You are on page 1of 41

9

Modyul sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggawa: Tagapagtaguyod ng
Dignidad ng Tao, Kasangkapan sa
Paglilingkod
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Paggawa: Tagapagtaguyod ng Dignidad ng Tao,
Kasangkapan sa Paglilingkod
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-


aaral ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo
nang may kahusayan ang mga pamantayan kung paanong itinataguyod ng paggawa
ang dignidad ng tao, gayundin upang maging kasangkapan sa paglilingkod. Ang
pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang nilalaman ng Modyul na ito ang aralin na:

Paggawa: Tagapagtaguyod ng Dignidad ng Tao at Kasangkapan sa


Paglilingkod

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng


dignidad ng tao at paglilingkod.

2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o


baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.

Content Standard:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa paggawa bilang tagapagtaguyod


ng dignidad ng tao at paglilingkod.

Performance Standard:

Nakabubuo ang magaaral ng paglalahat tungkol sa kabutihang naidudulot ng


paggawa sa sarili, kapwa/pamilya, at lipunan gamit ang panayam sa mga
manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t
ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyonal.

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang paggawa ay mayroong pansarili at panlipunang aspeto.


_____2. Higit na mahalaga ang mga kagamitan at proseso ng paggawa kaysa sa tao.
_____3. Ang tao ang bukal at rurok ng paggawa.
_____4. Ang obhetibong aspeto ng paggawa ay tumutukoy sa tao.
_____5. Nakakapagod paggawa kaya hindi ito nakatutulong sa tao sa kabuuan.

1
Modyul
Paggawa: Tagapagtaguyod ng
Dignidad ng Tao at
5 Kasangkapan sa Paglilingkod
Work is about more than making a living, as vital as that is.
It’s fundamental to human dignity, to our sense of self-worth as useful,
independent, free people.

William “Bill” J. Clinton

Isa sa kalakasan nating mga Filipino ay ang pagiging masipag1 sa anumang


gawain na iniatang sa atin. Dagdagan pa ng magiging malikhain, ay tiyak na ang
magiging produkto nito ay tunay na maipagmamalaki.

Subalit bakit sa kabila ng kasipagan natin bilang mga Filipino ay patuloy pa rin
ang pagkalugmok natin sa kahirapan? Marahil ay hindi lamang kasipagan ang
kailangan. Higit pa rito ay ang pagkakaroon ng sapat na pagkakataon upang makapag-
hanapbuhay2.

Bilang isang nilalang na may higit na halaga kaysa sa iba pang nilikha, ang
paghahanap-buhay o sa kasong ito, ang paggawa ay isang matinding pangangailangan,
na kadikit ng pangunahing karapatan na mabuhay.

Halina at samahan mo akong alamin ang halaga ng paggawa bilang paghahanda


sa mundo ng paggawa na malapit-lapit mo na ring marating!

Balikan

Handa ka na ba?

Sa ikaapat modyul, nahinuha mo ang mga elemento ng isang batas, isang batas
na makatarungan na dapat at kailangang sundin upang makamit ang kabutihang
panlahat. Subukan mo ngayon itong balikan sa pamamagitan ng paglista nang bawat
elemento ng makatarungang batas sa mga bilog na kulay asul. Sa ilalim nito, itala ang
mga layunin ng batas o kung bakit siya binuo at ipinasa. Gawin ito sa iyong kwaderno
o notebook.
________________

________________

________________

1
https://ourhappyschool.com/esp-values-education/moral-recovery-program-building-people-building-nation-
patricia-licuanan
2
https://www.adb.org/publications/poverty-philippines-causes-constraints-and-opportunities

2
Tuklasin

Sa ikatlong modyul, ating nabanggit na ang COVID-19 ay hindi na lamang


usaping pangkalusugan kundi pangkapaaypaan na rin. Sa pagdaan ng maraming araw,
unti-unti nating nakikita na ito na rin ay nagiging isyung pang-ekonomiya na maraming
tao.

Unang Gawain

Gamit ang link sa ibaba, basahin at pag-aralan ang mga datos.

https://psa.gov.ph/content/employment-situation-july-2020

https://tradingeconomics.com/philippines/unemployment-rate

Ikalawang Gawain

Pakinggan ang unawaing mabuti ang awiting isinulat ng Gloc-9 na pinamagatang


Upuan.

https://www.youtube.com/watch?v=yvWVfYwpMD0

Kayo po na nakaupo [Verse 2: Gloc-9]


Subukan niyo namang tumayo Mawalang-galang na po
At baka matanaw, at baka matanaw na niyo Sa taong nakaupo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay 'di
Ang tunay na kalagayan ko
puno
(Ganito kasi yan, eh) Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-
tagping yero
[Verse 1: Gloc-9] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Na 'di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Malaking bahay at malawak na bakuran Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Mataas na pader, pinapaligiran Gamit lang panggatong na inanod lamang sa
At nakapilang mga mamahaling sasakyan estero
Mga bantay na laging bulong nang bulong Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking ina'y na may kayamanang isang
Wala namang kasal pero marami ang
kaldero
nakabarong Na nagagamit lang pag ang aking ama ay
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang sumweldo
bubong Pero kulang na kulang parin
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang Ulam na tuyo't asin
tutong Ang singkwenta pesos sa maghapo'y
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa pagkakasyahin
kahon 'Di ko alam kung talagang maraming harang
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
hamon
Kahit sa dami ng pera niyo
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata
ganyan niyo
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Kaya
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan [Bridge: Jeazelle]
Kaya naman hindi niya pinakakawalan Wag kang masyadong halata
Kung makikita ko lamang siya ay aking Bato-bato sa langit
sisigawan Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
[Hook: Jeazell Grutas] Wag masyadong halata (ooh)
Kayo po na nakaupo Wag kang masyadong halata
Subukan niyo namang tumayo (Wag kang masyadong halata)
At baka matanaw, at baka matanaw na niyo (Wag kang masyadong halata)
Ang tunay na kalagayan ko

3
Pamprosesong Tanong
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Paano nakaapekto ang pandemya sa mga manggagawang Pilipino? Pangatwiranan.

2. Ano ang maaaring epekto ng kawalan nang pagkakabuhayan mga manggagawa sa


kanilang buhay gayundin sa kanilang pagpapahalaga sa sarili?

3. Bilang mag-aaral sa ika-9 na baitang, paano ka makatutulong sa sitwasyong


kinahaharap ng maraming manggagawa ngayon?

Suriin

“Quick COVID death or slow starvation”3

Ang pagdedeklara ng pamahalaan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)


sa unang mga buwan ng paglaganap ng COVID-19 ay nagdulot nang malaking
kahirapan sa maraming tao, gayundin sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Pangunahing
epekto nito ay ang limitadong pagkilos ng mga tao. Dahil sa polisiyang ito, apektado
ang lahat, mula sa mga may-ari ng kumpanya, hanggang sa kanilang mga empleyado
at sa dulo, sa mga konsyumer na nangangailangan ng kanilang mga serbisyo. Maraming
kumpanya ang nagsara dulot ng halos wala o kaunti lamang ang kanilang kinikita.
Bunga ng pagsasarang ito, marami rin ang nawalan ng trabaho. Walang trabaho,
walang sweldo. Walang sweldo, walang pantustos sa mga pangangailangan ng sarili at
pamilya. Ang isang isyung pang-kalusugan naging isyu na rin ng ekonomiya. Ikaw na
ang mamili, quick COVID death or slow starvation. Alin sa dalawa?

