You are on page 1of 26

4

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pangangasiwa at Pangangalaga
ng mga Likas na Yaman ng
Bansa
Araling Panlipunan - Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pangangasiwa at Pangangalaga ng mga Likas na
Yaman ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: PHILIP F. ALBIS
Editor: ROMELITA C. TUMANENG, DOUGLAS DC. PRADO
Tagasuri: Alda B. Nabor, Rodolfo F. De Jesus
Tagaguhit : ALAN A. LUCAS, RYAN CHRISTOPHER M. VILLALON
Tagalapat : BRIAN SPENCER B. REYES
Tagapamahala : JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
EDERLINA BALEÑA – EPS – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
4
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pangangasiwa at Pangangalaga
ng mga Likas na Yaman ng
Bansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pangangasiwa at Pangangalaga ng
mga Likas na Yaman ng Bansa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Pangangalaga at Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng
Bansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang

iii
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
PAALALA
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa pamamagitan ng modyul na ito, aming inaasahan na matututunan


mo ang wastong pangangasiwa at pangangalaga ng mga likas na
yaman ng bansa.

Sa pagtatapos ng aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natatalakay ang mga isyung maaaring makaapekto sa ating
kapaligiran;
2. Naipaliliwanag ang matalino at di-matalinong paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa; at
3. Nailalahad ang kahalagahan ng matalinong pangangasiwa ng
mga likas na yaman.

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa hiwalay na papel ang
iyong sagot.

1. Ang malawakang pagpapatayo ng mga pabrika at iba pang


pagawaan ay tinatawag na ____________.
a. komersyalisasyon
b. ekonomiya
c. negosasyon
d. industriyalisasyon

2. Hinihikayat ang lahat na muling magtanim ng mga puno upang


mapalitan ang nakakalbong kagubatan. Ito ay tinatawag na
_________.
a. sedation
b. reforestation

1
c. vulcanization
d. wala sa nabangit

3. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng _______ ng


mundo.
a. sangkatauhan
b. kalupaan
c. katubigan
d. atmospera

4. Ang tatlong R’s ay tumutukoy sa _____, reuse, at recycle.


a. reduce
b. realize
c. reconstruct
d. reforestation

5. Ang ______ ay ang pagbuo ng mga bagong kagamitan mula sa


mga lumang bagay na itinapon na sa basura.
a. reuse
b. reduce
c. recycle
d. reconstruct

6. Ang kagawaran ng pamahalaan na may tungkulin na protektahan


ang kalikasan ay ang _____.
a. DOST
b. DENR
c. DOH
d. DOJ

7. Ang ________ ay ang pagpili lamang sa kung anong puno ang


maaaring putulin.
a. culturalism
b. globalization
c. reforestation
d. selective logging

8. Ang _________ ay ang pagkakakulob ng init ng araw sa daigdig.


a. greenhouse effect
b. redhouse effect
c. bluehouse effect
d. wala sa nabangit

2
9. Ang _________ ay nakapagdudulot ng dumi sa hangin.
a. polusyon
b. recycle
c. reforestation
d. dynamite fishing

10 Ang _________ ay ang paglilimita sa pagamit ng mga bagay na


maaring maging basura.
a. reduce
b. reuse
c. recycle
d. wala sa nabanggit

3
Pangangasiwa at
Aralin
Pangangalaga ng mga
2 Likas na Yaman ng
Bansa

Balikan

Sa nakaraang modyul, iyong natutunan ang iba’t ibang pakinabang


pang- ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa. Ang mga likas na
yaman ay naghahatid ng maraming kapakinabangan sa ating
ekonomiya.

Ibigay ang tatlong (3) pangunahing kapakinabangang pang-ekonomiko


ng ating likas na yaman. Isulat ito sa sagutan papel.

1. _______________________
2. _______________________
3. _______________________

4
Tuklasin

Kalikasan
Ang tulang ito ay galing sa Filipino-tula.blogspot.com

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman


Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon ng ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pakaingatan.
Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw dito ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.
Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.
Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.
Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng tula?
2. Ayon sa tula, ano-ano ang mga bagay na ipinagkakaloob sa atin ng
kalikasan?

