You are on page 1of 34

5

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship – Modyul 1:
“Produkto O Serbisyo?!”
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Modyul ukol sa E.P.P. - Ikalimang Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Araling ICT and Entrepreneurship
– Produkto o Serbisyo?

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, masusubukan natin


kung ano ang dati mong alam sa aralin na
nakapaloob sa modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa iba,t ibang paraan :
kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang iyong mga sagot sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul o hingin sa iyong
guro ang mga sagot.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o gawain


para masukat ang natutunan mo sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
at kasanayan sa tunay na buhay.

ii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


Sanggunian
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong


pantahanan o pamayanan. Mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng produkto at
serbisyo upang mabigyan ng tama at maayos na paghahanda kung alin sa dalawa
ang maaaring ialok sa mamimili batay sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Sa pamamagitan ng Modyul na ito, matutulungan ka upang matukoy ang


iyong mga kailangan at kakayahan. Matutulungan ka nitong makilala nang mas
mabuti ang iyong sarili, ang ibang tao, at ang iyong pamayanan upang makagawa
ka ng mga proyektong mapagkakakitaan. (EPP5IE-Oa-2

Subukin
Panuto: Kilalanin ang mga salita na nasa loob ng kahon. Ilagay sa tamang hanaykung
saan ito napapabilang na pangkat - produkto o serbisyo.

Manicurist suman daing na isda tinapay


mechanic guro basket Barber
gulay drayber

Produkto Serbisyo
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

4
Aralin

1 Produkto O Serbisyo?

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, nagbabago ang lahat ng mga bagay


at marami ang mga pwedeng mapagkakitaan ng mga tao. Ang ilan ay maaaring
makapagnegosyo gamit ang mga produktong karaniwang gawa sa kamay o makina.
Ang iba naman ay maaaring matagumpay sa buhay gamit ang kanilang serbisyo sa
paglilingkod ayon sa uri ng kaalaman at kasanayan sa iba’t-ibang sector sa lipunan.

Balikan

Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang mga oportunidad na maaaring


mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan. Maraming mga bagay ang kailangang
sabayan bugso na rin sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Maraming mga
oportunidad ang dumarating kasabay sa pag-angat ng buhay ng bawat mamayang
Pilipino. Ang isa sa mga mahalagang papel na ginagampanan ng isang tao ay ang
kumita at magkaroon ng kabuhayan para sa pang araw-araw na pangangailangan.

May alam ka bang mga oportunidad na maaring mapagkakitaan sa tahanan


at pamayanan? Ano-ano mga ito? Gaano kahalaga ang mga kabuhayang ito sa mga
tao?

5
Tuklasin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang produkto o serbisyo na tinutukoy sa


bawat pangungusap.

Chef laundry washer

damit gatas

Gardener carpenter

1. Tagalaba ng mga damit, kumot at iba pa.

2. Produkto ng sastre o mananahi.

3. Tagapag-alaga ng iba’t-ibang uri ng halaman.

4. Mahusay sa pagluluto.

5. Isa sa mga produkto ng baka at kalabaw.

6
Suriin

MGA PRODUKTO

Ang mga produkto ay mga ani o bunga at mga kalakal tulad ng pagkain,
damit, sapatos, gamot, appliances, sabon, alahas, sasakyan at iba pa. Maaari rin
itong mga bagay na gawa ng mga prodyuser o negosyante upang matugunan ang
mga pangangailanagn ng mga tao sa pamayanan.

Mga Uri ng Produkto:

• Durable Goods – Ito ay mga kagamitang maaaring gamitin nang matagalan.

Halimbawa: damit, sapatos, alahas, kasangkapan sa bahay, computer, mga


sasakyan at iba pa.

• Non-durable Goods – Ito ay mga produktong madaling maubos o karaniwang


ginagamit.

Halimbawa: mga pagkain, mga inumin, mga sabong pampaligo at panlaba, lapis,
papel, at marami pang iba.

