You are on page 1of 39

1

ARALINGPANLIPUNAN
Unang Markahan

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubllikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto


ng mga kasagutan.

4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito.

2|Page
Modyul 1
Unang Linggo Ako ay Natatangi

Magandang araw. Handa ka na ba para sa aralin natin?

Alamin Natin

Layunin:
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,
magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang
pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino.

Subukin Natin

Panuto: Isulat sa patlang ang B kapag ang larawan ay


babae at L kung ito ay lalaki.

___1. 4. _____

2.
5. _____

___3.

3|Page
Balikan Natin

Panuto: LOOP-A-WORD. Hanapin at bilugan sa loob ng puzzle ang


mga salitang katawagan sa mga kasapi ng pamilya.

ate nanay bunso tatay kuya

A T E C B E D S P D Q N C
B Z A W S B I D N A N A Y
N X T F Q B N F Q F Z T I
K B A G T C A G R H X Y F
L U T K U Y A H F J V S F
G N A L J F V J T K B R H
S S Y P K P R I N C E S S
X O B M N L V L P P M C J

Tuklasin Natin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong, Isulat ang sagot sa


patlang
Ano ang iyong pangalan?_____________________________
Ilang taon ka na? _______________________________________
Saan ka nakatira? _______________________________________
Saan ka nag-aaral? _____________________________________
Kapag sinagot mo ang mga katanungan, ano ang iyong
ibinibigay ? _________________________________________________

4|Page
Suriin Natin
Panuto: Bago natin simulan ang aralin. Basahin muna ang maikling
kuwento.

Unang araw ng pasukan sa paaralan. Lahat ng


bata ay makikita mong may saya sa kanilang mga
mukha. Natutuwa silang makita at makilala ang
bago nilang kamag-aral.

Siya si Ana. Naglalakad siya at patingin-tingin sa bawat silid-aralan.


Nang makita niya ang kanyang silid-aralan, siya ay tahimik na umupo.
Maya-maya ay tumayo sa harapan nila ang kanilang guro. Pinakilala
nito ang kanyang sarili. Isa-isang silang tinawag ng guro upang ipakilala
ang sarili. Unang tumayo si Ana. Magandang araw po. Ako si Ana C.
Santos. Ako ay anim na taong gulang. Ipinanganak ako noong Marso 5,
2014. Nakatira ako sa 09 Kamias St. Zone 6 South Signal Village, Taguig
City. Ang aking mga magulang ay sina Melvin C. Santos at Mikaela C.
Santos. Ang mga magulang ko ay Pilipino at nakatira sa bansang
Pilipinas. Kulay kayumangi ang aming balat.

Mga Gabay na Tanong.

1. Sino ang bagong lipat na mag-aaral? ______________


2. Saan siya nag-aaral?________________________________
3. Ano ang pangalan ng nanay at tatay niya? ___________________
4. Kailan siya pinanganak? ___________________________________
5. Kailan ang kanyang kaarawan?____________________________
6. Ano ang iyong pakiramdam sa unang pagpasok sa paaralan?
_________________________________________________________

Pagyamanin Natin
A. Panuto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anu-anong pangalan ang itinatawag sa iyo ng iyong mga
________________________________________________________
5|Page
2. Sa mga pangalang ito, alin ang gustung-gusto mong
itinatawag sa iyo? Bakit?
_____________________________________________________
3. Alam nyo ba kung anong kompletong address ninyo? Maaari mo bang
isulat sa ibaba? ______________________
4. Ano ang tawag ninyo sa inyong mga magulang? Sa mga
nakakatandang kapatid? _________________________
5. Kailan ka ipinanganak? ___________________________

B. Panuto. Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod. Piliin


ang sagot loob ng kahon.

unang Pilipino Jose B. Santos Pilipinas magulang

Ako ay si________________________. Nasa baitang na


ako.________________________ ____ako. Ako ay nakatira sa bansang
________________. Pilipino ang mga ________________________ ko.

C. Panuto. Sa isang bond paper, iguhit ang iyong sintang paaralan,


kulayan at ibigay ang pangalan nito.

Isaisip Natin

Mahalagang malaman mo ang mga pangunahing


impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan,
edad, at tirahan. Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa
pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase, at
kalaro. magulang o kaibigan maliban sa iyong unang pangalan?

Isagawa Natin

Gamit ang isang simbolismo, ipakita ang iyong taglay na


pagkakakilanlan at katangian bilang isang kabataang Pilipino.

6|Page
Tayahin Natin

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang.

Ako si (1)__________________________. Ang mga magulang ko ay


sina (2)_______________________at (3)___________________________.
Ipininanganak ako noong (4)___________________________. Ako ay
nakatira sa (5)_______________________________________________.

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang larawan ng inyong


bahay. Sa loob nito ay matatagpuan ang mga miyembro
ng iyong pamilya. Pangalanan ang bawat kasapi. Mahalaga
rin na itala mo ang numero ng iyong tirahan.

B. Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang video


gamit ang link na ito .
https://www.youtube.com/watch?v=OIIif0L_3rg

SANGGUNIAN
Google.com
● https://www.pngitem.com/pimgs/m/514-5146806_cute-little-girl-clipart-hd-png-download.png
● https://www.vhv.rs/dpng/d/292-2929329_girl-girl-clipart-art-young-boy-clipart-hd.png
● https://lh3.googleusercontent.com/proxy/jenl1Q3ya7aGMFGzZF37-
s8qumALBkgY1KcqGs3Xto82Z2M0Z2iYfK75O7xKNEl2B_J4yETO-
TznGXWMpAaeuNBnnSQED6SLAA6YMmSk4CS49mYT4e2lxnYzWCzdbOtMRyNWUywBGR_qd
qXeTqqylwqM
● Araling Panlipunan 1 p.9 and p. 31 (Kagamitan ng Mag-aaral Unang •
Miranda,Noel T, Ocampo, Odilan B.,Araling Panlipunan 1 (Kagamitan
ng Mag-aaral ) Vibal Publishing p9 and 13

7|Page
Modyul 2
Ikalawang Ang Aking Pangangailangan
LInggo
Magandang araw. Handa ka na ba para sa aralin natin ngayon?

Alamin Natin

Layunin:
Nailalarawan ang pansariling pangangailan: pagkain, kasuotan at
iba pa at mithiin para sa Pilipinas.

Subukin Natin

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga larawan na nagsasaad ng


iyong pangangailangan para mabuhay.

8|Page
Balikan Natin

Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga patlang. Piliin ang inyong
sagot sa loob ng kahon.

Armando G. Servantes at Riza G. Servantes

25 T. Sulit St. Aguho, Pateros Kalakhang Maynila

Pilipinas

Kyla G. Cervantes

Hunyo 3, 2014

Ako si 1.
Ang aking kaarawan ay 2. ____________________________

Ako ay nakatira sa 3.

Sina 4. ______________at _______ang aking mga magulang.


Ako ay ipinanganak sa bansang 5. .

Tuklasin Natin

Anu-ano ang nakikita sa larawan? Bakit mahalaga ng mga ito?

_________ __________ ___________

9|Page
Suriin Natin

Panuto: Bago natin simulan ang aralin. Basahin natin ang kuwento
ni Jerico.
Isang araw, pumunta sa mall si Jerico kasama ang
kanyang nanay. Mamimili sila ng gamit ni Jerico.
Napadaan sila sa bilihan ng mga laruan. May
nagustuhan siya dito at pilit na pinapabili sa kanyang
nanay
Kinausap siya ng kanyang nanay na unahin munang bilhin ang mga
kakailanganin niya. Bumili sila ng damit at sapatos. Gagamitin niya ang
mga itong pamasok sa paaralan.
Nagtungo rin sila sa grocery para bumili ng
kanilang pagkain. May nakitang tsokolate at sitsirya si
Jerico. Gaya ng una, pilit niya itong pinapabili sa
kanyang nanay. Ayaw umalis ni Jerico hanggang hindi
nabibili ang gusto niya. Umiyak nang umiyak si Jerico.
Nilapitan siya ng kanyang nanay at kinausap . “Jerico,
sapat lang ang pera na meron tayo. Kapag binili natin ang lahat
ng gusto mo, hindi natin mabibili ang mga gamit at pagkain na
kailangan natin.” ang sabi ng nanay ni Jerico. “Kung gusto mo
mabili ang mga gusto mo, mag-aral kang mabuti para
magkaroon ka ng maayos na trabaho. At para matupad rin ang
iyong pangarap. Mabibili mo lahat ang minimithi mo.” ang wika
ng kanyang nanay. Pangarap ni Jerico na maging piloto. Tumigil
sa pag-iyak si Jerico at humingi ng tawad sa kanyang nanay.
Umuwi na sila Jerico. Napansin niya ang mga bata sa lansangan.
Napaisip siya na mag-aaral na mabuti upang maging piloto
balang araw. Nangako siya sa kanyang sarili na siya ay
makatulong sa ibang tao at sa bansang Pilipinas.

10 | P a g e
Mga Gabay na Tanong

1. Sino ang bata sa kuwento? ___________________


2. Saan sila nagpunta ng kanyang nanay? __________________
3. Anu-ano ang gusto niyang ipabili sa kanyang nanay?
_____________________________________________
4. Bakit siya umiyak?
_____________________________________________
5. Kung ikaw si Jerico, gagawin mo din ba ang ginawa
niyang pag-iyak? Bakit?
_______________________________________________

Pagyamanin Natin

A. Panuto. Ikahon ang mga larawan ng mga pangunahing


pangangailangang ibinibigay ng inyong mga magulang.

B. Panuto. Tulungan natin si Stanley na pumili ng mga damit na


susuotin niya. Guhitan papunta sa kanya ang iyong mapipili.

C. Panuto. Gumuhit sa sagutang papel ng limang (5) bagay na


kailangan ng batang tulad mo at kulayan ito.

11 | P a g e
Isaisip Natin

May iba’t ibang pangunahing pangangailangan ang bawat bata tulad ng


pagkain, damit, tirahan, at mga gamit sa paaralan. Iba-iba ang
pangangailangan ng bawat bata ayon sa lugar na kinabibilangan at
sitwasyong nararanasan.

