You are on page 1of 27

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4a.1:
Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa
Heograpiya
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self - Learning Module
Unang Markahan – Modyul 4a.1: Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mark Dave L. Tangalin
Editors: Alma J. Tuyan, Irlou V. Alado, Nona Leah N. Escopalao, Maria Leida M. Donque,
Denah V. Andres
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Dennison J. Tangala, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Aida S. Delon
Tagaguhit: Elthone Loreto G. Bermudez
Tagalapat: Joseph R. Coyaye, Allan T. Basubas
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendras – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS In Charge LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan- EPSVR, Araling Panlipunan
nilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4a.1:
Ugnayan ng Lokasyon ng
Pilipinas sa Heograpiya

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self – Learning


Module (SLM) para sa araling Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na


katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa
Heograpiya. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral
upang makamit ang ating layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang


tama ang lahat ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self - Learning
Module (SLM) ukol sa Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw! Ngayon, sa bago mong aralin,


makapagsasagawa ka ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan
ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala,
distansiya at direksyon sa pamamagitan ng mapa.

Mahalaga bang malaman ang mga ito? Halika ka at iyong


tuklasin!

Essential Learning Competencies:

Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa


heograpiya nito. (AP4AAB – Id -6)

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

nakapagsasagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan


ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala,
distansiya at direksiyon.

Subukin

Panuto: Sa iyong pagsisimula, isulat ang titik ng tamang sagot sa


sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa linya o kurso na itinuturo ng isang bagay?

A. direksyon
B. distansiya
C. iskala
D. sukat

1
2. Ano ang ginagamit na panukat sa pagtukoy ng distansiya ng
dalawang lugar sa mapa?

A. compass
B. iskala
C. ruler
D. sukat

3. Ano ang tawag sa layo ng isang lugar patungo o mula sa isang


lugar?

A. direksyon
B. distansiya
C. iskala
D. sukat

4. Sa pagsukat ng distansiya ng isang bansa sa karatig nito,


anong yunit ng panukat ang ginagamit?

A. direksyon
B. iskala
C. ruler
D. sukat

5. Sa anong bahagi ng Pilipinas makikita ang bansang Vietnam?

A. Hilaga
B. Kanluran
C. Silangan
D. Timog

6. Aling bansa sa mga sumusunod ang matatagpuan sa gawing


hilaga na bahagi ng Pilipinas?

A. Brunei
B. Indonesia
C. Malaysia
D. Taiwan

2
Gamit ang mapa, sagutin ang mga katanungan sa bilang 7-9

7. Gustong ikutin ng Cassie ang buong Asya ngunit iilang bansa


pa lamang ang kanyang napuntahan. Kabilang dito ang
bansang Laos, Taiwan, Singapore at Vietnam. Alin sa apat na
bansa ang pinakamalayo mula sa Pilipinas?

A. Laos
B. Singapore
C. Taiwan
D. Vietnam

8. Aling bansa ang may sukat na 40 000 kilometro mula sa


Pilipinas?

A. Burma
B. Japan
C. Malaysia
D. Taiwan

9. Gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km, ano ang distansiya ng


bansang Laos mula sa Pilipinas kung ang layo nito ay 6 cm?

3
A. 20 000 kilometro
B. 30 000 kilometro
C. 40 000 kilometro
D. 60 000 kilometro

10. Gaano kahalaga ang paggamit ng batayang iskala sa


pagkalkula ng distansiya ng dalawang bansa?
A. upang matukoy ang lawak ng dalawang bansa
B. upang matukoy ang lokasyon ng dalawang bansa
C. upang matukoy ang direksiyon ng dalawang bansa
D. upang matukoy ang distansiya ng dalawang bansa

Balikan
Panuto: Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Mula sa Pilipinas, tukuyin
ang direksiyon ng mga sumusunod na bansa.
1. Indonesia = ____________________________
2. Dagat Pilipinas =_____________________________
3. Taiwan =_____________________________
4. Vietnam =____________________________________

K S

4
Tuklasin

Panuto: Basahin nang mabuti ang kwento at sagutin ang mga na


tanong.

Ang Aking Pamamasyal


ni Mark Dave L. Tangalin

“Calling the passengers bound to Kuala Lumpur,


Malaysia. Please proceed to gate 8,” ang nakakahalinang sambit
ng anunsyador ng Philippine Airlines. “Dave, Dave!” sigaw ni
kuya habang ako’y kanyang niyuyogyog. Agad akong
napabalikwas at naalimpungatan. “Gising na, alas singko ang
byahe natin papuntang Kuala Lumpur”, wika ni kuya.

