You are on page 1of 5

RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4

Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin: Paggawa ng Dayagram gamit ang Ugnayang Sanhi at Bunga mula sa tekstong napakinggan.
MELC: Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan.
(F5WG-IVb-e-13.2)

Susing Konsepto

Ang pagbibigay ng ugnayan ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap ay isang kasanayan
na lumilinang sa mapanuring pag-iisip ng mga mambabasa o tagapakinig at nagpapakita ng higit na
pag-unawa sa tekstong nabasa o napakinggan. Isang halimbawa nito ay ang pagpapahayag ng sanhi
at bunga gamit ang ibat ibang uri ng dayagram.

Ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari. Ginagamit ang
mga hudyat na pagkat/sapagkat, palibhasa, kasi, dahil, dahil sa, dahilan sa at iba pa.

Ang bunga ay tumutukoy naman sa resulta o kinalabasan ng isang naganap na pangyayari.


Gumagamit ito ng mga hudyat na kaya, kaya naman, bunga nito, tuloy at iba pa.

Halimbawa:
Maraming tao ang labis na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemyang nararanasan sa
kasalukuyan.

SANHI BUNGA
Dahil sa pandemyang nararanasan Maraming tao ang labis na
sa kasalukuyan naaapektuhan ang kabuhayan

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na teksto at tukuyin ang sanhi
at bunga gamit ang dayagram sa ibaba.

1. Nakapasok na sa lalawigan ng Occidental Mindoro ang South African variant ng COVID-19 kaya
naman gumawa ng agarang aksiyon ang lokal na pamahalaan upang maiwasan ang posibleng pagkalat
nito.
2. Muling ibinalik ang paghihigpit sa ilang lugar sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso
ng nasabing virus.
3. Sa kabilang banda, maganda rin ang naging bunga ng pandemya sa bawat pamilyang Pilipino sapagkat
hindi lamang tayo natuto ng ibat ibang gawain at hanapbuhay sa panahong ito kundi mas higit na
nabigyan ng oras ang bawat isa na magkasama-sama.
4. Matiyagang pinag-aralan ni Johanna ang mga aralin sa kanyang modyul, bunga nito naging madali sa
kanya ang pagsagot sa mga tanong sa lagumang pagsusulit.
5. Palibhasa ulilang lubos na ang batang si Mark ay maaga siyang namulat sa mga gawain upang
mabuhay.

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4

SANHI BUNGA Hudyat na ginamit


1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto at sagutin ang mga tanong. Pagkatapos, gumawa ng dayagram
na nagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga mula sa teksong iyong binasa. Salungguhitan ang
panandang ginamit sa bawat pangungusap.

Kalagayang Panlipunan sa Gitna ng Pandemya


ni Joean M. Layron

Kasabay ng paglaganap ng COVID-19 virus sa ibat ibang panig ng mundo ay ang siya ring pag-
usbong ng samu’t saring mga suliranin sa ating lipunan at pamayanan.
Isa sa labis na naapektuhan ng problemang ating kinakaharap ay ang kabuhayan ng mga tao. Marami
ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng ilang kumpanya, pabrika o mga pagawaan. Ilan sa ating mga
kababayang OFW ay napauwi rin mula sa bansang kanilang pinaglilingkuran sapagkat maging ang kanilang
employer ay apektado rin sa pangyayaring ito. Ang ilan sa mga negosyante na dati rati’y nakapagdadala ng
kanilang mga produkto sa ibang lugar ay nahinto rin sa kanilang pakikipagkalakalan dahilan sa paglilimita
ng galaw ng mga tao. Ito’y upang maiwasan ang pagkalat ng virus at ang pagkahawa ng mga tao.
Ang kalusugang pangkaisipan ay isa rin sa naging suliranin sa ating lipunan. Ito ay bunga ng
depresyon o pagkabagot hindi lamang ng mga taong dinapuan ng sakit kundi maging ng mga nakaranas ng
lockdown na mag-isa sa kanilang mga tahanan alinsunod sa ordinansang ipinatutupad ng ating pamahalaan.
Ayon sa mga eksperto, ang pisikal at mental na kalagayan ng isang tao ay maaaring mapalala ng kalungkutan
kaya kinakailangan ng suportang moral at madalas na komunikasyon mula sa kanilang mga mahal sa buhay
o di kaya ay mula sa mga taong kanilang pinagkakatiwalaan. Ang pakikipagkumustahan sa kanila gamit
ang iba’t ibang uri ng social media flatform ay makakatulong nang malaki sa kanila.
Ang pagbagsak ng ekonomiya sa ating bansa ang isa sa pinakamalalang naging epekto ng pandemya.
Malaking porsyento ng pondo ng ating pamahalaan ay ginugol sa pagpapatayo ng mga quarantine facility,
health kits at pagdaragdag ng mga pangunahing kagamitan sa mga ospital at Health Center na kailangan sa
pagsusuri at panggagamot. Kaya naman, nabawasan ang pondo na dapat sana ay inilalaan sa mga
pangunahing pangangailangan ng bansa lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
Ilan lamang ang mga ito sa hamong ating kinakaharap sa kasalukuyang panahon na sa ating sama-
samang pagkilos ay ating mapapagtagumpayan.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang paksang tinatalakay sa tekstong iyong binasa?


