You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 8-Q2-W5


Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag sa
5 Pagsulat ng Sanaysay

Mga Inaasahan

Kumusta ka na? Sa araling ito mababasa mo ang ilang sanaysay na may


kinalaman sa mga nagaganap na pangyayari sa ating kapaligiran. Bibigyan ka
rin nito ng pagkakataong makapagpahayag ng sarili mong kaisipan o pananaw
hinggil sa ating tinalakay.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay mahahasa sa iyo ang mga


sumusunod na kasanayan:

1. Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa akdang


tinalakay (F8PD-IIf-g-26)
2. Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at
saloobin kaugnay ng akdang tinalakay (F8PS-IIg-h-28)
3. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing,
at iba pa) sa pagsulat ng Sanaysay (F8WG-IIf-g-27)

Alam kong nasasabik ka na sa bago mong pagkatuto, ngunit bago tayo


magsimula ay sagutan mo muna ang paunang pagsubok upang masukat ko ang
iyong kaalaman sa paksang pag-aaralan.

Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.


Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

Kahalagahan ng Edukasyon
Edukasyon’s Weblog

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang


kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Ito
ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang
makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating
kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay.
Ngunit may mga hadlang din na maaaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya
marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na
malagpasan ang mga ito. Sa pagkamit ng tagumpay ay kailangang buo ang
determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga
katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. “Ang
kahirapan ay hindi hadlang sa kinabukasan”. Lagi natin tandaan na tayo gumagawa

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
2

ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa
ating mga kamay. Lagi tayong sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga
ginagawa dahil walang imposible sa kaniya kung tama at nararapat ang iyong
ginagawa.
-Mula sa Edukasyon.wordpress.com
-.
1. Ano ang paksa ng talata?
A. edukasyon C. pagpapahalaga sa kinabukasan
B. kahalagahan ng edukasyon D. pagkakaroon ng determinasyon
2. Mahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao dahil ________________?
A. nagpapakita ito ng tagumpay
B. nalalaman kung sino ang edukado
C. ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan
D. nakasalalay dito ang kanilang kinabukasan
3. Sa pagkamit ng tagumpay ay kailangan buo ang determinasyon, tiwala sa sarili,
may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating
taglayin para makamit natin ang magandang bukas. Ang pahayag ay naglalahad
ng ______________?
A. Paghahambing C. Pag-iisa-isa
B. Pagsasalungatan D. Pagbibigay ng halimbawa
4. Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan
ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Anong
paraan ng pagpapahayag ang pangungusap?
A. Sanhi at Bunga C. Pagsusuri
B. Pagsasalungatan D. Paghahambing
5. Ang talata ay isang halimbawa ng ______________?
A. Paglalahad C. Pangangatuwiran
B. Pagsasalaysay D. Paglalarawan

Nais ko muna na ikaw ay magbalik-aral bago mo basahin ang ating


pangunahing aralin.

Balik-tanaw

Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari ayon sa sarsuwelang “Walang


Sugat.” Isulat ang titik A-E sa iyong sagutang papel.

1. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.


2. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
3. Ipinagkasundo ni Aling Juana si Julia kay Miguel.
4. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng
Walang Sugat”.
5. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang
mapalaya ang Inang Bayan.

Pagpapakilala ng Aralin

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
3

Sa araling ito, babasahin mo ang isang sanaysay kung saan inilahad ng


may-akda ang kaniyang sariling pananaw hinggil sa hamon sa edukasyon sa gitna
ng pandemya.

Ang Hamon sa Edukasyon


Orihinal na isinulat ni: Ailyn B. Balmes

Masaya ang mag-aral, datapuwa't mahirap ang mga ilang diskurso at dagsa
ang mga gawain ay hindi maipagkakailang kawili-kawili ang bawat araw na inilalaan
natin sa paaralan— ito'y dahil sa mga karanasan at alaalang nabubuo rito. Subalit, sa
nakalipas na apat na buwan ay hinarap natin ang isang matinding paghamak sa ating
kinasanayang uri ng pag-aaral. Nakulong tayo sa ating mga tahanan, nalimitahan ang
ating pagkilos sa mga lansangan maging ang iba't ibang hanapbuhay ay pinadapa ng
pandemya— kung saan ang tanging paraan para makakalap ng impormasyon ay ang
ating gadgets sa tulong ng data at wifi connections. Ang malaking katanungan na dala
nito ay kung ito na ba ang bagong mukha ng buhay? Paano ang magiging
kinabukasan ng edukasyon? Handa na ba tayong harapin ang bagong hamon na ito.

