You are on page 1of 17

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 5
Ikatlong
Markahan Industrial Arts
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) Sining Pang-Industriya (Industriyal Arts)
– Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul para sa Sariling Pagkatuto: Mahalagang Kaalaman sa Gawaing
Kahoy Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Debbie Soriano-Ocampo


Editor: Name
Tagasuri: Dolores Antolin Teknikal:
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC – Schools Division Superintendent
Carolina T, Rivera, Ed. D., OIC - Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D. Chief – School Governance & Operations
Manuel Laguerta Ed.D Division & OIC – Chief Curriculum Implementation
Division

Education Program Supervisors


1. Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
2. Liza A. Alvarez, Science
3. Bernard R. Balitao, Araling Panlipunan
4. Joselito E. Calios, English
5. Norlyn D. Conde, Ed. D., MAPEH
6. Wilma Q. Del Rosario, LRMS
7. Ma. Teresita E. Herrera,Ed. D., Filipino
8. Perlita M. Ignacio, Ph. D., ESP/SPED
9. Dulce O. Santos, Ed.D., Kinder/MTB
10. Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics

Department of Education – Dibisyon Ng Pasig City


Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax:
EPP
SINING PANG-INDUSTRIYA
5
Ikatlong Markahan
Modyul 1 para sa Sariling
Pagkatuto

Mahalagang Kaalaman at Kasanayan sa


Gawaing Kahoy
E-mail Address:
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP 5 IA Modyul Aralin 2 ukol sa mga


mahalagang kaalaman sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pang local na
materyales sa pamayanan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makympleto ang
Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK- ARAL

Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga magaaral..

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa
inyong mga pagpapahalaga..
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang


natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing
kawayan, mga himaymay, metal at iba pang materyales sa pamayanan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Iguhit ang kawayan kung ang materyales na ginamit ng mga


sumusunod . na larawan ay yari sa kawayan at markahan ng ekis X kung
hindi.

_____ 1. https://images.app.goo.gl/WEckMm24wgcqQzk29 _____ 4. https://images.app.goo.gl/KLV8BuqfjKJd2y2Z8

_____ 2. https://images.app.goo.gl/GLsRbf7RHWD5Wfic7 _____ 5. https://images.app.goo.gl/gJvMwgqYdoc2FcEJ8


_____ 3.

https://images.app.goo.gl/askMf37PabjMDYSm8

BALIK-ARAL

Napag-aralan na natin ang tungkol sa mga kagamitan sa gawaing kahoy


sa unang aralin.

Panuto: Tukuyin ang mga kasangkapan at kagamitan ayon sa gamit


nito. . . Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

A. panukat B. pambutas C. pamukpok D. pamutol

1. https://images.app.goo.gl/SJEWYp2EVaUGFWSS9 A. pambutas B. pambutas C.


pamukpok D.
pamutol

2. https://images.app.goo.gl/qGsoYKrs4gduyK8K9 A. pamukpok B. pamutol C.


panghasa D. panukat

3. https://images.app.goo.gl/L5Cw9UqotrUWYYEu7 A. pamukpok B. pamutol C.


panghasa D.pambutas

4. https://images.app.goo.gl/iKoU1RJZCiU5MkoCA A. panukat B. pambutas C. pamukpok D. pamutol

5. https://images.app.goo.gl/jmLf9awuNYeYeXJA8 A.pang-ipit B. pampakinis C. pamutol D. panukat


ARALIN

Ang sining pang-industriya ay hindi lamang gumagamit ng kahoy.


Nagagamit rin ang mga materyales na nasa paligid ng ating pamayanan. Ang
iba’t ibang materyales ay nangangailangan din ng aangkop na kagamitan at
kasangkapan upang makabuo ang isang produkto.

Narito ang iba pang mga materyales sa gawaing pang-industriya na


matatagpuan sa Pilipinas.
1. Kawayan – Mayroong walong uri ng tuwid na kawayan sa ating bansa
ayon sa Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) sa
kanilang pagtala noong 1991. Ang mga ito ang ginagamit upang
makalikha ng mga produkto na pinagkakakitaan at ginagamit sa araw-
araw na buhay ng mga Pilipino.

