You are on page 1of 16

4

Araling
Panlipunan
Kwarter 1 – Modyul 2:
Ang Kinalalagyan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Angelica A. Madrona
Editor: Nilo Mayor, Vivian Pangan, Imelda Capa, Ma. Deanna Salalima
Tagasuri: Ma. Lailani R. Lorico
Tagalapat: Antonio L. Morada
I. Pamagat ng Kagamitan/ Panimula
Isang magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay matutunan mo
ang kinalalagyan ng bansang Pilipinas sa Asya at sa mundo. Ang
pamagat nito ay “Ang Kinalalagyan ng Pilipinas”.
II. Mga Layunin
Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas
batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang
direksyon (AP4AAB-Ic-4)

III. Talahulugan
Bago tayo magsimula sa aralin na ito, alamin muna natin ang
kahulugan ng mga sumusunod na salita na mababasa mo sa sanayang
papel na ito.
relatibong lokasyon – ito ay tumutukoy sa kaugnay na kinalalagyan ng
bansa o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o
kalapit nitong lugar
pangunahing direksyon –kabilang dito ang Hilaga, Timog, Silangan at
Kanluran
pangalawang direksyon – kabilang dito ang Hilagang-Silangan,
Hilagang-Kanluran, Timog-Silangan at Timog-Kanluran
lokasyong insular - natutukoy ang lokasyon sa pamamagitan ng pag-alam
sa mga anyong-tubig na nakapaligid ditto
lokasyong bisinal - natutukoy ang kinaroroonan ng isang lugar sa
pamamagitan ng pag-alam sa mga bansang katabi o nasa hangganan nito

IV: Panimulang Pagsubok


Bilang paghahanda sa ating pag-aaralang paksa, sagutin mo muna
ang mga sumusunod. Gamit ang mapa, bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1
Source: https://www.google.com.ph/search?q=mga+anyon+tubig+na+nakapaligid+
sa+Pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTisCWjpzpAhXlGKYKHVKfAUwQ2

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong _________.


a. Timog-Silangang Asya c. Hilagang-Silangang Asya
b. Timog-Kanlurang Asya d. Hilagang-Kanlurang Asya
2. Ang Karagatang Pasipiko ay nasa __________ bahagi ng Pilipinas.
a. Hilaga c. Silangan
b. Timog d. Kanluran
3. Ang Vietnam ay matatagpuan sa bahaging ________ ng Pilipinas.
a. Timog-Silangan c. Timog
b. Timog-Kanluran d. Kanluran
4. Ang bansa na nasa sa hilaga ng Pilipinas ay ang ____________.
a. Myanmar c. Laos
b. Indonesia d. Taiwan
5. Ang Indonesia ay nasa ________________ direksyon ng Pilipinas.
a. Hilaga c. Hilagang-Silangan
b. Timog d. Hilagang-Kanluran

V. Mga Gawain sa Pagkatuto


Gusto mo ba na mas lalong maunawaan ang lokasyon ng ating
bansa? halina at basahin ang teksto sa ibaba.

2
Ang Kinalalagyan ng Pilipinas
Bilang isang mag-aaral, mahalagang matukoy moa ng lokasyon ng
Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa mga nakapaligid dito. Magagamit
mo sa pagtukoy ang mga pangunahin at pangalawang direksyon na
natutuhan mo noong ikaw ay nasa Ikatlong Baitang. Tingnan ang
compass rose na nasa ibaba. Ang mga pangunahing direskyon ay ang
hilaga, timog, silangan at kanlura. Ang mga pangalawang direksyon ay
ang mga direksyon sa pagitan ng mga pangunahing direksyon ito ay ang
hilagang-silangan, timog-silangan, hilagang kanluran at timog-kanluran.
Saang lokasyon kaya ang Pilipinas? Alamin natin.

