You are on page 1of 39

5

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikaapat na Markahan –Modyul 1:
Kaalaman at Kasanayan Upang
Maging Matagumpay na
Entrepreneur
Edukasyon sa Pantahanan at Pangkabuhayan– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaalaman at Kasanayan Upang Maging
Matagumpay na Entrepreneur
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsisikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Tagamamanihala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Faustino Toradio, PhD, CESE
Danilo Gudelusao PhD, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Melani V. Mulit, Elizabeth S. Panilag, Mary Grace P. Aguilar, Marlord G.
Legaspi, Roche Cabuyoc
Editor: Grace P. Mendez PhD, Ma. Pamela Cenita PhD, Reynaldo D. Anto EdD
Tagasuri: Renato D. Calamba, PhD, Carlito Fuentes PhD, Amelita Credo PhD, Jocelyn
T. Rotersos, Isidora Codilla, Mercedes R. Montuya EdD, May Flor D.
Cantones, Felix C. Sagetarios, Edjelbert M. Tesorio, Julius O. Quillopas,
Guillerma D. Sarong, Ronald Astronomo, Anthony E. Pizana EdD, Ronald G.
Nalia, Teodora A. Escabusa, Richelle R. Maca
Tagapamahala: Bianito A, Dagatan EdD, CESO V
Faustino Toradio PhD, CESE
Danilo Gudelusao PhD, CESE
Carmela S. Restificar PhD

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone Nos. (038) 412- 4938 (038) 411-2544 (038) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
5

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 1
Kaalaman at Kasanayan Upang
Maging Matagumpay na
Entrepreneur
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa
Ikalimang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Kaalaman at
Kasanayan Upang Maging Matagumpay na Entrepreneur .Ang modyul na ito ay
pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

MgaTala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa Ikalima na Baitang
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kaalaman at Kasanayan Upang
Maging Matagumpay na Entrepreneur.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upangmapagtibayang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

5
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa kanyang mga magulang, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

6
Alamin

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Modyul na ito bilang kagamitan sa pag-
aaral nitong panahon ng bagong normal. Sa kabila ng pandemya na ating hinaharap sa
kasalukuyan, ang iyong pagkatuto ay nararapat na maipagpatuloy. Magiging kasama mo
itong modyul sa pag –aaral ng EPP sa pagtuklas ng mga bagong konsepto,kaalaman at
kasanayan upang maging matagumpay na entrepreneur. Ang iyong kaalamang matutunan ay
magiging kaakibat sa papapa-unlad ng iyong pag-aaral at maging sa antas ng iyong buhay.
Sa modyul na ito ay matutukoy ang mga opportunidad na maaaring pagkakitaan,
kaalaman at kasanayan na dapat taglayin upan maging matagumpay na entrepreneur at
mapabuti ang isang produkto.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan sa iyo na:
*naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo(EPPIE-Oa-2)
*natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo(EPP5IE-Oa-
3)
*nakapagbebenta ng natatanging paninda(EPP5IE-Ob-5)

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.


1. Ano ang tawag sa paglilingkod, pagtratrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na may
kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at pangangailangan sa pamayanan?
a. produkto b. serbisyo c. teknikal d. propesyonal

2.Ang mga sumusunod ay mga produktong likha ng kamay maliban sa isa:


a. basket b. bag c. hinabi d. kotse

3.Anong serbisyo ang iniaalok ng isang printing press?


a. nag-aayos ng mga sirang gamit sa bahay
b. gumagawa ng mga lay-out at nag-iimprenta maging ito’y mga magasin, diyaryo,
libro at iba pang mga babasahin
c. gumagawa ng iba’t ibang uri ng kasuotang pambabae at panlalaki
d. nagtitinda ng mga lutong pagkain
4. Ito ay tumutukoy sa mga taong nangangailangan ng serbisyo o produkto.
a.entrepreneur b. kostumer c. on-line seller d. reseller
5. Si Kyla ay isang tinderang palangiti sa mga mamimili. Anong magandang katangian ang
kanyang ipinakita bilang tindera?
a. Matiyaga b. Malinis c. Malusog d. Magiliw

7
Aralin
Kahulugan ng Produkto at
1 Serbisyo

Sa bahaging ito, pag-aralan natin ang kahulugan ng produkto at serbisyo.

Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong pantahanan o


pampamayanan. Mahalaga na malaman ang kahulugan ng produkto at serbisyo upang
mabigyan ng tama at maayos na paghahanda kung alin sa dalawa ang maaaring ialok sa
mamimili batay sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Balikan

Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat pangungusap.

Hardinero Chef Damit


Gatas Laundry Washer Karpintero

1. Isa sa mga produkto ng baka at kambing.


2. Ang tawag sa taong mahusay magluto.
3. Siya ang tagapag-alaga ng iba’t-ibang uri ng mga halaman.
4. Siya ang tagapaglaba ng mga damit, kumot, at iba pa.
5. Ito ay produkto ng isang mananahi o sastre.

Tuklasin

Basahin at unawain ang maikling tula. Pagkatapos sagutin ang sumusunod na


katanungan.
Pananabik
Lapis, kwaderno, krayola, papel, at bolpen,
Isinilid sa bag sabay takbo ng matulin.
Pagdating sa paaralan security guard agad babatiin,
Sa silid-aralan guro’y laging gagalangin.

