You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 10
Dula ng Matapat
na Pag-iibigan

Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
Modyul 2

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda
sa alinmang bansa sa daigdig.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul


na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong
mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan..
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-Tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo


ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.

2
Aralin Paghahambing ng Kultura ng
1 Bansang Pinagmulan ng Akda

INAASAHAN

Ano nga ba ang kuwento ng iyong pag-ibig? Tulad ba ito ng “Three Word Story “na…
Nagmahal, Nasaktan, Nag-aral nang mabuti.

Sa totoo lang iba-iba talaga ang mukha ng pag-ibig parang “emojis”


sa facebook may sariling emosyon minsan anuman ang maging emosyon
mo, ang modyul na ito ang tutulong sa iyo upang muling patunayan ang kapangyarihan ng
pag-ibig lalo na sa mga taong hindi tumitigil sa pagmamahal kahit nasasaktan at lumuha pa
ng dahil sa pag-ibig sapagkat ang alam lang nila ay magmahal at patuloy na magmamahal
harangin man ng sibat dahil iyon ang kaniyang pinaniniwalaan at atas din ng Poong
Maykapal.

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:


 Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang
bansa sa daigdig
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito
(etimolohiya)
 Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling
kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa

PANIMULANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Pagkatapos, piliin ang
titik ng pinakawastong sagot. Isulat ito sa kwaderno.

1. Isang uri ng akdang pampanitikan na nahahati sa mga yugto at itinatanghal sa


entablado.
A. balagtasan C. dula
B. maikling kwento D. talumpati
2. Ang tema ay nauukol sa kapangyarihan ng pag-ibig na kamatayan lamang ang
makapaghihiwalay sa kanila.
A. Ibarra at Maria Clara C. Florante at Laura
B. Romeo at Juliet D. Don Juan at Prinsesa Blanca
3. Uri ng dulang ang mga tauhan ay mapupusok ang damdamin at humahantong sa
pagkasawi ng pangunahing tauhan.
A. parsa C. melodrama
B. saynete D. trahedya
4. Walang kakayahan makapamili ng taong mamahalin si Juliet, sa pahayag na ito
masasalamin ang kultura na________________
A. magulang ang magpapasya sa mapapangasawa ng kanilang anak

4
B. hindi ipinagkakasundo ang anak sa pamilya ng katipan lalo na kung may
alitan
C. sa konteksto ng pag-ibig sa mga maharlikang angkan, “ang mayaman ay
para sa mayaman at ang mahirap ay para sa mahirap”
D. malakas ang kapangyarihan ng maipluwensiyang pamilya sa pagpili ng
mapapangasawa
5. “Sa ngalan ng pag-ibig lahat ay susunguin.” Ang pahayag ay isang _________
A. opinyon C. katotohanan
B. paniniwala D. sabi-sabi

BALIK-TANAW

Sa daigdig ng literatura, malaki ang ambag ng mga manunulat sa


pagpapalaganap at pagpapahalaga sa kultura ng isang bansa. Sa kanilang mga
isinulat na akda, nalalaman natin ang kaugalian, paniniwala at mga batas na
sumasalamin sa pagkakaisa, kamalayan at pag-asa ng kinabukasan.
Higit sa lahat ang kabutihang-asal at wastong pag-uugali na nais ipabatid ng
may-akda ay maipapasa sa susunod na henerasyon upang ang mga obra ay
magkaroon ng buhay.
Balikan mo ang mga akdang iyong nabasa, may pagkakatulad at pagkakaiba
ba sa kultura?
Sagutin ito sa pamamagitan ng Dayagram Tree. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

KULTURA

Pamagat: ______________________ Pamagat: ______________________


Genre: ________________________ Genre: ________________________
Bansa: ________________________ Bansa: ________________________

Pagkakatulad Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba


 ___________  ___________  ____________  ____________
 ___________  ____________  ____________  ____________
_

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Panahon ng Renaissance o muling pagsilang ng sumigla ang Panitikan ng


Inglatera.
Naisatitik ang mga kaisipan, karanasan, obserbasyon, paniniwala, kaugalian
at pamumuhay na sumasalamin sa kultura ng bansa.
Namayagpag din sa panahong ito ang akda ni William Shakespeare na
“Romeo at Juliet”, isang dulang pumapaksa sa pag-iibigan ng magkasintahang
humantong sa trahedya.

