You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 10
Ako sa Daigdig Kong
Ginagalawan

Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Modyul 5

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang angkop na pahayag sa pagbibigay
ng sariling pananaw.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit
nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng


modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling pinag-aaralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa
iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging
batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong maunawaan ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang
may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsubok – dito masusukat ang lawak ng iyong
pagkatuto sa bagong aralin.

2
Aralin Mahalaga ang Iyong
1 Pananaw

INAASAHAN
Magandang araw sa iyo.
Nararamdaman kong higit ang iyong pananabik sa susunod nating aralin. Labis
akong nagagalak sapagkat hindi ka bumibitaw sa iyong kagustuhang matuto, kaya naman
handog ko sa iyo ang mga gawaing lilinang sa iyong kaisipan at kapasyahan.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga


impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig
2. Nagagamit ang angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw

PANIMULANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa kwaderno
ang titik ng tamang sagot.

Ayon sa pinakahuling datos, 870 milyong katao ang undernourished at may 2,200
ang namamatay bawat araw dahil sa kahirapan. Samantala 80 bahagdan naman ng mga tao
sa daigdig ang nabubuhay sa halagang mas mababa sa $10 o tinatayang Php 433 bawat
araw.
Ang ilang datos na ito ay patunay lamang sa malubhang kahirapan at kagutuman sa
daigdig. Ang pagtuklas sa suliraning ito ang pinakaunang layunin ng UN Millenium
Development Goals (MDG). Upang tugunan ang suliranin sa kagutuman, ang humanitarian
agency na World Food Programme ay tumutulong sa halos milyon na tao sa 75 na bansa sa
pamamagitan ng programang Food For Work. Sa programang ito, ang pagkain ang
ibinibigay na kabayaran sa mga manggagawang tumutulong sa pagbuo ng mahalagang
imprastraktura tulad ng irigasyon.
Ang kahirapan at kagutuman sa buong mundo ay masosolusyunan kung patuloy na
magtutulungan ang mga bansa gamit ang epektibong programa.
-https://slideshare.net/NinoMandap/mga-isyuatsuliraningpandaigdig
1. Ang paksa ng binasang talata ay tumatalakay sa _______
A. katamaran B. kahirapan C. kaguluhan D. kalikasan
2. Ayon sa pinakahuling datos, 870 milyong katao ang undernourished at may 2,200
ang namamatay bawat araw dahil sa kahirapan. Ang ginamit na eskpresyong
nagpapahayag ng pananaw ay________
A. ayon sa B. katao
B. bawat D. pinakahuli

3
3. Samantala 80 bahagdan naman ng mga tao sa daigdig ang nabubuhay sa halagang
mas mababa sa $10 o tinatayang Php 433 bawat araw. Ang nais ipahiwatig ng
pahayag na ito ay _______
A. maraming masasamang tao sa bansa
B. kinukurakot ang mga pagkain maging sa ibang bansa
C. marami ang mahirap na tao sa buong mundo
D. mayayaman ang 80 bahagdan ng mga tao sa mundo
4. Ito ang programang inilatag upang makatulong sa pagbawas ng kahirapan at
kagutuman sa buong mundo.
A. pagtatatag ng Millenium Development Goals (MDG)
B. pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga mamamayan
C. paggawa ng irigasyon sa mga manggagawa
D. pagsasakatuparan ng Food For Work Program
5. Ayon sa huling bahagi ang suliraning ito ay maaaring masolusyunan sa
pamamagitan ng __________
A. pagtutulungan at epektibong programa
B. pagkakaisa tungo sa pagkakaunawaan
C. pantay na paglinang sa kalikasan ng bawat bansa
D. pagpuksa sa mga salot ng lipunan at kriminalidad

BALIK-TANAW Talakayin Nating Lahat

Panuto: Makipagpalitan ng kaalaman sa kamag-aral, pamilya at kaibigan mula sa


Nabasa/napanood sa youtube gamit ang link na ito; https://youtu.be/JbyoCO8Kvk.
Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.

