You are on page 1of 16

10

FILIPINO
Unang Markahan
Modyul 5
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag
ng Pananaw
Panimula
Ang modyul na ito ay naglalaman ng paksang Mga Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng Pananaw na mas magpapatingkad sa iyong kaalaman sa
sanaysay na tinalakay sa modyul 4.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


F10PU-Ic-d-66 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong
isyung pandaigdig
F10WG-Ic-d-59 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw

SUBUKIN

Simulan mo ang modyul na ito sa pagsukat sa iyong kaalaman sa


pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pasulit sa ibaba.

Panuto: Subuking sagutin ang mga katanungan ayon sa hinihingi. Basahin at


unawain ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay


kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng
langis ay hindi natugunan nang maayos”. Alin sa mga salita mula sa pahayag ang
ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw?
A. Higit pa rito C. sa bansa
B. isang salik D. ng dumi
2. “Ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing
pinagmulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang
kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakutuwid
kailangan na ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay
na ito.” Ano ang ekspresyong ginamit sa pahayag?
A. lahat C. yaon
B. sinuman D. Samakatuwid
3. ________SWS (Social Weather Survey), simula nang umpisahan nila ang survey
na ito noong taong 2016, nananatiling “excellent” ang net satisfaction ng mga taga-
Mindanao sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga sa bansa. Alin sa mga
sumusunod na ekspresyon ang naangkop sa pahayag?

A. Ayon kay C. Ayon sa


B. Batay sa D. Alinsunod

1
4.________Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon na ng
“adjustments” sa emergency subsidy ng gobyero para sa mga low-income
households, matapos inanunsyo nitong Biyernes, ang selective extension ng
enhanced community quarantine (ECQ).
A. Batay sa C. Ayon kay
B. Ayon sa D. Alinsunod
5. ______ Secretary Leonor Magtolis Briones, noon pa man ay ginagawa na ang
pamamaraan ng blended learning tulad ng printed modules, TV/radio-based
education at paggamit ng online platforms. Alin sa mga
pagpipiliang ekspresyon ang naangkop sa pahayag?
A. Ayon sa C. Sang-ayon sa
B. Ayon Kay D. Sang-ayon kay
6. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa sunod-sunod
niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.
A. Sa ganang akin C. Sa paniniwala ni
B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala ng
7. _____ang mga Pilipino ay higit na magiging mapagmatyag sa mga kaganapan
sa lipunan matapos maranasan ang matinding kahirapang dulot ng pandemiya.
A. Sa tingin ng C. Sa paniniwala ni
B. Sa ganang akin D. Sa paniniwala ng
8. ______nangyari iyon upang matuhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang
angkop na ekspresyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa kabilang dako C. Sa ganang akin
B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala
9. “Sa panahon ngayon, dapat nang makialam sa paglutas sa mga problemang
naranasan ng bansa. Sa isang banda, mas gustuhin ko pang panatilihin ang
katahimikan ng buhay.” Ano ang gamit ng ekspresyong may salungguhit sa
pangungusap?
A. nagpapahayag ng pananaw C. A at B
B. Nagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa D. lahat ng nabanggit
10. Alin sa sumusunod ang gamit ng ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw?
A. ginagamit bilang aksiyon, karanasan at pangyayari
B. ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw
C. nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa
D. B at C
11. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa kung paano nakatutulong ang mga
ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa lubos na pagkaunawa sa
sanaysay?
A. Naipakikita ng mga ekspresyon ang maayos na pagkakasunod-
sunod sa mga pangyayari
. B. Nailalahad ng mas malinaw ang iniisip, pananaw at saloobin ng tao
sa pamamagitan ng mga ekspresyon.
C. Naiuugnay ng mga ekspresyon ang diwa sa isa pang diwa.
2
D. Wala sa nabanggit

12-15 Hanapin sa kahon ang angkop gamitn sa pahayag.

Sang-ayon sa batay sa Alinsunod Sa paniniwala ni

12.______Pangulong Quezon, mas mabuti pa ang mala-impiyernong bansa na


pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
13. ______saligang batas tayong mga mamamayang Pilipino ay may karapatang
pumili ng gustong relihiyon, karapatang bumuo, karapatang mabuhay ng
marangal at karapatang ipagtanggol ang sarili.
14. ______DepEd magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa ibat’
ibang baitang sa September 13, 2021.
15. ______sa patakaran na ipinatupad ng aming baranggay ay ipinagbabawal ang
pagtatapon ng mga basura kung saan-saan.

