You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN
KIT SA FILIPINO 2
PAMAGAT NG ARALIN:

MGA MAGAGALANG NA SALITA

Kuwarter 1 MELC No.2

MELC: Nagagamit ang magalang na pananalita sa


angkop na sitwasyon ( pagbati, paghingi ng pahintulot,
pagtatanong,pagtatanong ng lokasyon ng lugar,
pakikipag-usap sa matatanda, pagtanggap ng
paumanhin, pagtanggap ng tawag ng telepono,
pagbibigay ng reaksyon o komento )
( F2WG la-1, F2WG lla-1,F2WG llla-g-1,F2WG IV-g-1,
F2WG Iva-c-1, F2WG IVc-1 )

Pangalan ng Guro: FLORDELIZA T. TUGADE (TEACHER III )


Paaralan: FLORA ELEMENTARY SCHOOL
Distrito: STO.DOMINGO – SAN ILDEFONSO

1
KUWARTER 1
GABAY NG MAG-AARAL
SA PAGKATUTO BILANG 2
(MELC #)

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Magandang araw, kumusta ka? Masaya ka ba?


Maligayang pagsasama muli sa araw na ito.
Ngayon ay matututunan mong gumamit ng mga
magalang na salita sa lahat ng sitwasyon, kagaya ng po
at opo. Marapat lamang na unawaing mabuti ang iyong
binabasa para masagot nang wasto ang mga iba’t
ibang inihandang gawain sa sariling linangan kit na ito.
Puwede mong balikan ang iyong binasa kung mayroon
kang hindi maintindihan.

Handa ka na ba?

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin,ikaw ay inaasahang:
= nagagamit ang magalang na pananalita
sa angkop na sitwasyon.
= naipakikita ang pagkamagalang sa
kapwa
= nakasusulat ng maikling kuwento tungkol
sa pagkamagalang sa kapwa

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL

Subukin ang iyong galing! Sagutin ang


gawain na ito.

PANUTO: Ano ang dapat mong sabihin kung:

1. Gusto mong dumaan sa gitna ng dalawang


nakatatandang nag-uusap?

___________________________________________________
2. Nasagi mo ang pagkain ng lola sa tabi mo?

___________________________________________________
3. Binigyan ka ni ate ng pagkain?

___________________________________________________
4. Gusto mong hiramin ang laruan ni kuya?

___________________________________________________
5. Nakita mong maraming bitbit na gamit ang iyong
guro?
___________________________________________________

3
MAIKLING PAGTALAKAY
Ang pagiging magalang ay isa sa mga
pinakamagandang katangian ng isang
batang Pilipino. May mga salitang
ginagamit para sa bawat sitwasyon tulad
ng PO at OPO at ilan pang mga katagang
makikita mo sa ibaba:

• “Makikiraan po..”
• “Pasensya na po kayo..” o “Patawad
po..”
• “Ako na po ang magbibitbit ng mga
gamit niyo.”
• “Magandang umaga po!”
• “Magandang tanghali po!”
• “Magandang gabi po!”
• “Pakiabot po..”
• “Paalam po..”
• “Salamat po..”
• “Ipagpaumanhin niyo po..”

4
MGA HALIMBAWA

- Binigyan ka ng ate ng pagkain. Ang

sasabihin ay “Salamat po”.

- Nabasag mo ang baso, ang sasabihin

ay “Pasensya na po, hindi ko po

sinasadya”.

- Nasalubong mo sa umaga ang inyong

guro, ang sasabihin ay “ Magandang

umaga po.”

Naipakikita ang paggalang sa mga


nakatatanda sa pamamagitan ng
paggamit ng po at opo.

PAGSASANAY

Ngayon ay natutunan mo na ang bagong


kaalaman ukol sa pagiging magalang.
Subukin natin ang iyong galing! ☺

5
Gawain 1
Lagyan ng ( / ) ang patlang kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng paggalang at ( x ) kung hindi.

___________ 1. Sinungitan ni Leo ang kaniyang ina.

___________ 2. Mahinahong tinanong ni Bibo ang ina niya

kung gusto niyang sumama sa kaniya sa

labas ng bahay.