Mga Pandaigdigang Suliranin na Hinaharap Natin


Sa palagay ko... Sa tingin ko...

Mahusay! Nagulat ka ba sa mga kasagutan ng iyong kaibigan. Napansin mo rin ba


ang kahusayan niya sa pagbibigay ng pananaw. Ngayon naman handa ka ng pag-aralan
ang mga ekspresiyon sa pagbibigay ng pananaw at pagpapahiwatig ng pagbabago o pag-
iiba ng paksa at/o pananaw.

Simulan mo na.

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALINm


“Mahirap mabuhay sa mundo”, iyan ang kadalasang sinasabi ng mga nakatatanda.
Napakaraming suliranin ang kinakaharap ng mga tao kumbaga, ang suliranin ay bahagi ng

4
pamumuhay natin. Ang babasahing akda ay may kaugnayan sa mga suliraning kadalasan
nating nakakasalamuha at nakikipamuhay sa atin.

Matuto sa Karanasan

Ayon sa matatanda, “papunta ka pa lang pabalik na ako”, walang kasawaang


pahayag na maririnig kahit kanino higit sa mga nakatatanda. Patunay lamang na ang
kanilang naranasan ay hindi nalalayo sa mga nararanasan nating mga kabataan. Sa
paniniwala ko, maaaring may pagkakatulad at hindi, kung bakit ko nasabi sapagkat
ang panahon nila ay iba sa panahon namin ngayon. Kung sa tingin nila ay katulad
nila kami, lubos akong hindi sumasang-ayon sapagkat ang mga kabataan ngayon ay
mulat na rin sa mga kaganapan sa buong mundo.
Nalalaman na rin namin ang matitinding suliraning kinakaharap ng mga bansa
sa buong mundo tulad ng kahirapan, kagutuman, krimen, mabilis na pagdami ng
mga tao, pagkasira ng kalikasan at matinding pag-init ng mundo, pagkahumaling sa
teknolohiya, pandemya at kung ano-ano pa. Pinaniniwalaan ng nakararaming tao na
kaming mga kabataan ay hindi pa handa upang makisangkot sa mga usaping ito, sa
kadahilanang kapos sa kaalaman at karanasan. Ngunit kung inyong susuriin, sa
ganang akin, mas maaga kaming mamulat sa katotohanan, mas matututuhan
naming mag-isip ng mga pamamaraan upang makaiwas sa pagdagdag pa sa
suliranin.
Sa kabilang banda, nauunawaan ko naman ang nais ipahiwatig ng mga
nakatatanda ang karanasan ang nagturo sa kanila upang maging matatag sa
pagharap sa mga suliranin na bahagi na ng kanilang buhay. Samantala, tayong mga
kabataan sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa pagtuklas ng sariling katauhan at unti-
unting pagbuo ng buhay na kahaharapin.
Matapos mong mabasa ang akda batid kong naunawaan mo ang gampanin mo
bilang kabataan. Nalalaman kong handang-handa ka na para sa isang paglalakbay tungo sa
pagpapayaman ng iyong isipan sa pamamagitan ng mga inihandang gawain.
Maligayang pag-aaral!

GAWAIN
Gawain 1 – Itala Mo, Impormasyon Ko!
Panuto: Itala mo ang mahahalagang impormasyon mula sa akdang nabasa . Sundin ang
grapikong presentasyon at isulat sa kwaderno ang sagot.

5
Gawain 2 – Pananaw Ko, Ibabahagi Ko
Panuto: Ang sumusunod na pahayag ay halaw mula sa binasang akda. Ibigay ang iyong
sariling pananaw sa pahayag. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Pahayag Pananaw

Sa aking pananaw,
Ayon sa matatanda, ________________________
papunta ka pa lang pabalik na ________________________
ako. ________________________

Pinaniniwalaan ng Sa palagay ko,


nakararaming tao na kaming ________________________
mga kabataan ay hindi pa ________________________
handa upang makisangkot sa ________________________
mga usaping pandaigdig.

