You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 7

Ang Birtud at Ang Gawi


Ikatlong Markahan Ikalawang Linggo Modyul 2
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Napatutunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa
mga moral na pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud
(acquired virtues).

Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na magpapaunlad


ng kanyang buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA
ITO
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang
layunin sa paggamit nito.
 Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
 Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
 Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
 Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
 Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
 Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

 Inaasahan– ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
 Unang Pagsubok –ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
 Balik-Tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.
 Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
 Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
 Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin
 Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin
 Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

INAASAHAN

Sa modyul na ito inaasahang mauunawaan na ang gawi ay ang mga mabubuting


kilos na paulit-ulit na ginagawa patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).
Bilang nagdadalaga at nagbibinata, mahalagang ngayon palang ay naisasabuhay
na ang mga birtud at pagpapahalaga upang masanay na gumawa ng mabuting kilos.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng pinakawastong sagot.

2
1. Ito ang tinatawag na ina ng mga birtud.
A. Katarungan C. Pagtitimpi
B. Katatagan D. Maingat na paghuhusga
2. Paano naisasabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga?
A. Maging matulungin sa kapwa
B. Sundin ang mga magulang
C. Gawin ang mga responsibilidad sa bahay
D. Lahat ng nabanggit
3. Sa bawat ____________nakasalalay ang magiging kilos mo.
A. Salita C. Desisyon
B. Tugon D. Gawa
4. Ang __________ ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
A. Bisyo C. Gawi
B. Birtud D.Desisyon
5. Ang birtud ay hindi hiwalay sa isip at kilos-loob. Nangangahulugan ito na:
A. Ang birtud ay pagpapasyang gawin ang tama, na may tamang katuwiran at sa tamang
pamamaraan.
B. Ang isip at kilos loob ay mga kapagyarihan na pinagkaloob sa tao para angat sa ibang
nilalang.
C. Ang birtud ay hindi maaaring ihiwalay sa isip at kilos -loob.
D. Unti-unti ng nahuhubog ang mga kilos o gawi sa siyang mahalaga upang mahubog ang
magandang asal.
6. Noong 2 taon palang si Lily ay tinuruan na siya ng kanyang nanay kung paano at bakit kailangang
magdasal pagkagising sa umaga. Simpleng pasalamat lang at naidilat ulit ang mga mata at nagising
pa. Ngayon ay labing walong taong gulang na sya pero tuloy pa rin ang kanyang pagdadasal
pagkagising sa umaga. Anong pagpapahalaga ang nalinang ni Lily?
A. Pananampalataya C. Pagkamasunurin
B. Paggising ng maaga D. Mapagpasalamat
7. Makakamit lamang ang birtud kung lalakipan ng __________________.
A. Pagsisikap C. Pag-unawa
B. Kasanayan D. Pagtatanong
8. Bakit mahalagang malinang ang mabuting gawi?
A. Upang makamit ang ninanais.
B. Upang magagawa ang gustong gawin.
C. Upang masanay ang tao na gumawa ng mabuting kilos
D. Upang masanay ang tao na magpasalamat
9. Ang paulit-ulit na pagsasagawa ng kilos ay tulong upang malinang ang birtud subalit ang birtud ay
nangangailangan ng;
A. Pagpili, pag-unawa at kaalaman
B. Papili , pagpasya at kaalaman
C. Pag-unawa, pagpasya at pagpili
D. Pag-unawa, paggawa at pagpasya

10. May dalawang binata ang nanliligaw kay Maria. Parehong nasa tamang edad na sila at may mga
trabaho na din. Ang mahirap ay parehong gusto ni Maria ang dalawa, kaya nahihirapan siyang
mamili. Anong birtud ang dapat nalinang kay Maria?

3
A. Fortitude C. Justice
B. Temperance D. Prudence

BALIK-TANAW

Naalala mo ba ang nakaraang aralin? Sagutan ang sumusunod na tanong.


Anong aralin ang naalala mo na nag-uumpisa sa mga sumusunod na letra.
Hal. G? – gawi
1. B? =
2. P? =
3. M? =
4. V? =
5. I? =

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA
ARALIN
Sa araw-araw na ginagawa mo, dumating sa punto na namimili ka kung sa mabuti o masama; kung
tutulong o hindi; kung susunod o hindi. Kadalasan kung ano ang nakasanayan mong gawin, iyon na ang
lagi mong gagawin. Kaya mahalaga lalo na sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata na mahubog na
ngayon palang ang mga birtud lalo na ang maingat na paghuhusga upang lagi nating mapipili ang kung ano
ang tama at mabuti.
Ngayon ay matutunghayan mo kung saan at paano nag-uumpisa ang isang birtud. Mga birtud na
dapat naisasabuhay upang mas mapapangalagaan pa ang mga pinapahalagahan sa buhay.