MGA SERBISYO

Ang serbisyo ay isang uri ng paglilingkod o pagsisilbi gamit ang mga kaalaman
at kasanayan sa lipunan at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa
pamayanan. Ito ay nahahati sa iba’t-ibang sector gaya ng propesyonal, teknikal at
mga kasanayan. May mga serbisyo na kailangan muna makapagtapos ng kurso at
makakuha ng board o bar exam upang makakuha ng lisensiya para makapagtrabaho
sa professional service sector.

Mga Uri ng Serbisyo:

• Propesyonal – kailangan nakapagtapos ng kurso at nakakuha ng board o bar


exam upang makakuha ng lisensiya.

Halimbawa: guro, engineer, doctor, abogado, nars, pulis, accountant at iba pa.

• Teknikal – Ito ay uri ng serbisyo na nangangailangan ng mga kaalaman sa


paggawa ng mga bagay o pagkukumpuni gamit ang iyong kaalamang
technical.

Halimbawa: auto mechanic, computer programmer, electrician, computer


technician, aircraft mechanic at marami pang iba.

• Kasanayan – serbisyong nangangailangan ng mga kasanayan sa paggawa.

Halimbawa: masahista, mananahi, karpintero, pintor, barbero at marami pang iba.

7
Pagyamanin

Panuto: Ang mga nakasulat sa cards ay mga halimbawa ng iba’t ibang produkto at
serbisyo na makikita sa pamayanan. Ilagay sa tamang hanay ang bawat
salita na napapabilang sa pangkat na produkto o serbisyo.

mekaniko sapatos drayber dentista

computer radyo Security tubero


Guard

shampoo kotse

Mga Produkto Mga Serbisyo


1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

8
Isaisip

Ang mga pangangailangan ng tao ay natutugunan dahil sa iba’t ibang


produkto at serbisyong nasa pamayanan. Ang mga produkto ay mga kalakal na
nakikita o nahahawakan, samantalang ang mga serbisyo ay mga aktibidad na
ginagawa ng mga tao at makinarya.

Para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa aralin, maaaring sagutin ang


mga sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Isulat sa patlang kung Sebisyo o Produkto ang tinutukoy sa bawata bilang.
Gawin ito sa kwaderno.

1. Sila ang gumagawa ng mga pangklinikang pangrepleksolohiya o


Pagmamasahe

2. Ito ay mga pagkain na niluluto sa mga restaurant upang


matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

3. Mga nagtuturo sa mga pampublikong paaralan upang magkaroon


ng mgandanag kinabukasan ang mga kabataan.

4. Mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw.

5. Cellphones, laptops at iba pang mga gadyet na ginagamit ng mga


tao sa komunikasyon.

6. Mga drayber at tsuper na tagahatid ng mga tao sa trabaho at sa


paaralan.

7. Mga doctor at nars na tagapag-alaga ng mga taong may sakit.

8. Telebisyon at Radyo nagsisilbing libangan ng mga tao.

9. Kotse, motrsiklo at iba pang uri ng mga sasakyang ginagamit ng


mga tao araw-araw.

10. Tagagawa ng mga plano para sa pagtatayo ng mga malalaking


bahay o istraktura.

9
Isagawa

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na mga salita. Sagutin kung Produkto o
Serbisyo. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. silya at mesa
2. pagmamaneho
3. buko pie
4. pagmamasahe
5. pagtuturo

Gawain 2
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung
hindi.
1. Ang serbisyo ay mga uri ng paglilingkod na kalimitang tumutugon sa
mga pangangailangan ng mga tao.
2. Ang produkto ay ang mga bagay na ginagawa ng mga negosyante para
tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao.
3. Ang mga tao ay walang karapatang magsilbi o magtrabaho para sa mga
pangunahing pangangailangan sa pamayanan.
4. Ang pagbibigay ng serbisyo ay nababatay sa kakayahan ng isang tao
at sa kung ano ang kanyang kursong natapos.
5. Hindi pinapayagan ang isang negosyante na mamili ng produktong
maaaring ilabas sa merkado.

