You are on page 1of 11

Ang Konseptong Papel Bilang Panukalang Saliksik

Modyul 11 Pagpili ng Paksa

Ang pananaliksik ay isang seryosong gawain na hindi lamang lumilinang sa talino at mga
kakayahan ng isang mag-aaral, bagkus ay sumusubok din sa kakayahan niyang mag-
ambag ng bagong kaalaman sa isang partikular na larangan. Isa itong pagkakataon
upang matuto at lumawak ang pang-unawa sa mundong ginagalawan.

Ang pananaliksik ay nangangailangan ng pagod, panahon at pondo.

Pagod = Kasipagan ; Bukod sa talinong pupuhunanin upang makakuha ng tamang


datos at mabisang masuri ang mga ito, kailangan din ang kasipagan
upang tuloy-tuloy na gawin ng mananliksik ang pag-aaral
hanggang matapos at hindi siya titigil kahit napapagod na.

Panahon. Mahalaga din ang panahon dahil minsan, may petsang hinahabol kung
kailan dapat matapos ang pag-aaral. May mga ding napapaso o
nawawalan na ng halaga kapag masyadong matagal ang
inabot bago nasuri.

Pondo. Higit sa lahat, kailangan ng pondo. Mula sa transportasyon na gagamitin


upang mapuntahan ang mga pook na pagkukunan ng datos
hanggang sa mga papel at tintang gagamitin sa pag-iimprenta ng
saliksik, may kaakibat na gastos. Maraming saliksik ang
napakaganda sana ngunit hindi man lang nasimulan dahil sa
kawalan ng pondo.

Dahil sa mga konsiderasyong ito, mahalagang maging tiyak ang mananaliksik sa


kaniyang gagawing pag-aaral bago ito simulan. Nakapanghihinayang lamang kung aabot
sa puntong nangangalahati na siya sa pag-aaral – nakapaglaan na ng maraming pagod,
panahon, at pondo – ay saka hihinto sa pag-aaral dahil wala itong pinatutunguhan.

Samantala, ang konseptong papel ay isang maikling akademikong papel na nagbibigay ng


pangkalahatang impormasyon tungkol sa isang panukalang saliksik.

Sa mga akademikong institusyon, pribadong kompanya o propesyonal na


organisasyon, hinihingi ang konseptong papel upang mabilis na mapagpasiyahan kung
alin sa mga inilalapit na pag-aaral ang karapat-dapat pagkalooban ng “grant” o pondo.
Ayon sa Hanover Grants, ang isang konseptong papel ay karaniwang binubuo ng:

a. Panimula
b. Rasyonal o pangangailangan na maaari ding tawaging kaligiran o background ng pag-
aaral
c. Paglalarawan ng proyekto na naiisa-isa sa mga pangkalahatan at tiyak na layunin,
metodo at panahong gugugulin
d. Pagpopondo o badyet
e. Mga detalye kung paano makokontak ang mananaliksik

Ang pagpili ng paksa – unang suliraning kinahahrap ng isang mananaliksik. Ang paksa ay ang
problemang nais lutasin ng pananaliksik o ang penomenong nais pag-aralan. Ang paksa ng
pananaliksik ay dapat manggaling sa mga suliraning personal, propesyonal, teoretikal, iskolarli,
politikal, o panlipunan. Dapat ding personal na gusto ng mananaliksik ang paksa o magkaroon ito
ng tanging halaga sa kaniya upang hindi mawala ang interes niya rito at talagang ipursige ito
(DePoy at Gitlin, 2015)

Ngunit ang pagpili ng paksa ay hindi lamang nagtatapos sa pagtukoy sa interes. Dapat
ding basahin ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura upang matukoy kung ano pa ang hindi
naisusulat tungkol sa paksa; ano-ano ang magkakasalungat na kaalaman na maaaring lutasin; o
paano ilalapat sa bagong konteksto ang isang dati ng pag-aaral.