Pinaniniwalaan kong,
Sa kabilang banda, nauunawaan ko ________________________
naman ang nais ipahiwatig ng mga ________________________
nakakatanda ang karanasan ang ________________________
nagturo sa kanila upang maging
matatag sa pagharap sa mga suliranin
na bahagi na ng kanilang buhay.

Gawain 3 – Manood at Magsulat

Panuto: Isa-isahin ang mga bahagi ng binasa/pinanood sa youtube gamitin ang link na ito;
https://youtu.be/U5wx-g2YxRc. Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.

Pres. #Duterte, tututukan ang pangunahing mga isyu sa bansa.

Panimula Katawan Wakas


•Anu-ano ang suliraning •Paano masosolusyunan •Ibigay ang huling
kinakaharap ng bansa? ang mga suliranin ng pangako ng Pangulo
bansa ayon sa Pangulo? bago siya bumaba sa
2022.

6
Binabati kita sa iyong kahusayan at matagumpay na pagsagot sa mga gawain. Narito
ang mga dapat tandaan sa pagsusuri ng isang sanaysay.

TANDAAN
Alam mo ba na may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
1. Mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay,
para, sang-ayon sa/kay, ganoon din, sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
• Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may
sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay ni/ng
• Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa
buhay sa kanilang kinabukasan.
c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
• Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng
kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa
batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko
• Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD
para sa mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa
maraming krimen sa kalsada.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o
pananaw tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang
mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig
lamang ng pangkalahatang pananaw.

Halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
• Sa isang banda,mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan
ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa
gayo’y masuri nila ang kung sino ang karapat-dapat masuri
nila ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang
lungsod.
b. Samantala
• Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasaya kung
paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga
taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang
karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

7
Ngayon, naman gusto kong malaman ang iyong mga natutuhan sa aralin. Handa ka
na ba sa susunod na gawain? Huwag makalilimot na sagutan ang gawain sa iyong
kwaderno.
Simulan mo na.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Balikan ang sanaysay na Matuto sa Karanasan, sipiin ang mga ekspresiyong
nagpapahayag ng pananaw at ekspresiyon sa pagababago ng pananaw. Kopyahin
ang grapikong representasyon sa kwaderno at doon isulat ang sagot.

___ ___ ___ ___


___ Ekspresyon
__ Ekspresyon sa
Pagbabago ng
Pananaw
sa Pananaw

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Punan ng angkop na ekspresiyon sa


pagbibigay ng pananaw sa tulong ng mga salita sa loob ng kahon upang mabuo
ang konsepto nito. Isulat sa kwaderno ang sagot.

ayon sa sa palagay ko
alinsunod sa kabilang banda
sa paniniwala ko samantala

1. ______________United Nations Population Fund lumobo ang populasyon ng daigdig


mula
2.5 Bilyon noong dekada 1950 sa anim na bilyon matapos lamang ang 50 na taon. Kapag
nagpatuloy ang kalakaran na ito, inaasahan ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa 9.3
bilyon sa taong 2050.

2. ______________kapag nagpatuloy ang migrasyon ng mahuhusay na mga manggagawa


ng bansa ay hindi malayong magkaroon tayo ng brain drain na tulad sa ibang bansa.

3. _____________ sa batas ang mahuhuling lalabag sa karapatang pantao ay papatawan


ng
kaparusahang pagmumulta, pagkakabilanggo at kamatayan.

4. _____________tayong mga kabataan ay may magagawa upang mabawasan ang mga


suliraning ng ating bansa, isa na rito ang pagsunod sa batas na itinakda ng pamahalaan.

8
5. _____________ ang pamahalaan pa rin ang may malaking tungkulin upang mabigyang
solusyon ang lumalalang suliranin sa kahirapan ng bansa.

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng sariling pananaw batay sa


napapanahong isyung pandaigdig. Isulat sa kwaderno ang kasagutan.

