You are on page 1of 22

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 3:

Pagpapakita ng Paggalang
sa mga
Dayuhan
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagpapakita ng Paggalang sa mga Dayuhan
Unang Edisyon
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
samodyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Mga Manunulat: Marie Anthonette Bacsal Haduca
Maricel Arsenio Lanzaderas
Lilybeth Nunez Serenobis
Mary Rose Teope Culanggo
Christy Dingcong Delara
Mga Patnugot: Imelda M. Abellar, Education Program Supervisor- EsP
Concepcion F. Palma, Public Schools District Supervisor
Nasrodin O. Ibra, Education Program Specialist II
Mga Tagasuri: Dr. Ruby S. Buhat, School Head
Dr. Vivencio O. Aninon, PSDS

Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo


Tagapamahala: Dr. Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Asst. Regional Director
Concepcion F. Balawag, PhD, CESO V- Schools Division Superintendent
Edgar S. Sumapal - Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo P. Tingson, Jr., REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug, REPS, ADM
Cynthia Diaz- REPS, EsP
Pancho G. Balawag, EdD- CID Chief
Engr. Reynaldo S.E. Villan - EPS In Charge of LRMS
Dr. Vivencio O. Aniňon- Division ADM Coordinator
Imelda Manrique- Abellar, EPS- EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:

Pagpapakita ng Paggalang
sa mga
Dayuhan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)-


Baitang 5 ng Self -Learning Module (SLM) - Modyul 3 –Pagpapakita ng Paggalang
sa mga Dayuhan para sa mga sumusunod na aralin:
 Aralin 1 – Maipapakita ang paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng
mabuting pagtanggap o pagtrato sa mga katutubo at dayuhan.
 Aralin 2 – Makapagpapakita ng natatanging kaugalian o paniniwala ng mga
katutubo at dayuhang kakaiba ang kinagisnan.
 Aralin 3 – Mailalarawan ang isang batang may paggalang sa dayuhan.
 Aralin 4 – Maisa-isa ang mga paraan ng paggalang sa mga dayuhan.
 Aralin 5- Mailalahad ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
opinyon ng ibang tao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'ynaglalaman ng mgapaalala, panulong o estratehiyangmagagamitsapaggabaysamag

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

2
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng Self-Learning
Module (SLM)- Modyul 3 ukol sa Pagpapakita ng Paggalang sa mga Dayuhan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagan Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
g Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat ng ikaw ang nasa isip. Naririto ito
upang ikaw ay matulungang maipamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pakikipagkapwa- tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para
sa kapakanan at ng pamilya at kapwa.

Nilalayon din na maisagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may


paggalang at pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.

Ang kalawak ng modyul na ito ay nagbibigay karapatan sa iyo na gamitin ito sa


iba’t ibang sitwasyong nakakapag-angat ng iyong kaalaman. Ang lengguwaheng ginamit
ay angkop sa magkakaibang vocabulary level ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay
nakaayos ayon sa tamang pagkasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkasunod-sunod
ng iyong pagbabasa ay maaaring magbago base sa aklat na inyong kasalukuyang
ginagamit.

Sa pagbabasa nitong modyul, ikaw ay inaasahang:


1. makapagpakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mabuting
pagtanggap o pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan;
2. makapagpapakita sa natatanging kaugalian o paniniwala ng mga katutubo at
dayuhang kakaiba ang kinagisnan;
3. mailalarawan ang isang batang may paggalang sa dayuhan;
4. maisa-isa ang mga paraan ng paggalang sa mga dayuhan; at
5. mailalahad ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa opinyon ng ibang tao.

Subukin

Sa bahaging ito, aalamin natin ang mga natatagong kaalaman tungkol sa


ating aralin. Makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul.

Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang


sagot sa iyong Journal.

1. Pagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mabuting


pagtanggap o pagtrato sa kanila.
2. Pahalagahan ang mga natatanging kaugalian o paniniwala ng mga katutubo
at dayuhang kakaiba ang kinagisnan.
3. Ipinapakita ang paggalang sa kapwa.
4. Igalang din ang karapatan ng mga dayuhan.
5. Ipagwalang bahala ang opinyon ng mga katutubo.

