You are on page 1of 21

10

Filipino
Ikaapat na Markahan
Ikalima-Ikawalong Linggo
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Ikalima-Ikawalong Linggo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jherdine B. Navales, Disiplina Village NHS, Channon Gay A. Perez,


Malinta NHS, Elaine A.Palo, Viente Reales NHs, Rodalyn De Vera,
Bagbaguin NHS, Cedrez R. Diolan, Vicente P. Trinidad NHS,Robby
Dela Vega,Malinta NHS
Editor: Cherry Lou D. Tolentino, Head Teacher V, Polo NHS
Dimpol R. Zuleta, Head Teacher III , Vicente Trinidad NHS
Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor
Tagaguhit:
Tagalapat: Geosippi S. Layman, Head Teacher III, Lawang Bato National NHS
Tagapamahala:
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela
Office Address: Pio Valenzuela Street,
Marulas, Valenuzuela City, 1440
Telefax: (02) 292 – 32 – 47
Email Address: sdovalenzuela2015@gmail.com
Ikalimang Linggo
Aralin * Pagpapahayag ng sariling paniniwala kaugnay ng
mga kaisipang namayani sa akda
5 * Salitang hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin/damdamin

Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang:
 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda F10PN-IVd-e-85
 Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda F10PD-IVd-e-83
 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga
salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin
F10WG-IVd-e-80
Subukin
Ipahayag ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga sa mga kaisipang namayani
sa akda.
1. “Ang mga matatanda ay lagi nang nakaiisip ng hadlang sa lahat ng mga bagay.
Kahit na anong mungkahi sa kanila ang nakikita ay ang mga hadlang at hindi ang
kabutihan.”
Ang aking sariling paniniwala at pagpapahalaga sa kaisipan ay
2. “Ang pagpili sa makapagbibigay ng marangya kaysa sa simpleng buhay.
Ang aking sariling paniniwala at pagpapahalaga sa kaisipan ay
3. “Ang tubig ay nagiging singaw kapag ito’y inapuyan. Ito’y magiging delubyo kung
ang lahat ng maliliit at hiwa-hiwalay na ilog ay nagsama-samang bumuhos dahilan
sa udyok ng kasawian sa banging hinuhukay ng tao.”
Ang aking sariling paniniwala at pagpapahalaga sa kaisipan ay
4. “Mabuti na pag-aralan mo na lang ang paglalagay ng plaster, at huwag na hindi
mo pagbutihin!’ Pag natanggap mo ang itong titulo sa pagtatapos ay mag-asawa
ka na.”
Ang aking sariling paniniwala at pagpapahalaga sa kaisipan ay
5. “Ang pamahalaan ay nagbibigay ng ating pangunahing pangangailangankahit di
pa natin hinihiling at hindi tayo pwedeng humiling sapagkat ang huming… ang
humingi ay para bang nagkukulang sa kanyang tungkulin ang pamahalaan.”
Ang aking sariling paniniwala at pagpapahalaga sa kaisipan ay
Balikan
Isulat sa bawat bilang kung ang kaisipang tinatalakay ay kabuluhan ng edukasyon,
pamamalakad sa pamahalaan at pagmamahal sa Diyos, bayan, pamilya, kapwa-tao,
kabayanihan, karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at
pagsasaman-tala sa kapwa, kahirapan, karapatang pantao, paglilibang, kawanggawa, at
paninindigan sa sariling prinsipyo.

1. “Balikan natin ang balak na pagtatag ng akdemya para sa pagtuturo ng wikang


Kastila.”
2. Masiglang- masigla sa dulaan. Punong- puno ito ng mga tao.
3. Maganda ang adhikain nina Basilio, Isagani at iba pang pang kabataan. Naihanda na
nila ang lahat at naghihintay na lamang ng pagsang-ayon ng kinauukulan.

2
4. “Napaglingkura at pinaglilingkuran ko ang hari sa pamamagitan ng aking salapi at
lakas. Ngayon naman ang hinihingi ko ay katarungan at kailangan niyang ibigay to sa
akin.”
5. Ang nagsasaka ay sugatan ang mga pang nakaapak sa bato habang ang prayle ay
nakasakay sa karwaheng sinusundang parang alipin ng kapalit.
6. Sa tuwing lalabas siya ay nag-aalala ang ama at Juli sa kanyang buhay.
7. “Kung nagbigay ako ng limos sa pulubi para mawala na siya, mapipilit ba akong ituloy
ko ito kung nakita kong sinasamantala niya ang aking kagandahang loob.?”
8. Ang dapat niyang isaisip ay maligtas ang buhay ng maysakit.
9. Ipinalalagay nila na ang kanyang pagkakabilanggo ay bunga ng paghihiganti ng mga
prayle dahil sa pagkakatubos sa pagpapaalila ni Juli.
10. Nang pagsaulan ng malay ang dalaga, matapos samapalin , kurutin, wisikan ng
malamig na tubig, gamitan ng krus at palaspas na bendita
11. May kagaspangan ang pag-uugali ng hukom tagapapamayapa. Ngunit ito’y bubuti
kapag nakita si Juli. “Huwag! Huwag!” ang samo ng natatakot na dalaga.
12. Nagbanta ang mga itong papatayoin ang bihag kung mahuhuli sa dalawang araw ang
pagbibigay ng perang pantubos.
13. Nagulantang ang lahat sa balitang ang mga makabagong mag- aaral ang utak ng mga
pagpapaskil ng mapaghimagsik na poster sa unibersidad.
14. A, ibig din niyang mamatay. Iwanan ng isang dakilang pangalan ang kanyang bayan.
15. Malinaw na ipinakikita sa huling aralin na si Simoun ay naging marahas at mapusok
sa kanyang pagnanasang makalikha ng mga pagbabago para sa kapakanan ng api
at aba.
Tuklasin
Lagyan ng hati o bahagi ang bilog upang maging pie graph. Ito ay representasyon ng
iyong desisyon sa kung gaano ba nakaaapekto sa iyo ang sinasabi ng iba .

 sarili
 magulang
 kaibigan
 mga kakilala

DESISYON
Ipaliwanag ang pagkakahati-hati ng bahaging iyong nabuo?

