You are on page 1of 10

HOME ECONOMICS V

HE V
ARALIN MGA PARAAN SA PAGPAPANATILI
1 NG MALINIS NA KASUOTAN

ALAMIN

Magandang tingnan ang mga damit o kasuotan


na napangangalagaan. Paano mo napapangalagaan ang
iyong mga kasuotan?

Sa modyul na ito ay ating isa-isahin ang mga


paraan upang mapanatiling malinis ang ating
kasuotan.

SUBUKIN

Panuto: Lagyan ng Tsek (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng paraan sa pagpapanatili ng
malinis na kasuotan at Ekis (X) naman kung hindi.

______ 1. Inilalagay sa hanger ang damit panlakad.


______ 2. Ipinampahid sa pawis ang bagong hubad na damit.
______ 3. Tingnan ang upuan bago umupo.
______ 4. Hayaang mamantsahan ang damit.
______ 5. Nilalabhan kaagad ang maruruming kasuotan.

BALIKAN

Panuto: Tingnan ang larawan at kilalanin ang uri ng damit ayon sa uri ng gawain. Piliin ang

1
titik ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang napiling sagot.

A. damit pambahay D. damit pampasok sa paaralan


B. damit panlakad E. damit panlaro
C. damit pantulog F. damit trabaho

1. 2. 3.

_________________ __________________ __________________

4. 5.

__________________ ___________________

TUKLASIN

Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa pagpapanatili ng maayos at
malinis na kasuotan.
P A G T A T A G P I J L Q
D S E D L P W Q T Y N M S
K L O M T K L I U Y P S P
A S D A A R D H U I C V S
Z H L N W O B S I F J S X
Q W Y T E L H Q E W V N G
P A G S U S U L S I L B I
A B L A N G P R Q D O K M
G L Q Z V R H E S G R J B
L P A M A M A L A N T S A
A P K D X G L F C D W A L

2
B O A U T L R B W H A R P
A Y S E Y O I V D P Z F U
F T E K A S U O T A N K Y

SURIIN

Ang matalinong pagpili ng angkop na kasuotan sa iba’t ibang panahon ay mawawalan


ng halaga kung hindi naman ito aalagaan nang wasto. Ang pangangalaga ng kasuotan ay
mahalaga sapagkat ipinapakita rito ang pagpapahalaga ng taong may suot nito. Nakadaradag
din ito sa iyong kaayusang panlabas.
Lahat ng bagay na isinusuot sa katawan ay nangangailangan ng pangaraw-araw na
pag-aalaga. Sikaping maglaan ng ilang oras para rito. Nakapagtitipid ng oras, pagod at salapi
kung uugaliing pangalagaan ang mga damit araw-araw. Tatagal pa ang pakinabang mo rito.

Narito ang ilang paraan ng pangangalaga ng kasuotan.


1. Dapat ingatan ang kasuotan mula sa oras na isuot ito hanggang sa ito ay iyong
hubarin. Isuot nang maingat ang damit upang maiwasan ang mga tastas at punit.
Mag-ingat sa pagkilos upang hindi masabit sa pako o iba pang bagay na matulis
ang damit.
2. Iwasang maupo sa mga lugar na marurumi.
3. Huwag gamiting pamunasan ng kamay, pawis, o tumutulong sipon ang damit.
Gumamit ng panyo para sa mga ganitong gawain.
4. Hubarin kaagad ang damit pampasok at magpalit ng damit pambahay pagkagaling
sa paaralan.
5. Ilagay sa sisidlan ng maruming damit o ropero ang damit na pinaghubaran.

Narito naman ang ilang mga paraan upang manatiling malinis at maayos ang
kasuotan.
1. Paglalaba
Kailangang labhan ang mga damit na naisuot na upang
matanggal ang dumi, alikabok at pawis na kumapit dito.
Nakarurupok ng tela ang mga duming ito bukod sa nagging sanhi
ng di-kanais-nais na amoy. Napananatiling maayos ang damit
kapag ito ay nilalabhan kaya nagagamit pa ito nang matagal na
panahon. Mahalagang isagawa nang maayos ang paglalaba upang
matiyak na malinis ang mga damit.

3
2. Pamamalantsa
Ang mga bagong labang damit ay gusut-gusot kapag natuyo
na. Hindi maayos tingnan ang damit kung isusuot na lukut-lukot kaya
dapat plantsahin muna.Sa pamamagitan ng pamamalantsa, bumabalik
ang dating hugis at ayos ng damit. Kaiga-igayang tingnan ang
kasuotan kung maayos at wasto ang pagkakaplantsa nito.

3. Pagsusulsi
Kung minsan ay hindi maiwasang magkaroon ng punit ang
damit lalo na kung luma na ito at hindi nagging maingat sa pagkilos
ang nagsuot. Sulsihan kaagad ang mga punit sa damit upang hindi
lumaki pa ang sira.

4. Pagtatagpi
Ang butas sa damit na gawa ng upos ng sigarilyo, kagat ng
daga at mapanirang mga kulisap ay kinukumpuni sa pamamagitan
ng pagtatagpi.

5. Pag-aalis ng Mantsa
Dapat tanggalin kaagad ang mga mantsa sa damit sapagkat
ito ay hindi magandang tingnan. Bukod pa rito, mas mahirap
tanggalin ang mantsa kapag nagtagal o natuyo na sa damit.
Tiyaking natanggal na ang mantsa ng damit bago ito labhan upang
hindi masayang ang lakas at oras sa pagtatanggal ng mga ito
habang naglalaba.

