You are on page 1of 11

BAITANG

Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Unang Markahan –
Modyul :1
Mapanuring Pag-iisip
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili
at pangyayari EsP6PKP-Ia-i-37

i
Edukasyon Sa Pagpapakatao-6
Markahan 1– Modyul 1
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Schools Division Office San Juan City


OIC- Schools Division Superintendent: Cecille G. Carandang, CESO VI
OIC- Assistant Schools Division Superintendent: Flordelisa D. Pereyra

Development Team of the Module


Manunulat: Ma. Cristina L. Cayetano
Editors: Emma A. Sendiong EdD
Tagasuri: Emma A. Sendiong EdD
Tagaguhit:
Tagalapat: Michael P. Rull
Tagapamahala: Cecille G. Carandang, CESO VI
Flordelisa D. Pereyra
Helen G. Padilla PhD
Emma A. Sendiong EdD
Jonas Feliciano C. Domingo EdD

Inilimbag sa bansang Pilipinas ________________________

Department of Education – Schools Division Office San Juan City


Office Address: Pinaglabanan St., San Juan City, Philippines 1500
Telefax: (632) 8451-2699; (632) 8251-2383
E-mail Address: depedsanjuanrecords@gmail.com

ii
Inaasahan
Inaasahang maipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa
mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo na:

• Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahanng pagsunod sa mga


tamang hakbang bago makagawa ng isang pagpapasiya para sa ikabubuti
ng lahat.

• Piliin ang makabubuting pagpapasya para sa sarili at pangyayari.

Simulan natin ang iyong paglalakbay sa pagkatuto sapag-alam kung alin ang
mabuti at hindi mabuting bagay na may kinalaman sa sarili. Sigurado akong handa
at nasasabik kang sagutan ang Panimulang Pagtataya. Ngumiti ka at magsaya!

Unang Pagsubok

Pusuan kung ang sumusunod na gawi ay ginagawa palagi,

paminsan-minsan, o di- kailaman..

Di
Gawain Palagi Paminsan-
kailanman
minsan

1. Iniisip ko lagi ang magiging epekto


ng aking gagawing pagpapasya.

2. Pinababayaan kong ibang tao ang


gumawa ng aking desisyon.

3. Tinitingnan ko ang katotohanan ng


isang sitwasyon bago ako
magpasya.

4. Hindi ko binibigyang pansin ang


kabutihan ng nakararami kapag
ako ay nagpapasya.

5. Madalas akong gumawa ng


biglaang pagpapasya.
Balik-Tanaw

Masasagot Mo Ba?
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng mabuting
gawain at ekis ang mga hindi nagpapakita ng mabuting gawain.

_____1. ____2. ____3.

_____4. _____5.
Maikling Pagpapakilala ng
Aralin

Ang tamang pagpapasya ay ang pagpili ng mas mabuti sa parehong mabuti


gamit ang talino at tamang pag-iisip

Sa pagpapasiya, kinakailangan na alamin kung alin ang pinakamabuti at


pinakatama. Sapagkat hindi agad makikita ang bunga ng mga pinagpipilian,
kinakailangang gamitin ang kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang ng mga
pinagpipilian kundi sa pati na din ang kung ano ang makabubuti para sa lahat. Sa
pamamagitan nito, higit na makikita ang mabuting bunga ng gagawing pagpapasya
Ang mga hakbang sa mabuting pagpapasya
1. Alamin ang suliranin

2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon

3. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon

4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga

5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon

6. Pag-aralan ang kinalabasan

7. Isip at damdamin ang ginagamit sa pagpapasya.

8. Magkalap ng kaalaman

9. Magnilay sa Mismong aksiyon

10. Hingin Ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya

11. Taglayin Ang damdamin sa napiling isasagawang pagpapasya

12. . Pag-aralang muli Ang pasiya


Gawain
Gawain 1 Alamin Mo

Layunin: Piliin ang makabubuting pagpapasya para sa sarili at


Pangyayari
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang mga pahayag.

1. Agarang magbigay ng desisyon para malunasan ang suliranin.

2. Isipin nang tama ang lahat ng sasabihin para mabigyan ng


tamang desisyon ang anumang problema.

3. Iasa sa lider ang desisyon palagi kapag may pangkatang gawain.

4. Timbangin ang bawat detalye sa solusyon ng bawat problema


bago magpasya.

5. Sumang-ayon na lamang kapag inihain na ang desisyon sa isang tao.

Gawain 2 Kaya Mo ba?

Layunin: Piliin ang makabubuting pagpapasya para sa sarili at

pangyayari.

Panuto: Unawain at sagutin ang suliranin sa bawat sitwasyon.


