You are on page 1of 27

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4a.2:
Hangganan at Lawak ng Teritoryo
ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self - Learning Module
Unang Markahan – Modyul 4a.2: Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mark Dave L. Tangalin
Editors: Alma J. Tuyan, Irlou V. Alado, Nona Leah N. Escopalao, Maria Leida M. Donque,
Denah V. Andres
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Dennison J. Tangala, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Aida S. Delon
Tagaguhit: Elthone Loreto G. Bermudez
Tagalapat: Joseph R. Coyaye, Allan T. Basubas
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS In Charge LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan- EPSVR, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4a.2:
Hangganan at Lawak ng Teritoryo
ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self – Learning


Module (SLM) para sa araling Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na


katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas.
Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang
makamit ang ating layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang


tama ang lahat ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self-Learning
Material (SLM) ukol sa Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ngayon, sa bago mong aralin, mas mapalalawak mo pa ang


iyong kaalaman tungkol lawak at teritoryo ng bansa sa tulong ng
mapa at mga batayang heograpiya. Dagdag pa rito, malalaman mo
rin ang kinalalagyan ng Pilipinas maging ang kanyang
hangganan.

Handa ka na bang pag-aralan ang mga usaping ito? Kung


gayon, simulan mo na!

Essential Learning Competencies:

• Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa


heograpiya nito. (AP4AAB – Id -6)

Sa araling ito, inaasahang:

• natatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng


Pilipinas gamit ang mapa.

Subukin

Ang bahaging ito ay magiging pamantayan kung hanggang


saan ang kaalaman mo pagdating sa bagong layunin na
tatalakayin sa modyul na ito.
Panuto: Sagutin ang bawat bilang sa pamamagitan ng pagsulat
ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ilang kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa kalakhang


kontinente ng Asya?
A. 1 000 km
B. 1 500 km
C. 2 000 km
D. 3 000 km

1
2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nakikita sa Timog-
silangang Asya?
A. India
B. Israel
C. Pilipinas
D. Tsina

3. Ilang kilometro kuwadrado ang lawak ng Pilipinas?


A. 100 000 kilometro kuwadrado
B. 250 000 kilometro kuwadrad
C. 300 000 kilometro kuwadrad
D. 305 000 kilometro kuwadrad

4. Alin sa mga sumusunod ang tiyak na haba ng Pilipinas mula a


direksyong hilaga patimog?
A. 1 700 km
B. 1 851 km
C. 1 950 km
D. 2 450 km

5. Ano ang tawag sa mga nakalubog na bahagi ng kontinente o


pulo na umaabot sa malalim na bahagi ng karagatan?
A. dagat
B. himpapawirin
C. dagat teritoryal
D. kalagapang Insular

6. Ano ang tawag sa itaas na bahagi ng mga lupain at karagatan?


A. karagatan
B. himpapawirin
C. dagat teritoryal
D. mga kalagapang insular

2
7. Tinanong ka ng iyong guro sa Araling Panlipunan kung bakit
ang bahagi ng dagat na nasa loob ng teritoryo ay kabilang sa
saklaw ng Pilipinas, paano mo ito ipapaliwanag?
A. dahil ito ay nasa dagat
B. dahil ito ay nasa ilalim ng dagat
C.dahil ito ay nasa panloob na karagatan.
D. dahil ito ay nasa pagitan ng teritoryo ng lupain

8. Si Johnny ay dayuhang nanirahan ng sampung taon sa bansa,


nais niyang maging naturalisadong Pilipino, mahalaga bang
malaman kung ano ang nakapaloob sa Artikulo I ng Saligang
Batas ng 1987?
A. Hindi, dahil dito nakapaloob ang kaayusan ng bansa.
B. Hindi, dahil dito nakapaloob ang kalayaan ng Pilipinas.
C. Oo, dahil dito nakapaloob ang mga naninirahan sa bansa.
D. Oo, dahil dito nakapaloob ang Pambasang Teritoryo ng
Pilipinas
9. Si Yungchi ay isang tsino na tahasang nangisda sa loob ng
teritoryo ng Pilipinas. May pananagutan ba siya sa batas?
Bakit?
A. Hindi, dahil hindi niya alam ang batas.
B. Hindi, dahil siya ay namasyal lamang.
C. Oo, dahil hindi siya nagpaalam sa may-ari sa dagat.
D. Oo, dahil nilabag niya ang Artikulo I ng Saligang Batas
1987