10
Tayahin

Panuto: Batay sa mga natutunan mo tungkol sa pagkakaiba ng mga produkto at


mga serbisyo isagawa ang sumusunod. Lagyan ng tsek (√) kung ang
tinutukoy ay produkto at ekis (X) naman kung serbisyo. Gawin ito sa
kwaderno.

1. car wash
2. pamamalantsa
3. kwintas
4. Cellphone
5. buko juice
6. Shoe Repair Shop
7. computer programmer
8. manikurista
9. hamburger
10. pantalon

Karagdagang Gawain

Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto at


serbisyong makikita sa inyong lugar o barangay. Gawin ito sa kwaderno.

Produkto Serbisyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

11
Susi sa Pagwawasto

12
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship – Modyul 2:
Angkop Ba Ang Negosyo Mo?
Alamin

Bawat tao ay may kaniya–kaniyang pamamaraan kung paano nila


matutugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan. Sa
kanilang pakikibaka sa buhay, kinakailangan ang pagtugon upang matustusan ang
mga pangunahing pangangailangan ayon sa kanilang interes, kakayahan,
karanasan at ukol kanino nakatutugon ang mga natatanging produkto at serbisyo.

Ang modyul na ito ay naglalayong matukoy ang mga taong nangangailangan


ng angkop na produkto at serbisyo bilang batayan sa maunlad at matalinong
pamumuhay. Layunin din nitong, mailapat ang iyong mga natutuhan upang
matugunan ang mga serbisyong nagbibigay tulong at tumutugon sa
pangangailangan ng bawat mamamayan.

Subukin

Panuto: Iangkop ang bawat produkto at serbisyo ayon sa taong nangangailangan


nito. Pagtambalin ang mga salitang nasa Hanay A na tumutugon sa
pangangailangan sa Hanay B. Isulat ang titik nang tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

Hanay A Hanay B
1. Gatas at pampers a. Mag-aaral
2. Sinulid at karayom b. Taong nag-aalaga at nag-aayos
ng ngipin
3. Lapis at papel c. Taong maglilinis ng kuko
4. Gamot o Medisina d. Tagasugpo ng sunog
5. Lambat at bangka e. Nag-aayos ng bahay
6. Dentista f. Tagagawa ng damit
7. Bumbero g. Sanggol
8. Manikyurista h. Mangingisda
9. Sastre i. Taong may sakit
10. Karpentero j. Mananahi
k. Nagtitinda ng isda

14
Aralin

1 Angkop Ba Ang Negosyo Mo?

Ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag at tiyaga para umasenso at


makamit ang minimithing tagumpay. Mahalagang unawain ang mga kaalaman at
kasanayan sa pagpili ng uri ng negosyo at isaalang-alang ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga tao. Pahalagahan ang personal na katangian tulad ng
pakikihalubilo at pagpapalawak ng karanasan sa pagpapatakbo ng negosyo.

Balikan

Sa nakaraang modyul tinalakay ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at


serbisyo. Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na
nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng
isang mamimili. Samantalang ang serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok
ng taong nagtatrabaho o ng isang uri ng negosyo sa mga konsyumer o mamimili.

Para lubusang maunawaan ang aralin at magkaroon ng malawak na


kaalaman, subukang sagutin ang sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Isulat sa patlang kung Sebisyo o Produkto ang tinutukoy sa bawata bilang.
Gawin ito sa kwaderno.

1. Telebisyon

2. Mekaniko

3. Accountant

4. Hamburger

5. Aklat

6. Vulcanizing Shop

7. Dress shop

8. Damit

9. Relo

10. Internet cafe

15
Tuklasin

Gawin ang sumusunod na simpleng pagsasanay upang malaman kung


gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng bawat pahayag ay wasto at MALI
kung hindi.

