You are on page 1of 20

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W2-D5

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4 (Home Economics)


Markahan / Ikalawang Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin : Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan


ng pananahi sa kamay (hal. pagkabit ng butones). EPP4HE-0b3

B. 1. Panimula :

Alam mo ba ang ibat-ibang uri ng sira ng kasuotan? May


nawawala o sirang pansara (butones, otomatiko, kutsetes o kawit o
zipper),tastas, punit o butas.

Ano-ano ang dapat gawin upang misaayos ang mga sira sa mga
kasuotan? Bakit kailangang isasaayos ang mga sira ng kasuotan? Ano ang
ipinakikita ng isang maagap magsaayos ng sirang kasuotan?

Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang iba’t ibang paraan ng


pagsasaayos ng payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng
pananahi sa kamay.

Aralin 1.1
Pagsusulsi ng Punit na Damit

ALAMIN NATIN
Ang Pagsusulsi

Ang damit na sira, tastas o punit ay kailangang kumpunihin agad


bago labhan o itago upang maisuot pang muli. Ang pagsusulsi ay pagsasaayos
ng punit. Isinasara nito ang puwang sa tela. Ginagawa ito sa karayagan o
harap ng damit. Tahing tutos ang ginagamit. Isang hibla lamang ng sinulid ang
mainam. Ito’y dapat kakulay ng telang tatahiin. Dapat ay pino ang tahing tutos
at salit-salit upang hindi mapansin. Ito ay sinisimulan at tinatapos nang may ½
sm mula sa mga dulo. Ito ay dapat na unat at hindi kulubot kaya iwasan ang
mahigpit na tahi. Ang tutos ay hindi dapat magkapantay. Ang tahi ay tinatapis
sa kabaligtaran ng damit.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

LINANGIN NATIN

Para sa pagsasaayos ng punit o sira na mga kasuotan, heto


muna ang dapat mong matutuhan:

1. Ang tahing tutos ang ginagamit sa pagsusulsi. Ito ay maliit na


tahi na pareho ang haba at puwang. Magkatulad ang anyo nito
sa ibabaw at ilalim; harap at likod ng tela.Sinisimulan ang tahi
sa kanan patungo sa kaliwa.

Ganito ang tahing tutos o sulsi:


_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____

Ganito naman ang paggawa:

2. Ang tahing pabalik o balik-tahi (backstitch) ay matibay at


ginagamit sa mga tupi at dugtong kung walang makinang
panahi. Gamit din ito sa pagkakabit ng zipper at pagtahi ng
tastas. Matibay ito dahil doble ang tahi at dikit-dikit. Sa paggawa
nito, ang karayom ay tinutusok pabalik sa dulo ng naunang tahi.
Tinatahi rin ito mula sa kanan patungo sa kaliwa.
Heto ang anyo ng tahing pabalik. Makapal ito kaysa tutos at
wala itong puwang.

3. Ang hilbana ay pansamantalang tahi na mahahaba at malalaki.


Kung mahaba ang tatahiin, hilbanahan muna ito upang hindi
gumalaw. Parang tahing tutos ang paraan ng paggawa nito. Ito
ay ginagawa sa tabi ng daraanan ng permanente at pinong tahi.
Pagkatapos ng pananahi sa makina, tinatastas na ang hilbana.
Tulong ito sa pagtatahi ng mahabang tastas.Ganito
ang hilbana. Itahi ito sa tabi ng dadaanan ng tahi sa makina
o tahing pabalik.

Gawain 1: Sagutin Natin


Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Panuto: Isulat sa loob ng patlang ang tamang letra upang mabuo ang
salita. Ang ilang letra ay ibinigay bilang gabay.

1. Ito ay ang pagsasara sa puwang ng tela upang maayos ang punit.

P_G_U_ULSI
2. Ito ang uri ng tahing ginagamit sa pagsusulsi.

T_T_S
3. Ito ay kakulay ng telang tatahiin.

S_NU_ _D
4. Bilang ng hibla ng sinulid na mainam para sa tahing tutos.

_S_
5. Sa anong direksyon magsimula ang tahing tutos?