Aralin Mga Ekspresyon sa


2 Pagpapahayag ng Pananaw

ALAMIN

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw na ginamit sa


Pahayag;
2. nabibigyang-pananaw ang mga piling isyung pandaigdig na umiiral sa
Kasalukuyan gamit ang mga ekspresyon sa pagpapahayag;
3. nailalapat ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa
paglatag ng mga opinyon at kuro-kuro tungkol sa mahahalagang isyung
pandaigdig na nararanasan sa kasalukuyang panahon at
4. naiuugnay ang sariling karanasan sa isyung umiiral sa kasalukuyan sa pagsulat
ng talata.

3
BALIKAN/PAGGANYAK

Sa modyul 4 ay natalakay ang sanaysay ni Plato na Alegorya ng Yungib na


hitik sa mga mahahalagang kaisipan hinggil sa katotohanan at edukasyon. Ngayon
naman ay ipamalas mo ang iyong kakayahan sa paglatag ng kaisipan o pananaw.
Gawain 1 Dugtungan Mo
Panuto: Batay sa larawan, dugtungan ang pahayag sa speech balloon ng iyong
nabuong konsepto o pananaw.

Sa aking pananaw, __________________________


______________________________________________
______________________________________________
_

Ayon sa , ____________________________________
______________________________________________
______________________________________________
https://www.google.com/search?q=Alegorya+ng+yungib&source=lnms&tbm=i
sch&sa=X&ved=2ahUKEwj4upHdy9nqAhVDCqYKHckDBRAQ_AUoAXoECA
wQAw&biw=1366&bih=657

TUKLASIN
N
Napansin mo ba na mas malinaw mong naipahahayag ang iyong opinyon gamit
ang mga halimbawang ekspresyon sa Gawain 1? Upang ganap mong maunawaan
ang mga ito, ipagpatuloy mo ang iyong pagtuklas.

Magbasa at Tumuklas
Panuto: Suriin ang mga pangungusap na hango sa sanaysay na Alegorya ng Yungib.

• Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng
mga imahe.
• At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal
na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa
kagandahang-asal. Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago
siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar,
tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang
ganap ang katarungan.

4
Sa unang pangungusap, naipahayag ng may-akda ang kaniyang pananaw at
paniniwala tungkol sa katotohanan na inihuhudyat ng ekspresyon na ang sabi ko
batay sa kaniyang iniisip o sinabi. Sa ikalawang pangungusap, ginamit ang
ekspresyong samantala na nagkaroon ng pagbabago ang unang bahagi sa
ikalawang bahagi na ginamit ang ekspresyon.

SURIIN/TALAKAYIN

Upang lubos mong maunawan ang aralin, basahin at unawaing mabuti ang
pagtalakay sa mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa ibaba at pag-aralan
ang mga halimbawa nito.

Alam mo ba na…
May mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
nagpapahiwatig ng pagbabago sa paksa at/o pananaw
Mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay,
para, sang-ayon sa/kay gayundin, sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba
pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang mga iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng
isang tao.
Halimbawa :
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa.
• Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commision On
Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga
asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
• Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino
• Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang- edukasyon.”
• Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika
ang bayan, taglay niya ang Kalayaan”

b.Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ ng

5
• Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na
edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo
sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
• Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat
ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
• Sa tingin ng maraming guro ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang
nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay ng
patnubay sa kanilang mga anak

c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip


• Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol
sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
• Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR
kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko
• Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa
lumalalang krimen.
• Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga
batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di-tulad
ng naunang halimbawa, na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na
halimbawa
a. Sa isang banda, sa kabilang dako.
Mabuti na ngang malaman ng mga mamamayan ang mga anomalya sa kanilang
pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat nilang
ihalal para mamuno sa kanilang lunsod.
• Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy
malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng
mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
b. Samantala

• Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais


makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya
ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

6
ISAISIP

Ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw ay nagbibigay


linaw sa katayuan o posisyon ng manunulat tungkol sa isyung kanyang
tatalakayin. May dalawang gamit ang ekspresyon sa pagpapahayag ng
pananaw, una, ginagamit sa simpleng pagpapahayag ng iniisip, sinasabi o
pinaniniwalaan ng isang tao at ang ikalawa, ginagamit sa pagpapahiwatig ng
pag-iiba ng pananaw o paksa.
Likas na sa tao ang tumugon at magbigay ng reaksiyon sa anumang
isyu na umiiral sa paligid kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa
mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw para sa maayos at mabisang
pagpapahayag para sa lubos na pagkaunawa .