Isagawa Natin

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang limang (5) paborito mong


masustansiyang pagkain/inumin. Kulayan ito

Tayahin Natin

Panuto: Tulungan natin si Marco na pumili ng mga larawan na kailangan ng


batang tulad niya para mabuhay. Lagyan ng tsek ( ) ang iyong mapipili.

12 | P a g e
Karagdagang Gawain?

A. Gumupit ng larawan ng iyong pangunahing pangangailangan bilang


isang bata.

B. Bilang karagdagang kaalaman, panoorin ang video gamit


ang link na ito. https://www.youtube.com/watch?v=BY-
jqZLkeu4

SANGGUNIAN

Google.com
● https://www.clipartqueen.com/image-files/lots-of-vegetables.png
● https://www.kindergartenworksheets.net/blog/wp-
content/kindergartenuploads/kindergarten-social-studies-basic-wants-needs-
worksheet.png
● https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcT4DoYn71lnk6linR6FEE_ze_j8e03P2eFx
GA&usq p=CAU
Pangunahing Pangangailangan Grade 1
● https://www.youtube.com/watch?v=bC7jksRHUFQ
● Miranda,Noel T, Ocampo, Odilan B.,Araling Panlipunan 1 (Kagamitan
ng Mag-aaral ) Vibal Publishing p20
● Most Essential Learning Competencies(MELC)

13 | P a g e
Modyul 3 at 4
Ikatlo at Ikaapat Ang Aking Paglaki
ng Linggo

Magandang araw. Handa ka na ba para sa aralin natin ngayon?

Alamin Natin

Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:
Matukoy ang mga pagbabago sa iyong buhay mula nang isilang
hanggang edad na anim na taon.

Subukin Natin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1.Alin ang naglalarawan ng pagbabago sa buhay ng
batang isang taong gulang ?
a. b. c.

2. Ang mga sumusunod ay pagbabagong nagaganap sa buhay


ng isang bata maliban sa isa.
a. Mga kayang gawin b. Pangalan c. Paglaki

3. Kailan nagaganap ang pangyayaring ito sa buhay ng


isang bata?
a. Bago mag-isang taong gulang
b. Isang taong gulang
c. Dalawang taong gulang

14 | P a g e
4. Ikaw ay tinawag ng guro mo para ikuwento ang pagbabago sa
iyong buhay. Ano ang iyong gagawin?
a. Tatayo at magkukuwento b. Tatayo lang
c. Hindi kikibo
5. Alin ang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata habang
nasa paaralan?
a. Nakakain b. Nakakapaglaro c. Natututong bumasa at
sumulat

Balikan Natin

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga larawan na iyong kailangan


upang mabuhay .

Tuklasin Natin

Bago natin simulan ang aralin, sagutin ang mga katanungan.


Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang ikinukuwento sa iyo ng mga magulang mo
tungkol sa iyo noong ikaw ay sanggol pa lamang?
2. Anu-anong mga gawain ang iyong ginagawa noong ikaw
ay dalawa hanggang tatlong taong gulang?
3. Noong ikaw ay nasa kinder,anong karanasan sa silid-
aralan ang hindi mo malimutan?
4. Anu-ano ang iyong mga nagagawa ngayong ikaw ay
anim na taong gulang na? Maaari ka bang magbigay ng
maikling kwento?

15 | P a g e
Suriin Natin

Ang timeline ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod na


pangyayari sa buhay ng isang tao.

Ito si Gerald. Gamit ang timeline ating alamin ang mga


pagbabago sa kanya simula nang siya ay isilang hanggang sa
kasalukuyan.
kasalukuyan

Pagsilang 1 taon 3- 4 5 6
gulang taong taong taong
gulang gulang gulang

Isinilang si Gerald noong Hunyo 3, 2014. Siya ay ipinanganak na


malusog. Sa bawat buwan na nagdaan marami ang nagbago sa
kanyang buhay. Unti-unti siyang natutong gumapang nang walang
tumutulong sa kanya.
Noong siya ay nag-isang taong gulang, siya ay nakakaupo na.
Unti-unting na ring nakasambit ng mga salita. Nakapagsalita siya
nang maayos sa gulang na dalawang taon. Nang tumuntong siya ng
tatlo hanggang apat na taon, natutuhan niya ang pagbilang at
alpabetong Pilipino. Pagdating niya ng limang taon, handa na siyang
pumasok bilang kinder.
Ngayon, siya ay anim na taon na. Siya ay nasa unang baitang
na. Masaya siyang nakikipaglaro at nag-aaral.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Ilagay ang inyong sagot sa


sagutang papel
1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ano ang kanyang nagagawa noong siya ay isang taong
gulang?
16 | P a g e
3. Ano ang kayang gawin ni Gerald noong siya ay tatlo
hanggang apat na taong gulang?
4. Ilang taon si Gerald nang siya ay pumasok bilang kinder?
5. Sa edad mo ngayon, ano ang mga mahahalagang
pangyayari at pagbabagong naganap sa iyong buhay