Subalit bilang naghahanda sa pagpasok sa mundo ng paggawa, mahalagang


maunawaan natin ng lubos ang mga aspeto nito.

Ang paggawa, sa obhetibong pang-unawa ay ang kabuuan ng mga gawain, gamit,


kasangkapan at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makabuo ng bagay. Sa ganitong
pananaw, nakasalalay ang halaga ng paggawa sa paraan at uri ng mga gawain, gamit,
kasangkapan at teknolohiyang ginamit upang mabuo ang isang bagay4. Ang halaga ng
isang paggawa ay maaari mag-iba depende sa kung anong pananaw ang tinitingnan.
Halimbawa, kadalasan ay mas nanaisin nating bumili nang mga gamit o pagkain na
imported brands, sa paniniwalang ito ay mas maganda, masarap o matibay dahil ito ay

3
https://www.philstar.com/opinion/2020/04/19/2008199/quick-covid-death-or-slow-starvation
4
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.171

4
nagmula sa ibang bansa. Higit nating nakikita ang ano, saan at paano ng isang
produkto kaysa sa sino nito.

Sa kabilang banda, ang paggawa, sa subhetibong pagtingin ay tumutukoy sa


anumang gawain ng TAO bilang buhay na nilalang, na may kakayahang isakatuparan
ang iba’t ibang kilos bilang bahagi ng kaparaanan niya upang makamit ang pansariling
bokasyon: ang pamahalaan ang buong sanilikha5, sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa
larawan at wangis ng Diyos6, ibig sabihin, mayroong kakayahang kumilos sa maayos at
makatwirang pamamaraan, mayroong kakayahang magpasya para sa sarili ayon sa
mabuti at mayroong pagkiling tungo sa kaganapan ng pagkatao. Ang tao ang subheto
ng paggawa7.

Konkretong naipakikita ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong sahod sa


mga maggagawa, ganun din ang pagkakaroon ng iba’t ibang benepisyo katulad ng
maternity leave, sick leave, hazard pays at bonuses bilang pagkilala sa kanilang matapat
na paggawa. Ang sahod ang siyang nagpapakita na ang paggawa ng tao ay mayroong
mahalaga at nangangailangan ito ng katumbas na halaga, ayon na rin sa dikta ng
katarungan.

Ang tao ang bukal at rurok ng anumang paggawa8. Sinasabi lamang nito na hindi
matatawaran ang papel ng tao sa paggawa sapagkat kadikit niya ang katotohanan na
siya ay isang ka-manlilikha-kasama o katuwang ng Diyos sa patuloy na paglikha at
pamamahala sa mundo. Sa pamamagitan ng matalino at mapanagutang paggawa,
patuloy na itinataguyod nang tao ang kaniyang dignidad. Ipinakikita niyang siya ay
mabuting katiwala, na ginagamit sa tama at mabuti ang lahat ng biyaya ng mundo9.

Ang paggawa ay maituturing din bilang isang pananagutan, isang tungkulin sa


kaniyang sarili. Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng paggawa napananatili at
nahuhubog niya ang kaniyang pagkatao10. Ang patuloy na pagpapabuti sa lahat ng
aspeto ng ating pagkatao ay patunay na tayo bilang mga tao ay nararapat lamang sa
halagang ibinigay sa atin bilang una at tagapamahala ng sanilikha. Kaya nga, ang iyong
pag-aaral ng mabuti ay hindi isang utang na loob ng mga magulang mo sa iyo, kundi
obligasyon at tungkulin mo sa iyong sarili. Sa oras na piliin mong huwag mag-aral dahil
sa mga nararanasan mong kakulangan, ikaw mismo ang siyang tumatalikod sa iyong

5
Genesis 1:28
6
Genesis 1:26
7
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.171
8
Ibid, p.172
9
Mateo 25:14-30
10
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.173

5
likas na bokasyon-ang makamit moa ng iyong kaganapan bilang tao upang maging
tapat at mapanagutang tagapamahala.

Kaagapay ng pansariling kapakinabangan ng paggawa ay ang pagkakaroon nito


ng panlipunang katangian. Ito ay sapagkat sa simula pa lamang ng proseso sa paggawa
hanggang sa pagkamit ng bunga nito ay maraming pagkakataon na para sa palitan,
ugnayan at pagtatagpo11 ng kapwa tao. Ang guro ay para sa mga naghahanap ng
kaalaman; ang duktor para sa mga nangangailangan ng maayos na pangangatawan;
sundalo at pulis para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan; ang mga ama at
ina para sa pangangalaga at pagtuturo ng kabutihang-asal ng mga anak-ang lahat ng
ito ang nagpapakita malaking pagkakataon na ibinibigay ng paggawa para sa palitan,
ugnayan at pagtatapo ng bawat tao. Kaya nga marapat lamang na sabihin na ang
paggawa ay pagpapakita rin ng paglilingkod sa kapwa lalo na kung ito ay ginawa na
isinaalang-alang ang kabutihan ng kapwa at ng may pagmamahal.

Pagyamanin

Gamit ang mga link sa ibaba, pagyamamin mo pa ang iyong kaalaman sa pang-
unawa kung paanong ang paggawa sa ating bansa ay kinikilala, pinahahalagahan at
iniingatan sa pamamagitan ng mga batas at polisiya na ipinatutupad. Isulat mo sa iyong
kwaderno o notebook ang pamagat ng batas at polisiya at layunin ng bawat isa.

https://iclg.com/practice-areas/employment-and-labour-laws-and-
regulations/philippines

https://www.lexology.com/library/detail.aspx?g=2d55bee2-23a3-4325-9270-
d3cfb8e3ff15

11
ibid

6
Isaisip

Ngayong pandemya higit na naging matingkad ang kahalagahan iba’t ibang uri
ng paggawa sa pamumuhay ng mga tao. Dahil nga iilan pa lamang din ang
pinapayagang magsimula muli ng operasyon. Sa pagkakataong ito, subukan mong
suriin kung paanong ang ginagawa ng mga frontliners ay nagtataguyod ng dignidad ng
tao at paglilingkod. Sundan ang table sa ibaba. Gawin ito sa iyong kwaderno o notebook

Konkretong paraan na
nagpapakita ng Konkretong paraan na
Mga Frontliners pagtataguyod ng kanilang nagpapakita paglilingkod
dignidad gayundin ng sa kapwa at bayan
kanilang kapwa
Duktor
Nars
Pulis
Sundalo
Kapitan ng Barangay
Tanod
Dyanitor
Delivery Services
Service Crews
Drayber

Isagawa

Gamit ang iyong My Day, gumawa ka ng slogan na nagpapakita nang kaugnayan


ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at kasangkapan sa paglilingkod.