5
Suriin

Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa


Bawat pagbabago at pag-unlad ng isang bansa ay may kaakibat
na epekto sa kapaligiran. Maaaring ito ay mabuti o masama depende sa
naganap na mga pagbabago. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang
industriyalisasyon. Ang industriyalisasyon ay ang malawakang
pagpapatayo ng malalaking gusali o infastructure, pagpapasigla ng
kalakalan at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya. Ang
industriyalisasyon ay may mabuti at masamang epekto sa kalikasan.
Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya ay ang pagkakaroon ng pondo
para sa mga proyekto sa reforestation o muling pagtatanim.
Nagkakaroon din tayo ng sapat na lakas-tao na nakatutulong sa mga
proyekto para sa kalikasan.
Gayunpaman, may kaakibat ding masamang epekto ang
industriyalisasyon. Kasama rito ang global warming, pagbaha, pagguho
ng lupa, at polusyon.

Global Warming
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera
ng mundo sanhi ng mga chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga
industriya at maging sa kabahayan. Ang mataas na temperatura ay
maaaring magresulta ng greenhouse effect o pagkakakulob ng init ng
araw sa daigdig na nakaapekto sa ating kalusugan at maging sa mga
pananim.

Pagbaha at Pagguho ng Lupa


Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng walang habas na
pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan.
Ang patuloy na pagputol ng mga puno ay isa sa mga isyung
pangkapaligiran sa kasalukuyan na dapat bigyan ng pansin dahil ang
pagbaha at pagguho ng lupa ay nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga
pananim at ari-arian.

6
Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay epekto rin ng pagkakaingin o
pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng uling, upang pagtamnan
ang lupa, o pagtayuan ng tirahan o komersiyal na gusali.

Polusyon
Ang polusyon ay isa rin sa mga isyung pangkapaligiran na nakaaapekto
hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa mga likas na yaman.
Ang usok at langis mula sa mga pagawaan at sasakyan ay nagdudulot
ng pagdumi ng hangin maging ng katubigan na maaaring maging sanhi
ng pagkakasakit ng mga mamamayan.

Ang climate change o pag-iiba-iba ng klima ng mundo ay nakaaapekto


rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto gaya ng walang tigil na
pag ulan na nagdudulot ng pagbaha o kaya ay ang matinding init ng
araw na nagdudulot naman ng pagkatuyo ng mga lupa at mga pananim.

Ang mga likas na yaman ng bansa ay napakikinabangan di lamang ng


kasalukuyang henerasyon kundi maging ng mga susunod pa. Ang mga
paraan ng ating pangangasiwa sa mga yamang ito sa kasalukuyan ay
magiging batayan ng yamang tatamasahin ng susunod na salinlahi.
Kaya dapat na ito ay pangalagaan.
Tungkulin ng bawat Pilipino na pangalagaan ang mga likas na yaman ng
bansa. Ang wastong paraan ng paggamit sa mga ito ay makabubuti sa
lahat ng mga mamamayan. Ang maling paggamit naman ng mga ito ay
maaaring humantong sa kanilang pagkasira, pagkawasak, o tuluyang
pagkawala.
Matalino at Di-Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas
na Yaman
Matalinong Pamamaraan ng Pangangasiwa
Ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman ay
makatutulong upang mapanatili ang mga ito at mapakinabangan pa ng
mga susunod na salinlahi. Ilan sa maaaring gawin ay ang mga
sumusunod:
• Gawin ang hagdan-hagdang pagtatanim upang mabawasan ang
pagguho ng lupa.
• Magtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa mga
bakanteng lupa.