K_N_N
6. Upang hindi mapansin ang tahing tutos,dapat ito ay _______ at
salit-salit.

P_ NO
7. Sa pagsusulsi,iniiwasan ang mahigpit na tahi upang hindi _______
ang tela.

K_KU_UB_T
8. Ito ay matibay dahil doble ang tahi at dikit-dikit. Sa paggawa nito,
ang karayom ay tinutusok pabalik sa dulo ng naunang tahi.

B_CK ST_TCH
9. Tulong ito sa pagtatahi ng mahabang tastas.

H_LBA_A
10.Ito ay ginagawa bago labhan o itago ang damit na sira, tastas o puni.

PAG_U_UMP_NI
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W3-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4 (Home Economics)


Markahan / Ikatlong Linggo / Unang Araw

ALAMIN NATIN

Wastong Pagsusulsi

Mga Uri ng Punit ng Damit at Uri ng Pagsusulsi

1. Pagsusulsi ng Tuwid na Punit

Sa tuwid na punit ay pagtatapatin at tatahian ng pampatibay


na tahi na tinatawag na palipat-lipat. Simulan ang tahing
tutos.Ito’y pinong tahi na salit-salit pantay-pantay ngunit sa
mga dulo ng tahi ay hindi papantayin ang hilera upang hindi
pagsimulan ng sira.

2. Pahilisna Punit

Ang pagsusulsi ng pahilis na punit ay maari mo na ring


subukin sa mga punit ng iyong sirang damit. Iakma ang
mga gilid na punit at tahian ng pampatibay na tahing
palipat-lipat. Ilampas na bahagya ang tusok ng karayom
upang magsimula ang tahing tutos sa hiblang telang damit.
Tahiang muli ng pabalik.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

3. May Sulok na Punit

Pagtapatin ang mga gilid ng punit at ang sulok na bahagi.


Tahiin ng pampatibay na tahing palipat-lipat. Gawing lapat
at may sapat na luwag o sikip ang tahi. Ilampas ang tusok
ng karayom sa pagsisimula ng mga tahing tutos. Ang
bahagi ng sulok ay dapat na may magkapatong na mga
tutos mula sa pahalang at pahabang tahi. Ang mga tutos ay
dapat salit-salit at pantay-pantay ngunit hindi tuwid ang mga
dulo ng mga tutos upang hindi pagsimulan ng muling punit.

4. Pagtatagpi
Ang wastong pagtatagpi ay dapat naaayon sa hilatsa ng
damit,kakulay, katugmang dibuho hangga’t maaari. Kung ang
punit ng damit ay pabilog at may himulmol, linisan at gupitan ang
mga sinulid upang matiklop ito at maging parisukat o parihaba.

Ayusin ang sira. Gupitin upang magpantay. Takpan ng telang katulad ng disenyo o
Kulay ng tinatahi
.

Gamitan ng backstitch ang paligid ng panagpi Tahiin ang paligid ng panagpi at ang sira
nang ito’s maging lapat at maayos habang ng hemming stitch
tinatahi

Gawain 2: Isagawa Natin


Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Panuto: Isagawa ang sumusunod na gawain.Gamitin ang scorecard na


nasa ibaba.
1. Gumupit ng retasong tela na may sukat na 4X6 pulgada.
2. Lagyan ito ng ( tukuyin kung anong uri ng sira/punit ng kasuotan
bawat pangkat) .
3.Sulsihan ito at sundin ang tamang pamamaraan ng pagsasaayos ng
sirang kasuotan.
Mga Pangkat
Pangkat 1 - Tuwid na Punit
Pangkat 2 - Tatlong Sulok na Punit
Pangkat 3 - Pahilis na Punit
Pangkat 4 – Butas

Ito ay gagamitin ng mga Pangkat 1,2 at 3

Ito naman ang gagamitin sa pangkat 4


Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W3-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4 (Home Economics)


Markahan / Ikatlong Linggo / Ikalawang Araw

Gawain 3: Pagyamanin Natin


Natin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

1. Kung may tatlong sulok ang punit, ang pangalawang sulok ay pinatibay
sa pamamagitan ng __________.

A. pagsusulsi C. palipat na tahi


B. pagsasanib ng sulsi D. tutos

2. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mahusay na sulsi?