Ayon kay Elisabeth Blandford sa kaniyang aklat na How to Write the Best Research Paper Ever!(2009),
isa sa mga paraan upang magawang tiyak ang isang paksa ay ang suriin kung may mga
espesipiko pa bang paksa sa ilalim nito.
Sa paggawa ng tiyak ng paksa, makatutulong ang paggawa ng web diagram o concept
map na magpapakita ng pagsanga-sanga ng isang malawak na paksa hanggang marating ang
mga tiyak na ideya, gaya ng sumusunod:

Komento
Politikal Larawan
Pangkalikasan
Ekonomiko/ Video
Komersiyal
Mga Post
Kultural

Mga Ideolohiyang
Mga Kompanya,
Maaaring Isulong Instagram
Organisasyon o
Ahensya

Mga Personalidad
Pagpapahayag na may Instagram
Mga
ng Sarili Mga
Ordinaryong
Pinaggagamitan
Tao

Dokumentasyon Mga Sikat na


ng Buhay Koneksiyon Personalidad

sa Tao
Pag-eendorso
o Pagbebenta
Modyul 12 Pagsulat ng Tentatibong Balangkas

Ang balangkas o outline ay kalansay ng mga ideyang pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong


gagawin. Ipinakikita nito ang pangkalahatang paksang tuon ng pag-aaral, ang mga tiyak
na paksang magtatakda ng daloy ng pagtalakay, at ang mga espesipikong detalye
tungkol sa bawat isa.

Sa pagtingin sa isang balangkas, nagkakaroon na ng pangkalahatang pangmalas


ang mambabasa kung ano ang lalamanin ng pag-aaral at kung paano ito tatakbo.

Ayon sa Hanover Grants, ang mga sumusunod ang ilan sa mga dahilan kung bakit
isinusulat ang isang konseptong papel:

1. Upang maging salalayan o gabay ng gagawing panukalang saliksik


2. Upang makabuo ng mga potensyal na solusyon o paraan ng pagsisiyasat sa isang
binabalak na saliksik
3. Upang masubok kung ang isang saliksik ay posibleng pondohan
4. Upang makaakit ng mga institusyon o organisasyong magpopondo sa isang pananaliksik

Ayon pa rin sa Hanover Grants, ang isang konseptong papel ay binubuo ng mga
sumusunod na bahagi na dapat isaalang-alang sa paggawa ng tentatibong balangkas:

1. Panimula – binibigyang-diin nito kung paano nagkakatugma ang layunin ng mananaliksik at


ang layunin ng institusyon o organisasyong nagkakaloob ng pondo. Ipinapakita nitong
nagkakatulad sila ng misyon kaya ang pagbibigay ng pondo sa pananaliksik ay paraan na
rin ng pagtupad sa misyon ng institusyon o organisasyon.

2. Rasyonal – nahahawig ito sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura ng isang ganap na


pananaliksik gaya ng tesis. Nagbibigay ito ng pangkalahatang pagtalakay kung ano ang
pinanggagalingan ng pag-aaral.

3. Paglalarawan ng Proyekto – sa bahaging ito tinatalakay kung ano ba ang panukalang


proyekto o pananaliksik. Ipinapakita kung paanong ang nasabing proyekto o
pananaliksik ang nagiging sagot sa suliraning nais imbestigahan o paraan upang
matuklasan ang impormasyong hindi pa alam o lunas na pupuno sa natukoy na
pangangailangan. Kasama rin sa paglalarawan ng proyekto ang mga sumusunod:

a. Pangkalahatang Layunin – ito ang aspirasyon o mithiing nais maabot ng pag-aaral.


Halimbawa, maaaring maging pangkalahatang layunin ng isang
pananaliksik ang pag-aaral kung may impluwensya ba ang social media sa
pagboto ng mga netizens sa halalang pambansa.

b. Tiyak na Layunin – ito naman ang mga tiyak na pagkilos na nais isakatuparan ng
pananaliksik o tiyak na impormasyon nais nitong malaman.
Naoobserbahan dapat ang mga ito nang aktuwal o nasusukat nang tumpak.
Halimbawa, maaaring maging tiyak na layunin ng isang pananaliksik tungkol sa
impluwensya ng social media sa pagboto sa halalang pambansa, ang
pagtukoy kung naiimpluwensyahan ba ng social media ang pagboto ng mga netizen
depende sa mga positibo o negatibong komento (sa social media) tungkol sa
kandidato.

c. Metodolohiya – Inilalarawan dito ang paraan ng pagsasagawa ng pananaliksik.


Tinutukoy rito ang gagamiting disenyo at metodo at ang mga tiyak na
hakbang na gagawin. Inilalatag din dito ang panahong target na matapos
ang proyekto o ang tinatawag na timeline. Ilan sa mga halimbawa ng
metodolohiya ang mga sumusunod:

1. Pananaliksik na Kuwalitatibo
Ito ay paggamit ng mga teorya sa pagpapaliwanag ng isang sinusuring
paksa. Kadalasan, kailangang maging isang matibay o napatunayan ng
mga katotohanan (mula sa teorya) ang gagamitin upang mabuo ang isang
pananaliksik na kuwalitatibo. Ilan sa mga halimbawa nito ang
teoryang Textual Analysis, Deconstruction, Post Modernism, Feminismo,
Realismo, Idealismo, Marxismo, at mga katulad nito.

