You are on page 1of 9

2

MOTHER TONGUE BASED-


MULTILINGUAL EDUCATION
IKATLONG MARKAHAN - MODYUL 1

UNANG LINGGO

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?
Magandang araw! Kumusta ka na? Handa ka na bang magsimula para
sa mga bago mong aralin?
Narito ang iyong mga gawain sa Mother Tongue para sa linggong ito.
Sa modyul na ito, ay muli na namang mahahasa ang iyong angking galing
at kakayahan. Dito mo matututuhan ang iba’t-ibang aralin na
makakatulong para higit na malinang at mapaunlad ang iyong kaalaman sa
pagbabasa at pagsusulat.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na matututuhan at
maisasagawa mo ang sumusunod :
⮚ Nakikilala at nakasusulat ng maikling sanaysay na naglalaman ng
mahahalagang elemento gaya ng tauhan, tagpuan at balangkas
(suliranin at solusyon) na sumusunod sa kumbensyunal na pagsusulat.

Aralin Elemento Ng Isang


1 Kuwento

Ano ako magaling?


Handa ka na bang simulan ang mga gawain? Narito ang unang pagsubok.
Huwag kang mag-alala kung hindi mo pa ito alam, tiyak kong sa mga
susunod na pagsubok ay kayang-kaya mo na ito. Maaari mo nang simulan
ang pagsagot.

Tukuyin ang elemento ng kuwento ng may salungguhit na mga salita at isulat


ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Magiliw na nag-uusap sina Langgam at Tipaklong.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Pangyayari
_____2. Nakatira sina Langgam at Tipaklong sa bukid.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Pangyayari
_____3. Nag-iipon ng pagkain si Langgam samantalang laro lang ng laro si
Tipaklong.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Pangyayari
_____4. Nabahala si Tipaklong ng dumating ang bagyo.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Pangyayari
_____5. Nagtungo si Tipaklong sa bahay ni Langgam at malugod siya nitong
pinatuloy.

3
A. Tauhan B. Tagpuan C. Pangyayari

Ano ang balik-tanaw ko?

Ano ang paborito mong kuwento? _______________________________


Sino-sino ang mga tauhan sa paborito mong kuwento?
______________________________________________________________
Saan naganap ang kuwento? ___________________________________

Ano ang gagawin ko?

Ngayon ay simulan mo na ang pagtuklas sa bagong kaalaman. Inaasahan


kong ikaw ay nananabik nang muling matuto. Handa ka na ba?

Basahin ang buod ng kuwento.

Ang Batang Matapat


Akda ni Babylen Arit Soner

Maagang pumasok si Mona sa paaralan. Nakakita si Mona


ng isang pitaka sa kanyang paglalakad papunta sa silid-aralan.
Ibinigay ni Mona kay Gng. Maulawin ang napulot niyang pitaka.
Ipinagbigay alam ni Gng. Maulawin ang pagkakapulot ni Mona
sa pitaka pagkatapos ng pagtataas ng watawat. Pinuri at
pinasalamatan ng may-ari si Mona.

Sagutan:
1. Ano ang pamagat ng kuwento? _____________________________
2. Sino ang batang matapat? _________________________________
3. Ano ang nakita ni Mona sa kanyang paglalakad? ______________
4. Ano ang ginawa ni Mona? __________________________________
5. Tama ba ang ginawa ni Mona? Bakit? ________________________

Ano ang kahulugan?

Sagutan ang Story Map na makikita.

Story Map
Pamagat:
Tauhan:

4
Sino-sino ang mga kumikilos, nagsasalita o gumagalaw sa kuwento?
Tagpuan:
Saang lugar o pook nangyari ang kuwento?
Pangyayari:
Ano-ano ang mga mahahalagang naganap sa kuwento?

Pag-aralan ang Story Map sa itaas.


Ano-ano ang mga elemento ng kuwento? Ano ang tawag sa gumaganap
sa kuwento? Ano ang tawag sa lugar na pinangyarihan ng kuwento?
Ano naman ang tawag sa mahahalagang kilos o galaw ng isang kuwento?
Ngayon ay alam mo na ba ang mga elemento o sangkap ng isang
kuwento?
Ang mga sangkap o elemento ng isang kuwento ay tauhan, tagpuan
at pangyayari.
Tauhan- tumutukoy sa mga kumikilos, nagsasalita o gumagalaw sa kuwento.
Tagpuan- ito naman ang pook/lugar kung saan nangyari ang kuwento.
Pangyayari- ito ang mga mahahalagang kilos o galaw na naganap sa
isang kuwento.

Ano pa ang gagawin ko?


Upang higit pang mahasa ang iyong kakayahan sa iyong aralin, subuking
sagutan ang mga sumusunod na gawain. Handa ka na ba?

Gawain 1

Isulat sa patlang kung ang nakasalungguhit na mga salita o pangungusap


ay TAUHAN, TAGPUAN o PANGYAYARI.

