You are on page 1of 17

``

4
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Pakinabang na
Pang-Ekonomiko ng
mga Likas na Yaman ng Bansa
4

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Mga Pakinabang na
Pang-Ekonomiko ng
mga Likas na Yaman ng Bansa
Araling Panlipunan - Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas
na Yaman ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Grace R. Galo
Editor: Romelita C. Tumaneng, Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Douglas DC. Prado, Alda B. Nabor,
Tagaguhit : ALAN A. LUCAS, RYAN CHRISTOPHER M. VILLALON
Tagalapat : BRIAN SPENCER B. REYES
Tagapamahala : JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
EDERLINA BALEÑA – EPS – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko
ng mga Likas na Yaman ng Bansa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na
Yaman ng Bansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

4
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang

5
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Upang mapalalim pa ang iyong pang-unawa tungkol sa bansang


Pilipinas, mahalagang malaman mo ang mga pakinabang na pang-
ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa.
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na iyong:
1. Maipaliliwanag ang iba‟t ibang gawaing pang-
ekonomiko gamit ang mga likas na yaman ng
bansa;
2. Mailalahad ang kahalagahan at pakinabang ng
likas na yaman sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa.

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Ano-ano ang mga likas na yaman ng bansa?


A. Yamang lupa C. Yamang Tubig
B. Yamang mineral D. Lahat ng nabanggit

2. Ano-ano ang mga pakinabang na pang-ekonomiko ng mga likas na


yaman ng bansa?
A. Pakinabang sa kalakal at produkto C. Pakinabang sa turismo
B. Pakinabang sa enerhiya D. Lahat ng nabanggit

7
3. Ang mga magagandang lugar at tanawin sa bansa ay may malakas
na atraksyon sa mga turista. Ano ang pakinabang pang-ekonomiko ang
ipinapakita dito?
A. Pakinabang sa turismo C. Pakinabang sa enerhiya
B. Pakinabang sa produkto D. Pakinabang sa tirahan

4. Ang Pilipinas ay sagana sa mga produkto gaya ng mga lamang-


dagat, prutas, at mineral na iniluluwas sa ibang bansa. Ano ang
ipinahihiwatig nito sa ating ekonomiya?
A. Nagpapahirap ito sa mga mamamayan
B. Nakadaragdag sa pag-angat ng ating ekonomiya
C. Nakapagpipigil ng kabuhayan ng mga mamamayan
D. Nakatutulong sa paghina ng ekonomiya ng bansa

5. Anong pakinabang pang-ekonomiko ang nakukuha sa mga talon ng


Maria Cristina at lakas ng hangin sa Bangui Windmill sa Ilocos Norte?
A. Pakinabang sa turismo C. Pakinabang sa enerhiya
B. Pakinabang sa produkto D. Pakinabang sa mineral

6. Alin sa mga sumusunod ang mga yamang mineral mula sa mga likas
na yaman?
A. Ginto C. Troso
B. Perlas D. Gulay

7. Ang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman. Ano ang


pangunahing produkto ng mga nakatira sa katubigan?
A. Mais C. Prutas
B. Tanso D. Isda

8
8. Ang Pilipinas ay may malawak na lupaing sakahan. Ano ang
pangunahing produkto ng mga magsasaka?
A. Palay at mais C. Palay at ginto
B. Tanso at ginto D. Prutas at kabibe

9. Si Mang Kanor ay isang tourist guide sa Baguio. Anong pakinabang


pang-ekonomiko ang naidudulot ng kaniyang trabaho?
A. Pakinabang sa turismo C. Pakinabang sa mineral
B. Pakinabang sa produkto D. Wala sa nabanggit

10. Ano ang naidudulot ng mga likas na yaman sa ating bansa?


A. Nakapagpapasaya ng mga tao C. Pakinabang pang-ekonomiya
B. Nakatutulong sa mga mamamayan D. Wala sa nabanggit

Aralin Mga Pakinabang na Pang-


1 ekonomiko ng mga Likas na Yaman
ng Bansa

Balikan
Sa nakalipas na aralin, natutuhan mo ang iba‟t ibang anyong lupa at
anyong tubig na bumubuo sa ating bansa bilang isang arkipelago.
Natutuhan mo rin ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa
pag-unlad ng bansa.
Sa paanong paraan napakikinabangan ang mga likas na yaman ng
bansa?

9
Tuklasin
Umawit tayo sa tono ng “Ang Mga Ibon”
Ang mga bundok na matataas
Ay yamang lupa
„Wag nating patagin
(Ulitin)
„Wag ka nang malungkot
O, Wow Philippines.

Palitan ang mga salitang bundok na matataas, yamang lupa at patagin


ng likas na yaman/gawa ng diyos/sirain

Suriin
Pakinabang sa kalakal at produkto
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya, ang mga Pilipino
ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan sa araw araw. Maraming produktong nakukuha sa
mga yamang ito. Ang mga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas
ng ekonomiya ng bansa.
Ano-ano ang mga kapakinabangang naibibigay ng mga likas na yaman
ng bansa tungo sa pag-angat ng ekonomiya?
Kung susuriin, pangunahin nang kapakinabangan sa ating likas na
yaman ang mga produktong nakukuha rito. Ang mga isda at iba pang
lamang dagat at tubig; mga prutas; mga troso; mga mineral, ginto, pilak
at tanso; at marami pang iba na ating pinagkukunan ng ikinabubuhay.
Ang mga produktong ito ay iniluluwas din sa ibang bansa.
10
Nangangahulugan na karagdagang kita ito sa ating pananalapi at
dagdag sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Pakinabang sa Turismo
Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing ang
maraming lugar at tanawin sa bansa. Nagsisilbi itong atraksiyon sa mga
turista buhat sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa. Ilan
sa mga atraksiyong ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan,
bulkan, kagubatan, at maging ang ilalim ng karagatan. Dinarayo rin ng
mga turista ang mga makasaysayang lugar sa bansa. Bunga nito,
malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya.
Pakinabang sa Enerhiya
Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa. Isa itong
malaking bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin
kailangang umangkat ng labis na krudo o langis. Pinatatakbo ang mga
planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon
ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya, at lakas ng hangin sa Bangui Ilocos
Norte sa pamamagitan ng windmill.
Ilan lang ang mga ito sa kapakinabangang nakukuha sa ating mga likas
na yaman.