ISAGAWA

Pagsasanay 1:
Panuto: Salungguhitan ang ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa o pananaw.

A. (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago, kaya hindi katakataka na ang mga
pulo sa buong bansa ay tigib ng mga kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng iba’t
ibang uri ng damong-dagat. (2) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino C.
Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad
ng Pilipinas, ipinakita niya ang pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat
para makatulong sa sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3) Ayon sa kaniya,
maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas bagaman iilan pa lamang
sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang komersiyal.

7
B. (1) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng Morocco ay ang
isyung pangkalikasan. (2) Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito.
Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa dito, ang
pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos. (3) Ayon sa
isang kritiko, ang isyung-pangkalikasan ay hindi binibigyan nang seryosong tuon ng
pamahalaan. Sa tingin niya, makatutulong ang pagdaragdag ng irigasyon o patubig
sa kabukiran upang maiwasan ang pagkatuyo ng mga pananim na sanhi ng pagpigil
sa pagdaloy ng kontaminadong tubig.
C. (1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking naitutulong sa pagpasok
ng salaping dayuhan o dolyar sa bansa sapagkat kailangan ng isang bansa ang
dolyar upang ang napagbilhan ay ibibili naman ng kalakal na hindi lokal na
naipoprodyus. (2) Ang pagbili ng kalakal ng isang bansa mula sa ibang bansa gaya
ng langis at mga kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-aangkat o import. (3) Sa
isang banda, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang maunlad
na bansa.
D. (1) Ayon sa isang magulang na Pranses, “patuloy siyang magpoprotesta laban sa
panukalang batas tungkol sa pagiging legal ng kasal ng dalawang taong
nagmamahalan na may parehong kasarian.” Sa ganang kaniya, mahalagang
ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang kahalagahan ng pamilya.” (2) Kaugnay
nito, isa sa pinakamalaking protesta laban sa “same-sex marriage” ay naganap nang
magsama-sama ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang probinsiya ng Pransiya.
(3) Ang panukalang batas na ito ay nagbunsod ng samo’t saring karahasan sa
bansang Pransiya. Naghatid din ito ng ingay sa ibang bansa.

Pagsasanay 2
Pantuo: Punan ng angkop ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo ang
konsepto ng pananaw sa bawat bilang.
Batay sa Sa palagay ko Alinsunod Ayon sa

1. __________ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa


mga bata ang paglalaro ng mga marahas ng internet games lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.
2. “Hindi mo ako mamamali kung pagpapakahulugan mo na ang
paglalakbay papataas ay maging pag- ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal
na mundo __________mahina kong paniniwala.”
3. __________ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad
na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
4. _________sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa
“na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at
magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.”
5. _________PAGASA, ang bagyo ay tatama at magla-landfall sa Pilipinas
sa darating na Miyerkules o Huwebes. Ayon din sa
8
Gawain 2:
Panuto: Suriin ang mga larawang tumatalakay sa isyung pandaigdig. Alamin ang
paksa o isyung ipinapahiwatig ng bawat larawan at magbigay ng iyong pananaw ukol
dito gamit ang mga halimbawang ekspresyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang
espasyo sa ibaba
Ayon sa Sa palagay ko Sa kabilang banda
Batay sa Sa ganang akin Sa kabilang dako
Sang-ayon sa sa tingin ko samantala

1. 3.

bagsak+na+ekonomiya&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwidxMKS4rzqAhXoyosBH
Mula sa https://www.google.com/search?q=covid-
cCnDfsQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=4_Qm4_BSJ7oT_M
19&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjmobj2hbbqAhVOFogKHZZ3A0UQ_
AUoAnoECCIQBA&biw=1366&bih=657#imgrc=d5fx0qa1hrynTM

2. 4.