Suriin
Basahin at unawain ang buod ng El Filibusterismo na nasa inyong FB Group Page.

Panoorin sa youtube ang pelikulang “Heneral Luna” makikita sa link na,


https://www.youtube.com/watch?v=SYWo6FoVacY

Ang mga hudyat na ito ay maaring gamitin sa ating mga pahayag para maipahatid ang
ating paniniwala at pagpapahalaga.

Sa pakiwari ko... Sa aking pananaw... Base sa aking karanasan...


Kung hindi ako nagkakamali... Ako ay sigurado na... Hindi ko maitatatwa na...
Sa pagkakaintindi ko... Aminado ako na.... Sa nakikita ko..

3
Pagyamanin
A. Punan ng bahagi ng nobela at pelikula ang sumusunod na batayan.

Batayan ng pag-uugnay El Filibusterismo Heneral Luna


Paksa
Mensahe
Sariling Paniniwala
Kaisipan
B. Magbigay ng sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga pangyayari sa
nobela.
1. Gustong tulungan ni Juli si Basilio sa pagkakakulong ngunit ang tanging paraan ay
kapalit ng kanyang puri.
Paano mo babaguhin ang sitwasyon upang hindi mapahamak si Juli?
2. Naramdaman ni Simoun ang buong pusong pagsuporta sa kanya Basilio na
maghiganti dahil sa mga hindi magagandang pinagdaanan nito.
Bakit kaya napapayag ni Simoun si Basilio kahit alam niyang labag sa mata ng batas
at mata ng Diyos ang gagawin?
3. Sa wakas ng nobela, nabigo si Simoun dahil mapapansin natin na maganda ang
kanyang layunin sa kanyang paghihiganti ngunit baluktot ang pamamaraan.
Ano kaya ang nais ipahiwatig ng ganitong klaseng sitwasyon sa buhay ng tao?
Isaisip
Dugtungan ang pahayag.
Sa pamamagitan ng El Filibusterismo ay naihayag ni Dr. Rizal ang kanyang
damdamin at pagpapahalaga sa lahat kung kaya naman bilang isang kabataan ay
______________________________________________________.

Isagawa
Ipaliwanag ang mensahe ng kaisipan batay sa binasang nobela at napanood na
pelikula.
“Sino ang kikibo kung hindi tayo kikibo?
Sino ang kikilos kung hindi tayo kikilos?
Kung hindi ngayon, kalian pa?”-Abraham Sarmiento Jr.

EL FILIBUSTERISMO HENERAL LUNA

REALISASYONG AKING NATUTUHAN

Tayahin
Magbigay ng sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
pangyayari sa nobela. Lagyan ng tsek kung ikaw ay sumasang -ayon o hindi
sumasang-ayon at ipaliwanag ito.
1. Naisip ni Donya Victorina na maging asawa si Juanito kapag namatay ang kanyang
asawa. ____ sumasang-ayon ___di sumasang-ayon
Paliwanag:

4
2. Ang mabuting pangangatawan ay naghahatid ng masayang isipan at ang
kaligayahan ay nagpapakbuti sa tao.
____ sumasang-ayon ___di sumasang-ayon
Paliwanag:
3. Nakita ni Ben Zayb ang bangkay ng Pilipinang hinalay malapit sa tanggulan ng
siyudad subalit ipinagkibit- balikat lamang niya at hindi inilathala ang sinapit ng
babae. ____ sumasang-ayon ___di sumasang-ayon
Paliwanag:
4. Hindi kinakailangang matamo ang kalayaan sa pamamagitan ng sandata. Ang
espada ay di na gaanong kasangkapan sa mga bagong kabuhayan.
____sumasang-ayon ___di sumasang-ayon
Paliwanag:
5. “Mapalad akong mamamatay kung isang araw sa iyong mata ang pagmamalaki.
Sasabihin sa mundo, ang aking mahal ay namatay na nagtatanggol sa mga
karapatan ng aking bayan.
____ sumasang-ayon ___di sumasang-ayon
Paliwanag:

Karagdagang Gawain
Ilarawan ang sistema ng edukasyon at politika gamit ang mga angkop na salitang hudyat sa
pagpapahayag ng iyong paniniwala at pagpahalaga. Isulat sa loob ng graphic organizer.
Noon Sistema Ngayon
Edukasyon
Politika

Ikaanim na Linggo
* Pagpapaliwanag sa kahulugan ng mga salitang
Aralin hiram
* Pagsasaad ng pagkamakatotohanan ng akda
6 * Pagsulat ng paghahambing
* Paggamit ng angkop na mga salitang
paghahambing
Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang:
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol F10PT-
IVg-h-85
 Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
ilang pangyayari sa kasalukuyan F10PU-IVg-h-88
 Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na
akdang binasa F10PB-IVh-i-92
 Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing F10WG-IVg-h-81
Subukin
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol at gamitin sa
sariling pangungusap.
Paliwanag sa
# Salita/Pahayag na Espanyol Kahulugan sa Filipino
nais ipahiwatig

1 El que no llora no mama Ang hindi ,umiiyak walang gatas


2 Vox populi, vox Dei Tinig ng bayan , tinig ng Diyos

5
Sumisira sa republika ang maraming
3 Corruptissima in republica plurime leges
batas
Ang maraming pinatutunayan,
4 Qui multum probat, nihil probat
walang napapatunayan
5 Mane Thecel Phares Tinimbang ka ngunit kulang

