You are on page 1of 21

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 2:


Pagsasabi ng Sariling Ideya
Flipino– Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagsasabi ng Sariling Ideya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Pagsasabi ng Sariling Ideya
Alamin
Kumusta ka? Binabati kita sa panibagong araw. Ngayon, sisimulan mo
ang panibagong modyul na makatutulong sa iyo upang masabi ang iyong
sariling ideya sa mga tekstong mapakikinggan.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kakayahan sa pag-uunawa ng aralin.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 nasasabi ang sariling ideya sa tekstong napakinggan (F3PN-IIId-
14).

1
Subukin

Bago ka magpatuloy sa iyong aralin, sagutin mo muna ang panimulang


gawain. Kung tama lahat ng sagot mo, maaari mong laktawan ang modyul at
magpatuloy sa susunod na modyul.

Bilugan kung ano ang ideyang ipinapahiwatig ng salitang may


salungguhit.
1. Ang buhay ay makulay.
a. maginhawa b. masaya c. maaliwalas

2. May sinag ang umaga.


a. bagong umaga b. bagong pag-asa c. bagong buhay

3. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa langit.


a. umaga na b. gabi na c. tanghali na

4. Wagas ang pagmamahal ng magulang sa anak.


a. walang kapantay b. may pag-ibig c. tunay

5. Tanyag ang taong tumutulong sa mga nangangailangan.


a. kilala b. bayani c. artista

2
Aralin
Pagsasabi ng Sariling Ideya
1

Balikan

Tukuyin ang tambalang salita na nakapaloob. Maaari ka rin humingi ng


tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Simpleng Buhay ang Taglay

Isang uri ng pamumuhay, simple ngunit matiwasay. Sa malamig na bukid


ay may munting bahay-kubong nakakubli. Buong mag-anak ay masayang
nagsasama-sama. Hanapbuhay may pagsasaka,pero sobrang kuntento na.
Kapit-kamay at kapit-bisig sa pagharap ng bawat bukang-liwayway kasabay ay
pagsibol ng araw na puno ng pag-asa.

3
Tuklasin

Pakinggan ang babasahing pangyayari sa COMIC STRIP ng kasama sa


bahay o nakakatanda.

Oo, nakauwi na
Hi, Reegy! ako. Pero bakit
mabuti at mukhang
nandito ka na malungkot ka?
pala.

4
Ang tatay ko
kasi hindi na
Bakit
makababalik sa
naman?
trabaho.

Ano kaya sa iyong palagay ang nangyari sa pinagtatrabahuan ng tatay?


Sa palagay ko, ____________________________________________

5
Suriin

Ang pagbibigay ng sagot sa tanong na may kinalaman sa mungkahi,


posibleng plano o pagkilos, at kuro-kuro mula sa nakita, naobserbahan,
napakinggan o nabasa sa anumang babasahin na may kinalaman ang pag-iisip
ng tao ay tinatawag na ideya. Anumang bunga ng iyong pag-unawa, koleksyon
ng saloobin na umiiral sa pag-iisip at malaya mo itong ibinabahagi, ito naman
ay ang sinasabing sariling ideya.

Sa pagsasabi ng sariling ideya, maaaring gumamit ng mga pahayag na


ginagamit sa pagsasabi ng opinyon tulad ng mga ekspresiyong; sa palagay ko,
para sa akin at marami pang iba.

Pakinggan ang sumusunod na tugmaan at sabihin ang iyong sariling


ideya kung ano ang ipinapahiwatig ng tugma.
Hal:

Tugma: Batang nakatanggap ng biyaya


may ngiting abot-tainga.

Sariling Ideya: Sa palagay ko, ang bata ay


masayang masaya.
Tugma Sariling Ideya

6
1. Batang pinarangalan ng walang humpay
ay makakamit mo rin sa iyong buhay
Sa aking palagay,
ako ay dapat ___________________.

2. Ugaling dapat pamarisan


Ikinatutuwa nino man.

Sa tingin ko ang bata ay ___________.

3. Nakakatuwang pagmasdan
gawaing dapat tularan.

Sa palagay ko ang
magkakapatid ay _____________.

7
4. Tunay na nakahahanga,
batang laging pinipili ay pagkaing tama.

Para sa akin,
ang mga bata ay dapat ___________.

5. Hayop man naturingan


taglay din ang kasiyahan.

Sa nakikita ko kahit
hayop man ay maaring ______________

8
Pagyamanin

Makinig habang binabasa ng nakakatanda o kasama sa bahay ang mga


pangyayari. Ibigay ang sariling ideya sa napakinggan.

1. Madalas sumakit ang ulo mo at minsan ay may kasamang panlalabo ng


paningin. Nagdadalawang isip ka na sabihin sa magulang mo. Ano ang
pinakanararapat mong gawin?
_____________________________________________________
__________________________________________________________.
2. Iniutos sa inyong magkakapatid na ihiwalay ang basurang nabubulok at
di-nabubulok. Ngunit napansin mong taliwas ang ginagawa ng iyong
kapatid. Gusto mong ipaalam sa kaniya ang wastong paraan sa paggawa
8
nito. Ano ang dapat mong gawin?
____ ________________________________________________
_________________________________________________________.