5
Balikan
Sa puntong ito, atin namang balikan at sariwain ang araling inyong
natutuhan na may koneksiyon sa ating pag-aaralan ngayon. Ating
alalahanin nang may katapatan ang iyong sariling opinyon, ideya o
saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa ating sarili o sa
pamilyang ating kinabibilangan.

Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang


sagot sa inyong Journal.

1. Ipakita ng pagpapahalaga ng pagmamalasakit sa kapwa.


2. Ipagbigay-alam sa kinauukulan kung mayroong kaguluhang nangyayari.
3. Ipagwalang bahala ang mga kalarong kinukutya ng iba.
4. Huwag pagtawanan ang mga batang may kapansanan.
5. Igalang pati ang mga matatanda at may kapansanan.

MgaTala para sa Guro


Mga Estratehiyang Ginamit: 6 Ps
Panimulang Gawain, Paghahanda, Paunang Gawain,
Pagpapalalim, Paglalahat, Paglalapat

Tuklasin
Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng paunang gawaing
naririto.

Basahin ang mga tula at kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na


tanong at isulat ang sagot sa inyong Journal.

Gawain 1

Iba-iba Man, May Pagkakatulad Din


Ni: Zenaida R. Ylarde

Siya, ako at sila


Kami ay magkakaiba,
Bansa nami’y iba – iba
Kaniya-kaniya ng kultura.

Iba man ang amig pinaggalingan,


Tunay naman ang aming pagsasamahan
Iba-iba man ang aming katauhan
Lumikha sa amin ay iisa lamang
Ang aming Diyos na kinikilala
Dakila Siya, tayo’y kaniyang
nilikha.

1. Sa anong paraan nagkakatulad ang mga batang magkakaiba ng


bansang sinilangan?
2. Sino ang lumikha sa ating lahat?
3. Ano naman ang pangkaraniwang ipinagkaiba ng iba’t ibang pangkat
etniko sa ating bansa?
4. Ano-ano ang ipinagkakaiba natin sa mga dayuhan Amerikano?
5. Sa iyong palagay, paano nagkakaintindihan ang dayuhan at
ang Pinoy? Ipaliwanag.

Gawain 2
Ang Dayuhang si Michael Lorenz
Ni: Imelda Manrique- Abellar

Dumating sa bansa ang mag-amang dayuhan na si G. Sean Sanders at ang


kaniyang anak na si Michael Lorenz upang makita ang perwisyong dala ng
bagyong tumama sa bansa. Gumagawa kasi ng research si G. Sanders tungkol
dito.

Tumuloy sila sa bahay ng alkalde ng lungsod na ang anak ay nag-aaral sa


pampublikong paaralan.

Sa kanilang paglilibot, nakarating sila sa isang pampublikong paaralan na


nasalanta ng bagyo. Nakita nila ang mga bumagsak na mga gusali ng paaralan
dahil sa natumbang mga puno. Nagkalat ang mga nabasang aklat sa maputik na
mga silid-aralan.
Naroon sa paaralan ang punongguro, mga guro at ilang mga mag-aaral at
magulang. Malugod nilang sinalubong ang mga dayuhan na kasama ang alkalde at
mga tauhan nito. Naging magiliw naman ang lahat ng naroroon sa panauhin kahit
kakaiba ang kanilang pisikal na anyo. Naging magalang din sa pakikinig ng
opinyon ng iba.

Namigay naman ng souvenir items ang batang si Michael Lorenz sa lahat ng


naroroon. Humiling ito na kung maaari ay magkaroon ng pagkakataong kumuha
ng larawan na kasama ang lahat.

Masayang pinaunlakan naman ang kahilingan. Tuwang-tuwa ang batang


dayuhan dahil sa magiliw na pagtanggap sa kanila. Malaya niyang nasaksihan ang
mga natatanging kaugalian o paniniwala ng mga katutubong naroon na kakaiba
ang kinagisnan.