5
Narito ang akdang isinulat ng dakilang manunulat at mandudula na si William
Shakespeare.
Basahin mo ang mga piling bahagi ng akda upang maunawaan ang panitikan
ng Inglatera at kung paano ito nakatulong sa paglalahad ng kanilang kultura.

Sintahang Romeo at Juliet


William Shakespeare
Hango sa Romeo at Juliet
Isinalin ni Gregorio C. Borlaza

UNANG TAGPO
(Sa pag-iisa ni Romeo. Kinakausap ang sarili)
Romeo: Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.
Pakitaan ako ng isang babaing labis na marikit,
Di ba’t ganda nito’y isa lamang pantawag ng isip
Sa lalo pang may malaking kagandahan? Sa paglimot, di mo ako
ma’aring turuan.
(Sa pag-iisa ni Juliet. Kinakausap ang sarili. )
Juliet: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap. Bata pa sa gulang
kong labing-apat, banggit ni ina, Mga dalaga dito ay nagiging ina na.
Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?
Maiibig ko ba ang ginoo?
Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko.
Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.
Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha,
Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa;

IKALAWANG TAGPO
(Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si Juliet na nakikipagsayawan.
Darating si Romeo at makikita niya si Juliet sa hanay ng mga babaeng sumasayaw.
(Makikita ni Tybalt si Romeo. Sisitahin niya ito. )

Tybalt: Tiyo, ang ating kaaway na isang Montague; Isang buhong na dahil
sa galit naparito, Upang libakin ang kasayahang ito.
Capulet: Siya ba ang batang si Romeo?
Tybalt: Siya nga, si Romeong buhong.
Capulet: Masiyahan ka pinsan ko, pabayaan siya.
Parang maginoong tunay ang mga kilos niya,
Dahil sa taglay na dangal at kilos niyang sakdal buti. Kahit ibayad sa
akin ang yaman ng buong bayan, Hindi ko siya sisiraan sa aking
tahanan.Kaunting tiyaga, huwag mo siyang pansinin.
Tybalt: ‘Pag ang pasensiya’y pinilit kong pumigil sa galit na pag-ayaw,
Nanginginig sa tagisan ang lahat kong mga laman. Ako ay aalis;
Subalit ang ganitong panghihimasok na ngayo’y waring matamis ay magiging
mapait na lubos.
(Lalabas si Tybalt. Magtatagpo ang paningin nina Romeo at Juliet )

Romeo: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat,


Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat;
Ang mga labi kong dalawa’y namumulang mamamakay
Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay.
Juliet: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasala
Sa kamay mong mabuting kilos ang nakikita; Mga santo’y may kamay
na hinihipo ng may-pakay; At ang pagdadaop-palad ay parang

6
halikang banal.
Romeo: Kung gayon, sinta ko, bayaang gawin ng labi ang gawain na
pangkamay! Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi
mamatay.
(Hahalikan ni Romeo si Juliet. )
Juliet: Kung gayon ay nasa aking labi ang salang sa iyo ay nakuha.
Romeo: Salang buhat sa labi ko?
O salang malambing na iyong binanggit,
Ang sala ko ay muling ibalik
(Hahalikan niyang muli si Juliet)
Juliet: Parang pinag-aralan mo ang paghalik.
Nars: Senyorita, nais kang makausap ng iyong ina.
Romeo: Sino ang kaniyang Ina?
Nars: Aba, binata. Ang nanay niya ay ginang nitong tahanan.
Romeo: Siya ba’y Capulet?
O kay samang kapalaran!
Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway.
Ito na ang ikinatatakot ko, lalo akong hindi mapalagay.

