You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (Sining Pang-Industriya)

DLP Blg.: 17 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: Ikatlo Oras: 50 MINUTO

Mga Kasanayan: 5.1.3 Nasusundan ang wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura, o


Code: EPP5IA-0g-7
pagbabarnis
Susi ng Pag-unawa na Ang pagsunod sa wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura, o pagbabarnis ay may malaking
Lilinangin: maitutulong upang mapaganda ang iyong ginawa, makukuha ang pinaka maayos na resulta.
1.Mga Layunin
Kaalaman Natutukoy ang wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura, o pagbabarnis
Nasusuri ang ginawang produkto at naisasaayos sa pamamagitan ng pagsunod ng wastong
Kasanayan
paraan ng panghuling ayos
Kaasalan Nasusundan ang wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura, o pagbabarnis sa proyekto
Kahalagahan Napapahalagahan ang mga produkto o proyekto na nagagmitan ng wastong paraan ng
panghuling ayos
2.Nilalaman Pagkukumpuni
3.Mga Kagamitang Papel de liha, primer, pintura, barnis, masilya, tsart na may nakasulat na mga paraan ng
Pampagtuturo panghuling ayos
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Magbigay ng mga kagamitan ng panghuling ayos at ang paraan sa paggamit nito
(5 minuto)
4.2 Mga Gawain/ Pangkatang Gawain: Suriing mabuti ang mga nagawang proyekto at ayusin sa pamamagitan ng
Estratehiya pagsunod ng wastong paraan ng panghuling ayos.
(7 minuto)
1.Nasusuri ba ninyong mabuti ang inyong mga proyekto?
2.Sinusunod ba ang wastong pamamaraan
4.3 Pagsusuri (2 minuto)
3.Isalaysay kung paano mo nagawa ng maayos, maganda at masinop ang produkto o
proyekto kasama ang mga kagrupo.
4.4 Pagtatalakay Sa paggawa ng produkto, malaki ang naitutulong ng kaalaman sa tamang paggamit ng mga
(13 minuto) kagamitan sa panghuling ayos. Sapagkat sa tamang paraan lamang ng paggamit nito
makukuha ang pinaka maayos na resulta nito. Sa maling paggamit naman nito ay
maaaring tumagal o kaya naman ay masira ang iyong ginagawa.
Basahin at pag-aralang mabuti ang mga karampatang paggamit sa mga kagamitang
panghuling ayos upang masusundan ang wastong paraaan.
Mga Karampatang Paggamit sa mga Kagamitang Panghuling Ayos.

1. Paraan ng Pagliliha

a. Igayak ang mga


kagamitan gaya ng
kapirasong tabla, liha,
at ang iyong bagay na
kikinisin.

b. Magsuot ng mga
karampatang
proteksyon gaya face-
mask, eye-goggle, at
guwantes, upang
maiwasan ang mga di
inaasahang pangyayari.

c. Palaging mag-ingat sa
paggawa.

d. Kumuha lamang ng sasapat na bahagi ng liha.

e. Dahilan sa matagal na proseso ang pagliliha, maaaring


magpaltos ang iyong kamay. Kung kaya’t upang maiwasan ito
ibalot ang liha sa isang kapirasong tabla. Makakatulong ito
upang maging masmadali ang pagliliha.

f. Sikaping tuyo ang kahoy na iyong lilihahin. Sapagkat maaaring


makaapekto ito sa kalidad ng iyong gawa.

g. I-ayon lamang sa sa fiber ng kahoy ang pagliliha.

h. Sikaping tanggalin ang mga matutulis at matatalim na sulok ng


iyong ginagawang produkto lalo na kung ito ay isang gamit
pambahay.