10. Alin ang pinakatumpak na konklusyon na mabubuo tungkol


sa implikasyon ng paglalagda sa kasunduang paglipat sa
pamamahala ng teritoryo ng Pilipinas sa Estados Unidos mula
sa Espanya?
3
A. nagkaroon ng kalayaan ang Pilipinas sa Espanya
B. naging maayos ang relasyon ng Pilipinas at Espanya
C. naging madamdamin ang pagtatagpo ng dalawang
bansa
D. nagkaroon ng kaguluhan sa pagtatagpo ng dalawang
bansa

Balikan

Sa bahaging ito, sasariwain mo ang iyong nakaraang aralin.

Gawain 1. “MALAYO O MALAPIT”

Panuto: Kalkulahin ang distansiya ng mga bansa na nasa aytem


1 at 2 gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km at
paghambingin. Isulat sa patlang kung ito ba ay malayo o
malapit. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Distansiya
Malayo/
Bansa 1 Bansa 2
Cm km Malapit

1. Cambodia Pilipinas

2. Laos Pilipinas

Tuklasin

4
Gawain 2. “PAGMASDAN MO ANG LAWAK NG PILIPINAS”

Sitwasyon:
Katulad ng batang nasa larawan, nakatanaw ka sa
napakalawak na lupain at katubigan ng Pilipinas, ang iyong
bansa.

Panuto: Sandaling ipikit ang iyong mga mata at isalarawan mo ito


sa iyong isipan at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel

1. Sa iyong palagay, may hangganan ba ang lawak ng teritoryo ng


Pilipinas? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik

5
Napaka-
ganda ng Maganda ang
Nilalaman at May konting
ideya, at ideya at
kaayusan ideya
napakaangko angkop
p
Napakaayos
Maayos ang Magulo ang
ng
Organisasyon pagkakalahad pagkakalahad
pagkakalahad
ng talata ng talata
ng talata

Naisuma ang Katamtaman


Papaunlad ang
Pagsulat ayon sa talata ayon sa ang nilalaman
pagkakasuma
wastong balarila kabuuang ng naisumang
ng talata
kaalaman kaalaman

Suriin

Ang Teritoryo ng Pilipinas

Teritoryo

Ang teritoryo ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng


isang lugar. Kasama rito ang mga katubigan na nakapaloob at
nakapaligid sa kalupaan maging ang mga kalawakang itaas na
katapat nito. Dahil dito, nabuo ang iba’t ibang kasunduang
pangteritoryo upang magsilbing proteksyon ng bansa.

Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987

6
Ito ay pinagtibay sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong
Corazon Aquino noong Pebrero 11, 1987. Naging hudyat din ito ng
panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Ito rin ang pumalit sa
Saligang Batas 1973 ng Pilipinas na pinagtibay ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos.

Artikulo 1 ng Saligang Batas ng 1987


Sa artikulong ito nakapaloob ang pambansang teritoryo ng
Pilipinas. Ito ay binubuo ng himpapawirin, karagatan, at kalupaan
kasama rito ang kapuluan at lahat ng iba pang teritoryo na nasa
ganap na kapangyarihan o hurisdiksiyon ng Pilipinas.

Ang Teritoryo ng Pilipinas ayon sa Kasaysayan

1. Kasunduan sa Paris
Nilagdaan ito noong ika-10 ng Disyembre taong 1898.
Nakapaloob dito na ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos
ang Pilipinas sa halagang dalawampung milyong dolyar.

2. Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos

Ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, Sibuto at iba pang maliliit


na pulo na kabilang sa kapuluan ng Sulu na nakaligtaan sa
Kasunduan sa Paris ay isinama sa teritoryo ng Pilipinas. Ang
kasunduan ay nilagdaan sa Washington noong 1900.

3. Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya

Kinilala ang kasunduan na bahagi ng Pilipinas ang Turtle


Island at Mangsee Island na nasa pagitan ng Borneo at Sulu.

4. Ang Konstitusyon ng 1973 at 1987

7
Nakalahad dito na ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas ay
binubuo ng kapuluan ng Pilipinas kasama ang mga pulo at tubig
na saklaw nito. Ang tubig na nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay
sa mga pulo ng kapuluan maging ano man ang lapad at laki ng
mga ito.

5. Ang Konstitusyon ng 1936

Naging bahagi ng Pilipinas ang mga pulo ng Batanes dahil sa


paninirahan ng mga Pilipino sa mga pulong ito.

Mga Saklaw sa Pambasang Teritoryo ng Pilipinas

Ito ay bahagi ng dagat na umaabot


hanggang sa 12 milya kilometro ang layo
1. Dagat Teritoryal
mula sa pinakamababaw na bahagi ng
baybaying dagat.

Ito ay tumutukoy sa lupain na makikita


2. Ilalim ng Dagat sa ilalim ng dagat kabilang ang mga likas
na yaman at mineral.

Bahagi ito ng dagat na nasa loob ng


3. Panloob na pagitan ng teritoryo ng lupain. Kabilang
Karagatan dito ang ilog, kanal, o lawa na nasa lupain
ng estado.

Tumutukoy ito sa bahaging dagat


4. Iba pang mga
teritoryal tulad ng trintsera, kalaliman,
Pook Submarino
aplaya, buhanginan at batuhan.

Dito nabibilang ang lahat ng bagay sa


5. Kalaliman
ilalim ng lupa kasama na ang mineral at
ng Lupa
likas na yaman.

8
6. Kalawakang Ito ang nasa itaas na bahagi ng mga
Panghimpapawid lupain at karagatan.

Tumutukoy ito sa mga nakalubog na


7. Mga Kalagapang bahagi ng kontinente o pulo na umaabot
Insular hanggang sa malalim na bahagi ng
karagatan.

Pakatandaan:

- bahagi ng Timog-silangang Asya.


- binubuo ng 7 641 mga pulo, kung saan
2 000 dito ay pinanahanan.
- - umaabot sa 300 000 kilometro kuwadrado ang
- lawak nito.
- may 1 851 kilometro ang haba mula sa
hilaga patimog

Ang Pilipinas
ay -umaabot naman sa 1 107 kilometro ang lawak
nito mula sa kanluran pasilangan.
- humigit kumulang sa 1 000 kilometro ang layo ng
Pilipinas mula sa kalakhang kontinente ng Asya

9
Pagyamanin
Gawain 3. “GUMAMELA KWIZ”
Panuto: Hanapin sa talulot ng bulaklak ang sagot sa bawat
kahulugan na nasa dahon ng bulaklak. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

10
Gawain 4. “TULA KO, PUNAN MO”

Panuto: Kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng pagsulat ng


tamang sukat at bilang ayon sa hinihiling. Isulat ang
iyong sa sagot sa sagutang papel.

Pilipinas ay isang kapuluan


Lupang napaliligiran ng karagatan
Binubuo ng (1)_________ na mga pulo
Lawak nito’y umaabot (2)_________ kilometro kwadrado.

Malawak at mahaba man sa tingin


Teritroryo nito’y may hangganan din
Mula hilaga patimog umaabot (3) _______ kilometro
Kanluran pasilangan nama’y umaabot (4) _______kilometro.

Gawain 5. “ANG EKSPEDISYON NI JUAN”

Panuto: Tulungan si Juan na ikutin ang Pilipinas gamit ang


kanyang pribadong eroplano. Upang magawa niya ito,
kinakailangan mong sagutin ang mga katanungan sa kanyang
bawat paglapag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

4
1

2 3

Isaisip
11
Gawain 6. “MGA KAHON NG KAALAMAN”

Panuto: Basahin ang impormasyon sa bawat kahon at punan ang


bawat patlang upang maihayag ang buong diwa. Gawin ito sa
sagutang papel.