IKATLONG TAGPO
Juliet: O Romeo, Romeo!
Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!
O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,
At hindi na ako magiging Capulet
Romeo: Susundin ko ang wika mong binitiwan.
Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan; Buhat ngayon
hindi na ako magiging Romeo.
Juliet: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim, Na nakatuklas sa aking
lihim?
Romeo: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,
Binigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas.
Juliet: O mabait na Romeo, Kung ikaw ay umiibig ay tatapatin mo. O kung
akala mo’y ako’y napakadaling mahuli,
Ang totoo, butihing Montague, labis akong mapagmahal,
Dahil, dito’y maaari mong sabihing kilos ko’y buhalhal; Ngunit
maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat ako Kaysa mga
mukhang mahiwaga dahilan sa tuso.
Romeo: Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon
Na nagpuputong ng pilak sa lahat na nariritong punong kahoy.
Juliet: Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman Na
buwan-buwan ay nagbabago sa kaniyang ligiran.
Baka ang pag-ibig mo ay maging kasinsalawahan
Masyadong kaparis ng kidlat na biglang nawawala
Bago masambit ang ‘kumikidlat’. Paalam na mahal!
Romeo: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig.
Juliet: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay.
Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,
Pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita
Lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan. Maging tapat
ka Montague kong matamis Maghintay ka, ako ay muling babalik.

IKAAPAT NA TAGPO
Padre: Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang
pagsisisi’y huwag nating kamtin.
Romeo: Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating Ang kagalakan

7
kong matatamo’y hindi dadaigin Sa sandaling siya’y aking masilayan.
At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating Kasiyahan ko
nang siya’y maging akin.
Padre: Ang marahas na ligaya’y may marahas na hanggahan.
Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay,
Naghahalikan ay nauubos. Ang pulot na matamis na lubha Dahilan
sa sarap ay nakasusuya, At ang tamis ay nakasisira sa panlasa.
Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta; Ang
mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa pinupunta.
Juliet: Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko.
Romeo: A, Juliet, kung ang kaligayahan mo kagaya ng aki’y iipunin at ang
kakayahang iyong angkin. Ang maglalarawan doon, patamisin ng
iyong hininga
Juliet: Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi,
Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti,
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman;
Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan
Kahit kalahati ay hindi ko mabilang
Padre: Madali nating tatapusin na,
Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa

IKAPITONG TAGPO
Padre: Ah, Juliet, batid ko na ang iyong hinagpis;
Ako’y nababahalang labis na abot nitong pag-iisip.
Narinig kong kailangan at hindi mapipigilang
Sa Huwebes na darating ang Konde ay iyong pakasalan.
Juliet: H’wag sabihin, padre, na narinig mo ‘yan
Kundi masasabi kung paano ninyo’y ito maaaring hadlangan.
Kung sa karunungan ninyo’y di makatutulong, Sabihin man lamang
na tama ang nilalayon
At sa tulong ng lansetang ito’y gagawin ko.
Huwag nang mag-atubili, nais kong mautas
Kung ang inyong sasabihin ay hindi makalulunas.

IKAWALONG TAGPO
Nars: Binibini! Ano ba, binibini!
Juliet! Ano’t nakabihis, magara ang damit, at nahiga uli?
Kailangang gisingin ka. Binibini! Ano ba, binibini!
Juliet! Naku, naku, naku.
Tulong, tulong ang binibini ko’y patay
O kay sawi, bakit pa ba ako isinilang
Kumuha ng alak, madali! Aking ginoo! Aking ginang!
Araw na kasumpa-sumpa, malungkot, hamak, nakamumuhi!

IKASIYAM NA TAGPO
(Romeo at Baltazar. Dumating si Baltazar mula sa Verona dala ang masamang balita para
kay Romeo.)
Baltazar: Ang kaniyang bangkay sa libinga’y namamayapa,
At ang kaniyang kaluluwa’y kasama ng mga anghel.
Nakita ko siyang inilibing sa tumba ni Capel.
Romeo: Ano ang dapat kong gawin?
May naalala akong isang butikaryo,
Na sa dakong ito nakatira, napansin ko.
(Sa may Butikaryo)
Romeo: Nakikita kong ikaw ay mahirap.