Isyung pandaigdig #1: __________________________________

Sariling pananaw:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isyung pandaigdig #2: __________________________________

Sariling pananaw:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isyung pandaigdig #3: __________________________________

Sariling pananaw:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Isyung pandaigdig #4: __________________________________

Sariling pananaw:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isyung pandaigdig #5: __________________________________

Sariling pananaw:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Panuto: Humanap ng kapareha, bumuo ng usapan na nagpapahayag ng sariling pananaw


batay sa isa sa mga larawan na may kaugnayan sa isyung pandaigdig. Isulat sa
kwaderno ang sagot gayahin ang komiks iskrip sa ibaba.

9
Sa tingin ko bilang Sa aking paniniwala
kabataan… bilang isang kabataan…

Sa tingin ko... Sang-ayon sa ...

Sa kabilang banda... Batay sa ...

10
Binabati kita! Ang iyong positibong pananaw sa pag-aaral ay magandang katangian
na dapat taglayin ng isang kabataang tulad mo. Kunin muli ang iyong kwaderno at bolpen.
Buong husay mong sagutin ang mga tanong sa pangwakas na pagsubok.

PANGWAKAS NA PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang seleksyong sa loob ng kahon at sagutin ang sumusunod na mga
tanong. Isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

Hangad ng Presidential Communications Operations Office o PCOO


na umagapay sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong may pandemya ng
corona virus disease.
Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, panukala nila sa Department of
Education ang IBC 13 bilang opisyal na istasyon katuwang ang Philippine
Broadcasting Service upang mai-ere ang mga aralin mula Kindergarten
hanggang Grade 12.
Sa pamamagitan ng broadcasting system ay nais magtuloy-tuloy at
mabigyang halaga ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa health crisis
ang bansa. Sa paniniwala ni Andanar, sa edukasyon nakasalalay ang
kinabukasan ng kabataan.
-https://pia.gov.ph/news/articles/1044081

1. Ang binasang seleksyon ay pumapaksa sa______


A. kalusugan B. edukasyon C. kaligtasan D. kalikasan

2. Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, panukala nila sa Department of Education
ang
IBC 13 bilang opisyal na istasyon katuwang ang Philippine Broadcasting Service
upang
mai-ere ang mga aralin mula Kindergarten hanggang Grade 12. Ang ginamit na
eskpresyon na nagpapahayag ng pananaw ay________
A. sa kabilang banda C. ayon kay
B. sa tingin ko D. batay sa

3. Sa paniniwala ni Andanar, sa edukasyon nakasalalay ang kinabukasan ng kabataan.


Ang ekspresyong ginamit sa pagbibigay ng pananaw ay ________
A. sa paniniwala C. sang-ayon sa
B. samantala D. alinsunod sa

4. Ang tinutukoy na malaking tulong sa pag-aaral ng mga kabataan ay ________,


A. pagkakaroon ng online class
B. pag-ere sa IBC 13 ng mga aralin
C. paggamit ng mga modyul
D. pagpaliban muna ng pag-aaral

11
5. Sa edukasyon nakasalalay ang kinabukasan ng kabataan. Ang ibig sabihin ng
pahayag ay __________
A. matutong makinig sa nakatatanda
B. ang kabataan ang gumagawa ng sariling landas
C. matutong magtiis at magtiyaga sa pagtatrabaho
D. ang edukasyon ang susi sa magandang buhay

Malapit na ang panahon ng tag-ulan sa bansa. Pinaniniwalaang, parating


na rin ang mga usong sakit kapag panahon ng tag-ulan sa bansa.
Probelma na naman ang dengue, leptospirosis, diarrhea, ubo at trangkaso.
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO (Pakikipagtalastasan at Pagtutulungan)
Kaya naman ang Department of Health ay naghahanda na upang mabawasan
ang kaso nito. Pinaghahanda na rin ng mga gamot at iba pang mga kailangan
ang mga ospital at municipal center upang malabanan ang mga sakit sa tuwing
tag-ulan.
Sa hirap ng buhay maraming mga tao ang hindi makapagpapagamot sa
mga pribadong ospital. Ayon nga kay Sec. Duque, ibayong pag-iingat upang hindi
magkasakit. Sa aking palagay, ang pamahalaan ay kumikilos na upang
mabawasan ang kaso ng ganitong mga sakit. Sa isang banda, tayong mga
mamamayan ay magkaroon din ng disiplina sa sarili upang maiwasan ang
magkasakit nang malala https://journal com ph/editorial