1. Sino-sino ang mga dayuhang dumating sa lungsod?


2. Sa iyong palagay, bakit kaya sila napunta sa PIlipinas?
3. Sa iyong palagay, bakit nasa paaralan ang punongguro,
guro,ilang mag-aaral at mga mauling? Ipaliwanag.
4. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang paggalang sa mga dayuhan?
5. Sa iyong sariling pananaw, paano kaya ipinakita ng mga katutubo
ang kanilang natatanging kaugalian o paniniwala?

Gawain 3

Ang Batang Inglesero

Nasa paaralan si Bb. Kanakan, ang guro sa ikalimang baitang at inaayos


ang linya ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa pagbibigay pugay sa ating
watawat. Narinig niya ang isang batang lalaki na nakalinya sa Kindergarten at ito
ay nagsasalita sa wikang Ingles. Nagkasalubong ang kanilang paningin.

“Good morning Teacher. “sabi ng batang lalaki na nagpakilalang si Amir.

Lumapit ito at ipinakilala niya ang kaniyang sarili. Sila ay galing sa


Malaysia, at siya ang panganay sa dalawang magkakapatid. Matabil siya para sa
limang taong gulang.

Pinagmasdan ko si Ingleserong Amir. Maputi siya at medyo singkit ang


mga mata. Matangkad, makinis ang kanyang mga balat sa braso at binti. Mamula-
mula ang kanyang pisngi.

Ito ang batang dayuhan na bagong pasok. Kakaiba si Ingleserong Amir sa


hitsura at paniniwala. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang
inosenteng mukha.

Hindi hadlang ang pagiging dayuhan sa isang lugar kung may paggalang at
mabuting pakikitungo ka sa iyong kapwa, hindi natin tinitingnan sa itsura ng
isang tao, ito ay nadarama sa puso.

1. Bakit maraming kaibigan ang Ingleserong bata?


2. Paano mo maipakikita ang paggalang sa mga batang dayuhan?
3. Ano ang katangian ng batang si Amir ?
4. Naipakita ba ang paggalang sa batang dayuhan? Ipaliwanag.
5. Ano ang natutunan mo mula sa kuwento?

Gawain 4

Ako ay May Kaibigan

Ako ay may kaibigan,


Mary ang pangalan.
Siya ay mula sa England,
Kung um-Ingles ay di ko maintindihan.

Siya ay malapit sa puso ko,


Sapagkat ako’t siya ay di sumusuko.
Na alamin, pag – aralan at igalang,
Kultura ng bansa naming
pinagmulan.

Buhok niya’y kulay mais, itim naman sa akin.


Kami raw ay kape at gatas kung pagtabihin.
Bininyagan syang Kristiyano, Muslim naman ako
Pagbabasa ang hilig ko siya naman ay teatro.

Kanyang opinyon aking pinakikinggan,


Kultura ko naman kanyang
ginagalang.
Maraming natutunan sa aming pagkakaibigan
Kaya naman ito’y aking iniingatan.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Bakit malapit sa puso ng nagsasalita sa tula ang dayuhan?
3. Ilarawan ang magkaibigan.
4. Bakit iniingatan ng nagsasalita sa tula ang kanilang pagkakaibigan?
5. Paano ipinakita sa tula ang paggalang sa dayuhan?

Gawain 5
Ang Batang si Ramil
Ni: Imelda Manrique-Abellar

Inanyayahan sa paaralan ang isang matandang katutubo upang magbigay ng


mensahe tungkol sa karapatan ng mga batang katutubo. Bilang panauhin,
papasok siya sa mga silid-aralan upang ipahayag ang kaniyang saloobin at
mensahe tungkol sa mga karapatan ng mga batang katutubo.

Inisa-isang pinasok ng matanda ang lahat ng silid-aralan sa ikalimang


baitang upang magbigay ng mensahe. Hinihikayat niyang magtanong sa kaniya
ang mga mag-aaral pagkatapos niyang magsalita.

