You are on page 1of 18

HAKBANG SA

PANANALIKSIK
KABANATA I
• Panimula
Walang taong ipinanganak na mayroon ng kaalaman kaya naman nararapat na pag-aralan ang isang tao upang
matuto. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang susi sa pagkamit ng mga minimithing pangarap ngunit ang
pag- aaral ay hindi basta - basta sapagkat ito ay isang proseso at nakakalungkot isipin na dahil sa kawalang disiplina
ng isang mag -aaral ay maaaring maglaho ang lahat ng kanilang pinaghirapan ( Tordecilla, 2011).
Ang pagiging huli sa klase ay kadalasang nagiging problema sa paaralan. Ito ay kumakahulugan sa sistema ng
pag -aaral bilang pagiging huli sa pagpunta sa paaralan o sa klase at naidudugtong sa pagiging absent at school drop
outs. Ang pagdating sa tamang oras sa paaralan at klase ay nagiging problema sa school compulsory attendance ang
unang lehislasyon ng pagiging huli sa klase ay sa united states massachusetts compulsory education Act. Of 1852,
kung saan sinasabi ang mga estudyanteng nasa edad na 11 at 14 ay kailangang mag aaral.
KABANATA I
• BALANGKAS TEORITIKAL
Ang pag aaral na ito ay naimpluwensiyahan ng symbolic interaction na nagbibigay diin sa pagiging huli
sa klase ng mga mag aaral.

Propayl ng mga respondente


sa:
Salik sa pagiging huli sa klase
A.kasarian
B.edad
KABANATA I
• PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag -aaral na ito ay patungkol sa epekto ng pagiging huli sa klase sa Bayanga National High School,
Bayanga Cagayan De Oro City. Sa taong 2019- 2020.
Ang pag aaral na ito ay may layuning masagot ang mga katanungan ng sumusunod:
1. Anu- ano ang propyl ng respondente sa mga sumusunod:
A. Edad
B. Kasarian
C. Baitang
2 Anu- ano ang mga salik sa pagiging huli sa klase.
KABANATA I
• KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Ang pag aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang epekto sa pagiging huli sa klase. Ang pag
aaral ding ito ay disenyo upang malaman ang mga iba’t ibang epekto sa pagiging huli sa klase ng
mga studyante sa Bayanga National High School. Ang pag- aaral na ito ay upang makapagbigay
ng higit na kaalaman sa mga isipan ang mabuti o masamang dulot ng kanilang pagiging huli sa
klase. Ang pag -aaral ding ito ay pwedi maging batayan sa Barangay Bayanga at gawing gabay
na papel sa pag mamonitor sa tama at dapat na pagiging huli sa klase at gumawa ang aksyon para
ipulong ang mga magulang sa lugar na ito para sa mag aaral, para sa magulang.
KABANATA I
• SAKLAW AT DELIMITASYON
Sa panahong papel na ito, sa pook ng Barangay Bayanga,
nakatuon ang pananaliksik at pag-aaral patungkol sa pagiging huli sa
klase. Ang Barangay Bayanga ay nasa lungsod ng Cagayan De Oro.
Dito nakabase ang aspetong pagiging huli sa klase.
KABANATA I
• DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
Huli . Ito ay isang buhay na kung saan estudyante at mga nag
tatrabaho ang kadalasang nakakabangit o nakakaranas nito. Na sa
sitwasyon na dumating sila sa maling oras na paruruonan nila.
Salik. Ito ay tumutukoy sa mga importanteng elemento or mga
nilalaman.
KABANATA II
• MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT KAUGNAY NA PAG AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na panitikan at pag aaral na kapaki- pakinabang para sa
pundasyon ng pag-aaral ang mga teorya ng pag aaral na ito.
Ayon kay Caubo (2015) nakakaapekto ang pagpupuyat o kakulangan sa pagtulog ang pagiging huli sa klase.
Isa sa pangit na kaugalian ng mga Pilipino ang pagiging huli sa anumang aktibidad o ang hindi natin pagsunod
sa takdang oras lalong lalo na sa klase. Karaniwan sa atin ang isang palatuntunan ay hindi nasisimulan sa
takdang oras dahil sa wala pa rin ang mga tauhang mag sisiganapan o kung hindi naman kaya'y wala pa rin ang
madlang siyang dapat sumaksi sa palatuntunan kung kaya'y nasalanta tuloy ang lahat.
KABANATA II
Ayon naman kay Gina A. Torres (2016) ang kawalan ng gana ng mga kabataan sa mga aktibidad sa klase
ay isa ring malaking factor kung bakit sila ay nag papahuli . Ang kawalan rin nb interes sa asignatura at
pagtuturo ng guro ay isa rin sa mga sanhi ng pagiging late ng studyante. Dahil dito, mas pinili ng iba na
maglibang muna at ipagsawalang bahala ang oras ng klase na kailangan nilang pasukan .
Inilahad din nila Sprick and Daniel's (2010) na ang kawalan ng paninindigan ng eskwelahan sa mga
kaparusahan at mga polisiya ay isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi napagtutunan ng pansin ang mga
kabataan sa kanilang pagiging huli o wala sa tamang oras. Dahil ang ilang guro ay hindi na pinapansin ang
suliraning ito, nasasanay ang ilan na palaging maging huli at hindi na binigyan pansin ang kahalagahan ng oras
sa paaralan. Isa pang dahilan ang hindi pagbibigay halaga sa mga estudyante na lagging maaga sa mga
paaralan.
KABANATA III
METODOLOHIYA