Source: https://www.google.com/search?q=compass+rose+tagalog+version&tbm=isch&ved
Isa sa mga maaaring makatulong sa pagtukoy ng kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo ay ang globo. Ang globo ay representasyon o modelo
ng mundo na may imaginary lines na nakatutulong sa paghahanap ng
lokasyon ng isang lugar.
Ang Pilipinas ay ikalawang pinakamalaking kapuluan o arkipelago
na matatagpuan sa rehiyong Timog-Silangang Asya sa gawing itaas ng
ekwador. Ang Asya ang pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong
daigdig. Tinagurian ang Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa
kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng
Asya. Nasa pagitan ito ng latitude na 4°- 21° hilagang latitude at 116° -
127° silangang longhitud.
3
Source:https://www.google.com.ph/search?q=mapa+globo&tbm=isch&rlz=1C1CHBD_enPH
853PH853&hl=fil&ved=2ahUKEwiSoc6KjpzpAhUSxIsBHdjtBigQrNwCKAB6BAgBEDQ&biw

Mga katabing bansa nito ang Taiwan, China, at Japansa hilaga; ang
Micronesia at Marianas sa silangan; Brunei at Indonesia sa timog; at ang
Vietnam, Laos, Cambodia, at Thailand sa kanluran. Tunghayan ito sa
mapa sa susunod na pahina.
Maaaring matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa kaugnay
na kinalalagyan nito. Ang relatibong lokasyon o kaugnay na
kinalalagyanng bansa ay ang lokasyon ng isang lugar ayon sa
kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar. May dalawang
relatibong pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon. Ito ay ang insular at
bisinal. Ang lokasyong insular ay natutukoy sa pamamagitan ng pag-alam
sa mga anyong tubig na nakapaligid dito samantalang ang lokasyong
bisinal ay natutukoy ang kinaroroonan sa isang lugar sa pamamagitan ng
pag-alam sa mga bansang katabi o nasa hangganan nito. Tingnan ang
mapa at pansinin ang mga mahahalagang mga kalupaan at anyong tubig
na nakapalibot dito.

4
Source: https://www.google.com.ph/search?q=mga+anyon+tubig+na+nakapaligid+
sa+Pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTisCWjpzpAhXlGKYKHVKfAUwQ2

Kung pangunahing direksyon ang pagbabatayan, ang Pilipinas ay


napapaligiran ng mga sumusunod:
Pangunahing Anyong Lupa Anyong Tubig
Direksyon
Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Micronesia Karagatang Pasipiko
Timog Indonesia Dagat Celebes at Dagat
Sulu
Kanluran Vietnam Dagat Kanlurang Pilipinas o
Dagat Timog China
Sa pagitan ng mga pangunahing direksyon ay ang mga
pangalawang direksyon. Kung natatandaan mo, ito ang hilagang-
silangan, timog-silangan, hilagang-kanluran, at timog-kanluran. Kung
pagbabatayan ang pangalawang direksyob, natutukoy rin ang
kinalalagyan ng Pilipinas na napapaligiran ng Dagat ng Pilipinas sa
hilagang-silangan, mga isla ng Palau sa timog-silangan, mga isla ng
Paracel sa hilagang-kanluran, at Borneo sa timog-kanluran.

VI. Pagsasanay 1
Handa ka na ba sa mga iba’t-ibang pagsasanay na ating gagawin? Sa
pagsasanay na ito ay ating aalamin kung lubos mo bang naintindihan an

5
gating binasang paksa ukol sa lokasyon ng pilipinas. Halina at ating
sagutan ang mga sumusunod ng mga pagsasanay.
A. Gamit ang mapa sa ibaba , tukuyin ang mga anyong lupa at anyong
tubig na nakapaligid sa Pilipinas gamit ang mga pangunahing at
pangalawang direksyon, isulat ito sa patlang.
Pangunahing direksyon
1. Hilaga: ___________
2. Timog: ____________
3. Silangan: __________
4. Kanluran: ___________
Pangalawang Direksyon
1. Timog-Silangan: _________
2. Timog-kanluran: _________
3. Hilagang Silangan:____________
4. Hilagang Kanluran :____________

Source:https://www.google.com.ph/search?q=mga+anyong+tubig+na+nakapalibot+
sa+pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTisCWjpzpAhXlGKYKHVKfAUwQ2