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang obhetibong aspeto ng paggawa ay tumutukoy sa kabuuan ng mga gawain,


gamit, kasangkapan at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makabuo ng bagay
_____2. Ang paggawa ay isang tungkulin para lamang sa kapwa.
_____3. Walang pagkakataon para sa palitan, ugnayan at pagtatagpo ng kapwa tao sa
paggawa.
_____4. Itinuturing na ka-manlilikha ang tao
_____5. Hindi nakatutulong sa paghubog ng pagkatao ang paggawa.

8
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Paggawa: Tagapagtaguyod ng
Dignidad ng Tao, Kasangkapan sa
Paglilingkod
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Paggawa: Tagapagtaguyod ng Dignidad ng Tao,
Kasangkapan sa Paglilingkod
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-


aaral ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo
nang may kahusayan ang mga pamantayan kung paanong itinataguyod ng paggawa
ang dignidad ng tao, gayundin upang maging kasangkapan sa paglilingkod. Ang
pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang nilalaman ng Modyul na ito ang aralin na:

Paggawa: Tagapagtaguyod ng Dignidad ng Tao at Kasangkapan sa


Paglilingkod

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao


ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng
kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang
kaganapan ng kanyang pagkatao.

2. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit


ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyonal.

Content Standard:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa paggawa bilang tagapagtaguyod


ng dignidad ng tao at paglilingkod.

Performance Standard:

Nakabubuo ang magaaral ng paglalahat tungkol sa kabutihang naidudulot ng


paggawa sa sarili, kapwa/pamilya, at lipunan gamit ang panayam sa mga
manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t
ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyonal.

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Hindi lamang sa makikita sa uri o presyo ng produkto nakikita ang halaga ng
paggawa.
_____2. Walang kaugnayan ang pagkakaroon ng malinaw na pagka-unawa sa sariling
dignidad at paglilingkod sa kapwa.
_____3. Naipakikita ang dignidad ng tao sa kakayahang kumilos nito sa maayos at
makatwirang pamamaraan

1
_____4. Ang paggawa ay walang naituturong mabuting pagpapahalaga sa tao.
_____5. Hindi lamang para sa pansariling kabutihan ang paggawa.

Modyul
Paggawa: Tagapagtaguyod ng
Dignidad ng Tao at
6 Kasangkapan sa Paglilingkod

Choose a job you love and you will never have to work a day in your life.

Confucius

Hindi maikakaila na tayong mga Filipino ay isa sa pinakamahuhusay na


manggagawa sa buong mundo. Kaya nga simula 1960’s, maituturing na ang mga
manggagawang Filipino ang pinakamagaling na export ng bansa1. Isang pagpupugay
marahil sa ating mga pamilya na siyang pinag-ugatan ng mga pangunahing
pagpapahalaga at siya rin namang ginagawang layunin ng bawat Filipinong
manggagawa upang pagbutihin ang kaniyang komitment sa paggawa.

Subalit alam mo bang hindi lamang ang ating sarili at ang mga pamilya ang
nakikinabang sa mahusay at mabuting paggawa?

Halina’t ating tuklasin ang samas malawig na epekto ng paggawa!

Balikan

Handa ka na ba?

Sa ikalimang modyul, naipaliwanag mo ang kahalagahan ng paggawa bilang


tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod. Gayundin naman, nagkaroon ka ng
pagkakataon upang makapagsuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya,
paaralan o baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
Sa pagkakataong ito, iyong balikan ang mga konseptong iyong natutunan sa pagsulat
ng mga ito sa loob ng hexagonal radial.

1
https://ofwupdate.com/reasons-foreign-employer-prefer-filipino-workers/

2
Ang
Paggawa
ay...

Tuklasin

Sa nakaraang modyul, ating tinalakay na ang paggawa ay parehong mayroong


pansarili at panlipunang aspeto. Sa paggawa, natutugunan ng tao ang kaniyang
pansariling pangangailangan upang patuloy niyang maitaguyod ang kaniyang dignidad.
Sa kabilang banda, ang paggawa rin ay isang epektibong paraan ng paglilingkod sa
kapwa kung ito ay ginagawa ng may komitment at pagmamahal. Kaya nga ang paggawa
ay isa ring matibay na daan sa paghubog nang mga mabubuting pagpapahalaga at pag-
aangat ng antas kultural at moral ng isang bansa.

Unang Gawain

Gamit ang link sa ibaba, basahin at pag-aralan ito.

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Matthew%2014:13-21&version=NRSV

Ikalawang Gawain

Gamit ang link sa ibaba, panoorin ang pagbabahagi ng mga karanasan ng mga
frontliners sa paglaban sa pandemiya.

https://www.youtube.com/watch?v=HLYSlKY6Ww4

Pamprosesong Tanong
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Sa unang gawain, ano ang kinailangan ni Jesus upang masimulan ang kaniyang
paggawa?

3
2. Sa ikalawang gawain, ano ang dahilan kung bakit sa kabila ng hirap at
diskriminasyon ay patuloy pa rin ang pagtupad ng mga frontliners sa kanilang
tungkulin?

3. Nakatutulong ba ang paggawa sa patuloy na pag-aangat ng antas kultural at moral


ng lipunan at sa huli ay makamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao?
Pangatwiranan.

Suriin

“It is not how much we do, but how much love we put in doing.
It is not how much we give, but how much love we put in the giving.”

Mother Teresa

Ang halaga ng paggawa ay hindi lamang makikita sa uri o presyo ng produkto.


Higit sa lahat, ang halaga nito ay makikita sa kung paanong patuloy na itinataguyod at
pinagtitibay nang paggawa ang dignidad ng tao (bilang mga nilikhang ayon sa larawan
at wangis ng Diyos)2 sa kabila ng pagsubok at kakulangang kinakaharap sa paggawa.
Ang manggagawang namumuhay ng ayon sa kaniyang dignidad ay yaong mayroong
kakayahang kumilos sa maayos at makatwirang pamamaraan, mayroong kakayahang
magpasya para sa sarili ayon sa mabuti at mayroong pagkiling tungo sa kaganapan ng
pagkatao3.

Sa nakaraang modyul, ating binanggit na ang tao ay ka-manlilikha, ibig sabihin


ang tao ay kasama o katuwang ng Diyos sa patuloy na paglikha at pamamahala sa
mundo. Sa binasa mong kwento sa unang gawain, ipinakita nang mga tagasunod ni
Jesus na handa silang makiisa at magbigay nang kung ano ang mayroon sila (maliit
man o malaki) upang maisagawa ang himala. Sa ikalawang gawain, nasaksihan mo ang
kahandaan ng mga frontliners upang maglingkod sa kabila ng nararanasan nilang
diskriminasyon at takot sa virus.