ARALIN 1: OMG! (O My Gawi!)


Mga Layunin
1. Naipaliliwanag na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi ay patungo ito sa
paghubog ng mga birtud.
2. Natatalakay ang kahalagahan ng mga birtud.
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng pagiging mabuting tao.

NILALAMAN NG ARALIN
Narinig mo na ba ang kwento ni Alice in Wonderland? Siya ay isang
batang babae na napadpad sa lugar ng pantasya at nagkaroon ng maraming
4
karanasan mula sa kanyang paglalakbay. Ito ay kwentong pambata pero kapupulutan ng mga aral. Isang
bahagi nito ay kung saan nasa gitna siya ng nagsangang daan at nakaharap niya ang isang pusa. Nagtanong
sya kung saang daan ang nararapat niyang tahakin.
Alice: “Maari po bang ituro sa akin ang daan na nararapat kong tahakin mula rito?”
Pusa: “ Depende iyan sa gusto mong puntahan at nais mong marating.”
Alice: “Wala naman akong partikular na nais puntahan.”
Pusa: “ Kung gayon, hindi mahalaga kung aling daan ang iyong tatahakin.
Alice: “ Ang mahalaga lang ay makarating ako kahit saan.”
Pusa: “ Siguradong mangyayari iyon; maglakad ka lang ng maglakad.”
Naunawaan mo ba ang gustong ipahatid ng kwento? Sa buhay ng tao, araw-araw
nating nakakaharap ang nagsangang daan, sa simple o kumplekadong sitwasyon.
Kailangan nating pumili at sa bawat pagpili dapat mayroong pagbabatayan. Ang
pagbabatayan ang siyang nagsisisilbing gabay mo upang marating ang
paroroonan. At sa bawat pagpapasya lagi itong may nakaabang na kahihinatnan. Mahalaga na katulad ni
Alice mahubog din ang mga birtud ng pagtatanong upang may pagbabatayan ka sa iyong pagpapasya. Sa
bawat pagpili, mahalagang huwag lang basta oo ng oo, dapat din magtanong upang magkaroon ng batayan
sa pagpipilian. Sa bawat desisyon nakasalalay ang ang magiging kilos mo. Kung ang kilos mo ay mabuti at
paulit ulit mo na itong ginagawa, ito ay magiging gawi. Ang gawi ay bunga nang paulit-ulit na
pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos. Makakamit lamang ito kung
lalakipan ng pagsisikap. Dahil ito ay dumadaan sa mahabang proseso at
pagsisikap ng tao, hindi ito mawawala sa isang iglap lamang. Ito ay
magiging isang permanenteng katangian na magtutulak sa tao na kumilos
nang hindi lamang puno ng kasanayan kundi may kalakip na kawilihan at
kasiyahan. Ang gawi ang unang hakbang sa paglinang ng birtud. Halimbawa, pagkagising mo sa umaga
nagpapasalamat ka agad sa Diyos, at araw-araw mo na ito gagawin hanggang makasanayan mo na. Kung
ang pipiliin mo naman ay ang kilos na nakasasama at paulit-ulit mo itong ginagawa, ito ay magiging bisyo.
Mahalagang malinang ang mabuting gawi upang masanay ang tao sa
paggawa ng mabuting kilos. Subali’t ang birtud ay hindi simpleng
nakasanayang kilos, sapagka’t ang kondisyong ito ay lumalabas na hindi
pinag-iisipan, nangyari na lamang ang kilos dahil sanay na ang tao na ito ang
ginagawa. Ang paulit-ulit na pagsasagawa ng kilos ay tulong upang malinang
ang birtud subali’t ang birtud ay nangangailangan ng pagpili, pag-unawa at kaalaman.
Nangangahulugan ito ng pagkilos nang may kamalayan. Ang birtud ay pagpapasiyang kumilos at hindi
bagay na nakakabit sa tao at awtomatikong lumalabas sa kilos ng tao. Samakatuwid, ang birtud ay hindi
lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran. Nakabatay ito
sa pagpipili gayundin sa paglinang sa kakayahang gumawa ng tamang pagpapasya sa hinaharap.
5
Halimbawa, ang isang matapat na tao na nagpasyang huwag kumuha ng hindi sa kanya, ay hindi resulta ng
kanyang ginawa sa nakaraan, kundi isang pasya o desisyon sa kasalukuyan na maging matapat. Kaya nga
ang birtud ay hindi hiwalay sa isip at kilos-loob; nangangahulugan ito na ang birtud ay pagpapasyang gawin
ang tama, na may tamang katuwiran at sa tamang pamamaraan.