Pagyamanin Natin

A. Piliin ang inyong sagot sa loob ng kahon


Siya si Marco. Tulungan natin siyang magkwento ng mga
pangyayari sa kanya noong Kinder pa lamang siya.

masaya kaibigan guro kamag-aral Marco

Ako si __________________. Unang pagpasok ko sa


paaralan , ang pakiramdam ko ay ____________.
Marami akong nakilalang bagong _______________.
Mababait ang bago kong ____________ at ________.
B. Panuto. Isulat ang mga pangyayari sa iyo noong ikaw ay bata pa sa
tulong ng larawan. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Pagsilang 2. Isang taong gulang

3. Dalawang taong 4. Talto hanggang


gulang apat na taong gulang

5.Kasalukuyang edad

17 | P a g e
C. Panuto. Iguhit sa loob ng kahon ang iyong sarili simula sa pagsilang at sa
kasalukuyan. Isulat ang ilang pagbabago sa iyo. Gawin ito sa sagutang
papel.

Pagsilang Kasalukuyang edad

Isaisip Natin

May mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata na may


kinalaman sa kanyang paglaki simula sa pagsilang hanggang sa
kasalukuyang edad. Sila ay dumaraan at nakararanas ng
pagbabago sa katangiang pisikal at kanilang mga kayang gawin.

Isagawa Natin

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
Ako si ____________________________. Ako ay nasa
______________ baitang. _________________________ako dahil ako ay
nag-aaral. Marami akong nakikilalang bagong_______________.
May mga gawain sa bahay at sa paaralan na kaya kong gawin
tulad ng _______________________.

Tayahin Natin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagagawa ng
isang sanggol?
B. A. Magbasa B. Matulog C. Uminom ng gatas
18 | P a g e
2. Tinawag si Jerico ng kanyang guro para ibahagi ang mahalagang
pangyayari sa buhay niya. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Tatayo sa harapan at magkuwento.
B. Tatayo pero di magsasalita.
C. Mananatiling nakaupo

3. Tingnan ang timeline. Ilang taon ka na kung kasalukuyang ikaw ay


nag-aaral at nasa unang baitang?
A. 2 B. 4 C. 6

4.
Ito si Marco. Siya ay limang taong gulang. Anong
pagbabaago ang magaganap sa buhay niya?
A. Mag-aaral na siya .
B. Magsasarili na siya.
C. Magtatrabaho na siya
5. Mula sa pagsilang hanggang sa mag-isang taong
gulang ang isang bata, anong mahalagang pagbabago ang
maaaring mangyari?

A. Nagsisimula nang maglakad


B. Nakakatakbo nang mabilis
C. Alam na ang alpabeto

19 | P a g e
Karagdagang Gawain

A. Gumupit ng iyong larawan. Ilagay sa ibaba ng larawan ang mga


gawain na kaya mong gawin sa loob ng bahay. Ilagay sa long bond
paper.

B. Panoorin ang video at sagutin ang mga tanong pagkatapos ng


video.
Narito ang link ⮚
fvhttps://www.youtube.com/watch?v=DHLUw1sUL9o

● SANGGUNIAN
● Miranda, Noel P, Ocampo, Odilan B, Araling Panlipunan 1
(Kagamitan ng Mag-aaral )Vibal Publishing p.41
● https://webstockreview.net/images/girl-clipart-bunny-4.png
● https://images.clipartof.com/Clipart-Baby-Girl-With-A-Learning-
BookRoyalty-Free-Vector- Illustration-10241070994.jpg
● https://img.clipartlook.com/mother-holding-newborn-baby-in-clipart-
mother521_550.jpg
● https://fscomps.fotosearch.com/compc/CSP/CSP550/motherhelpi
ng-baby-girl-walking- clipart k71027224.jpg
https://www.youtube.com/watch?v=DHLUw1sUL9o

20 | P a g e
Modyul 5 at 6
Ikalima at Ikaanim na Ang Aking Paglaki
Linggo
Magandang araw. Handa ka na ba para sa aralin natin ngayon?

Alamin Natin

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:


1. Tukuyin ang bawat pangyayari kaugnay sa patuloy na pagbabago sa
buhay ng tao.
2. Isaayos ng mga pangyayari kaugnay sa patuloy na pagbabago sa
buhay ng tao.

Subukin Natin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga larawan ang may wastong pagkakasunod- sunod
ng mga pagbabago sa buhay ng tao?

a.

b.

c.

21 | P a g e
2. Anong larawan ang bubuo sa maayos na pagbabago sa
buhay ng tao?

a. b. c.

3. Maaaring mag-aral ang batang limang taong gulang sa ____


a. Kolehiyo b. Kinder c. Hayskul
4. Ano ang kayang gawin ng batang mag-iisang taong gulang?
a. Tumakbo b. Tumayo c. Gumapang
5. Ano ang kayang gawin ng batang anim na taong gulang?
a. Magbilang ng 1-10
b. Magbasa ng aklat sa agham
c. Maglaro ng volleyball

Balikan Natin

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali


kung di wasto ang pangungusap.
_____1. Sa edad na anim na taon, karamihan sa mga bata ay nag-
aaral na.
_____2. Ang petsa ng iyong kapanganakan ay maaring
magbago sa iyong paglaki.
_____3. Tumitigil ang pagbabagong nagaganap sa isang
bata pagdating ng anim na taong gulang.
_____4. Ang iyong mga kayang gawin ay nagbabago
habang ikaw ay lumalaki.
_____5. Ang pangalan ng bawat isa ay nananatili hanggang
sa pagtanda.