Sa dalawang pagkakataong ito, ipinakikita na ang paggawa, una sa lahat, ay


naghuhulma sa tao ng mabubuting pagpapahalaga, na sa kalaunan ay magiging
mabuting-asal o birtud na siyang tutulong sa kaniya upang makamit ang kaganapan
ng buhay ng bawat tao4. Ang pagbabahagi nang kung ano ang mayroon ang isang tao,
ang pagtitiwala, pagsunod, pagtitiyaga, tibay ng loob at pagsa-sakripisyo ay ilan lamang
sa mga pagpapahalaga at kabutihang-asal na ipinakita sa mga kwentong iyong binasa
at napanood. Ang tao ay hindi nilikhang nag-iisa, kaya nga ang tanging paraan upang

2
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.173
3
Ibid, p.171
4
Ibid, p.19

4
patuloy niyang maitaguyod ang kaniyang dignidad ay magaganap lamang sa konteksto
ng pakikipag-interaksiyon sa lipunang ginagalawan at sa konkretong pamamaraan, sa
pamamagitan ng paggawa.

Hindi lamang ang paggawa ay nakatutulong sa paghubog ng pansariling


mabubuting pagpapahalaga subalit kusa itong lumalawak hanggang sa mapanibago at
maiangat nito ang kultura at moralidad ng lipunan. Nagaganap ito kung ang bawat
manggagawa ay handang magtalaga nang kanilang sarili tungo sa kabutihan at
kahusayan sa tuloy-tuloy na panahon sa pamamagitan ng paglilingkod. Ating balikan
ang mga pangyayari sa iyong binasa at napanood. Ang pagbibigay nang limang tinapay
at dalawang isda ay hindi na lamang bunga ng pansariling kabutihan. Higit pa rito ay
ang udyok ng kanilang paniniwala kay Jesus-dahil sila ay mga tagasunod ni Jesus, mga
naniniwala sa kaniyang mga itinuturo, kaya nila ginawa ang pagbabahagi ng pagkain.
Sa kabilang banda, bago pa man dumating ang pandemiya, ay maituturing na rin na
overwork at underpay ang mga nurses at iba pang nasa health services. Hindi baleng
maliit ang sweldo, ang mahalaga ay mayroong trabaho. Subalit ngayong tayo ay nasa
sitwasyong ito, hindi nila alintana ang mababang sweldo at mabigat na trabaho. Ang
mahalaga sa kanila ay nakatutulong sila sa pagliligtas nang buhay ng ating mga
kababayan. Kung tutuusin, maaari naman silang mag-resign na lamang upang
maingatan ang kanilang sarili para sa pamilyang umaasa sa kanila. Ang trabaho ay
maaaring palitan samantalang ang buhay na nawala, kailanman ay hindi na
maibabalik.

Sa mga sitwasyong ito, ating mapagtatanto na ang pagkakaroon ng malinaw na


pagkilala sa ating dignidad bilang tao at manggagawa ay mayroong kakayahang mag-
udyok sa atin upang tayo ay magbahagi ng ating mga sarili sa paglilingkod sa ating
kapwa. Hindi na lamang para sa pansariling kabutihan ang paggawa. Higit pa rito ay
ay ang pagkakamit para sa kabutihang panlahat. Ang ilang mga pakakataon na
makapagpakita ng kabutihan ay magsisilbing butil upang ang ibang mga tao ay makiisa
rin sa paggawa ng kabutihan. Sa ganitong paraan, unti-unti nating napapanibago at
naiingat ang antas ng kultura at moralidad ng lipunan. Act of Random Kindness, ika
nga.

5
Pagyamanin

Gamit ang mga link sa ibaba, pagyamamin mo pa ang iyong kaalaman kung
paano naipamamalas ng ating mga kababayan ang mga mabubuting pagpapahalaga na
makatutulong upang patuloy na maiangat ang antas kultural at moral ng ating lipunan
at upang makamit ang kaganapan ng pagkatao, sa pamamagitan ng paglilingkod.

https://news.abs-cbn.com/sports/12/09/19/indonesian-president-thanks-sea-games-surfing-hero-
roger-casogay

https://www.youtube.com/watch?v=XTHvQnDmf5I

Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na guide


questions. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1.Mayroon bang pinipiling oras, estado o kalagayan sa buhay ang paglilingkod sa


kapwa? Pangatwiranan.

2. Ano-anong mabubuting pagpapahalaga ang ipinakita nang ating mga kababayan


batay sa iyong binasa at napanood?

Isaisip

Ikaw bilang isang anak, kapatid, mag-aaral at kaibigan, anong mga gawain ang
maaari mong isakatuparan na magtataguyod ng iyong dignidad habang
nakapaglilingkod ka rin sa iyong kapwa?

Buuin ang chart sa iyong kwaderno o notebook.

Araw ng Pagsasagawa Araw ng Pagsasagawa


Lagyan ng tsek kung Lagyan ng tsek kung
naisakatuparan naisakatuparan

Mga L M Mi H B S Li Puna Mga L M Mi H B S Li Puna


konkretong konkretong
gawaing na gawain ng
magtataguyod paglilingkod
nang aking
dignidad

6
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.

Isagawa

Kapayanamin (interview) ang mga miyembro ng iyong pamilya (o malapit na


kapitbahay) na nagtatrabaho na. Bumuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot
ng paggawa sa kanilang sarili, pamilya at pamayanan/lipunan. Gawin ito sa iyong
kwaderno o notebook.

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang paggawa ay para sa pansariling kabutihan lamang.


_____2. Malaki ang naituturong mabuting pagpapahalaga sa tao ng paggawa.
_____3. Hindi naipakikita ang dignidad ng tao sa kakayahang kumilos nito sa maayos
at makatwirang pamamaraan
_____4. Mayroong kaugnayan ang pagkakaroon ng malinaw na pagka-unawa sa sariling
dignidad at paglilingkod sa kapwa.
_____5. Nakikita sa uri o presyo ng produkto ang halaga ng paggawa.

8
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Paggawa: Tagapagtaguyod ng
Pakikilahok at Bolunterismo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pakikilahok at Bolunterismo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias at Neil Vincent C. Sandoval

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Nanunungkulang Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagapag-ugnay, EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-


aaral ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan
mo nang may kahusayan ang Pakikilahok sa Pag-unlad ng Mamamaya at
Lipunan. Ang aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang pamantayan
ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:

• Pakikilahok at Bolunterismo sa Pag-unlad ng Mamamayan at Lipunan

Matapos ang mga aralin na ito, inaasahan na:

1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sap ag-unlad ng


mamamayan at lipunan (EsP9TT-IIg-8.1)

2. Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi


ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo (EsP9TT-IIg-8.2)

