You are on page 1of 3

Pauso ( Talumpating 

Nanlilibang)
OCTOBER 20, 2015 / LEAHENRIQUEZ

Sabi ng mga taong may-edad na, ang mga kabataan daw ngayon ay ibang-iba sa
kabataan noon. Mas inaatupag pa ang kapusukan kaysa pag-aaral, para bang
isinasabuhay na ang sabi ng Globe na “Go lang nang go” dala narin siguro ng
modernisasyon sa ating mundo. Hindi natin sila masisisi kung ganoon na lamang ang
kanilang naisambit sapagkat minsan ng sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa
ng bayan, at hindi rin natin maiaalis sa ating mga magulang o yaong mga naunang
henerasyon na mag-alala sa tuwina dahil sa mga nakikita nilang gawain ng mga
kabataan ngayon, na kung tawagin ng karamihan ay “Selfie para sa ekonomiya”.
Tanong ko lang paano nga ba nakakatulong ang selfie para sa pag-unlad at paglago ng
ating ekonomiya?

            Ayon sa isyu ngayon, ang mga kabataan daw ay hindi makasagot kapag
tinatanong tungkol sa kasaysayan pero kapag isyu tungkol kina Aldub at Pastillas girl,
agad-agaran ang kasagutan. Pati na rin ang tungkol kina Daniel Padilla at Kathryn
Bernardo, ay kaagad na nakasasagot, Edi wow! Ganito na pala ngayon, marami na ang
nakalimot sa kung sino ang mga taong nagbigay ng kalayaan sa atin noong unang
panahon. Nakalulungkot aminin na marami na rin sa mga kabataan ngayon ang
nagdadalantao na kahit sa murang edad pa dahil sa akala nilang natagpuan na nila ang
kanila forever. Sabi nila sa isa’t isa, “mahal kita,” hindi man lamang inisip na mahal
din ang kilo ng bigas. Isa pa, sabi nila, “hindi ako mabubuhay kung wala ka,” tanong
ko, bakit dati nung wala siya ay nabuhay ka? Sagot naman ng mga kabataan, “walang
makakapigil sa amin…” ay! Myembro pala ng pabebe girls. Halos lahat nalang ay
nakikisali na sa pauso, isali na rin natin ang kalye serye ng Aldub na dumaragdag sa
trapik sa Manila, marami na ang pumapag-ibig ngayon, kaya alam kong kilig much
kayo pagdating sa kanila, pero ‘wag padadala ha? Dahil walang forever. Sa halip na
ituon natin ang ating pansin sa mga bagay na ito, bakit ‘di nalang sa bagay o gawain
na makapagpapatunay sa sinabi ng ating bayaning si Rizal? Patunayan natin na tayong
mga kabataan ay talagang pag-asa ng bayan.

            Mas alam pa natin ang pabebe wave ni yaya Dub kaysa sa tamang pagtuwid at
paglagay ng kamay sa dibdib tuwing kinakanta ang pambansang awit. Puro tayo share
sa facebook ngunit hindi man lang tayo makapagbigay sa mga taong nangangailangan
sa tulong natin. Dahil mga uso ang pinag-uusapan natin, isali na rin natin ang tungkol
sa nalalapit na eleksyon, marami na ang nagsisilitawan na mga ala wondergirls na
kumakanta sa ating bayan ng “I want nobody, nobody but you,” na sinasagot niyo rin
ng “I love the way you lie.” O diba, talagang napakaraming uso ngayon, kaya pati
grado ay nakikiuso na rin sa mapupulang labi ng mga estudyante. Nawa’y imulat natin
ang ating mga mata, marami man ang bago sa kasalukuyan, huwag nating kalimutan
ang nakaraan at ang ating kasaysayan.
https://enriquezleah25blog.wordpress.com/2015/10/20/pauso-talumpating-nanlilibang/

Talumpating nanghihikayat ng tao


Mga kagalang-galang na opisyal, mga giliw kong tagapakinig at ilang taong
naririto, isang magandang araw po sa inyong lahat.

Isang karangalan para sa akin ang pagpaunlakan ninyo ako, bilang Direktor ng
A.T.C, International Association in Tea and Coffee Industry, upang mailunsad at
ipakita sa publiko ang isa sa pinakabago naming produkto.

Ano nga ba ang tsaa?..Ang tsaa ay isang uri ng inuming maaaring magpaginhawa
ng ating pakiramdam. Sa pag-inom ng tsaa nababawasan ang pangamba natin ng
cancer dahil sa anti-oxidant na merong ito. Ang anti-oxidant na ito ay
nakakatulong upang mapabagal ang pagtugbo ng ugat ng cancer. Maaring
makatulong rin ito sa paglaban natin sa nakakapahamak na liwanag na galing sa
araw o ang itinuturing natin na UV rays. Sa panahon ngayon, naoobserbahan
natin ang pagbabago sa bawat araw. Kasabay nun ay ang pagkalat ng maraming
sakit dahil sa mahinang proteksyon ng ating katawan.

Ang tsaa ay isa rin sa mga herbal products na maituturing natin. Sa bawat
ratsada na nagyayari sa bawat oras, marami-rami sa atin ang napapagod o puyat
sa pagtatrabaho. Isa sa mga pinaka-mainam na solusyon dito ay ang pag-inom ng
tsaa. Dagdag pa dito, ito ay may kakayahang mapabilis ang ating pagdumi. Gaya
mg fibers na makukuha natin sa mga gulay, kaya nitong alisin ang ilang kemikal
na napaploob sa ating mga bituka na siyang maaring magdulot ng sakit sa atin.

Sa panahon ngayon, marami nang sakit ang nagkalat, maraming namamatay sa


bawat segundo hindi dahil sa mga kaguluhan kundi dahil sa walang lunas na
sakit. Ayon sa aming pagsasaliksik na nakalap, sa sampung taong aming
kinuhanan ng aming test ay sa apat na taong umiinom ng tsaa ay napag-alaman
naming malakas ang kanyang immune system laban sa mga sakit hindi gaya ng
anim na natitira na hindi umiinom ng tsaa. Ang anim na taong iyon ay hindi
nakaligtas sa sakit. At mula dito napatunayan namin na ang tsaa ay katangi-tangi
ngang talaga. Pinapalakas nito ang ating resistensya laban sa mga microbyo at
bakteryang maaaring magdulot ng sakit sa atin.
Aking hinihikayat ang lahat na sana’y tangkilikin itong produktong ito dahil batid
ko ang kaseguraduhan at proteksyon para sa inyo. Muli ako’y nagpapasalamat sa
inyong pakikinig, at pagdalo.

Maraming salamat po.

http://licoris-speeches.blogspot.com/2010/12/talumpating-nanghihikayat-ng-tao_7411.html

You might also like