8
Nakasanayang klase’y inaasam-asam ko rin,
Kahit takot sa dentistang biglang darating.
Pangungulila ko’y labis labis din,
Makapasok ulit sa paaralan aking mithiin.

Sino kaya ang tinutukoy sa tula? Anu-ano ang mga bagay na isinilid niya
sa kanyang bag? Ano kaya ang tawag sa mga bagay na ito?
Sino ang agad niyang binati pagdating sa paaralan? Sino naman ang palagi
niyang ginagalang? Kanino naman siya takot dahil sa ito’y biglang darating?
Anu-ano naman kaya ang ibinigay ng mga taong nabanggit sa inyo at sa inyong
pamayanan? Saan kaya sila nabibilang sa mga paraan na maaring
mapagkakitaan?

Ang produkto ay natural at malinaw na nadama. Maaari itong mahawakan, makita,


maamoy o matikman gaya ng pagkain, damit, alahas at iba pa.

Ang serbisyo naman ay maaaring mukhang hindi mababasa at hindi mapapanatili,


kaya hindi ito mahihiwalay sa tagapagbigay ng serbisyo. Ito rin ay hindi nahahawakan at
nakakain, pero nakikita at napapakinabangan ng mga tao.

Suriin

Ang produkto ay mga bagay na gawa ng mga negosyante upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao sa pamayanan. Ito ay may dalawang uri. Ang durable goods at
non-durable goods. Durable goods ang tawag sa mga produktong magagamit nang
pangmatagalan tulad ng damit, sapatos, kasangkapan sa bahay, sasakyan, cellphone,
kompyuter, at iba pa. Non-durable goods naman ang tawag sa mga produktong madaling
maubos o karaniwang ginagamit tulad ng pagkain, inumin, bolpen, papel, prutas, gulay,
gamut, at iba pa.

Ang serbisyo ay uri ng paglilingkod gamit ang mga kaalaman at kasanayan sa lipunan
at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa pamayanan.

9
Tingnan ang tsart sa ibaba:

Produkto Serbisyo
Pagkain Tindera
Martilyo Karpintero
Stethoscope Doctor
Aklat Guro

Pagyamanin
Basahin at suriin ang mga sumusunod. Isulat ito sa angkop na hanay.

Produkto Serbisyo

1. cellphone 6. drayber
2. car wash 7. lapis
3. pulis 8. tubero
4. ice cream 9. kompyuter
5. mesa 10. Piloto

Isaisip

Punan ng wastong sagot ang patlang.

Ang ___________ ay mga bagay na gawa ng mga ng mga negosyante upang


matugunan ang _______________ ng mga tao sa pamayanan. Ang ______________ at
_____________ang dalawang uri ng produkto. Ang ______________ ay uri ng paglilingkod
gamit ang mga kaalaman at kasanayan sa lipunan at tumutugon sa mga pangangailangan ng
mga tao sa pamayanan.

10
Isagawa

Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto at


serbisyong makikita sa inyong barangay.

PRODUKTO SERBISYO
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Panuto: Isulat ang P sa patlang kung ito ay produkto at S naman kung serbisyo.

_____________1. papel _____________6. konduktor

_____________2. mekaniko _____________7. manunulat

_____________3. tinapay _____________8. printer

_____________4. piloto _____________9. sasakyan

_____________5. bibingka _____________10. orasan

11
Aralin Pagkakaiba ng Produkto
2 at Serbisyo

Balikan

Panuto: Pagtapatin ang hanay A at hanay B. Titik lamang ang isulat sa inyong
sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. produkto a. produktong magagamit nang pangmatagalan

2. serbisyo b. mga produktong madaling maubos o karaniwang ginagamit

3. durable goods c. karaniwang likha ng mga kamay o makina

4. non-durable goods d. ang paglilingkod, pagtratrabaho, o pag-aalay ng mga gawain


na may kabayaran

Tuklasin

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

Anu-ano ang
https://binged.it/3m5vg06 inyong nakikita?
https://binged.it/2Pe7Tpq
https://binged.it/3m7HnKn https://binged.it/2O8BPmd

12
Alin kaya sa mga larawan ang nagpapakita ng produkto?

Alin naman ang nagpapakita ng serbisyo?

May pagkakaiba ba ang produkto at serbisyo? Anu-ano naman kaya ang kaibahan
nila?

Ang produkto ay maaaring maiimbak para sa paggamit o pagbebenta sa hinaharap at


maaaring ibalik sa kustomer kung kinakailangan. Ang kalidad ng produkto ay tinutukoy ng
kustomer.
Sa kabilang banda, ang serbisyo ay magagamit mula sa sandaling ito ay ibinigay at
maaaring hindi maiimbak para magamit sa hinaharap. Ang serbisyo ay hindi maibabalik sa
service provider para sa anumang kadahilanan, dahil malinaw na nakikita ito. Ang kalidad ng
serbisyo ay natutukoy ng provider.

Suriin

Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo

Ang mga produkto ay karaniwang likha ng mga kamay o makina. Mayroon din naman
likha ng isip.