Balikan
Lagyan ng kung ang mga kaisipan sa bawat bilang ay namayani sa nobela at
pelikula.
1. diskriminasyon 9. tapat na hustisya
2. pang-aalipin 10. pagpapakumbaba
3. matagumpay na hangarin 11. kalayaan
4. pag-aagawan sa mga lupain 12. pang-aalipusta
5. dusta sa salapi 13. matatapang ang Pilipino
6. karapatan ng mga Pilipino 14. korapsyon
7. kahalagahan ng edukasyon 15. paghahari-harian
8. kahirapan

Tuklasin
Bigyang-kahulugan at paliwanag ang pahayag sa ibaba. Matapos ito, ihambing ang kaisipang
nais ipabatid ng pahayag sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
“Ang pagbabago ng lahi ay hindi pagwawasak kundi pagbubuo,
paglikha, pagpapabunga, pagpapaunlad at pagbibigay-buhay.”
- Simoun

Suriin
Basahin at unawain ang kahulugan at uri ng paghahambing.
Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng bagay, hayop,
ideya, pangyayari, at tao. Ang layunin nito ay magbigay ng malinaw na paglalahad ukol sa
pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bagay na inihahambing.
Dalawang Uri ng Paghahambing:
Ang paghahambing na magkatulad ay ginagamit sa tuwing ang inihahambing ay may
parehong antas o katangian. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang kasing, sing,
kapwa, at magkapareho.
Ang paghahambing na di - magkatulad ay ginagamit sa tuwing ang inihahambing ay may
magkaibang antas o katangian.
Dalawang Uri ng Di - Magkatulad na Paghahambing:
Ang paghahambing na pasahol ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na ginagamit
kapag ang inihahambing ay mas maliit kaysa sa pinaghahambingan. Ito ay karaniwang
ginagamitan ng mga katagang lalo, di - gaano, di - gasino, di - lubha, at di - totoo.
Ang paghahambing na palamang ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na
ginagamit kapag ang inihahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan. Ito ay
karaniwang ginagamitan ng mga katagang di - hamak, higit, at labis.
Mula sa: https://philnews.ph/2020/03/05/dalawang-uri-ng-paghahambing-mga-
halimbawa-at-kahulugan/
Basahin at unawain ang Kabanata XXVII: Ang Prayle at Ang Estudyante mula sa:
http://www.joserizal.ph/fi29.html

6
Pagyamanin
A. Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo gamit mga kataga sa paghahambing.

B. Noli Me Tangere El Filibusterismo

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Konklusyon:

C. Itala ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanata (XXVII: Ang Prayle at Ang
Estudyante) at bigyang-patunay na nagaganap pa rin ito sa
kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan.

PANGYAYARI SA KABANATA PANGYAYARI SA KASALUKUYAN

Inilahad sa kabanata na ang mga Prayle Hanggang sa kasalukuyan, may mga


ang namumuno at may karapatang paaralan pa rin sa ating bansa na
magturo sa mga mag-aaral na Pilipino. pinamumunuan ng mga Pari at may mga
Paring nagtuturo pa rin sa paaralan.

_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_________________________________ _________________________________

Isaisip
Itala ang iyong natutuhan sa modyul na ito gamit ang grapiko sa ibaba.

Natutuhan ko sa
modyul na ito…
Malinaw na sa akin Natuklasan ko sa
sa modyul na ito… modyul na ito…

7
Isagawa
Bumuo ng pangungusap na maghahambing sa mga pangunahing tauhan sa kabanata
batay sa nakasaad sa bawat bilang.
1. Matalino si Camarroncocido. Nakita nya ang mga nangyayari sa paligid. Ihambing si
Camaroncocido sa isang agila sa bilis ng mata at isip.
2. Maputi at maganda ang katawan ng mananayaw na si Pepay. Lagi at paulit-ulit siyang
humihingi ng pabor kay Don Custodio na lubhang nagigiliw sa kanya. Ihambing si
Pepay sa isang linta.
3. Mahangin si Tadeo. Pinagyabangan niya ang kababayang mangmang. Ihambing siya
sa makulay na pabo na ipinakikita ang makukulay niyang balahibo.
Tayahin
Isulat ang kahulugan ng salita o mga salitang hiram na nakasalungguhit sa
pangungusap. Piliin ang titik ng kahulugan nito at pagkatapos ay ipaliwanag ang iba pang
kahulugan nito.
A. Klerk B. parokya C. kagalang-galang D. liban E. salakot F. Mahal na Araw
# Pangungusap Kahulugan Paliwanag
1 Kailangang may bongo de copa sa ulo ang
magkakaibigang Tiyo Kiko at Camaroncocido
upang makaiwas sa matinding init at basa ng ulan.
2 Magpupunta sa parroquia si Placido upang
makipag-usap sa prayle.
3 Tuwing Mahal na araw maraming nag-
iindulgencia upang mabawasan daw ang mga
kasalanan.
4 Nagtitika at nangingilin ang karamihang Katoliko
tuwing cuaresma.
5 Ang mga reverrendos sa simbahan ay patuloy na
naniningil ng buwis sa mamamayan.

Karagdagang Gawain
Paghambingin ang nobelang El Filibusterismo sa iba pang nabasang akda
gamit ang grapiko sa ibaba.