8
Heto ang apatnapung ducado.
Bigyan ako agad ng isang lagok na lasong kakalat
Upang mamatay ang iinom na sa buhay ay nagsawa na.
Butikaryo: Mayroon nga akong lason; ngunit parusa ng batas ng Mantua’y
kamatayan sa magbili na pangahas.
Romeo: Ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan;
Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman;
Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.

IKALABING-ISANG TAGPO
Romeo: O mahal ko! O asawa ko!
Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga
Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,
Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan.
O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan
Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga
Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!
Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
(Iinumin ang lason)
O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.
Matapos ang isang halik, mamamatay ako.
(Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni
Juliet.)
Juliet: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang
tumulong sa akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit
konti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Oh, mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y
mamatay

(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili. )


Babae: Kapayapaang mahilom ang dulot nitong umaga
Ang araw ng kalungkuta’y hindi ngayon pakikita
Lumakad na kayo’t pag-uusapan pa ang malungkot na naganap
Ang iba’y patatawarin at sa iba’y parusa ay ilalapat;
Sapagkat wala pang makakasinlungkot
Ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kaniyang irog.

Halaw sa: Sintahang Romeo at Juliet


Modyul para sa Mag-aaral ng Filipino 10
Panitikang Pandaigdig
ni Vilma c. Ambat et.al.

Nasiyahan ka ba sa iyong binasa at naunawaan mo ba ito? Kung gayon halina at


sagutin ang mga sumusunod na gawain na inihanda ko para sa iyo upang masubok ko ang
iyong kakayahan.

9
GAWAIN
Gawain 1
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito. Isulat ang iyong
sagot sa kwaderno.
DUCADO

Etimolohiya Kahulugan Paliwanag

KUMPESOR

Etimolohiya Kahulugan Paliwanag

BUTIKARYO

Etimolohiya Kahulugan Paliwanag

Gawain 2

Panuto: Balikan mo ang dulang iyong binasa. Gawing batayan ang mga aspektong
nakatala sa talahanayan upang malaya mong maibahagi ang damdamin/
saloobin kaugnay ng kulturang iyong nakagisnan at ihambing sa kultura ng
Inglatera. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

KULTURA NG PAG-AASAWA
Kultura ng Pilipinas Aspekto ng Paghahambing Kultura ng Inglatera

Damdamin/Saloobin Relihiyon Damdamin/Saloobin

Damdamin/Saloobin Estado sa Lipunan Damdamin/Saloobin

Damdamin/Saloobin Pagpili ng Magulang sa Damdamin/Saloobin


Mapapangasawa ng Anak

Gawin 3
Panuto: Kapanayamin ang iyong mga magulang, ate o kuya, tiyo o tiya, hipag o bayaw at
iba pang kasama sa bahay na may karanasan sa pag-aasawa.

Alamin ang mga karanasang nangyari sa kanila pagpasok sa buhay may


asawa batay sa mga nakatala sa ibaba. Isulat sa kwaderno ang mga
mahahalagang detalye na iyong nakalap.
a. Panliligaw
b. Pagpapakasal
c. Pagkakaroon ng mga Anak

10
d. Pagharap sa mga Pagsubok
e. Mga Plano sa Hinaharap

Mula sa ginawang panayam, bumuo ng talata na maglalahad ng mga kaisipan,


pananaw at saloobin kung paano makakamit ang pagkakaroon ng Masayang Pamilya.