3. Iniwan sa iyo ang mga kapatid mo dahil may pupuntahan ang iyong mga
magulang. Bilang panganay, paano mo sila aalagaan?

_____________________________________________________
_________________________________________________________.

4. May anunsiyo sa inyong barangay tungkol sa proyektong “Linis


Kabataan”. Inanyayahan ang lahat ng batang tulad mo na makibahagi
sa paglilinis sa inyong lugar. Paano ka sasali rito?

______________________________________________________
_________________________________________________________.

9
5. Tapos na ang inyong klase. Niyaya ka ng iyong kamag-aral na pumunta
sa kanila upang kumain ngunit bilin sa iyo ng iyong mga magulang na
kailangang umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase. Ano ang gagawin
mo?

_____________________________________________________
_________________________________________________________.

6. May pagpupulong sa inyong paaralan para sa mga magulang.


Tatalakayin nito ang mga mamahalagang bagay para sa ikabubuti
ninyong mga mag-aaral. Madalas ay hindi nakakapunta ang iyong ina o
kasama sa bahay dahil sa trabaho. Paano mo sila pakikiusapan?

_____________________________________________________
_________________________________________________________.

10
Isaisip

Kumpletuhin ang pahayag upang ganap na mabuo ang ideya tungkol sa


nilalaman at inyong naiintindihan sa modyul.

saloobin pag-unawa ideya

kuro-kuro nakita
plano o pagkilos

Ang _______ay ang ___________, mungkahi, ____________ na umiiral


sa pag-iisip ng isang tao mula sa kaniyang narinig, nabasa o napakinggan.
Ang sariling ideya ay maaaring bunga ng _________, at _____________
na malayang ibinabahagi.

11
Isagawa

Sa tulong ng inyong nakakatandang kapatid o magulang. Sabihin ang


iyong ideya sa pangyayaring isalaylaysay. Gawing gabay sa iyong mga sagot
ang pandama sa isinalaysay na pangyayari.

12
Sariling Ideya

1. __________________________________________________

2. __________________________________________________

3. __________________________________________________

4. __________________________________________________

5. __________________________________________________

13
Tayahin

Magaling! Ipagpatuloy mo pa ang iyong nasimulan. Ipabasa sa iyong


magulang, kapatid o nakatatandang kasama sa bahay ang tula sa ibaba.
Unawain at sabihin ang iyong mga ideya sa napakinggang tula.

Salamat, Bathala

Salamat sa hanging
May halik sa akin
Kay sarap nitong langhapin,

Sa apoy, sa tubig
Sa ulan, sa init,
Sa liwanag, lamig

Sa hayop, halaman,
Sa likas na yamang
Dulot ng kaunlaran

Salamat sa buhay
Na sa ami’y bigay
Lingkod n’yo habang buhay.

Sariling Ideya

1. ______________________________________________________

2. ______________________________________________________

3. ______________________________________________________

4. ______________________________________________________

14
Karagdagang Gawain

Pagmasdang mabuti ang larawan sa ibaba. Magbigay ng sariling ideya


kung ano ang ibig ipahiwatig ng larawan. Ilagay ang kasagutan sa mga linyang
nakalaan.

1.
2.
3.
4.
5

15
16
Isaisip Balikan
Ideya, plano, kuro-kuro
16 bahay-kubo
kapit-bisig
Pag-unawa, saloobin hawak-kamay
bukang liwayway
hanapbuhay
Suriin Tayahin Isagawa
Mga possibleng sagot: Mga maaaring sagot: Mga possibleng sagot:
1. mag-aral ng mabuti 1. Ang Diyos ang may Likha ng lahat hangin, pagkabahala pagkatuwa
liwanag, tubig,apoy at iba pa
2. matulungin panghihinayang
2.Ang hangin ay biyaya ng Diyos
3. masisipag/ matutulungin pagkatakot
3. Lahat ay nakikinabang sa biyayang pinagkaloob
4. kumain ng tamang pagkain pagkamangha
ng Diyos
5. masaya 4. Laging magpasalamat sa biyaya ng Diyos
Subukin Pagyamanin Tuklasin
1. B Mga possibleng sagot *Nagsara ang kumpanya dahil
2. B nalugi
3. A 1. Ipapaalam sa magulang ang karamdaman
4. C *Kailangan ng kumpanya na
5. A 2.Ipakita sa kapatid ang wastong paraan ng paghihiwalay magbawas ng mangagawa
ng basura sa nabubulok at di nabubulok.
*Hindi na kailang ang serbisyo ng
3.Babantayang Mabuti. tatay
4.magpapaalam sa magulang na lalahok sa proyekto
5. Hindi na lang sasama dahil hindi nakapagpaalam.
6.Ipaliwanang ang halaga ng pagpupulong
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon (2016), K to 12 Curriculum Guide. DepEd


Portal maakses sa https://www.deped.gov.ph/
Kagawaran ng Edukasyon (2020), Final-K-to-12-MELCS-with-CG-
Codes Kagawaran ng Edukasyonhttps://www.deped.gov.ph/
Bureau of Curriculum Development (2020) Mga Tekstong Nasipi
www.DepEdPortal.com Bumasa at Sumulat 2 na libro
www.DepEdcommon.com

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like