2. Pananaliksik na Kantitatibo
Pinaglalaanan ng pansin sa bahaging ito ang bilang ng datos at ang
siyentipikong pamamaran sa pagsusuri o pagtutuos sa mga datos na ito at
kung paano makatutulong ang naging resulta sa isinasagawang pagsusuri. Ilan
sa mga halimbawa nito ang mga sumusunod:
2.1 Sarbey
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kolektibong resulta ng pagkalap
ng datos sa paraang pagsagot sa mga katanungan na may kaugnayan sa paksa.

2.2 Feasibility study


Isa itong paraang karaniwang ginagamit sa market research o sa mga
pananaliksik na nauukol sa pagbebenta ng mga produkto o serbisyo. Ayon kina
Hofstrand at Holzclause(2009), mula sa pangalang “feasibility”, sinusuri ng
ganitong pag-aaral kung “bebenta” o tatangkilikin ba ang isang ideya. Inaalam
nito kung may potensyal ba ang isang produkto o serbisyo bago pormal na
buksan ang isang negosyo upang matiyak na tatangkilikin ito o maiwasan ang
pagkalugi kung sakaling hindi naman pala bibilhin ang ibinebenta.

2.3 Case Study


Isang paraan ng pagsusuri sa pamamagitan ng obserbasyon at pagtatala
ng mga daos na makukuha buhat sa mga inaral na sitwasyon, konsepto, ideya, o
lugar. Ang resulta ang magsisilbing batayan ng pagsusuri sa paksang tinatalakay.

2.4 Eksperimento
Isang paraan ito ng pananaliksik na gumagamit hindi lamang ng mga
resulta ng pagsusuri o obserbasyon, kundi pati na rin ng mga aktuwal na material
o bagay na ginamit sa pagsusuri.

d. Inaasahang bunga- inilalatag dito ang inaasahang kahihinatnan ng pananaliksik. Tinutukoy rin
kung sino ang makikinabang sa pananaliksik at kung paano.

4. Badyet – tinutukoy rito ang halagang kakailanganin sa pananaliksik. Maaari itong maging detalyadong
badyet na nag-iisa-isa sa mga aytem na dapat pagkagastusan o isang buong halaga na sama-sama na ang
presyo ng lahat ng dapat pagkagastusan.

5. Contact Information – Tinutukoy naman dito kung paano makakausap ng institusyon o organisasyong
magpopondo ng proyekto ang mga mananaliksik. Maaari ditong ilahad ang numero ng telepono o
cellphone at ang e-mail address.

Kung gagawa ng balangkas, ganito ang magiging anyo ng gagawing konseptong papel:

I. Panimula

II. Rasyonal

III. Paglalarawan ng Proyekto

A. Pangkalahatang Layunin

B. Mga Tiyak na Layunin

C. Metodolohiya

D. Inaasahang Bunga

IV. Badyet

V. Contact Information
Modyul 13 Pagbuo ng Tentatibong Bibliografi

Ang bibliografi ,ayon kay Gates (1994) na sinipi ng Mount Allison University, ay tala ng
mga aklat, artikulo, opisyal na dokumento ng gobyerno, manuskrito at iba pang publikasyon
tungkol sa isang paksa na binibigyang-detalye at isinasaayos nang may sistematikong
pagkakasunod-sunod. Ipinapakita ng bibliografi ang mga pag-aaral na naisulat na tungkol sa
paksang sinasaliksik na magagamit na batayan o salalayan ng gagawing pag-aaral.
Sinusuportahan nito ang kredibilidad ng ginagawang pananaliksik dahil nagiging mala yang
estudyante sa pagsangguni sa mga awtoridad sa paggawa ng kaniyang pag-aaral at sa pagtukoy
sa kanila sa halip na itago ang kanilang pagkakakilanlan na isang kaso ng plagiarism.

Sa isang ganap na pananaliksik gaya ng tesis, disertasyon, o artikulo sa isang dyornal,


makikita ang bibliografi sa mga huling pahina. Ang karaniwang ginagawa ng mga estudyante ay
magdeklara muna ng mga sanggunian sa katawan ng papel, halimbawa’y ang pagsisingit ng
apelyido ng may-akda at taon ng pagkakalimbag ng binasang libro (intext citation) sa
pangungusap na may impormasyong hiniram lamang.