Halimbawa:

Mga Produktong Likha ng:


Kamay Makina Isipan
hinabi bolpen pagsusulat ng libro o nobela
bag kotse paggawa ng kompyuter
basket computer program
Ang serbisyo naman ay ang paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na
may kabayaran ayon sa iba’t-ibang kasanayan at pangangailangan sa pamayanan. Ito ay
nahahati sa sektor na propesyonal, teknikal, at may kasanayan.
Halimbawa:

Propesyonal Teknikal May kasanayan


(Professional) (Technical) (Skilled)
guro electrician mananahi
doctor computer programmer sastre
nars computer technician karpintero
abogado aircraft mechanic pintor

13
Sa propesyonal na sektor, kailangang makatapos ng kurso sa kolehiyo at makapasa sa
board o bar examination upang makakuha ng lisensiya para makapaglingkod sa professional
service sector. Kailangan naman ng sapat na kaalaman at kasanayan para makapaglingkod sa
sektor na teknikal at may kasanayan.

Pagyamanin

A. Tukuyin ang sumusunod na produkto. Isulat sa patlang ang LK kung likha ng mga
kamay, LM kung likha ng mga makina, at LI kung likha ng isipan.
_________1. upuan
_________2. digital paintings
_________3. damit
_________4. banig
_________5. paggawa ng computer program

B. Tukuyin ang sumusunod na serbisyo. Isulat sa patlang ang P kung propesyonal, T


kung teknikal, at K kung may kasanayan.
________1. dentista
________2. pintor
________3. electrician
________4. pulis
________5. mananahi

Isaisip

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1-3. Anu-ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?


4. Bilang mag-aaral sa ikalimang baitang, bakit kaya mahalagang malaman mo
ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?

14
Isagawa

A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod. Ilagay ito sa tamang kalalagyan nito.

Likha ng mga kamay


P
r
o
d Likha ng makina
u
k
t
o Likha ng isipan

face shields Pagsusulat ng tula face masks

Mga Online Games mesa kabinet

B. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod. Ilagay ito sa tamang kalalagyan nito.

S
Propesyonal
e
r
b
Teknikal
i
s
y
May kasanayan
o

o geodetic engineer tubero welder

computer programmer bumbero sastre

15
Tayahin

Panuto: Iguhit ang kung ang kaisipan ay nagpapahiwatig ng kaibahan ng


produkto at serbisyo at naman kung hindi.

___________1. Ang kalidad ng produkto ay tinutukoy ng kustomer samantalang ang kalidad


ng serbisyo ay natutukoy ng provider.

___________2. Ang produkto at serbisyo ay maaaring maiimbak para sa paggamit o


pagbebenta sa hinaharap at maaaring ibalik sa kustomer kung kinakailangan.

__________3. Ang produkto ay hindi maibabalik sa service provider para sa anumang


kadahilanan habang ang serbisyo ay maaaring ibalik sa kustomer kung
kinakailangan.

___________4. Ang produkto at serbisyo ay kapwa mga likhang isip.

___________5. Ang mga produkto rin ay karaniwang likha ng mga kamay o makina
samantalang ang serbisyo rin ay ang paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay
ng mga gawain na may kabayaran ayon sa iba’t-ibang kasanayan at
pangangailangan sa pamayanan.

___________6. Magkatulad lamang ang produkto at serbisyo.

___________7. Ang produkto ay natural at malinaw na nadama samantalang ang serbisyo ay


hindi ito mahihiwalay sa tagapagbigay nito.

___________8. Ang produkto at serbisyo ay nahahati sa sektor na propesyonal, teknikal, at


may kasanayan.

___________9. Ang produkto ay maaaring mahawakan, makita, maamoy o matikman gaya ng


pagkain, damit, alahas at iba pa ngunit ang serbisyo ay hindi nahahawakan at
nakakain, pero nakikita at napapakinabangan ng mga tao.

___________10. Ang mga produkto ay karaniwang likha ng mga kamay samantalang ang
serbisyo ay maaari ring nasa sektor na teknikal.

16
Aralin
Angkop na Produkto at
3 Serbisyo

Sa araling ito ay tatalakayin at tutukuyin ang mga taong


nangangailangan ng angkop na produkto at uri ng produkto na kailangan
nila.

Balikan

Gamit ang graphic organizer, isulat ang iba’t-ibang


katangian ng isang entrepreneur na mahalaga upang umunlad sa
itinatayong negosyo.

KATANGIAN NG ISANG ENTREPRENEUR

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong


papel. Maaring gumamit lamang ng isang salita o parirala sa
pagsagot sa semantic web basta’t kaya nitong maipaliwanag
ang gusto mong ipahiwatig.

17
TUKLASIN

Anu-anong produkto ang matatagpuan sa inyong pamayanan?


Sinu-sino ang nangangailangan ng mga produktong ito? Isulat mo ang
iyong mga sagot sa loob ng mga kahon.

Produktong Makikita sa Pamayanan Taong Nangangailangan nito

> ____________

> ____________

> ____________

> ____________

Suriin

Angkop na Produkto

Ang mga tao ay may iba’t ibang pangangailangan. Maari itong pampisikal,
intelektuwal, sosyal o emosyonal. Maaring matugunan ng iba’t-ibang produkto ang
halos lahat ng pangangailangan ng tao. Ang produkto ay karaniwang likha ng mga
kamay o makina at mayroon di naman likha ng isipan.
Ang mga larawan sa ibaba ay nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng produkto. Ang
unang larawan sa kaliwa ay ang bangka at kahon ay kinakailangan ng mga
mangingisda. Sa kanan naman ay ang gwantis, pako lagari at at martilyo ay angkop
naman para sa mga karpintero. Karaniwang ginagamit ang papel, kwaderno,
pankulay at bag ay ginagamit ng mga mag-aaral habang ang maliit na damit, gatas
at bote naman ay kinakailangan ng mga sanggol.

