You are on page 1of 4

Alamat Ng Baboy

Isang araw, Sa matahimik na nayon ng uluuhugan, sa ibaba ng bundok ng tra-la-la.


May isang bata. Na nagngangalang Bab.
Si bab ay isang matulunging bata, masipag at talaga namang napaka masunurin sa magulang.
Isang araw, Inutusan sya ng kanyang nanay na pumunta ng palenke at bumili ng recados na
lulutuin para sa birthday ng kanyang kapatid.
Dahil nga sa masunurin si Bab, Pumunta syang palenke. Una nyang binili ang mga gulay, tapos
ang manok at ang asin at paminta.
Natapos na sa pamimili si Bab ng biglang nasubasob sya sa isang putikan. Kasamang nahulog
ang recados na pinamili nya.
Kaya isa isa nyang pinulot ang mga ito. Mula sa patatas, petchay, manok, at iba pang mga gulay.
Akala ng mga taong nakakakita sa kanya ay naglalaro sya sa putikan at natutuwang magpaikot
ikot.
Sinimulan syang tanungin ng mga katribo.
Hoy Bab! Hoy Bab! Ano ginagawa mo jan? wika ng isang katribo nya.
Baka nagliligo sya sa putikan? wika pa ng isa.
HAHAHAHAHAHAHAHA insulto mga katribong nakakita sa kanya.
Dali daling tumakbo si Bab at lumuluhangg umuwi sa kanila.
Habang papauwi sa bahay ay may nakasalubong syang isang diwata. Ang diwatang kilala ng
kanyang tribo na nagbibigay ng kahilingan sa isang maswerteng tao kada isang daang libong
taon.
Kaya lang ito ay nakabalat kayo bilang isang matandang babaeng namimitas ng prutas sa
kagubatan.
Bakit balot na balot ka sa putik? Tanong ng matandang babae.
Ah eto ba? Naligo kasi ako sa putikan. At gusto kong magpagulong gulong duon. Ano? Tawa ka
na! Sige na! Tawa na! wika ni Bab na galit sa babae sa pag aakalang pagtatawanan sya ng
matandang babae.
Nainsulto ang Diwata dahil sa isang daang libong taong paghihintay upang magbigay ng
kahilingan sa isang nilalang ay ito pa ang aabutan nya. Napakatampalasang bata.
At dahil dito isinumpa ng diwata si Bab. At ginawa syang isang nilalang na mahilig maglaro sa
putikan na may malaking ilong na pahaba at may katabaan.
Pagkatapos nito ay umalis na ang diwata.

Walang magawa ang isinumpang Bab kundi Ihatid ang pagkain para sa kaarawan ng kanyang
kapatid.
Umalis sya ng dali dali upang hindi na makita ng kanyang mga magulang ang sinapit.
Ilang araw ang lumipas at hinahanap ng buong tribo si Bab.
Lahat ng sulok ng kabundukan ay isinisigaw ang Hoy Bab! Hoy Bab! Asan ka na?
At dahil naririnig ito ni Bab pero hindi alam ng mga taong nasumpa sya ng diwata. Ay naglaro sya
sa putikan para makilala sya ng mga katribo.
At ng makita sya ng isang katribo.
Mga kasama! Tignan nyo ito, para syang si Bab! Wika ng isang katribo.
Aba oo nga noh? Hoy Bab, Hoy Bab! wika ng isa pa nilang katribo.
At lumingon ang nilalang na naglalaro sa putik.
At simula nuon, Tinawag na ang nilalang na iyon na BABOY