B. Isulat sa patlang ang titik H kung sa gawing hilaga, S kung sa


silangan, T kung sa timog , at K kung sa kanluran ng Pilipinas
makikita ang mga sumusunod na lokasyon o lugar.
6
_______ 1. Dagat Celebes _________ 5. Indonesia
_______ 2. Vietnam _________ 6. Karagatang Pasipiko
_______ 3. Cambodia _________ 7. Dagat Sulu
_______ 4. Bashi Channel _________ 8. Taiwan

Pagsasanay 2
A. Kumpletuhin ang pangungusap:
1. Ang Pilipinas ang ikalawang pinakalamaking kapuluang matatagpuan
sa rehiyong __________________________ sa gawing itaas ng
ekwador.
2. Ang mga katabing bansa ng Pilipinas na nasa gawing hilaga ay ang
____________________________________.
3. Ang ____________________________________ ay ang lokasyon ng
isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.
4. Ang anyong tubig na nasa gawing silangan ng Pilipinas ay ang
________________.
5. Ang Pilipinas ay tinaguriang _______________________ dahil sa
kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng lupalop ng kontinente
ng Asya.
B. Ang mga sumusunod ay ang mga anyong lupa at anyong tubig na
nakapalibot sa Pilipinas. Salungguhitan ang hindi nabibilang sa pangkat
batay sa direksyon na katatagpuan nito.
1. Taiwan, Cambodia, Thailand
2. Brunei, Indonesia, Vietnam
3. China, Laos, Japan
4. Dagat Celebes, Dagat Sulu, Karagatang Pasipiko
5. Micronesia, Marianas, Cambodia

7
Pagsasanay 3
A. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita o impormasyong
bubuo sa diwa nito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang
papel.
1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ________________
a. Timog Asya c. Kanlurang Asya
b. Silanganang Asya d. Timog-silangang Asya
2. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang
_____________.
a. Bashi Channel c. Karagatang Pasipiko
b. Dagat Celebes d. Dagat Kanlurang Pilipinas
3. Ang direksyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing
__________.
a. hilaga c. timog
b. silangan d. kanluran
4. Ang Taiwan, China at Japanay nasa ______________ bahagi ng
Pilipinas
a. hilaga c. silangan
b. timog d. kanluran
5. Ang lokasyong ________________ ay tumutukoy sa
kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitang g pag-alam sa
mga bansang katabi o nasa hangganan nito
a. relatibong lokasyon c. bisinal
b. insular d. direksyon
B. Isulat sa patlang ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katotohanan at Mali naman kung hindi.
________ 1. Ang Dagat ng Pilipinas ay nasa hilagang silangan ng
bansa.

8
________ 2. Matatagpuan sa timog-silangan ng bansa ang nga isla ng
Palau.
________ 3. Ang mga isla ng Paracel ay makikita sa timog-kanluran.
________ 4. Ang lokasyon insular ay natutukoy sa pamamagitang ng
pag-alam sa mga anyon tubig na nakapaligiod dito.
________ 5. Madaling matukoy ang lokasyon ng isang lugar gamit ang
aklat.

Narito ang mga kasagutan sa panimulang pagsubok at sa bawat


pagsasanay.
Panimulang Pagsubok
1. a 2. c 3. d 4. d 5. b
Pagsasanay 1
A. Pangunahing direksyon
1. Hilaga: Taiwan, China, Japan, Bashi Channel
2. Timog: Indonesia, Dagat Celebes, Dagat Sulu
3. Silangan: Micronesia, Marianas, Karagatang Pasipiko
4. Kanluran: Vietnam, Laos, Cambodia,Thailand, Dagat Kanlurang
Pilipinas
B. Pangalawang direksyon
1. Timog-silangan: mga isla ng Palau
2. Timog-kanluran: Borneo
3. Hilagang-silangan: Dagat ng Pilipinas
4. Hilagang-kanluran: mga isla ng Paracel
B. 1. T 3. K 5. T 7. T
2. K 4. H 6. S 8. H
Pagsasanay 2
A. 1. Timog Silangang Asya
2. Taiwan, China at Japan