18
Mahalagang matukoy ang pangangailangan ng mga tao upang matugunan
ang angkop na produkto para sa kanila.

PhotoCredit: Owner Photo Credit: Owner

Photo Credit: Owner Photo Credit: Owner

PhotoCredit: Owner Photo Credit: Owner

Mga Tala para sa Guro

Kung nagmamay-ari ka ng isang negosyo, mas mapapabuti ito kung gagamit


ka ng makabagong pamamaraan upang mapahusay ang iniaalok na produkto at
matukoy ang higit na pangangailangan ng mga mamamayan. Mas lalago ito kung
alam mo ang mga pangangailangan at matukoy kung anong produktong iyong
inialok sa kanila.

19
Pagyamanin

Alamin at iguhit sa loob ng kahon ang mga taong nangangailangan ng mga nakasulat na
produkto sa ibaba.
1. Lapis, bolpen, papel, pantasa, uniforme, gunting, pambura

2. Martilyo, pako, lagare, metrosan, tornilyo, alambre, pait, barena

3. Gatas, malinis na bote, maliliit na damit, bigkis, guwantes, lampin, medyas

4. Panturok, medisina, medical na kard, papel para reseta, alkohol

Isaisip
Sa iyong sariling isipan, sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot
sa iyong papel.
1. Anu-anong produkto ang matatagpuan sa inyong pamayanan?
2. Sinu-sino ang nangangailangan ng mga produktong ito?
3. Anong produkto ang wala sa inyong lugar? Bakit kaya?
4. Kailangan bang malaman ang mga pangangailangan ng mga tao at kung anong
produkto ang angkop nila? Bakit?

Isagawa

20
Isulat ang mga angkop na produkto na kinakailangan ng mga sumusunod:

______ ______

______ ______ ______ ______


1. 2.
Pulis Magsasaka
______ ______ ______ ______

______ ______

______ ____

______ ______ ____ ____


3. 4.
Doktor Pintor
______ ______ ____ ____

______ ____

Tayahin
Tukuyin ang mga taong nangangailangan ng mga produktong nakasulat sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang at bilogan sa crossword puzzle.
__________1. Aklat, pisara, chalk, bolpen, tsart
__________2. Basahan, balde, tubig, walis,
__________3. Gamot, bitamina, dextrose, masustansyang pagkain
__________4. Kutsilyo, pantali ng buhok ng babae, palayok, kutsarang pangsukat, epron,
stove o burner
__________5. Tubig, flashlight, makapal na uniporme, firetruck, tubo ng tubig

D A B C G U R O L I A K Z
P Y Z X L M X E O I V R E
L K A M G P A S Y E N T E
Q T Y N U N I P S A G E L
E K U S I N E R A F A I T
L K J P O T T R E D H G B
B O M B E R O O Q S C D F
Z X C V B N M R R L O P Z

21
Karagdagang Gawain

Sa iyong sagutang papel, isulat ang mga kasagutan sa gawaing ito.


Kung ikaw ay isang tagapamahala ng isang tindahan, ilarawan mo ang iyong sarili
bilang isang taong may kasanayan sa pagtukoy ng kinakailangang produkto na iaalok.
Gumupit ka ng larawan ng mga ibat -ibang uri ng produkto at sa ibaba nito sumulat ka ng
limang pangungusap na nagsasaad kung bakit ito ang iyong napili.

22
Aralin Wastong Paraan ng
Pagbebenta ng
4 Natatanging Paninda

Balikan

Pagmasdang mabuti ang mga letra sa ibaba. Ayusin ang mga ginulong
letra at ilipat sa mga patlang upang matukoy ang tamang salita

1. HADNTIAN

2. TROKARIPEN

3. BREYDAR

4, MOLRAM

5. PTURAS

23
Tuklasin

Ang mga produkto ay karaniwang likha ng mga kamay o makina.


Mayroon din namang likha ng isipan.
Halimbawa:
Mga Produktong Likha ng:
Kamay Makina Isipan
parol motorsiklo awit
banig papel tula
basket lapis nobela
palayok kotse on-line games

Ang mga serbisyo naman ay ang paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-


aalay ng mga gawain na may kabayaran ayon sa iba’t-ibang kasanayan at
pangangailangan sa pamayanan.
Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t-ibang sektor ayon sa uri
ng kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa iba. Ilan sa mga sektor na ito
ay ang Propesyonal, Teknikal, at may Kasanayan.
Pag-aralan ang talaan sa ibaba at alamin ang mga
halimbawa ng hanapbuhay sa bawat sektor.

Propesyonal Teknikal May Kasanayan


(Professional) (Technical) (Skilled)
Guro Elektrisyan Karpintero
Piloto Welder Sapatero
Nars Drayber Pintor
Enhinyero Mekaniko Mason
Doktor Masahista Tubero

Sa PROPESYONAL na sektor mabibilang ang mga hanapbuhay tulad


ng pagiging guro, doktor, nars, abogado at iba pa. kailangang makatapos ng
kurso sa kolehiyo at makapasa sa board o bar examination upang makakuha
ng lisensya para makapaglingkod sa professional service sector.