Bata pa lang ako, pangarap ko nang ikutin ang Asya, kung


kaya’t nagsikap akong mag-aral upang makapagtapos at
makahanap ng magandang trabaho. Sa araw na ito, muli na
naman akong hahabi ng panibagong kuwento tungkol sa aking
paglalakbay.

“Ano Dave, handa ka na ba?” tanong ni kuya, habang


nagmamadaling ilagay sa compartment ng sasakyan ang aming
mga maleta. “Okey na kuya, tara na”, sagot ko sa tanong niya
habang patungo sa aming sasakyan. “Magiging kapana-panabik
ang byaheng ito dahil tutungo tayo sa sikat na Petronas ng Kuala
Lumpur”, wika ni kuya.

Marso 12, 2019, ang unang bansang napuntahan namin


ay ang Malaysia, ito ay matatagpuan sa gawing Timog-Kanlurang
bahagi ng Pilipinas. Isa sa mapang-akit na lugar naming
napasyalan ay ang Toreng Petronas o kambal na Toreng
Petronas. Kamangha-mangha ang ganda nito. Nakaaaliw ang
mga liwanag na tila sumasayaw sa gitna ng dilim.
Lalo pa itong kumuha ng atensyon nang magsimula ng
tumugtog ang awitin para sa fountain show. “Wow! Ang tangi
kong nasambit habang pinapanood ang mga tubig na tila

5
balerinang sumasayaw sa hangin. Ang mga makukulay nitong
liwanag ay dumagdag pang kumuha sa atensyon ng mga
manonood.
Pagkatapos ng tatlong araw na pamamalagi,
napagdesisyunan naming puntahan ang bansang Thailand na
matatagpuan sa gawing kanluran mula sa ating bansa. Tulad ng
Pilipinas, napakaganda ng bansang ito, sagana sa kultura na
talagang dinarayo ng mga turista. Tulad na lamang ng mga
dambuhalang templo na kulay ginto. Hindi ako magdadalawang
isip na babalikan ang bansang ito.

Pagsapit ng ikaapat na araw, muli kaming sumakay ng


sasakyang panghimpapawid upang marating ang bansang
Taiwan. Mula sa ating bansa, ito ay matatagpuan sa gawing
Hilaga. Habang kami ay naglalakad, ako ay napahanga sa ganda
ng bansang ito. Napakalinis at kaaya-ayang tingnan ang bawat
pook-pasyalan. Pagdating ng gabi, mapang-akit at nakatatakam
ng kilo-kilometro ng iba’t ibang pagkaing nakahilera sa tabi ng
daan.

Pagkatapos ng sampung araw na pamamasyal sa Asya,


bumalik na kami sa Pilipinas. Baon ko ang mga alaalang kailan
man ay hindi ko malilimutan. Pangarap na nabuo noong ako ay
paslit pa lamang.

Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang


papel.

1. Ano ang pangarap ng may-akda sa kwento?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Saang direksyon matatagpuan ang sumusunod na bansa?

Malaysia _________________________________________________

6
Thailand__________________________________________________
Taiwan ___________________________________________________

Suriin

Kinalalagyan ng bansa gamit ang iskala, distansiya at


direksyon

Sa pagbigay ng interpretasyon sa mapa, gumagamit ng


batayang heograpiya tulad ng iskala, distansiya at direksyon. Ito
ay ginagamit upang madaling matukoy ang kinalalagyan ng isang
bansa mula sa isang bansa.

Ang direksiyon ay tumutukoy sa linya o kurso na itinuturo


ng isang bagay. Mayroon itong dalawang uri, ang pangunahin at
pangalawang direksiyon. Samantala, ang distansiya ay tumutukoy
sa layo ng isang lugar patungo o mula sa isang lugar. Upang
matukoy, ginagamitan ito ng iba’t ibang yunit ng pagsukat gaya
ng sentimetro, metro, kilometro at milya.

Sa pagkalkula ng distansiya ng Pilipinas sa kanyang karatig


bansa gamit ang mapa, ginagamit ang iskalang ito: 1cm = 5 000
km. Ibig sabihin sa bawat isang sentimetro (1 cm) na layo
katumbas nito ang limang libong kilometro (5 000 km).

Tingnan ang mapa sa ibaba, makikita na ang Pilipinas ay


nasa bahagi ng Timog-silangang Asya. Kung kakalkulahin ang
distansiya ng Pilipinas sa Vietnam gamit ang ruler, ang layo nito
ay 4 cm. Gamit ang iskala, ang katumbas nito ay 20 000 kilometro.