6. Ang paksa ng binasang talata ay ________


A. sakit sa tag-ulan B. kontra-bulate C. COVID-19 D. DOH

7. Ito ang mga karaniwang sakit tuwing darating ang tag-ulan.


A. cancer/diabetes C. allergy/high blood
B. dengue/leptospirosis D. pag-iingat

8. Ayon nga kay Sec. Duque, ibayong pag-iingat upang hindi magkasakit. Ang salitang
nagpapahayag ng pananaw ay ______
A. Sec. Duque C. ayon kay
B. magkasakit D. pag-iingat

9. Sa isang banda, tayong mga mamamayan ay magkaroon din ng disiplina sa sarili


upang maiwasan ang magkasakit nang malala. Ang nais patunayan ng pahayag
ay_____
A. tayo ay matutong disiplinahin at alagaan ang sarili
B. kumain ng masustansiyang pagkain
C. mag-ehersisyo araw-araw upang lumakas
D. magpakasaya at aliwin ang sarili

10. Sa hirap ng buhay maraming mga tao ang hindi makapagpapagamot sa mga
pribadong ospital. Ang nais ipahiwatig ng pahayag ay ________
A. maraming walang kakayahang magpa-ospital
B. umiwas sa doktor at ospital
C. bawal magkasakit ang walang pera

12
D. mabuhay ng masaya at walang kaaway

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Panuto: Dugtungan ang pahayag sa loob ng bawat kahon. Humingi rin ng pananaw mula sa
iyong kamag-aral/kaibigan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Ang aking natutuhan sa araw na ito ay... Lubusan kung naunawaan na...

Katotohanan Kabutihan Karunungan

Natuto Ako!

Ipinapangako ko na bilang isang


Natutuwa ako dahil sa...
kabataan...

Kayhusay! Palakpakan, batiin ang sarili sa ipinakitang kasipagan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ipagpatuloy ang kawilihan na matuto. Mahusay ang iyong
ginawa.

13
SANGGUNIAN
https://pia.gov.ph/news/articles/1044081
https://journal.com.ph/editorialopinion/korapsyon-ang-sumisira-sa-bansa
www..google.com.ph/search?q=sanaysay&prmd=ivn&sxsrf=AleKk02SfAssPAllTpRpFzgPxg
6ElZNlbw:1591928275625&source
Filipino Modyul para sa mga Mag-aaral Baitang 10
Mga Icon at Graphic Organizer sa Microsoft Office
https://youtu.be/U5wx-g2YxRc.
https://youtu.be/JbyoCO8Kvk.
https://slideshare.net/NinoMandap/mga-isyuatsuliraningpandaigdig

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Donna E. Chua
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Museta Delos Reyes Dantes, PSDS
Tagaguhit: Deanne Coleen A. Bada
Tagalapat: Lucelma O. Carpio, HT VI
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

14
SUSI SA PAGWAWASTO

Pangwakas
na Pagsusulit
Unang Pag-alam sa Natutuhan
Pagsubok 1. B
A. Ekspresyon sa Pagbibigay
2. C
1. B ng Pananaw
3. A
2. A 1. Ayon sa 4. B
3. C
2. Paniniwala ko 5. D
4. D
6. A
5. A 3. Pinaniniwalaan 7. B
4. Sa ganang akin 8. C
9. A
Ekspresyon sa Pagbabago 10. A
ng pananaw
1. Sa kabilang banda
2. Samantala
B. 1. Ayon sa
2. Sa palagay ko
3. Alinsunod sa
4. Sa paniniwala ko
5. Sa kabilang banda

15

You might also like