You are on page 1of 21

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan– Modyul 1:
Maging Mahinahon sa Lahat ng
Pagkakataon

CO_Q2_EsP4_ Module1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan –Modyul 1: Maging Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon
Unang Edisyon, 2019
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Josephine Bruselas-Mien, Agnes Dejuras-Nocos, Lea B. Perez,


Jessica Abanto-Pura
Konsultant: Mary Jean B. Brizuela, Sheila C. Bulawan, Dollie G. Franche,
Irene F. Yazon
Tagaguhit: Jed T. Adra
Tagalapat: Siegfred R. Pulgarinas, Jeffrey B. Sape, John Claude R. Caunca
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao, Grace U. Rabelas,
Lailanie R. Lorico, Jily I. Roces, Merlita B. Camu

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II


Office Address : Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax : (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: : region2@deped.gov.ph
4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan– Modyul 1:
Maging Mahinahon sa Lahat ng
Pagkakataon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Mahalaga sa bawat isa sa atin na maging mahinahon sa


damdamin, sa kilos at sa iba pang bagay sa lahat ng lugar at
pagkakataon.

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


(EsP4P- IIa-c–18)

-Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at


kilos ng kapwa tulad ng:
 pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid
nang bukal sa loob
 pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa
kalooban
 pagpili ng mga salitang di- nakasasakit ng damdamin
sa pagbibiro

Subukin
Isulat sa bilang ang letrang T kung ang isinasaad ng
pangungusap ay Tama, at M kung ang pangungusap ay Mali.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

1. Hindi ko kinakausap ang isang tao kung may nagawa


siyang pagkakamali sa akin.

2. Iniiwasan kong masaktan ang aking kaibigan.

3. Sinisiguro ko na hindi ko nasasaktan ang damdamin ng


aking kaibigan sa aking pagbibiro.

1 CO_Q2_EsP4_ Module1
4. Humihingi ako ng tawad sa tuwing nakagagawa ako ng
pagkakamali sa aking kaibigan.

5. Hindi ko pinapatawad ang taong nagkakasala sa akin.

6. Inaamin ko ang aking nagawang kasalanan. Pasensiya na


po, hindi na mauulit.

7. Humihingi ako ng paumanhin sa aking kalaro kapag may


nagawa akong hindi maganda.

8. Hindi ko ugali ang mag-sorry sa tuwing nakasasakit ako


ng damdamin ng iba.

9. Inaamin ko ang aking nagawang pagkakamali at


nangangako ako na hindi ko na ito uulitin.

10. Ayaw kong pinupuna ako ng hindi maganda ng aking


kapuwa.

2 CO_Q2_EsP4_ Module1
Aralin
Magiging Mahinahon Ako
1 sa Lahat ng Pagkakataon

Minsan may mga bagay o pagkakataon na masusubok ang


ating pagiging mahinahon. Ito ay maituturing na isang hamon sa
ating kakayahan na kontrolin ang ating sarili sa galit, kawalan ng
pasensiya at pang-unawa. Dahil dito, marapat na matutuhan
natin ang tamang paraan ng pagtanggap ng ating pagkakamali at
ang pagiging bukas ng ating isipan sa mga paraan ng pagtutuwid
nito. Nararapat na ito ay bukal sa ating kalooban. Ang pagpili ng
mga salitang ating gagamitin, lalo na sa ating pagbibiro, ay dapat
din nating isaalang-alang. Hindi dapat ito makasasakit sa
damdamin ng ating kapuwa.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa paraan ng pagtanggap
ng sariling pagkakamali, pagtutuwid nito. Nararapat na ito ay
bukal sa ating kalooban. Ang pagpili ng mga salitang ating
gagamitin, lalo na sa ating pagbibiro, ay dapat din nating isaalang-
alang. Hindi dapat ito makasasakit sa damdamin ng ating
kapuwa.

Balikan

Lagyan ng tsek (√) ang bilang na tumutugon sa mapanuring


pag-iisip at ekis (X) naman kung hindi ito nabigyan ng mapanuring
pag-iisip. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
1. Ang pagiging mapanuri ay nangangahulugang
mapagsiyasat.

2. Ang radyo, telebisyon, at social networking sites ay ilan


lamang sa maaaring pagkuhanan ng mga impormasyon.

3 CO_Q2_EsP4_ Module1
3. Mahalagang makapagsagawa ka ng tamang pamamaraan
o pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.

4. Maging mapanuri sa ating mga pinapasok na sites sa


internet.

