You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ___________________________Baitang at Seksiyon: ________________


Paaralan: _________________________________Petsa: ________________________

GAWAING PAGKATUTO Blg. 3


Filipino 10
Pagsuri sa Tiyak na Bahagi ng Napakinggang Parabula

I. Panimula

Pagbati muli sa’yo dahil naisakatuparan mong mapag-aralan ang


nakaraang aralin na isang sanaysay mula sa Gresya. Ngayon naman,
matutunghayan mo sa araling ito ang aakay sa’yo patungo sa matuwid na
landas na isang parabula sa Syria na pinamagatang Ang Tusong Katiwala.
Matututunan mo rin dito ang isang parabula sa Pilipinas na may pamagat na
Mensahe ng Butil ng Kape. Ako’y nagtitiwala sa iyong kakayahan at walang
anumang magiging hadlang upang hindi ito maisakatuparan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad


ng katotohanan, kabutihan at kagandahang‐asal.(F10PN-Ib-c-63)

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng Gawaing Pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. makapagbibigay ng kaukulang solusyon sa suliranin ng tauhan;


2. makapagtatala ng mga pangyayaring nabanggit sa akda; at
3. makasusulat ng mga karanasang tulad ng sa carrot,itlog at kape

1
IV.Pagtalakay

Ang Talinghaga ng Tusong Katiwala (Lukas 16:1-15)


16Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may
katiwala. Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga
kayamanan. 2 Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa
iyo? Magbigay-sulit ka ng ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na
maaaring maging katiwala pa.’ 3 Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin
ko ngayong tinanggal na sa akin ang pangangasiwa? Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos. 4 Alam ko na ang
gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin
sa kanilang tahanan.’

5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang


panginoon. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa aking
panginoon?’ 6 At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman
dito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat
mo agad na limampu.’ 7 Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano
ang utang mo?’ At sinabi nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito,
‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at isulat mo na
walumpu.’ 8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan
nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala
ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag.

9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng


sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang
hanggang mga tahanan. 10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang
hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami. 11 Kaya kung hindi kayo
naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo sa
tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng
iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili ninyong kayamanan?

13Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat


kapopootan niya ang isa ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging
tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang isa pa. Hindi kayo maaaring
maglingkod sa Diyos at sa salapi.”14 Ngunit narinig ng mga Fariseong
maibigin sa salapi ang lahat ng iyon kaya siya'y kanilang kinutya. 15 Kaya
sinabi niya sa kanila, “Nagkukunwari kayong matuwid sa harapan ng mga
tao, ngunit alam ng Diyos ang inyong puso. Sapagkat ang pinahahalagahan
ng tao ay kasuklam-suklam sa Diyos.

2
Pamatnubay na Tanong

Bakit mahalaga ang katapatan sa isang tao? Naniniwala ka ba na ang


mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay?

PARABULA

-buhat sa salitang griyego na “parabole” na nangangahulugang pagtabihin


ang dalawang bagay upang magtularin.Gumagamit ito ng mga tayutay upang
bigyang-diin ang kahulugan.Ito rin ay kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kwento na nasasaulat sa Banal na Kasulatan.
Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang parabola ay may
tonong nagmumungkahi at maaring may sangkap ng misteryo.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt,et.al. Texas, USA

V.Mga Gawain

GAWAIN 1: Maging Tapat


PANUTO: Bigyan ng kaukulang solusyon ang suliraning kinakaharap ng
tauhan na binubuo ng 2-3 pahayag o pangungusap. Ipakita sa
magulang/miyembro ng pamilya ang iyong sagot upang maisulat nila
kanilang reaksyon sa iyong naging solusyon.

SITWASYON SOLUSYON REAKSYON

Binigyan ng dalawang Kung ikaw si Ali, ano o


daang piso si Ali ng ano-ano ang iyong
kanyang ina bilang baon gagawin sa suliraning ito?
niya sa loob ng isang
linggo. Ipinagkatiwala ni
Aling Bebang ang perang
iyon sa kanya dahil alam
niyang responsible ang
kanyang anak. Ngunit,
dahil sa kalalaro ng
Kompyuter games, ang
isang linggong baon ni Ali
ay inabot lang ng isang
araw. Dahil sa ayaw ni Ali
na magalit ang kanyang

3
ina, naisipan nitong
humingi ng pambili ng
proyekto sa Filipino kahit
wala naman.
Sa hindi inaasahang
pangyayari, nahuli ni Aling
Bebang si Ali na nasa
Kompyuter shop nang
minsang mapadaan siya sa
paaralan nito. Kung ikaw si
Ali, ano o ano-ano ang
iyong gagawin sa suliraning
ito?