7
• Magtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na
hayop at mga ligaw na halaman.
• Gawin ang bio-intensive gardening o paggamit ng organikong
paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang.
• Pagtatatag ng mga sentro o sanctuary para sa mga yamang tubig.
• Pagpapanatiling malinis ng lahat ng uri ng katubigan –
kanal,ilog, at dagat.
Ang tatlong R’s o ang reduce, reuse, at recycle ay makatutulong sa
matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Ang reduce ay ang
pagbabawas sa mga basura sa ating paligid. Ang paghihiwalay ng mga
nabubulok at di-nabubulok na basura o waste segragation ay
makatutulong upang mabawasan ang mga basura at mapakinabangan
ang mga ito. Reuse naman ang maaaring gawin sa mga bagay na
patapon na ngunit maaari pang magamit. Maari ito kumpunihin at ibigay
sa mga nangangailangan, o kaya ay ipagbili. Recycle naman ang tawag
sa pagbuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang bagay.
Di Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa
May mga gawain ding lubhang nakasisira ng kapaligiran gaya ng
pagsusunog ng mga plastik; pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat;
pagputol ng mga puno; paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at sa
lupa; paggamit ng dinamita sa pangingisda; pagtagas ng langis sa
dagat; at pagtatayo ng mga pabrika, gusali, o pook-alagaan malapit sa
mga ilog o dagat. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga gawaing
magdudulot ng pagkasira ng ating paligid upang hindi masira ang ating
likas na kapaligiran.
Ang likas na yaman ay maaring maubos at mawala kung hindi aalagaan
at pagyayamanin. Huwag itong abusuhin bagkus maging responsable
tayo sa paggamit ng mga ito.
Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng
Pinagkukunang-Yaman ng Bansa
Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang
tungkulin, obligasyon, at responsibilidad. Ang pananagutan ay ang mga
dapat gawin ng isang sektor o tao para sa kaniyang sarili at para sa
kaniyang bayan.

8
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi, kabilang dito ang
mga mamamayan, pamilya, samahang pribado, simbahan, paaralan, at
pamahalaan. Ang bawat kasapi ng lipunan ay may bahaging dapat
gampanan at may pananagutan upang maiwasan ang tuluyang
pagkawasak ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
Mga Pananagutan ng Pamahalaan
Ang pamahalaan bilang isa sa mga pangunahin at mahalagang kasapi
ng lipunan ay may pananagutan sa ating mga pinagkukunang-yaman.
Ang pamahalaan ay nagtalaga ng ahensiya na siyang mangunguna sa
pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang Department
of Environment and Natural Resources (DENR) o Kagawaran ng
Kapaligiran at Likas na Yaman.
Gayundin, ang ating pamahalaan ay bumalangkas ng isang malinaw na
batas upang mapangalagaan ang ating mga pinagkukunang-yaman
mula sa pagkawasak. Ayon sa Artikulo II, Seksyon 16 ng Saligang Batas
ng 1987, ―Dapat pangalagaan at isulong ng Estado ang karapatan ng
sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekolohiya na tugma sa
kalikasan.‖
Dahil sa nakasaad na batas, napakahalagang magkaroon ng maraming
batas na naglalayong panatilihin at proteksiyunan ang mga likas na
yaman sa Pilipinas. Ilan sa mga batas na ito ang PD 1219, RA 428, at
PD 705.
1. PD 1219/PD 1698 o Coral Resources Development and
Conservation Decree - ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang
mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.
2. Republic Act 428 - ito ay isang batas na nagbabawal sa
pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa
pamamagitan ng dinamita o paglalason.
3. PD 705 o Selective Logging - isa sa mga batas sa ilalim ng PD
705 ay ang batas ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang kung
anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.
Upang lalong mapaigting ang kampanya ng pamahalan para sa
mga pinagkukunang-yaman, may mga proyektong ipinatutupad ang
pamahalaan para sa kalikasan gaya ng Oplan Sagip Gubat, Sloping
Agricultural Land Technology (SALT), at Clean and Green Project.