Subukin

Panuto: Suriing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng pinakawastong
sagot sa patlang.
_____1. Ano ang tawag sa pakikiisa ng isang indibiduwal sa lipunang kanyang
kinabibilangan?
a. pakiramdam
b. pakikilahok
c. pangkatauhan
d. pakikipamuhay
_____2. Alin ang HINDI pakikilahok na gawain noong panahon ng ECQ?
a. pagdalo sa mass gatherings
b. pagsusuot ng face mask
c. pagsusuot ng face shiled
d. paghuhugas ng wasto ng kamay
_____3. Paano maisasabuhay ang responsableng pakikilahok ng mamamayan
ng bansa lalong – lalo na kung sila ay nasa wastong edad na?
a. pakikisalamuha sa kaibigan
b. pakikipag-ugnayan sa pamilya
c. pagpili o pagboto sa responsableng lider
d. pag-engganyo sa kaibigang tumawid sa tamang tawiran
_____4. Aling kategorya ng pakikilahok ang may kolektibong gawain tulad ng
samahang pangsimbahan/religious group?
a. Indibidwal na Pakikilahok

1
b. Panlipunang Pakikilahok
c. Pampublikong Pakikilahok
d. Pangkalahatang Pakikilahok
_____5. Alin ang halimbawa ng Indibidwal na Pakikilahok?
a. pagdalo sa misa
b. pagtatalaga ng lider ng bansa
c. pakikiisa sa samahang pangkabataan
d. Pagtangkilik ng mga produktong pinoy

Aralin Pakikilahok at
1 Bolunterismo

“Kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan”


Marahil narinig mo na ang katagang nabanggit. Maging ikaw sa sarili mo
ay masasabi mong may pangyayaring naisabuhay mo na ito. Maari mong
ibahagi ang karanasang ito ay nagawa mon a.
Ang bawat isa ay makapagpapatunay na kapag tayo ay may ginusto na
makakapagpapasaya sa ating sarili, pamilya at kaibigan ay agad nating
ginagawa ang mga bagay na alam nating makapagpapaligaya sa mga taong
mahalaga sa atin.
Naaalala mo ba ang mga panahong sumali ka sa programa ng inyong
paaralan? Panahong sumali ka sa beauty contest, sports, pagkanta at pagsayaw.
Ano ang naging damdamin mo pagkatapos ng ginawa mong pakikilahok o
pakikiisa sa programa? Iba’t ibang dahilan at iba’t ibang damdamin. Ngayong
nasa Baitang Siyam ka na, bilang isang indibidwal ay mauunawaan mo ang
kahalagahan ng Pakikilahok at Bolunterismo.

Balikan

Handa ka na ba?

Balikang tanaw at suriin ang mga naging matunog na pangalan at


pangyayari noong nagdaang Enhanced Community Quarantine. Ibigay ang iyong
reaksyon hinggil dito.

1. Ano – ano ang masasabi ninyo sa


kanyang mayaman challenge?
______________________________________

______________________________________

______________________________________

______________________________________

2
https://www.youtube.com/watch?v=JaTm8ommAgs

2. Bakit sa palagay ninyo naging


viral ang kanyang pahayag?
__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc

Pamprosesong Tanong
1. Sa naging mayaman challenge ni Francis Leo Marcos, sa iyong palagay ito

ba ay naging matagumpay?. Ipaliwanag ang iyong sagot.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Batay sa ginawang kilos ni Francis Leo Marcos, ito ba ay gawain ng


pakikilahok o bolunterismo?. Ipaliwanag ang sagot.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano ang nais ipahiwatig ng viral statement ni Kim Chiu sa bawal lumabas?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ang naging pahayag ni Kim Chiu na bawal lumabas ay gawaing pakikilahok
o bolunterismo?. Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tuklasin

Lahat ay nakaranas ng lupit at hagupit ng pandemyang COVID – 19


ngayong taon. Walang sinuman ang hindi natakot at naging maingat sa sariling
kalusugan at ng pamilya.
Matatandaang isinailalaim sa “community quarantine” ang Metro Manila mula
Marso 15 hanggang Abril 14. Batay sa anunsyo ng ating pangulong Rorigo Roa
Duterte ay hindi muna papayagang bumiyahe ang lahat ng uri ng
transportasyon papasok at palabas ng Metro Manila. Kasabay ng anunsyong ito
ay sinuspinde ang trabaho sa lahat ng opisina maliban sa mga health at
emergency workers. Gayundin naman ang ginawang pagsuspinde sa klase sa
lahat ng antas.

3
Ipinagbawal rin ang tinatawag na “mass gatherings” upang palawigin ang
pagbaba at pagkalat ng tinatayang severe acute respiratory syndrome
coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ang virus na nagdudulot ng sakit na COVID – 19.
Maalalang ang sakit na ito ay unang iniulat sa Wuhan, China na umabot sa higit
110,000 tao ang nahawahan ng sakit. Ito ang naging dahilan upang magdeklara
ang World Health Organization ng global pandemic.
https://news.abs-cbn.com/news/03/12/20/metro-manila-isinailalim-sa-community quarantine-biyahe-nilimatahan

Dahil sa pangyayaring ito ay maraming mamamayan ang gumawa ng blog, vlog


at twitter post nila sa pagpapaalala na manatili sa kani – kanilang tahanan
upang sa kaligtasan ng bawat isa. Subalit, hindi rin maikakaila na marami pa
rin ang hindi marunong sumunod at makiisa sa programa ng gobyerno hinggil
sa pagbaba ng nasabing pandemya.

Suriin
“Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop
na makakasama at makakatulong”
-Genesis: 2:18-
Naniniwala ka ba sa katagang iyan? Kung hindi, marahil kailangan mong
pagnilayang muli ang panahong ikaw ay naging sanggol. Hindi ka isinilang na
pinakain mo na agad ang iyong sarili. Bakit sa palagay mo kailangang bigyan na
angkop na makakasama at makakatulong ang tao?

Binanggit ang salitang “angkop na makakasama at makakatulong” sapagkat ang


tao ang bukod tanging tugma at wasto na kasama ng kanyang kapwa.

Maraming dalubhasa ang sumubok na pag-aralan ang tao. Marahil sila ay


narinig o nabasa mo na:

Siya ay kinilala bilang ama ng “Ebolusyon ng tao”. Marahil

sa inyong Araling Panlipunan ay tinalakay ng bahagya ang

kanyang Teorya. Gayundin naman sa asignaturang Agham.

Naging kontrobersyal ang kanyang teorya sa pagsalungat

niya sa pahayag ng Bibliya. Sa kanyang akda na “Origin of the


Species” o uri ng nabubuhay na organismo sa daigdig ay hindi bunga ng isang
paglikha subalit ito ay nagmula sa napakahabang proseso ng ebolusyon. Ngunit,
sa kabilang banda hindi maipagkakailang siya bilang tao, ay nakapamuhay sa
ibat – ibang lipunan kung kaya’t naisagawa niya ang kanyang pag-aaral at
nailahad ang kanyang obserbasyon at karanasan.

www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0167268109000547#:~:text=In%20the%20Origin%20of%20Species,a
long%20with%20all%20other%20organisms.

“Man is a social animal. He who lives without society


4
Is either a beast or God’. Ang tao ay hindi maaaring

mabuhay na mag-isa sapagkat kinakailangan niya

makapamuhay kasama ng kanyang kapwa na

kabilang sa lipunan.