Uri ng Kawayan Gamit/Produkto mula rito


a. Kawayang tinik kubo, sahig, basket,
(Bambusa muwebles, sombrero,
blumeana ) kasangkapan sa kusina,
laruan, chopsticks, gulay
na labong
b.Butong o muwebles, papel, basket,
kawayan-kiling bakod, bubong,
(Bambusa panggatong, gamit sa
vulgaris Schrad. ex kusina tulad ng bilao
Wendl.)

c. Bayog tarik ng balsa, muwebles,


(Bambusa sp1 or lubid, kubo, gulay na
Bambusa labong
Merrillianus Elmer)

d. Laak Gulay na labong, pantukod sa


(Bambusa puno ng saging
philippinensis)
e. Giant Bamboo, bahay, tulay, sisidlan ng
sa Tagalog
“Bukawe”
[Dendrocalamus
tubig,
asper (Shultes f.)
gulay na
Backer ex Heyne] labong,
lutuan
f. Kayali panghaligi, bakod, dingding,
muwebles, papag, gamit sa
(Gigantochloa atter kusina, chopsticks,
(Hassk) Kurz.) toothpicks, basket,
lampshape, kawayan na instrumentong
pangmusika,
g. gulay na labong, materyales sa
(Gigantochloa levis paggawa ng bahay, balsa sa
- (Blanco) Merr.) tubig, bitag ng isda, katig,
baklad ng isda, daluyan ng
tubig, bakod,muwebles,
h. Buho o Bagakay Pamputol ng pusod ng
sanggol, gamit sa agrikultura
(Schizostachyum
at paghahabi, kubo,
Lumampao)
instrumentong pangmusika,
gamit pangkultura

2. Rattan – Nabibilang ito sa uri ng palm tree tulad ng palmer na . .


. matatagpuan sa Africa, Asia, and Australia. Tumutubo ito .
sa mga gubat ng ating bansa. Madalas itong ginagamit sa .
pagbuo ng muwebles, handicrafts at bahagi ng bahay.

https://images.app.goo.gl/rKRmoESrTa5esguo8 https://images.app.goo.gl/DBDAWshuoysjB2hV8 https://images.app.goo.gl/9tNFLtyXTCzJZD3f9


https://images.app.goo.gl/9ag8GuuEbSJMB1aa8

3. Mga Himaymay – Ang mga himaymay o plant fiber ay di lamang .


. ginagamit sa sining ng paghahabi, ginagamit din ito sa ibang .
. handicrafts. Ilan sa mga ito ay matatagpuan sa ating bansa at .
pinagkakakitaan ng ilang mga Pilipino.

Uri ng Himaymay Gamit/Produkto mula rito


a. Abaka o Manila Hemp – Ito lubid, lambat, tela,
ay himaymay mula sa katawan papel, bahagi ng kotse,
ng halaman na kauri ng palamuti, bahagi ng
saging. Likas itong muwebles, bag, basket,
matatagpuan sa Pilipinas.
b. Buri – Malaking uri ito ng pagkain, tuba,
palm tree na karaniwang sombrero, walis,
nakikita sa bansa. buntal at raffia
fiber, banig, bag,
c. Rami – Ito ay isang uri ng tela, lubid, kumot
shrub na tumutubo sa lugar at damit
na may mainit na klima.
d. Pinya – Ito ay malaking pagkain, inumin, tela
prutas na nabubuhay sa mga na ginagawang
bansang may mainit na barong Tagalog,
klima. Ang dahon nito ang baro’t saya, traje de
ginagawang manipis at mestiza, pañuelo na
makintab na tela. sinusuot sa mga mahalagang
okasyon.

4. Niyog - Isa itong uri ng palmera na tumutubo . . .


hanggang 25 metro pataas at matatagpuan .
. sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Maraming .
. mga produkto ang nagmumula rito tulad ng .
. virgin coconut oil, coconut oil, copra, gamot, .
. coco lumber, walis tingting, coco lumber, coco
. fiber, pagkain, at marami pang iba.

5. Katad - Mula ito sa pinatuyong balat ng hayop tulad ng


. ostrich, baka at kauri nito. Karaniwang . . .
. dyaket, damit pangginaw, bag, maleta, pitaka, .
. at marami pang iba.

6. Metal – Ito ay uri ng elemento tulad ng bakal, . . . . . .


aluminum, pilak, ginto at marami pang iba. . .
. Ginagamit itong lata, gamit sa kusina, cabinet, .
. alahas, framework ng gusali, sasakyan, . . .
. kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, . .
metal at elektisidad.

7. Seramika – Mula ito sa luwad na isang uri ng lupa. .


. Ginagamit ang hurno upang makabuo mula rito
/. banga, paso, plorera, pinggan, mangkok, baso at
. marami pang iba.

8. Plastik –Ang synthetic plastic ay gawa ng tao mula sa .


petroleum, coal at natural gas na dumaan sa . .
prosesong polymerization. Maraming nabubuo
. mula rito tulad ng . kabinet, mesa, upuan,
. katawan ng ballpen, gamit sa kusina, . .
. appliances, gamit sa paaralan, bahagi ng sasakyan
at . . marami pang iba.