Gadgets, iyan ang kasalukuyan nating nasasandalan. Sa tulong ng iba't ibang


online platforms at applications ay naisasalba natin ang ating buong araw. Sa gitna ng
pandemya, binansagan ang uri ng pagkilos na ito bilang 'new normal' kung saan lahat
ng uri ng pakikipag-ugnayan ay hindi na sa pisikal na paraan bagkus ay sa
pamamagitan na ng internet. Kabilang na rito ang magiging mukha ng edukasyon.
Ngunit hindi malayo sa atin ang katotohanang hindi lahat ay mayroon nito; mayroong
iilan na makasasabay subalit marami sa atin ang mapipilitang piliin ang paghinto
muna pansamantala upang makalikom ng sapat na halaga. Palibhasa hindi madali
ang buhay kaya mahirap sa atin ang makasabay. Ang halagang ilalaan sa pagbili ng
load o kahit pagrenta sa internet shop ay siya na lamang ilalagak sa pambili ng
pagkain sa isang araw. Mahirap ang hamon na hatid nitong pandemya; kung dati ay
malaya tayong nakapaglilibot sa paaralan ngayon ay mistulang mga alipin na lamang
tayo ng ating tahanan. Kaniya-kanyang diskarte para lamang makasabay sa bagong
daloy ng buhay. Pasukan na ngunit nangangapa pa rin tayo kung paano tayo
makasasabay gayong karamihan sa atin ay hindi naman kakayanin ang hamon na ito.
Sapagkat mas mahirap pa ito kaysa paggising nang maaga para maghanda sa
pagpasok, ito'y nangangahulugang mas mapanghamak na paggastos sapagkat
isinasaalang-alang ang dalawang bagay; ang pagtustos sa araw-araw na kakainin at
ang pagpuno sa pangangailangang hinihingi ngayon ng edukasyon.

Samakatuwid, bali-baliktarin man natin ang mundo ang katotohanan ay


nariyan pa rin— na hindi pa tayo handa sa ganitong mukha ng edukasyon. Ilang ulit
mang sabihing dapat magpatuloy ang pagkatuto, hindi maikakailang kailangan nating
huminto at saglit na pagnilayan. Maaari nating sabayan ngunit tiyak na may
mahuhuli, maaari nating ipagpatuloy ngunit siguradong may hihinto— pagkat ang
hinihinging halaga ng hamon na ito ay higit pa sa salaping kailangan natin upang
maitawid ang isang araw. Hindi natin ito napaghandaan, walang nakaaalam na
mangyayari ito. Walang dapat sisihin bagkus ay magtulungan. Ang buhay ay walang
hanggang pagkatuto; hindi pa ito ang huli. Laging darating ang liwanag sa dilim,
laging huhupa ang daluyong— at sa pagbubukang liwayway babalik sa normal ang
lahat. Ngunit sa ngayon aminin na natin lahat tayo ay pinadapa ng pandemya; kaya
nating makabawi, ang natitirang katanungan na lamang ay paano? Paano sasabay
ang hindi makasabay, paano magpapatuloy kung mas tamang huminto muna. Ang
edukasyon ay habambuhay, ang buhay ay iisa— alin rito ang ating isasakripisyo at
alin ang isasalba.

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
4

Inaasahan ko na naunawaan mo ang mensahe ng iyong binasa. Ang


sanaysay na iyong binasa ay isang uri ng paglalahad. Alam mo ba kung ano
ang paglalahad?

Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan, at


nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng
nagsasalita o sumusulat. Ito ay maaaring tumutugon sa mga katanungan kung ano
ang katuturan ng isang salita o bagay, kung paano ang pagsasagawa ng isang bagay,
at kung ano ang kakayahan ng isang layunin o simulain.

Upang mabigyang-linaw ang pagpapahayag ay ginagamit ang iba’t ibang


pagpapaliwanag.

1. Pag-iisa-isa. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon


sa pamamagitan nang maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa
talagang pagkakasunod-sunod nito.
2. Paghahambing at Pagsasalungatan. Ginagamit ang paraan na ito sa
paghahambing ng magkakatulad at magkakaibang mga bagay-bagay.
3. Pagsusuri. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik n o mga bagay-bagay na
nakaaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
4. Sanhi at Bunga. Tinatalakay dito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-
ano ang resulta o kinalabasan.
5. Pagbibigay ng Halimbawa. Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o
mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.

Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa


paksang tatalakayin, pagpapaliwanag sa kahulugan, malinaw, at maayos na
pagpapahayag at walang kinikilingan.

Malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Ngayon ay isagawa mo na ang mga


gawaing inihanda ko para sa iyo.

Mga Gawain

Gawain 1 Mga Tanong sa Pag-unawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang


papel.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng sanaysay na “Ang Hamon ng


Edukasyon?” Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Bakit masaya ang mag-aral batay sa binasang sanaysay?

3. Ano ang mukha ng edukasyon sa panahon ng bagong normal? Magbigay


ng patunay batay sa sanaysay.
4. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong maging kontribusyon upang
mapaunlad ang edukasyon sa kabila ng pandemya?
5. “Ang edukasyon ay susi ng magandang kinabukasan” Ipaliwanag.

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
5

Gawain 2 Tamang Katangian. Suriin ang pangungusap. Lagyan ng tsek ( )


kung ito’y nagpapakita ng katangian ng isang paglalahad at ekis ( x ) kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Maaaring makasulat ng isang magandang paglalahad ang isang taong


may limitadong kaalaman sa paksang nais isulat.
2. Ang pagpapaliwanag, pagbibigay kaalaman o pakahalugan ay
katangian ng isang paglalahad.
3. Mahalaga ang pagpanig ng isang proposiyon kapag naglalahad.
4. Mas magiging epektibo ang paglalahad sa pamamagitan ng pagbibigay
ng tiyak at makatotohanang halimbawa.
5. Madaling maikintal sa isip ng mambabasa o tagapakinig ang
paglalahad sa pamamagitan ng sanhi at bunga.

Gawain 3 Paraan ng Paglalahad. Suriin kung anong paraan ng paglalahad ang


ginamit sa sumusunod na pahayag ayon sa akdang binasa. Isulat ang sagot sa
loob ng kahon. (Pag-iisa-isa, Paghahambing at Pagsasalungatan, Pagsusuri,
Sanhi at Bunga, o Pagbibigay ng Halimbawa)

1. Masaya ang mag-aral, datapuwa't mahirap ang mga ilang diskurso at


dagsa ang mga gawain ay hindi maipagkakailang kawili-kawili ang
bawat araw na inilalaan natin sa paaralan— ito'y dahil sa mga
karanasan at alaalang nabubuo rito.
2. Nakulong tayo sa ating mga tahanan, nalimitahan ang ating pagkilos
sa mga lansangan maging ang iba't ibang hanapbuhay ay pinadapa ng
pandemya— kung saan ang tanging paraan para makakalap ng
impormasyon ay ang ating gadgets sa tulong ng data at wifi
connections.
3. Palibhasa hindi madali ang buhay kaya mahirap sa atin ang
makasabay.
4. Bali-baliktarin man natin ang mundo ang katotohanan ay nariyan pa
rin— na hindi pa tayo handa sa ganitong mukha ng edukasyon.
5. Laging darating ang liwanag sa dilim, laging huhupa ang daluyong—
at sa pagbubukang liwayway babalik sa normal ang lahat.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa


pagsulat ng sanaysay, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-


linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninidigan upang lubos na
maunawaan ng nakikinig o bumabasa.

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
6

2. Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao


dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan
na nakapaghahatid sa kaniya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-
uusapan.

Ngayon ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng


pagsulat ng iyong pananaw o kaisipan hinggil sa isyung nasa ibaba.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Bilang pag-uugnay sa aral na iyong nakuha mula sa sanaysay, mag-isip ka


ng isang kasalukuyang programang pantelebisyong tumatalakay sa
pagpapahalaga sa ating edukasyon. Isulat ang pamagat ng palabas na ito sa loob
ng larawan ng telebisyon at ilahad mo rin ang paksang kadalasan ay tinatalakay
ang programang ito. Gawin sa sagutang papel.

Pamagat ng Programang Pantelebisyong


Nagpapahalaga sa Edukasyon

Mga Paksang Kadalasang Tinatalakay sa


Programang Ito

Paano nagkakapareho
Paano nagkakapareho ang ang mensaheng
mensaheng hatid
hatid ng ng sanaysay
sanaysay na “Ang
na “Ang Hamon Hamon sa
sa Edukasyon” sa
mensaheng hatid ng programang pantelebisyong iyong itinala?
Edukasyon” sa mensaheng hatid ng programang pantelebisyong iyong itinala?