9
Pananagutan ng Paaralan
Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Artikulo XIV–
Edukasyon, Siyensya at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Sec. 1)
— ―Pangangalagaan at itataguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng
mamamayan sa mataas na uri ng edukasyon sa lahat ng antas at
magsasagawa ng mga kaukulang hakbang upang ang nasabing mataas
na uri ng edukasyon ay maging bukas para sa lahat.‖
Bilang sektor na may direktang ugnayan sa mga mamamayan
lalo’t higit sa mga kabataan, pananagutan ng paaralan na bigyan ng
mataas na uri ng edukasyon at kaalaman ang mag-aaral sa lahat ng
antas ukol sa mga tamang paraan ng pangangasiwa ng bansa at yaman
nito. Tungkulin ng bawat kawani ng sektor ng edukasyon lalo’t higit ng
mga guro na isama sa kanilang kurikulum at pagtuturo ang
pagpapahalaga sa mga yaman ng bansa.
Gayundin, ang mga paaralan ay dapat manguna sa pakikilahok sa
mga proyektong inilunsad ng pamahalaan tulad ng proyektong ―Ilog Ko,
Irog Ko,‖ Eco Saver ng DepEd NCR, at ―Kabataan Kontra Basura.‖
Pananagutan ng Simbahan
Ang simbahan ay samahan ng mga taong may iisang paniniwala.
Bilang isang kasapi sa lipunan, ang simbahan ay may pananagutan na
manghimok sa kanilang mga kasapi na magkaroon ng mataas na
pagpapahalaga sa mga likas na yaman na siya nating pinagkukunan ng
pangangailangan. Gayundin, ipakita ang paniniwala sa pamamagitan ng
mga kilos, prinsipyo, at mabuting gawa lalo na para sa lahat ng bagay
na may buhay gayundin ang pagtatama sa maling gawa ng mga kasapi.
Pananagutan ng Pribadong Samahan
Ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman ay higit na
pinalawak sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga pribadong
samahan o ahensiya. Isang halimbawa nito ay ang media na may
pananagutan na maging instrumento sa paglalahad sa taong bayan ng
lahat ng kaganapan sa paligid at mga posibleng epekto nito sa
kabuhayan ng bansa. Pananagutan din nila na maglunsad ng mga
programang pantelebisyon o panradyo na maaaring magturo ng iba’t
ibang paraan ng pangangalaga sa ating mga pinagkukunang-yaman.
Maaari ding sa pamamagitan ng mga awitin at dula ay maipabatid sa
publiko ang mga mensaheng pangkapaligiran.

10
Pananagutan ng Pamilya
Ang pamilya o mag-anak ang tinaguriang pinakamaliit na sangay
ng lipunan, subalit may malaking tungkulin para sa bansa. Pananagutan
ng bawat pamilya na simulan sa kanilang sariling tahanan ang mga
wastong paraan ng pangangalaga sa ating mga yaman. Tungkulin ng
mga magulang na hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa
kalikasan.
Pananagutan ng Mamamayan
Sa pangangalaga sa mga pinagkukunang-yaman, nararapat na
kaagapay at katuwang ang mga mamamayan sa pagpapanatili ng
kapaki-pakinabang na likas na yaman ng bansa. Ang pag-aabuso sa
mga likas na yaman ay dapat nang matigil upang mapanatili ang
timbang na ekolohiya ng bansa.
Bilang mamamayan ng bansa, pananagutan natin na:
• Hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na makiisa sa
pagpapaunlad at pagprotekta sa kalikasan;
• Isabuhay ang anumang natutuhan o nalalaman ukol sa wastong
pangangasiwa ng kalikasan at mga pinagkukunang-yaman;
• Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at
sa tubig;
• Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan o kaya ay bumuo ng
samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan ang
mga suliranin sa kalikasan;
• Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing
pangkalikasan; at
• Magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama para sa
ikabubuti ng mundong ating ginagalawan.
Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagpapakatao.
Habang maaga, simulan natin ang pagtugon at pagtupad sa ating mga
pananagutan.

11
Pagyamanin

I. Suriin ang bawat bilang na nagpapakita ng mga suliraning


pangkapaligiran na kinakaharap natin. Hanapin ang sanhi ng
mga suliraning ito sa loob ng kahon. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa papel.
A. Walang habas na pagpuputol ng mga puno
B. Kaingin
C. Kawalan ng mga punong sisipsip sa tubig-ulan
D. Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan
E. Labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbons

_______ 1. Pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig.

_______ 2. Pagkaubos ng mga halaman at mga hayop sa


kagubatan.

_______ 3. Pagbaha at pagguho ng lupa.

_______ 4. Pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone


layer.

_______ 5. Pagkasira ng mga pananim sa kapatagan.

II. Lagyan ng tsek (√) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng kaisipan ukol sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman, at ekis
(×) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
_____ 1. Hagdan-hagdang pagtatanim
_____ 2. Pagsusunog ng mga basura
_____ 3. Pagtatanim ng mga puno
_____ 4. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis
na hayop at mga ligaw na halaman
_____ 5. Bio-intensive gardening

12
III. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama. Isulat ang M kung ang
pahayag ay mali. Ilagay ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang
papel.

_______ 1. Ang kagawaran na siyang nangunguna sa


pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran ay ang
DOJ

_______ 2. Ang PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging.

_______ 3. Tungkulin ng mga paaralan na isama sa kanilang


kurikulum at pagtuturo ang pagpapahalaga sa mga likas
na yaman ng bansa.

_______ 4. Walang pananagutan ang mga pribadong samahan sa


pangangalaga ng likas na yaman ng Pilipinas.