Gawain 1: Ang Brilyante!


Ang birtud ay parang mga brilyante, nagbibigay kapangyarihan. Dapat lang itong pakinangin upang
makita ng iba ang kanyang kagandahan at kapangyarihan. Anong brilyante ang gusto mong alagaan? At
paano mo ito pakikinangin upang makita ang kanyang ganda at halaga.

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa loob ng brilyante.

1. Anong birtud ang gusto mong malinang sa iyo?

2. Mga paraan upang malinang ang birtud.

Anong birtud ang dapat malinang sa mga batang


ito? Paano kaya nila ito mapahahalagahan?
__________________________________________
Gawain 2: “Picture Analysis” __________________________________________
__________________________________________
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan sa loob ng kahon.
__________________________________________

6
Parang binagsakan ng langit at lupa ang lalaking ito.
Anong birtud ang kailangan niya sa panahong
ganito?
______________________________________________
______________________________________________
_

Nagsigawan ang dalawang magkaibigan. Hindi


napigilan ang kani-kanilang emosyon. Anong birtud
ang kanilang kailangan?
__________________________________________
__________________________________________

Mansanas o donut? Nahihirapan ang bata na mamili


kung alin sa dalawa ang gusto nya. Anong birtud
ang kailangan nya?
______________________________________________
______________________________________________

PAG-ALAM SA MGA
NATUTUHAN
Panuto: Gamitin ang mga salita sa ibaba upang makabuo ng konsepto tungkol sa pinag-aralan.

Pagpipilian gawi birtud


maingat na paghuhusga paulit-ulit nakasanayan
kilos bisyo pasya
gawa mahubog hakbang

Nabuong Konsepto:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

ARALIN 2: Birtud ng Buhay!


Mga Layunin:

7
1. Natutukoy ang mga birtud at pagpapahalaga sa mga simpleng gawain sa araw-araw.
2. Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga na magpapaunlad sa
buhay
bilang nagdadalaga/nagbibinata.

NILALAMAN NG ARALIN
Paano isinasabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga?
Masasabi natin na natututo ang mga bata sa pagtuturo ng pagpapahalaga kung naisasabuhay
paulit-ulit ang ibat-ibang mga birtud. Ito ang konkretong patunay na naisaloob na ng isang kabataang
katulad mo ang mga moral na pagpapahalaga. Kapag isinasabuhay ang mga pagpapahalaga,
nangangahulugan na ito na unti-unti ng nahuhubog ang mga kilos o gawi (attitude) na sya naming
mahalaga upang mahubog ang iyong magandang ugali o asal (behavior). Ang moral na pagpapahalaga ay
dapat mailapat sa anumang pagkakataon, sa bawat pagpapasya at sa lahat ng gawain. Mahalagang
kasanayan din ito na makatulong upang mapaunlad ang iyong isip, hangarin at kilos. Ang bawat gawain na
isinasagawa ng paulit-ulit ay naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Halimbawa ay ang pagdadasal
bago kumain, pagsagot sa modyul o paggawa ng takdang aralin at pati ang pagsuot ng facemask.
Pakiramdam mo ay kulang kung hindi mo ito naisasagawa dahil nagiging bahagi na ito ng iyong sistema.

Isang magandang halimbawa sa pagsasabuhay ng mga birtud


at pagpapahalaga ay ang kwento ng isang limampung taong si
Ginoong Romeo Menil. Siya ay dati nang na-stroke at
nagpapalimos sa kalsada para maitulong sa mga nasalanta sa
bagyong Ulysses sa lungsod ng Marikina. Salat sa pamumuhay
pero mas nagingibaw ang kagandahang loob na tumulong sa
kapwa. Nakalikom sya ng P12,390 mula sa pamamalimos at
ibinigay ito sa lokal na pamahalaan ng Marikina. At kailan lamang ay nagdonate ulit si Ginoong Menil ng
halagang P7,000 sa San Vicente Ferrer Chapel mula pa rin sa kanyang pamamalimos. Mas pinili nya ang
tumulong sa kapwa kahit wala din ang kanyang sariling pamilya. Nakaranas man ng mga pagsubok,
problema o suliranin, nagkaroon ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang makahanap ng solusyon at
patuloy na nabubuhay. Pinatunayan lang ni Mang Romeo na hindi hadlang ang kapansanan para
makatulong sa mas nangangailangan. Ito ay patunay na isinasabuhay ni Mang Romeo ang mga birtud at
moral na pagpapahalaga sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan, pagtulong, paggalang at
pagmamalasakit sa kapwa. Siyang may kapansanan nakagawa pa ng paraan kung paano makatulong sa
kapwa, ikaw pa kaya na buo at nasa maayos na kalagayan.