___________ 3. Dahan-dahang tinulungan ni Lia ang lola

na tumawid sa kalsada.

___________ 4. Tinulak ni Mimo ang lolo na nakaharang sa

kaniyang harapan.

___________ 5. Dumaan na lang basta-basta si Miko sa

gitna ng dalawang nakatatandang nag-

uusap.

Gawain 2
Lagyan ng ☺ ang patlang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paggalang at  kung hindi.

___________ 1. “Magandang umaga po, Ginang Reyes!”

6
___________ 2. “Tabi nga diyan!”

___________ 3. “Maaari po ba akong makiraan?”

___________ 4. “Ano ba ‘yan! Ang ingay mo naman,

nanay!”

___________ 5. “Ako na lang po ang magluluto ng ating

hapunan.”

Gawain 3
Isulat sa patlang ang mga magagalang na salitang
kailangan mong isagot sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Nakabasag ka ng pinggan.
_______________________________________________________
2. Dadaan ka sa gitna ng dalawang nakatatandang
nag-uusap.

________________________________________________________
3. Binilhan ka ng paborito mong pagkain ng iyong ina.

______________________________________________________
4. Nakita mo ang iyong guro habang naglalakad ka
papasok ng paaralan bandang tanghali.

_______________________________________________________

7
5. Inuutusan ka ng iyong ina na humiram ng gamit sa
kapitbahay.

________________________________________________________

PAGLALAGOM

Ang mga katagang ‘po’ at ‘opo’ ay


mga salitang nagpapakita ng pagiging
magalang.

Ilan pang mga katagang


nagpapakita ng pagkamagalang ay:

• “Makikiraan po..”
• “Pasensya na po kayo..” o
“Patawad po..”
• “Magandang
umaga/tanghali/gabi po!”
• “Pakiabot po..”
• “Paalam po..”
• “Salamat po..”

8
APLIKASYON

Gumawa ng isang maikling kuwento


tungkol sa isang pangyayari kung saan
ikaw ay naging magalang sa
nakatatanda.

_______________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang usapan sa telepono. Piliin sa loob ng


kahon ang wastong sagot sa patlang.

Anuman Maraming salamat Hello po!

Maaari Pakisabi

9
Marie: __________! Sino po sila?

Mark: Hello! Si Mark po ito. ___________ ko bang

makausap si Angelo?

Marie: Si Marie po ito. Wala po si Kuya Angelo. May

ipagbibilin po ba kayo?

Mark: _________ dalhin niya ang kanyang bola bukas?

Maglalaro kami ng basketbol pagkatapos ng

aming klase.

Marie: Iyon lamang po ba ang bilin ninyo?

Mark: Oo, iyon lamang. ____________________, Marie.

Marie: Wala pong _________________.

10
SANGGUNIAN

• Ang Bagong Batang Pinoy, LM, Grade 2, pp. 52-53


• Larawan sa pahina 4 ay mula sa pngguru.com
• Larawan sa pahina 10 ay mula sa createmepink.com
• Larawan sa pahina 10 ay mula sa vectorstock.com

11
12
• Gawain 3
1. “Pasensya nap o, hindi ko po sinasadya”
2. “Maari po ba akong makiraa?
“Makikiraan po.”
3. “Maraming salamat po.”
4. “Magandang hapon po, guro!”
5. “Sige po, masusunod poi nay.”
• Gawain 2 • Gawain 1
1. ☺ 1. X
2.  2. /
3. ☺ 3. /
4.  4. X
5. ☺ 5. x
• Balik-aral
1. “Maaari po ba akong makiraan?”
2. “Pasensya na po at nasagi ko po kayo.”
3. “Maraming salamat po.”
4. “Puwede ko po bang hiramin, kuya?.”
5. “Maaari ko po ba kayong tulungan?”
MGA SAGOT
13
• Pagtataya
1. Hellp po!
2. Maaari
3. Pakisabi
4. Maraming
salamat
5. anuman
( Maaaring magkakaiba ang mga sagot )
• Aplikasyon

You might also like