You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 4
Wastong Gamit ng Pangngalan

Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1
Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol
sa sarili, sa ibang tao at sa paligid.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit
nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa
inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito
dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin
sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na
ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan
pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
mo ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.

2
Aralin Wastong Gamit ng
1 Pangngalan sa
Pakikipagtalastasan

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita
tungkol sa sarili, sa ibang tao at sa paligid.
• Nakikilala ang pangngalan bilang simuno sa pangungusap.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa


iyong kwaderno ang letra nang wastong sagot.

1. Ang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao,


bagay, hayop, lugar at pangyayari?
A. pandiwa B. panghalip C.pangngalan D. pang-uri

2. Si Joshua ay mabait na bata. Anong bahagi ng


pangungusap ang pangngalang may salungguhit?
A. pandiwa B. panaguri C. simuno D. sugnay

3. Si Joana ay isang matalinong bata. Anong pangngalan ang


tinutukoy ng salitang may salungguhit?
A. tao B. bagay C. hayop D.pangyayari

4. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang hindi kabilang


sa pangkat?
A. nanay B. parke C. purok D. tahanan
B.
3
5. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang pangngalan?
A. Upang magamit natin ito nang wasto sa
pakikipagtalastasan.
B. Upang magkaroon tayo ng kaalaman dito.
C. Upang higit natin makilala ang mga salitang ito.
D. Upang mabigyan ito nang wastong pagpapahalaga.

BALIK-TANAW
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ibigay ang ngalan ng bawat
isa. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. ______________________

2. ______________________

3. ______________________

4. ______________________

5. ______________________

4
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,


hayop, bagay, pook, o pangyayari.

Halimbawa. Nena, aparador, pamaypay, sombrero, uwak,


parke, Pasko, Luneta

Ang pangngalan ay karaniwang ginagamit natin bilang


simuno o paksa sa pangungusap.

Halimbawa. Ang uwak ay kulay itim.


Si Nena ay masayang nag – aaral.
Nakapapawi ng init ang pamaypay.

) GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Sipiin ang mga pangunusap. Punuan ito ng angkop na
pangngalan mula sa kahon sa ibaba. Isulat ang sagot
sa inyong kwaderno.

kalalakihan kalapati modista bata keyk

1. Ang _________ ay lumilipad sa himpapawid.


2. Ang _________ ay nananahi ng bestidang isusuot ni
Aida.
3. Nagtatanim ng petsay ang mga ________ sa kanilang
likod bahay.
4. Bumili ng __________ ang kanyang ate dahil sa
kanyang kaarawan ngayon.
5. Ang mga __________ ay naglalaro ng basketball.

5
Gawain 2
Panuto: Humanap ng iyong kapareha. Gumupit ng dalawang
halimbawa ng bawat pangngalan. Idikit ito sa malinis na puting
papel (bond paper) at sumulat ng pangungusap sa ibaba nito.
Salungguhitan ang ginamit na pangngalan.

Halimbawa:

Pangungusap: Ang guro ay masipag magturo.


Masayang nakikinig sa aralin ang mga bata.

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng isang pangungusap gamit ang mga
pangngalan sa ibaba. Gawin ito sa inyong kwaderno.

1. kalungkutan
________________________________________________________
________________________________________________________

2. talampas
________________________________________________________
________________________________________________________

3. plantsa
________________________________________________________
________________________________________________________
4. kuya
________________________________________________________
________________________________________________________

5. punongkahoy
________________________________________________________
________________________________________________________
6
Gawain 4
Panuto: Sipiin ang mga salita sa inyong kwaderno. Bilugan ang
salitang hindi kabilang sa pangkat. Kilalanin kung anong
pangkat ng pangngalan ang mga ito.

1. kuya nanay ama paaralan


2. Browny Muning Luisa oso
3. relo gitara mangga nars
4. malong bahay parke kusina
5. kaarawan lobo Pasko Araw ng patay

TANDAAN

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,


bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay ginagamit
bilang paksa o simuno sa mga pangungusap.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Sipiin ang mga pangungusap sa ibaba at salungguhitan


ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap.

1. Masipag maghanapbuhay ang tatay.


2. Maglalaro kami sa parke.
3. Ang punongkahoy ay matayog.
4. Gabi – gabi siya kung umiyak.
5. Mahusay manahi ang modista.

7
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Sipiin ang mga pangungusap sa ibaba. Ikahon ang mga
pangngalang ginamit bilang simuno.
1. Si Rosa ay masipag na bata.
2. Ang nanay ni Jade Mark ay isang nars.
3. Malakas kumain ng pansit ang bata.
4. Mabilis bumasa si Kuya Romeo.
5. Matalik na magkaibigan sina Joshua at Ben.
6. Si Kiko ay mahusay maglaro ng basketball.
7. Ang aming guro ay nagtungo sa silid – aklatan.
8. Naglilinis ng silid – aralan si Joel.
9. Mabangis na kinahol ni Tagpi ang magnanakaw.
10. Maingat na iniabot ni tatay ang gunting sa nanay.

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Ang natutuhan ko sa aralin ay______________

________________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________.

8
SANGGUNIAN
Curriculum Guide
Filipino Matrix 4
Unified Lesson Plan, Baitang IV
https://www.slideshare.net/denzelmathewbuenaventura/anyo-
kayarian-ng-pangngalan
https://www.jing.fm/iclipt/u2q8y3r5y3i1e6r5/
http://clipartbarn.com/crow-clipart_6468/
http://clipart-library.com/free/park-clipart-black-and-white.html
https://www.123rf.com/clipart-
vector/family_christmas_decorating.html?sti=msy3h6yjrzrtmurmrm|
&mediapopup=96802040
https://www.shutterstock.com/image-vector/math-teacher-teaching-
children-class-illustration-484396042

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Francis Ross M. Padrelanan


Editor: Edwin Remo Mabilin EPS
Tagasuri: Ma. Teresa M. Chico, PSDS
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga
Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na naktalaga sa LRM
at Tagapag-ugnay sa ADM

9
SUSI NG PAGWAWASTO

UNANG PAGSUBOK BALIK TANAW


1. C 1. bata
2. C 2. uwak
3. sombrero
3. A
4. parke/palaruan
4. A 5. Pasko
5. A

GAWAIN I GAWAIN II
1. kalapati Ang sagot ay ayon sa natapos
2. modista na gawain ng bata. Walang tiyak
na sagot.
3. bata
4. keyk
5. kalalakihan GAWAIN IV
1. paaralan – tao
2. Luisa – hayop
GAWAIN III 3. nars – bagay
4. malong – lugar
Ang sagot ay ayon sa natapos 5. lobo - pangyayari
na gawain ng bata. Walang tiyak
na sagot.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

1. tatay 1. Si Rosa
2. parke 2. Ang nanay ni Jade Mark
3. punongkahoy 3. ang bata
4. gabi-gabi 4. si Kuya Romeo
5. modista 5. sina Joshua at Ben
6. Si Kiko
7. Ang aming guro
8. si Joel
9. ang magnanakaw
10. ang gunting

10

You might also like