1. Mahalagang isaalang-alang ang tamang pagpili ng angkop na negosyo


na maaaring itayo upang makasiguro na ito ay magtatagumpay.
2. Iwasang alamin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa
pagpili ng negosyo o serbisyo na nais pagkakitaan.
3. Suportahan ang kostumer sa pagpili ng mga produkto na nais bilhin o
tangkilikin.
4. Siguraduhing mapapakinabangan ng matagal ang produktong napili ng
kostumer upang maiwasan nito ang magtampo o magalit.
5. Huwag making sa paliwanag ng mga kostumer lalo na kung ito ay
nagagalit at maraming mga sinasabi tungkol sa napiling produkto.
6. Ugaliing magbigay ng tamang payo sa mga kostumer sa pagpili ng mga
produkto.
7. Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan ng mga kostumer
kasama rito ang produktong may rasonableng presyo, mataas na
kalidad at serbisyong nagbibigay ng tulong, respeto at tumutugon sa
pangangailangan.
8. Huwag harapin ang mga kostumer na nais magtanong lamang tungkol
produkto at walang intensiyong bumili.
9. Pumili ng mga produkto o serbisyong maaaring gamitin nang walang
pangamba at ito ay hindi magiging mapanganib sa kalusugan o
kaligtasan.
10. Isaalang-alang ang mga produkto o serbisyong magaan sa bulsa.

16
Suriin

Bago pag-isipan ang uri ng itatayong negosyo, kailangang tukuyin muna kung
ano ang mga pangunahing produkto at serbisyo na kailangan ng mga tao.
Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan nila, kasama rito ang produktong
may rasonableng presyo, mataas na kalidad at serbisyong nagbibigay ng tulong,
respeto at tumutugon sa pangangailangan. Iilan sa mga taong nangangailangan ng
angkop na produkto at serbisyo ay ang mga mamimili, bawat kasapi ng pamilya,
bata o mag- aaral, pasyente o may sakit, mga manggagawa, mga taong biktima ng
sakuna at kalamidad at iba pang mga konsyumer sa pangkalahatan. Dapat alamin
kung matutugunan ba ang mga pangangailangan nila tulad ng sumusunod:
1. Maaasahang produkto at serbisyo.
2. Produktong mapapakinabangan nang matagal.
3. Mga produkto o serbisyong makatutulong sa pang-araw-araw na
trabaho, katulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, at iba
pa.
4. Mga produkto o serbisyong maaaring gamitin nang walang pangamba
na ito’y magiging mapanganib sa kalusugan o kaligtasan.
5. Serbisyong nariyan lagi sa oras na kailangan.
6. Produkto o serbisyong magaan sa bulsa.

Mayroon pa rin tayong tinatawag na emosyonal na pangangailangan ng


kostumer na kung minsan siguro ay nakalilimutan nating ibigay sa kanila.
Nangangailangan ang kostumer ng:

Suporta May mga pagkakataon na nangangailangan ng suporta ang


kostumer tungkol sa mga produktong hindi alam kung paano
gamitin.
Pagtugon Pagbibigay reaksyon sa mga hinaing ng mga kostumer.
Simpatiya Maaaring magtampo at magalit ang kostumer na hindi natugunan
ang inaasahan sa isang produkto o serbisyo.
Ginhawa Upang hindi mainip o mahirapan ang mga kostumer, kailangan ay
may wastong upuan, hindi masyadong mainit, malinis, may
mapaglilibangang magasin, diyaryo o TV habang sila ay
naghihintay.
Respeto Igalang ang desisyon ng kostumer, kahit alam mong mali ito ngunit
ayaw pa ring makinig sa paliwanag mo.
Tulong May mga kostumer na hindi alam kung ano ang maganda o
nababagay na produkto sa kanila kaya nangangailangan sila ng
payo mo.

17
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Pagtambalin sa Hanay B ang mga larawan ng taong nangangailangan ng
angkop na produkto at serbisyo na tumutugon sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Nars a.