“Ano po ba ang pagkakaiba ng isang katutubo sa akin?’, Hindi inaasahan ng


guro ang itinanong ni Nestor.
Natahimik ang lahat. Bago pa man makasagot ang matandang katutubo ay
tinaas ni Ramil ang kaniyang kamay at tinawag siya ng guro upang sumagot.

“Tinatanong mo kung may pagkakaiba ka sa mga batang katutubo, at ang


sagot ko ay oo. Magkaiba kayo ng kulay, paniniwala, kultura, kakayahan,
damdamin, pamumuhay at marami pang iba na dapat nating igalang subalit
pareho kayo ng karapatan. Lahat tayo. Lahat ng mga bata ay may parehong
karapatan. Katutubo man siya o hindi.”, mahabang paliwanag ni Ramil.

Pumalakpak bilang pagsang-ayon ang kanilang mga kaklase. Nakangiti


namang nagpasalamat ang naanyayahang tagapagsalita ng mga katutubo.

Humingi ng paumanhin si Nestor kung sakaling nasaktan niya ang damdamin


ng panauhin, ng kanilang guro at ng mga kaklase.

Maraming natutunan ang lahat ng umagang iyon. Isa na rito ang paggalang sa
ideya, opinion at karapatan ng bawat isa.

1. Sino ang inanyayahan sa paaralan upang magbigay ng mensahe tungkol


sa karapatan ng mga batang katutubo?
2. Sang-ayon ka ba sa sagot ni Ramil? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, bakit nais na sagutin ni Ramil ang tanong ni
Nestor? Ipaliwanag.
4. Kung ikaw si Nestor, ano ang iyong itatanong upang malinawagan ka?
5. Sa iyong palagay, nakasakit ba ng damdamin ng matanda ang tanong
ni Nestor? Ipaliwanag.

Suriin
Magaling! Inyong nabasa at nasagot ang mga katanungan tungkol sa
mga tula at kuwento.

Tatalakayin natin ngayon ang paksa ng ating aralin upang mas lalo
pa nating maintindihan kung paano makapagpapakita ng paggalang sa mga
dayuhan.

1. Dapat na maipakita ang paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng:


 Mabuting pagtanggap o pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan.
 Paggalang sa natatanging kaugalian o paniniwala ng mga katutubo at
dayuhang kakaiba ang kinagisnan.
2. Ang pagkamagalang ay naipakikita sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagkakaiba
ng pagkatao, kaugalian at paniniwala.
3. Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahang magsuri ng mga ideya at lumutas ng
mga suliranin.

4. Ang isang tao ay isang mabuting ugali na karaniwang taglay nating mga Pilipino.
Kabilang na rito ay ang paggalang na ipinakikita rin natin sa mga dayuhan sa ating
bansa. Itinuturing natin sila na kahalintulad din natin sa maraming bagay tulad ng
kilos, gawi, paniniwala, opinyon, at iba pa.

5.Ang kultura ng iba’t ibang bansa ay nakatutulong sa pagpapayaman at paglinang


ng ating buhay. Nagkakaroon tayo ng pagkakataon na makilala ang ibang tao , ang
kanilang paniniwala, kakayahan, damdamin at pamumuhay.

6.Ang pagkamagalang ay naipakikita sa pagpaparaya sa ibang tao lalo na sa mabuting


pakikitungo sa kanila bilang mga dayuhan. Ang bawat isa sa atin ay dapat may
kaalaman ng paggalang sa kapwa, kaiba man ang kanilang anyo, gawi, paniniwala at
kulturang kinagisnan. May ilang pagkakataon na maaaring mangyari ang mga ito sa
atin.

Pagyamanin
Narito ang mga gawaing pandagdag kaalaman. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong at isulat ang sagot sa inyong Journal.

Gawain 1

Naranasan mo na bang makakita ng dayuhan? Paano mo naipakita ang


paggalang? Sumulat ng isang repleksiyon at gamitin ang rubrik bilang
gabay.

