You are on page 1of 10

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, At
Kahihinatnan Ng Makataong Kilos

(Ikawalong Linggo)
MODULE 8: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, At
Kahihinatnan Ng Makataong Kilos

Alamin

Mga Layunin:

1. Nakapagpapatunay na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay


nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao

2. Natataya ang kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang


sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan at sirkumstansya
nito

Subukin (Pre-Test)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at isulat sa


papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring


maapektuhan ng kilos.
a. Ano b. Paano c. Saan d. Sino
2. Tumutukoy ito sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.
a. Kailan b. Paano c. Saan d. Sino
3. Ito ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
a. Ano b. Paano c. Saan d. Sino
4. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan ginawa ang kilos.
a. Kailan b. Paano c. Saan d. Sino
5. Ito ay nagpapahayag ng panahong isasagawa ang kilos.
a. Ano b. Kailan c. Paano d. Sino
6. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may
kaakibat na pananagutan.
a. Kahihinatnan b. Layunin c. Paraan d.
Sirkunstansiya
7. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang
layunin.
a. Layunin b. Paano c. Paraan d. Sirkumstansiya

1
8. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan nito.
a. Kailan b. Layunin c. Paraan d. Sirkumstansiya
9. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
a. Kailan b. Layunin c. Paraan d. Sirkumstansiya
10. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o
kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang
mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama.
a. Paano b. Paraan c. Sino d. Sirkumstansiya

Panimulang Aral
Sa modyul na ito, ipinahahayag na pananagutan ng tao ang
anumang kahihinatnan ng kaniyang kilos, mabuti man o masama.
Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos na kaniyang isasagawa
dahil hindi magiging ganap ang pagiging tao niya kung hindi siya kumikilos
ayon sa kabutihan. Pero teka muna, naaalala mo pa ba ang ibig sabihin ng
kilos?
Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang
makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang
ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay
batay sa ating pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating
isinasagawang kilos ay mabuti.
Ang Iba’t ibang Sirkumstansiya:

1. Sino. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong


maaaring maapektuhan ng kilos. Halimbawa: Si Arnold ay pumunta
sa bahay ng kaniyang Lola Ester. Nakita niya kung saan itinatago ng
kaniyang lola ang pera nito. Isang araw ay pumunta siya sa bahay
nito at kinuha niya ang pera sa lagayan. Masama ba ang ginawang
kilos ni Arnold? Bakit? Ang pagkuha ni Arnold ng pera ay masama
dahil pagnanakaw ito. Nadaragdagan ito ng panibagong kasamaan
dahil ang pinagnakawan niya ay ang mismo niyang lola.
2. Ano. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
Halimbawa; Gamit pa rin ang halimbawa sa bilang isa, ang kaniyang
Lola Ester ay naubusan ng gamot para sa sakit nito. Kinailangan nito
ng pera upang makabili ng gamot ngunit nawala sa lagayan ang pera
nito.
3. Saan. Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa: Nagtawanan nang malakas ang ilang kabataan dahil
pinag-uusapan nila ang isang kamag-aral na biglang naghirap dahil
nalulong sa sugal ang ama nito. Ginawa nila ito sa loob ng
simbahan.
2
4. Paano. Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.
Halimbawa: Matalinong mag-aaral si Nestor. Pinaghandaan niya
nang mabuti ang kanilang pagsusulit upang siya ay mapasama muli
sa Top Ten sa kanilang seksiyon. Ngunit habang sumasagot siya sa
pagsusulit, mayroon siyang hindi maalala na sagot sa tanong.
Nanghihinayang si Nestor na hindi ito masagutan dahil alam niyang
pinagaralan niya ito, iyon nga lamang ay nakalimutan niya.
Napatingin siya sa papel ng kaniyang katabi at nakita niya ang sagot,
kaya’t kinopya niya ito.
5. Kailan. Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos.
Halimbawa: Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila Chris. Sa
halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang
pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.