El Filibusterismo Iba pang akda

Paksa
____________________ ____________________
____________________ Nilalaman ____________________

____________________ Mahahalagang pangyayari


____________________

____________________ Wakas
____________________

8
Ikapitong Linggo
* Pagsusuri sa mga tauhan
* Pagsusuri sa nobela batay sa pananaw
Aralin * Pagbibigay-pansin sa katangiang klasiko
7 * Pagpapakahulugan sa mahahalagang pahayag
* Pagsulat ng paglalarawan ng mahahalagang
pangyayari
* Masining na paglalarawan
Alamin
Matapos masagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/
kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang
at iba pa F10PU-IVg-h-88
 Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang:
Romantisismo, humanismo, naturalistiko at iba pa F10WG-IVg-h-81
 Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda F10PB-IVi-j-94
 Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/
mga tauhan F10PT-IVi-j-86
 Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na
isinaalang- alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan
F10PU-IVi-j-89
 Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamin
F10WG-IVg-h-82
Subukin
Tukuyin ang tauhang nagpahayag ng mga pangungusap sa bawat bilang at isulat ang
maglalarawan sa kanilang damdamin.
pagkainip pagkayamot pagkatakot pagkapoot pagkaaliw pagkalibang
pagpapasalamat panunuya pagmamalasakit

_______ _______ 1. “Kung ang nasasaad sa paskin ay sang-ayon sa ating damdamin


at mithiin ay mabuti ang kanilang ginawa at dapat pasalamatan.”
_______ _______ 2. “ Kahanga-hanga! Sa oras ng kapayapaan, iniwan mo kami.”
_______ _______ 3. “Walang klase! Isang linggong walang klase.”
_______ _______ 4. “Ikaw ang aking saksi. Wala akong kinalaman sa mga kapisanan
maliban sa pagpapayo sa kanila.”
_______ _______ 5. “Ipinapayo ko sa iyo na tumiwalag ka agad. Punitin at itapon moa
ng lahat ng papeles na magpapahamak sa iyo.”
Balikan
Gamit ang salitang naghahambing ikumpara ang mga tauhan sa ulam na nabanggit sa
akda. Ipaliwanag kung bakit ito piniling ialay ng mga mag-aaral sa mga nasabing tauhan.

__________________ Panukalang sopas


Panukalan
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________

9
__________________
__________________
__________________
__________________ Lumpiyang intsik
__________________
__________________

__________________
__________________
__________________
__________________
Tortang alimango
__________________
__________________
Tuklasin
Subukang punan ang talahanayan ayon sa hinihingi nito.
Sintahang
Florante Illiad at
Aspeto ng hambingan Romeo at Ramayana
at Laura Odyssey
Juliet
Bansang pinagmulan
Manunulat
Anyo at uri ng panitikan
Katangian ng mga tauhan
Katangian ng wikang ginamit
Paraan ng Pagkakasulat
Tampok na kaugnayan sa
kasaysayan
Mahalagang kaisipan

Suriin
Pagsusuri sa Akdang klasiko Gamit ang iba’t ibang Pananaw/Teoryang Pampanitikan
Bilang obra na kinilala sa buong mundo, nagtataglay ng katangiang klasiko ang El
Filibusterismo. Sa Pilipinas, kapantay din sa katangian bilang klasikong akda ang Noli Me
Tangere, ang unang nobelang sinulat ni Dr. Jose P. Rizal at ang Florante at Laura ni Francisco
Balagtas. Hindi rin matatawaran ang estetikong ambag ng mga tanyag na akdang klasiko sa
ibang bansa tulad ng Sintahang Romeo at Juliet ni William Shakespeare ng Inglatera, Illiad at
odyssey ni Homer ng Gresya at Rama at Sita ng India.
Bakit ng aba tinawag ang akdang ito bilang klasiko? Narito ang mga katangian ng isang
klasikong akda.
Pagkamalinaw Pagkamarangal Pagkapayak
Pagkakasunod-sunod Pagkakaroon ng hangganan
Pagkamatimpi pagkaobhetibo
Ang panunuring pampanitikan ay isang paraan ng malalim na paghihimay ng mga
kaisipang nakapaloob sa akda sa tulong ng iba’t ibang pananaw/teoryang pampanitikan para
sa mas ganap at mabisang pag-unawa sa malikhaing katha.
Sa pamamagitan ng pagiging klasiko ng obra at panunuring pampanitikan sa tulong
ng mga pananaw/teorya, nasisipat natin ang kasaysayan ng isang bansa o ang kalagayan ng
bansa na parehong nasulat ang mga ito at naiuugnay natin ito sa kasalukuyang pangyayari

10
sa lipunang ating ginagalawan sa tulong ng mga pangyayari , katangian ng mga tauhan at
mga kaisipang nakapaloob dito.
Narito ang iba’t ibang pananaw/teoryang pampanitikan at ang katangian ng bawat isa:
1. Romantisismo – Binibigyang halaga ang indibiduwalismo at imahinasyon;
binibigyang diin ang damdamin kaysa isipan.
2. Humanismo – Binibigyang-pansin ang katangian at kakayahan ng tao sa lahat ng
bagay; naniniwalang ang tao ang sentro ng daigdig.
3. Naturalismo – Hindi naniniwala sa mga bagay na kathanag isip lamang; naniniwalang
lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkatauhan ay likas o natural.
4. Eksistensyalismo - Sinusuri nito ang paniniwala, kilos at gawi ng tauhan; binibigyang
diin ang teoryang ito na ang tao ay may kakayahan at kalayaan sa pagpapasya para
sa kaniyang sarili upang maiangat ang kaniyang pagiging indibiduwal at hindi
nakakahon sa dikta ng lipunan.
5. Realismo - Binibigyang-diin nito ang katotohanan at may layuning ipakita/ilantad ang
kalagayang panlipunang kinabibilangan ng mga tauhan sa akda.
6. Marxismo- inilalantad ang dalawang nagbabanggaang puwersa isyung panlipunan
tulad ng kalakasan at kahinaan, kabutihan at kasamaan, karukhaan at kariwasaan at
iba pa.
Basahin : Wika at Panitikan: ANG PAGLALARAWAN NA PAGPAPAHAYAG
(siningngfilipino.blogspot.com)

Pagyamanin
A. Tukuyin ang katangiang klasikong masasalamain sa mga pangyayari o pahayag
sa akda at ipaliwanag.
“Hindi kapani-paniwala, mga ginoo.
Totoong hindi kapani-paniwala na dahil sa Katangiang klasiko:
maliit napangyayari na walang kabagay-
Paliwanag:
bagay ay magkakawatak tayo ng parang
__________________________
mga maya sa harap ng isang panakot-
__________________________
ibon. Ngayon lamang ba nangyari ang
__________________________
kabataan ay nabilanggo sa ngalan ng
__________________________
kalayaan?”