Iba’t ibang Estilo sa Pagtukoy sa Bibliografi ng mga Sanggunian

1. Estilong APA o American Psychological Association – karaniwang ginagamit sa mga pag-aaral


tungkol sa agham-panlipunan gaya ng sikolohiya, sosyolohiya, at iba pa.

2. Estilong MLA o Modern Language Association – karaniwang ginagamit sa mga pag-aaral na


nauukol sa mga wika at humanidades gaya ng mga pananaliksik tungkol sa Filipino o Ingles, mga
pananaliksik tungkol sa sining, at iba pa.

Dahil sa modernong teknolohiya, may madali ng paraan sa paghahanda ng bibliografi


anuman ang estilo. Ito’y sa pamamagitan ng reference tab ng Microsoft Word na
pinakakaraniwang programa na ginagamit sa pagta-type ng mga dokumento. Sundin lamang
ang mga sumusunod na hakbang:

1. I-click ang Reference Tab sa gawing itaas ng Microsoft Word. Makikita ang icon ng Style.
Mula rito ay piliin ang angkop na estilo ayon sa uri ng ginagawang pag-aaral o ayon sa
itinakdang estilo ng guro.

2. I-click ang icon ng Insert Citation at i-click ang Add New Source.
3. Lalabas ang kahon ng Create New Source. Piliin sa Type of Source ang uri ng sangguniang
ginamit kung ito ay Book, Web Site, Interview, at iba pa. Ang mga impormasyong hihingin ng
Create New Source ay mag-iiba-iba depende sa uring pipiliin.

4. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon at i-click ang Ok. Kapag dalawa o higit pa ang mga
may-akda ng isang aklat, iclick lamang ang Edit na nasa gilid ng Author at idagdag ang pangalan
ng ikalawa, ikatlo at iba pang may-akda.

5. Kapag matagumpay na naipasok ang mga hinihinging detalye, lalabas ang isang panaklong na
may apelyido ng may-akda at taon ng publikasyon. Ulit-ulitin lang ang hakbang 2 at 3 hanggang
maipasok ang lahat ng sangguniang ginamit. Tiyaking lalabas ang panaklong na may pangalan
ng may-akda at taon upang masigurong maipasok ang bibliographic entry.

6. Kapag naipasok na ang lahat ng sangguniang bubuo sa bibliografi, i-click na ang Bibliograhy at
ang unang kahon na Bibliography rin ang pangalan. Lalabas ang kompletong bibliografi na
nakasunod-sunod na ayon sa alpabeto at nakaayos na ng tumpak ang format ng bawat lahok.

Ang mga sumusunod naman ang pangkalahatang format sa pagtukoy ng mga sanggunian sunod
sa estilong APA at MLA:

APA
Aklat
Sa pangkalahatan, ang pagtukoy sa aklat bilang sanggunian ay dapat maglaman ng mga
sumusunod na elemento: pangalan ng may-akda o editor (nauuna ang apelyido na sinusundan
ng inisyal lang ng unang pangalan), taon ng pagkakalimbag, pamagat ng aklat, pook na
pinaglimbagan, at pangalan ng kompanyang naglimbag.
Kapag iisa lang ang may-akda:
Reyes, A. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Lungsod
Makati: University Press of First Asia.
Kapag dalawa o higit pa ang mga may-akda:
Reyes, A.,& Setubal, J. (2016). Pinagyamang Wika at Panitikan 10. Lungsod Makati:
University Press of First Asia.
Kapag walang may-akda:
Ortograpiyang Pambansa. (2014). Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Artikulo sa mga pahayagan at Magasin


Sa pangkalahatan, ang pagtukoy sa aklat bilang sanggunian ay dapat maglaman ng mga
sumusunod na elemento: pangalan ng may-akda (nauuna ang apelyido na sinusundan ng inisyal
lang ng unang pangalan), taon ng pagkakalimbag, pamagat ng artikulo, pahayagan o magasing
naglimbag, bilang ng tomo (volume), bilang ng isyu(kung mayroon man), at pahina kung saan
mababasa.
Artikulo sa Pahayagan
Kapag iisa ang may-akda:
Delos Reyes, J.(2015, November 17). The Internet remembers us. Inquirer Libre, p.4.
Kapag dalawa o higit pa ang mga may-akda at nasa magkakaibang pahina ang artikulo;
Balagtas, A., & Brizuela, M. (2015, November 17). Pagsasara ng mga kalye, naging
kalbaryo sa libu-libong napilitang maglakad. Inquirer Libre, pp. 1,2.
Artikulo sa Magasin
Villanueva, J. (SY 2010-2011). Ang mga Pagkaing Tsino. Alitaptap, 22(4), 8-10