24
Sa TEKNIKAL na sektor naman ay kailangan ng sapat na kaalaman sa
paggawa na nakukuha sa pamamagitan ng mga training gaya ng programa ng
TESDA upang magkaroon ng sertipiko o National Certificate.
Ang mga kabilang sa sektor na may KASANAYAN o SKILLED naman ay mga
mangagawa na natuto sa pamamagitan ng karanasan at pagmamasid.
Basahin ang dayalogo ng tatlong magkaklase:
“Si Ping, Pang at Pong”

Kumusta! Ako si “Ping”. Ang aking tatay ay isang mekaniko.


Inaayos niya ang mga sirang sasakyan tulad ng kotse, motorsiklo at
iba pang kagamitan na may makina. Sabi ng tatay ko, natuto daw
siyang magmekaniko dahil siya ay nagsanay sa TESDA at siya ay
nagkaroon ng sertipiko. Ang aking nanay ay may karinderya. Nagluluto
siya ng masasarap na pagkain para sa mga drayber at estudyante
gayundin sa aming mga kapitbahay na syang aming ikinabubuhay.
Maliban sa pagluluto ay naglalala rin ng banig at basket si nanay.

Ako naman si “Pang”. Ang tatay ko ay isang sapatero.


Gumagawa at nag-aayos siya ng mga sapatos sa aming
komunidad. Marami ang nagpapagawa ng sapatos sa tatay ko
dahil siya ay maayos at matibay gumawa. Ayon sa tatay ko,
natutuhan niya raw ito sa aking lolo na dati ring sapatero.
Kumikita ang tatay ko kahit nasa bahay lang. Ang nanay ko
naman ay isang nars. Siya ang katuwang ng mga doktor sa
tuwing sila ay may ginagamot. Si nanay na rin ang gumagamot
sa akin sa tuwing ako ay may sakit. Nakapagtapos si nanay ng
kolehiyo sa tulong ni tatay.

At ako naman si “Pong”. Ang aking tatay ay isang jeepney


drayber. Inihahatid niya nang ligtas ang mga pasahero sa iba’t-
ibang lugar tinutulungan din niya si nanay sa kaniyang negosyo
na on-line selling. Maraming ibinibenta si nanay, gaya ng mga
damit, sapatos pambabae at panlalaki, mga
damit pambata at mga gamit sa bahay gaya ng mga panluto at
panlinis. Lahat ng mga produkto na kailangan ng mga tao ay mayroon
si nanay. Gamit lamang ang internet at cellphone ay kumikita si
nanay.

25
Suriin

Ayon sa binasa mong dayalogo, ano ang masasabi mo sa hanapbuhay ng mga


magulang nina Ping, Pang, at Pong?

Magkakaiba ba ang hanapbuhay ng mga magulang nila?

Ano kaya ang tawag sa mga taong nangangailangan ng serbisyo at produkto ng


kanilang mga magulang?

Kung “KUSTOMER” ang sagot mo. Tama ka!

Ang mga Taong Nangangailangan ng Angkop na Produkto at Serbisyo

Bilang kustomer, ano-ano ang mga pangangailangan mong serbisyo at


produkto?
Alamin kung katulad ng nasa ibaba ang mga pangangailangan mo. Bilang isang
kustomer, ang mga pangangailangan ko ay:

1. maaasahang produkto at serbisyo

2. produktong mapapakinabangan nang matagal

3. mga produktong makatutulong sa akin sa pang-araw-araw na trabaho, katulad ng


paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, at iba pa
4. mga produkto o serbisyong maaari kong gamitin nang walang pangamba na ito’y
magiging mapanganib sa aking kalusugan o kaligtasan

5. serbisyong nariyan lagi sa oras na kailangan ko, at

6. produkto o serbisyong magaan sa bulsa

 Mahalaga ang kalidad sa anumang negosyo. Maaaring maging sanhi ng


paglayo ng kustomer ang kawalan ng kalidad na siyang magdudulot ng
pagkalugi sa negosyo.

 Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan ng kustomer. Kasama rito ang


produktong may rasonable o tamang presyo, mataas na kalidad, at serbisyong
nagbibigay ng tulong, respeto, ginhawa, simpatiya at tumutugon sa
pangangailangan ng kustomer.

26
Pagbebenta ng Natatanging Paninda

Pagmasdan ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan

Photo Credit: Owner

1. Ano ang trabaho ng mga taong makikita sa mga larawan?


2. Ano ang kanilang ginagawa?
3. Anong mga paninda o produkto ang kanilang tinitinda?
4. Batay sa larawan, paano nila ibinebenta ang kanilang paninda?
5. Magbigay ng mga iba pang uri ng paninda na pwedeng ibenta sa pamilihan.

Basahin ang mga paalala upang masiguradong ligtas, malinis at maayos na


maibebenta ang mga natatanging paninda.

 Pamamahala ng mga Produkto


 Pangasiwaan ng wasto at maayos ang paninda.
 Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto.
 Alamin ang pangkasalukuyang presyo ng produktong itinitinda upang hindi
malugi.