2. Plumber b.

3. Pagkain c.

4. Fire fighter d.

5. Mag-aaral e.

18
Gawain B

Panuto: Alamin ang mga emosyunal na pangangailangan ng bawat konsyumer


upang mabuo ang crossword puzzle sa ibaba.

Pababa

1. May mga kostumer na hindi alam kung ano ang maganda o nababagay
na produkto sa kanila. Nangangailangan sila ng payo mo.

2. Pagbibigay galang sa desisyon ng bawat kostumer.

3. Ito ay kadalasang ipinakikita sa mga ekspresyong dalamhati o awa.

4. Maaaring magtampo at magalit ang kostumer na hindi natugunan ang


inaasahan sa isang produkto o serbisyo.

Pahalang

5. Pagbibigay nang agarang reaksyon sa mga hinaing ng mga kostumer.

6. Pagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao tungkol sa mga produktong hindi


alam kung paano gamitin.

19
Isagawa

Bakit kinakailangang tukuyin ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto


at serbisyo?

Isaisip

Maraming mga bagay ang dapat tandaan kung magtatayo ng negosyo o


maghahatid ng serbisyo. Maliit man o Malaki ang mahalaga ito ay kumikita at
nakapagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Upang lubusang
maunawaan ang kabuuan ng aralin, maaaring sagutin ang mga sumusunod na
pagsasanay.

Analohiya
Panuto: Batay sa ugnayan ng unang pares sa bawat bilang, pumili ng wastong pares
para sa pangatlong salita. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Guro: Mag – aaral : : Doktor :


a. pasyente b. albularyo c. kustomer d. hospital

2. Bola: Manlalaro : : Basket :


a. isda b. tindahan c. mamimili d. paninda

3. Barber: : : Carpenter : Nagpapagawa ng Bahay


a. mamimili sa palengke c. nagpapaayos ng sirang gripo
b. nagpapagupit ng buhok d. nagpapakumpuni ng sasakyan

4. Papel at Bolpen : Mag – aaral : : :


a. prutas at gulay : palengke c. laptop at Printer : Internet Cafe
b. pisara at chalk : guro d. damit at pagkain: pamilya

5. : : : Tsuper : Pasahero
a. doktor : dentista c. sastre : Manikurista
b. panadero : mamimili ng tinapay d. Electrician : Cable Wires

20
Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin kung saan naaangkop ang bawat produkto at serbisyong


nakalahad sa tsart. Piliin sa loob ng kahon ang mga taong nangangailangan nito

taong nasasakdal may nasunugan pasyente o maysaki t

sanggol o bata mamimili may sirang ngipin

may kapansanan pasahero mag-aaral

nagkukumpuni ng bahay nagkukumpuni ng sirang damit

Produkto o Nagbibigay na Taong Nangangailangan ng Angkop na


Serbisyo Produkto at Serbisyo
1. bumbero

2. school bag

3. dentista

4. wheelchair

5. abogado

6. doktor

7. bus driver

8. karpentero

9. paninda

10. andador at duyan

21
Tayahin

Gamit ang “Bubble Map”, kilalanin o tukuyin ang mga taong nangangailangan
ng angkop na produkto at serbisyo. Isulat sa kuwaderno kung ano-ano ang kanyang
mga pangangailangan.

Taong
Nangangailangan ng
Angkop na Produkto
at Serbisyo

22
Susi sa Pagwawasto

23
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship – Modyul 3:
“May Pera sa Pagbebenta!”
Alamin

Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong


pantahanan o pampamayanan, kailangan mong matutunan ang mga paraan at
paalala kung paano maibebenta ang mga natatanging paninda. Makatutulong ito
upang matiyak na ang produkto ay magiging patok sa mga mamimili at
makapagbibigay sa iyo ng tiyak na kita.

Sa pamamagitan ng Modyul na ito, matutulungan ka kung paano


makapagbenta ng natatanging paninda.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga paraan ng pagbebenta ng mga
produkto sa inyong pamayanan. Gawin ito sa iyong kwaderno.