1. Matalik mong kaibigan si Maria at bihira kayong magkita. Isang araw
ay nakasalubong mo siya at niyaya ka niyang mamasyal sa parke.
Nang araw na iyon ay pinakiusapan ka ng iyong nanay na sunduin
ang bunso mong kapatid sa paaralan. Ano ang iyong gagawin?

______________________________________________

______________________________________________

____________________________________________
4

2. Inaaway ka ni Carlo dahil napunit mo ang kanyang proyekto ng di mo


sinasadya. Humingi ka na ng paumanhin subalit di pa rin siya
kuntento. Naalala mo ang bilin ng iyong mga magulang na huwag
makikipag-away. Ano ang gagawin mo.
______________________________________________
______________________________________________
3. Bumili si Angelica ng mamahaling gamit pang-eskwela kahit wala ito
sa badyet ng kanilang pamilya. Tama ba ang ginawa ni Angelica?
Ipaliwanag.
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

4. Madalas tinutukso ng mga kaklase si Carol pero hindi niya ito


iniintindi bagkus ay lalo niyang pinagbubutihan ang kanyang pag-
aaral upang matupad niya ang kanyang pangarap para sa kanyang
pamilya. Dapat bang tulatran si Carol? Pangatwiranan.
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

5. Nakilahok si Jose sa paligsahan sa pag-awit sa kanilang paaralan,


siya ay nakinig sa payo at turo ng kanyang tatay na isang dating
mang-aawit. Tama ba ang ginawa ni Jose? Ipaliwanag.

Tandaan
Sa pagpapasiya, kinakailangan na alamin kung alin ang pinakamabuti at
pinakatama. Sapagkat hindi agad makikita ang bunga ng mga pinagpipilian,
kinakailangang gamitin ang kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang ng mga
pinagpipilian kundi sa pati na din ang kung ano ang makabubuti para sa lahat. Sa
pamamagitan nito, higit na makikita ang mabuting bunga ng gagawing pagpapasiya
Ang mga hakbang sa mabuting pagpapasya.

Ang mga hakbang sa mabuting pagpapasya:

1. Alamin ang suliranin

2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon

3. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon

4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga

5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon


6. Pag-aralan ang kinalabasan

7. Isip at damdamin ang ginagamit sa pagpapasya.

8. Magkalap ng kaalaman

9. Magnilay sa Mismong aksiyon

10. Hingin Ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya

11. Taglayin Ang damdamin sa napiling isasagawang pagpapasya

12. Pag-aralang muli Ang pasiya.

P- palaging tandaan
A- ang pagpapasya’y gawing dahan-dahan
S- suriing mabuti at tingnan
I- iyong talino at kakayahan
Y- yaong dedesisyunan
A- at tiyak sa resulta, ikaw ay masisiyahan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


A. Mga Tanong sa Kritikal na Pag-iisip

1. Hiniling ng iyong ina na lumiban ka muna sa klase dahil magbabantay ka ng


iyong kapatid sapagkat may mahalagang bagay siyang aasikasuhin. Ano ang
iyong magiging pasya? Paano mo ito susuriin?

2. Ibigay ang iyong pagpapasya sa pangyayaring ito:


Aayusin ang isang bahagi ng inyong silid-aralan, pansamantalang lilipat kayo
sa isang masikip na lugar, sasang-ayon ka bang lumipat? Bakit?

2. Inutusan ka ng iyong guro na magdilig ng halaman ngunit may dapat ka pang


gawin sa loob ng silid-aralan. Ano ang uunahin mo at bakit?
B. Pagpapahalaga sa Kapwa

1. Sa
paglalakad pauwi ng bahay ay may napulot kang bag na naglalaman ng mga
mahahalagang papeles at pera. Naalala mo na kailangan ng iyong kapatid ang
pambayad sa kolehiyo. Ano ang iyong gagawin? Bakit?

2. Habang may pagsusulit kayo sa klase ay kinalabit ka ng iyong kaibigan at


hinihingi ang sagot sa tanong sa pagsusulit. Ibibigay mo ba sa kanya ang
kanyang hinihingi? Ipaliwanag.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa tamang pagpapasya.

____1. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.

____2. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon.

____3. Alamin ang suliranin.

____4. Pag-aralang muli ang pasya.

____5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon.


Kard ng Susing Sagot

5. 3
5. / 4. 5
4. / 3. 1
3. X 2. 4
2. X 1. 2
1. / Pagsusulit
Balik-Tanaw Pangwakas na

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao sa Makabagong Panahon
Hernanda R. Santos et al. (2018)
K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016
Brainly.ph - https://brainly.ph/question/534690#readmore
TEXTBOOK ESP6
UGALING PILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education
Schools Division Office – San Juan City
Pinaglabanan St., San Juan City, Philippines 1500
Telefax: (632) 8451-2699; (632) 8251-2383
Email Address: depedsanjuanrecords@gmail.com

You might also like