Professional Documents
Culture Documents
Nasa kalahating oras na sila ng paglalakad subalit hindi parin nila natutungo ang labasan
ng gubat. Kanila namang napansin na tila'y pabalik lang sila sa daan na tinatahak. Sa mga oras na
iyon ay labis nang kinakabahan ang magkaibigan, balisa at hindi na alam ang gagawin. Bigla
namang lumakas ang ihip ng hangin, naging mas malamig na dumagdag lalo sa kaba ng
magkaibigan. Tumakbo ang dalawa ngunit bigo parin na matungo ang labasan, sa katunayan
napadpad sila pabalik sa hindi kalayuan mula sa lawa. Napatigil sila sa pagtakbo at hingal na
hingal.
Ilang minuto ang nakalipas nang kanilang mapansin na parang may mga kamay mula sa
ilalim ng lupa ang humahawak sa kanilang mga paa. Unti-unti ay may lumitaw na nilalang sa
harapan nila, isang lamanlupa. Niyapos nito ang magkaibigan subalit pilit na kumawala ang
dalawa. Dali-dali sila na nagsitakbo ngunit walang ibang matutunguhan kung hindi ang dulo ng
lupa kung saan ilang hakbang pa nila ay sa tubig ng lawa ang kanilang bagsak. Ang paglukso sa
tubig ay ang nakita nilang tanging paraan upang makaligtas at makalayo sa nakatatakot na
lamanlupa.
Halos apat na taon narin kaming magkaibigan ni Henri. Simula kasi nang lumipat siya ng
paaralan dito sa amin ay ako ang una niyang nakilala at naging kaibigan.
Ako si Therese, nasa unang taon sa kolehiyo ng San Agustin at kumukuha ng kursong
pang-edukasyon. Nasa ikapitong baitang ako noon ng lumipat si Henri sa aming paaralan, dito
kami unang nagkakilala, naging magkaibigan at naging matalik na magkaibigan. Madalas
kaming magkasama sa uwian, sa pag-aaral, paggawa ng mga gawain at takdang aralin. Madalas
din kaming natatanong kung ano ba kami para sa isa't-isa, lagi namang sagot ni Henri ay
"magkaibigan kami". Sa bawat panahon na marinig ko ang mga katagang iyon ay nanlulumo ako.
Hindi ko mawari na ang pagpapakita niya ng totoong pagmamalasakit, pagmamahal at
pagpapahalaga sa akin ay pawang pangkaibigan lang. Umasa ako na lahat ng mga iyon ay may
dahilan at nagpapakita na ako'y kaniyang mahal higit pa sa isang kaibigan.
Isang gabi, ay napansin kong madalas na laman ng kaniyang Facebook story ang
kaniyang mukhang masaya kasama ang idang babae. Ito pala ang dahilan kaya madalas nang
hindi niya ako masamahan pauwi dahil nililigawan na daw niya. Pagkatapos ng balitang ito na
kinumpirma din niyang totoo pagkatapos ko siyang tanungin sa pamamagitan ng Facebook
messenger ay ang unti-unting pagpatak ng mga likido mula sa aking mga mata. Marami akong
katanungan tungkol sa amin. Ilang beses ko ring tinanong ang aking sarili kung sa loob ba ng
apat na taon ay ni minsan hindi niya talaga ako tinuring na higit pa sa isang kaibigan. Maraming
mga tanong subalit hindi mabigyan ng kasagutan at mananatiling tanong dahil tanging si Henri
lang ang makakasagot.
Tuluyan na ngang nagbago ang aming pagkakaibigan lalo na nang sila'y opisyal na
naging magkasintahan. Nang malaman ko ito ay ako na mismo ang dumistansiya sa kanila,
bukod kasi na masasaktan ko ang aking sarili ay maaaring masira ko ang kanilang pagsasama.
Masakit man ay pinilit kong lumayo kasabay nang kaniyang unti-unting paglaho sa aking buhay.