Sa inyong palagay, ano ang kahalagahan nila sa ating aralin?. Binibigyang


batayan lamang nito na ang tao ay isang komplikadong pag-aaral. Ikaw, bilang
tao sa ngayon, paano mo naunawaan ang kanilang naging pagsusuri sa tao?.
Magsalaysay ng sariling kaalaman o karanasan na ikaw bilang tao ay hindi
maaring mabuhay ng nag-iisa. Na ikaw, ako o tayo sa ayaw at sa gusto natin ay
nabubuhay tayo na may kasamang tao, na tayo ay kabilang sa mundo na kung
saan ay apektado tayo ng kilos ng bawat kapwa natin. Isa na nga rito ang
pangyayaring nararanasan natin sa kasalukuyan ang COVID – 19.

Dahil dito, mahalaga ang pakikilahok ng bawat isa. Ano nga ba ang pakikilahok?
Ang konteksto at kahulugan ng salitang “pakikilahok” ay nakabatay sa usaping
“pakikiisa o pakikibahagi” sa lipunang kinabibilangan ng bawat indibidwal. Ang
ilan ay nakaranas na ng gawaing pakikilahok marahil hindi lamang naunawaan
na ang kilos na isinagawa ay pakikilahok nga. Kung naranasan mo ng
makibahagi sa eleksyon sa inyong paaralan tulad ng Student Supreme
Government isinabuhay mo na ang salitang pakikilahok. Sa loob ng klase kung
ikaw ay pinagkatiwalaang maging opisyal. Pagsali sa mga patimpalak tulad ng
pagguhit, pag-awit, pagsayaw at isports ay tinatawag na pakikilahok.

Ikaw, bilang isang mag-aaral ano ang ginawa mong pakikilahok noong panahon
ng ECQ?

Ang bawat pakikilahok ay may responsibilidad lalong lalo na kung ito ay para
sa kabutihang panlahat. Responsibilidad ng bawat mamamayan na pumili ng
taong responsableng mamumuno ng isang bansa kaya mahalaga ang
partisipasyon o pakikilahok ng bawat isa.

Tandaan ang salitang B.A.G.O sa pakikilahok lalong-lalo na kung ikaw ay nasa


wastong edad na.

B – Bumoto o pumili ng responsableng lider ng bansa

A – Aktibong pakikilahok sa proyektong pampaaralan o pambarangay

G – Gawin ang ipinagkatiwalang responsibilidad bilang mamamayan ng bansa

5
O – Opotunidad ang pakikilahok, isabuhay ito nangg wasto

http://www.bloggersphilippines.com/2017/10/bic-bictoschool-for-brighter-filipino.html

Siya si Efren Peňaflorida. Kinilala siya bilang CNN Hero taong 2009 sa
pagtataguyod niya ng “Kariton Klasrum”. Sa edad na 16 taong gulang ay nagbuo
siya ng samahan ng kabataan na may layuning makatulong sa kapwa nila
kabataang matuto kahit wala sa loob ng silid-aralan.

Batay sa pagsasaliksik ng Volunteering Research ang aktibidad ng tao ay may


tatlong kategorya.

1. Panlipunang Pakikilahok (Social Participation) – Ito ay ang kolektibong gawain


ng mga indibidwal kung saan sila ay pormal na kabilang sa isang organisasyon.
Halimbawa, mga pangkawanggawang proyekto sa ilalim ng kanilang religious
group, samahang pangkalakasan (sports group) at samahang pangkabataan
(youth group).

2. Pampublikong Pakikilahok (Public Participation) – Pakikipag-ugnayan ng


indibidwal sa ibat ibang balangkas at institusyon ng demokrasya kabilang ang
pagboto, pagkampanya, at konsultasyon.

3. Indibidwal na pakikilahok (Individual Participation) – Ito ang kilos at pagpili


ng tao batay sa repleksyon sa uri ng lipunan na nais nilang maipamuhay.
Halimbawa nito ay ang pagtangkilik sa produktong pinoy, pagpirma sa isang
petisyon, at pagtulong sa mga nangangailangan.

https://www.involve.org.uk/resources/knowledge-base/what/participation

6
Pagyamanin

Naging malinaw na ba ang kahulugan ng pakikilahok sa iyo?. Maglahad


ng sariling kwento kung saan ikaw ay may naging pakikilahok batay sa
nabanggit na kategorya ng pakikilahok.

Isaisip

Ang pakikilahok ay pagsasabuhay ng pakikipag-ugnayan ng tao sa


kanyang kapwa. Anumang kilos at pagpapasya niya ay maaaring magkaroon ng
malaking impact sa buhay ng iba. Pakinggan ang panawagan ng isang frontliner
noong panahon ng ECQ.

https://www.youtube.com/watch?v=xCp2PjVcyFk

Isagawa
7
Bilang isang mag-aaral, paano mo isinabuhay ang iyong pakikilahok
noong panahon ng ECQ? Sumulat ng sariling tula hinggil sa pakikilahok o
pakikiisa sa pagsuporta hinggil sa pananatili sa loob ng tahanan.

Karagdagang Gawain

Subukang lapatan ng awit at damdamin ang isinagawang tula. Maaring gawing


spoken poetry o awit.

Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa nakalaang patlang.
_____1. Anong gawain ang halimbawa ng indibidwal na pakikilahok?
a. Pagtangkilik ng produktong pinoy
b. Pag - iipon ng mga imported goods
c. Pagdalo sa mga kasiyahan ng kaibigan
d. Panonood ng mga Korean at Thai drama
_____2. Paano maisasabuhay ang responsableng pakikilahok ng mamamayan
ng bansa lalong – lalo na kung sila ay nasa wastong edad na?
a. pakikisalamuha sa kapwa
b. pakikipag – ugnayan sa pamilya
c. pagsagot sa mga aralin ng kaibigan
d. pagpili o pagboto sa responsableng lider
_____3. Ano ang tawag sa pakikiisa ng isang indibidwal sa lipunang kanyang
kinabibilangan?
a. pakikiramay
b. pakikilahok
c. pakikisalamuha
d. pakikipamuhay
_____4. Alin ang HINDI pakikilahok na gawain noong panahon ng ECQ?
a. pagdalo sa mass gatherings
b. pagsusuot ng face mask
c. pagsusuot ng face shiled
d. paghuhugas ng wasto ng kamay
_____5. Aling kategorya ng pakikilahok ang may kolektibong gawain tulad ng
samahang pangsimbahan o religious groups?
a. Indibidwal na Pakikilahok
b. Panlipunang Pakikilahok
c. Pampublikong Pakikilahok
d. Pangkalahatang Pakikilahok

8
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Paggawa: Tagapagtaguyod ng
Pakikilahok at Bolunterismo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Paggawa: Pakikilahok at Bolunterismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral


ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang
may kahusayan ang Pakikilahok sa Pag-unlad ng Mamamaya at Lipunan. Ang aralin sa
modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:

• Pakikilahok at Bolunterismo

Matapos ang mga aralin na ito, inaasahan na:

1. Napatutunayan na:

a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing


pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at
papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat

b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa


pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na
pananagutan

2. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may partikular


na pangangailangan, Hal. mga batang may kapansanan o mga matatandang walang
kumakalinga

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang pakikilahok ay isang mahalagang katangian ng Subsidiarity sapagkat sa


pamamagitan ng mga “plano at hakbangin” ng mamamayan, ay napabubuti nila ang
“kanilang kalagayan” sa antas ng kultural, ekonomikal, pulitikal at panlipunan.