ANG ALAMAT NG PARU-PARO


Noong unang panahon ay may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa
Laguna. Ito ay sinaAmparo na ang palayaw ay Paro, samantalang ang nakababata naman ay
si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulaklak ang kanilang ikinabubuhay.
Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit
sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa
kabuhayan. Likas na mabait si Perla, pasensiya na lamang ang kaniyang ibinibigay sa kapatid na
si Amparo na ubod ng tamad.
Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging
nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din na sumagot si Amparo Anong gusto mo alilain ako at
busabusin? Ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda. Sabay nanaog at pumitas ng
halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok.
Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala para sa kapatid ay
sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog si Paro sa ilog. Sumigaw ng malakas si
Perla Paro! Paro!", marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang
nakita.
Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa
kinahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito
at unti-unting umusbong ang pakpak na may ibat-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at
nakita ni Perla na pumunta ito sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si
Perla at nasambit niya ang katagang Paro! Paro!". Simula noon, ang maganda at makulay na
munting nilikha ay tinawag ng mga tao na PARU-PARO.

Alamat Ng Baka At Kalabaw

Noon pa man ay matalik ng magkaibigan si baka at kalabaw. Parehas silang katuwang ng mga
magsasaka sa gawaing bukid. Masipag sila at masunurin sa kanilang mga amo maski anong
hirap ng trabaho sa bukid. Ngunit mayroong isang kuwento tungkol sa dalawa nang isang araw
sila ay tinamad na magtrabaho.
Noong unang panahon ang pinakaunang baka at kalabaw ay itinalaga ni Bathala na tumulong sa
magsasaka sa gawaing bukid. Tulad ng kanilang amo, masipag si baka at kalabaw. Hindi nila
inaanlintala ang bigat ng araro at init ng araw sa trabaho sa bukid. Araw-araw na ganito ang
ginagawa ng magkaibigang hayop. Sa gabi lamang sila nakakapagpahinga.
Isang gabi pagkatapos ng trabaho sa bukid ay nagsama-sama ang mga alagang hayop ng
magsasaka. Nagkuwentuhan sila sa kanilang ginawa sa buong maghapon.
Napansin ng dalawa mula na rin sa kuwento ng mga ibang hayop na sila lamang ang pagod na
pagod na buong maghapong nagtratrabaho sa bukid. Samantala ang mga ibang hayop ay
walang ginawa kundi maglaro o di kayay kumain lamang. Tulad na lamang ni manok na buong
maghapon daw na palakad-lakad lamang na naghahanap ng uod na makakain, o di kayay si
pato na palangoy-langoy lang daw sa ilog at si kambing na walang ring ginawa kundi kumain ng
kumain ng damo.
Kinabukasan, dahil sa mga narinig mula sa ibang hayop ay napagkasunduan ng dalawa na
magpahinga sa araw na iyon. Sa halip na magtrabaho ay magpupunta sila sa katabing ilog
upang maligo. Inantay nilang makatulog ang magsasaka at saka tahimik na inalis ang mga suot
na araro at nagtungo sa may ilog.
Tinanggal ng dalawa ang kanilang mga balat at sinampay ito sa may puno saka tumalon sa ilog.
Ngunit biglang nagising ang magsasaka at nakita na nawawala ang dalawa. Hinanap niya ang
mga ito at natanaw niya sila sa may ilog na masayang naliligo.
Kinuha ng magsasaka ang kanyang pamalo at lumapit sa dalawang magkaibigan. Nagulat si
baka at kalabaw ng makitang papalapit sa kanila ang magsasaka. Dali-daling tumayo ang dalawa
at isinuot ang kanilang balat na nakasampay sa puno. Ngunit dahil sa pagmamadali at sa takot,
nagkapalit ng nakuhang balat ang dalawa. Dahil mas mataba si kalabaw masikip sa kanya ang
balat ni baka. Samantalang maluwag naman kay baka ang balat ni kalabaw kayat nakalawit sa
may leeg ang balat.
Nagmamakaawang humingi ng tawad ang dalawa sa magsasaka. Pinatawad niya ang mga ito
ngunit bilang parusa sa ginawa ng dalawa ay hindi na pinagpalit ng magsasaka ang mga balat

nila. Ito na rin ang magpapaalala sa dalawa na huwag maging tamad at gawin ang iniatas na
trabaho.

You might also like