TANDAAN

Ang dula ayon kay Shakespeare ay “Ang Mundo ng Isang Malaking Teatro” na
naglalahad ng damdamin at pananaw ng tao sa lipunang ginagalawan. Nadarama at
nauunawaan ang mga pangyayari batay na rin sa ikinikilos at sinasabi ng mga tauhan.
Nagmula ito sa salitang Griyego na “drama” na ang ibig sabihin ay gawin o ikilos.
Layuning makapagbigay-aliw, magbigay-aral at magpadama. Isang halimbawa
nito ang akdang Romeo at Juliet na hinati sa maraming yugto at tagpo na isinasagawa sa
tanghalan o entablado.
Sa mga uri ng dula, trahedya ang pinakaangkop na maiuugnay sa nabanggit na
akda sapagkat ang tema ay nakalulunos na nagtatapos sa kamatayan at matinding
kalungkutan.
Kapuna-puna ang mga tauhan ay mapusok at hindi maitago ang damdaming nag-
aalab.
Mahalagang mabatid din ang mga likas na salitang ginamit sa akda upang
magbigay kaalaman sa mga mambabasa.
Etimolohiya (pinagmulan ng salita) ang tawag sa pag-aaral ng kasaysayan ng
mga salita at kung paano nag-iiba ang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.
Ang salitang etimolohiya ay mula sa Kastilang salita “etumologia” na mula sa
salitang “etumon” may ibig sabihin o may kahulugan “-logia” pag-aaral ng, mula sa
salitang “logos” pagsasalita, orasyon, salita.
Higit sa lahat ang pagtukoy sa kulturang nangingibabaw sa binasang akda
sapagkat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar, ng mga mamamayang
pinahahalagahan ang kaugalian, paniniwala at batas.
Kultura rin ang humuhubog ng katauhan upang magampanan ang papel sa
lipunan sa makataong pamamaraan.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Basahin mo ang isa pang kaugnay na akda ang “Ito Pala ang Inyo” ni Federico B.
Sebastian pahina 81 – 87, Pluma IV Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan,
Ikalawang Edisyon o maaaring gamitin ang ibinigay na link sa pagbasa ng teksto.
http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/

11
Pagkatapos, sagutin mo ang mga sumusunod na gawain upang matiyak ko kung
naunawaan mo ba ang iyong binasa.

Panuto: Paghambingin ang dalawang dulang nabasa ang “Ito Pala ang Inyo” at “Sintahang
Romeo at Juliet” batay sa tsart na nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

Ito Pala ang Inyo Sintahang Romeo at Juliet


(Federico B. Sebastian) Anyo ng Hambingan (William Shakespeare)
Paksa
Katangian ng mga Tauhan
Kalagayan sa Buhay
Pagkakakilanlan sa Kultura
ng Bansa
 Panliligaw
 Pag-aasawa

Mensahe

Panuto: Magbigay ng mga kasabihang maiuugnay sa dulang binasa na Ito Pala ang Inyo.
Ipaliwanag sa pamamagitan ng paglalahad ng iyong damdamin at saloobin.
Isulat sa kwaderno ang sagot.
Kasabihan: ____________________________________________________
____________________________________________________
Paliwanag: ____________________________________________________
____________________________________________________
Kasabihan: ____________________________________________________
____________________________________________________
Paliwanag: ____________________________________________________
____________________________________________________

Masaya ako para sa iyo, sapagkat narating mo na ang huling bahagi ng modyul na
ito. Alam kong kakayanin mo ang pagsagot sa mga tanong ng Pangwakas na Pagsusulit.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito
sa kwaderno.

1. Akdang pampanitikan na inilalarawan ang katauhan ng mga karakter sa


pamamagitan ng kanilang sinasabi at ikinikilos ay tinatawag na ___________.
A. maikling kwento C. nobela
B. dula D. dagli
2. Ang kahulugan ng pamagat na “Ito Pala Ang Inyo” batay sa konteksto ng akdang
binasa ay _________.
A. nakatira sa probinsya C. malayo sa sibilisasyon
B. larawan ng kasalatan sa buhay D. simpleng pamumuhay
3. Inilihim ni Alberto kay Clarita ang tunay na pagkatao sapagkat nais niyang ________.
A. makapag-asawa ng mayaman C. makapanloko ng kapwa
B. may mag-alaga sa apat na anak D. may makasama sa pagtanda