7
Narito ang pamamaraan sa pagkalkula gamit ang iskala.

1 cm = 5 000 km

Pilipinas Vietnam: 4 cm
4 x 5 000 = 20 000 kilometro (km)

Ibig sabihin ang layo ng Pilipinas sa Vietnam sa mapa na


iyong ginamit ay 20 000 kilometro.

Matatagpuan ang Vietnam sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

Upang higit mo pang maunawan ang leksiyon, subukin ang


gawain sa ibaba gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km.

8
1. Kalkulahin ang distansiya ng Pilipinas sa
Burma at tukuyin ang direksiyon nito base
sa mapa sa itaas.

Sagot:
Distansiya ______________________
Direksyon _______________________

Pagyamanin

Ngayong natutunan mo na ang pagkalkula ng distansiya,


pagtukoy ng direksiyon at interpretasyon nito. Narito ang
karagdagang gawain para sa iyo.

Gawain 1. “SUKATIN MO, DISTANSIYA KO”

Panuto: Basahin ang kwentong pinamagatang, “Ang Paglalakbay


ni Marky.” Punan ang nawawalang bahagi ng kwento sa
pamamagitan ng pagtukoy ng direksiyon at pagkalkula
sa distansiya ng mga bansa gamit ang mapa sa iskalang
1 cm = 5 000 km.

9
Ang Paglalakbay ni Marky
ni Mark Dave L. Tangalin

Sa munting bayan ng Kabacan, lalawigan ng Cotabato, may


isang taong mahilig maglakbay sa loob at labas ng bansa. Siya ay
si Marky.

Maraming lugar at bansa ang kanyang nalakbay lalong lalo


na sa kontinenteng Asya. Dahil dito, naisipan niyang alamin ang
distansiya ng bansang Pilipinas sa mga bansang napuntahan nito
gamit ang mapa. Ang unang bansa ay ang Cambodia. Ito ay
matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas. Ang distansiya
nito mula sa Pilipinas ay umaabot sa (1.)____________. Ang
pangalawa naman ay ang Indonesia na umaabot sa (2.)
_____________ ang distansiya nito mula sa pilipinas. Sunod rito ay
ang Vietnam na may distansiyang (3.)___________ mula sa
pilipinas. Ang pang-apat naman ay ang bansang Malaysia na
mayroon ding distansiyang umaabot sa (4.)_____________ mula sa
Pilipinas. At ang panghuli ay ang bansang Thailand. Mula sa
Pilipinas, ito ay may distansiyang umaabot sa (5.)__________.

Natigil lamang ang paglalakbay ni Marky nang dumating


ang isang pandemiya na kumalat sa buong mundo. Pero ganon pa
man, patuloy pa rin siyang umaasa na matapos na ang
nararanasang pandemiya upang maipagpatuloy niya ang
paglalakbay hindi lamang sa Asya gayon din sa ibang kontinente.

10
Gawain 2. “IHANAY MO AKO”

Panuto: Gamitin ang mapa na nasa Gawain 1. Gamit ang ruler,


sukatin ang layo ng mga bansa mula sa Pilipinas. Pagkatapos,
hanapin sa Hanay B ang distansiya na hinahanap sa Hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

_____1. Pilipinas Burma a. 25 000 km


_____2. Pilipinas Laos b. 30 000 km
_____3. Pilipinas Dagat Timor c. 10 000 km
_____4. Pilipinas Celebes Sea d. 35 000 km
_____5. Pilipinas Karagatang Indian e. 40 000 km

11
Gawain 3. “BANSA KO, GUHITAN MO!”

Panuto: Hanapin sa mapa ang mga bansang nakasulat sa kahon.


Alamin kung saang direksiyon sila matatagpuan. Iguhit sa iyong
sagutang papel ang bilog ( ) kung ito ay nasa gawing Kanluran,
parisukat ( ) kung nasa gawing Hilaga, tatsulok ( ) kung nasa
gawing Timog at parihaba ( ) naman kung nasa gawing
Silangan. Gawin ito sa sagutang papel.

