – pag-ibig

Palay siyang matino


Nang humangi’y yumuko
Nguni’y biglang tumayo
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na


kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.

Halimbawa ng Tula

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.

8
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

9
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,

Ako’y wala nang mahihiling.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kanyang pangarap?_____________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula?
Ibigay ang iyong pananaw ukol dito? _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Masining ba ang tulang binasa o tinalakay? Patunayan ang sagot.__________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY BLG.1

PANUTO: Magbigay ng mga salita o simbolismo na maaaring maglarawan o


tumukoy sa salitang nasa loob ng puso. Isulat ito sa sagutang papel. (mas
marami, mas mainam)

INA

10
PAGSASANAY BLG.2

PANUTO: Pagtapat-tapatin ang magkakasingkahulugan na mga salita. Piliin


ang sagot mula sa Hanay B at isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
_____1. ganid A. ipakita
_____2. gerero B. kabiyak o asawa
_____3. ibuyangyang C. mandirigma
_____4. kapilas ng buhay D. munti
_____5. munsik E. nagpapahikayat
_____6. nagpapabuyo F. nagpapalakas
_____7. paghimlay G. pagtulog
_____8. palumpong H. sakim
_____9. panulag I. sibat
_____10. yumuyungyong J. talahiban

PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Ibigay ang tamang sagot sa bawat bilang mula sa tulang Hele ng Ina
sa Kanyang Panganay. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ang paksa ng tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ay tungkol


sa_________.
A. pag-aalala ng ina sa kanyang anak.
B. pag-aaruga ng ina sa kanyang anak.
C. pagmamalaki ng ina sa kanyang anak
D. pagmamahal at paghahangad ng magandang kinabukasan para sa
anak.
_____2. Ang tulang ito ay nasa anyong___________.
A. berso blangko C. tradisyunal
B. malayang taludturan D. walang sukat, may tugma
_____3. Magiging kamay ito ng madirigma, aking anak
Kamay na mapagpapasaya sa iyong anak. Ano ang kahulugan nito?
A. Magiging sundalo ang anak
B. Ang kahihinatnan ng anak ay dahil sa ginawa ng magulang
C. Dapat sumunod sa mga magulang upang sila ay maging masaya
D. Ipinagmamalaki ng magulang ang anak na nagkaroon ng magandang
kinabukasan at naging mabuting mamamayan
_____4. Mangusap ka, aking musmos na supling,
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik. Ito ay nangangahulugang?
A. Lubos ang pagmamahal ng ina sa anak
B. Ang anak ay umaaasa lamang sa mga magulang
C. Siya ay nagpapakita na ng katatagan kahit na siya ay bata pa
D. Ang haplos ng pagmamahal ng isang anak ang makapagbibigay ng
katatagan sa kanya

11
_____5. Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupenyo. Nangangahulugang itong?
A. Inilalarawan ang hitsura ng sanggol
B. Nais kausapin ng ina ang kanyang anak
C. Ang mga mata ng sanggol ay tulad ng bisirong-toro ni Lupenyo
D. Ang kanyang sanggol ay nangungusap sa pamamagitan ng kanyang
magandang mata

PAGLALAHAT

PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga italisadong matatalinghagang pahayag


o simbolismo. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Si Aling Marta ay nagmumurang-kamyas sa kanyang edad kaya marami


ang hindi makaunawa sa kanya.
A. mura ang kamyas C. nag-iisip-bata
B. bumibili ng kamyas C. kumikilos nang hindi tama

_____2. Marami ang naniningalang-pugad kay Althea dahil siya ang


pinakamaganda sa kanilang lugar.
A. naliligaw C. tinitingala ang ganda
B. nanliligaw D. naghahanap ng pugad

_____3. Ahas siyang ituring ng kanyang matalik na kaibigan dahil sa kanya


nagpakasal ang boyfren nito.
A. madaldal C. mapagmataas
B. mahilig gumapang D. traydor o taksil

_____4. Marami ang nagpakita ng kanilang busilak na kalooban sa mga


kababayanan nating nahihirapan sa panahon ng pandemya.
A. kabutihan C. mapamaraan
B. mababa ang kalooban D. maputi ang kalooban

_____5. Sa panahon ng COVID-19 ay marami sa ating mga kababayan ang naging


bukas ang dibdib sa mga taong kapus-palad.
A. kulang sa palad C. nagtatrabaho
B. mahirap D. walang palad

12
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Naisasalaysay ang hindi malilimutang pangyayari o karanasan sa
buhay kasama ang iyong ina o ang taong itinuturing mong ina.

Larawan ng iyong Ina


o itinuturing na Ina

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang kaisipan o pahayag ay may
kaugnayan sa tulang ang Hele ng Ina sa Kanyang Panganay at MALI naman
kung walang kaugnayan.
_____1. Ang persona sa tulang ito ay ang Ina.

_____2. Isa sa kaugalian ng mga taga-Uganda ay ang pagpili ng pangalan ng


kanilang anak na kahalintulad ng mga kilala o hindi pangkaraniwang tao
sa kanilang tribo.

_____3. Iniuugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kanyang


ama.
_____4. Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran at paglaki’y kanya itong
malilimutan.
_____5. Ang ina ang nagsisilbing ilaw ng tahanan. Sila ang nag-aaruga sa kanyang
mga anak dahil sa kanyang pagmamahal ay gagawin niya ang lahat.

_____6. Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng ina sa kanyang anak at ang wagas


na pagmamahal at paghahangad ng magandang kinabukasan para sa
kanya.

_____7. Dapat nating tandaan na kung wala ang ating mga magulang ay wala tayo
sa mundong ito kaya nararapat na sundin natin ang lahat ng kanilang
sasabihin at ipapagagawa sa atin kahit na ito ay labag sa ating kalooban.

_____8. Ito ay tulang mayroong malayang taludturan.

_____9. Si Jack H. Driberg ang sumulat ng tulang ito sa Ingles samantalang si Mary
Grace A. Tabora naman ang nagsalin nito sa Filipino.

_____10. Ang paggamit ng angkop at matatalinghagang salita ay nakatutulong sa


pagpapaganda ng tula gayundin ay nakapupukaw ng damdamin.

13
14
panganay.html
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/hele-ng-ina-sa-kaniyang-
Sanggunian
MODYUL 7
ARALIN 3.3 Tula (Hele ng Ina sa Kanyang Panganay)
PAUNANG PAGSUSULIT PAGLALAHAT
1. D 1. C
2. C 2. D
3. B 3. D
4. C 4. A
5. D 5. B
BALIK-ARAL PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. C 1. TAMA
2. A 2. TAMA
3. E 3. TAMA
4. B 4. MALI
5. D 5. TAMA
PAGSASANAY BLG.1 6. TAMA
-pagbibigay ng mga salita/ 7. MALI
parirala na nagbibigay 8. TAMA
kahulugan sa salitang INA 9. TAMA
PAGSASANAY BLG. 2 10. TAMA
1. I
2. F
3. H
4. B
5. E
6. A
7. C
8. G
9. J
10.D
PAGSASANAY BLG. 3
1. D
2. B
3. D
4. D
5. D
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like