Katangiang klasiko:
At nagdaan ang maraming araw ng
kawalang pag-asa, nagdasal, tumawag sa Paliwanag:
Diyos, at hinangad ang kamatayn, kapag __________________________
sumapit ang umaga, nakadarama siya ng __________________________
pansamantalang kapayaan. Naniniwala __________________________
pa rin si Juli sa mga himala. __________________________
__________________________
__________________________
Ang buong Maynila ay naghahanda Katangiang klasiko:
____________________
upang maanyayahan sa malaking
pagdiriwang ng kasal nina Juanito at Paliwanag:
Paulita. Nabalisa nang gayon na lamang __________________________
ang mga natatakot na di makatanggap ng __________________________
paanyaya. Lahat ay nangag-unahan sa __________________________
pakikipagkaibigan kay Simoun. __________________________
__________________________
__________________________
____________________
11
B. Suriin ang mga pahayag o pangyayari sa pamamagitan ng paglalapat ng tiyak na
pananaw at ipaliwanag.

Upang makapagpanggap na Teorya :


mabuting manunuligsa ay
walang mabuting paraan kundi Paliwanag:
pintasan ang lahat. ____________________________
____________________________
Kung may mga bulaklak na _________________
may masangsang o masasarap
Teorya :
na amoy, may mga bulaklak na
pumapatay o nakakaaliw; sa Paliwanag:
mga palko ng dulaan ay ____________________________
mayroon ding salitaan, usapan, ____________________________
at mga salitang sumusugat at
nananakit
Teorya :
Ipinalasap kay Placido ang
ilang katotohanan ng buhay- Paliwanag:
estudyante sa kamay ng isang ____________________________
mabagsik na propesor at mga ____________________________
kaklaseng mapang-api. _________________

C. Bigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng


awtor/mga tauhan sa mga binasang kabanata ng nobela.
Kaba- Tauhan Mahahalagang Pahayag Pagpapaka-
nata hulugan
“Tayong lahat, anak ay uuwi sa lupa at
IV Tandang Selo
ipinanganak tayong walang baro”.
“Ang pagpapaumanhin ay hindi kabaitan.
VII Simoun Walang mang-aalipin kung walang
magpapaalipin.”
“…balang araw ay masasabi mon gang
XXIV Isagani pinakamamahal mo’y namatay sa pagtatanggol
sa kaniyang lupang tinubuan.”
“Kapag dumating ang araw na makakapagsarili
Mataas na na kayo, alalahaning sa Espanya, may pusong
XXXI
Kawani tumitibok dahil sa inyo at nakikipaglaban para sa
inyong karapatan.”
“Kung pudpod na ang awtor ay lilipat naman sa
XXXIII Awtor
ibang lugar ang balang.”

Isaisip
Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang diwa ng mga ito.
1. Napatunayan ko na nakatutulong ang mga pananaw/teoryang pampanitikan sa
pagsusuri ng akdang klasiko tulad ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
_________________________________________________________
upang
___________________________________________________________________ .
2. Mahalagang maunawaan ang pagiging akdang klasiko ng El Fibusterismo dahil
___________________________________________________________________.

12
Isagawa
Gawan ng masining na paglalarawan ang tauhang si Juli. Baguhin mo ang paglalarawan na
magpapabago rin sa galaw ng pangyayari upang hindi siya humantong sa ganoong masaklap
na wakas. Gamitin ang iyong imahinasyon. Gumamit ng pang-uri, tayutay at
matatalinghagang salita ang iyong paglalarawan
Si Julie ay inilarawan bilang isang babaeng maganda, mahinhin,
mabuting anak at kasintahan subalit mahina. Isang pangkaraniwang
larawan ng babae sa panahong iyon.