______________________________________________________________________________

2. Bakit maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4

3. Ayon sa binasang teksto, ano-ano ang mga bagay na naapektuhan sa panahon ng pandemya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ano-anong hudyat o pananda ang ginamit sa mga pangungusap na nagsasaad ng sanhi? ng


bunga?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong sa problemang ito ng ating bansa?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Panuto: Gumawa ng dayagram na nagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


iyong binasa

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
SANHI BUNGA Hudyat
na ginamit
Nakapasok na sa lalawigan ng Occidental Mindoro kaya naman gumawa ng agarang aksiyon ang lokal na kaya naman
ang South African variant ng COVID-19 pamahalaan upang maiwasan ang posibleng pagkalat
nito.
dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Muling ibinalik ang paghihigpit sa ilang lugar sa bansa dahil
nasabing virus.
sapagkat hindi lamang tayo natuto ng ibat ibang maganda rin ang naging bunga ng pandemya sa bawat sapagkat
gawain at hanapbuhay sa panahong ito kundi mas higit pamilyang Pilipino
na nabigyan ng oras ang bawat isa na magkasama-
sama.
Matiyagang pinag-aralan ni Johanna ang mga aralin sa bunga nito naging madali sa kanya ang pagsagot sa bunga nito
kanyang modyul mga tanong sa lagumang pagsusulit.

Palibhasa ulilang lubos na ang batang si Mark maaga siyang namulat sa mga gawain upang mabuhay. palibhasa

Gawain 2

Mga Gabay na Tanong

1. Samu’t saring mga suliranin sa ating lipunan at pamayanan sa panahon ng pandemya.


2. dahil sa paglilimita sa galaw ng mga tao
3. Kabuhayan ng mga tao, kalusugang pang-isipan at ekonomiya ng bansa
4. Mga ginamit pananda sa sanhi- dahil , sapagkat, dahilan sa
Mga ginamit pananda sa bunga- bunga ng, kaya naman
5. Sumunod sa mga kautusan ng pamahalaan gaya ng pagsuot ng facemask at faceshield, social distancing at iba
pa.

SANHI BUNGA

dahil sa pagsasara ng ilang kumpanya, Marami ang nawalan ng trabaho


pabrika o mga pagawaan

SANHI BUNGA

Ilan sa ating mga kababayang OFW ay


sapagkat maging ang kanilang employer ay
napauwi rin mula sa bansang kanilang
apektado rin sa pangyayaring ito.
pinaglilingkuran

SANHI BUNGA
dahilan sa paglilimita ng galaw ng mga tao. Ang ilan sa mga negosyante na dati rati’y
nakapagdadala ng kanilang mga produkto
sa ibang lugar ay nahinto rin sa kanilang
pakikipagkalakalan

4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4

SANHI BUNGA
Ito ay bunga ng depresyon o pagkabagot
hindi lamang ng mga taong dinapuan ng
Ang kalusugang pangkaisipan ay isa rin sa sakit kundi maging ng mga nakaranas ng
naging suliranin sa ating lipunan. lockdown na mag-isa sa kanilang mga
tahanan.

SANHI BUNGA
Malaking porsyento ng pondo ng ating Kaya naman, nabawasan ang pondo na
pamahalaan ay ginugol sa pagpapatayo ng dapat sana ay inilalaan sa mga
mga quarantine facility, health kits at pangunahing pangangailangan ng bansa
pagdaragdag ng mga pangunahing lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
kagamitan sa mga ospital at Health Center
na kailangan mula sa pagsusuri at
panggagamot.

Sanggunian
Lalunio, Lydia P. et al., Hiyas sa Pagbasa 5, SD Publications, Inc.Quezon City, Philippines 2010

Manunulat : Joean M. Layron


Tagasuri : Yolanda P. Karangalan
Fernando R. Silva Jr.
Nirebyu ni: Ma. Filipina O. Manoos
Tagalapat: Ellen B. Bacusa
Tagapamahala:
Roger F. Capa, CESO VI
Lynn G. Mendoza
Raquel P. Girao PhD
Elizabeth T. Delas Alas PhD
Eduardo D. Ellarma
Ma. Rubynita Del Rosario

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like