You are on page 1of 11

4

Sining
Quarter 1: Module 4
(Week 4)
MASINING NA DISENYO SA PAMAYANANG
KULTURAL

artwithmrsnguyen.com

1
MAPEH (Sining) – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Masining na Disenyo sa Pamayanang
Kultural

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin
o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Regional Director: Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: LYKA P. MARTINEZ
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500


0917 178 1288

region5@deped.gov.ph

2
MASINING NA DISENYO SA PAMAYANANG
KULTURAL

Pangalan: Petsa:
Pangkat: Marka:

PANIMULA

Sa modyul na ito matutunghayan mo ang mga masining na disenyo


sa pamayanang kultural. Ang mga masining na disenyo noong unang
panahon ay ginawang basehan din upang makagawa ng disenyo ngayon.
Ang mga masining na disenyong ito ay isa sa mga pamanang sining sa
lahing Pilipino. Halika na’t matuto!

LAYUNIN

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay:


✓ Maisasalin ang mga kaalaman sa masining na disenyo ng mga
pamayanang kultural sa pagbuo ng kasalukuyang disenyo.
A4PR-If

TALAHULUGAN
disenyo – ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang makabuo ng dibuho
elemento – isang mahalagang sangkap o bahagi ng sining
pabalat sa libro – takip sa libro na may iba’t-ibang disenyo o kulay

PANIMULANG PAGTATAYA

3
Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba.
BILUGAN ang larawan na nagpapakita ng Masining na Disenyo ng
Pamayanang Kultural. IKAHON naman ang larawan na nagpapakita ng
Masining na Kasalukuyang Disenyo.

ALAMIN MO!

Ang mga masining na disenyo ng mga pamayanang


kultural ay isa sa mga pamanang sining sa ating bansa na bahagi ng ating
kultura.
Ang mga disenyo noong unang panahon ay ginawang basehan din
upang makagawa ng disenyo ngayon.
Ipinakita ng iba’t-ibang disenyo na halos magkakatulad ang
paggamit ng dibuho, kulay at linya ng disenyo ng pamayanang kultural sa
disenyo ng makabagong panahon. Ang katangiang pagkamalikhain ay
hindi nawala bagkus ay lalo pang pinagyaman para sa lalo pang
ikagaganda ng mga disenyong atin nang nakagisnan.

4
Hindi lamang sa mga kasuotan at mga kagamitan makikita ang mga
disenyo. Makikita rin ito sa mga gamit sa bahay, mga pang dekorasyon,
at palamuti sa katawan.

MASINING NA DISENYO NG PAMAYANANG KULTURAL

MASINING NA KASALUKUYANG DISENYO

5
TUKLASIN MO!

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, pagkumparahin ang masining na


disenyo ng pamayanang kultural at masining na kasalukuyang disenyo.

Masining na Disenyo ng Masining na Kasalukuyang


Pamayanang Kultural Disenyo

(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)

(Pagkakapareho)

6
PAGYAMANIN MO!

Panuto: Gumawa ng sariling makabagong disenyo gamit ang elemento


ng sining – Pabalat sa Notbuk.

Pabalat sa Notbuk

Kagamitan: mga recycled paper tulad ng lumang kalendaryo


o anumang papel, gunting, lapis, krayola, tape at plastic
cover.

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga gamit na kailangan.

2. Gumupit ng lumang kalendaryo o anumang papel


kasukat ng notbuk na nais lagyan ng pabalat. Gamitin
ang malinis na bahagi nito.

3. Gumuhit ng sariling masining na disenyo.

4. Pagkaguhit, kulayan upang mas lalong tumingkad ang


mga disenyo.

5. Gawing kakaiba ang mga disenyo.

6. Ibalot ang ginawang disenyo sa isang notbuk. Gamitan


ito ng tape para sa mas maayos na paglalapat.

7. Sikaping maging malinis at maayos ang ginawang


likha.

8. Ipakita sa harap ng klase/guro ang natapos na likhang-


sining.

7
SURIIN MO!

Panuto: Tiyakin ang ginawang pagganap sa pagbuo ng


pabalat ng notbuk. Lagyan ng tsek (√) ang kahon na
tumutugon sa bawat tanong.

Lubos na Nasunod Hindi


nasunod ang nasunod
ang pamantayan ang
pamantayan sa pagbuo pamantayan
KASANAYAN sa pagbuo ng likhang- sa pagbuo
ng likhang- sining ng likhang-
sining sining
(2)
(3) (1)
1. Naiguhit ko ba nang
kakaiba ang sarili kong
disenyo?
2. Nakagamit ba ako ng
tamang kulay upang
maging kakaiba ang
aking likhang-sining?
3. Napahalagahan ko ba
ang mga sinauna at
kasalukuyang
disenyong nagmula sa
pamayanang kultural?
4. Nagawa ko ba ang
gawain nang hindi
humingi ng tulong sa
iba?
5. Nakadama ba ako ng
kasiyahan sa aking
sining?

8
ISAISIP MO!

Ang pantakip sa notbuk na may disenyo ay


nagpapadagdag pa ng kagandahan rito. Ito rin ang magsisilbing
proteksyon. Isang paraan na maipakita natin ang pagmamalaki at
pagpapahalaga sa msining na disenyo ng pamayanang kultural ay gamitin
ito sa pagdidisenyo ng ating mga kagamitan.
Ang disenyo sa mga kagamitang ginagawa sa pamayanang kultural
ay may kakaibang istilo at tunay na yaman ng lahi. Makikita ito hanggang
sa kasalukuyang panahon at dapat itong ipagmalaki.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng


pangungusap. Isulat naman ang M kung mali.
_1. Ang masining na disenyo ng mga pamayanang kultural ay
isa sa mga pamanang sining sa ating bansa ng mga dayuhang
sumakop sa atin.

2. Hindi lamang sa mga kasuotan at mga kagamitan makikita


ang mga disenyo ng pamayanang kultural.

3. Ipinakita ng iba’t-ibang disenyo na halos magkakatulad ang


paggamit ng dibuho, kulay at linya ng disenyo ng pamayanang kultural
sa disenyo ng makabagong panahon.

4. Ang masining na disenyo ng pamayanang kultural sa


makabagong disenyo sa kasalukuyang panahon ay walang elemento
ng sining.

5. Sa paggawa ng likhang-sining makikita ang iba’t-ibang


elemento sa isang obra.

9
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng sarili mong obra gamit ang mga
masining na disenyo ng pamayanang kultural at mga masining na
disenyo sa kasalukuyang panahon. Iguhit ito sa loob ng kahon.

10
Susi sa Pagwawasto

PANIMULANG PAGTATAYA

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. M 2. T 3. T 4. M 5. T

Appendices

MELC p. 233
Arts CG p. 33
Sining 4 (Kagamitan ng Guro) pp. 216-218
Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral) pp. 169-172
Arts 4 DLP pp. 28-31
www.google.com/search
www.pinterest.com.ph
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.pinterest.com/amp/mvtuy/filipin
o-ethnic-
costumes/&ved=2ahUKEwjHj8CHkLDpAhXXFIgKHbRCB3QQFjAKegQIDRAF&usg=AOvVaw14iSKIV
iQUjRaSwWeAf-SV&ampcf=1

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.pinterest.com/amp/melp0105/p
hilippine-tribal-
jewelry/&ved=2ahUKEwjG1sPSkLDpAhVQ7GEKHW4ZBzUQFjAQegQIEhAF&usg=AOvVaw0ZS9Sq
QubvVnzSkAvKfPvb&ampcf=1

11

You might also like