1. Karneng baboy

a. papiraso b. nakabote c. dinosena d. kinilo

2. Itlog ng manok

a. nakabote b. nakabaso c. nakatrey d. nakatali

3. Bagoong dilis

a. nakabalot b. nakabote c. papiraso d. kinilo

4. Ginataan

a. kinilo b. nakatasa c. nakabasket d. nakatrey

5. Bibingka

a. nakabote b. papiraso c. kinilo d. nakatali

6. Kalabasa

a. dinosena b. kinilo c. nakatali d. nakabaso

7. Upo

a. dinosena b. nakatali c. kinilo d. nakatrey

8. Talong

a. nakatali b. kinilo c. dinosena d. nakabaso

9. Sitaw

a. nakasupot b. kinilo c. nakatali d. nakatasa

10. Pinya

a. nakatrey b. nakatali c. dinosena d. papiraso

2
Aralin

1 May Pera sa Pagbebenta

Sa pagnenegosyo may mga bagay na dapat isaalang-alang para maging legal


at lihitimo ang mga ito. Kung masusunod ang tamang proseso sa pagnenegosyo,
ang isang negosyante ay maaaring umasenso at kumita ng malaki.

Balikan

Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang mga negosyo na maaaring


pagkakitaan at ang mga taong nagangailangan ng ankop na produkto at serbisyo.
Ang mga ito ay maaaring gawin sa tahanan at pamayanan sa pamamagitan ng
pagtitinda.

May alam ka bang mga produktong maaari mong ibenta? Ano-ano ang mga
ito? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

3
Tuklasin

Sa pagpapatuloy ng aralin, basahin at unawain ang bawat linya ng tula.

Tindahan ni Inay

Sa aming pamayanan
Ay may tingiang tindahan,
May sariwang isda
Mga gulay na masustansiya
Prutas na makulay
Dagdagan pa ng serbisyong mahusay
Tindahan ng aking inay
Sari-saring paninda ang taglay.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa kwaderno.

1. Ano-ano ang mga nabanggit na tinda ng kanyang inay?

2. Ano ang tawag sa tindahang ito?

3. Bakit kaya ito ang itinitinda ng kanyang inay?

4. Paano ang pagtitinda ng kanyang inay?

5. Marami kaya ang bumili sa tindahan ng kanyang inay? Paano mo


nasabi?

4
Suriin

Ang Pagbebenta ng mga Natatanging Paninda

Sa pagsisimula ng isang negosyo kailangang isaalang-alang ang pagiging


masinop at malikhain. Ito ay makatutulong para mapalago at mapangalagaan ng
mabuti ang napiling negosyo. Narito ang ilang mungkahi na dapat tandaan.

1. Piliin at suriin ng mabuti ang produktong nais ibenta.

2. Maging mapanuri sa mga produktong makikita sa mga tindahan at kilatisin


ng mabuti ang presyo, klase ng materyales, sangkap na ginamit, kulay at iba
pa. Kung matibay at dekalidad ang produkto, bumili ng magkakahawig na
maaaring magsilbing gabay sa pagbuo ng panibagong produkto.

3. Para lalong mapaganda at masiguro ang kalidad ng disenyo ng isang produkto


maaaring magtanong at humingi ng mga suhestiyon mula sa mga kakilala at
mamimili.

4. Lumikha ng kaparehong produkto at subukan ang tibay nito sa pamamagitan


ng paggamit araw-araw. Maaaring ipagamit din ito sa ibang tao para sa mga
karagdagang komento kung paano mas papagandahin ang produkto.

5. Tanggapin ang mga negatibong komento kung mayroon man para baguhin at
pagandahin ang kaparehong produkto upang makamit ang kalidad nito na
maaaring tangkilikin ng mga mamimili.

6. Kung nais makapagbenta ng maramihan at makakuha ng paunang puhunan,


maaaring dumulog sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga
karagdagang konsepto sa pagdidisenyo at pagbuo ng mga produkto (product
development).

