You are on page 1of 8

Pagsasapamilihan ng Produkto sa

Aralin 1
Tulong Productivity Tools

Alamin

Konsepto

Pagsasapamilihan ng Produkto

Isang magandang araw sa iyo!


Ako nga pala si Bb. Mina, ang iyong guro.
Naranasan mo na bang magpasapamilihan ng iyong
produkto? Anong paraan ba ang iyong ginamit sa
pagsasapamilihan ng iyong produkto? Naging maganda ba
ang resulta? Ngayon, alamin mo kung paano maisapamilihan
ang inyong produkto sa pinakamadaling paraan sa tulong ng
productivity tools.

Layunin

Naisasapamilihan ang mga nagawang produkto gamit ang


natutunang productivity tools gaya ng mga aplikasyon na makikita sa
kompyuter, laptop, cellphone o tablet.

Subukin

Ngayon, susukatin ang iyong kaalaman tungkol sa bagay


na tatalakayin sa modyul na ito.

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at lagyan ng tsek (√ ) ang patlang
kung ang sitwasyon ay nakakatulong sa pagsasapamilihan ng inyong produkto
at ekis (X) naman kung hindi.

________1. Magpost sa iyong social media account tungkol sa iyong produkto


upang malaman ng mga tao na ikaw ay may produktong binebenta.

________2. I-display ang iyong produkto sa labas ng inyong bahay at hayaan


lamang ito hanggang sa mayroong bumili
________3. Gumawa ng flyer tungkol sa iyong produkto at ipamigay ito sa inyong
barangay.

________4. Kunan ng litrato ang iyong produkto at gawan ng poster upang mai-
post sa ito sa internet at makita ng mga tao ang iyong produkto.

________5. Nakagawa ka na ng flyers tungkol sa iyong produkto ngunit pinairal


mo ang iyong pagkamahiyain kaya naimbak na lamang ito sa inyong bahay.

________6. Gumawa ka ng video advertisement at pinost mo ito online upang


makita ng mga tao ang tungkol sa iyong produkto.

________7. Gumawa ng poster tungkol sa iyong produkto at sabihan ang iyong


ina na tulungan ka sa pamimigay nito.

________8. Gumawa ng poster tungkol sa iyong produkto at itago ito.

________9. Gumawa ng flyer tungkol sa produkto ng ibang tao.

________10. Gumawa ng video advertisement at huwag ito ipost sa social media


dahil nakakahiya.

Tuklasin

Alam mo ba kung paano mo maipagsasapamilihan ang


iyong produkto sa tulong ng productivity tools? Ano ano kaya
ang mga productivity tools? Epektibo kaya ang paggamit nito
sa pagsasapamilihan ng iyong produkto?

Basahin at unawain nang mabuti ang nasa teksto


upang malaman kung ano nga ba ang productivity tools at
kung paano ito makakatulong sa pagsasapamilihan ng iyong
produkto.

Ang productivity tools ay ang mga aplikasyon na makikita o


matatagpuan sa makabagong teknolohiya (internet) at mga gadges
tulad ng kompyuter, laptop, tablet at cellphone.

Ang productivity tools ay mga aplikasyon na tumutulong


upang mapanood at makalikha ng iba’t ibang uri ng dokumento.
Mga dokumento katulad ng:

 Spreadsheets
 Memos
 Letra
 Presentasyon
 Graphs
 Imahe
 Bidyo at marami pang iba.

Ang sumusunod ay ang mga productivity tools na


kadalasang nakikita at ginagamit sa kompyuter at cellphone:

Paint Microsoft Word

Microsoft Excel Microsoft Powerpoint

Microsoft Publisher Windows Moviemaker

Photo Editor PICSART Video Editor FILMORA

Gamit ang Productivity Tools ay puwede ring gumawa ng


mga promotional materials.

Ang promotional materials ay mga dokumento, imahe, o bidyo na


ginagamit sa pagsasapamilihan o pagpapatalastas ng mga proyekto
o produkto na ibebenta. Ito ay isang stratehiya upang manghikayat
ng mga mamimili o kostumer.