Social media
Dahil sa popularasyon ng social media at pagkakaroon nito ng di-matatawarang
nilalaman, mula sa artikulo hanggang sa direktang pahayag mula sa mga awtoridad o
mahahalagang personalidad sa pamamagitan ng kanilang mga opisyal na account (hal.,
Facebook, Twitter o Instagram), hindi maiiwasang hindi ito gamitin bilang sanggunian. Kung
tutukuyin ang social media sa mga sanggunian, mahalagang maisama ang totoong pangalan ng
may-akda (kung kilala ito) o ang username niya, ang petsa ng update, ang buong teksto nito
(hal., tweet o FB status post), ang paraang ng paglalathala, at ang UR o link kung saan ito
nakuha.
GMA News. (17 November, 2015). President Noynoy Aquino (P-Noy) strongly advocated
for the participation of Filipino micro, small, and medium enterprises in the regional trade
among APEC member-economies [Facebook status update]. Retrieved from
https://www.facebook.com/gmanews/?fref=nf#
Mag-Online
Para sa kompletong gabay para sa pagtukoy ng social media bilang sanggunian
sunod sa estilong APA, bisitahin ang http://blog.apastyle.org/apastyle/2013/10/how-to-
cite-social-media-in-apa-style.html.

MLA
Aklat
Sa pangkalahatan, ang pagtukoy sa aklat bilang sanggunian ay dapat maglaman ng mga
sumusunod na elemento: pangalan ng may-akda o editor (nauuna ang apelyido na sinusundan
ng kompletong unang pangalan), pamagat ng aklat, lungsod na pinaglimbagan, at pangalan ng
kompanyang naglimbag, taon ng pagkakalimbag, at paraan ng pagkakalimbag.
Kapag iisa lang ang may-akda:
Reyes, Alvin Ringgo. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Lungsod
Makati: University Press of First Asia, 2016. Print
Kapag dalawa o higit pa ang mga may-akda:
Reyes, Alvin Ringgo, at Jessie Setubal. Pinagyamang Wika at Panitikan 10. Lungsod
Makati:University Press of First Asia, 2016
Kapag ang may-akda ay isang kompanya o organisasyon:
Komisyon sa Wikang Filipino. Ortograpiyang Pambansa. Manila: Komisyon sa Wikang
Filipino, 2014. Print.

Artikulo sa mga pahayagan at Magasin


Sa pangkalahatan, ang pagtukoy sa aklat bilang sanggunian ay dapat maglaman ng mga
sumusunod na elemento: pangalan ng may-akda (nauuna ang apelyido na susundan ng buong
unang pangalan), pamagat ng artikulo na nasa mga panipi, pangalan ng pahayagan o magasing
pinaglimbagan, petsa ng pagkakalimbag (mauuna ang araw, susundan ng buwan na nakadaglat,
at taon), bilang ng pahina, at paraan ng pagkakalimbag.
Artikulo sa Pahayagan
Kapag iisa ang may-akda:
Delos Reyes, Juan. “The Internet remembers us.” Inquirer Libre 17 Nov. 2015: 4. Print.
Artikulo sa Magasin
Villanueva, Jose. “Ang mga Pagkaing Tsino.” Alitaptap SY 2010-2011: 8-10. Print

Social media
Kung tutukuyin ang social media sa mga sanggunian, mahalagang maisama ang totoong
pangalan ng may-akda (kung kilala ito), ang username niya, ang buong teksto ng update (hal.,
tweet o FB status post), ang petsa at oras ng update at paraan ng paglalathala.
GMA News. “President Noynoy Aquino (P-Noy) strongly advocated for the participation of
Filipino micro, small, and medium enterprises in the regional trade among APEC member-
economies.” 17. Nov. 2015, 10:56 a.m. Facebook.
Mag-Online
Para sa kompletong gabay para sa pagtukoy ng social media bilang sanggunian
sunod sa estilong MLA, bisitahin ang http://research.wou.edu/mla-socialmedia.
Modyul 14 Karapatang Intelektuwal at Plagiarism

Ang plagiarism o kilala ring intellectual dishonesty ay ang pangongopya ng ideya o salita ng
ibang tao nang hindi sila kinikilala. Ito ay gawi ng pagnanakaw dahil kinukuha ng isang tao ang
ideya o salita na hindi naman sa kaniya at isa ring gawi ng pagsisinungaling dahil may intension
siyang ikubli ang krimen kung hindi ito matutuklasan o panindigan pa kung malalantad.