9
3. relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan
4. Karagatang Pasipiko o Pacific Ocean
5. Pintuan ng Asya
B. 1. Taiwan
2. Vietnam
3. Laos
4. Karagatang Pasipiko
5. Cambodia

Pagsasanay 3
A. 1. d 2. b 3. d 4. a 5. C
B. 1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Mali 5. Mali

Mga Sanggunian:
Araling Panlipunan 4, LM pp. 8-14

https://www.google.com/search?q=insular+at+bisinal&tbm=isch&source
=iu&ictx=1&fir=ytOC64zWYza

https://www.google.com.ph/search?q=mga+anyon+tubig+na+nakapaligi
d+sa+Pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTisCWjpzpAhXlGKYKHVKfAU
wQ2

https://www.google.com/search?q=compass+rose+tagalog+version&tbm
=isch&ved

https://www.google.com.ph/search?q=mapa+globo&tbm=isch&rlz=1C1C
HBD_enPH853PH853&hl=fil&ved=2ahUKEwiSoc6KjpzpAhUSxIsBHdjtBi
gQrNwCKAB6BAgBEDQ&biw

Gusto mo bang malaman ang antas ng iyong pagkatuto sa bawat


kasanayan? Alamin kung saang lebel ka kabilang.

10
Pagsasanay 1
8 Napakagaling. Binabati kita sa iyong kahusayan.
6-7 Magaling. Balikan at pag-aralan mabuti ang paksang hindi mo nakuha
4-5 May kahusayan. Paunlarin ang iyong kaalaman.
2 – 3 Paghusayan pa ng mabuti. Pag-aralan at basahin ng mabuti ang mga hindi
naintindihan
0-1 Sikaping matuto. Mag-aral ng mabuti para sa ikauunlad sa pagsagot ng mga
pagsasanay.
Katumbas ng bawat score: 8 – master; 6-7 – mystic; 4-5 – apprentice; 2-3 – beginner; 0 - poor

Pagsasanay 2 at 3

Katumbas ng bawat score: 5 – master; 3-4 – mystic; 1-2 – apprentice; 0 - poor

Binabati kita! Narito ang mga kaisipang iyong dapat tandaan.


➢ Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay
ang direksyon o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan
ng mga katabi o kalapit nitong lugar.
➢ Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya
sa kontinente o lupalop ng Asya.
➢ Kung gagamitin ang pangunahing direksyon, ang Pilipinas ay
napapaligiran ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga,
Karagatang Pasipiko sa silangan, mga bansang Brunei at
Indonesia at mga Dagat Celebes at Sulu sa timog, at ng bansang
Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran.
➢ Kung ang pangalawang direksyon ang gagamitin, napapaligiran
ang bansa ng dagat Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla ng

11
Palau sa timog-silangan, mga isla ng paracel sa hilagang-
kanluran, at Borneo sa timog-kanluran.

VII. Pangwakas na Pagsubok


Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at bilugan
ang titik ng wastong sagot.
1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangang bahagi ng
Pilipinas?
a. Dagat Celebes c. Bashi Channel
b. Karagatang Pasipiko d. Dagat Pilipinas
2. Ang mga sumusunod na bansa ay matatagpuan sa kanluran ng
Pilinas maliban sa ________.
a. Myanmar c. Japan
b. Thailand d. Vietnam
3. Alin ang nasa hilagang bahagi ng bansa?
a. Laos c. Brunei
b. Taiwan d. Korea
4. Ang _________ ay nasa kanlurang direksyon ng Pilipinas.
a. Indonesi a c. Karagatang Pasipiko
b. Malaysia d. Myanmar
5. Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking kapuluang
matatagpuan sa sa rehiyong _________.
a. Timog-Silangang Asya c. Hilagang-Silangang Asya
b. Timog-Kanlurang Asya d. Hilagang-Kanlurang Asya

VIII. Karagdagang Gawain


Gamit ang blind map, isulat ang mga katabing bansa at mga anyong
tubig na nakapaligid sa Pilipinas gamit ang pangunahing direksyon

12
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang aralin. Maaari ka ng
dumako sa susunod.

13
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

14

You might also like