_____________1. Si Pagong at si Matsing ay magkaibigan.


_____________2. Nakakita ng puno ng saging sina Pagong at Matsing at kanila
itong pinaghatian. Itinanim nila ang bawat parte ng saging
na napunta sa kanila.
_____________3. Namatay ang itinanim ni unggoy samantalang nabuhay at
namunga ang kay Pagong.
_____________4. Natinikan si Matsing dahil kay Pagong kaya siya nagalit.
_____________5. Malapit sa tabing ilog nakatira sina Pagong at Matsing.

5
Gawain 2
Isulat ang titik (A) kung tumutukoy sa tauhan, (B) kung tagpuan at (C) kung
pangyayari ang pangkat ng mga salita.
_____1. Frielin at Spren Gel
_____ 2. Sa Nueva Ecija
_____ 3. Naglaro sila ng tagu-taguan
_____ 4. Sa bakuran
_____ 5. Si nanay at tatay

Gawain 3
Basahin ang buod ng kuwento at isulat ang hinihinging sangkap o elemento
sa ibaba.

Natakot
Akda ni Rejulios M. Villenes

Isang gabing madilim, naglalakad ang magkakaibigang sina Tino at


Lito sa kalsadang malapit sa kakahuyan. Bigla na lang silang nakarinig ng
isang mahinang sitsit. “Narinig mo ba iyon Tino?,” tanong ni Lito. “Oo Lito.
Siguro ay huni iyon ng isang ibon,” sagot ni Tino. Maya-maya, nakarinig sila
ng malakas na pagaspas na parang isang malaking ibon na lumilipad.
Walang tanong tanong na kumaripas ng takbo ang dalawa.
Tukuyin ang mga sumusunod:
Pamagat: ________________________________________________________________
Tauhan: __________________________________________________________________
Pangyayari: ______________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ano ang natamo ko?

Naunawaan mo ba ang iyong aralin ngayon?


Ano-ano ang mga sangkap o elemento ng isang kuwento?
Ang tauhan, tagpuan at pangyayari ang mga sangkap o elemento
ng isang kuwento.
Tauhan- ang mga kumikilos, nagsasalita o gumagalaw sa kuwento.
Tagpuan- ang pook/lugar kung saan nangyari ang kuwento.
Pangyayari- mahahalagang kilos o galaw na naganap sa kuwento.
(hango sa Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual Education: Rex Book Store
Inc., p. 149)

6
Ano ang kaya kong gawin?

Basahin ang kuwento at isulat ang sangkap o elemento nito gamit ang Story
Map.

Ang Paalala ni Nanay


Akda ni Raymond C. Francia

Kumakain ng tsokolate sina Melody at Herman habang nanonood


ng telebisyon isang gabi. Pasalubong ito ng kanilang nanay pagdating
niya galing opisina noong hapong iyon. “Huwag ninyong uubusin lahat
ang laman ng isang kahon ng tsokolate at baka sumakit ang inyong
ngipin. Magsipilyo din kayo bago matulog,” paalala ng kanilang nanay.
Waring walang narinig sina Melody at Herman.

Punan ang mga sumusunod gamit ang kuwentong iyong binasa.


Pamagat: ________________________________________________________________
Tauhan: __________________________________________________________________
Tagpuan: ________________________________________________________________
Pangyayari: ______________________________________________________________

Kumusta na ang target ko?

Ngayon ay sukatin natin ang iyong natutuhan sa modyul na ito. Tiyak kong
kayang-kaya mo ito. Basahin at intindihing mabuti ang panuto.

Isulat sa patlang kung anong sangkap o elemento ng kuwento ang tinutukoy


ng may salungguhit na mga salita.
_____1. Nakatira si Leon at Daga sa kagubatan.
_____2. Bitiwan mo ako kaibigang Leon sabi ni Daga.
_____3. Naglalaro si Daga habang tulog si Leon.
_____4. Tinulungan ni Daga si Leon upang makawala.
_____5. Mabuting magkaibigan sina Leon at Daga.

Ano pa ang kaya kong gawin?


Pumili ng isang paborito mong basahin na kuwento at punan ang Story Map
na makikita.

7
Sangkap o Elemento ng
Kuwento

Pamagat Tauhan Tagpuan Pangyayari

PULSO NG MAG-AARAL
Lubos na natuto sa aralin.

Katamtamang naintindihan ang aralin.

Nahirapang intindihin ang aralin.

Sanggunian

A. Aklat

Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual


Education: Rex Book Store Inc. p. 99, 148-151

8
Development Team of the Module

Writer: ABIGAEL AYBEE P. BELISARIO

Editors:

Content Evaluators: MONALIZA D. CABALLERO

MYRZELLE YANZE

Language Evaluators: SHEILA MARIE D. ABONIN

DONNABEL F. BALANTAC

Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO

Illustrator:

Layout Artist:

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS

DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief


DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like