Ikaw, sa paanong paraan mo kaya maisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at

8
birtud? Siguro sa simpleng pagsunod sa magulang, ito ay pagbibigay paggalang na siyang huhubog
tungo sa birtud ng katarungan. Ang paggawa sa takdang-aralin, pag-aaral, pagbabasa at pagtatanong ay
pagpapakita ng birtud at pagpapahalaga sa karunungan. Ang pagdarasal, pagninilay-nilay, pagmamasid,
at pakikinig sa turo ng simbahan ay paghubog sa moral na birtud. Isa sa mga mabubuting gawi ng
kabataan ngayon ayon kay Sean Covey, (1998 ) ay ang mga sumusunod:

1.“Proactive”
Dapat maging masinop at laging handang maging

solusyon o magbigay solusyon sa problema. Sumali sa paggawa ng


mga makabuluhang gawain tulad ng pagbuboluntaryo.

2. “Begin with the end in mind”


Tuklasin ang iyong mga talento
at kakayahan. Paunlarin, gamitin para sa kabutihan at ibahagi sa iba.
Alamin kung ano ang layunin mo sa buhay para magkaroon ka ng direksiyon.

3. “Put first thing first”


Magkaroon ng prayoridad at unahain ang mas mahalaga sa buhay.

4. “Think win-win”
Hinihimok nito ang ideya na sa anumang talakayan o sitwasyon ang parehong
partido ay parehong makikinabang. Maging masaya para sa iba.

5. “Seek first to understand, then to be understood”


Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang ugaling
marunong makinig. Makinig para maunawaan.

6. “Synergize”
Pakikipagtulungan. Dapat bilang kabataan, marunong kang makipagtulungan at
makiisa sa pangkat.
Ingatan ang sarili. Magkaroon ng regular na pag-update at pagtibayin ang isip

at kilos-loob.

Kaya bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, mahalin at pagpasalamat sa mga bagay na mayroon
ka, manalangin at magdasal sa Panginoon upang humingi ng gabay sa paggawa ng nararapat at tama sa
lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng paggamit ng mga mabubuting birtud at pagpapahalaga.

Gawain 1: “Treasure Box


Panuto A: Tukuyin kung anong birtud o pagpapahalaga ang ipinakikita sa sitwasyon. May mga pagpipilian

9
sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa mga patlang.

1. Si Marielle ay isang frontliner. Lakas loob siyang humaharap sa laban araw-araw. Tanging dobleng
pag-iingat at pagdadasal lang ang kanyang dala-dala tuwing humarap sa mga pasyente.
K______________________.
2. Nasira ng bunsong kapatid ang proyektong pinagpuyatang gawin ni Harvey. Pinigilan niya ang
kanyang galit dahil batid niyang hindi alam ng kanyang maliit na kapatid ang ginawa nito. Napaiyak
nalang siya. P _____________________.
3. Parehas kayong binigyan ng cake ng kuya mo, pero dahil kuya siya kaya mas malaking hiwa ang
ibinigay sa kanya samantalang sa iyo ay kalahati lamang dahil daw maliit ka pa.
K_______________.
4. Ngayon palang ay nag-iisip na si Bianca kung anong track sa Senior High School ang kanyang
kukunin. Mahilig siyang magbake at magluto na sinusundan lang ang recipe book. Pero gusto rin
niyang maging doktora. Nalilito sya kung ano ba dapat ang pipiliin nya. M
_______________________
5. Tiniis ng isang amang frontliner na hindi makasama ang pamilya sa loob ng 2 buwan dahil sa covid.
Kuntento na lamang siyang makita sa malayo ang mga ito, hindi man lang niya makarga ang
kapapanganak pa lamang na anak. Ayaw nya kasing magkasakit ang mga mahal niya sa buhay.
P_______________________________.