Ilan sa halimbawa ng plagiarism ay ang mga sumusunod:


 Pagpapalabas na ang isang akda ay gawa ng isang tao kahit hindi
 Pangongopya ng pahayag o ideya mula sa iba nang hindi sila kinikilala
 Hindi paglalagay ng panipi sa mga pahayag na sinabi ng iba
 Pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan o pinanggalingan ng
isang pahayag
 Pangongoopya sa ayos ng napakaraming salita o ideya mula sa ibang akda na halos ito
na ang bumuo sa sariling gawa, kahit pa tinukoy ang pinagkunan

Maituturing din na plagiarism ang mga sumusunod ayon pa rin sa Web site:
 Pangongopya ng midya mula sa mga Web site, lalo na ang mga imahen, para ilagay sa
sariling akda o sariling Web site
 Paggawa ng video gamit ang footage ng ibang video o paggamit ng musikang may
copyright bilang bahagi ng ginagawang soundtrack
 Pagtatanghal ng musikang protektado ng copyright (hal., Paggawa ng cover)
 Paglikha ng komposisyong pangmusika na hinango sa ibang musika

Ilan sa mga parusa sa isang napatunayang nagkasala ang pagkakuha ng bagsak na marka sa
gawaing plagiarized, pagkakuha ng bagsak na marka sa buong asignatura o kurso, pagpapatalsik
sa paaralan, pagbawi ng digri, o kulong at/o multa.

Sa Pilipinas, pinoproteksyonan din ang karapatang intelektuwal ng Republic Act 8293 o


Intellectual Property Code of the Philippines.

Ayon sa World Intellectual Property Organization, ang pag-aaring intelektuwal ay


anumang gawa ng isip, gaya ng mga imbensiyon; mga akdang pampanitikan o likhang-sining;
mga disenyo; at mga simbolo, pangalan, at imaheng ginagamit sa kalakalan. Saklaw nito ang
mga sumusunod:
1. Copyright – ito ang legal na katawagan sa pagmamay-ari ng isang alagad ng sining sa
kaniyang likha o ng isang manunulat sa kaniyang akda. Saklaw nito ang mga aklat, musika,
pinta, eskultura, pelikula, programa sa kompyuter, patalastas, mapa, mga teknikal na guhit, at
iba pa.

2. Patent – isa itong eksklusibong pagmamay-aring ibinibigay sa isang tao para sa kaniyang
mbensiyon. Nasa kaniya kung ano ang gagawin sa patent, kung sasarilinin ba niya ito at
pakikinabangan, o ibebenta sa iba at pagkakakitaan. Kung pipiliin niya ang huli, kailangan niyang
ilantad ang mga nakatagong detalye kung paano nalikha ang produkto upang magawa din ito ng
pinagbentahan ng patent.

3. Trademark – ito ang tatak ng isang produkto o serbisyong nagsisilbi nitong pagkakakilanlan.
Dahil dito, nakikilala kung ano ang gawa ng isang kumpanya sa isa pang kompanya, lalo na kung
pareho silang may gayong produkto o serbisyo.

4. Mga Disenyong Pang-industriya – ito ang disenyo o natatanging ganda o pagkakaayos ng


isang bagay na nagsisilbi nitong pagkakakilanlan. Halimbawa, ang anyo ng payasong si Ronald
McDonald o ang itsura ng pulang bubuyog na si Jollibee. Ang disenyo ay maaaring maging
three-dimensional gaya ng hugis at pakiramdam ng isang bagay o maging two-dimensional,
gaya ng mga pardon, linya, at kulay.

5. Mga Panandang Heograpikal – ito ang inilalagay na pook na pinanggagalingan o


pinaggawaan ng isang produkto na nagpapakilala ng klase ng paggawa, reputasyon, o mga
katangiang natatangi sa pook na iyon. Halimbawa, kung ang isang tsokolate ay gawa sa
Pilipinas, hindi pwedeng palitan ang pook na pinanggalingan nito at ilagay ang “Made in
Switzerland” dahil magkaiba ang uri at kalidad ng mga tsokolate sa dalawang bansang ito.

You might also like