1.pare-pareho ang luwag at higpit
2. salit-salit ang mga tutos
3. pantay-pantay ang gilid ng sulsi
4. kasingkulay ang sinulid ng damit na sinusulsihan
5. paayon sa habi ng tela

A. 1,2,4,5 C. 2,3,4,5
B. 1,2,3,4 D. 1,3,4,5

3. Kung ang medyas mo ay mayroong butas, anong uri ng tahi ang


gagamitin mo?

A. running stitch C. blanket stitch


B. backstitch D. slip stitch

4. Sa pahilis na punit, bakit kailangang ilampas na bahagya ang tusok ng


karayom?

A. upang magsimula ang tahing tutos sa hiblang telang damit


B. upang titibay ang hiblang telang damit
C. upang magsimula ang tahing backstitch sa hiblang telang damit
D. upang magsimula ang blanket stitch sa hiblang telang damit

5. Ang wastong pagtatagpi ay dapat naaayon sa ________.

A. Kulay ng damit C. katugmang dibuho


B.Hilatsa ng damit D. Lahat ng nabanggit
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Gawain 4: Buuin Mo

Panuto: Pag-ugnayin ang mga salita sa Hanay A sa grupo ng mga salita sa


Hanay B upang mabuo ang tamang pahayag tungkol sa pagsasaayos ng
sirang kasuotan.Isulat ang letra sa patlang.

A B

____ 1. Ibinabagay sa sira ng A. ay dapat palitan


kasuotan…
B. dahil kamay ang gagamitin sa
____ 2. Malulunasan ang pagsusulsi
mga kapintasan ng kasuotan… C. ay isang paraan ng pagtitipid
D. sa pagtatagpi
____3. Ang pagsasaayos ng sira ng
kasuotan… E. ng aspili at perdible para sa mga
tastas ng damit
____4. Maisasaayos ang problema sa
Pananamit sa pamamagitan ng
F. pagsusulsi

____5. Hindi na kailangan ang


G. ay mga pansara ng kasuotan
makinang panahi…

____6. Ang nawawalang butones…


H. ay ang tuwid na punit

____7. Ang butones, kawit at zipper…


I. maaari pa itong mapakinabangan
nang matagal
____8. Dapat iwasan ang paggamit…
J. kung tayo ay masipag at matiyaga
____9. Ang pinakamadaling sulsihan…
K. ang paraan ng pagsasaayos nito
____10. Kailangan ang kakulay na
tela…
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Gawain 5: Pag-isipan Mo

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Malayang isulat ang sagot.

1. Abala kang naglalaro sa paaralan. Biglang lumaki ang tastas


ng damit mo na hindi mo pinansin. Ano ngayon ang gagawin
mo.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________

2. Kung matiyaga kang magsasaayos ng mga sirang kasuotan,


anong maitutulong nito sa budget ng inyong mag-anak? May
kaugnayan ba ito sa pagiging isang mabuting mamamayan?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W3-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4 (Home Economics)


Markahan / Ikatlong Linggo / Ikatlong Araw

Mga Dapat Tandaan sa Pananahi sa Kamay

1. Maghugas ng kamay bago hawakan ang tatahiin.

2. Ihanda ang sariling mga kagamitan. Iwasan ang panghihiram para hindi
makaabala.

3. Maupo sa lugar na may sapat na ilaw o liwanag. Sa itaas ng kaliwang


balikat dapat nanggagaling ang liwanag.

4. Maghanda ng dalawang karayom na may hiblang sinulid. Gupitin ng


pahilis ang sinulid upang madaling mailusot sa butas ng karayom. Ang
haba ng sinulid ay dapat abot –siko lamang. Kung mahaba ang ilalagay
na sinulid, madali itong mabuhol.

5. Isuot ang didal kapag nananahi. Ilagay ito sa hinlalato o panggitnang


daliri ng kanang kamay. Ito ang pantulak sa karayom habang nananahi
upang hindi matusok ang daliri.