5. Tandaan na dapat gamitin ng wasto ang teknolohiya.

Tuklasin
Basahin at unawain ang maikling kuwento.
Si Ken at ang Nabasag na Plorera
Isinulat ni: Agnes D. Nocos

Papasok na sa paaralan si Ken, at sa kaniyang pagmamadali


ay nasagi ng kaniyang bag ang plorera na may halamang-tubig na
nakalagay sa may pintuan ng kanilang bahay. At dahil
nagmamadali na siya, hindi na niya nakuhang ayusin at damputin
ang nabasag na plorera. Ni hindi niya sinagot ang kaniyang nanay
kung ano ang nabasag, na noo’y nasa kusina.
Pag-uwi niya sa bahay, tinanong siyang muli ng kaniyang
nanay kung bakit at paanong nabasag ang plorera.
Sa umpisa, atubili si Ken at medyo takot na umamin sa
kaniyang nanay tungkol sa nabasag na plorera. Pero sa patuloy na
pagtatanong nito, inamin din niya na hindi niya sinadyang masagi
at mabasag ang plorera. Iyon ay dahil lamang sa kaniyang
pagmamadali.
Dahil nakatayo pa rin ang nanay sa kaniyang harapan na tila
ba may hinihintay pang paliwanag mula sa kaniya, hindi na
nagdalawang–isip na humingi ng paumanhin si Ken sa
pagkabasag sa plorera. Agad namang tinanggap ng kaniyang
nanay ang paghingi niya ng paumanhin at pinayuhan siya nito na

4 CO_Q2_EsP4_ Module1
sa susunod ay gumising nang maaga upang hindi palaging
nagmamadali at maiwasan na may masayang na gamit.
Napayakap na lamang siya sa kaniyang nanay, tanda na
tinatanggap niya ang kaniyang pagkakamali at ng pagsunod sa
payo ng nanay na maiwasan ang palaging pagmamadali.
Pagkatapos ay agad naman niyang pinulot ang nabasag na plorera
at kaniya itong itinapon sa basurahan.
Sagutin:
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.
1. Kung ikaw si Ken iiwanan mo na lang ba ang nabasag na
plorera? Bakit?
A. Opo, dahil mali-late na ako sa klase
B. Hindi po, dahil magagalit si nanay at mapapalo ako
C. Opo, dahil siguradong mapipingot ako ni nanay
D. Hindi po, dahil kailangan kong tanggapin ang aking
pagkakamali at mag-sorry ako kay nanay.

2. Gaya ni Ken, aaminin mo ba ang nagawa mong pagkakamali?


A. Opo C. Bahala na po
B. Hindi po D. Hindi po ako sigurado

3. Ano sa palagay mo ang dahilan bakit matagal bago inamin ni


Ken ang kanyang pagkakamali?
_________________________________________________________
4. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Ken sa kuwento?
_________________________________________________________
5. Ano ang magandang-aral na natutuhan mo mula sa kwento?
__________________________________________________________

Tandaan Mo

Maituturing na isang positibong kaugalian ang paghingi


ng paumanhin sa taong nagawan mo ng pagkakamali. Iyong
tandaan na ang pagtutuwid sa pagkakamali ay hindi kahinaan
kundi ito ay tanda ng iyong pagiging mahinahon at maunawain sa
damdamin ng iyong kapuwa.

5 CO_Q2_EsP4_ Module1
Suriin

Ano ang nadarama mo kapag sinabihan ka ng iyong kapuwa


na mali ang iyong ginagawa? Ikaw ba ay nasasaktan, nagtatampo
o nagagalit sa taong nagsabi nito sa iyo? Ano ang iyong ginagawa
kapag ikaw ay nasasaktan, nagtatampo o nagagalit?
Ang iyong nadarama ay maaaring makaapekto sa pakikitungo
mo sa iyong kapuwa. Maaaring magresulta ito sa hindi magandang
ugnayan sa kanila. Sa ganitong sitwasyon masusubukan ang
iyong pagiging mahinahon.
Ang pagiging mahinahon ay tumutukoy sa gawi o ugali ng
taong hindi mainitin ang ulo, may mahabang pasensiya at may
pagpipigil sa sarili. Hindi siya madaling nagpapadala sa bugso ng
kaniyang damdamin.
Mahalagang maipakita ang pagkamahinahon sa damdamin
na napupukaw sa iyo dahil sa pakikitungo mo sa mga tao sa iyong
paligid. Hindi mo mapipigil ang gagawin o sasabihin ng isang tao
sa iyo subalit kaya mong pigilan ang iyong negatibong reaksiyon
dito. Kailangang bukas ang iyong isipan sa pagtanggap ng sariling
pagkakamali at ituwid ito; pagtanggap ng puna ng kapuwa at
pagpili ng mga salitang di-nakasasakit ng damdamin. Sa ganitong
paraan mapauunlad mo ang iyong sarili. Kailangan mo ito sa isang
mabuting pakikipagkapuwa-tao.