Pagdating sa (4)
Base sa aking
Napag-alaman ko _______ ang dagat ay
pagbabasa, ang (3)
sa modyul na ito ang umaabot sa (5) _______
_______ ay
tungkol sa (1) ______ milya kilometro ang layo
tumutukoy sa sukat
at (2) ______ ng mula sa pinakamababaw
ng lupaing sakop ng
Pilipinas. na bahagi ng baybaying
isang lugar.
dagat.

Napakahusay! At ang tawag sa Natutunan ko rin


nasa itaas na bahagi ng


na ang kabuuang
mga lupain at lawak ng Pilipinas ay
karagatan ay (7) (6) __________.
____________.

12
Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang tanong, pagkatapos ay sagutin


ito sa iyong sagutang papel.

Sagutin ang tanong:

Sa iyong murang isipan, sa paanong paraan ka


makatutulong upang maprotektahan ang teritoryo ng iyong
bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik

Nilalaman at Napaka-ganda Maganda ang


ng ideya, at May konting ideya
kaayusan ideya at angkop
napakaangkop

Napakaayos
Maayos ang Magulo ang
ng
Organisasyon pagkakalahad ng pagkakalahad ng
pagkakalahad
talata talata
ng talata

Naisuma ang Katamtaman ang


Papaunlad ang
Pagsulat ayon sa talata ayon sa nilalaman ng
pagkakasuma ng
wastong balarila kabuuang naisumang
talata
kaalaman kaalaman

13
Tayahin

Panuto: Sagutin ang bawat bilang sa pamamagitan ng pagsulat


ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa sukat ng lupaing nasasaklaw ng


hurisdiksyon ng isang bansa?
A. arkipelago
B. insular
C. lokasyon
D. teritoryo

2. Ilang kilometro ang haba ng Pilipinas mula sa hilaga patimog?


A. 1 851 kilometro
B. 2 851 kilometro
C. 3 851 kilometro
D. 4 851 kilometro

3. Sinong pangulo ng Pilipinas ang nagpatibay ng Saligang Batas


ng 1987?
A. Corazon C. Aquino
B. Ferdinand E. Marcos
C. Joseph E. Estrada
D. Rodrigo R. Duterte

4. Alin sa mga sumusunod ang tiyak na bilang ng mga pulo sa


bansang Pilipinas?
A. 3 000
B. 4 601
C. 5 671
D. 7 641

14
5. Ilang kilometro ang lawak ng Pilipinas mula sa kanluran
pasilangan?
A. 1 107 kilometro
B. 1 150 kilometro
C. 1 500 kilometro
D. 2 450 kilometro

6. Ano ang tawag sa nasa itaas na bahagi ng mga lupain at


karagatan?
A. Dagat
B. Dagat Teritoryal
C. Ang Himpapawirin
D. Mga Kalatagang Insular

7. Paano malalaman ng iyong kamag-aral kung anong angkop na


gagamitin upang matukoy ang hangganan at lawak ng teritoryo
ng isang bansa?
A. sa pamamagitan ng mapa
B. sa pamamagitan ng pakikipanayam
C. sa pamamagitan ng pagbabasa komiks
D. sa pamamagitan ng pakikinig sa radio

8. Ano ang pagkakaiba ng Kasunduan ng Estados Unidos at Gran


Britanya sa Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos?

15
A. Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos ay nilagdaan sa
Washington noong 1900 samantalang ang Kasunduan ng
Espanya at Estados ay maliliit na pulo na kabilang sa
kapuluan ng Sulu.
B. Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos ay nilagdaan sa
Los Angeles noong 1908 samantalang ang Kasunduan ng
Espanya at Estados ay malaking na pulo na kabilang sa
kapuluan ng Sulu.
C. Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos ay nilagdaan sa
Florida noong 1910 samantalang ang Kasunduan ng
Espanya at Estados ay malayong na pulo na kabilang sa
kapuluan ng Sulu.
D. Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos ay nilagdaan sa
New York noong 1920 samantalang ang Kasunduan ng
Espanya at Estados ay malaking na pulo na kabilang sa
kapuluan ng Sulu.