PAMANTAYAN: KATAPATAN AT PAGSUNOD SA PANUTO- 5 PUNTOS

Gawain 2: Ibahagi Mo

Panuto: Basahing mabuti ang parabula pagtapos ay magtala ng mga


pangyayaring may kaugnayan sa mga sumusunod na pahayag na binubuo
ng 3-5 pangungusap lamang.

Bawat kahon ay mamarkahan ng dalawang (5) puntos.

PAHAYAG PANGYAYARI
“Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa
marami”

“Walang aliping makapaglilingkod


sa dalawang Panginoon”

4
VI. Pagsusulit

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng


pagsulat sa patlang ng letra A-H.

Mensahe Ng Butil Ng Kape – Buod Ng Kwento Ng Magsasaka

________1. Sinabi ng kaniyang ama na kung ang pipiliin niya ay butil ng kape,
Ibig sabihin niyaon ay magiging matatag sa pagsubok sa buhay
siya mismo ang makapagpapabago sa pangyayari sa paligid niya.
________2. Ang itlog ay may manipis na balat na naging proteksiyon ng
likidong nasa loob nito. Sa kumukulong tubig ay nagiging matigas.
________3. Nagpakulo ng tubig ang kaniyang ama sa tatlong palayok.
________4. Inalis ng ama ang carrot, itlog at pinalapit ang kaniyang anak sa
mga palayok. May napansin ang anak, lumambot ang carrot ,
naging buo at matigas ang itlog at natunaw ang butil ng kape.
________5. Natunaw ang butil ng kape na nakadagdag ng sangkap sa tubig na
nagpatingkad dito.
________6. Inilagay ng ama sa kumukulong tubig ang carrot sa unang
palayok, sumunod ang itlog sa ikalawa at pagkatapos ang butil ng
kape sa ikatlo.
________7. Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng
kape...” katulad mo mahal na ama.

_______8. Ipinaliwanag ng ama ang carrot na sumisimbolo ng kahinaan na


sana ay matigas at malakas ngunit siya’y malambot.

VII. Pangwakas

Panuto: Sumulat ng mga karanasang naglalaman ng 3-5 pangungusap na


may kaugnayan sa karanasan ng carrot, itlog at butil ng kape. 10 puntos

5
VIII. Sanggunian

Bible Society. 2009. Lucas 16 Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas%2016&versi on=FSV

Kagawaran ng Edukasyon. Unang Edisyon 2015. “Filipino 10: Panitikang Pandaigdig.


Modyul para sa Mag-aaral”. Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc.

Maestro, Valley Rey..2020.”Mensahe ng Butil ng Kape Kuwento ng Magsasaka.”


https://philnews.ph/2020/02/20/mensahe-ng-butil-ng-kape-buod-ng-kwento-ng-magsasaka/

Torres, Christian. 2020 Deped Copy Modyul para sa Mag-aaral


https://www.academia.edu/27265936/DEPED_COPY_Filipino_Modyul_para_sa_Mag-aaral

6
7
Gawain 1: Maging Tapat
Magbabatay sa pamantayan
Gawain 2: Ibahagi Mo
Magbabatay sa pamantayan
VI. Pagsusulit
1. G
2. E
3. A
4. C
5. F
6. B
7. H
8. D
VII. Pangwakas
Magbabatay sa Pamantayan
Susi sa Pagwawasto VII.
X.Grupong Tagapaglinang

Grupong Tagapaglinang ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Jenalyn P. Nabong/Marideth G. Lising


Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente
Tagasuri: Marideth G. Lising
Tagaguhit: Isagani D. Tique
Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino
Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo PhD, CESO V
Leandro C. Canlas PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

You might also like