Panuto B: Ngayon, ikaw naman ang magbigay ng mga halimbawa o sitwasyon sa bawat birtud at
pagpapahalaga. Mamili lamang ng dalawang salita mula sa loob ng kahon.

Pagmamahal sa pamilya Pagiging responsible Katatagan

Kalayaan Pagtitimpi Paggalang Maingat na paghusga

1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________

10
Gawain 2: Ito ang Kwento Ko!
Panuto: Basahin ang kuwento tungkol sa isang pamilyang hinubog ng pagpapahalaga at pagmamahal.

Ang Bilin Ni Itay

Panganay ako sa anim na magkakapatid. Karpintero ang tatay ko at


labandera naman ang nanay ko. Sa murang edad, sanay na ako sa
trabaho at responsibilidad. Tuwing umaalis ang aking mga magulang
ay laging bilin nila na tatayo akong magulang sa mga kapatid ko.
Dapat daw aalagaan at babantayan ko sila. Kailangan ko din silang turuan at gabayan kung paano
sumunod at magtulungan sa mga gawaing bahay. Kailangang ako muna ang gagawa upang maipakita ko
sa kanila ang dapat gawin. Dapat din daw maging modelo ako sa kanila, kaya ingat na ingat ako na
huwag magkamali sapagkat gagayahin daw ito ng mga kapatid ko. Sa mga karanasang iyon namulat ang
pagiging responsable ko, ang pagmamahal at pagmamalasakit ko sa aking mga kapatid at pamilya – ang
aking unang kapuwa.
Lumaki rin kaming magkakapatid na dapat tuwing alas sais ng gabi ay magdarasal na at
pagkatapos ay magmamano sa matatanda. Minulat din nila kami na laging magdasal at humingi ng
gabay sa Diyos sa lahat ng aming gagawin. Sabay-sabay din kami sa pagkain. Ito rin ang oras na noon
ang tawag namin ay sermon, pero sa totoo lang dito ko naririnig ang mga "beatitudes" nina Inay at Itay.
Pagdating sa edukasyon, ang bilin ni Itay, hangga’t kaya pa daw niyang humawak ng martilyo at
pumukpok ng pako, mag-aaral kaming mabuti. Dahil kung dumating daw ang panahon na wala na
siyang lakas para magmartilyo ay mawawalan na din kami ng pag-asang makapag-aral. Sabi nila bago
daw mag-asawa ay kailangang makapagpatapos muna kami ng isang kapatid. Sa tulong at awa ng
Diyos, nangyari nga ang mga bilin nina Itay at Inay. Nakapagtapos kaming lahat sa pag-aaral. Dahil na
din sa paghubog nila sa amin na maging matatag sa kabila ng marami naming napagdaanan. Pananalig
sa Diyos at pahalagahan at mahalin ang mga pagsisikap nila para sa amin. Naging pursigido at ngayon
meron na kaming kani-kaniyang trabaho at pamilya. Kung anoman ang natutuhan namin sa aming
tahanan ay iyon din ang naging batayan at gabay namin kung paano dadalhin at huhubugin ang kani-
kaniya naming pamilya. Hindi lang naman matatagpuan ang pamilya sa loob ng tahanan kundi, pati na
rin iyong mga kapamilya natin sa hanapbuhay. Samakatuwid, salamin tayo ng pamilyang
pinanggalingan natin. Hindi kami perpekto, pero napananatili namin ang respeto, pagtutulungan ,
pagmamalasakit, pagmamahal at higit sa lahat pananalig sa sa Diyos na gabay namin sa tuwina.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano-ano ang mga bilin ng kanyang Itay?_________________________________________
2. Ano-ano ang mga nakagawian ng pamilya?_______________________________________

11
3. Ano ang nalinang sa kanilang pagkatao dahil sa mga nakagawiang ito?________________
__________________________________________________________________________
4. Paano isinasabuhay ng mga anak ang mga pagpapahalagang itinuro ng kanilang magulang?_
__________________________________________________________________________
5. Paano nagiging birtud ang mga gawi?____________________________________________

PAG-ALAM SA MGA
NATUTUHAN
Panuto: Batay sa natutuhan mo sa mga aralin, sagutin ang mga katanungan sa bawat bilang upang
maipamalas ang pagkatuto sa modyul na ito.