22 | P a g e
Tuklasin Natin

Siya si Liza. Ano ang masasabi mo sa kanya? Sa


palagay mo, ano ang mangyayari kay Liza pagkatapos ng
isang taon? May pagbabago kaya? Bawat isa sa atin ay
may nararanasang pagbabago sa ating paglaki. Matutunan
mo ang mga pagbabagong iyan sa ating aralin ngayon.

Suriin Natin

Bago natin simulan ang aralin. Ating basahin ang kuwento ni Lucy

Si Lucy ay isinilang na malusog . Madaming binigay sa


kanyang damit at laruan noong siya ay isilang. Siyam na buwan
nang matuto siyang maglakad sa gabay na din ng kanyang
magulang. Sa unang kaarawan niya ang lahat ay masaya. May
mga bagong damit at laruan siyang natanggap. Masayang-
masaya si Lucy.
Pagdating niya ng tatlo hanggang sa apat na taon, natuto
siyang bumilang at bumigkas ng mga letra. Siya ay
nag -aral sa kinder pagtuntong niya ng limang taon.
Pagsapit niya ng anim na taon, siya ay nasa unang baitang
na. Marami siyang naging bagong kaibigan. Binilhan din siya ng
kanyang nanay ng mga bagong damit dahil hindi na kasya ang
mga lumang damit niya.
Siya ay nakapagtapos ng elementarya hanggang kolehiyo.
Nakamit niya ang kanyang pangarap na maging isang doktor .

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ang inyong sagot sa


sagutang papel.
1. Sino ang isinilang na malusog na bata?
2. Kailan siya natutong maglakad?
23 | P a g e
3. Ilang taon siyang nang matutong magbilang at
magbasa ng alpabeto?
4. May pagbabago ba sa kanyang sarili at gamit? Anu-
ano ang mga iyon?
5. Ikaw, anu-ano ang mga pagbabago sa iyo simula ng
ikaw ay isilang hanggang sa kasalukuyan?

Pagyamanin Natin

Panuto. Ayusin sa tamang pagkakasunud-sunod . Isulat ang A,B,C,D at E


sa bawat larawan tanda ng pagkasunod-sunod:

Panuto: Nagbabago ang mga gamit ng isang bata habang lumalaki.


Lagyan ng tsek (✓) ang mga larawan ng mga gamit mo noong ikaw ay
sanggol pa lamang at lagyan ng ekis(X) ang mga bagay na gamit mo
ngayon.

1 2 3 4 5

Panuto: Isang pagbabagong nagaganap sa isang bata ay ang matutong


gumawa. Ikahon ang mga kayang gawin ng isang batang tulad mo.

1 2 3 4 5

24 | P a g e
Isaisip Natin

Ang bawat tao ay nakararanas ng pagbabago sa kanyang pisikal na anyo.


Kasabay ng mga pagbabago sa kanilang katawan ang pagdami ng mga
kaya nilang gawin.

Isagawa Natin

Nababago ang mga gawain ng isang bata sa kanyang paglaki. Iguhit sa


loob ng mga kahon ang iyong nagagawa sa iba’t ibang panahon. Gawin
ito sa sagutang papel.

1 Taon 3 Taon 6 ng Taon

Tayahin Natin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga nasa ibaba ang nagsasaad ng tamang pagkakasunod-
sunod ng pagbabago sa buhay ng isang tao?

a. b. c.

2. Alin ang angkop na pagkakasunod- sunod ng mga larawan?


a b c d e

a. e,d,a,b,c b. d, b,a,c,e c. a,b,c,d,e

25 | P a g e
3. Ang batang nasa edad na 6 na taong gulang ay dapat na
nag- aaral na sa __________.
a. pangalawang baitang c. apat na baitang
b. unang baitang
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto?
a. Ang sanggol ay ipinanganak at nanatiling sanggol na lamang.
b. Ang sanggol na ipinanganak ay lalaking hangang anim na
taong gulang lamang
c. Ang sanggol ay ipinanganak na patuloy ang pagbabago sa
anyo, katawan, pag-uugali at sa mga kagamitan.
5. Sa isang batang katulad mo ang pagbabagong nagaganap
sa iyong buhay ay mahalaga.
a. Opo b. Hindi po c. Hindi ko po alam

Karagdagang Gawain

a. Gumawa ng timeline ng iyong buhay. Magdikit ng larawan mo noong


ikaw ay sanggol hangang sa ikaw ay anim na taong gulang. Sundan
ang pattern sa ibaba. Idikit ito sa sagutang papel