Ilang mga halimbawa ng promotional materials ay ang flyers,


posters, brochures, banner, detalye (label) at video advertisements.
Ang mga promotional materials na nagawa tulad ng flyers, at
brochures gamit ang productivity tools ay pwedeng ipamigay sa mga tao
upang mabasa nila ang detalye at impormasyon tungkol sa iyong
produkto o pwede rin itong i-post sa mga social media accounts katulad
ng Facebook at Instagram upang makita ng iba pang mga tao.

Suriin

Gaano mo kaya naunawaan ang tekstong nabasa.


Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang productivity tools?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano ano ang mga pwedeng malikha gamit ang productivity tools?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Ano ano ang mga halibawa ng productivity tools?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Ano ang promotional materials?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Paano maisasapamilihan ang iyong mga produkto sa tulong ng


productivity tools?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6. Paano mo magagamit ang mga promotional materials sa


pagsasapamilihan ng iyong produkto?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
A. Pangalanan ang mga sumusunod na kagamitan. Pusuan ( ) ang
kagamitang ginagamit kung saan makikita o matatagpuan ang
productivity tools.

Pagyamanin

1. _______________ 2. _______________
Binabati kita sa iyong kahusayan. Naipamalas mo ang
iyong mapanuring pag-iisip, patuloy mo itong paunlarin.
Ngayon, oras na para sa isang mas nakaka-aliw na
gawain.
Handa ka na ba?
3. ________________

4. _____________ 5. _______________

B. Pangalanan ang sumusunod na mga productivity tools.

1. __________________

2. __________________
3. __________________

4. __________________

5. __________________

Isaisip

Laging Tandaan!

Ang productivity tools ay mga aplikasyon na tumutulong sa paggawa ng


iba’t ibang uri ng dokumento na pwedeng gamitin sa pagsasapamilihan ng mga
produkto.

Sa pagsasapamilihan ng produkto, ang pinakamadaling paraan na


pwedeng gamitin ay ang paggamit ng promotional materials na ginagawa sa
tulong ng productivity tools.

Isagawa

Gawain

Ipaliwanag kung paano maisapamimilihan ang mga nagawang proyekto gamit


ang sumusunod na Promotional Materials sa tulong ng Productivity Tools.

1. Flyer

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Video Advertisement

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Tayahin

Panuto: Bilugan ang kung ang pahayag ay tama at kung hindi

1. Ang promotional materials ay walang silbi sa pagsasapamilihan


ng mga produkto.

2. Ang productivity tools ay mga aplikasyon na tumutulong sa


paglikha ng mga dokumento.

3. Ang productivity tools ay mga aplikasyon na makikita sa mga


kagamitan katulad ng electricfan at washing machine.

4. Ang mga nagawang promotional materials ay pwedeng i-post sa


mga social media accounts upang makita ng mga tao ang iyong
produkto.

5. Ang mga nagawang promotional materials ay hindi pwedeng


ipamigay sa mga tao dahil hindi ito nakakatulong sa
pagsasapamilihan ng produkto.

6. Ang spreadsheets, memos at presentasyon ay ilan sa mga


halimbawa ng dokumento na pwedeng gawin sa tulong
productivity tools.

7. Ang video presentation ay hindi isang promotional material.

8. Sa pagsasapamilihan ng produkto, ang pinakamadaling paraan


na pwedeng gamitin ay ang paggamit ng promotional materials na
ginagawa sa tulong ng productivity tools.

9. Ang mga promotional materials ay nagawa sa tulong ng


productivity tools.

10. Ang productivity tools ay mga dokumento, imahe, o bidyo na


ginagamit sa pagsasapamilihan o pagpapatalastas ng mga
proyekto o produkto na ibebenta.
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng flyer o advertisement ng iyong produktong nagawa.


Sundin ang pormat sa ibaba at punan ang mga blanko upang mabuo ang
flyer. Gupitin ang iyong flyer at idikit sa malinis na bond paper.

You might also like