1. Ano ang iyong nararamdaman kapag ikaw ay pinagsabihan


ng iyong kaibigan na mali ang iyong ginawa? Bakit?

2. Sa palagay mo, tama ba ang iyong naging reaksyon sa


kaniyang pagpuna? Pangatwiran.

6 CO_Q2_EsP4_ Module1
Pagyamanin
Gawain 1

Pag-aralan ang larawan ng batang binu-bully ng kapuwa mga


bata. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno o sagutang papel.

Sagutin:
1. Ano ang nararamdaman mo sa sitwasyon sa larawan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Naranasan mo na bang pagtawanan ng iba? Ano ang iyong
naging reaksiyon?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

7 CO_Q2_EsP4_ Module1
Gawain 2
Piliin mula sa kahon ang mga salita o parirala na
nangangahulugan ng pagtanggap ng pagkakamali at isulat ito sa
loob ng puso na iguguhit mo sa iyong kuwaderno.

Hindi ko po sinasadya,
Patawad po,
Wala akong pakialam
Pasensiya na po. Hindi ko na uulitin.
Ikaw kasi!
Hindi ko kasalanan iyon.
Buti nga sa iyo
Sorry!
Paumanhin po

1.___________________
2.___________________
3.___________________
4.___________________
5.___________________

____
8 CO_Q2_EsP4_ Module1
Gawain 3

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.


Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Sitwasyon:

Nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng kaibigan mo


dahil sa isang sulat na naglalaman na siya raw ay isang ampon.
Ito ay ipinagkalat mo sa buong klase.

1. Paano ka hihingi ng paumanhin sa kaibigan mo?


A. padabog
B. pasigaw
C. galit
D. mapagpakumbaba

2. Mahalaga ba ang paghingi ng tawad? Bakit?


A. Opo, para magaan sa pakiramdam na walang kagalit.
B. Siguro, para masabing mabuting tao sa paningin ng iba.
C. Hindi po, dahil nakakahiyang humingi ng tawad.
D. Hindi ko alam, dahil hindi naman mahalaga ito.

3. Anong katangian ang ipinapakita ng isang taong humihingi


ng paumahin sa kasalanang nagawa sa kaniyang kapuwa?
A. matiyaga at matiisin
B. matapat at masunurin
C. mapagbigay at mapagmahal sa kapuwa
D. mahinahon at may pag-unawa sa damdamin ng iba

9 CO_Q2_EsP4_ Module1
Gawain 4
Ang mga nakasulat sa unang hanay ay halimbawa ng mga
taong minsan nang nagbiro sa iyo, at sa pangalawang hanay
naman ay nakasulat ang mga salitang kanilang ginamit sa
pagbibiro. Para masagot ang Kolum 3, pumili ng angkop na salita
mula sa kahon ng maaari mong maramdaman sa mga salitang
ginamit nila sa kanilang pagbibiro. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

malulungkot magagalit masisiyahan babalewalain

Nagsabi/ Mga salitang Maaaring


Pinanggalingan ng ginamit sa maramdaman mo
biro pagbibiro sa kanilang
pagbibiro

1. kalaro Hoy lampa!

2. kaibigan para kang si


Superman

3. kapatid mukha kang


aparador

10 CO_Q2_EsP4_ Module1
Isaisip

Punan ang patlang ng tamang salita para mabuo ang konseptong


isinasaad ng talata. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ito
sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

mahinahon pagtutuwid kapuwa


pagbibiro hindi nakasasakit

Ating panatilihin ang pagiging ______________ sa lahat ng


pagkakataon. Kung hindi man natin maiwasang magbiro,
siguraduhin lamang na ang salitang ating gagamitin sa
___________ ay ____________ ng damdamin ng ating _____________.
Importante na sa oras ng pagkakamali, alam natin kung paano
ang paraan ng tamang ______________dito.

Isagawa

Markahan ng tsek (/) ang pangungusap na nagpapakita ng


pagtanggap sa isang pagkakamali at ekis (X) naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sa sagutang papel.