Mula sa https://www.google.com/search?q=Kahirapan&tbm=isch&ved=2ahUKEwi1-LfMiLbqAhVyx4sBHRJ9DAwQ2- Mula sa


cCegQIABAA&oq=Kahirapan&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCA https://www.google.com/search?q=kawalan+ng+trabaho&tbm=isch&ved=2ahUKEwiF2_r4i7bqAhUB7ZQKHe80C_oQ2-
AyAggAOgQIABAYOgUIABCxA1CuvDZY5tg2YO3gNmgAcAB4BIABwgOIAeUYkgEJMC45LjEuMi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLX cCegQIABAA&oq=Kawalan+ng+tra&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgQIABAYMgQIABAYM
dpei1pbWewAQA&sclient=img&ei=asEBX7WbKfKOr7wPkvqxYA&bih=657&biw=1366#imgrc=G0UAGr0YO0WcAM gQIABAYMgQIABAYOgQIABBDOgUIABCxA1CNjSZYksEmYNzTJmgAcAB4BIABvgiIAdkvkgEPMC44LjguMS4wLjEuMS4xmAEAoAE
BqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQA&sclient=img&ei=7cQBX8WwFYHa0wTv6azQDw&bih=657&biw=1366#imgrc=nMX6wamY-

1.__________________________________ 3.__________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
2.__________________________________ 4.__________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ 9 ___________________________________
PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN

Ngayon pa lang ay binabati na kita sa ipinamalas mong galling at tiyaga sa


pagsakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito. Ang mga sumusunod pang mga
gawain ang magpapatingkad pa sa iyong katalinuhan.

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa paksang Mga Pagbabago sa Sistema ng
Edukasyon sa Ilalim ng New Normal batay sa inyong sariling karanasan
at pagmamasid. Gamitin ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng
pananaw sa pagsulat ng sanaysay. Makatutulong sa iyo ang pangangalap
ng mga kaalaman at opinyon sa alinmang media na mayroon kayo sa loob
ng tahanan na hindi kailangang lumabas ng bahay. Isulat sa short
bondpaper ang sagot at ipasa ito kalakip ng sagutang papel ng Tayahin.
Ang sanaysay ay tatayahin sa sumusunod na pamantayan at rubriks.

KRAYTERYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN PAPAUNLAD


5 4 3 2
Nilalaman Tumpak na Tumpak ang May mga Nangangailan
tumpak ang diwa sa paksa diwang lihis sa pa ng
diwa sa paksa ng sanaysay paksa ng pagsasanay
ng sanaysay sanaysay
Organisasyon May kaisahang May May talata na Hindi
ng mga ideya daloy ng mga kaisahang lihis ang magkakaugnay
kaisipan ang daloy ng mga kaispan sa ang bawat
bawat talata kaisipan ang paksa talata
nula panimula bawat talata
hanngang ngunit may
wakas iilang
pangungusap
ang lihis sa
paksa
Paggamit ng Nakagagamit Nakagagamit Nakagagamit Nakagagamit
mga ng walo-pataas ng anim-pito ng apat-lima ng tatlo
ekspresyon sa sa mga sa mga na mga pababa na
pagpapahayag ekspresyon sa ekspresyon sa ekspresyon sa mga
ng pananaw pagpapahayag pagpapahayag pagpapahayag ekspresyon sa
ng pananaw ng pananaw ng pananaw pagpapahayag
ng pananaw

10
Kalinisan Napakalins at May 3 May 4 na bahid May 5 o higit
walang bahid ng bahid ng ng pagbubura pang bahid ng
anumang pagbubura pagbubura
pagbubura

Gawain 4
Panuto: Bumuo ng mahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na talahanayan.

Tanong Sagot
Paano nakatutulong ang sanaysay
na makaroon ng kamalayan sa
kultura at kaugalian ng isang
bansa?

Paano mabisang magagamit ang


mga ekspresyon sa pagpapahayag
ng sariling pananaw?

TAYAHIN

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang lahat ng gawain at pagsubok


sa modyul na ito. Mabuhay! Tayahin natin ang iyon kaalaman.

Panuto: Piliin ang titk ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.
Paalala:
✓ Panatilihin ang katapatan sa pagsagot sa pasulit.
✓ Huwag kalimutang isulat ang mga detalyeng ito at sundin ang pormat sa ibaba.
Pangalan:_____________Taon at Seksiyon:__________ Modyul blg: 5
✓ Isumite sa napagkasunduang petsa ang sagutang papel klalakip ng iyong sagot
sa Gawain 3.