Itinuon ko na lamang ang aking sarili sa pag-aaral, naging abala sa mga gawain at pagpapalago
ng aking mga kalakasan at kakayahan. Nakahanap rin ako ng bagong kakampi at kaibigang
masasandalan. Dahil sa mga ito ay unti-unti kong nalimot ang sakit na idinulot ng aking kaibigan
na akala ko'y aking magiging ka-ibigan.
KUWENTO NG KABABALAGHAN
"Ang ganda naman po dito Lola. Ang sariwa ng hangin at andaming prutas", Ani Elaijah.
"Lolo hindi ba sabi ninyo ay may magandang talon dito sa inyong probinsiya?", tanong
naman ni Elaijah. "Oo apo, subalit malayo-layo rin ang lalakarin bago mararating ang talon.
Bihira narin itong puntahan ng mga tao", sagot ni Lolo Piyo sa apo. "Bakit naman po Lolo?",
tanong muli ni Elaijah.
"Hay naku Elaijah! tama na ang maraming tanong. Pumasok na muna tayo sa bahay",
pagputol sa usapan ni Gg. Santos. “Halina’t pumasok na muna tayo sa bahay ng lolo’t lola
ninyo”, dugtong ni Gng. Santos. “Oo nga, tara na sa loob at nakahanda na ang roon ang
umagahan”, ani naman ni Lola Pasing.
“Lolo, bakit nga po pala bihira na lang puntahan ng mga tao ang talon?”, tanong ni
Elaisha. Sa puntong ito hindi na napigilan nina Gng at Gg. Santos si Lolo Piyu na magkuwento
tungkol sa bagay na ito.
Noong unang panahon kasi ay may nawalang binata dito sa aming probinsya at bali-balita
na kinuha raw ng dalagang namamalagi sa talon. Hapon kasi noon ng nagawi sa parte malapit sa
talon ang isang binate upang sana ay manguha ng kahoy na panggatong. Pagdating nito malapit
sa talon ay napansin niya ang isang magandang dalaga na sarap na sarap sa paliligo sa talon.
Hindi naman ito pinansin ng binate bagkus siya ay nagpatuloy sa pangunguha ng kahoy. Nagulat
ang binate ng biglang may tumatawag sa kaniya mula sa kaniyang likuran at laking gulat niya ng
makita ang dalaga sa kaniyang likod na kani-kanina lang ay naliligo sa talon.
“Eh, lolo saan naman po nanggaling ang kuwentong ito?”, tanong ni Elaisha na hindi
makapaniwala sa kuwento ng kaniyang Lolo Piyu. “Ito ay galling mismo sa akin apo. Noon kasi
ay nangangahoy din ako at nakita ko silang dilawa mula sa hindi kalayuan.” Sagot ni Lolo Piyu.
“Sino naman po ang dalaga?”, tanong naman ni Eliajah. “Ay dalagang iyon ay
pinaniniwalaang diwata na namamalagi sa talon at nabihag sa binata kaya niya ito kinuha at
marahil ay dinala sa kanilang kaharian”, sagot ni Lolo Piyu.
Natapos ang pagkukuwento ni Lolo Piyu na hindi parin makapaniwala ang kambal.
Nagligpit na lamang ang mga ito ng hapag kainan at tumungo sa kuwarto pagkatapos upang
magpahinga mula sa kanilang mahabang byahe.
KUWENTONG SIKOLOHIKO
“Tulong! Tulo! Tulungan niyo ako. Huwag po. Huwag po, pakiusap, maawa po kayo”
Booom!!!
Nasagi ng kamay ni Ela ang plorera ng bulalak na nakapatong sa mesa sa gilid ng
kaniyang higaan dahilan upang ito ay mahulog at gumawa ng ingay sa gitna ng matahimik na
gabi. Ang pagkahulog ng plorerang ito ay nagsilbing tagapagligtas ni Ella mula sa isang
masamang panaginip. Mangiyak-ngiyak siyang nagising, ilang gabi narin kasi na pabalik-balik
ang panaginip na ito. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki sa kaniyang panaginip na
nangahas na siya ay gahasain at pagtangkaang patayin. Ilang patak din ng oras ang kaniyang
iginugol sap ag-iisip kung bakit pabalik-balik ang panaginip na ito.