2. Paraan ng pagpipintura
a.Igayak ang mga kagamitan tulad ng papel de liha, masilya,
primer,mask at iba pang bagay na gagamitin.
b.Magsuot ng mga pangunahing protesiyon sa katawan tulad
ng goggles at face mask sapagkat ang mga ito ay may halong
kemikal na maaaring makasama sa kalusugan.
c. Palaging mag-ingat sa paggawa upang maiwasan ang
aksidente.
d. Bago pinturahan ang iyong ginawa tiyaking lagyan muna ang
mga ito ng masilya, kung may bitak, yupi, o butas. Matapos
lagyan ng masilya ay kinisin ito gamit ang pinong liha at saka
pahiran ng primer gamit ang brush.
e. Lagyan ng pintura ang iyong produkto ayon sa kulay na gusto
mo. Sikaping iisang ayon lamang ang paglalagay ng pintura.
Makakatulong ito upang maging mas maganda ang resulata ng
iyong ginagawa.

a. Latex- pinturang akmang gamitin sa semento.

b. Enamel- uri ng pinturang ginagamit sa kahot at bakal

c. Acrylic- pinturang pwedeng magamit sa sa kahoy,


bakal, at semento. Ngunit hindi nito nagagawang
protektahan ang bakal sa kalawang at kahoy sa anay.

f. Lagyan ng thinner ang pintura (enamel) kung ito ay lumalapot


na. Maaari namang lagyan ng tubig ang pinturang latex at
acrylic kung ito ay bahagyang natutuyo na.

2. Paraan ng Pagbabarnis
a. Igayak ang mga
gagamitin, gaya
brush, barnis at
bagay na gagawin
para sa proyekto.

b. Magsuot ngmga
pangunahing
proteksyon sa
katawan gaya ng
goggles at face
mask sapagkat ang
mga ito ay may
halong kemikal na
maaaring
makasama sa
kalusugan.

c. Palaging mag-ingat
sa paggawa upang
maiwasan ang
aksidente.

d. Bago ilagay ang barnis, tiyaking tanggalin muna ang mga


duming maaaring makaapekto o makasagabal sa iyong gagawin
gaya ng alikabok, sapot, sticker, mga hibla,patak ng tubig at iba
pa.

e. Gamit ang brush, ikalat ang barnis mula itaas-pababa. Sikaping


pantay ang pagkakalagay nito para sa mas magandang resulta.
f. Sikaping iisang ayon lamang ang panglalagay nito, maaari
kasing
masira ang itsura nito kung paiba-iba ang direksyon ng
paglalagay.
g. Maaaring ulitin ang paglalagay depende sa kagustuhan.
 Tumawag ng isang piling bata na makapagbigay sa harap ng klase ng isang
kagamitan ng panghuling ayos ang paraan sa paggamit nito.

4.5 Paglalapat Pasalitang Pagsagot:


(5 minuto) Paano mo pahahalagahan ang pagsunod ng wastong paraan ng pagliliha,pagpipintura,o
pagbabarnis?
5.Pagtataya ( 15 minuto)
Pangkatang-Gawain:

Bigyan ang bawat grupo ng isang bagay na maaaring mapaglilihaan, mapagpinturahan, at


mapagbabarnisan.

Pasulit
Bigyan din ang bawat grupo ng papel de liha, pintura, at barnis na maaaring gagamitin sa bawat
grupo.

Scorecard

Mgabatayan Katampatan Bata Guro


1. Wastong pagsunod sa plano 25%
6.Takdang-Aralin ( 2 minuto
2. Wastong paggamit ng )
20%
Pagpapalinang/Pagpapau
3. Gamit ng proyekto Humanap 15%
ng mga larawan ng mga sumusunod at tukuyin kung paano ito gamitin.
nlad sa kasalukuyang
4. Kabuuang
aralin anyo 25%
5. Pagkamalihain 1. Papel 15%
de liha

2. Barnis
3. Masilya
4. Paint Brush
5. Barnis
7.Paghahanda para sa
bagong aralin ( 2 minuto)
Tumawag ng dalawang bata na magbigay ng kahalagahan sa wastong pagsunod ng mga
Panapos na Gawain
paraan ng pagliliha, pagpipintura at pagbabarnis,

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: Francisco.gaon001@deped.gov.ph

You might also like