1. “Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay


kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng
langis ay hindi natugunan nang maayos”. Alin sa mga salita mula sa pahayag ang
ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw?
A. sa bansa C. ng dumi
B. isang salik D. Higit pa rito
2. “Ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing
pinagmulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang

11
kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakutuwid
kailangan na ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay
na ito.” Ano ang ekspresyong ginamit sa pahayag?
A. lahat C. yaon
B. sinuman D. Samakatuwid
3. ________SWS (Social Weather Survey), simula nang umpisahan nila ang survey
na ito noong taong 2016, nananatiling “excellent” ang net satisfaction ng mga taga-
Mindanao sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga sa bansa. Alin sa mga
sumusunod na ekspresyon ang naangkop sa pahayag?
A. Batay sa C. Ayon sa
B. Ayon kay D. Alinsunod
4.________Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon na ng
“adjustments” sa emergency subsidy ng gobyero para sa mga low-income
households, matapos inanunsyo nitong Biyernes, ang selective extension ng
enhanced community quarantine (ECQ).
A. Batay sa C. Ayon kay
B. Ayon sa D. Alinsunod
5. ______ sa kautusang tagapagpaganap blg. 103 ng Komisyon Sa
Wikang Fiipino, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nararapat na maging
Filipino-centric.
A. Ayon Kay C. Sang-ayon sa
B. Alinsunod D. Sang-ayon kay
6. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod
niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.
A. Sa ganang akin C. Sa paniniwala ni
B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala ng
7. _____ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng
pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
A. Sa paniniwala ng C. Sa paniniwala ni
B. Sa ganang akin D. Sa tingin ng
8. ______nangyari iyon upang matuhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang
angkop na ekspresyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa paniniwala C. Sa kabilang dako
B. Sa ganang akin D. Sa aking palagay
9. “Sa panahon ngayon, dapat nang makialam sa paglutas sa mga problemang
naranasan ng bansa. Sa isang banda, mas gustuhin ko pang panatilihin ang
katahimikan ng buhay.” Ano ang gamit ng ekspresyong may salungguhit sa
pangungusap?
A. nagpapahayag ng pananaw C. A at B
B. Nagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa D. lahat ng nabanggit

10. Alin sa sumusunod ang gamit ng ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw?


A. nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa
12
B. ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw
C. Ginagamit bilang aksiyon, karanasan at pangyayari
D. A at B
11. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa kung paano nakatutulong ang mga
ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa lubos na pagkaunawa sa
sanaysay?
A. Nailalahad ng mas malinaw ang iniisip, pananaw at saloobin ng tao
sa pamamagitan ng mga ekspresyon.
B. Naipakikita ng mga ekspresyon ang maayos na pagkakasunod-
sunod sa mga pangyayari
C. Naiuugnay ng mga ekspresyon ang diwa sa isa pang diwa.
D. Wala sa nabanggit
12. _______, ang pandemiyang ating naranasan ngayon, bagama’t nagdudulot ng
matinding kahirapan ay nagdudulot din katatagan sa buhay at nagpapatibay ng
ating pananampalataya. Alin sa sumusunod na pagpipiliang ekspresyon ang
angkop sa pahayag?
A. Samantala C. Sa kabilang dako
B. Sa Palagay ko D. Sa isang banda
13. Alam kong nagkamali siya sa kaniyang mga disisyon sa buhay ngunit _________
bawat isa sa atin ay nararapat bigyan ng pagkakataong maitama ang mga
kamalian
A. sa tingin ng C. sa palagay ko
B. sa ganang akin D. pinaniniwalaan kong
14. ________ dating Deped Secretary Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang
giganagamit din sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad
ang wika at kaisipan ng mga mag-aaralat makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural”
A. Ayon sa C. Batay sa
B. Ayon kay D. Batay kay
15. _______ Komisyon ng Wikang Filipino ang tema sa pagdiriwang ng buwan ng
wika ay “Filipino at mga Katutubong sa Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng
mga Pilipino.”
A. Batay sa C. Ayon kay
B. Ayon sa D. Alinsunod

Sanggunian:

❖ Panitikang Pandaigdig, Kagamitan ng mag-aaral-Kagawaran ng Edukasyon


❖ Ang mga larawan ay hango sa google.com web.
❖ Ilan sa mga pahayag sa tanong sa subukin ay hango sa
https://learningph.com/filipino/question9469421

13
14
PAGSASANAY 1
A.
1. kaya
2. Sa isang pag-aaral
3. Ayon sa
B.
1. Sa kasalukuyan
PAGSASANAY 2 2. Higit pa rito
3. Ayon sa
1. Batay sa C.
2. Batay sa 1. sapagkat
2. gaya ng
3. Sa palagay ko
3. Sa isang banda
4. Alinsunod D.
5. Ayon sa 1. Ayon sa, Sa ganang akin
2. Kaugnay nito
PAGSASANAY AT IBA PANG MGA GAWAIN
UNANG MARKAHAN-MODYUL 5
BAITANG 10
SUSI NG MGA SAGOT

You might also like