Pagsilang 1 taon 2- 3 taong 5 taong 6 taong


gulang gulang
gulang gulang

b. Para sa karagdagang kaalaman panoorin ang video sa link na


ito.
https://www.youtube.com/watch?v=5OVNUuAj2ig
https://www.youtube.com/watch?v=78u3JUJ8Drk
SANGGUNIAN
● Miranda,Noel T, Ocampo, Odilan B.,Araling Panlipunan 1
(Kagamitan ng Mag-aaral ) Vibal Publishing pages .37 and 41
https://thumbs.dreamstime.com/b/lawyer-cartoon-character-holding-bag-
happylawyer- businessman-suit-tie-cartoon-character-holding-overnight-
bag-
135364762.jpg https://png.pngtree.com/png-clipart/20190905/original/pngtree-
boy-who-isstudying-for- the-college-entrance-examination-png-image_4522686.jpg
https://www.youtube.com/watch?v=cflfbrBR2vE

26 | P a g e
Modyul 7 Pagpapahalaga sa
Ikapitong Sarili
Linggo

Alamin Natin

Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:
Maihambing ang sariling kwento o karanasan sa buhay sa
kwento o karanasan ng kamag-aral bilang miyembro ng
pamilya.

Subukin Natin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang ________ ng bata ay may mga kwento o karanasan sa
buhay.
A. ilan B. lahat C. marami
2 . Masayang magkuwento ng sariling karanasan bilang
miyembro ng pamilya sa harap ng kamag-aral.
A. Siguro po B. Opo C. Hindi po
3. Si Stanley ay laging tumutulong sa mga gawaing bahay. Ito
rin ang ginagawa ng kanyang kuya nang pareho ang kanilang
edad. Anong kaugalian ang taglay ng magkapatid?
A. Maawain B. Masinop C. Masipag
4. Nakangiting nakikinig si Joana sa kanyang kamag-aral
habang nagkukwento ito ng mga karanasan niya. Naranasan din
kasi niya ang sinasabi ng kanyang kamag-aral. Ano ang
maaring nararamdaman ni Joana habang nakikinig?
A. Masaya B. Naiinis C. Nalulungkot

27 | P a g e
5. Si Kyla ay limang taong gulang. Si Princess ay limang taong gulang
din. Sila ay sabay na pumapasok sa paaralan. Ano ang
magkatulad na karasanan ang nararanasan nila?
A. Mag-aral B. Maglaro C. Mamasyal

Balikan Natin

Panuto: Lagyan ng bilang ang bawat larawan upang makita ang


wastong pagkakasunud-sunod. (1- 5)

` _______________ ______________ ________________ _______________ ______________

Tuklasin Natin

Ano ang nakikita sa larawan? Saan kaya sila pupunta? Ano ang
iyong karanasang di malilimutan noong ikaw ay kinder?
Magkakatulad ba ang karanasan ng bawat bata?

Suriin Natin

Panuto: Bago natin simulan ang aralin.Basahin ang maikling kuwento.

28 | P a g e
Siya si Ana. Unang araw ng pagpasok niya sa
paaralan. Gumising siya nang maaga.
Naghanda siya sa pagpasok . Inihatid siya ng
kanyang ina sa silid– aralan. Nag-iiyak na si Ana nang
iwan ng kanyang ina sa kanyang upuan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ang inyong


sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Anong baitang na si Ana?
3. Sino ang naghatid kay Ana sa paaralan?
4. Katulad ka rin ba ni Ana na umiiyak kapag hinatid ng iyong
nanay sa paaralan?
5. Kung ikaw ang kaklase ni Ana ano ang iyong sasabihin para
tumigil siya sa pag-iyak?

Pagyamanin Natin

A.Panuto: Lagyan ng puso ang mga pahayag na pareho


dapat ninyong `ginagawa ng iyong kapatid sa loob ng iyong
tahanan at bilog sa hindi dapat. Isulat ang inyong sagot
sa patlang.

_______1. Naglilinis ng bahay


_______2. Nagtutupi ng damit
_______3. Nagkakalat ng laruan
_______4. Nagdidilig ng halaman
_______5. Nagsisigawan sa bahay

B.Panuto: Basahin ang mga sumusunod at alamin ang


pagkakaiba ng bawat bata. Sagutin ang tanong sa ibaba at
ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

29
Ako si Bito. Noong ako ay Ako si Lara. Noong ako ay
isang taong gulang pa isang taong gulang pa
lamang nakakalakad na lamang ay nakakagapang
ako. pa lamang ako.

1. Ilang taon natutong maglakad si Bito?


2. Ilang taong gulang natutong gumapang si Lara?
3. Sino sa dalawang bata ang mabilis natutong maglakad?
4. Magkaparehas ba ang pagbabagong naganap sa kanila?
5. Sino sa dalawang bata ang may katulad ng naranasan mo?

C. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga bilang na nagpapakita


ng mga karanasang naranasan mo at ng nakararami sa
iyongkamag-aral at ekis ( X ) sa hindi.
__ 1. Paglakad nang mag-isa ng 8 buwang gulang pa lamang.
__ 2. Kakayahang maglakad, tumakbo at maglaro sa edad na 3.
__ 3. Pagbabasa noong tatlong taong gulang na.
__ 4. Kakayahang kumain mag-isa noong 5 na taong gulang na.
__ 5. Pagpasok sa paaralan sa edad na lima.