9. Kabibe – Ito ay matigas na balot sa katawan ng ilang .


. hayop sa tubig tulad kapis, sigay, tahong, talaba,
. budyong, scallop at marami pang iba. Ang kara-
. mihan sa mga kabibe ay kinakain, ginagawang .
. palamuti at bahagi ng bintana tulad ng
kapis . . (windowpane oyster).

10. Waterlily o Water Hyacinth - Ang bahagi ng Floodway


. Pasig City ay sagana sa mga halamang tubig na .
. water hyacinth. Ang tangkay nito ay pinapatuyo at
. hinahabi upang maging bayong, basket, bag, .
. tsinelas at marami pang iba.
11. Recycled Tetra Pak - Ang mga pambalot na tetra pak .
ng pagkain at inumin ay muli pang mapakina-.
. bangan sa pamamagitan ng paglilinis at pagtatahi
. nito upang maging bag, pitaka, sombrero, pencil .
. case, picture frame at marami pang iba. Ang .
. KILUS Foundation ng Ugong, Pasig City ay kilala
. sa paglikha ng mga produktong ito.

Iba Pang Kasangkapan at Kagamitan sa Gawaing Metal, Kawayan at Iba Pang


Materyales sa Pamayanan
1. Itak - - Ang pamutol na ito ay mahaba at matalim na yari sa .
. bakal.

2. Gunting - Ginagamit itong pamutol ng tela, papel at iba pang .


manipis na bagay.

3. Gas Cutting Torch- - Ginagamit itong pangbaluktok ng kahoy,


. rattan, kawayan o metal nang hindi nababali ang . .
. materyal. Ginagamit din itong pantunaw ng ginto o pilak .
upang maging alahas.

4. Wood Carving Knife - Ito ay ginagamit na pang-ukit at . .


. pambutas sa kahoy, kawayan, rattan at ibang . . .
materyales.

5. Leather Wood Handle Awl Tool - - Ginagamit ito na pambutas .


. ng katad, papel, tela o rubber sheet.

6. Metal Shears - - Ito ay ginagamit na panggupit ng metal sheets


. tulad ng aluminum, galvanized iron (GI) na yero, asero at
. iba pa.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang mataryales ng pinagmulan ng mga produkto. . . . .


Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang . .
sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____ 1. mangkok A. kawayan


_____ 2. recycled bag B. kabibe

_____ 3. bilao C. rattan

_____ 4. upuan D. tetra pak

_____ 5. plorera E. seramika

F. metal

Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang materyales na ginamit sa mga produktong nakatala sa .


ibaba.

1. bunot ( kawayan, niyog, rattan)

2. baunan ( plastik, seramika, tetra pak)

3. Barong Tagalog ( rami, buri, pinya)

4. babasaging pinggan ( plastic, seramika, metal)

5. pilak na hikaw ( metal, kabibe, plastic)

Pagsasanay 3

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na kasangkapan na ginagamit sa paraan


. ng paggawa.

itak awl tool gunting paet carving


knife gas cutting torch metal shears

__________1. pambutas ng katad

__________2. panggupit ng telang rami

__________3. pamputol ng yero


__________4. pantunaw ng pilak

__________5. pamputol ng rattan

PAGLALAHAT

Natutunan natin ngayon ang iba pang kagamitan at kasangkapang sa


gawaing metal, kawayan at iba pang materyales sa pamayanan. Isulat sa
patlang ang nawawalang letra ng limang halimbawa ng materyales.

1. __ __ w__y__n

2. h__m__y__ay

3. __ __tt__n

4. w__t__r hy__c__nth

5. k__ __a __

PAGPAPAHALAGA

Si Mang Ado ay nakatira sa isang lugar na may mga puno ng kawayan.


Nais niyang magtayo ng bahay upang magkaroon ng tirahan ang kanyang
pamilya. Kung kayo si Mang Ado, anong materyales ang gagamitin mo upang
makabuo ng isang bahay? Bakit?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng . . . .


tamang sagot.