Makalipas ang ilan pang mga oras ay tumunog ang kaniyang telepono. Palatandaan ito ito
na alas sais na ng umaga, kailangan na niyang bumangon at maghanda para sa araw ng kaniyang
pagtatapos sa kolehiyo. Bago siya tuluyang lumabas sa pinto ng silid na kaniyang inuupahan ay
lumingon muna siya. Sandali niyang tinitigan ang litrato ng kaniyang pamilya na nakalagay sa
lagayan ng litrato at nakasabit sa dingding. Napangiti si Ella, hindi na siya makapaghintay na
makita ang kaniyang pamilya na masaya sa kaniyang pagtatapos. Pagkalabas ng pintuan ay
tinungo niya ang kusina upang sana ay magluto ng kaniyang umagahan subalit nadatnan niya
roon si Sidro, ang asawa ng babaeng may-ari ng kaniyang inuupahang silid. Batid niyang
matatagalan ito sa pagluluto kung kaya tumungo na muna siya sa banyo at inuna na niya ang
paliligo. Nasa kalagitnaan siya ng paliligo nang mapansin niya ang butas sa isang sulok na hindi
naman kalakihan. Hindi naman niya ito pinansin bagkus nagpatuloy lang siya sa kaniyang
paliligo nang ano-ano ay may tunog ng bote na parang nahagip mula sa likurang banda ng banyo.
Nahinto siya sa paliligo at pinakiramdaman niya kung may tao bas a labas ng banyo. Ilang
Segundo ang lumipas ay narinig niyang may tao na kumaripas ng takbo mula sa likurang bahagi
ng banyo. Dali-dali naman niyang tinapos agad ang paliligo at lumabas na ng banyo.
Mula sa bintana sa kusina ay sumilip siya sa labas, doon ay nakita niya si Sidro na
nagdidilig ng halaman at si Martin na papasok sa pintuan. Si Martin ang binatang matagal nang
nanliligaw sa kaniya ngunit hindi niya sinasagot dahil marami itong bisyo.
Tinungo naman ni Ella ang kaniyang silid matapos niyang makita ang dalawang lalaki sa
labas. Patungo sa kaniyang silid ay isa-isa niyang nasalubong ang kaniyang mga kasamahan sa
paupahan. Bit-bit ng mga ito ang kanilang mga gait dahil tapos na ang pasukan at bakasyon narin.
Tanging si Ella, si Sidro at si Martin ang naiwan sa paupahan. Si Aling Tasing kasi na
asawa ni Sidro ay nagbakasyon sa probinsiya ng kanilang anak at sabi-sabi rin na pupunta rin
doon si Sidro sa oras na makauwi na ang lahat ng mga umuupa sa kanilang paupahan.
Nagbibihis si Ella sa kaniyang silid ng biglang bumukas ang pinto, nilingon niya ang
pintuan at bumungad sa kaniya ang isang lalaki. Agad itong lumapit sa kaniya habang
tinututukan ng baril. “Tumahimik ka, kung hindi, babarilin kita”, ato ang sabi ng lalaki na hindi
makita ang mukha dahil sa ito ay naka-bonet. Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kaniya upang
siya ay gahasain. Nang makakuha ng pagkakataon si Ella upang makatakas ay tinadyakan niya
ng buong lakas sa puson ang lalaki at tumakbo palabas ng pinto. Hindi pa man siya nakalalabas
ng pintuan ay may narinig siyang putok ng baril. Sa kaniyang likuran ay ramdam niyang may
likidong lumalabas mula sa kaniyang katawan. Ramdam din niya ang sakit habang unti-unti
siyang bumabagsak sa sahig at nawalan ng paningin.
Ilang oras ang lumipas ay may dumating na pulis, nagsumbong pala si Sidro ukol sa
nangyari. Dito ay nadatnan ang katawan ni Ella at wala nang buhay. Pilit namang itinatanggi ni
Sidro ang nangyaring pagbaril kay Ella. Maging si Martin ay hindi rin nakita, wala narin ang
mga gamit nito sa silid na kaniyang inuupahan.