5
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at lagyan ng tsek [✓] ang bawat bilang
kung sang-ayon at (✕) naman kung hindi.

1. Ang paghingi ng opinyon sa mga kakilala at mamimili upang malaman


kung ang iyong produktong ninanais ay maaari mong gawin bilang isang
entreprenuer.

2. Kung may mga negatibong puna sa iyong produkto ay hayaan nalang at


ituloy ang pabebenta nito.

3. Ang pagpili ng produktong ibebenta na patok sa masa at madaling gawin


upang maging matiwasay at maayos ang pagtitinda.

4. Sa pamumuhunan at pagbebenta ay dapat lumapit sa Depatment of


Education.

5. Mas mabuting gumawa ng prototype o halimbawa ng ibebenta mong


produkto.

Isaisip

“I CAN BE ENTREPINOY”
Kung ikaw ay magiging isang entrepreneur balang araw, ano-ano kaya ang
mga dapat mong gawin at isaalang-alang sa pagbebenta ng mga natatanging
produkto na magiging patok sa masa? Paano mo ito palalaguin?

Magbigay ng mga magagandang katangian na aakma sa katagang “I CAN BE


AN ENTREPINOY”.

6
Isagawa

Panuto:
Magsagawa ng survey hinggil sa mga produktong ibinibenta ng mga
negosyante sa loob ng iyong barangay. Magtanong-tanong kung paano sila
nagsimulang magbenta at kung ano-ano ang mga produktong pinakamabili sa
kanila.
Sa gawaing ito, maaari kang magpatulong sa iyong mga magulang o sa mas
nakatatanda sa iyo. Huwag kalilimutang magsuot ng mask at mag obserba ng social
distancing.

Tayahin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tutugon sa patlang sa bawat


pangungusap.

Prototype produkto entreprenuer

Department of Trade and Industry innovation

1. Ang isang ay kailangang maging masinop at malikhain.


2. Pumili ng isang na nais gawin o ibenta.
3. Magmasid sa mga pamilihan ng mga kaparehong produkto upang makakuha
ng dagdag na kaalaman o hinggil sa presyo, materyal na ginamit,
sangkap, kulay at iba pa.
4. Gumawa ng o halimbawa ng naisip ng bagong produkto.
Subuking gamitin nang malaman kung gumagana at matibay ito. Maaaring
ipagamit din ito sa ibang tao para mabigyan ng ebalwasyon, komento, at
suhestiyon.
5. Kung nagnanais na mamuhunan at magbenta nang maramihan,
maaring magpatulong sa upang makakuha ng
mga ideya sa pagdedesisyon at pagbuo ng mga produkto (Product
development).

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay sa loob ng


kahon ang tsek () kung sang-ayon, (X) naman kung hindi.
SITWASYON Sang-ayon Di Sang-Ayon
1. Ang ina ni Perla ay
tindera ng karne.
Hindi niya inilagay
ang karne sa
palamigan dahil
abalang-abala siya
sa ibang ginagawa.
2. Matapos makuha
ang itlog sa pugad
ay pinagbubukod-
bukod ito ayon sa
laki. Pagkatapos ay
isinasalansan ang
mga ito sa trey.

3. Si Mang Gil ay
nagbebenta nang
lansakan at
kinilong karneng
baka sa
pamilihang bayan.

4. Ang isang mag-


anak ay uunlad
kung pabaya sa
pag-aalaga ng mga
hayop.
5. Ang pagpili ng
produkto na
mabilis maibenta
ay magdudulot ng
maraming kita.

8
Susi sa Pagwawasto

Tayahin
1. entreprenuer
2. produkto
3. innovation
4. prototype
5. Department of Trade
Industry

9
Sanggunian

Curriculum Guide EPP5IE-0b-5 p.17


Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran: Batayang Aklat ng Grade 5,
pahina 9-10
EPP-4 Batayang Aklat, pahina 2-5
EPP-4 Patnubay ng Guro, Pahina 2-4

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like