6. Iwasan ang pag-ipit sa labi ng aspili at karayom dahil mapanganib ito.

7. Gumamit ng maliit na gunting sa pgputo ng sinulid. Hindi dapat


ginagamit ang ngipin. Mag-ingat sa paggamit ng gunting. Sa dulo ito
hawakan kung iaabot sa iba.

8. Panatilihing malinis at maayos ang lugar-gawaan.

9 Laging sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang tuntunin sa


paggawa.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Aralin 1.2
Pagkakabit ng Butones at Otomatik at Kutsetes o Kawit

ALAMIN NATIN

Ang butones ay ginagamit sa kasuotan bilang dekorasyon o


pansara o di kaya’a pareho. Kung ang butones ay para sa pansara sa
bukasan ng damit, ito ay may katambal o katapat na uhales o butas. Dapat
ding isaayos ang uhales kung ito ay tastas na.
May mga butones na flat at may butas. Ipinapatong ito sa damit
at sa ilalim ng butones sinisimulan ang tahi. Doble ang hibla ng sinulid upang
maging matibay. Nakikita ang sinulid sa ibabaw ng butones.Ibagay ang kulay
ng sinulid sa butones. Lagyan ng aspili sa pagitan ng butas habang tinatahi.
Tahiin nang dalawa o tatlong ulit bago alisin ang aspili at paikut-
ikutin ang sinulid sa ilalim ng butones bago isara.

May mga butones na may kabitan sa ilalim. Ito ang tinatawag na


shank button. Sa ilalim ito tinatahi, kaya hindi nakikita ang tahi sa
ibabaw nito. Ganito ang paraan ng pagkakabit ng shank button.

Ang mga kutsetes o kawit at otomatiko (snaps) ay laging may


kapares o katapat. Ikinakabit ito sa pagitan ng magkapatong na tela ng
bukasan ng damit. Hindi ito makikita sa harap kung naikabit na. Ang sinulid
ay dapat kakulay ng damit upang di masyadong mapansin ang tinatahian
nito. Ganito ang mga paraan ng pagkakabit sa ganitong pansara.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

\
Gawain 6: Isagawa Natin

Panuto. Basahin at unawain. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Sa pagkakabit ng butones, ano ang unang hakbang?

A. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.


B. Gupitin ang isang parte ng tela.
C. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit.
D. Isagawa ang pagtatahing lilip.

2. Bakit naglalagay ng aspili sa paglalagay ng butones na flat?

A. Upang di gagalaw ang butones habang tinatahi


B. Upang tumibay ang pagkakatahi
C. Upang hindi dudulas ang butones
D. Upang makikita ang marka ng tela

3. Sa shank button,bakit sa ilalim ito tinatahi?

A. Sapagkat may sinulid na ito sa ilalim


B. Sapagkat may kabitan ito na ilalim
C. Sapagkat pangit ito tingnan kung sa ibabaw ito tatahiin
D. Sapagkat mas mahirap tahiin sa ibabaw

4. Ang mga kutsetes o kawit at otomatiko ay laging may kapares o


katapat. Paano ang mga ito ikinakabit ?

A. Ikinakabit ito sa gilid ng magkapatong na tela ng bukasan ng damit.


B. Ikinakabit ito sa pagitan ng magkapatong na tela ng bukasan ng
damit.
C. Ikinakabit ito sa ibabaw ng magkapatong na tela ng bukasan ng
damit.
D. Ikinakabit ito sa ilalim ng magkapatong na tela ng bukasan ng damit.

5. Sa pagkakabit ng butones, dapat doble ang hibla ng sinulid. Bakit?

A. Upang mabilis matahi


B. Upang maging matibay
C. Upang di kaagad matanggal
D. Upang sisikip ang pagkakatahi
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W3-D4

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4 (Home Economics)


Markahan / Ikatlong Linggo / Ikaapat Araw

Gawain 7: Magsanay Ka

Panuto: Gawin ang mga sumusunod. Sundin ang kasanayan sa tamang


pamamaraan ng pagkabit ng butones at otomatiko.