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Mga Pamantayan:

1. Ang paglalahad ay binubuo ng maayos at magkakaugnay ng mga detalye


2. Nagsasaad ito ng sariling palagay o kaisipan kaugnay ng paksa
3. Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod
5 - Napakahusay
4 - Katamtamang husay
3 - Dapat pang paunlarin

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
7

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawain ang isa pang sanaysay. Pagkatapos ay sagutin ang


mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Buhol-Buhol na Trapiko
ni Eliza F. Benitez

1 Tuwing umaga ay isa sa laman ng mga balita ang trapiko. Binibigyang babala ang
mga motorista at pasahero sa kung saang lugar ang maluwag o masikip ang
daraanan. Kahit ang waze, GPS, navigation at kung ano-anong apps ay ‘di
nagkukulang sa pagbibigay impormasyon sa mga tao tungkol sa daranasin nilang
trapik lalo na sa Metro Manila. Matagal nang isyu at problema ito sa ating lipunan.
Hindi biro ang negatibong dulot nito sa bawat isa at sa buong bansa.

2 Hindi humihinto ang pamahalaan at mga sangay nito sa pag-iisip, pagsubok at


pagpapatupad ng mga pamamaraan upang kahit paano’y masolusyunan ang
tumitinding kondisyon ng trapiko. Ilan sa mga solusyon na inihahain ay:
pagmodernisa ng mass transport system ng bansa, pagtatag ng bus rapid transport
upang maorganisa ang paggamit ng bus at bus lanes, paglalatag ng connective
infrastructure tulad ng mga kalsada, highway, tulay, airport, seaport atbp. Dahil isa
sa matinding dahilan ng trapiko ay ang patuloy na pagdami ng mga sasakyan subalit
hindi naman lumalapad ang kalyeng dadaanan, sinasabing mabisang solusyon din ay
ang pagbabawas ng sasakyan lalo na kung rush hour, maghigpit sa batas trapiko
pribado man o pampublikong sasakyan, naimungkahi na rin na gumamit ng school
bus ang malalaking paaralan, kinokonsidera na rin ang pag-iiba-iba ng oras ng uwian
ng mga manggagawa. Gayunpaman, patuloy pa rin sa ito paglala at ang lumalalim na
epekto nito.

3 Nauubos nito ang mahalagang oras ng mga mamamayan. Sa halip na


nakapagsisimula na sila sa kanilang trabaho ay nakababad pa rin sila sa trapiko.
Nalulugi ang malalaki at maliliit na negosyante dahilan sa nahuhuli ang pagdedeliber
ng mga produkto. Lumiliit ang kita ng mga pampublikong sasakyan dahil nauubos
ang gasolina at oras nila sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan. Karugtong nito
ang banta sa kalusugan ng mga pasahero: pagkagutom, polusyon, pagpigil ng
anumang tawag ng kalikasan at maging ang nanganganib na buhay ng mga
pasyenteng naipit sa trapik ang ambulansya.

4 Paulit-ulit ang pagpapagawa ng mga maliliit at malalaking kalye dahil nabubugbog


ito sa mabigat na bolyum ng mga sasakyan na nagdaraan araw-araw. Kaugnay nito,
bagama’t usad pagong ang mga sasakyan, hindi pa rin maiwasan ang pagkakaroon ng
sakuna dahil sa gitgitan, pag-uunahan at kawalan ng disiplina ng mga motorista.

5 Ayon sa Japan International Corporation Agency (JICA), 3.5 bilyon ang nalulugi sa
Pilipinas araw-araw dahilan sa matinding trapiko. Kung hindi ito magbabago, hindi
magtatagal at aabot sa halos 6 na bilyon ang mawawala sa ekonomiya ng bansa
paglipas pa ng ilang mga taon.
(Halaw sa Basayanihan: Kalipunan ng mga Babasahin sa Filipino)