1. East Timor
2. Vietnam
3. Taiwan
4. Australia
5. Thailand

12
Isaisip
Panuto: Sagutin ang bawat katanungan sa iyong sagutang papel.

1. Base sa iyong napag-aralan, ano-ano ang batayang heograpiya


na ginagamit sa interpretasyon upang matukoy ang
kinalalagyan ng isang bansa mula sa isang bansa?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano ang iskalang ginagamit sa pagkuha ng distansiya ng


Pilipinas sa karatig bansa nito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

13
Isagawa

Gawain 4. “SUKATIN MO, DISTANSIYA KO”

Panuto: Gamit ang mapa ng mundo, sukatin ang layo ng Pilipinas


mula sa mga lugar o bansang napili na matatagpuan sa iba’t-ibang
direksiyon. Gamitin ang batayang iskalang 1cm=5 000 km. Itala
ang mga sagot sa sagutang papel.

Pangalan ng Distansiya Distansiya


Direksiyon
lugar o bansa (cm) (km)
Hilaga Mongolia

Kanluran Indian Ocean

Silangan Pacific Ocean

Timog East Timor

14
Bakit kailangan nating matutunan ang kakayanan sa
pagkalkula ng distansya ng mga lugar gamit ang iskala.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Sagutin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang dalawang uri ng direksyon?


A. una at ikatlong direksyon
B. ikalawa at ikaapat na direksyon
C. pangunahin at pangalawang direksyon
D. ikaapat at ikalimang direksyon

2. Ano ang katumbas ng isang sentimetro (1 cm) sa kilometro


batay sa iskalang ginamit mo sa pagsukat ng distansiya?

A. 1 000 km
B. 2 000 km
C. 4 000 km
D. 5 000 km

3. Sa araling natutunan, ano ang direksiyon ng Vietnam mula sa


Pilipinas?

15
A. Hilaga
B. kanluran
C. Silangan
D. Timog

4. Anong bansa ang pinakamalapit sa Hilaga ng Pilipinas?

A. China
B. Japan
C. Hongkong
D. Taiwan

5. Ano ang katumbas ng 20 cm gamit ang iskala sa kilometro?

A. 20 000 km
B. 50 000 km
C. 100 000 km
D. 200 000 km

6. Aling bansa sa Asya ang pinakamalayo sa Pilipinas?

A. China
B. India
C. Japan
D. Malaysia

7. Ilang kilometro ang distansya ng China mula sa Pilipinas batay


sa iskalang 1 cm = 5 000 km?

A. 10 000 km
B. 15 000 km
C. 25 000 km
D. 40 000 km

8. Kung ang distansya ng Burma sa Pilipinas ay 35 000 km, ano


naman ang distansya sa pagitan ng East Timor patungong
Pilipinas?

A. 20 000 km
B. 30 000 km

16
C. 40 000 km
D. 50 000 km

9. Ilang kilometro ang distansiya ng bansang Pilipinas patungo sa


bansang Japan kung ang sukat nito ay 4 cm?

A. 15 000 km
B. 20 000 km
C. 60 000 km
D. 65 000 km

10. Gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km, sukatin ang distansya


sa pagitan ng bansang Pilipinas at India na makikita sa
Gawain 3, pahina 11. Isulat ang paraan ng pagkalkula upang
makuha ang tamang sagot.

Karagdagang Gawain

17
Panuto: Gamit ang mapa ng mundo na nasa Gawain 4, pumili ng
limang bansa sa iba’t-ibang direksiyon mula sa Pilipinas. Sukatin
ang distansiya nito sa bansa gamit ang batayang iskalang 1cm=5
000 km. Itala sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

Distansiya
Pangalan ng Bansa Direksyon
Cm km

1.

2.

3.

4.

5.

18
19
Tayahin Karagdagang Gawain Isagawa
1. C
(cm) (km)
2. D Ang sagot ay depende sa
pipiliing bansa ng mag-aaral. 1. 2 cm 10 000 km
3. B 2. 2 cm 10 000 km
3. 1 cm 5 000 km
4. D 4. 2 cm 10 000 km
5. C
6. B
7. C
8. A
9. B
10. 35 000 km
Pagyamanin Pagyamanin Subukin
Gawain 2 Gawain 1
1. d 1. Cambodia 1. A
2. a – 30 000 km 2. C
3. b 3. B
4. c 2. Indonesia 4. B
5. e - 25 000 km 5. B
6. D
Gawain 3 3. Vietnam 7. B
- 25 000 km 8. C
1. 9. D
4. Malaysia 10. C
2. - 30 000 km
3. 5. Thailand
- 35 000 km
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
n.d.

Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P.
MIranda, Emily R. Quintos. 2015. Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag- aaral. Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon.

20
PAHATID – LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSAREGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag – aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020 – 2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomenda.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like