_____ 1. Ang pambansang tahanan na bahay kubo ay mula sa anong


…………...materyales? . .
A. katad B. kawayan C. rami D. rattan

_____ 2. Ang andador o baby walker na katutubong gamit ay.. . .


. karaniwang yari sa anong materyales? . . .
. A. buri B. kawayan C. rami D. rattan

_____ 3. Anong uri ng himaymay ang ginagamit sa paggawa ngpapa. .


Barong Tagalog?
A. abaka B. bulak C. pinya D. rami

_____ 4. Ano ang madalas ng ginagamit na pamutol sa niyog?

A. gunting B. itak C. paet D.pliers

_____ 5. Ang KILUS Foundation ng Ugong, Lungsod ng Pasig ay kilala sa


paglikha ng mga produktong nakakatulong sa kalikasan sa
pamamagitan ng pagresiklo ng patapong bagay. Ano ang kanilang
pangunahing materyales?
A. lata B. plastic na bote C. tetra pak D. water hyacinth
Sanggunian
Most Essential Learning Competencies

Peralta, Gloria A., et.al. 2016. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa


. Kaunlaran. Manila, Philippines: Vicarish Publication and .
Trading, Inc.

Mga larawan

1. kawayang tinik https://www.guaduabamboo.com/blog/bambusa-blumeana


2. kawayang butong https://images.app.goo.gl/1qshQjHbmfRj1tx38
3. salakot https://images.app.goo.gl/EoywrAnNj5T8Gr4Y6
4. bilao https://images.app.goo.gl/Stn75Fzk6fH2p1tR9
5. kawayang bayog https://images.app.goo.gl/w9E7txo41TzEkSN27
6. bahay kubo https://images.app.goo.gl/bVAknW5Kqp22PojTA
7. kawayang laak https://images.app.goo.gl/aA74jgaZkpHLMvjg6 8. kawayang
tukod sa saging
https://images.app.goo.gl/UZtuKrCKaam4zaVe9https://images.app.goo.gl/UZtuK
rCKaam4zaVe9
9. giant bamboo https://images.app.goo.gl/xf6hYWrNpqGWFRWf6
10. tulay na kawayan https://images.app.goo.gl/7mNeg518S2mPWsAt5
11. labong na ulam https://images.app.goo.gl/e5F3vAgXx9LPajvh6
12. labong https://images.app.goo.gl/P8w38JXyYSwXyUQ2A
13. kawayang kayali https://images.app.goo.gl/rLtgXCxpef5KRtqC9
14. kawayang basket https://images.app.goo.gl/9X7t2BRh7rrLP5GLA
15. kawayang (Gigantochloa levis - (Blanco) Merr.)
16. kawayang sofa https://images.app.goo.gl/G4aMYEAzx3yLwBkb7
17. Buho o Bagakay https://images.app.goo.gl/AEe9SxJ2Mxv3CmYt8
18. plawta https://images.app.goo.gl/7a56aZ6Ycz5PUwSA8
19. halamang rattan https://images.app.goo.gl/rKRmoESrTa5esguo8
20. rattan na mesa https://images.app.goo.gl/DBDAWshuoysjB2hV8
21. rattan na upuan https://images.app.goo.gl/9tNFLtyXTCzJZD3f9
22. andador o baby walker https://images.app.goo.gl/9ag8GuuEbSJMB1aa8
23. halamang abaka https://images.app.goo.gl/VEE5Q4PaFHC9yQJS7
24. abaka na lubid https://images.app.goo.gl/o6kGyPkgWAbLgocy5
25. abaka na bag https://images.app.goo.gl/j2ucpAzBkaAgUseq7
26. puno ng buri https://images.app.goo.gl/6Kp7Nvs1azsFU74v8
27. burin a sombrero https://images.app.goo.gl/yD2TmyxGF7y6iXAV6
28. halamang rami http://www.stuartxchange.org/Ramie.html
29. telang rami https://images.app.goo.gl/LAr2BLaeVYqF3ZHF8
30. halamang pinya https://images.app.goo.gl/UHhkaC79naU82xfx9
31. barong Tagalog https://images.app.goo.gl/GKbdXQEAGXCroBAr9
32. halamang niyog https://images.app.goo.gl/ZG5D5HUjFKz9xP6p8
33. Tupperware baonan https://www.shutterstock.com/search/tupperware
34. kapis https://images.app.goo.gl/QWxK9juLdSmAvzjb6
35. water hyacinth https://images.app.goo.gl/PmohthXdCbcQTED8A
36. Zesto tetra pak recycled bag https://images.app.goo.gl/LXoJeB4RSgCu2s1V8
37. itak https://images.app.goo.gl/DiP1wokuebmeJknt9
38. gas cutting torch https://images.app.goo.gl/eYbSwe1WqF528s9k6
39. wood carving knife https://images.app.goo.gl/7k6aFDPY2h6b6pmJ6
40. metal shears https://images.app.goo.gl/Xvn1enyvULb7qmw78

You might also like