6. Pag-aayos ng mga Damit


Mahalagang magkaroon ng sariling lalagyan ng mga damit.
Higit na mapangangalagaan ang mga kasuotan kung may cabinet o
aparador na paglalagyan ng mga ito. Kung walang cabinet o
aparador, maaaring ilagay rin sa malinis at malaking kahon ang mga
kasuotan.

PAGYAMANIN

UNANG GAWAIN

Panuto: Piliin sa kahon ang paraan na dapat gawin upang mapanatiliang kalinisan at
kaayusan ng kasuotan. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

4
_____ 1. Kung ang kasuotan ay natapunan ng pagkain, pintura, at iba pang likidong bagay.
_____ 2. Pagkakaroon ng punit o tastas sa damit.
_____ 3. Pagkatapos malabhan ang damit, ito ay gusot-gusot at hindi magandang tingnan
kung
ito ay isuot na lukot-lukot.
_____ 4. Gawin ito matapos maisuot ang damit upang maalis ang dumi at alikabok na
kumapit.
_____ 5. Gawin ito matapos labhan at plantsahin ang mga damit.

A. pagsusulsi D. pag-aalis ng mantsa


B. pag-aayos ng mga damit E. pamamalantsa
C. paglalaba

IKALAWANG GAWAIN

Panuto: Isulat ang tama kung ang nakasalungguhit na pahayag ay nagsasaad ng wastong
pamamaraan sa pagpapanatili ng maayos na kasuotan at palitan naman ito kung
hindi.

____________________ 1. Ayusin ang mga damit pagkatapos kunin sa sampayan.


____________________ 2. Ginagawa ang pagsusulsi sa butas-butas na damit gawa ng kagat
ng daga.
____________________ 3. Tiyaking natanggal ang mantsa bago ito labhan.
____________________ 4. Nawawala ang lukot-lukot ng damit sa pamamagitan ng
pamamalantsa.
____________________ 5. Naaalis ang dumi at alikabok kung ito ay lalabhan.

ISAISIP

Panuto: Lagyan ng tamang sagot aang patlang upang mabuo ang kaisipan.

1. Sa pamamagitan ng __________ bumabalik ang dating hugis at ayos ng damit.


2. Ang __________ ay ginagawa sa mga punit na damit upang hindi lumaki pa ang sira.
3. Ang __________ ay mahirap tanggalin kapag nagtagal o natuyo sa damit.
4. Hindi maiwasang mabubutas ang damit sanhi ng mapanirang mga kulisap.
Kumpunihin ito sa pamamagitan ng __________.

5
5. Mahalagang isagawa ng maayos ang __________ upang matiyak na malinis ang mga
damit.

ISAGAWA

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan.

 Umiinom ka ng juice at hindi sinasadyang natapunan ang iyong damit. Ano ang
mainam na gawin sa damit pagdating sa bahay?
____________________________________________________________________.

 Araw ng linggo at ikaw ay magsisimba. Naghahanap ka ng damit na susuotin at nakita


mong ito ay lukot-lukot. Ano ang gagawin mo para maging kaaya-aya at maayos
itong tingnan?
____________________________________________________________________.

 Nasagi sa pako ang iyong uniporme. Anong uri ng pagkukumpuni ang iyong gagawin
upang ito ay maaari mo pang gamitin?
____________________________________________________________________.

TAYAHIN

Panuto: Isulat ang iyong mga natutunan sa araling ito gamit ang graphic organizer.

Mga Paraan ng
Pagpapanatili ng Maayos
at Malinis na Kasuotan

6
KARAGDAGANG GAWAIN

Pumili ng isang pamamaraan sa pagpapanatili ng malinis na kasuotan. Ibigay ang mga


hakbang sa pagsasagawa nito.

Kung nasagutan mo ang mga pagsasanay sa araling ito, maaari ka nang magpatuloy
sa susunod na mga aralin.

________________________________ W A K A S ________________________________

SANGGUNIAN

https://vdocuments.net/mga-uri-ng-kasuotan.html
file:///C:/Users/USER/Downloads/EPP5.HE_Q2.LM%20(2).pdf

7
Batayang Aklat sa EPP 5, Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pp. 120, Gloria A.
Peralta EdD, Ruth A. Arsenue, et al.
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan pp. 18-21, Cleofe del Castillo, et al.

8
SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN BALIKAN PAGYAMANIN


1. / 1. C Unang Gawain: Ikalawang Gawain:
2. X 2. D 1. D 1. Tama
3. / 3. E 2. A 2. Pagtatagpi
4. X 4. B 3. E 3. Tama
5. / 5. A 4. C 4. Tama
5. B 5. Tama
TUKLASIN

P A G T A T A G P I J L Q ISAISIP
D S E D L P W Q T Y N M S
1. pamamalantsa
K L O M T K L I U Y P S P
2. pagsusulsi
A S D A A R D H U I C V S 3. mantsa
Z H L N W O B S I F J S X 4. pagtatagpi
Q W Y T E L H Q E W V N G 5. paglalaba
P A G S U S U L S I L B I
A B L A N G P R Q D O K M
G L Q Z V R H E S G R J B ISAGAWA
L P A M A M A L A N T S A
A P K D X G L F C D W A L 1. Labhan ang
B O A U T L R B W H A R P nadumihang
damit.
A Y S E Y O I V D P Z F U
2. Plantsahin ang
F T E K A S U O T A N K Y
lukot-lukot na
pansimbang
TAYAHIN damit.
3. Aayusin ang
punit sa
pamamagitan ng
pagsusulsi.
Mga Paraan ng
Pagpapanatili ng Maayos at
Malinis na Kasuotan

* Tayahin ng guro ang kasagutan ng mga bata sa gawaing ito.

You might also like