_____2. Isa sa epekto ng bolunterismo sa sarili ay ang pagbibigay sigla, ligaya at


kahulugan sa buhay.

_____3. Ang pakikilahok ay ang malayang pagbibigay ng oras at kakayahan para sa


kabutihan ng kapwa kaysa sa pagkakaroon ng benepisyong pinansiyal.

_____4. Ang bolunterismo ay nagdudulot ng isang mamamayang aktibong nakikibahagi


(engaged citizens) o yaong mga taong mayroong masusing pag-unawa sa mga suliraning
panlipunan at kung paano ito nagsimula

_____5. Ang kapangyarihan at ang bisa ng bolunterismo ay nagmumula sa pagkakaniya-


kaniya.

1
Modyul Pakikilahok at
8 Bolunterismo
“Sali Ako”

Marahil minsan sa iyong buhay ay nasabi mo na ang mga salitang iyan-noong


ikaw nasa yugto na kung saan ang paglalaro ang bumubuo sa iyong buhay. O di kaya
naman ay noong mayroon kayong pangkatang gawain sa paaralan.

Naaalala mo ba ang mga panahong sumali ka sa programa ng inyong paaralan?


Panahong sumali ka sa beauty contest, sports, pagkanta at pagsayaw. O di kaya naman
ay nakibahagi ka sa isang gawain na makapagpapabuti sa kalagyan ng iba.

Sa mga pagkakataong ikaw ay nakiisa sa mga gawaing ito, hindi lamang ang
sarili mong kapakanan ang naaapektuhan kundi maging ang sa iba at sa lipunang iyong
ginagalawan-kasiyahan at pag-aangat nang kalagayan sa buhay.

Halina at ipagpatuloy natin ang pagtuklas tungkol sa kabutihang dulot ng


Pakikilahok at Bolunterismo sa iyo at sa lipunang iyong kinabibilangan!

Balikan
Handa ka na ba?

Noong ika-pitong modyul, nailarawan mo naiugnay mo ang kahalagahan ng


pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan. Sa pagkakataong
ito, iyong balikan ang mga konseptong iyong natutunan sa pagsulat ng mga ito sa loob
ng radial cluster.

Pakikilahok at
Bolunterismo

2
Tuklasin

Sa mga nagdaang aralin mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao, nauwaan at tinanggap mo


na ang tao ay isang panlipunang nilalang-isang nilalang na patuloy na bumubuo nang
ugnayan sa kapwa sa iba’t ibang paraan. Gamit ang table sa ibaba, balikan mo ang
mga pagkakataong pinili mong lumahok at ibahagi ang iyong kaalaman, kakayahan at
oras.

Pangalan ng Petsa ng Pangunahing layunin ng Pangunahing


Samahan/Pangkat/Gawain Pagsali Samahan/Pangkat/Gawain dahilan ng
iyong pagsali

Pamprosesong Tanong:

Panuto: Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Ano ang pangunahing ambag mo sa iyong mga sinalihang pangkat?

2. Paano mo isinakatuparan ang pagbabahagi mo ng kaalaman, kakayahan at oras


sa sinalihang pangkat? Ilarawan.

Ilarawan ang iyong naging pakiramdam matapos mong maisakatuparan o makibahagi


sa gawain ng pangkat o samahan?

Suriin

“Volunteerism is the voice of the people put into action. These


actions shape and mold the present into a future of which we can all be
proud.”

Helen Dyer
Noong unang markahan, ating pinagusapan ang aralin tungkol sa
prinsipyo ng Subsidiarity. Naalala mo pa ba ito? Sa prinsipyong ito, sinasabi na
“binibigyang pagkakataon at kalayaan ng nakatataas na awtoridad/lupon ang mas
mababang awtoridad/lupon upang bumuo nang mga plano at hakbangin upang
mapabuti ang kanilang kalagayan.”1

Sa depinisyong ito, makikita natin na ang pakikilahok ay isang


mahalagang katangian2 ng Subsidiarity sapagkat sa pamamagitan ng mga “plano at

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang Modyul 3 Unang Markahan

2
https://virtualplater.org.uk/module-b/module-b-unit-4-contents/4-1-participation-and-democracy/4935-2/

3
hakbangin” ng mamamayan, ay napabubuti nila ang “kanilang kalagayan” sa antas ng
kultural, ekonomikal, pulitikal at panlipunan.3 Ang sinumang nakikilahok at malayang
nagbabahagi ng kanyang sarili sa pangkatang gawaing makabubuti sa iba at
masasabing nagsasabuhay nang prinsipyo ng Subsidiarity sa hindi tuwirang paraan
(implicitly).

Ang pakikilahok ay isa ring tungkulin na kinakailangang tuparin ng bawat


tao, na may pananagutan at pagtingin sa kabutihang panlahat4. Paanong ang
pakikilahok ay isang tungkulin? Hindi ba’t mayroon tayong kalayaang pumili kung tayo
ay makikiisa o hindi? Upang higit natin itong maunaawaan, ating suriin ang
kasalukuyang sitwasyon.
Simula ng kumalat ang COVID-19 ay isinailalim na sa iba’t ibang status
ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases
o mas kilala sa tawag na IATF ang ating bansa. Nariyan ang ECQ, GCQ at MGCQ. Ang
mga ito ay palatandaan kung hanggang saan lamang tayo maaaring lumabas sa ating
mga tahanan at gawin ang mga kinakailangang isakatuparan. Gingawa ito upang
malimitihan ang pagkalat at pagpapasa-pasa ng nakamamatay na virus sa bawat tao
sapagkat pinaniniwalaan na ang virus ay naipapasa sa pamamagitan ng human-to-
human transmission at sa pamamgitan ng maruming hangin at kapaligiran. Subalit sa
kabila nito, ay marami pa ring hindi nakikilahok sa mga panawagan nang pamahalaan
at pribadong sektor na wastong mag-suot ng face mask, face shield at ang pagkakaroon
ng social distancing. Bunga nito ay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa
bansa. Sa iyong palagay, maaari kayang mas higit na mababa ang kaso ng COVID-19
sa ating bansa KUNG ang bawat isa ay nakikilahok sa mga gawaing makapipigil sa
pagkalat nito? Ika nga ng isang commercial advertisement, “ang pagpapaalala ay
pagmamalasakit upang COVID-19 ay mapigilan”5.
Kung nais natin magkaroon ang lipunang ating gingalawan ng tinatawag
na kabutihang panlahat-“ang kabuuang kondisyon ng buhay panlipunan na nagbibigay
sa mga tao, bilang indibidwal o kasapi ng grupo, na makamit ang kaganapan ng buhay
sa pinakamadaling pamamaraan”6-ay kinakailangan nating makilahok sa paghuhulma
nang ating kasalukuyang sitwsyon-patungo sa hinaharap na ating maipagmamalaking
tunay7.
Sa kabilang banda, ang bolunterismo bilang isa sa maraming mukha ng
pakikilahok ay nakatutulong rin sa pagkakamit ng kabutihang panlahat. Ang
bolunterismo ay ang malayang pagbibigay ng oras at kakayahan para sa kabutihan ng
kapwa kaysa sa pagkakaroon ng benepisyong pinansiyal8. Ito rin ay tumutukoy sa
pangunahing pagpapahayag ng makataong ugnayan na kung saan ang
pangangailangang makilahok sa lipunang kanilang ginagalawan at ang pakiramdam na
sila ay mahalaga at may kakayahan ay natutugunan9. At panghuli, ang bolunterismo
ay ang tuloy-tuloy na kusang paglilingkod para sa iba na walang inaasahang kapalit10.
Sinasabing ang bolunterismo ay nagdudulot ng isang mamamayang
aktibong nakikibahagi (engaged citizens) o yaong mga taong mayroong masusing pag-
unawa sa mga suliraning panlipunan at kung paano ito nagsimula. Sa tulong ng mga
koneksyon sa lipunan ay nakabubuo sila ng mga pamamaraan upang mapabuti at
masolusyunan ang mga suliraning kinahaharap11. Sila ang tunay na nagsasapuso sa