A. 1. Gumupit ng tela na 4x6 pulgada ang laki


2. Sa kanan ay ikabit ang butones .
3. Sa kaliwa naman ay lagyan mo ng uhales.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

B. 1. Gumupit ng retasong tela na may 4x6 pulgada ang laki.


2. Ikabit ang otomatiko sa kanan.
3. Sa kalaiwa naman ay ikabit ang kapares nito.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Gawain 8: Subukin Natin


Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Saan dapat ibuhol ang butones?


A. Sa ilalim ng butones
B. Sa ibabaw ng butones
C. Sa kanan ng butones
D. Sa kaliwa ng butones

2. Sa anong paraan, tinatahi ang butones?


A. Tinatahi ito nang medyo masikip/mahigpit ang sinulid.
B. Tinatahi ito nang medyo maluwag ang sinulid.
C. Tinatahi ito nang may katamtamang sikip/luwag ng tahi ng sinulid.
D. A at C.

3. Paano mo masasabi na maayos ang pagkakabit mo ng otomatiko?


A. Kung ang buhol ay nasa ilalim
B. Kung katamtaman ang higpit ng tahi
C. Kung magkatapat ang pares ng otomatiko
D. Lahat ng nabanggit

4. Sa pananahi sa kamay, bakit dapat iwasan ang pag-ipit sa labi ng aspili


at karayom?
A. Dahil hindi ito nararapat
B. Dahil mapanganib ito
C. Dahil pangit ito tingnan
D. Dahil nalalawayan mo ang aspili at karayom

5. Sa pananahi, ang haba ng sinulid ay dapat abot –siko lamang.


A. Kung mahaba ang ilalagay na sinulid, madali itong maputol.
B. Kung mahaba ang ilalagay na sinulid, madali itong mabuhol.
C. Kung mahaba ang ilalagay na sinulid, mahihirapan magtahi ang may
maiikling braso.
D. Parehong A & B

6. Sa pananahi, dapat ang lugar ay may sapat na ilaw o liwanag. Saang


banda dapat nanggagaling ang liwanag?
A. Sa itaas ng kanang balikat
B. Sa itaas ng kaliwang balikat
C. Sa itaas ng likod na bahagi
D. Parehong A & B
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W5-D5

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4 (Home Economics)


Markahan / Ikatlong Linggo / Ikalimang Araw

Aralin 1.3
Pagtatahi ng Laylayan ng Damit

ALAMIN NATIN

Paglililip
Dito ay aayusin ang tupi ng laylayan o ng iba pang bahagi ng kasuotan.

GAWIN NATIN

Mga Hakbang:
1. Tupiin ng maayos ang lupi.
Gamitan ng backstitch nang
Di mahirapan sa paglililip.

2. Maglilip tulad nito.

NAGAWA MO BA?
Tingnan ang tinahi at sagutin:
1. Maayos ba ang pagkakatahi, di napakaluwag na ang sira ay parang
di nagbago o kaya’y napakahigpit na ang tela’y kumulubot na.
2. Pino ba ang pagkakatahi? Walang buhul-buhol na mga sinulid o
mga sabit?
3. Kakulay ba ng tela ang ginamit mong sinulid o panagpi?
4. Naayos ba ang sira?
5. Maari na bang gamitin ang iyong tinahi?
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

TANDAAN:
• Ang pagsasaayos ng sira sa kasuotan ay isang paraan
ng pagtitipid.

• Bawat bata ay dapat matutong magsasaayos ng mga


sira sa sariling kasuotan para madagdagan ang
kaalaman at kasanayan.

• Ang pagsasaayos ng sira ay nagpapakita ng tiyaga,


kasipagan at pagmamalasakit.

Gawain 9: Pagtataya

I.Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Pagdating mo ng bahay galing sa paaralan ay nakita mong may tastas


ang iyong palda. Ano ang dapat gawin sa damit na may sira?
A. Ilagay muna sa laundry basket
B. Tatahiin muna/lililipan bago labhan upang di lumaki ang sira
C. Ihanger muna para madaling mahanap ang sira
D. Wala sa nabanggit

2. Ito ay ang pagdudugtong ng mga sinulid na naputol sa bahaging damit


sa pamamagitan ng pagtahi na gumagamit ng pinong sinulid.
A. Pagtatagpi C. Backstitching
B. Pagsusulsi D. Paghahabi

3. Sa pagtatahi ng punit na may tatlong sulok, ano dapat ang hitsura ng


mga tutos?

