You are on page 1of 38

Aralin 1

Pagmamalasakit
sa Kapwa,
Gagawin Ko
ALAMIN
NATIN
Itanong:
Ano – ano ang mga
kalamidad na naranasan
na ng ating bansa?
May karanasan na ba kayo
sa pagtulong sa mga
biktima ng kalamidad?
Ang taong may malasakit sa kapwa,
kadalasan ay pinagpapala. Marami na tayong
karanasan sa mga kalamidad na dumaan sa
ating bansa. Ang pagiging handa ay
makatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas
at makaligtas sa iba’t ibang uri ng
kapahamakan. Maging mapagmatyag tayo
sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo na sa
ating mga kalikasan.
Malakas ang
pagyanig ng
lupa.
Labis na pag –
apaw ng tubig o
paglawak ng tubig
na natatakpan ang
lupa.
Namumuong sama
ng panahon na
nagdudulot ng
kalamidad sa ating
bansa.
Mabilis na
pagkalat
ng apoy.
Malaking alon na
sumisira sa mga
kabahayan at
infrastraktura na
malapit sa
karagatan.
Pagguho ng lupa
dulot ng labis na
pag – ulan at
kawalan ng ugat
ng puno na
kinakapitan ng
lupa.
Tumulong sa Kapwa!
Ang mabuting Kristiyano ay maawain at
matulungin sa kapwa. Ito’y dahil sa ating
paniniwala na ang pgamamahal sa kapwa
ay pagmamahal sa Diyos. Mahal ng
Panginoon ang lahat, kaya Siya
tumutulong sa lahat, mahirap o mayaman
man.
Ang pagtulong sa kapwa, lalo
na kapag may sakuna o
kalamidad ay likas sa mga
Pilipino. Ito’y kaasalang Pilipino na
minana pa natin sa ating mga
ninuno na dapat gawin at
pagyamanin.
Hindi natin maiiwasan ang magalit sa
kapitbahay o kanayon kung minsan. Ngunit
kapag may sunog, baha o anumang
pangyayaring nanganganib ang kanilang
kaligtasan, hindi natin matiis na sila’y di
tulungan at damayan. Naghahandog tayo
ng damit, pagkain, at mga gamit sa
nasalanata ng kalamidad.
Bilang mag-aaral, makatulong din
tayo at an gating paaralan sa mga
taong nangangailangan. Bukod sa mga
pagkain, salapi, at damit na ibinibigay,
mabuti rin na turuan natin sila ng mga
gawaing mapagkakakitaan upang
makapagsarili sa mga darating na
araw:
Narito ang iba pang magagawa natin:
a.Ibahagi sa mga kabarangay ang anunsyo sa
radio kung may parating na bagyo
b.Itawag sa malapit na himpilan ng pulisya
kapag may nasaksihan kang krimen,
nakawan, at iba pang malubhang
pangyayari.
c. Tumawag ng saklolo kapag may emergency
na nagaganap.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anong damdamin ang nararapat maghari sa ating
puso para sa ating kapwa?
2. Bakit nararapat magmalasakit tayo sa isa’t isa?
3. Paano mo ipinakikita ang iyong malasakit sa iyong
kapwa?
4. Sino ang dapat nating gawing huwaran ng
pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa?
5. Ikaw ba ay may malasakit sa iyong kapwa?
6. Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa
kapwa?
ISAGAWA
NATIN
Itanong:
Ano – ano ang mga
sakunang nararanasan
ng ating bansa?
Gawain 1
Fact or Bluff: Lagyan ng /
kung fact ang isinasaad ng
pangungusap at X kung
bluff. Ilagay ang sagot sa
sagutang papel.
_____ 1. Ang taong may malasakit sa kapwa ay
kinalulugdan ng Diyos.
_____ 2. Huwag pansinin ang mga sakuna o krimen sa
paligid.
_____ 3. Laging isaisip at isapuso ang pagmamalasakit sa
kapwa.
_____ 4. Tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo, lindol o
lahar.
_____ 5. Pabayaang mga pinuno na lamang ng pamayanan
ang sumaklolo sa mga mamamayang
