Professional Documents
Culture Documents
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
1
PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Hanapin sa sa Hanay B ang mga salita na may kaugnayan sa Hanay A, titik lamang
ang isulat sa bawat patlang.
Hanay A Hanay B
BALIK-ARAL
Natapos nating maunawaan ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo natitiyak
kong nagkaroon kana ng paunang kaalaman sa tutunguhin ng nobela ng ating
pambansang bayani si Dr. Jose Rizal tayo nang magpatuloy..
PANUTO: Biluganang ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.
ARALIN
Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli
Me Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa
kaparehong taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang
nobela. makalipas ang halos isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos
lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela. Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang
2
nagsasabing nasimulan niyang isulat ito sa London habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng
Noli Me Tangere.
Kung pagbabatayan naman ang talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang pahayag na ito
dahil hindi man lamang nabanggit ang London sa mga bayang pinuntahan ni Dr. Rizal habang
sinusulat pa niya ang kaniyang unang nobela. Ayon sa aklat na ―Rizal’s Life, Works, and
Writings‖ ni G. Gregorio F. Zaide, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang unang mga kabanata ng Noli
Me Tangere sa Madrid, Espanya noong 1884; ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Pransiya; maging sa
Wilhelmsfeld, Alemanya sa mga buwang Abril–Hunyo; at tinapos sa Berlin, Alemanya sa huling
mga buwan ng 1886 at ipinalimbag sa Berliner Buchcdrukrei Actien Gesselchaft noong 29 Marso
1887 sa halagang Php300 para sa 2,000 kopya. Samantala, ipinagpatuloy naman niya ang
pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya.
Mapapansing iba-ibang lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang
kaniyang mga nobela. Para sa Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may kinalaman sa kaniyang
pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon. Samantala, mula sa Biarritz,
Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang nobela ay lumipat naman siya sa
Ghent, Belgium dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay Suzanne Jacoby na kaniyang
sinisinta nang mga oras na iyon, at (2) higit na mababa ang halaga ng palimbagan sa nasabing
lugar. Tanong: Bakit niya iniiwasan si Suzanne Jacoby sa mga sandaling iyon kung Araling tunay
niya itong sinisinta? Sa kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang
damdamin kay Suzanne Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas.
Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang kaniyang nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang
personal na pangangailangan―dahil higit na kailangan siya ng kaniyang mga kababayang patuloy
na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol. Dahil na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya
ang masaklap na mga karanasan sa pagpalalathala ng Noli Me Tangere, nanirahan siya sa
masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para lamang maipalimbag ang
kaniyang El Filibusterismo sa F. Meyer-Van Loo Press, No. 66 Viaanderen Street, Ghent,
Belgium. Ayon sa isa sa mga anekdota ni Jose Alejandrino para kay Dr. Rizal, labis-labis ang
pagtitipid na ginawa niya para lamang maging matagumpay ang pagpapalimbag sa El
Filibusterismo. Ayon kay G. Alejandrino, sang-ayon sa aklat muli na ―Rizal’s Life, Works, and
Writings‖ ni G. Gregorio F. Zaide, ang tinutuluyan nilang apartment ay may sariling canteen pero
sa halip na kumain doon, dahil sa mas mapapamahal sila, ay bumili na lamang si Rizal ng isang
latang biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang dalawa sa loob ng isang buwan.
Ang ginawa pa ni Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para sa kanilang dalawa ang mga
biskuwit. Si G. Alejandrino, dahil sa hindi nakasusunod sa kaniyang rasyon o kung ilang biskuwit
lamang ang kaniyang kailangang kainin sa isang araw, ay halos maubos na ang kaniyang mga
biskuwit sa loob lamang ng kalahating buwan. Samantala, si Dr. Rizal ay nagawa mismong tipirin
ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit sa hindi magandang
palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na namang
kinapos sa salapi si Dr. Rizal.
Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. [Hindi
lamang malinaw kung may kinita siya mula sa mga pinagbilhan ng kaniyang unang nobela.] Muli
na naman siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan bago dumating
kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na.
Hindi nagtagal, tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli Me Tangere, ay
dumating ang salaping kailangan ni Dr. Rizal mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si Valentin
Ventura na noo’y nasa Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay
natapos sa pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.
Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay
isinalin bilang ―The Filibustering‖. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay ―The
Reign of Greed‖ na tinumbasan naman sa wikang Tagalog ng ―Ang Paghahari ng Kasakiman‖.
3
Sa ibang aklat sa wikang Ingles, ito ay ―The Subversive‖ na ang salin naman sa wikang Filipino
ay ―Ang Subersibo‖. Anuman ang pamagat, ang salitang filibusterismo ay nanggaling sa salitang
Kastila na ―filibustero‖ na hiniram naman sa salitang Pranses na ―flibustier‖ na tumutukoy sa
sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate), isang taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba
(plunderer), at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para
suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter).
Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang introduksiyon ng kaibigan
niyang si Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang ikalawang nobela, ang ―filibustero‖ ay
nangangahulugang ―mapanganib na taong (makabayan) mamamatay kahit na anong oras‖. Ito
ang kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang Filipino noon na nakaaalam ng
salitang ito. Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr. Rizal ay noong binitay ang tatlong paring
martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na pagkabalisa ang idinulot ng salitang
ito sa mga Pilipino maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay parang parusang bigla na lamang
ipapataw ng mga Espanyol sa kung sinumang Pilipinong nais nilang mamatay.
Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit ng
mapanganib na salitang ito, maging ng mga salitang ―Cavite‖ at ―Burgos‖ (isa sa tatlong paring
martir na kaibigan ng kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti lamang ang
nakaaalam ng salitang ito. • Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang
masaksihan niya ang kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na
sina Mariano Gomez de los Angeles, Jose Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora y del
Rosario. Marami ang nalungkot at marami ang nagalit dahil pinatay ang tatlong paring inosente na
dinawit lamang sa Cavite Mutiny. Ang Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon sa Cavite ng
tinatayang 200 pinagsama-samang manggagawang Pilipino at lokal na mga sundalo dahil sa
sapilitang paggawa o polo y servicio at pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol sa natatanggap
nilang bayad. Gayunman, ang pag-aaklas na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng
nagsipag-aklas ay hinuli, pinarusahan, at pinatay.
Sinuman ang sumubok na sumuporta at tumulong sa pag-aaklas ay parehong kapalaran ang
sinasapit. Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na ang mga prayle ang galit at naiinggit sa
GOMBURZA, idinawit nila ang mga pangalan ng tatlong pari bilang mga filibustero. Sila ay binitay
sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta Park) noong 17 Pebrero 1872.
Ang karumal-dumal na pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa
isipan at bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng
pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo. Ano’t anuman, nang isulat ni Dr. Rizal ang dedikasyon
sa nobela ay nagkaroon ng kaunting pagkakamali ang bayani. Sa kaniyang orihinal na sipi,
naisulat niya na binitay ang GOMBURZA noong 22 Pebrero 1872 at hindi 17 Pebrero 1872 na
siyang talang pangkasaysayan. Maging sa pagsasama ng edad ng tatlong paring martir ay
nagkaroon ng dalumat: si Mariano Gomez na namatay sa edad na 72 ay nailahad ni Dr. Rizal ng
85 taong gulang; si Jose Burgos, ayon sa bayani ay namatay sa edad na 30 pero ayon naman sa
mga historyador ay 35 taong gulang; at si Jacinto Zamora naman ay namatay sa edad na 36 pero
ayon kay Dr. Rizal ay 35 taong gulang.
Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito: nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang
halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may kinalaman mismo sa
kaniyang naging mga inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa mga inspirasyon ng ibang
manunulat―ang kaniyang masasakit na karanasan sa totoong buhay―dahilan para maging
mabigat ang mga emosyon at mga pangyayaring mayroon sa El Filibusterismo. Ang mga ito ay
ang mga sumusunod: ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng
Calamba at sa kanyang pamilya―matutunghayan sa Kabanata 4; ang pagkamatay ng dalawang
Filipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban;
ang away nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; ang
tunggalian sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng samahan ng mga Kastila at
4
mga Filipino sa Espanya―mababasa sa unang mga bahagi ng nobela ukol sa pagpapatayo ng
Akademya ng wikang Kastila; at ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa
isang inhinyerong Ingles na si Henry C. Kipping―matutunghayan sa huling mga bahagi ng
nobela, sa kabanata kung saan nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.
Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Rizal sa
tunay na buhay: ang ginagalang na paring Pilipino na si Padre Florentino ay walang iba kundi si
Padre Leoncio Lopez na malapit na kaibigang pari ni Dr. Rizal; si Isagani ay si Vicente Ilustre na
isang makata; si Paulita ay si Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal na naging kasintahan niya, si
Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli Me Tangere, mapapansin na magkaiba ang mga
katangian nina Maria Clara at Paulita Gomez pero pareho lamang hinalaw sa iisang tao; si
Simoun, ang pangunahing tauhan, ay walang iba kundi si Simon Bolivar, ang tagapagpalaya ng
Katimugang Amerika mula sa pananakop ng Espanya; si Padre Salvi ay si Padre Antonio
Piernavieja; si Donya Victorina ay si Donya Agustina Medel; at si Kapitan Tiago ay si Kapitan
Hilario Sunico.
Para sa inyo, alin nga ba ang superyor o mas nakaaangat: ang Noli Me Tangere ba o ang El
Filibusterismo? Sa bagay na ito, nahati ang mga opinyon ng mga kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Para
kina Ferdinand Blumentritt, Graciano LopezJaena, Dr. Rafael Palma (kapatid ni Jose Palma na
siyang nagsatitik ng ―Lupang Hinirang‖), at marami pang iba, ang higit na nakaaangat ay ang El
Filibusterismo. Para naman kina Marcelo H. del Pilar, Wenceslao Retana (hindi siya kaibigan ni
Dr. Rizal, sa katunayan ay isa siya sa mga Espanyol na bumatikos ng Noli Me Tangere at
nakaaway mismo ng bayani pero nang mamatay si Dr. Rizal ay doon siya labis na humanga rito at
siya ang kauna-unahang gumawa ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal), maging kay Dr. Jose Rizal,
ang superyor ay ang Noli Me Tangere. Sang-ayon mismo kay Dr. Rizal, siya ay nakaramdam ng
tabang (grain of salt) o tampo sa mga nagsabing mas nakaaangat ang kaniyang ikalawang
nobela.
Sa kabila ng kaniyakaniyang opinyon, dumating naman ang pinakamagandang reaksiyon
mula sa isa sa mga kaibigan ng bayani―si Mariano Ponce― ―It is, indeed, excellent. I can say
nothing of your book, but this: it is really marvelous like all the brilliant productions of your pen. It is
a true twin of the Noli.
5
15. Juanito Pelaez - ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugóng Kastila
16. Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
17. Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
18. Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni
Paulita.
19. Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
20. Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
21. Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
22. Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
23. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
24. Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
25. Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
26. Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
27. Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil
sa kanyang panlabas na anyo.
28. Tiyo Kiko - matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
29. Gertrude - mang-aawit sa palabas.
30. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
31. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina
BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
6
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa
isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya
nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli,
gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisagawa ni Simoun ang
kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang
ama ni Juanito.
Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita
Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang
dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw
na tao sa lunsod. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni
Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni
Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay
isang lampara na may hugisgranada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya
niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito
sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari.
Ang ilawán ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung
minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan — at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang
dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang
simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng
araw ng kasal, at si Basilio ay palakadlakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-
kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog.
Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana ngunit namalas niyang dumating si Isagani, ang
naging katipan at iniirog ni Paulita.
Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na
ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at
inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang
paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybáyin ng
karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahúli nang buháy. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang
pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang
siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan
nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang
Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik.
Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang
napakalaking kayamanang naiwan ng magaalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa
pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong
asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
PANUTO: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_______1. Ang nobelang El Fibusterismo ay sinimulang isulat sa Calamba Laguna.
_______2. Ito ay inialay ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir (GOMBURZA).
_______3. Si Maximo Viola ang tumulong at nagpadala ng pera upang maipalimbag ang
7
El Filibusterismo.
_______4. Natapos isulat ang nobela noong Marso 29, 1891.
_______5. Naipalimbag ang nobela noong Setyembre 18, 1871.
PAGSASANAY 2
PANUTO: Piliin ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Si Rizal ay pang ___ sa labing isang magkakapatid.
A. pampito C. pansampu
B. pangwalo D. pang-anim
2. Siya ang nakasama ni Rizal sa iisang kuwarto ng magtungo siya sa Ghent, Belgium.
A. Edilberto Evangelista C. Jose Alejandrino
B. Marcel Del Pilar D. Valentine Venttura
3. Ang nagsilbing unang guro ni Rizal.
A. Francisco Baltasar C. Teodora Alonzo
B. Francisco Mercado D. Tedora Nakpil
4. Babaeng naging kabiyak ni Rizal nang ipatapon siya sa Dapitan.
A. Atang Delarama C. Leonara Rivera
B. Josephine Bracken D. Melchora Aquino
5. Ano nobelang El Filibusterismo ay nangangahulugang:
A. Ang Paghahari ng Kabutihan C. Ang Paghahari ng Kasamaan
B. Ang Paghahari ng Kasakiman D. Ang Paghahari ng Katarungan
PAGSASANAY BLG. 3
PANUTO: Tukuyin at ilagay sa patlang ang bilang ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
_____1. Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa Calamba noong 1887.
_____ 2. Palihim siyang umalis sa Pilipinas at nagtungo sa iba’t ibang bansa sa Asya, Amerika at
Europa.
_____3. Napagpasayahan niyang bumalik sa Pilipinas noong Agosto 1887.
_____4. Hinimok ni Gobernador-Heneral Tesorrerong lisanin ni Rizal ang Bansa upang makaiwas
sa kapahamakan.
_____5. Marso 29, 1891 ng matapops niya ang El Fili at makahanap ng murang palimbagan, ang
palimbagang F. Meyer-van Loo sa Ghent, Belgium.
PAGLALAHAT
PANUTO: Gamit ang grapikong representasyon ibuod sa sariling pangungusap ang kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
1 2 3 4
PAGPAPAHALAGA
8
PANUTO: Ibigay ang bisang pandamdamin at pangkaisipan matapos mabasa at talakayin ang
kaligirang pang kasaysayan ng El Filibusterismo.
Bisang Pandamdamin __________________________________________________________
BisangPangkaisipan____________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang Rein of Greed ay nangangahulugang ____________________.
A. Huwag Mo Akong Salingin C. Paghahari ng Kapangyarihan
B. Lakas Laban sa Lakas D. Paghahari ng Kasakiman
2. Si _______________ ang babaeng iniwasan ni Rizal kaya siya lumipat sa Ghent, Belgium.
A. Josephine Bracken C. Segunda Katigbak
B Leonor Rivera D. Suzanne Jacob
3. Ang nobelang El Filibusterismo ay tumatalakay sa usaping __________________.
A. panlipunan C. pangkultural
B. pampulitikal D. pang-ispirituwal
Iyong natuklasan ang makulay na buod ng nobela, nakilala mo ang katauhan at katangian
ng mga tauhan kasabay ng halagahan ng bawat isa sa nobela, muli kang magpatuloy sa
mga susunod ng yugto.
9
Susi sa Pagwawasto
10