A. Ang mga tutos ay dapat salit-salit


B. Ang mga tutos ay dapat pantay-pantay
C. Ang mga tutos ay dapat salit-salit at pantay-pantay
D. Ang mga tutos ay dapat salit-salit at pantay-pantay ngunit ngunit
hindi tuwid ang mga dulo ng mga tutos upang hindi pagsimulan ng
muling punit.

4. Sa punit na pahilis, paano mo gawin ang pagtututos?


A. Salungat ang mga tahing tutos sa hibla ng damit.
B. Pababa ang mga tutos sa hibla ng damit
C. Pahilis ang mga tutos sa hibla ng damit
D. Iayon ang mga tutos sa hibla ng damit

5. Anong tahi ang matibay dahil doble ang tahi at dikit-dikit?


A. Running stitch C. Backstitch
B. Blanket stitch D. Lahat ng nabanggit
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

II. Panuto: Punan ng tamang salita/parirala ang mga patlang upang


makumpleto ang pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.

hilbana abot-siko palipat-lipat

pagtatagpi backstitch o balik-tahi

pagitan tahi labhan kanan ilalim

1. Ang tahing tutos ang ginagamit sa pagsusulsi. Ito ay maliit na _______


na pareho ang haba at puwang.

2. Ang tahing ___________ matibay at ginagamit sa mga tupi at dugtong


kung walang makinang panahi.

3. Ang __________ ay pansamantalang tahi na mahahaba at


malalaki.Tinatastas ito pagkatapos matahi ng makina ang tela/damit.

4. Ang damit na sira, tastas o punit ay kailangang kumpunihin agad bago


_______ o itago upang maisuot pang muli.

5. Sa tuwid na punit ay pagtatapatin at tatahian ng pampatibay na tahi na


tinatawag na___________.

6. Ang wastong _________ ay dapat naaayon sa hilatsa ng


damit,kakulay, katugmang dibuho hangga’t maaari.

7. Ang mga kutsetes o kawit at otomatiko (snaps) ay laging may kapares


o katapat. Ikinakabit ito sa ________ ng magkapatong na tela ng
bukasan ng damit.

8. Ang haba ng sinulid ay dapat _______ lamang. Kung mahaba ang


ilalagay na sinulid, madali itong mabuhol.

9. Ang tahing pabalik ay ginagawa mula sa _____ patungo sa kaliwa.

10. May mga butones na may kabitan sa ilalim. Ito ang tinatawag na shank
button. Sa ______ ito tinatahi, kaya hindi nakikita ang tahi sa ibabaw
nito.

Read more on Brainly.ph –


1. https://brainly.ph/question/1826068#readmore
2. books.google.com.ph

Inihanda ni:
MERIAM G. MINDAJAO
EPP IV - Teacher
Marcela Marcelo Elementary School
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

KEY TO CORRECTION: MODULE CODE: PASAY-EPP4HE-Q1-W2-D1

GAWAIN 1
1. PAGSUSULSI
2. TUTOS
3. SIMULID
4. ISA
5. KANAN
6. PINO
7. KUKULUBOT
8. BACK STITCH
9. HILBANA
10. PAGKUKUMPUNI

GAWAIN 2 (TO BE RATED BY TEACHER)

GAWAIN 3
1. C
2. A
3. C
4. A
5. D

GAWAIN 4

1. K
2. J
3. C
4. F
5. B
6. A
7. G
8. E
9. H
10. D

GAWAIN 5 (SANAYSAY)

GAWAIN 6

1. A
2. A
3. B
4. B
5. B

GAWAIN 7 (TO BE RATED BY TEACHER)

GAWAIN 8

1.A
2. C
3. D
4. B.
5. B.
6. B
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

GAWAIN 9
I. 1.B
2.B
3.D
4.D
5.C

II. 1. tahi
2. balik-tahi o backstitch
3.hilbana
4.labhan
5. palipat-lipat
6. pagtatagpi
7. pagitan
8. abot-siko
9.kanan
10.ilalim

You might also like