Pagyamanin
Ibigay ang kapakinabangang pang-ekonomiko ng iba‟t ibang likas na
yamang matatagpuan sa bansa. Ilagay ang sagot sa ikalawang hanay.
(Sundan ang halimbawa na nasa unang bilang). Gawin ito sa hiwalay
na papel.
Likas na Yaman Kapakinabangang
Pang-ekonomiko
1. Bulkang Mayon Turismo
2. Isda

11
3. Chocolate Hills
4. Bangui Windmill
5. Abaka
6. Palay at gulay
7. Tanso
8. Isla ng Boracay
9. Talon ng Maria Cristina
10. Niyog

Isaisip
•Ang likas na yaman ay ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan
tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, mga ilog at lawa, kasama ang
mga depositong mineral na nagbibigay ng mga pangunahing
pangangailangan ng tao.
•Ang mga likas na yaman ay nakapagdudulot ng maraming
kapakinabangan sa ating ekonomiya.
•Ilan sa mga pinagmumulan ng kapakinabangang pang-ekonomiko ay
ang mga produkto at kalakal mula sa mga likas na yaman,
turismo, at kalakalan.

12
Isagawa
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ang
mga sumusunod? Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
Hal. Banana Chips – Nailuluwas sa iba‟t ibang panig ng bansa
1. Perlas -
2. Lungsod ng Tagaytay -
3. Puerto Galera -
4. Marmol -
5. Bulkang Taal -
6. Ginto, Pilak, at Tanso -
7. Puerto Prinsesa Underground River -
8. Tarsier -
9. Dried Mango -
10. Taniman ng strawberry sa lungsod ng Baguio -

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng
lupa, kabundukan, kagubatan, mga ilog at lawa?
A. Kayamanan C. Yamang tao
B. Likas na yaman D. Yamang lupa
2. Alin sa mga sumusunod ang yamang lupa?
A. Perlas at kabibe C. Palay, gulay at mga prutas
B. Langis D. Marmol at ginto
13
3. Ano-ano ang mga iba‟t ibang likas na yaman ng bansa?
A. Yamang tubig C. Yamang mineral
B. Yamang lupa D. Lahat ng nabanggit
4. Ang Pilipinas ay nagluluwas ng mga prutas sa ibang bansa. Anong
kapakinabangang pang-ekonomiko ang ipinakikita dito?
A. Pakinabang sa produkto C. Pakinabang sa enerhiya
B. Pakinabang sa turismo D. Wala sa nabanggit
5. Ang masaganang ani ng mga magsasaka ay nakapagdudulot ng
sapat na mapagkukunan ng makakain ng Sambayanang Pilipino kahit
may pandemiya. Anong pakinabang pang-ekonomiko ang ipinakikita
nito?
A. Pakinabang sa enerhiya C. Pakinabang sa turismo
B. Pakinabang sa produkto at kalakal D. Pakinabang sa pamahalaan
6. Paano nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ang mga likas na
yaman ng bansa?
A. Napagkukunan ng ikabubuhay ng mga Mamamayang Pilipino
B. Nakapagluluwas ng produkto sa ibang bansa
C. Pinatatakbo ang mga planta ng kuryente
D. Lahat ng nabanggit
7. Paano nakatutulong sa ating ekonomiya ang mga magagandang
tanawin sa bansa?
A. Maraming turista ang dumarayo dito
B. Nakaaakit ng mga mamumuhunan sa negosyo
C. Nakapagpapadami ng tao
D. Wala sa nabanggit
8. Ano ang naidudulot ng mga likas na yaman sa ating ekonomiya?
A. Maraming kapakinabangan C. Nagdudulot ng kalamidad
B. Pahirap sa mga magsasaka D. Nakatutulong sa ibang bansa

14
9. Saan nagmumula ang iba‟t ibang kapakinabangang pang-ekonomiko?
A. Produkto mula sa likas na yaman C. Kalakalan
B. Turismo D. Lahat ng nabanggit
10. Sa panahon ng pandemiya, ipinagbabawal ang pagpunta sa mga
pook-pasyalan tulad ng Boracay. Anong pakinabang pang-ekonomiko
ang naaapektuhan?
A. Produkto C. Likas na yaman
B. Enerhiya D. Turismo

Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang maikling talata kung paano nakatutulong sa pag-unlad
ng ekonomiya ang mga likas na yaman ng bansa. Ilagay ito sa papel.

15
16
Kagamitan ng Mag-aaral 4. Pilipinas. Vibal Group Inc.
• 2015. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang. Araling Panlipunan
Sanggunian
Tayahi n Pagyamani n Subuki n
1. B 9. D 2. Produkto 1. D 9. A
2. C 10. D 3. Turismo 2. D 10. C
3. D 4. Enerhiya 3. A
4. A 5. Produkto 4. B
5. B 6. Produkto 5. C
6. D 7. Produkto 6. A
7. D 8. Turismo 7. D
8. A 9. Enerhiya 8. A
10. Produkto
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

17

You might also like