 Pag-iingat sa Ipinagbibiling Produkto


 Malinis at maayos ang pagkakaluto.
 Malinis at may takip ang pinaglalagyan.
 Nasuri ng inspektor ng pangkalusugan ang pinaglulutuan at ang
paninda.
 Nakasusunod sa pamantayang pangkalusugan ang tindero o tindera.

27
Tingnan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga paraan ng pagbebenta ng mga sumusunod na
produkto:

Produkto Paraan ng Pagbebenta

Puto - ipinagbibili nang per bilao o per piraso


- inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
- pwede ding ilagay sa malinis na plastik per dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

Palabok - ibenibenta nang per trey


- nakaayos ang mga sangkap sa ibabaw
- nakalagay sa isang bilao o kaya naman ay sa platong nito o trey
- tinatakpan ng pambalot na plastik
- pwedeng orderin at i-diliber

Bibingka - ipinagbibili nang per piraso


-inilalagay sa malinis na bilao na may nilaib na dahon ng saging na
may takip
- hinihilis ng hugis tatsulok
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

Suman - ipinagbibili ng per piraso


- inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
- pwede ding ilagay sa malinis na plastik per dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

Kutsinta - ibenebenta nang per istayro


- nakaayos nang patagilid
- nilalagyan ng kinudkod na niyog sa itaas
- binabalot ng malinis na plastik upang hindi madumihan
- maaaring ilako o itinda sa isang pwesto.

Pagyamanin

Gawain A:
Isulat sa iyong sagutang papel ang letrang S kung ang sumusunod ay
Serbisyo at P kung ito ay Produkto.

1. Gulay
2. Masahe
3.Gupit
4. Damit
5. Meryenda

28
Gawain B:
Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga
sumusunod na sitwasyon. Piliin sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

pasyente karpintero mangingisda mananahi dyanitor

1. Makapal, matalas at murang lagareng pamutol.

2.Matibay at pangmatagalang makina para sa bangka.


3. Makinis at magandang uri ng tela.

4. Matibay na kasangkapang panlinis ng paaralan.

5. Mabisa at abot kayang gamot.

1.

Isaisip

Panuto: Tukuyin kung anong kaalaman at kasanayan ang kailangan upang maging
matagumpay na entrepreneur. Piliin ang mga kasagutan sa loob ng kahon na inilalarawan
sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

masipag malikhain matapatmatiyaga maunawain matulungin


maka-Diyos masinop maagap masikap maalam maabilidad
malakas ang loobmay tiwala sa sariling kakayahan

1. Ang taong taglay ang ganitong katangian ay mapagkakatiwalaan. Hindi siya


nandaraya sa mga taong kausap niya o sa mga transaksiyong ginagawa niya.

29
2. Hindi pinababayaang marumi at magulo ang lugar-gawaan. Pinanatiling malinis, maayos,
at kaiga-igaya ang lugar upang maiwasan ang anumang aksidente. Maingat at matipid sa
paggamit ng materyales at likas na yaman. Kung maaari, tinitiyak niyang walang tinatapon o
nagiging basura.
3. Ang anumang gawain ay gumagaan at madaling natatapos kung may kusang- loob na
pagtutulungan ang taong kabilang sa isang gawain.
4. Sa taong masipag, mahalaga ang bawat oras. Gumagawa siya nang may pagkukusa.
Sinisimulan at tinatapos niya ang mga gawain sa tamang oras o mas maaga pa.
5. Anumang hirap ng isang gawain o problemang dumarating ay kaniyang hinaharap at
hinahanapan ng kalutasan.
6. Hindi ipinagpapabukas ang anumang gawain kung kaya namang isagawa at tapusin
ngayon.
7. Nakikita ang sarili na kayang kontrolin ang kaniyang sariling kapalaran, gumawa ng
sariling desisyon, at tumayo sa sariling paa.
8. Palaging bukas ang isipan sa mga pagbabago at nililinang ang sarili sa mga bagong
kaalaman, tuklas o imbensiyon.
9. May mataas na hangarin o mithiing magtagumpay sa negosyo.

10. Bawat tao ay may kakayahang lumikha ng isang bagay na kanais-nais. Hindi siya
tumitigil sa pag-iisip ng ikabubuti o ikagaganda ng anumang gawaing kaniyang sinimulan.

Isagawa

Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa isang matagumpay na entrepreneur sa


inyong komunidad. Itala sa iyong papel ang mga paraan kung paano niya ginawang
mapahusay ang kaniyang produktong itinitinda upang maging iba sa iba.

30
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Si Arnel ay isang pintor na nagpipintura ng mga bagong gawang bahay.