kailangan ng tulong.
Gawain 2
Pangkatang Gawain
Magpagawa ng isang dula-dulaan kung saan
ipakikita ang pagbibigay ng kayang tulong
para sa biktima ng kalamidad.
Pangkat 1- Bagyo
Pangkat 2- Baha
Pangkat 3- Sunog
Pangkat 4- Lindol
ISAPUSO
NATIN
Sa hugis pusong papel
na ibibigay ng guro,
isulat ang mga salitang
angkop para mabuo
ang idea
Ang pagbibigay ng
tulong sa mga ___
____________________ay
mahalaga upang
makapagligtas ng
buhay ng ibang tao.
Ang pagbibigay ng
________________ ay
mahalaga para
makapagligtas ng
buhay ng iba mula
sa ____________.
Mithiin Para sa Kaligtasan
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Tandaan Natin
Ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad ay mahalaga
upang makapagligtas ng buhay. Ang pagbibigay ng babala o
impormasyon ay nakatutulong din para sa kaligtasan ng marami. Lahat ng
tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa kaniya na ang lahat.
Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang wala na silang maibibigay o
maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman
na hindi na mangangailangan ng tulong ng iba.
Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay kung ano ang mayroon ka
nang bukasl sa kalooban.
Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon ka na maluwag sa damdamin
at walang inaasahang kapalit. Lubos na kasiyahan ang maidudulot nito sa
iyo. Kapag tapat at totoo ang damdamin sa pagbibigay o pagbabahagi,
tiyak na pagpapalain ka ng Maykapal at mapasasaya mo ang iyong
kapuwa.
ISABUHAY
NATIN
Itanong:
Ano ang inyong hindi
malilimutang
kalamidad na
naranasan?
PANGKATANG GAWAIN
Bawat pangkat ay bibigyan
ng sitwasyon. Isulat kung ano
ang maaari mong magawa
bilang katugunan sa bawat
sitwasyon.
• Pangkat 1- May bagyong sumalanta sa inyong lugar at
bumaha sa inyong paligid. Tanging bahay lamang ninyo ang
naiwang nakatayo sapagkat ito’y matatag. Ilan sa inyong
mga kapitbahay ay nangawasak ang mga tahanan. Ano
ang iyong gagawin?
• Pangkat 2- Namatay ang ama ng iyong kamag-aral. Paano
mo maipapadama ang iyong pagtulong sa naiwang
pamilya?
• Pangkat 3- Papauwi ka na galing sa paaralan. Nakita mong
hirap na hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada.
Ano ang iyong gagawin?
• Pangkat 4- Maraming tao ang nasalanta ng bagyong si
Bising. Anu-ano ang maaari mong gawin?
Pangako sa Pagmamalasakit sa Kapwa
Nangangako ako na magiging handa akong
tumulong at maglaan ng panahon sa mga taong
nangangailangan tulad ng ________________,
_______________________, para _______________________.
Naniniwala ako na maginging ligtas ako kung
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_______________________.

_____________________________
Lagda ng Mag-aaral
Petsa: __________________
TAKDANG – ARALIN:
OUTPUT
Magpagupit ng mga larawan ng
kalamidad. Sumulat ng talata paano
natin maiiwasan ang ganitong
kalamidad at paano tayo
makatutulong sa ating kapwa sa
ganitong pagkakataon.
SUBUKIN
NATIN
Itanong:
Paano tayo
makatutulong sa ating
kapwa sa ganitong
pagkakataon?
Pagsusuring pansarili.Lagyan
ng kaukulang / ang mga sawi
sa ibaba kung ito’y ginagawa
palagi, paminsan-minsan,, at
di-kailanman. Sipiin ang sagot
sa kwaderno.

You might also like