Tayahin
Suriin ang mga pahayag o pangyayari sa nobela batay sa pananaw. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.
A- Ang unang pahayag lamang ang tama
B- Ang ikalawang pahayag lamang ang tama
C- Ang una at ikalawang pahayag ay parehong tama
D- Ang una at ikalawang pahayag ay parehong mali
A. Ang teoryang realismo ay naipamalas sa nobela sa pamamagitan ng paglalarawan
ng Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila
B. Teoryang romantismo ang naipakita sa pagmamahal ni Simoun kay Maria Clara.
1. A. Sa paghimok ni Simoun kay Basilio upang maghiganti ay naayon sa teoryang
sosyolohikal.
B. Sa pagmamalupit ng Guardia Sibil kay Tanong, naipamalas ang teoryang realismo.
2. A. Ang hindi pantay na pagtingin sa ibang lahi tulad ni Quiroga na isang intsik ay
naayon sa teoryang naturalismo.
B. Sa paglalarawan sa kasal nina Paulita at Juanito, naipakita ang teoryang
imahismo.
3. A. Naipakita ang teoryang humanismo nang lakas loob na nakiusap si Huli sa
Kapitang Heneral upang masulusyunan ang kanyang hinaing.
B. Nasilapitan ang mga tao kay Simoun nang ilabas niya ang mga alahas na kanyang
tinda, ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng teoryang sosyolohikal.
4. A. Sa paghahanap ni Donya Victorina sa kaniyang nawawalang asawa ay naipakita
ang teoryang imahismo.
B. Ang pagtatago ni Don Tiburcio kina Padre Fernandez ay nagpapakita ng teoryang
eksistensyalismo.
5. A. Ang pamamalupit ng mga mayayaman sa mahihirap ay batay sa teoryang
humanimo.
B. Sa pagpupulong mga mag-aaral sa panciteria upang pag-usapan ang itatayong
paaralan, naipakita ang teoryang romantisismo.
6. A. Itinapon ni Isagani ang ilawan sapagkat ayaw niyang mamatay si Paulita na dati
niyang kasintahan. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng teoryang imahismo.
B. Naging pinuno ng kilusan si Kabesang Tales dahil sa pagnanais niya ng
katarungan. Ito ay nagpapakita ng teoryang naturalismo.
7. A. Napipe si Tata Selo dahil sa nangyari sa kanyang pamilya. Ang pangyayaring ito ay
nagpapakita ng teoryang realismo.
B. Ang pag-ampon ni Kapitan Tiyago kay Basilio ay nagpapamalas ng teoryang
realismo.
8. A. Magiliw si Donya Victorina kay Juanito dahil siya ay mayaman. Ang pangyayaring
ito ay nagpapamalas ng teoryang realismo.
B. Ang pagnanasa ni Padre Camorra kay Huli ay nagpapakita ng teoryang
romantismo.

13
9. A. Nangangaso ang Kapitan Heneral nang may kasamang bandang tumutugtog sa
kanyang pagdating. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng teoryang
sosyolohikal.
B. Sumang-ayon si Basilio sa plano ni Simoun na pasabugin ang eskolta. Ang
kaganapang ito ay nagpapamalas ng teoryang imahismo.
10. A. Naghahanda na si Basilio na pakasalan si Huli. Ang pangyayaring ito ay batay sa
teoryang romantismo.
B. Pinatay ni Kabesang Tales ang bagong may-ari ng kanyang lupain. Ito ay ayon sa
teoryang eksistensyalismo.
11. A. Itinatago ni Quiroga ang mga armas sa kanyang tindahan dahil sa pagkakautang
niya kay Simoun. Ito ay nagpapamalas ng teoryang imahismo.
B. Inilarawan ang kagubatan ng mga Ibarra na pinaglibingan ni Sisa. Ang pahayag ay
nagpapakita ng teoryang imahismo.
12. A. Ang pagkausap ng magulang ni Placido sa mga propesor upang makabalik siya sa
paaralan ay isang halimbawa ng teoryang realismo
B. Mahusay sumayaw ang mananayaw na si Pepay. Ito ay halimbawa ng teoryang
imahismo.
13. A. Nagpakasal si Paulita kay Juanito at iniwan si Isagani. Ito ay isang halimbawa ng
teoryang eksistensyalismo.
B. Binili ng mga Pelaez ang naiwang bahay ni Kapitan Tiyago. Ang pangyayaring ito
ay maiuugnay sa teoryang romantismo.
14. A. Hinarana ni Padre Camorra si Huli. Ito ay nagpapakita ng teoryang
eksistensyalismo.
B. Ang pugot na ulo ay nagsalita at kinatakutan ito ni Padre Salvi. Ang pangayayaring
ito ay halimbawa ng teoryang imahismo.

Karagdagang Gawain
Ilarawan ang pangyayari sa nobela gamit ang angkop at masinig na paglalarawan.
Iugnay ang paglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Nabalisa nang gayon na lamang Paglalarawan:


ang mga natatakot na di ___________________________________
makatanggap ng paanyaya. Lahat ___________________________________
ay nangag-unahan sa ___________________________________
pakikipagkaibigan kay Simoun.

Kasalukuyang sitwasyon ng bansa:


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ipinayo ni Simoun sa kaniyang Paglalarawan:
kamahalan na maglunsad ng
___________________________________
gawaing pangmilitar upang
___________________________________
magkarron ng dahilan ang patuloy
___________________________________
na panunungkulan nito sa bansa.

Kasalukuyang sitwasyon ng bansa:


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
Ikawalong Linggo
Aralin * Paglalarawan sa mga tauhan
8 * Pangkatang pagsasadula ng nobela
* Pagbuo ng Video Documentary

Alamin
Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, asahan mong matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan:
 Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umaakit sa
imahinasyon at mga pandama F10PB-IVi-j-83
 Pangkatang pagsasadula ng nobela na isinasaalang-alang ang sumusunod:
- paggamit ng wikang nauunawaan ng kabataan sa makabagong panahon
- pag-uugnay ng mga isyung panlipunan nang panahon ni Jose Rizal na
makatotohanan pa rin sa kasalukuyan paggamit ng iba’t ibang makabagong paraan
ng pagsasadula F10PS-IVi-j-90