Natutuhan niya ito sa kanyang tatay. Saang sektor ng serbisyo siya
nabibilang?
a. propesyonal b. teknikal c. may kasanayan o skilled

2. Ang mga sumusunod ay mga uri ng produkto, alin sa mga ito ang hindi
kabilang?
a. prutas b. pag-aalaga ng may sakit c. kalabasa

3. Ang mga serbisyong ibinibigay ng mga guro, doktor, abogado at dentista


ay kabilang sa serbisyong:
a. teknikal b. may kasanayan o skilled c. propesyonal

4. Alin sa mga sumusunod na produkto ang gawa sa kamay?


a. upuang gawa sa kawayan b. bolpen c. bakal

5. Nais bumili ni Onyok ng pako para sa ginagawa niyang aparador, saan


siya dapat pumunta?
a. botika b. motel c. hardware

6. Ang bahay nina Nena ay malapit sa isang ospital, ano ang nararapat na
negosyong pasukan niya?
a. botika b. motel c. hardware

7. Alin sa mga sumusunod ang mas mainam na itinda tuwing tag-ulan?


A. halo-halo b. payong at kapote c. yelo

8. Ito ay isang uri ng negosyo na nagtitinda ng mga pang araw-araw na


pangangailangan sa isang pamayanan.
a. resort b. sari-sari store c. computer shop

9. Ito ay tumutukoy sa mga taong nangangailangan ng serbisyo o


produkto.
a. entrepreneur b. kostumer c. on-line seller

10. Ito ay isang uri ng serbisyong propesyonal na tumutulong sa mga may


sakit.
a. doktor b. abogado c. inhenyero
Aralin
Pagbebenta ng Natatanging
5 Paninda

Ang mga tao ay may ibat’ibang pangangailangan na produkto o serbisyo. Dapat nating
alamin ang mga pangangailangan at serbsiyo ng ating konsumer upang maging matagumpay
na entrepreneur.
Upang maging compepitive ang isang entrepreneur sa larangan ng negosyo, nararapat na
taglayin niya ang mga katangiang magiging kasangkapan niya sa ikatatagumpay ng kaniyang
negosyo.
PAGTITINDA NG NATATANGING PANINDA

Mga kanais-nais na katangian upang maging matagumpay na entrepreneur:


- Masipag
- Malikhain
- Matapat
- Matiyaga
- Maunawain at maalalahanin
- Matulungin
- Maka-Diyos
- Masinop
- May tiwala sa sarili
- Maabilidad
- Maagap
- Masikap
- Maalam
- Malakas ang loob

Gawain 1
Iguhit ang masayang mukha ( 😊 ) sa patlang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng mabuting katangian ng isang entrepreneur at malungkot na
mukha ( ☹ ) naman kung hindi.
________1. Tinatapos ang mga gawain sa tamang oras o mas maaga pa.
________2. Kahit na walang katiyakan ang tatahaking landas sa hinaharap, pipiliin pa rin ang
pakikipagsapalaran sa pagnenegosyo.
________3. Hindi bukas ang isipan sa mga pagbabago at hindi nililinang ang sarili sa mga
bagong kaalaman, tuklas, o imbensiyon.
________4. Nagsasagawa ng mga gawain sa pagnenegosyo na may katarungan, walang
pandaraya, nakakatulong, kapaki-pakinabang sa lipunan, at may paggalang sa
kalikasan.
________5. Walang tiwala sa sariling kakayahan.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang magagandang katangian ng isang tindera. Pumili sa mga
pariralang nakatala sa ibaba.
*Matiyaga *Malinis *Malusog *Magiliw *Matapat *Magalang
__________________ 1. Palangiti sa mga mamimili
__________________ 2. Isinasauli ang labis na pera
___________________3. Ipinaliliwanag ang kahalagahan ng kalakal sa mamimili
__________________ 4. Masigla, magaan ang katawan at parang walang kapaguran.
__________________ 5. Madalas nililinis at inaayos ang tindahan.

Ang Pagbebenta ng mga Natatanging Paninda


Mga mungkahi sa pagsisimula ng negosyo:
1. Pumili ng isang produkto na nais gawin at ibenta.
2. Magmasid sa mga pamilihan ng mga kaparehong produkto upang makakuha ng
dagdag na kaalaman hinggil sa presyo,materyales, sangkap, kulay, at iba pa.Kung
kakayanin,maaaring bumili ng paisa-isang piraso ng mga kahawig na produkto para
magsilbing mga halimbawa sa paggawa ng isang bagong produkto(innovation).
3. Maaaring humingi ng opinion sa mga kakilala at mamimili ukol sa pagbuo ng isang
disenyo tulad ng hugis, laki, sangkap, materyales, at kulay.
4. Gumawa ng protype o halimbawa ng naisip na bagong produkto.
5. Kung may negatibong puna, maaaring baguhin ito at pagbutihin pa sa susunod na
prototype hanggang sa matamo ang tamang produktona maaaring ialok sa mga
mamimili.
6. Kung nagnanais na mamuhunan at magbenta nang maramihan, maaaring
magpatulong sa Department of Trade and Industry(DTI) upang makakuha ng mga
ideya sa pagdidisenyoat pagbuo ng mga produkto (product development).
Gawain 3
Basahin ang bawat aytem. Isulat sa patlang ang Tama kung sang-ayon ka sa pangungusap at
Mali kung hindi ka sang-ayon.