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
8

1. Ano ang paksa ng sanaysay?


A. korapsyon B. droga C. pagnanakaw D. trapiko
2. Ayon sa JICA, ilang milyon ang mawawala sa ekonomiya ng bansa paglipas
pa ng ilang mga taon kung hindi masosolusyunan ang problema sa trapiko?
A. 3.4 milyon B. 6 na bilyon C. 3.5 bilyon D. 3.6 milyon
3. Ano kadalasan ang hindi nawawalang paksa ng balita sa telebisyon ayon sa
talata 1?
A. trapiko B. patayan C. droga D. korapsyon
4. Ano-anong mga apps ang nagbibigay impormasyon sa mga tao tungkol sa
daranasin nilang trapik lalo na sa Metro Manila.
A. facebook, twitter, waze C. waze, google maps, GPS
B. GPS, facebook, tiktok D. waze, GPS, facebook
5. Lumiliit ang kita ng mga pampublikong sasakyan dahil nauubos ang
gasolina at oras nila sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan.
Anong pagpaparaan ng pagpapahayag ang pangungusap?
A. Paghahambing C. Pagsusuri
B. Pag-iisa-isa D. Sanhi at Bunga

Para sa tanong 6-10, tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang sumusunod na
pahayag batay sa akdang binasa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

A. Pag-iisa-isa D. Pagsusuri
B. Paghahambing E. Sanhi at Bunga
C. Pagsasalungatan F. Pagbibigay ng Halimbawa

6. Ilan sa mga solusyon na inihahain ay: pagmodernisa ng mass transport


system ng bansa, pagtatag ng bus rapid transport upang maorganisa ang
paggamit ng bus at bus lanes, paglalatag ng connective infrastructure tulad
ng mga kalsada, highway, tulay, airport, seaport atbp.
7. Bagama’t usad pagong ang mga sasakyan, hindi pa rin maiwasan ang
pagkakaroon ng sakuna dahil sa gitgitan, pag-uunahan at kawalan ng
disiplina ng mga motorista.
8. Hindi humihinto ang pamahalaan at mga sangay nito sa pag-iisip, pagsubok
at pagpapatupad ng mga pamamaraan upang kahit paano’y masolusyunan
ang tumitinding kondisyon ng trapiko.
9. Hindi pa rin maiwasan ang pagkakaroon ng sakuna dahil sa gitgitan, pag-
uunahan at kawalan ng disiplina ng mga motorista.
10. Kung hindi ito mababago, hindi magtatagal ay aabot sa halos 6 na bilyon
ang mawawala sa ekonomiya ng bansa paglipas pa ng ilang mga taon.

Pagninilay

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang nakatala sa ibaba na


umiiral pa rin sa kasalukuyan. Kailangang maipakita mo ang iba’t ibang paraan
ng pagpapahayag (paglalahad) sa bubuoing sanaysay. Maaari ka ring mag-isip ng

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
9

iba pang isyung panlipunan na batay sa iyong napanood o napakinggan. Isulat


ang iyong sanaysay sa hiwalay na papel.

Korupsyon sa gitna ng Pandemya

Hindi Pantay na Karapatan ng Mayayaman at Mahihirap

Ang nagagawa ng mga Online Platforms sa buhay ng tao

Mga Pamantayan:

1. Ang nabuong sanaysay ay batay sa tiyak na katangian nito.


2. Nagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.
3. Napalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa.
4. Malinis, maayos ang pagkakasulat, at wasto ang gamit ng wika at mga
bantas.
5 - Napakahusay 4 - katamtamang husay 3-
5 - Napakahusay
dapat pang paunlarin
5 - Napakahusay
4 - Katamtamang husay 4 - katamtamang husay 3- dapat
3 - Dapat pang paunlarin pang paunlarin
5 - Napakahusay 4 - katamtamang husay 3-
dapat pang paunlarin

Binabati kita sa ipinamalas mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
aralin.

5 - Napakahusay 4 - katamtamang husay 3- dapat pang paunlarin

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
10

FILIPINO 8
SAGUTANG PAPEL

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikalima

Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________

GAWAIN 1 (Pagsagot sa mga Tanong)


PAUNANG BALIK-
1._______________________________________
PAGSUBOK TANAW
_________________________________________
1. 1.
_________________________________________
2. 2. 2._______________________________________
_________________________________________
3. 3. _________________________________________
4. 4. 3._______________________________________
_________________________________________
5. 5. _________________________________________
4._______________________________________
_________________________________________
GAWAIN 2 GAWAIN 3 _________________________________________
5._______________________________________
1. 1. _________________________________________
2. 2. _________________________________________

3. 3. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

4. 4.
(para sa bilang 1-5) (para sa bilang 6-10)
5. 5. 1 6
2 7
3 8
PAG-ALAM SA NATUTUHAN 4 9
5 10

PAGNINILAY
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
________________________________________________ ______________________________
________________________________________________ ______________________________
________________________________________________ ______________________________
________________________________________________ _____________________________

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like