3
ibid
4
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. para.189
5
https://www.youtube.com/watch?v=kznWak4cj48
6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang Modyul 2 Unang Markahan
7
https://volpro.net/managing-volunteers/volunteer-quotes/#iLightbox[gallery_image_3]/10
8
https://www.hrzone.com/hr-glossary/what-is-volunteerism
9
https://www.unv.org/volunteerism/power-volunteerism
10
http://psychology.iresearchnet.com/social-psychology/prosocial-behavior/volunteerism/
11
https://blog.mobileserve.com/how-volunteering-makes-people-better-citizens

4
diwa ng bolunterismo sapagkat walang katapusan ang kanilang pakikilahok sa mga
isyung nakaaapekto sa kanilang lipunan. Kung saan mayroong kahirapan, kalamidad,
kaguluhan at pagkakaniya-kaniya; kung saan kailangang mapabuti ang kondsiyong
pangkalusugan at edukasyon, kung saan mayroong usaping pang-kapaligiran12, naroon
ang mga engaged citizens.

Ang kapangyarihan at ang bisa ng bolunterismo ay nagmumula sa mga


pagpapahalaga ng pagkakaisa, pagpapalitan, tiwala, pagpapalakas13 at higit sa lahat
ang pagtutulungan14 nang lahat ng sektor ng lipunan (pamahalaan, negosyo,
pamayanan, simbahan at bawat indibidwal) na nagbibigay kapangyarihan upang
kumilos tungo sa pagbabago at pagpapabuti ng lipunan15.
Ang epekto ng bolunterismo sa lipunan ay ang mga sumusunod:16
1. Napapahusay nito ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan; nagsisilbing
tulay para sa pamahalaan, negosyo at mga manggagawa.

2. Nagbibigay nang malaking ambag sa pandaigdigang ekonomiya; nagtatatag ng


mga pamayanang mayroong matatag na ugnayan, ligtas, at matibay.

3. Naghahatid nang ilang serbisyo-publiko.

Gayundin, ang bolunterismo ay mayroon ring hatid na benepisyo para sa


ating sarili:17
1. Lumalawak ang ugnayan sa kapwa.

2. Mainam sa isip at pangangatawan.

3. Nakapapa-usad sa piniling karera.

4. Nagbibigay sigla, ligaya at kahulugan sa buhay

Pagyamanin

Higit bang nagging malinaw sa iyo ang kahalagahan ng pakikilahok at


bolunterismo? Sa pagkakataong ito, higit mo pang pagyamanin ang iyong kaalaman
tungkol dito sa pamamagitan ng panunuod nang mga kwentong pakikilahok at
bolunterismosa YouTube gamit ang mga link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=u4Cs4DMZ5mo
https://www.youtube.com/watch?v=SBrYgPJZtXU
https://www.youtube.com/watch?v=2p1RoykyeC0

12
https://www.unv.org/volunteerism/power-volunteerism
13
ibid
14
https://www.reachingsky.org/how-volunteering-can-help-youth-and-society/
15
ibid
16
ibid
17
https://www.helpguide.org/articles/healthy-living/volunteering-and-its-surprising-benefits.htm

5
Isaisip

Ang pakikilahok at bolunterismo ay bahagi ng ating pagkatao. Ito ay


makatutulong upang mapabuti mo ang iyong pagkatao at higit sa lahat ang iyong
ginagalawang pamayanan. Anong aspeto ng iyong sarili ang maaaring makatulong o
maging hadlang upang maging epektibo sa iyong pakikilahok at bolunterismo? Buuin
ang table sa ibaba.

Aspeto ng sarili na Aspeto ng sarili na Gagawing hakbang upang


makakatulong sa maaaring maging hadlang mapalakas ang mga
pakikilahok at bolunterismo sa pakikilahok at kahinaan na maaaring
bolunterismo maging hadlang sa
pakikilahok at bolunterismo

6
Isagawa

Bilang isang mag-aaral, paano ka makalalahok sa isang proyekto o gawain sa


baranggay o mga sektor na may partikular na pangangailangan? Bumuo ng isang
Project Profile na maaari mong maging ambag upang makamit ng inyong pamayanan
ang layunin nitong maging ligtas ang bawat tao sa inyong barangay laban sa COVID-
19.

Pamagat/Pangalan ng
Proyekto/Programa

Mga Layunin

Mga Kakailanganing
Gamit

Badyet

Pamamaraan

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang bolunterismo ay ay tumutukoy sa pangunahing pagpapahayag ng


makataong ugnayan na kung saan ang pangangailangang makilahok sa lipunang
kanilang ginagalawan at ang pakiramdam na sila ay mahalaga at may kakayahan ay
natutugunan.

_____2. Ang pakikilahok ay ang tuloy-tuloy na kusang paglilingkod para sa iba na


walang inaasahang kapalit.

_____3. Ang bolunterismo ay isang mahalagang katangian ng Subsidiarity sapagkat sa


pamamagitan ng mga “plano at hakbangin” ng mamamayan, ay napabubuti nila ang
“kanilang kalagayan” sa antas ng kultural, ekonomikal, pulitikal at panlipunan.

_____4. Ang bolunterismo ay nagdudulot ng isang mamamayang aktibong nakikibahagi


(engaged citizens) o yaong mga taong mayroong masusing pag-unawa sa mga suliraning
panlipunan at kung paano ito nagsimula.

_____5. Isa sa epekto ng bolunterismo sa lipunan ay ang paghahatid nito nang ilang
serbisyo-publiko.

You might also like