Rubrik sa Paggawa ng Repleksiyon


Kraytirya Napaka Mahusay Kailangang Marka
husay (3) magsanay
(5) Pa
May 1-5 (1)
Walang mali Higit sa 6
mali ang mali
1.Naaayon sa paksa ang nilalaman
2. May kapupulutan ng aral
3. Nagbibigay ng mga payo o paraan
ng pagtulong.
Kabuuang marka
Gawain 2

Nakaranas ka na bang makipag-usap o makipagkaibigan sa isang dayuhan?


Paano mo naipakita ang pagpapahalaga sa kanilang natatanging kaugalian o
paniniwala? Sumulat ng isang sanaysay at gamitin ang rubrik bilang gabay.

Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay

Kraytirya Napaka Mahusay Kailangang Marka


husay (3) Magsanay
(5) Pa
(1)
Walang May 1-5 Higit sa 6
mali mali ang mali
Nilalaman
1.naaayon sa paksa ang nilalaman
2.pagsunod sa uri at anyong hinihingi
3.lawak at lalim ng pagtalakay
Paghikayat
4.paraan ng pagtalakay sa paksa
5. pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay
ng guro kaugnay ng gawain
6. May kapupulutan ng aral
7. Gamit ng salita at pagkakasulat ng talata
Kabuuang marka

Gawain 3

Basahin at suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ito ay
nagpapakita ng paggalang o hindi. Ipaliwanag ang inyong sagot.

1. Pinagtawanan ni Amil ang nakasalubong niyang pilay habang papasok siya sa


paaralan.
2. Madalas tulungan ni Norodin sa pagtawid g kalye ang sinumang matandang
nakakasabay niya sa pagtawid.
3. Naniniwala si Fatima na hindi dapat pakialaman ang gamit ng iba nang hindi
nagpapaalam.
4. Madalas makisali sa usapan ng mga matatanda si Rohaida.
5. Hindi namimili ng aasikasuhing pasyente ang bagong nars sa klinika sa bayan.

Gawain 4

Buuin ang mga pahayag nang may paggalang sa anumang ideya o opinyon.

1. Bagaman kakaiba ang itsura ng mga dayuhan, .


2. Kapag may mga dayuhang pumupunta sa Pilipinas at hindi ko maintindihan ang
kanilang wika, ako ay .
3. Ang maaari kong magawa upang matulungan ang mga dayuhan
ay .
4. Ang lahat ng mga tao ay may pagkakatulad .
5. Ang natatanging kaugalian ng mga katutubo ay .

Gawain 5

Magbigay ng tatlong paraan ng pagpapakita ng paggalang sa opinyon ng ibang tao.

Isaisip
Upang maproseso kung ano ang natutunan mo mula sa ating aralin, punan
ng tamang salita ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang sagot sa
iyong Journal.

Piliin sa kahon ang tamang sagot.


dayuhan pagkamagalang pag-iisip paggalang pagpaparaya

1. Dapat nating maipakita ang mabuting pagtanggap o pagtrato sa mga


.
2. Ang ay naipakikita sa pamamagitan ng pagtanggap
sa pagkakaiba ng pagkatao, kaugalian at paniniwala.
3. Ang mapanuring ay ang kakayahang magsuri ng mga ideya at
lumutas ng mga suliranin.
4. Ang isang tao ay may isang mabuting ugali na karaniwang taglay nating mga
Pilipino ay ang na ipinakikita rin natin sa mga dayuhan sa
ating bansa.
5. Ang pagkamagalang ay naipakikita sa sa ibang tao lalo na sa
mabuting pakikitungo sa kanila bilang mga dayuhan. Ang bawat isa sa atin
ay dapat may kaalaman ng paggalang sa kapwa, kaiba man ang kanilang
anyo, gawi, paniniwala at kulturang kinagisnan.

Isagawa
Ang bahaging ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong


Journal.

Gawain 1

Panuto:

Ipaliwanag kung paano mo ipakikita ang pagkamagalang bilang


mabuting pakikitungo sa mga katutubo at dayuhan.

Gawain 2

Panuto:

Sagutin.

Tama bang pagtawanan ang mga taong may kakaibang itsura?


Ipaliwanag.

Gawain 3

Panuto:

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag.