Isaisip Natin

Habang ang bata ay lumalaki, may mga karanasan o


kwentong nararanasan na maaaring katulad ng sa ibang mga
bata. Ang mga kwento o karanasang ito ay maaaring
makatulong upang umunlad ang sarili.

30
Isagawa Natin

Gumuhit ng larawan ng nais mong maranasan kasama ang iyong


pamilya. Kulayan ang iyong ginawa. Gawin ito sa long
bondpaper

Tayahin Natin

Basahin ang mga sumusunod at isulat ang letra ng tamang sagot.


1. Si Charlie ang tagabili ng pangangailangan sa kanilang
bahay. Noong ang ate niya ay katulad ng kanyang
edad, siya din ang gumagawa
ito. Ano ang pagkakatulad ni Charlie at ng ate niya? Ang
kanilang _______
A. inaayawang gawain B. kayang gawin C. libangan
2. Kinukuwento ng nanay ni Mika na noong anim na taong
gulang siya ay marunong na siyang magdilig ng halaman.
Ito ay ginagawa ni Mika ngayon. Anong gawain ang
kayang gawin ni Mika na ginagawa ng nanay niya noon?
A. Magdilig ng halamanan B. Maglaba ng damit
C. Magtanim ng halaman
3. Dapat bang ikahiya ang pagkukuwento ng iyong karanasan
gaya ng paggawa ng mga gawain sa bahay sa harap ng
iyong kamag-aral?
A. Hindi po B. Tama po C. Opo
4. Habang nagkukuwento si Calvin ng kanyang pagtulong sa
kanyang pamilya ay naiisip din ni Jose ang kanyang
pagtulong sa kanyang pamilya. Ano ang pagkakatulad ni
Calvin at Jose ?
A. Pag-aaral sa bahay
B. Paglalaro sa bahay
C. Pagtulong sa gawaing bahay

31
5. Ang bawat bata ay may kwento o karanasan sa buhay.
Maaaring ito ay katulad ng kwento o karanasan ng iba pang
mga bata.
A. Hindi po B. Mali po C. Tama po

Karagdagang Gawain

A. Panuto. Gumupit ng larawan ng iyong karanasan ngayon na


naranasan din ng iyong mga kapatid, kaibigan o pinsan
noong kasing edad mo sila. Ilagay sa long bond paper.
B. Panuto. Panoorin ang video at gawin ang pagsasanay dito.
https://www.youtube.com/watch?v=B1YqysiWXe4

SANGGUNIAN
Google.com
 https://www.google.com/search?q=baby+boy+walking+with+toy+clip
https://www.google.com/search?q=crying+clipart&tbm=isch&ved=2a
hUKEwiq8-uNqcnqAhX9xosBHYZ5DfEQ2-
 Most Essential Learning Competencies Matrix page 25
 Miranda, Noel P, Ocampo, Odilan B, Araling Panlipunan 1 (Kagamitan ng
Mag-aaral )Vibal Publishing, 2012 Edition, page 41

32
Modyul 8
Ikawalong Ang Aking Pangarap
Linggo

Magandang araw. Handa ka na ba para sa aralin natin ngayon?

Alamin Natin

Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:
Maipagmalaki ang sariling pangarap ninananis sa
pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan.

Subukin Natin

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay tawag sa iyong ninanais sa iyong paglaki.
A. Hilig B. Panaginip C. Pangarap
2. Tinawag ka ng iyong guro para ibahagi ang iyong
pangarap. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatayo at iiyak
B. Mananatiling nakaupo
C,Tatayo ako at ibabahagi ang aking pangarap.
3. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita na
hindi nakamit ng isang bata ang kanyang pangarap ?

A. B. C.

33
4. Dapat ipagmalaki ng batang tulad mo ay ang iyong
pangarap?
A. Siguro po B. Opo C. Hindi po
5. Ano ang gagawin mo para makamit mo ang iyong
pangarap?
A. Mag-aaral mabuti B.Maglalaro lagi C. Manonood ng TV

Balikan Natin
-

Isulat ang kung tama ang pahayag at kung mali.


at

_____1. Ang bawat bata ay may mga kwento o karanasan sa


buhay.
_____2. Ang aking karanasan ay maaaring katulad ng
karanasan ng aking kaibigan.
_____3. Maging masaya sa malungkot na karanasan ng iba.
____4. Matuwa kung magkatulad ang masayang karanasan
mo at iyong kamag-aral.
_____5. Mainis kung pareho kayo ng karanasan ng iyong pinsan.

Tuklasin Natin

Sinu-sino ang nasa larawan? Nais mo bang maging tulad


nila?Alin sa larawan ang nais mong maging sa iyong paglaki?
Bakit? Magkakatulad ba ang pangarap ng lahat ng bata?

34
Suriin Natin

Ako si Rosa.
Mahilig akong maglaro ng baril barilan.
kasama ko ang aking mga kaibigan.
Nais kong tumulong
upang krimen ay mawala
at maging maayos itong ating bansa.
Upang matupad ang aking pangarap,
nararapat na ako ay magsumikap.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Ilagay ang inyong sagot


sa sagutang papel.
1. Ano ang hilig gawin ni Rosa?
2. Sino ang kanyang mga kasama?
3. Ano kaya ang pangarap ni Rosa?
4. Ano ang nais niyang maging maayos?
5. Ano ang nararapat gawin ni Rosa upang matupad ang
kanyang pangarap?