Subukin
A. Isulat ang salitang TUMPAK sa patlang kung ang sumusunod na pangungusap ay
nagpapahayag ng tamang impormasyon tungkol sa katauhan ng mga tauhan sa El
Filibusterismo at HINDI naman kung mali.
_______1. Si Simoun ay isang mayamang mag-aalahas na may ikinukubling lihim na katauhan
sa likod ng kanyang mahabang buhok ay salaming may kulay.
_______2. Isang mag-aaral ng medisina, si Basilio ay ang sawimpalad na anak ni Sisa na
nagpaampon kay Kapitan Tiago upang baguhin ang kanyang mapait na kapalaran.
_______3. Kilala rin bilang mosca muerte, si Padre Sibyla ay dating kura paroko ng bayan ng
San Diego na ngayon ay itinalagang ang probinsyal ng Franciscano sa Pilipinas at
kumpesor ng Kumbento ng Santa Clara sa Intramuros.
_______4. Sa nobela, ipinakilala si Huli bilang isang taga-lalawigan, madasalin, mairugin at
mapanghalinang dalaga na kasintahan ni Basilio.
_______5. Larawan ng isang ideyal na mag-aaral si Isagani - masipag mag-aral, kritikal kung
mag-isip at rasyonal kung mangatuwiran
B. Hanapin sa wordbank kung anong elemento ng dokumentaryo ang tinutukoy sa bawat
aytem. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______6. Wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera upang makakuha ng wastong anggulo
na nakakatulong sa mabisang pagpapakita ng mga tunay na pangyayari.
_______7. Nakasulat dito ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena at shots sa daloy ng mga
pangyayari sa dokumentaryo at ang mga treatment na gagawin sa editing.
_______8. Pinupukaw ng mga ito ang interes at damdamin ng manonood sa pamamagitan ng
pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayanng tunog at mga
diyalogo.
_______9. Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng kuwento sa pelikula.
_______10. Pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang
hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula.

SEQUENCE SCRIPT DIREKSYON TUNOG AT MUSIKA


PANANALIKSIK SINEMATOGRAPIYA EDITING

15
C. Pagsunod-sunorin ang hakbang sa pagbubuo ng isang video documentary. Lagyan ng
bilang 1 hanggang 5 ang bawat kahon.
BLG. MGA HAKBANG
Pagdugtungin at iedit ang mga nakuhang shots at lapatan ng tunog at musika.
Bumuo ng sequence script at shot list.
Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang nais gawan ng
dokumentaryo.
Kumuha ng mga kinakailangang video shots sang-ayon sa sequence script at
shot list.
Magtakda ng paksang tatalakayin sa dokumentaryo.

Balikan
Ngayon, bago tayo dumako sa talakayan, magbabalik-tanaw muna tayo sa mga
nagdaang paksang tinalakay kaugnay sa klasikong akdang El Filibusterismo. Sagutin mo
muna ang gawain.
Naaalala Mo Ba?
Panuto: Sa pamamagitan ng circle organizer, isulat sa mga bilog ang mga isyung
panlipunan na masasalamin sa nobelang El Filibusterismo. Pagkatapos ay sagutin ang
sumusunod na tanong.

MGA ISYUNG
PANLIPUNANG
TINALAKAY SA
EL FILIBUSTERISMO

1. Ano ang kabuluhan ng pag-aaral sa klasikong akdang El Filibusterismo sa


kasalukuyan?________________________________________________________ .
2. Sa mga kaisipang napalutang sa El Filibusterismo, alin sa mga ito ang tumatak sa iyo?
Bakit?________________________________________________________ .
3. Sa iyong palagay, ang lipunang inilalarawan ni Rizal sa El Filibusterismo ay katulad pa
rin ba ng kasalukuyang panahon? Ipaliwanag. _________________ .

Tuklasin
PHOTO/VIDEO DOCUMENTARY
Ang photo/video documentary ay isang makapangyarihang midyum upang ilahad ang
mga pangyayari sa kapaligiran. Ito rin ay isang ekspresiyong biswal na nagtatampok ng
katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagawalan. Isa itong likhang sining na ang
layunin ay magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa
kamalayang panlipunan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paghahabi ng mga kinuhanang
bidyo at larawan upang makabuo ng isang dokumentaryo.

16
Mga Elemento ng Photo/Video Documentary
1. Sequence Script / Shot List – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ng kuwento sa dokumentaryo. Dito rin makikita ang listahan ng mga kuha
na kinakailangan upang matamo ang layunin ng kuwento.
2. Sinematograpiya – Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
3. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng
tunog at linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga
manonood.
4. Pananaliksik – Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil
sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga
detalye ng palabas.
5. Disenyong pamproduksyon – Nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na
pagkukuwento.
6. Direksyon – Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng kuwento
sa pelikula.
7. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain
kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya
ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.
Mga hakbang sa pagbubuo ng photo/video documentary
1. Umisip ng paksa na nais talakayin sa dokumentaryo. Isaalang-alang ang iyong
layunin sa pagbubuo nito sa iyong piniling paksa.
2. Magsaliksik tungkol sa paksang napili. Tiyaking ang mga impormasyon tungkol
isyu/paksang tatalakayin ay nakasalig sa pananaliksik upang maging matapat at
totoo ang gagawing dokumentaryo.
3. Lumikha ng shotlist at sequence script upang magkaroon ng gabay sa
pagkakasunod-sunod ng mga eksena.
4. Isagawa ang mga kuhang kinakailangan na nakasulat sa sequence script at shot list.
5. Isagawa ang editing sa pamamagitan ng pagdurugtong-dugtong ng mga kuha,
paglalapat ng narration, visual at sound effects, kulay, at musika.
6. Panoorin ang nabuong dokumentaryo upang masiguro na nasunod ang nasa
sequence script.

Suriin
BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Basahin at unawain ang maikling buod ng nobela sa link na ito:
https://pinoycollection.com/wp-content/uploads/2018/12/pinoycollection.com-el-
filibusterismo-buod-ng-buong-kwento.pdf at sagutin ang sumusunod na gawain.
Damdamin, palawakin!
Sa tulong ng buod na binasa, maglista ng limang damdaming namayani sa nobela at
ipaliwanag kung paano ito napalutang sa akda. Isulat ang sagot sa tsart.

DAMDAMIN PALIWANAG

17
Pagyamanin

GAWAIN 1: Tauhan, Ilarawan Mo!