1. Malapit sa iyo ang taong kaibigan mo.
2. Malambing ang batang matapobre.
3. Panatag ang kalooban ng batang hindi magalang.
4. Palakaibigan ang batang Inglesero.
5. Tanggapin natin ang pagkakaiba sa pisikal na anyo ng mga dayuhan.

Gawain 4

Panuto:

Magbigay ng tatlong paraan ng pagpapakita ng paggalang sa dayuhan.


Gawain 5

Panuto:

Buuin ang mga pahayag.

1. Bagaman kakaiba ang itsura ng mga katutubo, dapat


2. Ang mga pangkat etniko ay kapwa ko Pilipino
sapagkat
3. Maganda ang kultura ng mga Pilipino tulad ng .

Tayahin

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

Gawain 1

Panuto:

Bumuo ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap na


nagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan.

Gawain 2

Panuto:

Bumuo ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap na


nagsasabi ng mga natatanging kaugalian o paniniwala ng mga katutubo at
dayuhang kakaiba ang kinagisnan.
Gawain 3

Panuto:

Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naglalarawan ng paggalang
at MALI naman kung hindi.

1. Hindi ko ikinahihiya ang kaibigan ko kahit ano pa ang kanyang itsura


o kalagayan.
2. Hihiramin ko nang hihiramin ang mga gamit ng kaklase ko dahil alam
kong hindi niya ako matatanggihan.
3. Dadamayan ko ang aking kaibigan kapag siya ay may sakit o problema.
4. Kokopya ako ng takdang-aralin sa matalino kong kaibigan dahil tiyak na
tama ang mga sagot niya.
5. Aawayin ko lahat ng mga kaaway ng kaibigan ko.

Gawain 4

Panuto:

Paano mo ipapakita ang paggalang sa dayuhan? Ipaliwanag.

Gawain 5

Panuto:

Paano mo maipakikita ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa


opinyon ng ibang tao. Ipaliwanag.

Karagdagang Gawain
Narito ang mga karagdagang gawain upang makadagdag sa inyong interes
at lakas na tutulong upang mapaigting ang inyong kaalaman. Isulat ang
sagot sa inyong Journal.
Gawain 1

Sumulat ng sanaysay tungkol sa sumusunod na sitwasyon. Gamitin ang


rubrik bilang gabay.
1. Pagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan
2. Pagpapahalaga sa mga natatanging kaugalian o paniniwala ng mga katutubo
3. Pagbigay puri sa mga batang may paggalang sa opinion ng ibang tao.

Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay

Kraytirya Napaka Mahusay Kailangang Marka


husay (3) Magsanay
(5) Pa
(1)
Walang May 1-5 Higit sa 6 ang
mali mali mali
Nilalaman
1.naaayon sa paksa ang nilalaman
2.pagsunod sa uri at anyong hinihingi
3.lawak at lalim ng pagtalakay
Paghikayat
4.paraan ng pagtalakay sa paksa
5. pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay
ng guro kaugnay ng gawain
6. May kapupulutan ng aral
7. Gamit ng salita at pagkakasulat ng talata
Kabuuang marka

Gawain 2
Gumawa ng isang REPLEKSIYON tungkol sa karanasang nagpapakita ng
paggalang sa mga dayuhan at ang mga paraan ng pagpapakita ng mg ito.
Gamitin ang rubrik bilang gabay.
Rubrik sa Paggawa ng Repleksiyon

Kraytirya Napaka Mahusay Kailangang Marka


husay (3) magsanay Pa
(5) (1)

Walang May 1-5 Higit sa 6


mali mali ang mali
1.Naaayon sa paksa ang nilalaman
2. May kapupulutan ng aral
3. Nagbibigay ng mga payo o paraan ng
pagtulong.
Kabuuang marka
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon- Batayang Aklat

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon- Manwal ng Guro


PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa anumang puna, reaksiyon, komento o rekomendasyon, ipagbigay-alam sa:

Department of Education–SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS)


Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 2288825/(083) 2281893
Email Address:

21

You might also like