Kung kaya’t sa pagsasagawa ng kilos gaano man ito kalaki o kaliit,


kailangang pag-isipan itong mabuti at tingnan ang maaaring maidulot nito.
Hindi lamang kailangag tingnan ang sarili kundi pati ang kabutihang
panlahat.
Ngayon, lalong lumilinaw na upang maging mabuti ang kilos, nararapat
itong nakabatay sa dikta ng konsensiya batay sa likas na Batas Moral. Ang
bawat kilos na iyong gagawin ay kailangang nakatuon sa pinakahuling
layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan
nito kundi sa motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa.
Kaya’t mula sa layunin, paraan, at sirkumstansiya ng kilos ay madaling
makikita o masusuri ang kabutihan o kasamaan nito. Kung gayon,
inaanyayahan kitang pagnilayang mabuti ang iyong mga kilos. Ang kilos
mo ba ay palaging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos? Nagpapakita ba ito
ng makataong gawain? Sana ay naging malinaw sa iyo na kailangan mong
hubugin ang iyong sarili upang maging isang mabuting tao, na may
kamalayan sa bawat kilos dahil ito ang iyong magiging gabay tungo sa
iyong pagpapakatao.

3
Balikan

Malinaw na sa iyong kaisipan ang talakayan tungkol sa layunin,


paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng makataong kilos. Maari mo
nang sagutin ang gawain na ito bilang pagbabalik aral sa nakaraang
talakayan. Talagang makatutulong sa iyo ang gawaing ito.

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na nasa tapat nito.
Bilugan ang salitang nahanap, maaring gawin ng pahalang.

4
Tuklasin at Suriin

Gawain 1
Ang bawat kilos ay may layunin. Ngunit paano mo ba nahuhusgahan
kung ang layunin mo ay mabuti o masama? Halimbawa, sa pagsusulit, ano
ba ang layunin nito? Paano kung ang isang mag-aaral ay mangopya ng
sagot mula sa iba dahil hindi siya nakapag-aral ng leksiyon? Isulat ang
iyong sagot sa isang buong papel.

Panuto: Pag aralan ang larawan sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga
katanungan.

Pangongopya

Ano ang layunin ng kilos?


Ano ang nararapat na obheto?
Tanong: Ang kilos ba na ginawa ay sang-ayon sa obheto? Ipaliwanag

Mabuti ang kaniyang layunin na makapasa ngunit mali ang kaniyang


pamamaraan o kilos na ginagamit sa sitwasiyon.

Ikaw, naranasan mo na rin ba ang mangopya? Paano mo


hinusgahan ang iyong kilos na ito?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa isang
buong papel.
1. Ano ang kahulugan ng kilos? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos? Ipaliwanag ang
bawat isa.
__________________________________________________________________________
3. Bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na
kilos?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________

5
Isaisip

Panuto: Ngayon ay inaanyayahan kitang magnilay. Balikan mo ang


iyong mga isinagawang kilos noong nakaraang linggo. Batay sa iyong mga
natutuhan sa modyul na ito, tukuyin mo ang iyong mga naging
reyalisasyon. Isulat sa isang buong papel ang iyong kasagutan.

Ang mga bagong natutuhan ko sa aralin ay


___________________________________________________________
Ang napulot kung aral mula sa aking mga isinagawang
kilos______________________________________________________

Ang aking mga reyalisasyon_______________________________

__________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Mag-isip ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may


suliranin (dilemma). Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa
layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan nito. Ipakita at ipabasa
ito sa iyong magulang. Anyayahan sila na magbigay ng komento o payo sa
iyong ginawa. Palagyan ito sa kanila ng lagda bilang katibayan na kanilang
nabasa ang iyong ginawa. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

Kahihinatnan Komento,
Paghuhusga: payo, at
SULIRANIN LAYUNIN PARAAN SIRKUMSTANSIYA Mabuti o lagda ng
masama ang magulang
kilos? Bakit?