_______ 5. Responsibilidad ng bawat mamamayan ng bansa na


panatilihing malinis ang kapaligiran.

Isaisip

Piliin sa ibabang kahon ang mga salitang bubuo sa pangungusap. Piliin


ang sagot sa kahon sa ibaba. Isulat ang letra ng sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

1. Ang mga pagbabago sa ating bansa ay may kaakibat na mga isyung


nauukol sa ating _____.
2. Ilan sa mga isyung pangkapaligiran ay ang industriyalisasyon, ilegal
na pagtotroso, pagkakaingin at _____.
3. Malaki ang kaugnayan ng ______ at matalinong paggamit ng mga
likas na yaman sa kaunlaran ng bansa.
4. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi, kabilang dito ang
______, paaralan, simbahan, pribadong samahan, pamilya, at
mamamayan.

13
5. May bahaging ginagampanan ang bawat kasapi ng _____ upang
maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga likas na yaman ng bansa.

A. polusyon B. pamahalaan C. kapaligiran D. wasto E. lipunan

Isagawa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


hiwalay na papel.
1. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagbawas o pagpigil sa
epekto ng global warming?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Paano mo ibabahagi sa iba ang tungkol sa mga isyung


pangkapaligiran at pagtugon sa mga isyung ito?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Ano-ano ang wastong pamamaraan ng pangangalaga at


pangangasiwa ng mga likas na yaman?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4. Ano ang mangyayari kung hindi mapapangasiwaan nang maayos ang


mga likas na yaman? Ipaliwanag.

14
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa


mga likas na yaman?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Tayahin

Piliin ang salita na bubuo sa mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. .Ang malawakang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng


kalakalan, at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya ay tinatawag na
______.
a. negosasyon
b. industriyalisasyon
c. komersyalisasyon
d. ekonomiya

2. Ang reforestation ay ang muling pagtatanim ng mga puno sa


nakakalbong _________.
a. kagubatan
b. garden
c. lungsod
d. kalsada

3. Ang _______ ay tumutukoy sa pagbabago-bago ng klima ng mundo.


a. climate change
b. greenhouse effect
c. reforestation
d. global warming

4. Ang greenhouse effect ay ang pangunahing dahilan ng ______

15
a. reforestation
b. globalization
c. global warming
d. wala sa nabangit

5. Ang pagkakaingin sa bundok ay nakapagdudulot ng _______ ng lupa.


a. pagguho
b. pag-angat
c. pagnipis
d. wala sa nabanggit

6. Ang ______ ay ang paggamit muli sa luma o patapon ng bagay.


a. reduce
b. reuse
c. recycle
d. wala sa nabanggit

7. Ang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di nabubulok ay


tinatawag na _________.
a. waste segregation
b. recycle
c. reduce
d. reuse

8. Ang ______ ay ang pangunahing kagawaran ng Pamahalaan na


nangangalaga at promoprotekta sa kalikasan ng bansa.
a. DILG
b. DEPED
c. DENR
d. DOST

9. Ang Saligang Batas ______ ay nag-uutos sa pamahalaan na


pangalagaan ang ating kalikasan.
a. 1987
b. 2000
c. 1950
d. 1965

10 Ang _________ ay ang paggamit ng mga dinamita sa pangingisda.


a. pagkakaingin
b. recycle
c. dynamite fishing

16
d. wala sa nabanggit

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng tamang pangangalaga sa ating


likas na yaman. Kulayan ito. Magsulat din ng maikling paliwanag ukol
sa ginawang larawan. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

Paliwanag:

17
18
Tayahin Pagyamanin-III Pagyamanin-II
1. B 1. M 1. √
2. A 2. T 2. ×
3. A 3. T
4. C 3. √
4. M
5. A 4. √
5. T
6. B 5. √
7. A
8. C
9. A
10.C
Pagyamanin-I Balikan Subukin
1. D 1. produkto 1. D
2. A 2. kalakalan 2. B
3. C 3. turismo 3. D
4. E 4. A
5. C
5. B
6. B
7. D
8. A
9. A
10.A
Susi sa Pagwawasto
E 5.
B 4.
D 3.
A 2.
C 1.

Isaisip

Sanggunian

DepEd Araling Panlipunan 4 Learning Material (2015)


Filipino-tula.blogspot.com

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like