1. Hindi ko alam ang ibinibintang mo sa akin.

2. Sorry na, hindi ko na uulitin.

3. Bakit ako na lang lagi ang pinagbibintangan mo!

4. Pasensiya na at nagkatuwaan lang.

5. Patawad hindi ko na po uulitin.

11 CO_Q2_EsP4_ Module1
Tayahin

Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek


( / ) ang nararapat na gawin at ekis (X) naman sa hindi nararapat
gawin. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
1. Marunong akong tumanggap ng aking pagkakamali at
handa akong harapin ang anumang magiging
kahihinatnan nito.

2. Hindi ako sanay na humingi ng paumanhin sa tuwing may


nagagawan ako ng pagkakamali.

3. Ayaw kong makasakit ng damdamin ng aking kapuwa,


kaya pinipili ko ang mga salitang hindi nakasasakit sa
tuwing sila ay aking binibiro.

4. Kahit may maling nagawa ang aking kaibigan, gaya ng dati,


patuloy ko pa rin siyang kinakausap.

5. Kahit hindi ko sinasadyang mabuhusan ng juice ang aklat


ni Almira, humingi pa rin ako ng paumanhin sa kanya.

6. Sa tuwing may nagagawa akong pagkakamali ay agad


akong humihingi ng tawad.

7. Minsan, kahit hindi ko sinasadyang magkamali nagagawa


ko pa ring humingi ng sorry.

8. Kahit minsan hindi pa ako nagpatawad ng sinumang


nakagawa ng mali sa akin.

9. Hindi mahirap sa akin ang pagsabi ng sorry.

10. Ganyan kami ka-close ng aking bestfriend, hindi ko


pinatatagal ang aming alitan. Inaayos namin ito kaagad.

12 CO_Q2_EsP4_ Module1
Karagdagang Gawain

Kompletuhin ang pangungusap. Punan ito ng angkop na sagot


mula sa kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

alam ko na para ito sa kabutihan ko

itinutuwid ang aking pagkakamali

alam kong makasasakit lang ako ng aking kapuwa

1. May mga bagay na hindi ko ginagawa dahil


__________________________________________________________.

2. Nagpapasalamat ako sa aking kapuwa kapag


_________________________________ _________________________.

3. Hindi ako magagalit kapag pinagsasabihan ako ng aking mga


magulang sapagkat _______________________________________.

13 CO_Q2_EsP4_ Module1
CO_Q2_EsP4_ Module1 14
Subukin Balikan Tuklasin
1. D
1. M 6. T 1. / 2. A
2. T 7. T 2. / 3. – 5. maaaring
3. T 8. M 3. / magkakaiba-
4. M 9. T 4. / iba ang sagot
5. M 10. M 5. / ng mga mag-
aaral dito
Suriin Gawain 1 Gawain 2
2. – 2. maaaring 1. – 2. maaaring 1. Hindi ko
magkakaiba- magkakaiba- sinasadya
iba ang sagot iba ang sagot 2. Patawad
ng mga mag- ng mga mag- 3. Pasensiya na.
aaral dito aaral dito Hindi ko na po
uulitin.
4. Sorry!
5. Paumanhin
Gawain 3 Gawain 4
1. malungkot, magalit, masiyahan, balewalain
1. D - maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga
2. A mag-aaral dito
3. D 2. malungkot, magalit, masiyahan, balewalain
- maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga
mag-aaral dito
3. malungkot, magalit, masiyahan, balewalain
- maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga
mag-aaral dito
Susi sa Pagwawasto
CO_Q2_EsP4_ Module1 15
Isaisip Isagawa Tayahin
mahinahon 1. X
6. / 6. /
pagbibiro 2. /
7. X 7. /
3. X
hindi nakasasakit 8. / 8. X
4. /
9. / 9. /
kapuwa 5. /
10. /
pagtutuwid 10. /
Karagdagang Gawain
1. alam kong makasasakit lang ako ng aking kapuwa
2. itinutuwid ang aking pagkakamali
3. alam ko na para ito sa kabutihan ko
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ko
na punong-puno ka na ngayon ng kaalaman sa kung papaano
mo isasagawa ang pang araw-araw mong gawain ng tama dahil
ikaw ay marunong nang magtuwid ng iyong pagkakamali at
ikaw ay magiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon.
Binabati Kita!
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao 4,


Gabay Pangkurikulum Mayo 2016

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao, Kagamitan ng Mag-aaral

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Patnubay ng Guro

https://www.churchofjesuschrist.org

16 CO_Q2_EsP4_ Module1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like