12
4. Ang naramdaman ni Clarita ng malaman niya ang tunay na estado ng buhay ng
kanyang napangasawa ay __________.
A. pagkagulat C. pagkadismaya
B. panghihinayang D. pagkalungkot
5. Marami ang nagpapanggap sa kanilang katipan sapagkat ginagawa naman ito ng
iba. Ang pahayag ay isang _________.
A. katotohanan C. opinyon
B. kongklusyon D. saloobin
6. Ang kasabihang angkop sa sitwasyong kinakaharap nina Clarita at Alberto bilang
mag-asawa ay __________.
A. Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot
B. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat
C. Walang lihim na di nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag
D. Anuman ang iyong gawin, makapitong beses dapat isipin
7. Napapabuti ang buhay ng mag-asawa kung sila ay __________.
A. hindi makasarili C. matapat sa isa’t-isa
B. nag-uunawaan D. walang kalaguyo
8. Bilang kabataang Pilipino, ang kultura na dapat mong pahalagahan sa pag-aasawa
ay __________.
A. mayroong hanapbuhay C. nakapagtapos ng pag-aaral
B. may basbas ng mga magulang D. nasa wastong edad
9. Ang mensahe na nais ipabatid ng akda sa mga naghahangad mag-asawa ay _____.
A. Huwag magpadala sa mga mabulaklak na salita
B. Hindi sa kasuotan makikita ang malinis na hangarin
C. Kilalaning mabuti ang mapapangasawa
D. Magplano bago mag-asawa
10. Ang mahalagang kaisipan na nangingibabaw sa akdang iyong binasa ay_________.
A. ang taong umiibig hahamakin ang lahat masunod lamang ang minamahal
B. itinadhana ang taong nararapat sa iyong pag-ibig kaya maghintay ka
lamang
C. ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa uri ng pamumuhay kung ang
dalawang tao’y nagmamahalan
D. ang tunay na pag-ibig ay ikinalulugod ang katotohanan at katapatan

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Panuto: Batay sa ating aralin, bumuo ka ng sarili mong repleksiyon ayon sa hinihingi sa
Ibaba. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Matapos kong mabasa ang akda

Nalaman ko… Nakadama ako ng…

Nabago ang pananaw ko sa…

13
SANGGUNIAN

Marasigan, Emily V. at Del Rosario, Mary Grace G. “Pinagyamang Pluma 10”. Phoenix
Publishing House, Inc. Quezon City: 2016
Marasigan, Emily V. at Dayag, Alma M. “Pluma IV, Wika at Panitikan para sa Mataas na
Paaralan”. Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City: 2013
Aguilar, Elizabeth C. at Cruz, Estrella E. “Ang Bagong Filipino Ngayon IV” Ikalawang
Edisyon. The Bookmark, Inc. Makati City: 2009
Dillague, Nora M. , Gorrospe, Florentina S. at Marquez Jr., Servillano T. “Dangal,
Panitikang Pilipino”. Binagong Edisyon: 1998
Ambat, Vilma C. , Barcelo, Teresa B. et. al. “Filipino Modyul para sa Mag-aaral 10” Vibal
Group Inc. Unang Edisyon: 2015
https://tl.wikipedia.org/wiki/Etimolohiya
en.m.wiktionary.org/wiki
https://www.scribd.com/doc/34412025/Dula
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-kahulugan-kultura-elemento-uri/
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk00aluLXYQuKxl0ZsQDPC_1foySqcA:1594656292120
&source=univ&tbm=isch&q=panitikan+ng+inglatera&sa=X&ved=2ahUKEwizpNLOzcrqAhXMFogKH
WmCC4YQsAR6BAgMEAE&biw=1366&bih=657#imgrc=g5QM3sOgLvdjHM
http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

,
Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta R. Dantes, Ph. D, PSDS


Lucelma O. Carpio, HT VI
Manunulat: Cynthia Las-ay, MT I
Tagalapat: Evangeline P. De Leon, HT VI