6
Tayahin (Post Test)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at piliin ang


titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa
kanilang kuwarto at kinuha ang 500 piso sa loob ng kabinet. Ang
pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong
kasamaan ang kaniyang ginawa dahil ________________.
a. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang.
b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang.
c. ang pagkuha ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto.
d. kinuha niya ito nang walang paalam.
2. Ang babaeng nagustuhan at minahal si Alex ay may asawa ngunit sa
kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal
hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon. Ang prinsipyo na sumasakop
sa sirkumstansiya ng kilos na makikita sa sitwasyon ay.
a. nakalilikha ng mabuti o masamang kilos.
b. hindi maaring gawing mabuti ang masama.
c. nakagagawa ng mabuting kilos ang masama.
d. nakalilikha ng kakaibang kilos ang mabuti tungo sa masama
3. Kaarawan ni Mang Berto kaya masaya silang nagkantahan hanggang
umabot sila ng madaling araw. Nainis ang kaniyang mga kapit-bahay
sa ingay na dulot nila. Ang prinsipyo na sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos na makikita rito ay
maaaring_____________________
a. makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
b. gawin ang mabuting kilos na masama.
c. lumikha ng mabuti o masamang kilos.
d. gawing mabuti ang masama.
4. Naging pangulo ng kanilang organisasyon si Julianna. Simula noon
ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at
reponsibilidad. Ang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos
na makikita rito ay maaaring__________________
a. magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong
masamang hangarin sa masamang kilos.
b. hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
c. maaaring makalikha ng mabuti at masama.
d. lumikha ng mabuti o masamang kilos.

7
5. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng
kahihinatnan ng kilos MALIBAN sa ______________
a. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
b. Ang kilos dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
c. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at
kaakibat na pananagutan.
d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na nagpaplano upang makita ang
mga bagay na dapat isaalang-alang.

6. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa


pagbibigay ng gamot na nararapat sa pasyente dahil alam niya na
hindi lahat ng gamot ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng
iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang
ipinakita ni Gene?
a. Kahihinatnan b. Kilos c. Layunin d.
Sirkumstansiya
7. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan
upang
makamit ang layunin.
a. Kahihinatnan b. Layunin c. Paraan d.
Sirkumstansiya
8. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral
dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan.
Nakita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Ang pangongopya ay mali
dahil__________________
a. kung ano lamang ang nalalaman ang dapat isulat na sagot.
b. hindi naman hiningi ang sagot, kusa naman itong nakita.
c. hindi dapat kopyahin nang walang paalam sa kanya.
d. ang layunin ay makakuha sa pagsusulit.
9. Ang panloob at panlabas na kilos ay hindi maaring paghiwalayin dahil
kung__________
a. masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos,
kahit mabuti ang panlabas.
b. ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula ito sa panloob.
c. maaaring madaraig ng panlabas na kilos ang panloob.
d. magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
10. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng
tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
b. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan.
c. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit.
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.

8
Susi sa Pagwawasto
[[[[

BALIKAN
• Maaring magkakaiba ang mga sagot.
TUKLASIN AT SURIIN
• Maaring magkakaiba ang mga sagot.
ISAISIP
• Maaring magkakaiba ang mga sagot.
ISAGAWA
• Maaring magkakaiba ang mga sagot.

Mga Sanggunian:
Mga Kakailanganing Kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet)

Agapay, Ramon B. (2007) Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for
Students and Educators. Mandaluyong City: National Bookstore Inc.
Montemayor, Felix M. (1994) Ethics the Philosophy of Life. Mandaluyong City:
National Bookstore

Nery-Nabor, Maria Imelda P. (2010). Christian Morality and Ethics.


Mandaluyong City: National Book Store

Reyes, Ramon C. (2009). Ground and Norm of Morality: Ethics for College
Students. Quezon City: ADMU Press.

Simbajon Jr., Marvin Julian L. (2011). Ethics for Educators: A College


Textbook for Teacher Education and Educators in All Areas of Discipline.
Quezon City: C&E Publishing, Inc.
Mga Saliksik sa Internet: Ming, J. (1907). Human Acts. In The Catholic
Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Retrieved February 26,
2014 from New Advent: http://www.newadvent.org/cathen/01115a.htm
Whether Human Acts are Specified by Their End? Retrieved from http://
biblehub.com/library/aquinas/summa_theologica/whether_human_acts_are_
specified.htm on February 25, 2014
The Morality of Human Acts. Retrieved from
http://www.vatican.va/arcive/ccc_css/archieve/catechism/p3s1c1a4 on
February 24, 2014
Human Acts. Retrieved from
https://www.catholicculture.org/culture/library/dictionary/index.cfm?id=340
13 on February 26, 2014

You might also like