TANDAAN

Ang pinakamatibay na batayan kung naisaloob ng isang kabataang tulad mo ang mga moral na
pagpapahalaga ay kung tunay mong isinasabuhay ng paulit-ulit ang mga birtud hanggang kasama
na ito sa sistema ng iyong pang-araw-araw na gawain at pagpapasya. Mahalaga ding hangga’t
maaga ay malinang na ang mga birtud upang makapagpasya ng tama na syang pundasyon ng iba
pang mga birtud.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang W kung wasto ang nakasalungguhit sa
pahayag at DW kung di-wasto.

_____1. Mahalaga na mayroon kang pagbabatayan bago makabuo ng pagpapasya.


_____2. Ang kilos na nakakasama at paulit-ulit na ginagawa ay tinatawag na bisyo.
_____3. Ang birtud ay hiwalay sa isip at kilos-loob.
_____4. Ang bawat tao ay may magkakaibang gawi.

12
_____5. Ang birtud ay bunga ng mahaba pero madaling pagsasanay.
_____6. Ang birtud ay hindi simpleng nakasanayang kilos lamang, ito ay pinag-iisipan din.
_____7. Mas madaling matutuhan ng mga bata ang pagtuturo ng pagpapahalaga kung lagi itong
nagbabasa.
_____8. Bilang nagdadalaga/nagbibinata dapat lang na laging manalangin at himingi ng gabay
bago gumawa ng pagpapasya upang maging tama ang pagtungon sa bawat sitwasyon.
_____9. Ang kalayaan, pagiging responsible at katarungan ay bunga ng maingat na paghuhusga.
_____10. Ang birtud ay taglay ng tao mula sa kapanganakan.

PAGNINILAY

Natutuhan ko na …

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________________

SANGGUNIAN
13
Aquino, Dela Cruz, Timbre, et al. (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 8. (2nd Ed.). Manila, Vibal
Group, Inc.

Arroyo, L. (2016). Pagsasabuhay ng birtud. Retrieved from


https://www.slideshare.net/youisejane/pagsasabuhay-ng-birtud

Clipart Station. (n.d). kids washing clothes. Retrieved from https://clipartstation.com/kids-washing-


clothes-clipart-9/

Edukasyon sa Pagpapakatao-Grade 8 Learner’s Material (Quarter 1 and 2). Retrieved from


https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4

Gma news online. (2020). PWD and stroke patient donates alms he collected to tuphoon Ulysses
victims. Retreived from https://www.gmanetwork.com/news/hashtag/content/764600/pwd-
and-stroke-patient-donates-alms-he-collected-to-typhoon-ulysses-victims/story/

Harmon, G. (2015). Picking the right etf. Retrieved from http://dragonflycap.com/picking-the-right-


etf/

Hellodoctor.co.za. (2018). How to break your bad habits. Retrieved from


https://www.hellodoctor.co.za/how-to-break-your-bad-habits/

Keenan, S. (n.d.). Muslim boy praying. Retrieved from


https://www.pinterest.ph/pin/634515034997754890/

McGowan, J. (2014). It’s not fair! How th human equality condition can hold some people back.
Retreived from https://theconversation.com/its-not-fair-how-the-human-equality-condition-
can-hold-some-people-back-32843

Momentsaday.com. (n.d.) Classroom goals sheet. Retreived from http://www.momentsaday.com/wp-


content/uploads/2015/11/Classroom-Goal-Sheet.pdf

Rivera, O. (2010). Birtud at pagpapahalaga. Retrieved from


https://www.slideshare.net/ArnelSSI/birtud-at-halaga

Seameo.org. (n.d.). Undestanding values. Retrieved from


https://www.seameo.org/img/Programmes_Projects/Competition/SEAMEOJapan
ESD_Award/2013_SEAMEOJapanESD_Award/Submission/PH3/Doc%206 UNDERSTANDING
%20VALUES%20handout.pdf

Wordpress.com. (n.d.) Alice talks to the Cheshire cat. Retrieved from


https://turningoverpebbles.files.wordpress.com/2015/04/alice-talks-to-the-cheshire-cat.jpg

WordPress.com. Retrieved from


https://turningoverpebbles.files.wordpress.com/2015/04/alice-talks-to-the-cheshire-cat.jpg

14
SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 2
Gawain 1
1. Katatagan
2. Pagtitimpi
3. Katarungan
4. Maingat na paghuhusga
5. Pagmamahal sa pamilya

Paunang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit

1. D 6. A 1. W 6. W
2. D 7. A 2. W 7. DW
3. C 8. C 3. DW 8. W
4. C 9. A 4. W 9. W
5. A 10. D 5. DW 10. DW

15

You might also like