14
SUSI SA PAGWAWASTO

Modyul 2 ESTADO SA LIPUNAN


Damdamin/Saloobin: Kultura ng Pilipinas
Panimulang Pagsubok Pinahahalagahan ng bawat Pilipino ang
1. C pagkakaroon nang maayos na pamumuhay
at sa pag-aasawa hangad niya ang
2. B masaganang buhay, iilan lamang ang
pinaiiral ang emosyon kaya nakapag-asawa
3. D
ng hindi pinaghandaan ang kinabukasan ng
4. A kanyang pamilya.
Damdamin/Saloobin: Kultura ng Inglatera
5. C Kilala ang bansang ito sa pagkakaroon ng
Balik-Tanaw mataas na antas ng pamumuhay mula sa
- Ang sagot ay batay sa nabasang akda kanilang kilos, pananalita at pananamit kaya
ng mag-aaral naman sa aspekto ng pag-aasawa ito ay
Gawain 1- Etimolohiya inihahanay din sa estado ng buhay na
DUCADO mayroon sila.
Etimolohiya: mula sa wikang Espanyol PAGPILI NG MAGULANG SA
Kahulugan: tawag sa salapi o pera na MAPAPANGASAWA NG ANAK
ginagamit pambayad sa mga Damdamin/Saloobin: Kultura ng Pilipinas
bagay na pinamili at Inglatera
Paliwanag: depende sa pag-unawa ng Ang dalawang bansa ay naniniwala sa
mag-aaral Wagas na Pag-ibig kaya hindi maiwasan na
KUMPESOR ang mga magulang ay nangangarap na
Etimolohiya: mula sa wikang Espanyol makapamili ang kanilang anak ng disenteng
Kahulugan: pari na taga-kumpisal makakatuwang sa buhay at hindi maiiwasan
Paliwanag: depende sa pag-unawa ng na bilang magulang ay magbigay ng payo o
mag-aaral suhesyon sa taong pakakasalan ng kanilang
BUTIKARYO anak upang hindi magsisi sa huli. At ang
Etimolohiya: mula sa wikang Espanyol basbas na ipinapataw ng magulang sa
(boticario) napiling mapapangasawa ng kanilang anak
Kahulugan: may ari ng bilihan ng gamot ay pinaniniwalaang simula ng pagkamit ng
nagbebenta ng gamot biyaya ng matamis na pagsasama ng mag-
Paliwanag: depende sa pag-unawa ng asawa kalakip ang sagradong kasal.
mag-aaral Gawain 3
Gawain 2-Kultura ng Pag-aasawa - Ang sagot ay naaayon sa ginawang
RELIHIYON panayam ng mag-aaral.
Damdamin/Saloobin: Kultura ng Pilipinas Pag-alam sa Natutuhan
at Inglatera Paghahambing ng dalawang dulang
Bagama’t nagtataglay ng pagkakaroon ng nabasa “Ito Pala ang Inyo” at “Sintahang
iba’t ibang relihiyon sa dalawang bansa, Romeo at Juliet”
malaki pa rin ang bahagdan ng mga taong Akda: Ito Pala ang Inyo
naniniwala sa Diyos dahil taglay ang pag- PAKSA
uugaling relihiyoso at sa pag-aasawa Tumatalakay ito sa dalawang taong
parehong mapagmahal sa kanilang kabiyak, nagpakasal at naghiwalay dahil natuklasan
ang pangalan ng mga anak ay isinusunod sa ni Clarita ang tunay na kalagayan sa buhay
pangalan ng mga santo ayon sa kanilang ni Alberto na inilihim niya sa kanyang asawa
malalim na pananampalataya sa Amang
Lumikha.