__________ 1. Lahat ng tao ay maaaring maging entrepreneur.


__________ 2. Kapag may naisip kang produkto, tiyak na maibebenta mo ito.
__________ 3. Lahat ng mamimili ay dapat nasisiyahan at komportable sa serbisyo.
__________ 4. Hindi na kailangang kumuha ng Business Permit sa pagbebenta ng
natatanging paninda.
__________ 5. Ang isang negosyo ay dapat naayon sa pangangailangan ng mga tao sa
pamayanan.
Tingnan ang isang surbey tungkol sa mga natatanging paninda sa ibaba.
Bigyang pansin ang nakatalang paninda at suriin ang mga sumusunod na tala.
Paninda Paraan ng Halaga
pagbebenta
Puto kutsinta bilao P 240.00
piraso P 6.00
Puto Cheese bilao P150.00
piraso P 3.00
suman piraso P10.00

Basahin ang talaan sa paraan ng pagbebenta ng mga natatanging produkto:


 Puto kutsinta/ Puto Cheese - ipinagbibili ng bilao o kada piraso
-inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
-pwede ding ilagay sa malinis na plastic
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto
 suman -ipinagbibili ng per piraso
-inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
-pwede ding ilagay sa malinis na plastic por dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto
PAMAMAHALA NG PRODUKTO

 Pangasiwaan nang wasto at maayos ang paninda


 Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto
 Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang di malugi

PAG-IINGAT SA IPINAGBIBILING PRODUKTO

 Malinis at maayos ang pagkakaluto


 Malinis at may takip ang pinaglalagyan
 Nasuri ng inspector ng kalusugan ang pinaglulutuan at ang paninda
 Nakasusunod sa pamantayang pangkalusugan ang tindero at tindera

Mahalagang maunawaan at tandaan ng bawat isang nais pumasok sa isang negosyo


ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto upang ang negosyong pinasok
ay kumita at umunlad.

Gawain 4

Gumawa ng talaan sa pagbebenta ng produto sa inyong kwaderno o sa isang malinis na papel.


Punan ang mga datos na kailangan.

PANINDA PARAAN NG PAGBEBENTA HALAGA

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa papel.

Anu-anong mga hakbang sa pagbebenta ang dapat sundin?

Dapat bang ipatupad ang mga umiiral na batas sa pagbebenta ng paninda? Bakit?

Gawain 5
Lagyan ng tsek (/) ang thumbs up icon kung sumasang-ayon at sa thumbs down
icon kung hindi sa ipinahahayag ng bawat sitwasyon.
Lagyan ng tsek ang thumbs up icon kung sumasang-ayon at
thumbs down icon kung hindi sa ipinahahayag ng bawat sitwasyon.
1. Si Anita ay tindera ng bibingka sinisigurado niya na maayos at malusog
ang kanyang pangangatawan bago magtinda sa araw-araw.
2. Ang nanay ni Angel ay nagluluto at nagtitinda sa harap ng kanilang
tahanan ng mga natatanging paninda sinisigurado niya na malinis, may
takip at dumaan sa inspeksyon ang mga ito.
3.Inilalako ni Imang ang panindang puto kahit ito ay ilang araw ng nailuto.
4.Ginagastos ni Sabeng ang kinita sa pagtitinda sa walang kabuluhang
bagay lamang.
5. Walang takip at dinadapuan ng langaw ang paninda ni Becca.

KARAGDAGANG GAWAIN

Magmasid sa inyong pamilihan, kapanayamin ang isang entrepreneur kung paano


niya isinasagawa ang pagbebenta ng kanyang mga natatanging paninda.
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
Subukin Balikan Isaisip Isagawa Tayahin
Pagyamanin
1.B 1.gatas PRODUKTO SERBISYO
Produkto Answers 1.P 6. S
vary
2.D 2.chef Cellphone car wash Pangangailangan 2.S 7. S

3.B 3.hardinero Ice cream pulis Durable goods 3.P 8. P

4.laundry Mesa drayber Non-durable 4.S 9. P


4.B
Washer goods
Lapis tubero 5.P 10.P
5.D serbisyo
5.damit
Kompyuter piloto

Aralin 2
Balikan Pagyamanin Pagyamanin Isaisip Isagawa
A B A
1. C Answers vary
1. LK
1.P Likha ng mga kamay
2. D 2. LI mesa cabinet
2.K
3. A 3.LM Likha ng makina
3.T face shields face masks
4. B 4.LK
4.P Likha ng Isipan
5.LI Mga Online Games
5.K Pagsulat ng tula

Isagawa Tayahin
B 1. 7.
Propesyonal
Geodetic engineer 2. 8.
Bumbero
3. 9.
Teknikal
Computer Programmer 4. 10.
Welder
5.
May kasanayan
Tubero 6.
Sastre

Aralin 3

Balikan Pagyamanin Isagawa Tayahin


1. Larawan ng Mag- 1. Karayom at Sinulid
Answers aaral 2. Palay at Pataba 1. Guro
may 2. Larawan ng 3. Lambat at Bangka 2. Dyanitor
vary karpentero 4. Lapis at Krayola
3. Pasyente
3. Larawan ng
4. Kusinera
Sanggol
4. Larawan ng 5. Bombero
Doktor

Aralin 5
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4 Gawain 5

1. 1.Tama Answers may


1. Magiliw
vary
2. 2.Mali 1. /
2. Matapat 2. /
3. 3.Tama 3. /
3.Matiyaga 4. /
5. /
4. 4.Malusog 4.Mali

5. 5.Malinis 5.Tama

Sanggunian
Ang Inforsurv Survey "^ Pangunahing Pagkakaiba sa pagitan ng Produkto at Serbisyo"
https://bit.ly/2IHOytj

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunkaran 5, Batayang Aklat p.6, 10.

You might also like