Pagyamanin Natin

A. Panuto: Tignan ang mga larawan sa ibaba. Bilugan ang


mga larawan na nagpapakita ng paraan upang matupad
ang pangarap.

35
B. Panuto: Iguhit ang masayang mukha (☺) kung ang isinasaad ng
mga sitwasyon ay pagmamalaki sa pangarap at malungkot na
mukha ( ) kung hindi.

________1. Masayang ikinukuwento ni Lorna ang kanyang


pangarap sa kanyang mga kamag-aral.
________2. Si Susan ay hindi nahihiyang magsabi ng kanyang
pangarap sa kanyang klase.
________3. Madalas na nasasabi ni Carlo ang kanyang
pangarap na maging doktor.
________4. Hindi makatutulong ang pagsisikap upang
matupad ang mga pangarap.
________5. Gusto mong maging guro kaya lagi kang nag-
aaral at nakikinig sa iyong guro.

C. Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang isinasaad ng


pangungusap ay wasto at Mali kung ito ay di wasto.

_______1. Ang pangarap mo ay matutupad kung ikaw ay


mag-aaral mabuti.
_______2. Mahalaga ang pangarap sa isang bata. Ito ay isa sa
kanyang gabay para makamit ang tagumpay sa
buhay
_______3. Ang pangarap ay sagabal lamang sa paglalaro.
_______4. Mas mainam na walang pangarap ang batang
tulad mo.
_______5. Sa tulong at gabay ng ating mga magulang ang
ating mga pangarap ay matutupad.

Isaisip Natin

Ang bawat bata ay may sariling pangarap. May kailangang


gawin upang makamit ang iyong pangarap.

36
Isagawa Natin

1. Sino- sino ang mga nasa larawan?


2. Ano ang mangyayari kung wala ang mga taong tulad nila?
3. Ano ang dapat mong gawin para makamit mo ang iyong
pangarap?
4. Dapat mo bang ikahiya ang iyong pangarap?Bakit?
5. Paano mo maipapakita ang pagtulong sa kanila?

Tayahin Natin

Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.


______1. Gusto ni Ana na tumulong sa mga taong may sakit kaya
siya nag- aaral mabuti. Ano ang pangarap ni Ana?
Maging __________________
A. abogado B. guro C. doktor
______2. Sino ang maaaring makatulong sa iyo upang matupad
ang iyong mga pangarap? Ang iyong ___________
A. mga magulang B. mga kapitbahay
C. mga kalaro
______3. Ano ang tawag sa bagay na nais mong matupad sa
buhay?
A. Panaginip B. Pangarap C. Layunin

37
______4. Si Jose ay nag-aaral mabuti dahil gusto niyang magturo
at ibahagi ang kanyang kaalaman. Ano kaya ang nais
ni Jose sa kanyang paglaki? Maging _________
A. doktor B. inhinyero C. guro
______5. Mahalaga ba ang pangarap sa batang tulad mo?
A. Opo C. Hindi po C. Ewan po

Karagdagang Gawain

A. Iguhit at kulayan ang inyong ninanais o pangarap paglaki.


Gawin ito
sa long bond paper.
B. Panoorin ang video at sagutan ang gawain dito. Narito ang link
https://www.youtube.com/watch?v=-3Ui-TnQ7wI

SANGGUNIAN
Google.com
https://www.google.com/search?q=fronliners+drawi
ng&tbm=isch&ved=2ahUKEwjxpa-
dtMnqAhUPEKYKHY43DnQQ2- https://www.youtube.com/watch?v=LRnrpdaWUh8
cCegQIABAA&safe=active#imgrc=HQ42oD8lKLA9O
Miranda, Noel P, Ocampo, Odilan B, Araling Panlipunan 1 (Kagamitan ng
Magaaral )Vibal Publishing, 2012 Edition, page 49

38
Mga Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat Tagasuri Tagaguhit/Tagalapat

Larni Jane Tulalian Cheryl Ibarreta Criselle G. Ferreras


Paula Luz M. Maur Carol C. Jinahon Riza Magabilen
Mary Grace B. Lina Joseph B. Son
Rhea Q. Santos Lily Anne Andrade
Jeanylin L. Pasquin
Jovy Bagaporo
Janette O. Diego
Buenafe A Lacro
Alicia E. Calces
Ruth R. Aquino

TAGAPAMAHALA

Chairperson: MARGARITO B. MATERUM, OIC-SDS


Vice Chairman DR. GEORGE P. TIZON, Chief SGOD
DR. ELLERY G. QUINTIA, CIDG Chief
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS-AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS-LRMS/ALS

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ


Secretariat: QUINN NORMAN O. AREZA, JD
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

School Head-In-charge: Josefina R. Granada (Primary)


Dr. Ma. Cheryl S. Fernandez (Intermediate)
Content Validator: Carol C. Jinahon

Printing Sponsor: City Government of Taguig

39

You might also like