15
Akda: Sintahang Romeo at Juliet Akda: Sintahang Romeo at Juliet
PAKSA PAGKAKAKILANLAN SA KULTURA NG
Tumatalakay ito sa dalawang tao na BANSA
nakadama ng pag-ibig sa isa’t isa sa kabila  PANLILIGAW
ng may alitan ang kanilang pamilya. Romeo – patagong sinuyo si Juliet dahil sa
Lahat ay gagawin huwag lamang silang alitan ng dalawang pamilya
maghiwalay hanggang kamatayan gayunpaman tapat ang pag-ibig
Akda: Ito Pala ang Inyo na idinulog ng binata para sa
KATANGIAN NG MGA TAUHAN kanyang kasintahan
Clarita – makabago, dalaga, nabulag sa Akda: Ito Pala ang Inyo
pag-ibig PAGKAKAKILANLAN SA KULTURA NG
Alberto – biyudo at may apat na anak sa BANSA
unang asawa  PAG-AASAWA
- pinakasalan si Clarita upang - Kinikilatis ang mapapangasawa
makaahon sa kahirapan - Pinaghahandaan ang pag-aasawa bago
Akda: Sintahang Romeo at Juliet magpakasal
KATANGIAN NG MGA TAUHAN - Likas na sa mga Pilipino na sa pag-
Juliet – mayumi, wagas ang pag-ibig sa aasawa mahalaga na mabigyan nang
kasintahan maayos na buhay ang mapapangasawa
Romeo – binata, tapat sa idinudulog na lalo na kung ikaw ang lalaki na
pag-ibig kay Juliet magtataguyod ng pamilya
- hahamakin ang lahat sa ngalan Akda: Sintahang Romeo at Juliet
ng pag-ibig PAGKAKAKILANLAN SA KULTURA NG
Akda: Ito Pala ang Inyo BANSA
KALAGAYAN SA BUHAY  PAG-AASAWA
Clarita – may kaya sa buhay, nakatira sa - Magulang ang pumipili sa
Maynila mapapangasawa ng anak
Alberto – maralita, taga nayon na hindi - Nakikipagkasundo ang magulang sa
naaabot ng sibilisasyon ang magiging kabiyak ng kanilang anak
kanilang lugar Akda: Ito Pala ang Inyo
Akda: Sintahang Romeo at Juliet MENSAHE
KALAGAYAN SA BUHAY - Bago magpakasal kilalaning mabuti ang
Juliet – nahahanay sa maharlikang angkan, mapapangasawa huwag magpadala sa
nakatira sa palasyo mabulaklak na salita na sa huli ay
Romeo - nahahanay sa maharlikang paluluhain lang pala
angkan - Bilang lalaki, maging tapat sa iyong
Akda: Ito Pala ang Inyo maybahay dahil siya ang magiging ina ng
PAGKAKAKILANLAN SA KULTURA NG iyong mga anak
BANSA Akda: Sintahang Romeo at Juliet
 PANLILIGAW MENSAHE
Alberto – sinuyo ang dalaga sa kanilang - Iwasan ang pagiging mapusok sa pag-ibig
tahanan at nagbihis mayaman - Hindi kamatayan ang solusyon upang
upang maitago ang tunay na magsama hanggang sa kabilang buhay
estado sa buhay ang nagmamahalan
- eksperto sa paggamit ng - Pag-usapan nang mahinahon ang
matatamis na salita kaya’t nahulog anumang alitan upang walang magbuwis
ang loob ni Clarita sa binata ng buhay dahil Diyos lamang ang may
karapatang kumitil ng buhay

16
Kasabihang maiuugnay sa dulang Pangwakas na Pagsusulit
“Ito Pala ang Inyo” 1. B
Kasabihan: “Ang pag-aasawa ay hindi
parang kaning isusubo na kapag 2. B
napaso ay iluluwa”
Paliwanag: Ang pag-aasawa ay hindi biro, 3. A
ito ay may kaakibat na malaking
responsibilidad na tutugunan ng 4. C
mag-asawa lalo na sa pagbuo
ng pamilya 5. C
Kasabihan: Ang pagsasama ng tapat,
pagsasama ng maluwat 6. B
Paliwanag: Ang mag-asawa ay hindi dapat
naglilihim sa isa’t isa. Mahalaga 7. C
ang pagkakaroon ng tiwala sa
iyong asawa dahil ang mga 8. B
mabubuting pag-uugaling ito
9. C
ay maipapamana mo sa iyong
mga anak
10. D

17

You might also like