DISENYO AT METODO
Ginamit sa pag-aaral ang descriptive-correlational na disenyo. Ito ay disenyong pag-
aaral na sumusuri at sumusukat sa mga datos na sasagot sa mga katanungan sa pagitan
ng dalawa o higit pang mga variable (Fraenkel, Wallen & Hyun,1993). Inilalarawan nito
ang mga variable at ang makabuluhang ugnayan na nangyayari sa mga ito (Walker,
2005). Ito ay itinuring na angkop sa pag-aaral na tumukoy sa paggamit ng Self-Learning
Modules kaugnay sa kasanayang pag-unawa at pagsulat ng mga mag-aaral sa Baitang 10
sa Tabid National High School, Tabid, Ozamiz City.
KABANATA III
METODOLOHIYA

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
• Ang pag aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag
survey. Ang mga mananaliksik ay nag handa ng survey kwestyuner upang
malaman ang mga salik sa pagiging huli sa klase . Para lalong mapabuti ang
pav aaral, minabuti rin ng mga mananaliksik na mangalap ng impormasyon sa
ibat ibang hanguan tulad ng libro at internet.
KABANATA III
METODOLOHIYA

PAKSA NG PAG AARAL


Ang pananaliksik na ito ay nakapukos sa mga epektibong salik sa
pagiging huli sa klase. Sinaklaw nito ang Bayanga National High
School at nilimitahan sa mga mag aaral na laging nahuhuli sa klase.
KABANATA III
METODOLOHIYA

TRITMENT NG MGA DATOS


Ang ginamit na tritment sa mga datos ay ang pagkuha ng bilang at
dami ng mga datos na nakuha sa pamamagitan ng pagkuha ng
frequency at basagdan. At para sa pag kuha kung may malaking
problema ukol sa pagiging huli sa klase.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

BUMUO NG THEMES
Gumawa ng themes tungkol sa mga sagot ng mga respondente.
Pagkatapos ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kanilang mga
kasagutan.
KABANATA V

LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay gumamit at nangalap ng mas maganda at bolidong mga datos at
maintindihan pa ang pag aaral ng mga mananaliksik, gumawa ng sarbey kwestyuner para
masagutan ng mga respondente. Ang mga naging respondente sa pananaliksik na ito ay ang
mga estudyante sa paaralang Bayanga National High School. Nakalap din ng mga mananaliksik
ang sagot ng mga respondente sa mga katanungang nasa kwetyuner. Ang bawat tanong ay may
kaukulang sagot, ang nukaha ng mga mananaliksik ay ang mga salik sa pagiging huli sa klase.
Ang mga mananaliksik ay may Isanaang Siyam na pu't Lima (195) na respondente.
KABANATA V

• KONGKLUSYON
Batay sa natuklasan sa masusing pag-aaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na mga konklusyon;
1. Batay sa gulang karamihan sa mga respondente ay nasa labing-tatlo hanggang labing-apat na taong gulang.
2. Batay sa kasarian ang babae ang may panakamarami ang bilang na may siyamnapu't-siyam(99) na bilang ng respondente.
3. Ang mga dahilan sa salik sa pagiging huli sa klase ay ang sumusunod: Matagal matulog, Tanghali na Gumising, Malayo
ang bahay, Walang masasakyan, Maraming ginagawa sa bahay, Naglalakad papuntang paaralan, Tinatamad gumising,
Nagsisimba, Naglalaro, Mabagal maglakad.
4. May mga iba't- ibang salik sa pagiging huli sa klase.
5. Mayroong makabuluhang dahilan kung bakit may mga salik sa pagiging huli sa klase.
KABANATA V
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

REKOMENDASYON
Para sa lumalalang problemang hinaharap ng mga studyante tuwing umaga, may maraming napag isipang
mga solusyon ang mga mananaliksik. Isa sa mga natuklasang solusyon ng mga mananaliksik ay ang pagising
ng maaga. Ito ang pinakamabisang solusyong naiisip ng mga mananaliksik. Sa pagising ng maaga, pweding
ring gumamit ng mga alarm clock at iba pang mga kagamitan para makatulong sa maagang paggising.
Ang iba pang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pag disiplina sa sarili. Huwag pag aksayahin ang
oras. Kinakailangan ng isa ang paggawa ng mga gawain sa paaralan kagaya ng mga takdang aralin at mga
proyekto sa maagang oras. Ito ay para makamit ang tamang oras ng pag tulog at para makagising ng maaga.
MGA SANGGUNIAN

You might also like