9. Sa iyong pananaw, mahalaga ba ang Artikulo I ng Saligang


Batas sa bansa?
A. Oo, dahil naging hudyat ito ng panumbalik sa demokrasya
ng bansa
B. Oo, dahil nakasaad dito na ang Pilipinas ay ipinagkaloob
ng Espanya sa Estados Unidos
C. Oo, dahil napasama na rito ang mga nakaligtaang pulo na
sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
D. Oo, dahil ito ang nagbibigay ng ganap na kapangyarihan o
hurisdiksyon sa teritoryo ng Pilipinas.

10. Alin ang pinakatumpak na konklusyon na mabubuo


tungkol sa implikasyon ng Konstitusyon ng 1973 at 1987.

16
A. Nakalahad dito na ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas
ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas kasama ang mga pulo
at tubig na saklaw nito.
B. Nakalahad dito na ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas
ay binubuo ng katubigan ng Pilipinas kasama ang mga
kagubatan at tubig na saklaw nito.
C. Nakalahad dito na ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas
ay binubuo himpapawirin ng Pilipinas kasama ang mga
pulo at tubig na saklaw nito.
D. Nakalahad dito na ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas
ay binubuo ng maliliit na katubigan ng Pilipinas kasama
ang mga pulo at tubig na saklaw nito.

Karagdagang Gawain

Narito ang karagdagang gawain bilang iyong takdang aralin.

Panuto: Magbasa, makinig o manuod ng balita o isyu tungkol sa


lawak at teritoryo ng Pilipinas. Maaaring sa internet, pahayagan,
TV o radio. Ibigay ang iyong maikling opinyon sa pamamagitan ng
pagsulat ng maikling talata.

17
Rubrik

Napaka-ganda Maganda ang


Nilalaman at May konting
ng ideya, at ideya at
kaayusan ideya
napakaangkop angkop

Napakaayos ng Maayos ang Magulo ang


Organisasyon pagkakalahad pagkakalahad pagkakalahad
ng talata ng talata ng talata

Naisuma ang Katamtaman


Pagsulat ayon Papaunlad ang
talata ayon sa ang nilalaman
sa wastong pagkakasuma
kabuuang ng naisumang
balarila ng talata
kaalaman kaalaman

18
19
Tayahin Isagawa Isaisip
1. D Makatutulong akong 1.lawak
2. A protektahan ang teritoryo ng
3. A ating bansa sa pamamagitan
4. D ng pag-ulat sa awtoridad 2. hangganan
5. A kung may kahina-hinalang
6. C indibidwal na nakapasok sa 3. teritoryo
7. A dito.
8. A
9. D 4. dagat teritoryal
10. A
Saligang Batas 1973- 5. 12
Napagtibay sa panahon ni
dating Pangulong Ferdinand
Marcos 6. 300 000 kilometro
Saligang Batas 1987 – kuwadrado
Napagtibay sa panahon ni
Corazon Aquino
7. Ang Himpapawirin
.
Pagyamanin
Gawain 4
Oo, dahil an gating bansa ay 1. A
1. B may sariling terotoryo 2. C
2. G 3. C
3. F 4. B
4. C 5. D
5. D 6. B
6. E 7. C
7. A 8. D
9. D
Gawain 5 10. A
1. 7 641
2. 300 000
3. 1 851
4. 1 107
Gawain 6
1. Saligang Batas 1987
2. 1900
3. Artikulo I
4. Kasunduan ng
Estados Unidos at
Gran Britanya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ma. Corazon V. Adriano, Marain A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F.
Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos. 2015. Araling Panlipunan,
Kagamitan ng Mag- aaral. Pasig, City: Kagawaran ng Edukasyon.

20
PAHATID – LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSAREGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na
ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag – aaral sa pampublikong paaralan ng
Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020 – 2021. Ang proseso
ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna,
komento at rekomenda

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like