Ilarawan ang sumusunod na mga tauhan sa El Filibusterismo gamit ang pang-uring umaakit
sa imahinasyon at mga pandama. Pagkatapos ay ihambing sila kung kanino sa kasalukuyang
mga personalidad o pangkat ng tao sila maaaring maiugnay. Isulat ang sagot sa tsart.
TAUHAN PAGLALARAWAN PAGHAHAMBING SA KASALUKUYAN
SIMOUN
BASILIO
HULI
TALES
ISAGANI
GAWAIN 2:
Ilarawan ang kinahinatnang buhay ng sumusunod na tauhan sa pagtatapos ng nobela
gamit ang pang-uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama. Isulat ang sagot sa patlang.
SIMOUN- _________________________________________________________________
BASILIO - _________________________________________________________________
HULI - ____________________________________________________________________
KABESANG TALES - _______________________________________________________
TATA SELO - _____________________________________________________________
ISAGANI - ________________________________________________________________
PADRE FLORENTINO - _____________________________________________________
GAWAIN 3:
Sa pamamagitan ng iyong isinagawang pag-aaral sa mga kaisipan at mga isyung
panlipunang nasasalamin sa El Filibusterismo, ilista mo ang mga nabuong sariling paniniwala
at pagpapahalagang naitanim sa iyo ng nobela.

MGA NABUONG PANINIWALA


AT PAGPAPAHALAGA SA
TULONG NG EL FILI

18
Isaisip
Natutuhan Ko! Panuto: Ibigay ang mga natutuhan mo sa mga paksang natalakay. Subukin
mong sagutin ang Gawain. Gayahin ang pormat.

Mga natalakay na
Natutuhan ko Kahalagahan nito
paksa

Isagawa
PANGWAKAS NA GAWAIN: Bumuo ng isang Photo/Video Documentary tungkol sa isang
tauhan ng El Filibusterismo na magtatampok sa kanilang mahalagang papel na ginampanan
sa nobela. Sa pamamagitan nito, talakayin ang mga suliraning panlipunang napalutang ng
kanyang katauhan. Magmungkahi ng solusyon kung paano ito mabibigyan ng kalutasan.
Tatagal lamang ito ng tatlo hanggang apat na minuto.

PAG-UUGNAY EL
PAGBUO NG
NG NOBELA SA FILIBUSTERISMO
PHOTO/VIDEO
KASALUKUYANG DOCUMENTARY
PANAHON
RUBRIK SA PAGBUO NG PHOTO/VIDEO DOCUMENTARY
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Orihinalidad at pagkamalikhain 20%
Magkakaugnay na eksena at diyalogo 20%
Mungkahing solusyon sa suliraning panlipunan 20%
Mga aplikasyong teknikal 20%
Mga imposrmasyon na nakabatay sa pananaliksik 20%
Kabuuan 100%

19
Tayahin
A. Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng tama
tungkol sa nobelang El Filibusterismo at ekis (x) kung mali.
_______1. Ang mga pangyayari sa El Filibusterismo ay naganap 13 taon ang agwat sa
naunang nobelang Noli me Tangere.
_______2. Si Basilio na mag-aaral ng medisina sa El Filibusterismo ay siya ring Basilio na
isang sacristan sa Noli me Tangere.
_______3. Nagsimula ang El Filibusterismo sa gabi ng Noche Buena at sa libingan ng mga
Ibarra.
_______4. Ang El Filibusterismo ay mas maraming kabanata kumpara sa Noli me Tangere.
_______5. Ilan sa mga tauhang tumawid mula sa Noli patungong Fili ay sina Huli, Isagani,
Tadeo at Tano.
B. Isulat ang kung sino ang tauhan ang nagsabi ng sumusunod na pahayag. Gamiting gabay
ang mga salita sa pahayag na umaakit sa imahinasyon at mga pandama upang matukoy ang
kanilang katauhan. Piliin ang sagot sa word bank at isulat sa patlang bago ang bilang.
_____6. “Nagiging singaw ang tubig kapag ito’y pinainit ng galit, hindi papayag na makulong
sa lalagyan. Kapag ang maliit na tubig ng ilog ay pinagsama sama at nagkaisa,
lalakas ang agos at maaaring sumira ng maunlad na bayan.”
_____7. “Ngunit, makikilala rin niyang pipiliin ko pa ang masanla ako kaysa masanla ang laket
na bigay niya sa akin.”
_____8. “Sa alikabok tayo babalik at wala tayong saplot ng isilang.”
_____9. “Ang pamahalaan po ay itinatag sa ikakabuti ng mamamayan, kaya nararapat lang
na sila ay tanungin tungkol sa kanilang karaingan”
_____10. “Ang lamparang ito ay naglalaman ng pinaghalong luha at paghihiganti ng mga
taong sawimpalad!”

Kabesang Tales Simoun Camaron Coccido

Huli Mataas na Kawani Isagani

C. Isulat sa patlang kung anong elemento ng pagbubuo ng photo/video documentary ang


tinutukoy sa bawat aytem.

_____1. Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at


linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga
manonood.
_____2. Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng kuwento sa
pelikula.
_____3. Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
_____4. Ito ang listahan ng mga kuha na kinakailangan upang matamo ang layunin
ng kuwento.
_____5. Pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung
alin ang hindi na nararapat isama sa final output.

Karagdagang Gawain
Pagkatapos maitama ang iyong likhang photo/video documentary ay ibahagi ito sa
mga manonood sa pamamagitan ng pagpapaskil nito sa www.youtube.com bilang isang video
entry. Hikayatin ang mga kamag-aral na panoorin at magbigay ng komento sa iyong nilikhang
dokumentaryo sa pamamagitan ng pagpapaskil ng link nito sa anumang social media platform.
I-send sa iyong guro ang link ng video entry para sa pagmamarka.

20

You might also like